PDA

View Full Version : WALANG KAPIT-BAHAY

hacaya
02-28-2008, 04:58 PM
magandang araw sa lahat!:)

may sinulid na po ba tungkol dito?
kung wala pa po ay sisimulan ko na!:)

mag-dadalawang taon napo ako dito sa Nihon as a Housewife kaso wala parin po akong kapit-bahay.:D

nakakalungkot minsan kase kung sa Pinas pa tayo, marami tayong katsikahan diba!

dito naman hindi talaga uso sa mga hapon ang nangangapit-bahay noh?!:O
kayo isa ba kayo sa walang kapit-bahay?

katheyrine
02-28-2008, 05:03 PM
Pareho tayo...
Yung katabing bahay ko...si oba-chan...namatay na...:(
Ka-close ko pa naman si lolang kapitbahay ko...tuwing magsasampay ako sa veranda, nakikita ko sya...kaya kwentuhan to the max kami...
tapos nuong nawala na nga sya...giniba na bahay nya tapos ngayon parking lot na...

Eh itong mga nasa harapan kong bahay parang mga walang tao lagi..so para rin akong walang kapitbahay...
nkakabagowt...

mrs-mymelo
02-28-2008, 05:03 PM
Ako walang kapitbahay.Pero di ko na inisip 'yan.Busy kasi sa tatlo kong mga anak at trabaho.Pag nalulungkot open ko lang ang TF kahit di ako nag post,nag-eenjoy na rin akong magbasa ng mga posts ninyo.Keep up and be happy.:)

katty0531
02-28-2008, 05:47 PM
Ako naman meron...59 years old matanda pa sa nanay ko hihihi...at yong mga kapit bahay nya kaibigan ko na rin mga matanda na sila pag pasyal kami ni baby sa kanila..atsumaru yong ibang kinjo mababait din, dami ko nga donations eh...hihihihi..."osagari" daig ko pa may sampong byenan....from baby clothes to baby car bigay nila....toys! happy din me syempre pero may okaeshi mga yon kasi ayaw ni hubby na wala mahirap na baka may masabi...never akong nanghingi, pero pag toshi yori talaga ganon sila eh, hehehe.....ang hirap tumanggi kasi baka masaktan kaya tanggap ako ng tanggap bad kaya ako?
dalawa na tuloy baby car ko.

Noong nanganak ako tachi ai shiteta si kinjo okasan hahaha...love nya talaga ako nag labor ako andon,,,mas una pa nya nayakap si baby keysa saken...sabi ng nanay ko nong nasa nurseryroom na daw yong baby si kinjo okasan panay daw kuha ng picture sa window "patchi...patchi" daw sa ketai...natawa talaga ako....
Last time binigyan ko sya ng daing na danggit hahaha...ewan kung kainin nya talaga yon, lol....

to be continue.....

aj_4983
02-28-2008, 05:57 PM
Me too 2 years n dito sa nihon.
Up to now walang kakilalang kapitbahay.
Di kasi ako madalas lumabas ng bahay eh.
Pero OK lang:)

tisay
02-28-2008, 06:15 PM
Wala rin akong kapitbahay ...:rolleyes:dito sa place ko mismo walang pinay kaya nakakalungkot minsan walang kachikahan....kelang an ko pang magbyahe ng 1hr para makapunta sa mga kaibigan kong pinay:confused:..~~p ero ayos lang kasi puro haponesa mga frends ko dito sa place ko kaya di ako nabo boring...~;):p

jimiwest
02-28-2008, 08:07 PM
:DHi girls, pasali rin po habang resting from work.. para kunyari nangangapit bahay ako:D

Ala bang meryenda dyan? teka nakaninong bahay ako? 6 posts sa thread na ito so, it means isa senyo may ari nito.. teka, oh sino sa inyo ang may nakasabit na daing sa kusina?:D... ooppss wait.. at kanino naman pong bahay ito na may sampayan sa loob ng room? grabe sali saliwa ang mga sampayan..:D

Mahirap po talga kapag wala kayong kakilala na kapitbahay.. but minsan mas maganda na rin ng di ka napupurwisyo... try nyo isipin kung meron kayo kapitbahay na vietnamese.. or chinese.. di bat maingay at nakakainis... eh wag na tayong lumayo, paano po kung may kapitbahay kayo na pinoy or pinay? tapos ke ganda pa ng ugali? eh baka lalong di na kayo lumabas ng bahay nyan... ahahaha just kiddin...

Hanap po kayo ng hobbies, magandang release po ito sa stress nyo lalo na sa mga ginang ng tahanan.. try something na di nyo pa nasusubukan.. artworks, pottery, cross stitching, album cover, necklace achuchu sa katawan.. or much better learn how to play guitar.. ill teach you how... free lang po..

teka kanino bang bahay ito at meron pang spartan na tsinelas? oi nangangamoy bagoong.. ala bang pritong isda with matching enseladang labanos na may talbos ng kamote? abat.. bakit alang nasagot na may ari ng bahay? teka mapasok nga saglet.. wow bongga ang sala.. dami vhs at uy vcd andami:D matingnan nga mga titles "machete", "ang babaeng nawawala sa sarili", "Panday", "Panday 2", "Panday 3", "Panday 4", "Alamat ng Panday", "Bukas luluhod ang mga tala", "dyesabel".. Aba alang kaduda duda na walang hilig sa mga pinoy movies ang nakatira dito..

"Tao po".. ala talgang tao.. baka meron lang binili..

Feel ko po ang inyong mga nararamdaman girls.. kasi ako hirap din sa lungkot dito but atleast nakakalabas ako kahit kelan ko gusto.. di tulad nyo marami kayo ginagawa at inaalagaan.. so you dont have a choice but make something out of your free time.. Mga games.. tulad ng sungka... ilan ba butas ng sungka? pakisabi po ng mabutasan mga bakal sa kaisha padala ko senyo para kahit ayaw ng hubby nyo eh di nya matatapon kasi mabigat.. ahahaha.. o di kay patintero.. sure na panalo nyo kasi kalaban nyo sila obasan...

Anything you can think of mga ginang possible po... you have choices, remember that... And if im not busy sasamahan ko kayo sa thread na ito at makikigulo para kunyari nangangapit bahay ako senyo..

Araykupo ano ba itong nasipa ko sa ilalim ng mesa... aba arinola... sus oba chan din ata nakatira dito:p hnmmmm sino po kaya sa 6 posters ang gumagamit nito... teka, kung bata pa ang ginang na ito medyo dyahe naman gumamit ng arinola.. kung may edad na minsan ala ng pakialam kasehodang mag arinola..

sorry po ganyan po talga nangangapit bahay minsan nangunguha ng tsismis..

Smile po mga ginang... hanggang sa muling chikahan

ichimar
02-28-2008, 08:20 PM
dito naman may kapitbahay ako,3 obasan na puro hima:Dpero mababait naman sila,minsan pag umuulan pag wala kami,sinisilong sampay namin,o kaya pag nandito kami at umuulan,[tulog kami]doorbell agad isa sa kanila sasabihin umuulan na ung sinampay nyo:D:ppag nag kakaimono kami pag miyerkules ,sinasakay kami nung 1 obasan dito,mabait siya talaga,kaya nga pag dumating ung takkyubin at wala ako,sinasabi nya agad na dumating si yamato:D:plast dec 25,first xmas party namin dito sa bahay,ok naman ,parang pagpapasalamat ko na din sa kabutihan nila sa loob ng 1taon....masarap din may kapitbahay,hirap ng tahimik,nakakabingi masyado:D:p

danasan143
02-28-2008, 08:53 PM
hello sistah di ka nag iisa im present wala din akong kapitbahay na pinay infact mag isa lang akong pinay sa town nato grabeh nakakaloka nah

rockinchiq
02-28-2008, 10:57 PM
ako din po..laging mag isa..
di pla yun ang topic..
kapitbahay pala..:D
nweyz,
mga kapitbahay ko puro foreigners.iilan lang nihonjin..
pero sa boung building ako lang Filipina.
wala din akong nkikitang filipina sa street nmin..
wala pa din akong nkakausap isa man sa kanila..
pag nman nkasabay or nkasalubong ko sila sa elevator,batian lang ng ohayo or konnichiwa and that's it..
pag silip ko nman sa bintanang salamin nmin,puro bubong..
feeling ko tuloy i'm alone in the middle of nowhere..:(
kakalungkot.makakaki ta lang ako ng tao pag lumabas nko ng building,iilan ilan pa..lakad ng konti...aba padami na sila...lakad pa ulet ng konti ay sus! saka ko palang mr-realize na nasa gitna pla ako ng syudad..:Ddami tao..kakahilo..
minsan nga gusto ko nang chikahin yung obasang n parate nag d-drive ng wheelchair nya sa street nmin.hinahanap kasi nya parate yung pusa nya..gusto ko nga din minsan mki-angkas..stroll ba?hehe..

haay..kakalungkot talaga.
masaya siguro kung may kapitbahay akong mabait na pinay para parate akong may k-chikahan..pagchi-chismisan nmin yung mga kapitbahay nming foreigners din..:D

jimiwest
02-28-2008, 11:03 PM

chiq di naman kaya kawawa si inang kung aangkas ka sa stroller nya?:D saka nawawalan na nga ng pusa eh pagtutulakin mo pa? ahahaha... anyways, parehas din lang tayo.. pagtanaw ko sa bintana puro bubong... gumaganda lang tanawin kapag nag snow...

rockinchiq
02-28-2008, 11:13 PM

korek!
wala kasi mk-chikahan eh..kaya gusto ko sana subukang mkiangkas kay obasan habang kinukwentuhan ko sila ng pusa nya...:D
pwedeng sya ang kumandong,or ako kakandong.hehe..naii magine ko tuloy.haha!
kaya lang baka hulihin kami ng pulis..over loaded yung two wheels ni lola..hahaha!

simplymystic
02-28-2008, 11:32 PM
hi sis.. long time no see.. dito sa lugar ko may 35 yatang mga pilipina married at 15 naman ang numbers ng
mga bilog... :) vibes ko silang lahat ..kaya pag yasumi ako sa work ko marami kaming gimik... mapagabi man o kahit magpaumagahan na.. :D

rockinchiq
02-28-2008, 11:35 PM

kakainggit ka nman sis..buti pa si ikaw..:(

erokawaiiAYA
02-28-2008, 11:38 PM
Ako,simula nang tumira ako sa impyernong:hellfire: bahay na to, hindi ko na alam ang ibig sabihin ng salitang KAPIT BAHAY !!!!:mad:

huuuuaaahhhhhh!!!!!

rockinchiq
02-28-2008, 11:41 PM
Ako,simula nang tumira ako sa impyernong:hellfire: bahay na to, hindi ko na alam ang ibig sabihin ng salitang KAPIT BAHAY !!!!:mad:

huuuuaaahhhhhh!!!!!
my goodness bunso!
gising ka pa?aba'y tulog na para tumangkad..hehe..:Dy aan mo lipat ako jan malapit sa inyo para pareho nting malaman ang salitang KAPITBAHAY..
pagtripan ntin monster in laws mo..ahihi...:D

erokawaiiAYA
02-29-2008, 12:00 AM
my goodness bunso!
gising ka pa?aba'y tulog na para tumangkad..hehe..:Dy aan mo lipat ako jan malapit sa inyo para pareho nting malaman ang salitang KAPITBAHAY..
pagtripan ntin monster in laws mo..ahihi...:D

hi hi hi:D di ka makakatagal dito!! ha ha ha!!
di pa ako pwede matulog eh! gising pa si fafa, hanggat gising sya, kailangan gising din daw ako!:confused:

pinaypay
02-29-2008, 12:14 PM
Akla ko ako lng wlang kapitbahay.Grbe nakakalungkot. Kya lagi n lng akong nangangapit bhay d2 sa TF pampaalis ng lngkot at stress

hacaya
02-29-2008, 01:33 PM
sa mga nag-share salamat po!:)

nakatuwa naman iba-iba tayo ng kwento about kapit-bahay!
minsan nga po iniisip ko sana ako rin may kapit-bahay kahit isa lang, saka wala pa talaga ko napapasok na bahay dito sa katabi namin.:D

pero minsan nakakatakot din kase di natin alam na halimbawa naging katsikahan na natin sila mga tsismoso pala...hehehe ano ba talaga kuya?
gusto ng kapit-bahay o ayaw..:D

ako naman medyo nasasanay na rin kahit papaano di lang po natin maiwasan minsan ang ma-bored at mapanis ang laway pag walang makausap!

pero sabi naman po ni hubby pag pumasok na ng youchien si baby paniguradong magkakaroon nari ako ng mga friends dito sa manshion na tinitirhan namin kase sa laki ng compound di pwedeng di mawalan ng kasabayan sa school si baby, kaya intay pa ko ng 3-4 years (waah, tagal pa pala) baka that time marami narin akong kapit-bahay na kaibigan!;)

mamimo
02-29-2008, 02:26 PM
Minsan mas ok pa na walang kapitbahay keysa meron nga tapos stressin ka lang nila. Nakaranas nga ako till 1am nasa bahay pa sobrang kahiya sa asawa ko pero kahit inis na gusto ko maging polite sa tao lalo kung kapwa-Pinay mahirap pagsabihan kasi kahit nasa lugar ka pag kwento sa iba edited version na.

malibuPine
02-29-2008, 06:19 PM
Nasanay na ako dito na kahit may kapitbahay walang pakialaman. Pag nagkasalubong, ayun, konnichiwa, konbanwa lang tapos. Lugi ako kasi mas kilala nila ako, sila di ko kilala, gaijin kasi kaya medatsu.

I don't invite "friends" anymore sa bahay, nakakapagod lang. Kung family ko lang once in a blue moon, yun bang I don't need to entertain or alagaan, lol. Nung bago pa lang ako, nag-iimbita ako sa bahay at naiimbita rin ako, pero I realized quality friends are hard to find, hindi ako maka-relate, so I stopped makipag-showbiz sa kanila di naman ako enjoy. Am picky and I chose my friends, not close to our place, medyo 15 minutes by train, or malayo, and we just meet halfway somewhere to have some lunch, coffee, shop, drive, go to our fave bar, attend church service, etc.

shakey
03-02-2008, 01:09 AM
magandang araw sa lahat!:)

may sinulid na po ba tungkol dito?
kung wala pa po ay sisimulan ko na!:)

mag-dadalawang taon napo ako dito sa Nihon as a Housewife kaso wala parin po akong kapit-bahay.:D

nakakalungkot minsan kase kung sa Pinas pa tayo, marami tayong katsikahan diba!

dito naman hindi talaga uso sa mga hapon ang nangangapit-bahay noh?!:O
kayo isa ba kayo sa walang kapit-bahay?

ako naman maraming kapitbahay dito sa tinitirhan ko ilang kaming pintong pinoy..kaso lang di rin maganda ang maraming kapitbahay lalo na kapwa mo pinay...mga ingetera !!! mahadera !!! mas gusto ko ng walang kapitbahay na pinay.:D

malibuPine
03-02-2008, 11:01 AM
a..kaso lang di rin maganda ang maraming kapitbahay lalo na kapwa mo pinay...mga ingetera !!! mahadera !!! mas gusto ko ng walang kapitbahay na pinay.:D

LOL, medyo totoo yan, natawa naman ako. Maraming nagkalat sa lugar namin pero, mas mabuti pa yung malayo yung kaibigan basta alam mong friends in the real sense. Pero kung chika chika lang sayang oras. Although I attend parties, prefer kong one-on-one pag may imi-meet akong friend, para may continuity yung chika. Mahirap pag marami, magulo, intriga, etc

shuelma
03-02-2008, 12:08 PM
sis.mas maganda kung walang kapitbahay,malayo sa gulo...kc ako dami kpitbahay na pinay...kpag nag-away nadadamay pati ako...grabeeee!!!!.. .mahirap pa kung beterana...pati mga personal nming buhay pakikialaman grabe po talaga...galit nga asawa ko sa mga pinay na kapitbahay nmin..kc po wala daw manner...aga po nila akong dinadalaw sa bhay namin as in 6a.m humihilik pa kami ay nag-dodoor bell na...kapal po talaga ng mukha mga kpitbahay ko...dito na mag-aalmusal at gabihan ayaw parin umuwi grabe...khit sinasabihan ko na wala kabang gagawin sa bhay ninyo...sagot lng ay wala...hihihi...kpal talaga...ung isa ko nmn kpitbahay gawin ba nmn akong driver niya sa pag-kakaimono at di nmn lng mag share ng pang gasolina...hirap po talagang makisama sa mga pinay kong kpitbahay...dhil pinakikisamahan ko sila minsan umaabuso po talaga...kpag di mo napagbigyan sa hiling nila gagawan ka ng story at ipagkakakalat...kaya ngaun pinaalis na ng asawa ko ung doorbell nmin dhil maingay...pinalagyan pa ng asawa ko ng kamera ung palibot ng bahay nmin,dhil ung kruma ko binutas ung gulong....palibot ako ng pinay dito...kaya sis.mas okey at tahimik kpag walang kapitbahay na pinay/pinoy.

kaori
03-02-2008, 01:26 PM
mga kapitbahay ko dito mga matatanda na..pinakabata na yung 65 y.o.~~~pero mahilig pa silang maghatake.maraming tanim na kung anu-ano.pag panahon ng kamatis,kyuri,sibuya s at kung anu-ano gulay...binibigyan nila ako..pede na nga ako magtinda sa palengke.eh may tanim din ako mga gulay.kaya ngayon ang tinatanim ko na lang yung di nila tinatanim.Ngayon pa-konti na lang ng pa-konti mga neybor ko.Natsutsugi na sila sa mundong ibabaw.Pero masarap din kapitbahay yung mangingisda....pag ahon nila sa dagat lagi akong may rasyon isda at kung anu-ano pang mga sea fudz.Kaya lang may napapansin din ako..kahit matatanda na sila mga chismosa rin pala.Dami ko tuloy nasasagap na chismis.Aba...alam agad nila kung sino ng namatayan,kung sino ang naospital at ikakasal dito sa aming lugar.:p

rockinchiq
03-02-2008, 01:50 PM
dahil sa mga nababasa ko po,parang mas masarap nga walang kapitbahay na pinay..yoko kasi ng magulo eh..kung sana isa lang tapos mganda ugali,siguro masaya yun kasi may friend na malapit.pero pag inggitan at awayan,,,wag nlang siguro..:D

shakey
03-02-2008, 03:38 PM
dahil sa mga nababasa ko po,parang mas masarap nga walang kapitbahay na pinay..yoko kasi ng magulo eh..kung sana isa lang tapos mganda ugali,siguro masaya yun kasi may friend na malapit.pero pag inggitan at awayan,,,wag nlang siguro..:D

korek ka dyan ...ako nga pag gusto ko talagang makasama yung mga friends kung totoo sa hirap at ginhawa ako ang dumadayo sa kanila kahit na napakalayo pinupuntahan ko sila....yung iba lang dyan na aalala ka lang pag may kailangan:D pag wala na good bye na !!!! kaya ako kahit marami akong kapitbahay ditong pinay bihira akong nalabas ng bahay..nakikita ko lang sila pag mag lalaba ako,ganun lang ..kasi subok ko na sila eh magaling lang pag may ioonegai sayo minsan ikaw pa mapapasama:p

kaori
03-02-2008, 04:01 PM

may tama ka jen Sis:p:thumb:

hacaya
03-02-2008, 07:12 PM
sis.mas maganda kung walang kapitbahay,malayo sa gulo...kc ako dami kpitbahay na pinay...kpag nag-away nadadamay pati ako...grabeeee!!!!.. .mahirap pa kung beterana...pati mga personal nming buhay pakikialaman grabe po talaga...galit nga asawa ko sa mga pinay na kapitbahay nmin..kc po wala daw manner...aga po nila akong dinadalaw sa bhay namin as in 6a.m humihilik pa kami ay nag-dodoor bell na...kapal po talaga ng mukha mga kpitbahay ko...dito na mag-aalmusal at gabihan ayaw parin umuwi grabe...khit sinasabihan ko na wala kabang gagawin sa bhay ninyo...sagot lng ay wala...hihihi...kpal talaga...ung isa ko nmn kpitbahay gawin ba nmn akong driver niya sa pag-kakaimono at di nmn lng mag share ng pang gasolina...hirap po talagang makisama sa mga pinay kong kpitbahay...dhil pinakikisamahan ko sila minsan umaabuso po talaga...kpag di mo napagbigyan sa hiling nila gagawan ka ng story at ipagkakakalat...kaya ngaun pinaalis na ng asawa ko ung doorbell nmin dhil maingay...pinalagyan pa ng asawa ko ng kamera ung palibot ng bahay nmin,dhil ung kruma ko binutas ung gulong....palibot ako ng pinay dito...kaya sis.mas okey at tahimik kpag walang kapitbahay na pinay/pinoy.

may point ka sis...:)
abuso naman sila...

iba-iba talaga ugali ng tao kaya swerte yung mga nakatagpo ng matinong kapit-bahay kapwa pinoy o hapon man!;)

almand
03-02-2008, 07:26 PM
tama po kayo,,mas maganda wlang close na mga kalahi natin,,,ako dati dami kung tinutulungan pinay pero ako pa ang lumabas na masama,,sana kung malinis din cya,man lalaki man ako wala me asawa dto dalaga ako, samantala cya may lalaki na dito may asawang buhay sa pinas,,tapos may pera ka mabango ka pa sa pabango, pag wala mabaho kapa sa iwan ko ba bat ganyan ugali ng mga pilipino( not all, but mostly):cool::confus ed:

dianne
03-03-2008, 11:56 AM
tama ka jyen shuelme .... walang sinabi yung kaisa~isang kapit bahay kong pinay date ... TSISMOSA na STALKER at inggitera pa ang bruhilda ... walang ginawa sa buhay kundi sumunod na parang aso lakas makaamoy alam ang oras kung anong oras ako namamalengke at mamalengke rin sya ang masama pa dun pareho pa kame ng kulay ng suot na damet ...pag nag pagupit ako nag papagupit rin ang bruha pareho pa kame ng styke ng buhok .... pag naglalakad ako nag oober take ang bruha ... kung mag bisekleta daig pa kasali sa tour of luzon sa bilis .. nabangga nya nga minsan anak ko sinugod sila ng asawa ko at ipapa pulis ... :p

minsan nga ayoko ng mag elevator dahil makikita nanaman nya ko .. tapat kase ng pinto ng bahay nya elevator kaya kitang ~kita nya sa butas ng pinto ng bahay nila kung sino ang labas pasok ng elevator ... wala ng ginawa kundi mag abang sa butas ng pinto nila susme ... sabi ko nga sa asawa ko pag ako naasar dyan susumpitin ko mata nyan para di na makasilip sa butas ... sabi ng asawa ko lagyan kona lang daw ng BUBBLE GUM yung butas ng pinto nila heheheeeee~~~:D

nuknukan ng tsismosa lahat ng kapit bahay nya tsinitsismis alam pag nag aaway yung kapit bahay nila ... minsan nahulog yung PUSTISO nya sa lababo nila nag doorbell sa bahay namen alas 5:30 ng umaga sabi ko aga mo naman nahihiya daw sya sa asawa nya baka pag nagising daw makita wala syang ipen heheheee~~~~:D:D ang aga~aga nanghihiram martilyo mamartilyuhin daw nya yung lababo nila dahil lumusot yung pustiso nya sa loob ng lababo... sabi ko wala kameng martilyo padukot mo sa kanlili san ....:D pinadukot nga ng bruha ...:D nung makuha yung ipin nya puro lumot heheheee~~~:D

nag alala na rin ako kase para na kong alang privacy lagi na lang kaseng ganun biglang sumusulpot kung saan ako nandun .. kaya ginawa ko pina blotter kona sa pulis nakakatakot kase ... ayun nakatanggap sya ng letter galing sa mga pulis humingi ako ng pulis proteksyon dahil binantaan nya rin ako ... 3 yrs. na syang lumayas dito sa tinitirhan namen di kona sya kapit bahay ...at ngayon wala ng bumabagabag saken dahil wala na ang bruhilda ....:D mas maiigi pa talaga wala ka nalang kapit bahay ..me peace of mind kapa

maimai
03-03-2008, 12:17 PM
@dianne bakla~~IDOL na IDOL ka ni kapitbahay mo :lol:

magandang araw sa lahat!:)

mag-dadalawang taon napo ako dito sa Nihon as a Housewife kaso wala parin po akong kapit-bahay.:D

nakakalungkot minsan kase kung sa Pinas pa tayo, marami tayong katsikahan diba!

dito naman hindi talaga uso sa mga hapon ang nangangapit-bahay noh?!:O
kayo isa ba kayo sa walang kapit-bahay?

ako naman..maraming kapitbahay na nihonjin dito.pero di ko naman sila kilala..di kasi ako lumalabas sa lungga ko...mas gugustuhin ko pa umupo sa harap ng pc at manood ng TV keysa makipagtisimisan sa kanila...

sa totoo lang mas gugustuhin ko pa walang kapitbahay na pinay....mahirap kasi pagmay kapitbahay kang pinay..lahat na lang pinapansin..:mad:..m insan meiwaku pa.

jimiwest
03-03-2008, 12:50 PM
huwag po kayo masyado magdamdam sa mga kababayan natin na naging perwisyo sa inyo bilang kapitbahay... sa akin pong pagmamasid at pananaliksik na ganap po talagang mababait ang pinoy kahit pa noong magpunta sila dito sa japan... ngunit ang di po natin alam eh kaya po sila nagbabago eh dahil po sa hangin ng japan... opo tama po ang inyong nabasa... malaking factor po ang hangin ng japan kaya nagiging iba ang ugali ng iba o karamihan sa pinoy dito... for example.. dumating po sila dito bilang isang average na pinoy.. average sa katalinuhan, humble, at alam ang tama at mali... kaya lamang sa tagal na nila dito at sobra na ang daming hangin ng japan ang kanilang nalalanghap ang dating average sa katalinuhan eh aba ngayon eh wala ka ng tamang sasabihin, lahat sila ang tama at halos lahat alam,,, ang dating humble aysus ngayon parang gusto mong ibitin patiwarik sa yabang.. kung dati alam ang tama at mali, ngayon sila na ang gumagawa ng rules.. sila na ang masusunod at sila ang dapat sundin.. kung di mo gagawin? aysya laman ka ng tsismis sa pang araw araw nyang libangan...:D (ang akin pong nasabi ay base lang po sa aking natunghayan)..

Pero tutal andito na rin lang ako eh magchikahan na lang po tayo na para bang ako ay nangangapitbahay na rin...

Ay teka kilala nyo ba si ditseng kuracha? aba eh nanganak daw ng kandule

Ang di ko lang maintindihan, bakit kelangan magbago tayo dito sa japan? dahil po ba para maging in na rin tayo? may mga kilala ako na mababait na pinoy.. kapag kami magkasama eh makikita mo ang sincerity ng taong ito.. ngunit kapag kasama na ang ibang pinoy, ayun ang kumag at kakulay na nya ang tropa.. but i understand him.. kasi gusto nya lang maging in at ayaw nya mapintasan.. okay naman sakin un kasi kapag kaming dalawa na lang eh maayos naman kausap..

Meron din akong kakilala na kung susuriin mo ang pagkatao nya eh mahiyain, laging malungkot kasi kawawa sa asawang hapon, di naman ganon katalino pero alam nya ang kanyang capacity, at iyan po sya nung wala pang visa.. pero ngayon bammmm.. nagkavisa na ang loka ayun bigla ang kanyang transformation.. from bumblebee to megatron na agad... wala ka ng maririnig sa bibig nya kundi, "ipapahuli ko yang mga yan eh", "isumbong ko kaya sa pulis yang mga iyan",.. at biglang naging napakatalino na agad... ask ko lang ganon po ba ang epekto kapag nagkavisa na ang pinoy?

Mahirap talagang magkaroon ng kapitbahay na over to the max ang sapak sa ulo.. kung sa kaisha nga meron kang kasamang ganito eh parang hell na eh kapitbahay mo pa kaya? Pero minsan naaawa ako sa kanila kasi un na lang ang alam nilang outlet para mabawasan ang kanilang problema sa buhay.. kasi sa family pa lang problemado na, sa work pa, tapos money matters pa.. kaya minsan kapag may nameet akong ganitong tao.. tinitignan ko sa mga mata habang nagyayabang sila.. napapansin ko gaano man ang yabang at tawa nila ung mga mata nila di maitago ang hirap na kanilang dinaranas... nahihiya na lang sigurong ipakita at baka mapintasan sila.. alam mo naman ang dugo nating mga pinoy, aminin man natin o hindi madali tayong humusga at nilalagay natin ang mga kaibigan natin sa different groups.. for example group A - ung mga sosyal ang dating, fabulosa or fafable.. ito ay nakakatanggap ng special treatment from you.. group B - ung mga simpleng nilalang, medyo mababa ang taste sa pananamit at porma, sila ay di nakakatanggap ng treatment tulad ng binibigay natin sa group A.. kaya tuloy ung iba ayun bigay todo sa pagpapanggap para lang mapasama sa group A... di nila alam eh lalo lang napapasama ang kanilang pagkatao..

I dont have a solution on this but a suggestion only... kung ipapakita natin sa bawat tao kahit di pinoy kung papaano ang dapat nilang itrato sa atin sa tingin ko mababawasan ang ating pangungunsumi sa mga ganitong tao...

So, mga kapitbahay ako muna ay magluluto... huwag po ninyong masamain ang aking chika, observation ko lang po ito... balik po ako mamaya, sana may magluto ng meryenda..:D