View Full Version : Question re: Information Technology job
debian14
02-27-2008, 08:13 PM
konichiwa! good day po sa lahat ng member ng forum,
nagapply po ako sa isang agency dito sa manila as an information technology ang status po ngayon ay magttraining na kami ng jap. language may pinirmahan na po ako stating salary is 90,000 yen free house/1year contract renewable take home pay ko na yan taxes and insurance deducted na. makakasurvive po aba ako sa ganitong salary? tokyo daw po ang base namin. opinion lang po kung opportunity ito since this will be my first job/experience to japan
present salary ko 15kphp for 6years (technical support in medical transcription company) medyo nadoble kung matutuloy ako
TIA sa sasagot and god bless
sarpon
02-27-2008, 08:35 PM
sa inyo pa po ba yung food, transpo & utilities? kung ganun ay maliit po iyan.. try nyo rin baka pwede kayo mag part time sa ibang job pag weekend.
debian14
02-27-2008, 08:39 PM
food, transpo & utilities? yun po ang hindi namin naitanong, food mukhang malabo pero kung transpo & utilitiess isama nila pwede na po kaya? ang hirap ilang araw ko na pinagiisipan ito kung tama gagawin ko na makipagsapalaran sa ibang bansa
sarpon
02-27-2008, 08:43 PM
maliit po talaga pero marami pong opportunity pag nandito na kayo... kung kaya nyong pagtyagaan, ok lang siguro.
debian14
02-27-2008, 08:50 PM
oo nga bro para sa pamilya ko gagawin ko lahat lumalaki na kasi mga anak ko 6years and 2 years old, sana japan na ako swertihin para medyo makaahon sa hirap
Firipinjin
02-27-2008, 09:44 PM
consider your salary as minimum wage in Japan. While you can survive with your take home pay alone in Japan, you may not be able to save enough to support your family. Work hard while you are in Japan, learn the language as fast as you can and who knows, you maybe lucky to find a better job here.
cupnoodle
02-27-2008, 11:52 PM
I think ok na yan to start. Anyway trainee ka palang naman. Housing cost mga 50000yen plus utilities and transpo mga +-10000yen. Taxes, etc maybe less 10000yen. So kung add mo yan sa 90000yen aabot minimum ka na rin and IT naman hindi laborer. Pasalamat ka hindi ka papasok as laborer which is really hard work. Gambette ha!
kokorokara
02-28-2008, 06:12 PM
Pagsigurado ka na diyan grab mo na,remember opportunity knocks once at your door,ang importante magkaroon ka ng proper visa,kasi pagnandito ka na puwede kang rin maghanap ng ibang partime job ( marami po dito) para madagdagan yun kita mo,pero kailangan madiskarte ka rin dito,at malakas ang loob mo,alang alang sa pamilya mo.paghindi ka masyadong maluho,makakaipon ka rin,saka na maghappy happy,pagmalaki na kita:D.Goodluck!
debian14
02-28-2008, 07:24 PM
konichiwa! domo arigato gozaimasu!
sa mga nagreply sa ganitong pa lang na paraan nakakapag bigay kayo ng lakas ng loob sa mga pilipinong katulad namin na sa maguumpisa pa lamang makakatuntong ng japan sana po huwag po kayong magsawa
Firipinjin
02-28-2008, 10:33 PM
When you are already here working, do not be tempted to overstay (OS). Your life will be miserable here and you may not be able to see your family for a long time. Work hard and learn the language seriously.
debian14
02-29-2008, 03:45 PM
thank you po sir sa mga paalala nyo tandaan ko po yan Work hard and learn the language seriously, good luck po sa ating lahat
hiroyuki28
02-29-2008, 06:00 PM
medyo maliit ung starting salary sa tingin ko..usually kasi sa mga nakikilala ko dito ung starting nila is ranging from 160k yen to 180k yen..then libre na haus.. pro grab mo na rin para magkaron ka ng experience then pag andito ka na saka na lang ikaw humanap ng ibang malilipatan..:)
debian14
02-29-2008, 10:16 PM
@hiroyuki28 salamat sir ganun nga din po gagawin ko hanap ng ibang malilipatan pag nandyan na sa legal na paraan, kasi contract ko 1year so tapusin ko muna contract kasi bawal daw hindi tapusin
angel20
03-01-2008, 01:40 PM
hello pwede malaman kung san ka nag apply dito sa pilipinas IT rin kasi ako eh..salamat..please. ..
patrick
03-01-2008, 02:14 PM
mababa nga ung sasahurin mo... 9lapad ang maiiuwi mo? or ala pa dun ung gastusin mo? kasi may kakilala din akong trainee visa din pero di katulad mo na ET or IT... pero sumasahod sila ng 20plus na lapad... try mo kaya mag research ng agency sa cebu... marami din kasi doon... trainee visa din...
angel20
03-01-2008, 08:48 PM
alam mo ok lang yun, pag nan dun ka naman... pwede ka naman mag work sa iba. basta masipag ka lang at madiskarte. lahat ng tao dumaan sa first timer kaya syempre kailangan tiis muna...cge na ibigay mo na baka maka pag- apply ako..please...
Firipinjin
03-03-2008, 10:25 PM
If you are not too picky with the next job, you can try jobs like factory work, obento shops or construction (if you can't find anything in IT or office work). You can use this to extend your working visa and stay longer (although I don't know about trainee visa if you need to go back home and prevent you from finding local work). Then you have more time to find better work within your field of expertise.
There are many success stories of Pinoys in Japan. If you work hard and study japanese seriously during your first year (get to at least 2 kyuu level), you may just get lucky and be a success story for the rest of us to be inspired.
gerbie
03-08-2008, 03:33 PM
did anyone tried applying online to work there in Japan? please PM me some helpful links.
TIA :king:
debian14
06-19-2008, 01:25 PM
konichiwa!!
tadaima!mga ka TF dumating na po COE ko and also Visa.. thanks god dininig mga panalangin ko wait na lang po ako ng advise ng agency
domo arigato gozaimasu
sarpon
06-19-2008, 01:32 PM
konichiwa!!
tadaima!mga ka TF dumating na po COE ko and also Visa.. thanks god dininig mga panalangin ko wait na lang po ako ng advise ng agency
domo arigato gozaimasu
good! ano pong visa ang binigay sa inyo?
debian14
06-19-2008, 01:37 PM
engr po ang nakaindicate sa COE
sarpon
06-19-2008, 01:40 PM
engr po
ayos yan... engr visa din ako & sa first renewal ko ay nabigyan na ko ng 3-yr extension. pag nangyari sayo yun, makakahanap ka na ng work na mas maganda. tyaga lang muna.:)
debian14
06-19-2008, 01:47 PM
sir sarpon thanks,
mga ka TF thanks sa mga paalala at mga messages nyo sa akin, mabuhay tayong lahat kayo po ang nagpapalakas ng loob ko napakahappy ko sa Timog Forum
ahmmm kung may option kapa na ibang agency na sure ka rin na magbibigay sau ng pagkakataon na mag work sa ibang bansa like japan.. grab mo ung isa... pero kung wala... tama ang karamihan na sabi nila... grab mo na then nihongo ung susi.. based on my karanasan and karanasan ng karamihan ay nihongo ung naging susi sa mas mabilis na success sa bansang japan;)
pakita mo ung pinoy quality na work then be professional sa negotiations para itaaas ung salary ;) and be ready sa mga reasons dapat lagpas sa binayaran sau... kasi pano nga naman nila ikaw taasan kung ung work mo ay nakita nila na sapat lang sa salary na natatanggap mo.... bro sure ko kaya mo yan kasi family inspirations mo.. ako nga cousins and future girl... hihihi ;)
ganbatte bro... and pusaa nayan....dont forget to attend eb..
yoroshiku
infinite_trial
06-19-2008, 02:16 PM
maliit yan kung sa tokyo...ang mahal ng expenses dito.
mayumi1331
06-19-2008, 06:10 PM
Mababa ang 9ka lapad tapos kukunan mo pa ng pagkain. Para ka lang nagwork sa Pinas na Php15k ang sweldo. I suggest mag part-time ka dito para makadagdag sa kita mo. Mukhang malaki pa ang 9 ka lapad kase andyan ka pa sa Pinas. Pero magandang opportunity na rin sa yo ang magwork dito, makakahanap ka rin ng magandang work dito in the future. Basta maging madiskarte ka lang dito, andaming trabaho dito. Tyagaan lang talaga sa umpisa...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.