PDA

View Full Version : Most economical way to send money to Pinas?

kratos
03-04-2008, 03:31 PM
Mga Ka-TF,

Gusto kong malaman kung alin ang pinakamura at praktikal na pagpapadala ng pera sa Pinas... I have been using yung Mizuho International Cash Card....
Kaso, lately sa Pinas, yung mga ATM, tig-P5K na lang max withdrawal nila. Eh per transaction sa Mizuho is Y210 kasama na exchange rate.... According to my wife, every withdrawal na gawa nya is around P300 ang nakakaltas per P5K. So malakilaki na rin yun kapag tinotal mo....
Sa mga users ng Metrobank, PNB, or sa post office account or others.... can you share your comments?

ganda_girl89
03-04-2008, 03:38 PM

change your bank to citibank.
you can set your own limit on overseas widrawal,no transaction charges,you can access your account and account activities thru the internet and telephone, 24/7 english speaking costumer service staffs,etc.

mamimo
03-04-2008, 03:45 PM
Hi Kratos, di pa ko familiar sa features and charges ng BPI OL-banking pero sa tingin ko kung magbukas ka ng account sa kanila (BPI) then pa-open din ng account ang wifey mo sa BPI din baka mas tipid ang bank transfer kapag same bank ang sender at beneficiary :confused: I think kung mas mura nga ganitong way mas praktikal to kapag regular basis ka padala ma-che2ck mo pa kung nakuha na nila ang money o hindi pa.

When you opt to use this kelangan may medyo kalakihan nakapondo sa account mo para anytime pwede ka padala sa acct ng wife mo....kung doable sana oks to.

kratos
03-04-2008, 04:02 PM
ganda-girl89, kindly send me more details nga, please?
I checked the webpage of citibank, and indicated dun may service charge din...

http://www.citibank.co.jp/en/service/citi_service/oversea02.html

Bale, anong package ang tinutukoy mo? Malamang iba dito na nakita ko....
Please explain further........
Maraming salamat....

mamimo
03-04-2008, 04:56 PM

Meron ako dating account sa Citibank Ginza, to avail of free charges dapat mag-open ka ng 1Myen pero that time max w/drawal ko in a day less than P50,000 dapat kundi may charge na. I don`t know kung yun regular account may mga ganyang free service/bank charge previliges. From time to time nagbabago ang products ng Citibank.:)

BTW, na-issue sa kin international ATM-card MAESTRO or Cirrus (from Citibank of course) kahit makita yun logo sa mga ATM sa malapit niluluwa ng machine so laging ang destination ko kung san walang problema sa w/drawal ATM machines inside Citibank Paseo De Roxas, Makati. Well, baka naayos na nila....try it.

rubybm
03-04-2008, 05:57 PM
kratos suggestion ko lng bkt d u nlng mg metro bank kc in metro bank 2000 yen ung tax d2 s japan db s pinas nman pg metrobank ATM machine ngwidraw la nman charge db unless other ATM machine den d2 pg ngpdla ka kht mgkno ipadala u s pinas bsta 2000 yen ung tax .... nag sa-suggest lng po kc gnun ung gngwa ko eh pg ngpa2dla ako s mother ko ..Mga Ka-TF,

Gusto kong malaman kung alin ang pinakamura at praktikal na pagpapadala ng pera sa Pinas... I have been using yung Mizuho International Cash Card....
Kaso, lately sa Pinas, yung mga ATM, tig-P5K na lang max withdrawal nila. Eh per transaction sa Mizuho is Y210 kasama na exchange rate.... According to my wife, every withdrawal na gawa nya is around P300 ang nakakaltas per P5K. So malakilaki na rin yun kapag tinotal mo....
Sa mga users ng Metrobank, PNB, or sa post office account or others.... can you share your comments?

petite
03-04-2008, 07:01 PM
kratos san, kelan ba effective yang 5k na lang per withdrawal kasi last week nakapag withdaraw pa sis ko ng 8k gamit yung mizuho int'l card. dati kasimetrobank gamit ko kaya lang pag konti papadala tapos 2000 yen ang charge parang namamahalan ako kaya i tried mizuho nga..

ganda_girl89
03-04-2008, 11:29 PM
ganda-girl89, kindly send me more details nga, please?
I checked the webpage of citibank, and indicated dun may service charge din...

http://www.citibank.co.jp/en/service/citi_service/oversea02.html

Bale, anong package ang tinutukoy mo? Malamang iba dito na nakita ko....
Please explain further........
Maraming salamat....

kratos, ganito yun procedure.

1. mag open ka ng account sa citibank (pwede by phone at 0120-110-330).minimum balanse ay 50 lapad or 20 lapad na equivalent sa foregn currencies.pag bumaba dito ang monthly average balanse,may penalty na 2100 yen per month.

2. bibigyan ka ng citibank ATM card.pwede kang mag request ng supplementary cards para sa family members mo.

3. yung supplementary card ay ipapadala mo sa family mo.yun ang gagamitin nila para mag widro ng pera sa PNB,CHINABANK,etc na myembro plus banking network.

4.for securitypurposes, pwede mong i-block and unblock ang mga ATM cards mo,pwede mong i-set ang maximum amount ng transactions mo in and out ng japan per day.lahat ito ay magagawa mo free of charges ng isang tawagan lang sa 0120-110-330. also,pag may gumalaw sa mga cards mo lang balanse inquiry,withdrawal,d eposit,may darating na notice agad sa e-mail mo na parang ganito>>>>

One of your cards was used around 13:03 JST on 03/04 (Withdrawal, PHP 10000.00).
Please confirm transaction details on Citibank Online after the next business day.
For inquiries, call Citiphone Banking
Within Japan: 0120-110-330/ Overseas: 81-44-540-0741
To modify your alert preferences, please access Citibank Online.
Please do not reply to this E-mail.

5. kahit ilan beses ka mag widro sa pinas, walang charges.basta yung amount lang ng kinuha in phil peso converted sa japanese yen sa daily rate ng citibank ang mababawas.
example.kung ang balanse mo ay 610,000 yen.tapos ang rate ng bank ngayon ay 3800php/10,000yen.yung wife mo nag widro ng 3800php.ang balanse na matitira ay 600,000 yen.

about sa rate ng citibank? almost same lang compare sa ibang banks sa japan.
example,ngayon 3/4,may nag widro ng 10T sa account ko sa pinas as u see sa pinost ko sa itaa.ang bawas sa balanse ko ay 26,788 or 37.33 rate.as mo sa wife mo kung magkano ang blackmarket rate at ikaw na ang magsabi kung mataas ba ang rate,mababa o tama lang.

Megumi
03-05-2008, 08:21 AM
Ikuwento ko lang po ang turo sa akin ng kaibigan kong lawyer:

Sa time na uuwi sa Pinas, make an ATM-checking account (I chose Metrobank Account One, P25,000 to open the account, P50,000 ave. monthly balance to earn interest... para merong ATM, checks and internet banking). Give the ATM card to your spouse para anytime pwede magwithdraw.

Send money (from here) to fund that account in BULK. As in milliones! :D para once or twice a year lang magpapadala sa Pinas. Naku, baka ma-black list ako sa PNB or Metrobank ...kowaii na...:rolleyes:

For other payments, you can issue postdated checks, leave it with them (we did so for our parents; every 2 months they can get money by encashing the check or depositing it to their metrobank account).

If ever you need to pay an unexpected expense or kung mag-i-invest ka, you can send the postdated check from here (but be sure to use registered mail to send the check). Or fund the check only when the check had reached the hands of the payee.

You can also apply for Metrobank Direct (internet banking). Instead of leaving postdated checks, enroll your beneficiary's bank account (preferable metrobank para minimum charges or wala (?)) so you can transfer funds thru the internet.

Disclaimer: Hindi po ako staff ng metrobank. wala rin po aking kilala sa metrobank.

Pero satisfied ako sa service ng metrobank. let's not talk about pnb or else my post will elongate.

Have a blessed day everyone! Spring's just around the corner... I am so looking forward to springtime- the beginning of everything beautiful :)

rhynissa
03-05-2008, 09:48 AM
mas maganda nga daw ang MetroBank, sa totoo dati nagpapadala ko thru PNB pero 3days bago nila makuha sa Pinas, ang tagal.. Parang naghulog din ako ng EMS. Unlike ang MB ay hour or min lang yata nandun na ang pera mo sa Pinas dun sa MB..

malibuPine
03-05-2008, 01:04 PM
Ikuwento ko lang po ang turo sa akin ng kaibigan kong lawyer:
Sa time na uuwi sa Pinas, make an ATM-checking account (I chose Metrobank Account One, P25,000 to open the account, P50,000 ave. monthly balance to earn interest... para merong ATM, checks and internet banking). Give the ATM card to your spouse para anytime pwede magwithdraw.

Send money (from here) to fund that account in BULK. As in milliones! :D para once or twice a year lang magpapadala sa Pinas. Naku, baka ma-black list ako sa PNB or Metrobank ...kowaii na...:rolleyes:

For other payments, you can issue postdated checks, leave it with them (we did so for our parents; every 2 months they can get money by encashing the check or depositing it to their metrobank account).

Meron din yata ang PNB nyan. Hmnn depende kung ilang milliones. I understand that if you send more than 1M yen you have to fill out documents and declare the amount you are sending and its purpose. This record will be for BOJ (Bank of Japan). Am not sure if it's the same documents for Y100,000 or more.

Medyo mahirap din if you send BULK amount and your family has the ATM card, baka nakatipid ka nga sa remittance charge, ubos naman ang pera agad. Very tempting.

I have a separate checking account sa PNB, nasa pinas pa ako, not a combo savings, easier to keep track. For my family and other obligations, been issuing postdated checks also for deposit sa account ng beneficiary, it is safer. I only fund the checking account if need be for protection.

Am a bit conservative and paranoid lol. I wish to try this online thing. Esp my Citibank acct, but problems like computer glitches, security, and all are stopping me. But I need to try this.

malibuPine
03-05-2008, 01:17 PM
mas maganda nga daw ang MetroBank, sa totoo dati nagpapadala ko thru PNB pero 3days bago nila makuha sa Pinas, ang tagal.. Parang naghulog din ako ng EMS. Unlike ang MB ay hour or min lang yata nandun na ang pera mo sa Pinas dun sa MB..

Depende rin yata sa case, sa account nila, or kung may problem, kung holiday dun. Depende kung anong oras (may cut-off) at araw ka nagpadala. Ako, wala naman problema, padala ako sa umaga withdraw na nila agad umaga rin, same day.

Actually I tried both PNB and MB, pero satisfied na ako sa PNB mas marami akong transactions sa kanila. Kung saan comfortable and makatipid dun tayo. :)

malibuPine
03-05-2008, 01:42 PM
Mga Ka-TF,

Gusto kong malaman kung alin ang pinakamura at praktikal na pagpapadala ng pera sa Pinas... I have been using yung Mizuho International Cash Card....
Kaso, lately sa Pinas, yung mga ATM, tig-P5K na lang max withdrawal nila. Eh per transaction sa Mizuho is Y210 kasama na exchange rate.... According to my wife, every withdrawal na gawa nya is around P300 ang nakakaltas per P5K. So malakilaki na rin yun kapag tinotal mo....
Sa mga users ng Metrobank, PNB, or sa post office account or others.... can you share your comments?

Depende kung saang ATM ka mag-withdraw yata. Meron 5K meron 20K. I experienced that while I was in Pinas. I was able to withdraw 20K pesos :)

Depende sa purpose and needs ang practicality ng means ng padala:

~ International ATM, ok yan, for traveling, for emergencies and your family can always withdraw on weekends. Talo ka sa rate, and every withdrawal may charge. Most banks alam na style ng mga banyaga dyan sa intl atm, kaya stricto na sila sa opening of that certain account, they say money laundering as reason, but I doubt

If they withdraw it just once sa pinas, tipid. First time gamit ng family ko yan, maya't maya withdraw konti konti, daming charge. So I had to caution them. I don't send big amount, para ok lang mawithdraw one time. Maraming thieves sa atin, nasa likuran katabi mo nag-aabang lang, delicado rin ang ATM na yan, tapos mag ha-hang pa

~ EMS, alam na rin yan na ginagamit padala ng pera, so risky. Ok lang siguro kung maliit na amount na you can afford and ready to lose

~ Thru banks, like PNB, MB safer, cheaper kasi JPY2000 lang whereas sa Japanese Banks cost from JPY4000

They have this new online banking, di ko pa nasusubukan, kasi, paranoid ako lol.
Kung nasa US siguro ako and availing/paying for identity security/theft insurance, baka.
I might try this on small amounts though

~ Citibank, ok rin, kung malaki ang balanse mo. Charges are waived or lesser depending on the amount of your savings

mariepippe02
03-05-2008, 10:27 PM
ako mb ginagamit kong pagpadala kc mas safe ang pera ko,kya masasav ko sa mb ka nlang mura pa.

pinklady
03-08-2008, 02:01 PM
sa metro bank 2000 yen lang ang tax kung peso ang gusto mong ma recieved nila sa pinas kung gusto mo naman na yen ang matanggap nila 3000yen ang tax at kung maipapadala mo ang pera ng hanggang 14:00 hrs. the next day matatanggap na sa pinas !:thumb:

mamimo
03-08-2008, 06:52 PM
They have this new online banking, di ko pa nasusubukan, kasi, paranoid ako lol.

~ Citibank, ok rin, kung malaki ang balanse mo. Charges are waived or lesser depending on the amount of your savings

economical talaga internet(OL) banking kelangan lang maglagak ng medyo malaking amount para nga makatipid sa bank transfer from Japan to Pinas. with regards to that Citibank free charges privilege medyo attainable na nga ngayon kasi bumaba na ang minimum required balance para maka-avail nyan kaya samantalahin na po natin.:)

ladyivy27
03-12-2008, 09:39 AM
ako po METROBANK!!! 2000 yen lang ang charge. it`s so easy to send at natatanggap agad. i ask my sis na metrobank na din ang i-open nilang account sa pinas kaya kapag ihinulog ko ng 11am dito,once na i-check ng sis ko before 3pm sa pinas ay nandun na. here`s their address and number...METROPOLITA N BANK AND TRUST CO., TOKYO BRANCH 1F Chiyoda First Bldg., 3-8-1 Nishi-Kanda, Chiyoda-Ku 101-0065. tel# 03-3237-1403. i wish it could help:).

iseijin
03-12-2008, 01:38 PM
heard the banco do brasil sending rate is much cheaper at 1500yen

at mas mataas raw ang palitan ng yen to peso kasi mas malaki ang dollar convertion ng bangkong ito kesa sa mga Pinoy banks.

gillian_90
03-14-2008, 10:33 AM
Mga Ka-TF,

Gusto kong malaman kung alin ang pinakamura at praktikal na pagpapadala ng pera sa Pinas... I have been using yung Mizuho International Cash Card....
Kaso, lately sa Pinas, yung mga ATM, tig-P5K na lang max withdrawal nila. Eh per transaction sa Mizuho is Y210 kasama na exchange rate.... According to my wife, every withdrawal na gawa nya is around P300 ang nakakaltas per P5K. So malakilaki na rin yun kapag tinotal mo....
Sa mga users ng Metrobank, PNB, or sa post office account or others.... can you share your comments?

.....why not try sending thru PNB Global Money Filipino Card,its much cheaper and accesible in the phil.,only your kamag anaks in pinas can withdraw the first sent money after 24 hours after they received their GFMC atm... succeeding padala is very easy to withdraw na kasi activated na yung atm card,the limit is 8k per atm transaction but can insert atms 5 times...no balance needed in pinas...

Tempest10
06-25-2008, 02:21 PM
hello! pag nag-open ba ako ng metrobank account jan, automatically enrolled na rin ang online banking, or kelangan ko rin irequest? And pwede ba ako mag-add ng recipients for fund transfer at yung recipients ko ay nasa Manila? Balak ko kasi iwan sa family ko yung metrobank ko sa pinas then mag fundtransfer na lang ako every now and then. Gano katagal bago matransfer yung pera sa recipient account? Sa Pilipinas kasi real time andwala bayad ang fund transfer eh pero kung 2000 yen na pinakamababa pwede na rin basta mabilis at within the day mawiwithdraw ng family ko. San ba meron Metrobank branch sa japan?

clovergirl
06-26-2008, 02:24 AM
Mga Ka-TF,

Gusto kong malaman kung alin ang pinakamura at praktikal na pagpapadala ng pera sa Pinas... I have been using yung Mizuho International Cash Card....
Kaso, lately sa Pinas, yung mga ATM, tig-P5K na lang max withdrawal nila. Eh per transaction sa Mizuho is Y210 kasama na exchange rate.... According to my wife, every withdrawal na gawa nya is around P300 ang nakakaltas per P5K. So malakilaki na rin yun kapag tinotal mo....
Sa mga users ng Metrobank, PNB, or sa post office account or others.... can you share your comments?
hello po,
ako po nagstart magpadala ng pera kay nanay nitong May lang gamit ang international cash card ng Mitsui Sumitomo, ipinadala ko po ang ATM card sa kanila at nakakapagwithdraw po sila agad ng walang problema, ang charge po per transaction is 200yen, tapos yung exchange rate po ay pareho lang ng sa bangko, normally po yung P20,000 na padala ko pumapatak lang ng 50,000yen minsan less pa depende sa exchange rate kasama na ang charge. sa BPI po P20,000 ang maximum amount per day, then P10,000 po per transaction. Yung passbook po nasa akin yung card na kay nanay. May regular account po ako na dito lang sa Japan ginagamit, sobrang convenient po kasi hindi ko na kailangan pang pumunta sa bangko dahil available naman ang internet banking service ng Mitsui Sumitomo. Sana po makatulong sa inyo ang info na ito. Yung mga kilala ko po dito gumaya na rin, nag-apply po sila ng international cash card, kasi mabilis po pag nilagyan ko ng money dito, nakukuha agad nila nanay ang pera same day basta nagreflect dito sa account ko na may lamang pera. Nitong nakaraan lang, June 23 nilagyan ko po ng pera yung account then tumawag po ako sa Pilipinas para sabihan si nanay na pwede na sya magwithdraw, after ko tumawag nagwithdraw na po sila kasi namomonitor ko sa internet yung account itself. Make sure lang po na pag ginamit ng mga kamag-anak ninyo yung card dapat may PLUS sign yung ATM, normally naman po Metrobank, PCI, BPI, China Bank, HSBC at marami pang iba may mga PLUS sign markings so madali po talaga magwithdraw, naconfirm ko po ito last March sa Pilipinas. If may gusto po kayong malaman na iba pang info, let me know na lang po. Maraming salamat.
Suggestion lang po based sa experience ko sa BPI po ok magwithdraw.

rya
06-28-2008, 12:57 AM
sa PNB at Metrobank ay may 2000 na remittance fee... pag nagwithdraw sa ATM max din ata yung 20 000 per day pero syempre kung sa PNB or Metrobank na atm ka mismo magwithdraw ay wala namang withdrawal fee... kaso may additional pa dito na furikomi fee...

hmm masubukan nga tong Mitsui Sumitomo na to... di ba nagkakalayo ang rate sa PNB sis? sabagay e sa 200 yen na charge e sulit na nga...so bale kung mga 100 000 pesos ang iwiwithdraw mo ay papatac sa 1000 yen ang fee hmmmmm sulit nga... tama ba ako?

navy_wife
06-28-2008, 07:29 AM
Hello sa lahat, ishishare ko na rin po yung the way I've been sending money. Natry ko na po halos lahat: PNB, Metrobank, Mizuho or Sumitomo International card pero wala pong tatalo sa service ng BANCO DO BRASIL. Nirecommend lang po ito ng friend ko and it really works great. This is how it works:

Banco do Brasil is directly affiliated with E-PCI (now Banco de Oro) on which an OFW and its dependents can open a bank account in Philippines with a maintaining balance of only 50 pesos. When you register for remittance account sa Banco Do Brasil, bibigyan ka nila ng yellow na bank card which you can use to transfer money from Japan directly to your registered PCI accounts. Banco do Brasil will set kung how much money you can only send per day depende sa income mo. But the best part is, 1, 500 yen lang po ang remittance fee kahit magkano ipadala mo basta within the daily limit ng remittance card mo. So kahit magpadala ka ng 500, 000 or any amount within your daily limit, 1,500 yen lang ang bayad. Also, you are depositing in yen and will be converted by the bank into dollars at saka sya ikoconvert into peso pagpasok sa ccount mo sa Pinas. They have high exchange rates too so talagang you will get more value for your yen. You can deposit your remittance using the yellow bank card they give you at the Banco do Brasil branch office, Post Office atms, telephone & internet banking as well.

Eto po yung ginawa ko:

Open an account at EPCI/Banco de Oro sa pinas for myself & my sister
Open an account at Banco Do Brasil for remittance services at their Ginza Branch sa tapat ng Yodobashi Camera at sa tabi ng Sumitomo Bank main branch. Register your PCI/Banco de Oro accounts. You will receive the remittace card the same day. (Application can be done by mail too so pwede kayong tumawag sa office ng Banco do Brasil and ask for the application form, may Filipino services sila.) Telephone no. 0120-0905595.
When sending the money, you just use the card to deposit the money in yen and didiretso na sya sa account sa Pinas so any transactions your family makes in Pinas is free of charge na. The money also comes in within minutes the same day as long as you deposit it before 3 p.m.I hope this helps. It is always good to have several options.

sasarai84
06-29-2008, 12:50 PM
how close is the exchange rate of yen to peso in the blackmarket? Or, ilan percent (average) usually ang difference ng exchange rate ng Banco de Brasil sa other banks (metrobank, PNB)? Ok nga sana talaga magtransact sa bank kasi you know your money is safe and makakarating agad sa pinas once you deposited in the japan branch, pero sobrang baba naman ng rates nila. And sometimes, pag minamalas ka talaga, pag natiyempuhan ka ng inefficient na staff sa Pinas branch, antagal bago makuha ng receiver ang pera. Eto experience ng nanay ko sa bank-to-bank transaction :

Last time nagpadala ang aunt ko sa nanay ko ng ilang libong yen, mejo malaki rin. Ang receiver bank is Equitable PCI bank. Nagdeposit siya Friday morning. My mom checked at Pinas ATM branch kung pumasok na ang pera the next day, aba, wala pa! We thought dahil non-working day kaya siguro wala pa. Dumating ang Lunes, Martes hanggang Biyernes, wala pa rin! Tumawag na nanay ko sa EPCI pero ang sinasabi sa kanila wala pa raw sila natatanggap. Tumawag na rin nanay ko sa aunt ko sa Japan and my aunt verified it sa branch doon. Natransfer na raw, at ibinigay pa sa kanya transaction receipt. Kung may problema man daw sa Pinas branch na raw iyon. Ang bank naman dito, sabi, wala pa rin daw. Nabwisit na ako kaya ako ang tumawag at kinausap ko sila in straight english. Dakdak ako ng dakdak sa telepono. Nawindang siguro sakin kaya narelease din ang pera sa wakas. Inabot ng dalawang linggo bago nawithdraw ng nanay ko ang pera.

I've researched sa internet kung may ibang nakakaexperience nito. Meron din pala katulad ng sakin. Sa BPI naman yun. Swerte ko na nga raw at dalawang linggo lang inabot nung akin, yung sa kanya ilang buwan na. Ang nangyari daw kasi ay ginamit pala ng branch manager yung pera for personal reasons. Nakiusap na lang BPI na wag na palakihin ang issue at irerelease agad nila ang pera. I don't know if this case happened to us also. The next time they do it I will visit that branch agad and demand what is rightfully ours. I'll search that thread again and put it here for everyone's info na rin.

Firipinjin
06-29-2008, 02:18 PM
Try paypal (https://www.paypal.com/us/cgi-bin/webscr?cmd=_flow&SESSION=7xz547i554Q8 JVe9wBg29JZ2CGf9BqZY QSU2Su2VfIe-aE0srDmkzk_myh4&dispatch=5885d80a13c 0db1f1ff80d546411d7f 84f1036d8f209d3d19eb b6f4eeec8bd0e) (www.paypal.com)
Very easy, secure and you don't need to open any account. You can send money using your credit card.

samantha23
07-26-2008, 10:29 AM
monthly po ako ngppdala ng pera sa pinas,at ngagawa ko lng po eto tuwing lunch break nmin na 45mins lang,bibiyahe pa ako ng 10mins papunta banko,tapos jikan kakar yung proseso kaya palgi giri giri yung time ko di na nga ako nkakakain ng lunch,baka po meron kayo alam na ibang easy way,yun pong di mendokusai,kindly teach me naman po,thanks in advance:)

pineapple
07-26-2008, 02:32 PM
meron po ba ditong nakakaalam kung panu mag send ng remitance thru japan post office??
sana po may sumagot thanks..