PDA

View Full Version : Istorya ko po...

Girltonic
03-04-2008, 01:54 AM
nagsesenti po ako...pasensya na po kung kay bago bago ko dito dito agad ako nagpost...me gusto lang po akong i share...kwento ng buhay ko..

minsan na kase akong nagmahal, talento ako nun ,
matagal kaming nagkaron ng relasyon, tapos iniwan ako at naglahong parang bula nung malapit na kong manganak...nalaman ko na lang kinakasama na pala yung bestfriend kong arubaito...

sabi ko di na ko magmamahal ulit kase lahat ng lalaki iwan ere kumbaga(di ko po nilalahat) tapos eto ako kailangan ng aako sa anak ko...sakto may nag offer sa akin ng kasal, isang matandang biyudo, maganda ang trabaho, nagkataon na friend ng kaibigan ko itong matanda( nagtataka ako kase bakit parang bumait sa akin itong kaibigan ko na ito eh sa totoo lang lahat nakakaaway nya dahil masama ang ugali) pero di ko na inintindi kung bakit nga nya ako tinulungan basta ang alam ko kelangan ko na ng pakakasalan dahil isang buwan na lang manganganak na ko at nagpakasal ako sa kanya ...para lang sa anak ko, para na din sa pamilya ko sa pinas..di ko mahal itong pinakasalan ko, sabi niya ok lang daw magka boyfriend ako, at hanggang waiting sa visa wag muna kami magdidivorce..at alam nya naman daw na di ko sya mahal eh, sabi ko sa sarili ang bait naman nito..kung sabagay patapon na ang buhay kase araw araw lasing, ni hindi ko maimagine na makasama sya sa iisang bubong...nagkikita tuwing linggo, kinukulayan ko yung puti nyang buhok, minsan ginagawan ko ng obento, nag aabot ng pera sabi nya panggastos daw...ayoko na ngang tanggapin kase nahihiya na ko sabi naman nya ok lang daw kase wala pa naman daw ibang tutulong sa akin..

hanggang sa may nakilala ako na sobrang bait, binata, di man malaki ang salary alam kong kapag nagtulungan kami magiging ok din ang lahat... ang sabi ko naman kasal na ako, ang sabi naman nya hiwalayan ko daw..

napaisip ako..ang sabi ko sa sarili ko , pwede pa pala ako magmahal ulit..di pala lahat ng lalaki iwan ere, at tutal 1 year na akong waiting sa visa , hindi man lang tumatawag ang migmig sa amin simula nung nagbigay ng every 3 months na hanko.. na di ko maintindihan kung bakit...

hanggang sa nakapag desisyon na ko...

to be continued po..nagising po baby ko

rockinchiq
03-04-2008, 02:03 AM

to be continued po..

Hajimemashite Girltonic san..welcome to TF..:)

nabitin naman ako sa kwento mo.hehe..
akala ko tapusan,to be continued pala..(parang comics):D
sige wait ko na lang yung kasunod.:D

tabako
03-04-2008, 06:26 AM
wait din ako:wave:

tadashi
03-04-2008, 08:14 AM
asan kasunod???????????

nikkichibi
03-04-2008, 09:35 AM
wow nabitin ako sa wento mo :D
wait ko pa kasunod sana happy ending sya :)

elyurika
03-04-2008, 10:51 AM
kelan kaya ang karugtong?:D

michi_28
03-04-2008, 11:13 AM
nakaka challenge naman yung kwento mo!
yung kasunod na po................:)

fat_lady
03-04-2008, 12:11 PM
wala pa bang kasunod? nabitin naman ako...:D

matsue_321
03-04-2008, 12:14 PM
nakakabitin naman po!!!!!!!!!!!!!!!!!!

my_style0729
03-04-2008, 12:33 PM
gising parin ba si baby?:confused:
nakakabitin kasi yung kwento mo eh....sana meron na maya-maya
waiting po kami:D

hacaya
03-04-2008, 02:21 PM
hajimemashite girltonic-san!:)
waiting mode po kami sa kasunod ng kwento ng buhay nyo!

mga tfmate di na natin kelangan ng pocketbook marami dito sa forum true to life pa!;)

shakey
03-04-2008, 09:52 PM
hmmmmm tagal :rolleyes:

SWEET_REINA
03-04-2008, 10:00 PM
hmmmmm tagal :rolleyes:

hahaha,,seryosong usapan bglang "nagising baby ko to be continue daw"...:Dhahaha waiting mode kami lahat sistah!!di ako mtutulog!!hehe:D

titakoring
03-04-2008, 10:30 PM
hehehehehehe, tayo din pala binitin nya......:D
si bebe mukhang nahimbing ang 2log katabi
kasi si mommy e......:rolleyes:

Girltonic
03-05-2008, 10:17 AM
hello po salamat sa replies po ninyo, at salamat po sa pagbabasa ng storya ko..
at sori din po kung natagalan ang karugtong, busy po kase ako kahapon..:)

nakapagdesisyon na ko....

sasabihin ko na sa matanda na at sa friend ko na na makikipaghiwalay na ko sa kanya.... nagpunta ko sa cityhall para kumuha ng papel ng rikon at pipirmahan na naming dalawa, nagkataon walang pasok ang matanda kaya kinausap ko sya...sabi ko sa kanya maraming salamat sa pag ako nya sa anak ko at pagpapakasal sa akin ng walang anumang kapalit, bingay ko sa kanya yung papel ng rikon pero ang sabi naman nya di daw muna nya pipirmahan kase sayang naman daw yung paghihintay ko sa visa, mas maganda daw na pag dumating na yung visa ko tsaka sya pipirma dun sa papel..naisip ko ang bait naman nya, iniisip pa din nya ang visa ko.

sumama na ko sa bf ko at lumipat kami ng bahay, yung malayo at yung friend ko lang ang nakakaalam kung sa kami nakatira..

2 weeks kaming nagsasama ni bf pero ok naman ang lahat kaya nga lang medyo nag aadjust pa sya, kase di sya sanay sa bata...pero naging ok naman ang lahat...

hanggang isang araw, tanghali nun..nagulat ako kase me sumisipa ng pinto namin at kumakatok na parang gusto ng away..sinilip ko baka kako naliligaw yung tao na iyun pero laking gulat ko nung makita ko na yung matanda pala iyung sumisipa ng pinto at mukha syang lasing na lasing, naisip ko pano nya nalaman ang bahay ko at bakit sya parang nagwawala..di ko binuksan yung pinto kase natakot ako eh..mahirap kaseng makipag usap sa taong lasing at mukhang galit na galit pa...hanggang sa umuwi sya.

sumunod na araw me kumakatok na naman pero nung sinilip ko mga pulis na sila...nagulat ako pero binuksan ko yung pinto sabi ko anong kailangan nila sa akin, pinapasok ko sila sa loob ng bahay kase me mga nakasilip ng kapitbahay syempre nakakahiya...pero todo tanggi sila,
tinanong ko mga pulis anong kailangan nila, ang sabi nila at ayon sa pag kaintindi ko nang nihongo nila...wanted ako at nakademanda sa korte sa kasong pagtangay ng anak ko ,nakikisama sa ibang lalaki at pagtira sa lugar nang di nagpapaalam sa migmig(kelangan po kase ng permiso bago ako pumunta sa ibang lugar, kung tokyo ang tirahan ko kelangan sa tokyo din ako mag iikot kapag napadpad ako ng saitama at nasita ako... at dahil waiting for visa ako maari akong mahuli ng pulis ).. at bigla namang dumating yung matanda sabi nya nagpunta daw sya ng korte at nagsampa sya ng kaso sa akin...na pwede daw ako mapauwi sa pinas at kukuhanin nya yung anak ko..naguluhan ako kung bakit nagkaganun, wala akong kakampi dahil wala si bf at saka ang dami ng kapitbahay na nanonood sa amin na para bang feeling nila nanonood sila ng sine,

ayaw nilang pumasok sa loob ng bahay kaya di ko na alam ang gagawin ko, tinanong ko yung matanda kung ano ang gusto nyang mangyari..ang sabi nya sumama daw kami ng anak ko sa bahay niya at magsasama kami..at babawiin na nya yung demanda na isinampa nya sa kin,nagulat ako kase ibang iba sya sa pagkakakilala ko sa kanya, parang na blackmail ako ng wala sa oras..at ang masakit pa nito talagang kahit saan daanin matatalo ako sa kaso..umiyak na ko nun..kase ni wala man lang akong kakampi nung time na iyun.

di ko makapag decide , kase nga wala pa si bf, ano gagawin ko andyan na mga pulis pwede na talaga akong hulihin..pag sumama naman ako sa matanda, pano ko i eexplain yun kay bf..tiyak magagalit sya dahil parang ginawa ko siyang tanga..

pero wala na akong choice...pero bahala ang sabi ko sa sarili ko...para wala ng gulo sasama na lang ako sa matanda, kaysa lalong magkagulo gulo ang sitwasyon..kakausapi n ko na lang si bf..bahala na...

kinausap ko yung mga pulis at matanda, ang sabi ko bgyan nila ako ng kahit isang araw para mag ayos ng gamit..at sabi ko sa matanda tatawagan ko sya pag susunduin na niya ako..at umuwi na nga sila at sabi pa ng mga pulis ayusin daw namin ang buhay may asawa namin..

iyak ako ng iyak habang hinihintay ko si bf, kase ang saya saya na namin bigla akong magpapaalam sa kaya na kelangan na naming maghiwalay, mahal na mahal ko siya kaya di ko ma-imagine na maghihiwalay na kami..di ko din ma-imagine ang mga sasabihin nya....siguro mga sumbat at kung ano ano pa..siguro isusumpa nya ako..

me karugtong po...humahaba na po kase eh...

SWEET_REINA
03-05-2008, 10:22 AM
whew!sad to hear your story...pero interesting,kaya nga inaabangan ko,,para kong nagbabasa ng tagalog pocket book!:D,,,wait namin yun susunod na kabanata ulit....sana may happy ending:)

erokawaiiAYA
03-05-2008, 10:26 AM
Sige na, kahit mahaba , ituloy muna.

Naghihintay ang maraming people sa story mo.:)

rockinchiq
03-05-2008, 10:33 AM
Sige na, kahit mahaba , ituloy muna.

Naghihintay ang maraming people sa story mo.:)
hi bunso..!

ahihihi..ako din po,sumusubaybay...wa iting mode again..:D

maimai
03-05-2008, 10:36 AM
ano na nangyari kay bf~~~~~~~~:confused:

esunod mo agad ang karugtong! :D

erokawaiiAYA
03-05-2008, 10:41 AM
hi bunso..!

ahihihi..ako din po,sumusubaybay...wa iting mode again..:D

hi din RC, at hi sa mga hima jin ngayon!:)

nabitin ako sa story , feeling ko , nagbabasa ako ng pocketbook! ha ha ha
anu kayang itsura ni bf? kamuka kaya nya yung nasa PrisonBreak?? he he he:p

erokawaiiAYA
03-05-2008, 10:44 AM
ano na nangyari kay bf~~~~~~~~:confused:

esunod mo agad ang karugtong! :D

sis MAIMAI, nabitin ka rin ba?
nakakaloka, hindi ko mahulaan kung anung kasunod na episode:O

i pm ko na kaya sya???tapos tanungin ko na, tapos ako nlang ang magsusulat dito, para hindi na sya mapagod. ha ha ha ha (joke lang):D

my_style0729
03-05-2008, 11:19 AM

hi po erosan
parang tama yang naisip mo ang ipm nalang siya,para di tayong lahat mabitin:p
kasi busy yata siya sa baby niya kaya laging to be continue...:D
ako naman may naisip na magandang idea, ano kaya kung ako nalang muna mag alaga ng baby niya tpos ituloy niya life story niya,hima kasi lang magawa:rolleyes:

rockinchiq
03-05-2008, 11:22 AM
hi din RC, at hi sa mga hima jin ngayon!:)

nabitin ako sa story , feeling ko , nagbabasa ako ng pocketbook! ha ha ha
anu kayang itsura ni bf? kamuka kaya nya yung nasa PrisonBreak?? he he he:p
hahaha..ang cute mo talaga..dami mo tanong.:p

erokawaiiAYA
03-05-2008, 11:28 AM
hahaha..ang cute mo talaga..dami mo tanong.:p

Yung mga taong hima ngayon na katulad ko, maraming naiisip na kung anu ano.
ha ha ha:D

nakaka bitin talaga....

fat_lady
03-05-2008, 11:30 AM
hi! girltonic san:) grabe...nabitin na naman ako, ang lamig ngayong araw pero painit ng painit ang story mo... waiting mode pa rin ako sa susunod na kabanata:D

tadashi
03-05-2008, 12:04 PM
ano na kaya nangyari??? siguro yung bf niya at friend niya nagkatuluyan????how sad.... :cry:o baka naman natigok si tanda tapos malaki nakuha sa hoken???how bad.....:hellfire:o baka pinalaya na siya ng matanda at nagrekon na sila,nagpakasal sila ni bf at they live happily ever after....how sweet...:sweeties: hay nakakabitin.....

nagdududa14
03-05-2008, 12:39 PM
nakakabitin pakibilis po un kasunod ha?:p

YAN
03-05-2008, 01:46 PM
saan na po ang kasunod bitin na bitin na kami....

michi_28
03-05-2008, 02:10 PM
bitin na bitin kami dito.. :scratch: parang t.v series!!parang bukas pa ata yung kasunod! :bouncy:peace tau!
wait kami ha......:D:coffee:

tadashi
03-05-2008, 04:55 PM
wala pa rin...... :confused:

meteor
03-05-2008, 05:01 PM
wala pa ba ang part 3 :confused: ...dokidoki naman ang feeling ko dito :D;)

maimai
03-05-2008, 05:07 PM
sis MAIMAI, nabitin ka rin ba?
nakakaloka, hindi ko mahulaan kung anung kasunod na episode:O

i pm ko na kaya sya???tapos tanungin ko na, tapos ako nlang ang magsusulat dito, para hindi na sya mapagod. ha ha ha ha (joke lang):D

sis~~pini-em mo na ba??:D

ang tagal naman ng karugtong.. :nono:

sitsukoime
03-05-2008, 05:10 PM
Uyyyy ok tong story ha medyo mala aksyon. Cge sama nako sa mga waiting fan's. sna ngaun gabi mtapos na story....:confused:; ):)

kazz314
03-05-2008, 05:34 PM
oo nga nakakabitin naman tong story niya....parang bigla akong nagising dito ah:D

Girltonic
03-05-2008, 07:31 PM
...habang iniimpake ko na yung mga gamit namin ng baby ko saktong dumating si bf, kwinento ko yung nangyari, di ko na naman napigilan ang umiyak..naiyak ako kase magkakahiwalay na kami, naiyak din ako kase sasama ako sa taong di ko naman mahal...di ko maimagine talaga,
lumapit sya sa kin umiiyak na din sya, sabi nya sayang daw..bakit nung nakilala nya ako huli na ang lahat kumbaga kasal na ko..

akala ko magagalit sya sa desisyon ko, ang totoo naawa sya sa amin ng baby ko na kung me magagawa lang syang paraan gagawin, alam nya din na di kaming pwedeng tumakas at magpakalayo layo na nman ..dahil tiyak mahahanap na naman kami nung matanda...sobrang touched ako dahil parang ayaw na nyang bumitaw sa pagkakayakap sa kin.. huling yakap na daw kase eh..

tapos nagsalita sya sa akin ng "kahit magkalayo tayo tandaan mo na lagi pa din akong magpaparamdam sayo" "kung talagang tinadhana kami kahit anong mangyari magkakasama pa din kami" pero parang imposible...tapos sabi nya di daw nya ako tatawagan, ganun din ang gusto nyang mangyari, magpapakalayo layo daw sya, di ko na tinanong kung san sya pupunta kase nung time na iyun gusto ko ng tanggapin na di na kami magkikita....na makakahanap na sya ng dalaga yung mamahalin din sya at aalagaan...pagkatapo s ng tagpong iyun umalis na sya...

nagsama na kami nung matanda...nung una ok, akala ko mabait, pero unti unti lumabas ang ugali, di na ko pinalalabas ng bahay, araw araw pakiramdam ko katulong, kapag gabi naman talagang pipilitin ka nya na "magtabi" kayo, wala syang pakelam kung ayaw ko basta gusto nya di pwedeng tumanggi, kahit me masakit na sayo wala syang pakialam, kahit umiiyak ka na...wala pa ding paglubay, tapos pag sinabi kong tama na ang isasagot sa kin wala daw akong pakialam kapag gusto nya...parang demonyo! sabi ko sa sarili ko di ko pinangarap yung ganitong buhay...oo nga naibili nya ako ng bahay sa pinas, sustentado pamilya ko pero para namang akong alipin...wala akong magawa waiting sa visa eh,

gusto ko syang mahalin pero napakahirap kase ayaw nyang magpakita ng paraan para mahalin ko sya, pinakamasayang araw ko yung tuwing me pasok sya s trabaho pakiramdam ko napahinga ako..at least malaya kaming nakakapaglaro ng baby ko...

minsan me kumakatok na takkyubin sa kin n mga regalo wala namang pangalan yung sender...lalo na kapag mga mahahalagang okasyon, sa isip isip ko naman yung matanda naghuhugas-kamay cguro ... kunwari nanunuyo sa kin..dahil alam nyang abuso na sya..

pero bakit kaya 10 months na kaming magkasama sa bahay ni isang tawag man lang wala akong narerecieve sa migmig? nagtaka na ko...kinompronta ko yung matanda sabi ko bakit di pa din tumatawag ang migmig sa amin...hanggang sa umamin sya sa akin na matagal na pala nyang pinahold ang visa ko, na wag akong bbigyan dahil di kami magkasama sa bahay,, ibig palang sabihin wala akong inaasahan na kahit na ano, iniwan ko yung lalaking mahal ko...ni hindi ko alam kung asan na sya...

pag naalala ko po itong pangyayari na ito, galit na galit po talaga ako...mga ka TF babalik po ako tatapusin ko na po ito...

rockinchiq
03-05-2008, 07:39 PM
oh my God!....kakalungkot nman..sana happy ending pa din...:(:(

tabako
03-05-2008, 07:51 PM
daming nag aabang syo! malungkot pa yung story sana my happy ending! wait kami ha:(

michi_28
03-05-2008, 08:25 PM
ano ba yan! naku!parang luluha pa ata ako sa ending nito! :eek:wag naman sana!! waiting ako!

maimai
03-05-2008, 08:30 PM
huhuhuhuhu:cry: para kay BF...:weep:
huhuhuhuhu:cry: para sayo~~!:weep:
huhuhuhuhu:cry: dahil binitin mo na naman kami:weep:

at~~

ito para kay tanda!:karate:

aki^-^
03-05-2008, 08:35 PM
grabe palang matandang yan.....GrrrrrRRrrr! !!!!!!!!!

erokawaiiAYA
03-05-2008, 08:40 PM
Feeling ko yang matandang yan, nadala siguro kasi minsan mo syang iniwanan, kaya sa tuwing lalabas ka siguro, iba iba ang naiisip nya.

Naging mautak na sya. Pero bad pa rin yun.

Parang damang dama ko ang lungkot ng puso mo.:O

rhynissa
03-05-2008, 08:45 PM
hi girltonic san, Welcome to Tf.. waiting mode ako ng story mo, mukhang maganda.. ahihi..

fat_lady
03-05-2008, 09:08 PM
nakakalungkot isipin...iwanan ang lalaking mahal at umasa sa wala:cry: sana happy ending naman:) waiting pa rin kami dito:wavey:

meteor
03-05-2008, 09:11 PM
gurl kayo pa rin ba ni tanding :mad::confused: :( sana happy ang ending ng story mo ;)
sana hindi si tanding ang nasa ending :O

mariepippe02
03-05-2008, 10:15 PM
asan na yung karugtong na tetense ako kc prang pareho tyo ng kwento nasan na yung ending dalian u naman pls

louvette_15
03-05-2008, 10:22 PM
softbnk ka ba girltonic san? tawagan na lang kaya kita at ako ng magsusulat ng kwento mo...bwehehehe...nab itin din ako eh...:)

rhynissa
03-05-2008, 11:06 PM
ahaha sis napatawa naman ako sayo.. oo nga call mo na lang sis, ang ganda ng story eh, nalilibang ako and at the same time naiimbyerna naman duon sa matanda..

softbnk ka ba girltonic san? tawagan na lang kaya kita at ako ng magsusulat ng kwento mo...bwehehehe...nab itin din ako eh...:)

tabako
03-06-2008, 07:13 AM
la pa ba kasunod:(

chevelle:)
03-06-2008, 07:47 AM
huhuhuhuhu:cry: para kay BF...:weep:
huhuhuhuhu:cry: para sayo~~!:weep:
huhuhuhuhu:cry: dahil binitin mo na naman kami:weep:

at~~

ito para kay tanda!:karate:

softbnk ka ba girltonic san? tawagan na lang kaya kita at ako ng magsusulat ng kwento mo...bwehehehe...nab itin din ako eh...:)

ha...ha...sakit ng tyan ko sa dalawang ito oo:D kailan kaya yung kasunod, nakakabitin

shakey
03-06-2008, 08:18 AM
cra ulo anu tsk,tsk tsk !!!:mad:

ellaeieiei
03-06-2008, 09:22 AM
waiting mode......

ang ganda parang story sa isang magazine na to be continued every week hihihihi... :biglaugh:

sis abangan ko yan hangang ending...
thnks

Jyellenny
03-06-2008, 09:56 AM
Ngee ito na naman ang isang istoryang binitin kami sa ending. Hellerrr, sis bilis naman weyt kami sa 2nd episode mo.....:confused:

sky
03-06-2008, 10:51 AM
Akala ko mag po post ako pag tapos na kaso naiinip na ako sa pagbalik balik :D sige ok lang busy ka eh take your time .,waiting mode na lang

michi_28
03-06-2008, 11:35 AM
hay! akala ko naman pagbukas ng cp ko nan dyan na yung kasunod!wala pa pala! sis! post muna yung kasunod! maraming kaming naghihintay sa story mo:dowave:

fat_lady
03-06-2008, 11:47 AM
hello mga ka tf :wave:waiting mode pa rin ba?
hi! girltonic san, wala pa bang kasunod? inip na ako:D
ano na kaya ang ending???

Reiko
03-06-2008, 12:09 PM
waiting mode rin ako...sana nga happy ang ending:D

rockinchiq
03-06-2008, 01:01 PM
Busy pa siguro si sistah kaya wala pa yung ending...:)
Waiting pa din po..;):p

nagdududa14
03-06-2008, 02:26 PM
sobra naman yan matandang yan,,hmmmp....

my_style0729
03-06-2008, 03:24 PM
nakaka:cry: naman ang story mo...
at nakaka:grrr: si tanda ha..pero bitin na naman po kaming lahat...
next episode, please!!!!! :bowdown::bowdown:

sugar
03-06-2008, 03:49 PM
:doh:tagal pa po ba ?:lol::lol::lol:wait ko po yung wakas !!!ganda ng story mo :kiss:

tadashi
03-06-2008, 06:17 PM
hay waiting mode na naman:D:D:D bukas ulit?? teleserye ...he he...:D tiyak ko dami sponsor nito...oks lang po .....basta happy ending sana

elyurika
03-06-2008, 08:54 PM
girltonic...cencia na masyado lang kaming na-eexcite sa story mo...pero nakakalungkot naman story mo, sana happy ending! sana..............

YAN
03-06-2008, 09:33 PM
kainis naman pala yung gagong matanda na yun e.....

tapusin mo na to gurl,bitin na kaming mga tagasubaybay,he!he!

shakey
03-06-2008, 10:40 PM
waaahhhhh wala parin? tagal naman ...................

meteor
03-06-2008, 11:09 PM
ay wala pa ba :(.........gurl saan kana daming ng waiting mode :p:D

mariepippe02
03-07-2008, 11:13 AM
wala pa rin tagal naman ng kasunod!d2 pa rin naghihintay sa story ng buhay mo

michi_28
03-07-2008, 12:00 PM
sistahhh..where ka na? 1 araw na kaming naghihintay sa story ng life mo!:rolleyes: siguro talagang buzy lang!! waiting parin kami dito!:D

shuelma
03-07-2008, 12:30 PM
bitin nmn sis.:Ddi kaya nakita ka nung matanda na gumagawa ng nikki(diary)d2 sa tf:D...pero oks lng waiting din ako....:coffee:....: whistle:

Girltonic
03-07-2008, 02:07 PM
pasensya na po busy po ako kahapon...me inaasikaso po kase ako...ishoshort ut ko na po, masyado po talagang mahaba eh...pero tapusin ko na po ngayon, kung may tanong po or magulo ang istorya , pasensya na po...salamat po mga ka TF...

.....nung nalaman ko na wala na pala akong inaasahan sa matanda naisip ko ano ang dapat kong gawin...satuwing natutulog yung matanda gusto ko syang takpan ng unan para di na magising, o kaya iwan kong nakabukas ang kalan para magkasunog at di ako matutulog hanggang sa magliyab na yung bahay then tsaka ko sya lalayasan para masunog sya ng buhay...pero naisip ko ko baka makulong ako at malaman sa imbestigasyon na ako nag me kasalanan,

nag isip pa ko ng iba pang paraan..sakto nun me schedule ako ng hanko sa migmig nun, kakausapin ko na yung migmig , bahala na....

OCT.8.. sabi ko sa matanda, baka naman natatandaan pa niya yung lugar na pinuntahan nya at pupuntahan namin para sabihin sa migmig na magkasama na kami, sabi nya ok daw sasamahan daw nya ako.
OCT.10 schedule na ng tatak ko ko, bigla nyang sinabi na di daw sya makakasama sa kin kesyo masakit daw katawan nya at kung ano anong dahilan..
mag isa akong nagpunta at nabuo na ang desisyon ko..
kinausap ko yung migmig..sabi Ko "firipin ni kaerimasu" sabi ng migmig pag umuwi daw ako 5 years daw akong penalty, sabi ko naman mas maigi na po na umuwi na lang ako kaysa maghintay sa tawag nila na di naman dumadating, naisip ko sana noon ko pa ginawa yun ang bilis lang palang sumuko sa migmig... pinapirma nila ako at pinababalik kung me tiket na ko...

parang nabunutan ako ng tinik pero naisip ko pano ko tatakasan itong matanda na ito eh sakto one week syang yasumi, pano ko makukuha mga gamit namin ng anak ko..? buti na lang at me naipon akong konting pera yun ang ggmitin kong pangtiket ..at yung matitira ay ipang rerent ko ng business hotel, mura lang kase 4000yen lang isang araw, hanggang s makauwi lang sa pinas...

sakto umalis yung matanda, me pupuntahan daw, di na ko nag aksaya ng oras, kinuha ko yung isang bote ng gatas ng baby ko, bibili na lang ako kung saan ...wala na kong inaksaya na oras,

nagpunta ako ng migmig pinakita ko ang tiket namin ng anak ko, OCT. 15 ang schedule ko, sabay tinatakan na nila ako at pinapirma ng kusang pagsuko sa kanila...dun na lang ako ulit sumaya! pero syempre malungkot kase parang walang nangyari sa buhay ko...bigo !

nag stay sa business hotel ng anak ko, , nalulungkot ako kase hinahanap ko si bf, asan na kaya sya? tawagan ko kaya siya? me asawa na kaya?

NARITA...yung matanda tawag ng tawag s akin di ko sinasagot yung fone, bahala sya sa buhay nya..demonyo sya!

naisipan kong tawagan si bf, sakto nag riring yung fone nya, sabi ko sa kanya uuwi na ko at nasa narita airport na ko, tinanong ko kung nasaan sya, sabi nya nasa hokkaido daw sya..ang layo pala..
kwinento ko yung nangyari sa knya at tinanong ko kung me asawa na sya, ang sabi nya wala... tinanong nya ko kung natatanggap ko daw ba yung mga takkyubin nya, nagulat ako! sa kanya pala galing lahat yun, totoo ngang nagpaparamdam sya sa kin, natuwa ako..sabi ko sana mahal pa nya ako, nagulat ako ng bigla nyang sinabi na pag uwi ko sa pinas bumilang lang ako ng 10 days uuwi din daw sya sa pinas, , sobrang napaiyak ako nun...sa dami ng nangyari sa buhay ko andyan pa din sya..me ganun palang japanese wala ng pakialam sa mga pinagdaanan..basta pag mahal nya, wala ng makakapigil..

after 10 days dumating nga sya sa pinas, sabi nya di na daw sya papayag na magkahiwalay pa kami...

nagtayo kami ng business, namumuhay kami ng tahimik , inayos namin ang mga papers ko, buti na lang dinivorce ako ni tanda.. pero 2 years din akong naghintay bago nakabalik ng japan...at 2 years din syang nag stay sa pinas..ngayon masaya na ko、nakalimutan ko na yung mga hirap ko kay tanda.. buti na lang mabait si GOD talagang bingyan nya ako ng karapat dapat...

salamat po..

matsue_321
03-07-2008, 02:29 PM
hayyy salamat po ...........happy ending!!!!!!!!!!!!

SWEET_REINA
03-07-2008, 02:46 PM
sugoi ne,,,inluv talaga c bf mo sau!imagine 2 yrs sya nanirahan sa pinas para lang sayo,,despite ng mga pinagdaanan mo,,talagang ganyan yata pag inluv:)

Girltonic
03-07-2008, 02:54 PM
sugoi ne,,,inluv talaga c bf mo sau!imagine 2 yrs sya nanirahan sa pinas para lang sayo,,despite ng mga pinagdaanan mo,,talagang ganyan yata pag inluv:)

oo nga po eh, akala ko nga magkakasakit sya eh, dahil sa klima, buti na lang naging ok ang lahat..

meteor
03-07-2008, 02:54 PM
yukata ne gurl im happy for you :sweeties:
Thanks for sharing your experience/story :)

Girltonic
03-07-2008, 02:55 PM
yukata ne gurl im happy for you :sweeties:
Thanks for sharing your experience/story :)

thanks po meteor san:)

fat_lady
03-07-2008, 02:59 PM
ang ganda naman ng story mo girl...im happy for you:yippee: sana magtuloy-tuloy pa ang maganda nyong relasyon:dowave:

fat_lady
03-07-2008, 03:03 PM
thank you for sharing your story:) natapos din ang waiting mode ng TF fans :D

my_style0729
03-07-2008, 03:07 PM
happy ending naman pala ang life story mo eh,:p
more power sayo girltonic san:thumb:

Girltonic
03-07-2008, 03:08 PM
salamat po sa inyong lahat...pasensya na din po sa paghihitay kahapon, di po kase ako nakapag online.

maimai
03-07-2008, 03:09 PM
huhuhuhu~~~naiyak ako sa ending~~buti na lang nandyan si BF...happy ending ang nangyari..

Ang dami mo din dinaanan bago mo narating ang kaligayan na hinahanap mo....yokatta ne!

salamat po sa pagshare...:)

by the way

pwede mo yan ipadala sa MMK..:D

nagdududa14
03-07-2008, 03:14 PM
happy ending,,nakakaiyak siya...mahal na mahal k ng asawa mo:p

Girltonic
03-07-2008, 03:16 PM
happy ending,,nakakaiyak siya...mahal na mahal k ng asawa mo:p

opo mahal nya talaga ako, kahit halos ginawa na kong sex slave ng matandang pinakasalan ko.

michi_28
03-07-2008, 03:16 PM
yes.... natapos din yung comics!! hay... !:eek: happy ending rin pala!!! yokatta! girl napakasaya ko naman sa iyo ! talagang destiny kayo ng bf mo noh!! mahal kanya! ang pagmamahal nga naman..hmmm:D
salamat sa pag share..:kiss:.

rhynissa
03-07-2008, 03:17 PM
Ang ganda ng ending ahh, true love prevail talaga. Pwede mo nga ipadala sa MMK.. Sayang sana di mo na lang nai-shortcut kasi gusto ko pa sana magbasa hahaha.. thanks for sharing sis. I bet you are very happy now that you are with your hubby here in Japan..

shuelma
03-07-2008, 03:17 PM
sis.akala ko di na matatapos ung story mo...haaaayyyy!!!!.. .kilig to the bones nmn 'yan....happy ending...goodluck sa pagsasama ninyo:).

Girltonic
03-07-2008, 03:22 PM
thank you po..mhaba pa po talaga ang istorya ko..kaya lang po yung pinakahighlights na lang ang nilagay ko..

salamat po sa pagbabasa ng istorya ko,:)

tabako
03-07-2008, 04:13 PM
napaiyak talaga ko! hu hu hu hu! well sa dami ng tiniis mo nabawi na ring lahat, dahil nasa tabi mo na ngayon ang pinakamamahal mong bf,parang fairytale ang love story mo:)

Autumn
03-07-2008, 04:27 PM
pahingi nga ng tissue dyan........... sobra naiyak ako

aki^-^
03-07-2008, 04:33 PM
naiyak ako..... kase basta....... :)

jhen_abe0321
03-07-2008, 05:35 PM
hi grl...grabe ang ganda ng story mo kahit na sa una story eh samishi pero bilib ako sa bf mo grbe grl haba ng hair mo biruin mo mag stay cya ng two years sa pinas...sana girl hinde kana guluhin noong matanda na yun nho......;)

katty0531
03-07-2008, 05:57 PM
wow! ayaw ko mabitin kaya binuo ko na ngayon ang pagbabasa hihihihi...hay! YOKATTA NE....
so happy for you girl!
ganda ng kwento mo happy ending....
regards sa hubby mo...bait nya...unmie talaga kayo...
ganyan talaga ang buhay marami pagsubok, you're so brave...bilib ako sayo...

katt

sky
03-07-2008, 06:07 PM
Yokatta yokatta ;) sabi na nga ba sa dulo ng paghihirap may ligaya din eh .nagbabara tuloy ilong ko .danna no kotou daiji ni shite ne .he's one of a million ;)

memyself&i
03-07-2008, 08:07 PM
thats what we called LOVE hhehehe! soul mate mo yun BF mo, hehehe... totoo pala ang mga ganitong story kala ko sa movie lang... salamat sa pag share ng story mo girltonic...

simplymystic
03-07-2008, 08:19 PM
sa totoo lang naging avid fan ako ng story mo.. naiyak ako trulili... and im glad na happy ending na ngayon ang lovelife mo... I admire you for being a tough one.. wish you all the happiness sis ..
http://content.sweetim.com/sim/cpie/emoticons/0002020B.gif (http://www.sweetim.com/s.asp?im=gen&ref=10)

Reiko
03-07-2008, 08:42 PM
Salamat naman at happy ending rin pala ang story mo...believe ako sa BF mo mahal ka niya talaga...:)

ANGELIKA22
03-07-2008, 09:03 PM
it was like reading my true-to-life story. now i believed everyone has its own destiny...

thanks for sharing girltonic san....

:)

rubybm
03-07-2008, 09:22 PM
nagsesenti po ako...pasensya na po kung kay bago bago ko dito dito agad ako nagpost...me gusto lang po akong i share...kwento ng buhay ko..

minsan na kase akong nagmahal, talento ako nun ,
matagal kaming nagkaron ng relasyon, tapos iniwan ako at naglahong parang bula nung malapit na kong manganak...nalaman ko na lang kinakasama na pala yung bestfriend kong arubaito...

sabi ko di na ko magmamahal ulit kase lahat ng lalaki iwan ere kumbaga(di ko po nilalahat) tapos eto ako kailangan ng aako sa anak ko...sakto may nag offer sa akin ng kasal, isang matandang biyudo, maganda ang trabaho, nagkataon na friend ng kaibigan ko itong matanda( nagtataka ako kase bakit parang bumait sa akin itong kaibigan ko na ito eh sa totoo lang lahat nakakaaway nya dahil masama ang ugali) pero di ko na inintindi kung bakit nga nya ako tinulungan basta ang alam ko kelangan ko na ng pakakasalan dahil isang buwan na lang manganganak na ko at nagpakasal ako sa kanya ...para lang sa anak ko, para na din sa pamilya ko sa pinas..di ko mahal itong pinakasalan ko, sabi niya ok lang daw magka boyfriend ako, at hanggang waiting sa visa wag muna kami magdidivorce..at alam nya naman daw na di ko sya mahal eh, sabi ko sa sarili ang bait naman nito..kung sabagay patapon na ang buhay kase araw araw lasing, ni hindi ko maimagine na makasama sya sa iisang bubong...nagkikita tuwing linggo, kinukulayan ko yung puti nyang buhok, minsan ginagawan ko ng obento, nag aabot ng pera sabi nya panggastos daw...ayoko na ngang tanggapin kase nahihiya na ko sabi naman nya ok lang daw kase wala pa naman daw ibang tutulong sa akin..

hanggang sa may nakilala ako na sobrang bait, binata, di man malaki ang salary alam kong kapag nagtulungan kami magiging ok din ang lahat... ang sabi ko naman kasal na ako, ang sabi naman nya hiwalayan ko daw..

napaisip ako..ang sabi ko sa sarili ko , pwede pa pala ako magmahal ulit..di pala lahat ng lalaki iwan ere, at tutal 1 year na akong waiting sa visa , hindi man lang tumatawag ang migmig sa amin simula nung nagbigay ng every 3 months na hanko.. na di ko maintindihan kung bakit...

hanggang sa nakapag desisyon na ko...

to be continued po..nagising po baby ko
girltonic welcome s TF alam mo naka2bitin nman yang kwen2 mo pero wait ko ung exiciting n ending ok ????

rubybm
03-07-2008, 09:25 PM
hello po salamat sa replies po ninyo, at salamat po sa pagbabasa ng storya ko..
at sori din po kung natagalan ang karugtong, busy po kase ako kahapon..:)

nakapagdesisyon na ko....

sasabihin ko na sa matanda na at sa friend ko na na makikipaghiwalay na ko sa kanya.... nagpunta ko sa cityhall para kumuha ng papel ng rikon at pipirmahan na naming dalawa, nagkataon walang pasok ang matanda kaya kinausap ko sya...sabi ko sa kanya maraming salamat sa pag ako nya sa anak ko at pagpapakasal sa akin ng walang anumang kapalit, bingay ko sa kanya yung papel ng rikon pero ang sabi naman nya di daw muna nya pipirmahan kase sayang naman daw yung paghihintay ko sa visa, mas maganda daw na pag dumating na yung visa ko tsaka sya pipirma dun sa papel..naisip ko ang bait naman nya, iniisip pa din nya ang visa ko.

sumama na ko sa bf ko at lumipat kami ng bahay, yung malayo at yung friend ko lang ang nakakaalam kung sa kami nakatira..

2 weeks kaming nagsasama ni bf pero ok naman ang lahat kaya nga lang medyo nag aadjust pa sya, kase di sya sanay sa bata...pero naging ok naman ang lahat...

hanggang isang araw, tanghali nun..nagulat ako kase me sumisipa ng pinto namin at kumakatok na parang gusto ng away..sinilip ko baka kako naliligaw yung tao na iyun pero laking gulat ko nung makita ko na yung matanda pala iyung sumisipa ng pinto at mukha syang lasing na lasing, naisip ko pano nya nalaman ang bahay ko at bakit sya parang nagwawala..di ko binuksan yung pinto kase natakot ako eh..mahirap kaseng makipag usap sa taong lasing at mukhang galit na galit pa...hanggang sa umuwi sya.

sumunod na araw me kumakatok na naman pero nung sinilip ko mga pulis na sila...nagulat ako pero binuksan ko yung pinto sabi ko anong kailangan nila sa akin, pinapasok ko sila sa loob ng bahay kase me mga nakasilip ng kapitbahay syempre nakakahiya...pero todo tanggi sila,
tinanong ko mga pulis anong kailangan nila, ang sabi nila at ayon sa pag kaintindi ko nang nihongo nila...wanted ako at nakademanda sa korte sa kasong pagtangay ng anak ko ,nakikisama sa ibang lalaki at pagtira sa lugar nang di nagpapaalam sa migmig(kelangan po kase ng permiso bago ako pumunta sa ibang lugar, kung tokyo ang tirahan ko kelangan sa tokyo din ako mag iikot kapag napadpad ako ng saitama at nasita ako... at dahil waiting for visa ako maari akong mahuli ng pulis ).. at bigla namang dumating yung matanda sabi nya nagpunta daw sya ng korte at nagsampa sya ng kaso sa akin...na pwede daw ako mapauwi sa pinas at kukuhanin nya yung anak ko..naguluhan ako kung bakit nagkaganun, wala akong kakampi dahil wala si bf at saka ang dami ng kapitbahay na nanonood sa amin na para bang feeling nila nanonood sila ng sine,

ayaw nilang pumasok sa loob ng bahay kaya di ko na alam ang gagawin ko, tinanong ko yung matanda kung ano ang gusto nyang mangyari..ang sabi nya sumama daw kami ng anak ko sa bahay niya at magsasama kami..at babawiin na nya yung demanda na isinampa nya sa kin,nagulat ako kase ibang iba sya sa pagkakakilala ko sa kanya, parang na blackmail ako ng wala sa oras..at ang masakit pa nito talagang kahit saan daanin matatalo ako sa kaso..umiyak na ko nun..kase ni wala man lang akong kakampi nung time na iyun.

di ko makapag decide , kase nga wala pa si bf, ano gagawin ko andyan na mga pulis pwede na talaga akong hulihin..pag sumama naman ako sa matanda, pano ko i eexplain yun kay bf..tiyak magagalit sya dahil parang ginawa ko siyang tanga..

pero wala na akong choice...pero bahala ang sabi ko sa sarili ko...para wala ng gulo sasama na lang ako sa matanda, kaysa lalong magkagulo gulo ang sitwasyon..kakausapi n ko na lang si bf..bahala na...

kinausap ko yung mga pulis at matanda, ang sabi ko bgyan nila ako ng kahit isang araw para mag ayos ng gamit..at sabi ko sa matanda tatawagan ko sya pag susunduin na niya ako..at umuwi na nga sila at sabi pa ng mga pulis ayusin daw namin ang buhay may asawa namin..

iyak ako ng iyak habang hinihintay ko si bf, kase ang saya saya na namin bigla akong magpapaalam sa kaya na kelangan na naming maghiwalay, mahal na mahal ko siya kaya di ko ma-imagine na maghihiwalay na kami..di ko din ma-imagine ang mga sasabihin nya....siguro mga sumbat at kung ano ano pa..siguro isusumpa nya ako..

me karugtong po...humahaba na po kase eh...
sorry late ko n nabasa ung ending meron n pla eh ... ganda nman ng happy ending ng kwen2 moparang DESTINY !!!!!!!!

marin chang
03-07-2008, 09:36 PM
lam mo naiyak ako nung huling part..promise...mero n pala tlgang ganyang tao no..pero nasan k n b?bkit saitama location mo?:Dswerte ka dhil may nakita kang taong katulad nya..

shakey
03-08-2008, 12:58 AM
wow salamat naman at happy ka...natutuwa naman ako ,parang ako tuloy ang nabunutan ng tinik....sana forever na kayo.

mariepippe02
03-09-2008, 09:36 AM
ang ganda naman ng story mo happy ending!

ellaeieiei
03-09-2008, 11:39 AM
thanks for sharing ur love story sis :D

musikaghie
03-09-2008, 12:07 PM
Girltonic, Pagkatapos lahat ng hirap na pinagdaanan mo, Kayo rin pala ni BF mo ang magkakatuluyan.
Happy Ending...Talagang di ka pinabayaan ni Lord, nalagpasan mo ang pagsubok niya at nagbunga ng magandang gantimpala ang lahat ng pinagtiis mo.
Goodluck Sis!:)

majime22
03-09-2008, 01:05 PM
...ano ba yan buti na lang late na ko nakapagbasa ng story mo sis kaya hindi ako nabitin:)

...kaya lang sinipon na naman ako:Ook lang kasi sulit naman..happy ending ang story mo sis!!!:D:D:D

YAN
03-09-2008, 05:48 PM
Worth the wait naman pala kami sa story mo.yokata ne. bait naman ng asawa mo,buti di sya nagbago nun nawala ka sa kanya,may hapon pa palang ganyan,na touch ako na sa kanya pala galing yung mga padala sa takkyubin. happy ending naman pala,good for you.good luck.

honey
03-10-2008, 04:05 PM
Buti naman at nalampasan mo na ang mahirap na pagsubok. Napaiyak din ako sa kwento mo.
Siguro kung alam lang natin ang mangyayari sa buhay natin binago na natin ito at hindi na tayo sumuong pa sa mahihirap na pagsubok pero sa pagkakaalam ko kailangan nating pagdaanan ang mga pagsubok na makakapag papakita ng ating katatagan dahil lahat naman nabibigyan ng solution TIME lang ang kailangan:).

papa_aj
03-10-2008, 04:43 PM
sister wah ako ma say... girl power!!! :D

happy for you sis, you deserve it...

sugar
03-14-2008, 02:45 PM
:kiss:wow sa wakas natapos din haha:lol::lol::lol:

ang ganda ng ending ha :sweeties:hapi for you :yippee::yippee:

shi-cel
04-07-2008, 07:56 PM
salamat po sa inyong lahat...pasensya na din po sa paghihitay kahapon, di po kase ako nakapag online.

hello!ganda ng story mo..naiyak ako.mahilig kasi ako sa fairy tale story.kala ko sa fairy tales lang sa totoong buhay din pala.perfect yong sayo.ganda talaga happy ending.god bless!!!

tisay
04-07-2008, 08:31 PM
ngayon ko lang nakita to:rolleyes:~~binasa ko lahat~~kakaiyak pinagdaanan mo sis pang Mmk ~~...ganda ng lovestory,,happy ending kayo ni bf mo...yokatta ~yokatta~~!!:p:D