PDA

View Full Version : MONSTER-IN-LAW (PART3)

erokawaiiAYA
03-05-2008, 06:47 PM
Mga friends, Im back again, para sa part3 ng MONSTER-IN-LAW
Napaka hirap talaga tumira kasama ang mga in-laws.
Nakaka stress, dito ko na nga lang ibinubuhos sa TF lahat ng stress
ko, recently nagkagulo gulo pa.
Anyway..
Umpisahan ko na uli ang kwento:)

Itong byanan kong lalaki, minsan kinausap ako. Seryoso pa ang muka nya, Kala ko naman kung anu nang sasabihin , wala naman palang ka kwenta kwenta, pinag init lang nya ang ulo ko:mad:. Ganito ang conversation namin.

otousan : Sa tuwing tatawag sa yo sa keitai:phone: ang ate mo at nanay mo ,
wag kang magtatagalog.kailang an nihongo ang salita nyo.

ako : Haa?? bakit? anu pong ibig nyong sabihin??

otousan : Mag nihongo kayo, kasi naririnig ng bata yung tagalog.

ako : Bakit ko kailangan magsalita ng nihongo? eh pilipina kausap ko?!
Firipinjin po kami.

otousan : Baka marinig ng bata ang tagalog, matuto pa magsalita ng tagalog
yan! kailangan nihongo lang !!

aba, uminit ng uminit ang ulo ko:mad: Pero nagpipigil pa rin ako, kasi kailangan ko
ko syang galangin , isa kasi syang malaking letse sa bahay na yon.
sabi ko sa kanya.

ako : Mag ni nihongo lang ako sa lahat ng kausap ko sa tel, kung mag
e english ka sa lahat ng kausap mong hapon !!!

:toofunny:ha ha ha , sumagot ba naman nagalit.

otousan : bakit ko kailangan mag english ? eh nihonjin kami!!!

sagot ko sa kanya, "bakit ko kailangan mag nihongo?! eh pilipina kami!!"

Nanahimik ang gago.:grinny:
Lintik yon, inaksaya nya ang oras ko, para lang sabihin sa akin yon.
Ngayon , na realize ko , na habang nag papa api ka, lalu ka nilang aapihin, kaya
fight ! GO GO GO! SAGO !!! :japanese:

SCENE 2

Minsan, sinundo namin yung byanan kong babae, galing sa trabaho. nagkataon kasi yasumi ni hubby. Pero bago kami pumunta sa nanay nya, bumili muna kami ng isang box ng mr donuts kasi tabetai :food:daw si hubby, aba! sabi nya
kailangan daw naming itago yung donuts sa loob ng trunkng kuruma (tama ba spell ko?) kasi pag nakita daw ng nanay nya magagalit, :yikes:
sabi ko "anu ba naman yan! sabihin mo sa nanay mo maglaho na sya sa mundo" ang laki ng problema nya!!

aba, at nagkatutoo nga ang sinabi ng asawa ko,nung araw na
yon pumunta kami ng mall kasama nanay nya hindi sinasadya, nawala sa isip ng asawa ko, binuksan nya yung trunk ng kuruma,kasi ilalabas nya yung baby car ng anak ko. hala! nasilip ng nanay nya yung binili naming donuts, aba, nagalit! biglang hinay blood! :hellfire:
na para bang gumawa kami ng walang kapatawarang krimen! nag sisigawan sila sa Parking lot ng mall nakakahiya talaga.
sabi ko "anu bang pinag aawayan nyo?" (kunwari wala akong alam)
sabi ng asawa ko "tong put**inang taong to eh! reklamo ng reklamo"!
imbis na awatin ko sila, natawa akong bigla.:insane:
ha ha ha (bahala kayong magsabong dyan!) ha ha ha

SCENE 3

Ito namang asawa ko , hindi masyadong mahilig mamintas, minsan me pinaaabot
sya sa akin,eh hindi ko maabot kasi matass (eh maliit lang ako).

sabi nya, tumuntong ka sa silya, pag tuntong ko naman, diko pa rin maabot, sabi nya
"bakit nanaman"?
sabi ko hindi abot ng kamay ko eh!

aba, sumigaw ba naman, sabi nya "ang ikli kasi ng kamay eh"

Sa sobrang pagkabigla,nag init ang ulo ko:mad:, sabi ko sa kanya
"Hoy gago!! kung gusto mo ng mahabang kamay, asawahin mo unggoy!! wag ako!!"

:lol:ha ha ha ha
sabi ng asawa ko, siraulo daw ako, hindi daw nya kayang pumatong sa ibabaw
ng unggoy !!! ha ha ha ha:toofunny:

:jiggy:
Maraming marami pang mga nakaka asar na bagay dito sa loob ng bahay ang pinag gaga gawa nang dalawang siraulo kong byanan.

Biruin nyo ba naman, tanghaling tapat, oras ng pagtulog ng bata (at tulog ko na din minsan) he he:p
bigla ba namang maiisipang mag vaccum ng byanan kong lalaki. At ang highlights pa ng pag va vaccum nya, ay sa harap ng pinto ng kwarto namin.:angry: Dun sya
nagtatagal, feeling ko nga , "ano ba tong harap ng pinto namin"?, hindi naman siguro puro buhangin ang nakalagay dito, para mag vaccum ng matagal! halata mo talagang nananadya.

Nagagalit pa sya pag sarado ang pinto namin, parati nyang sinasabi, natutulog daw ako.Helleeer !!! napaka lawak ng pag iisip nya, at sobra syang nakakatuwa sa paningin ko !!!

Parang wala na akong karapatang magsara ng pinto. Hindi sila mapakali, kapag nakasara ang pinto. Sabi ko nga sa asawa ko, tanggalin na lang yung pinto sa kwarto namin, para mapanatag na ang pag iisip ng nanay at tatay nya.

:doh:
Ito namang byanan kong babae, nagalit nung gabi. Sinabi lang sa kin ng asawa ko.
Nagalit daw yung nanay nya kasi yung termos daw kaunti na lang ang laman.
(actually ako lang naman kasi ang gumagamit non, para sa gatas ng anak ko)
maubos man sya, ako ang ma mumroblema, hindi sila.

Sabi ko naman, bakit sya magagalit, atarimae lang na maubos yung tubig kasi ginagamit ko yan araw araw.:angry: Sabihin mo sa nanay mo, magalit sya, kung walang gumagamit ng tubig tapos biglang maubos. !! maiintindihan ko ang galit nya!!
(letse talaga yon) gusto lang nyang magalit. Hindi kasi sya sanay nang hindi nagagalit sa
isang araw, kaya gagawa at gagawa sya ng mga kaparaanan nya, kahit sa mga
walang ka kwenta kwentang bagay.

:rant:
Minsan, gabi, nag away kami ng asawa ko, nasa loob kami ng kwarto, nung matapos yung sagutan namin , nauhaw ako,kaya binuksan ko yung pinto ng kwarto(dahil pupunta ako ng kusina). Aba , nakita ko sa gilid ang nanay nya
nakikinig. Tapos nung makita siguro ako na papalabas na ng pinto, dahan dahang tumakbo papalayo, na animoy yung tatlong daliri lang ng paa nya ang sumasayad sa sahig! imaginin nyo kung anung itsura non!!!:eek:
Nagulat ako talaga ako!.

Obvious na obvious sya! hindi man lang nagkunwari o umarte man lang na kunwari nagpupulot ng basura sa gilid,:D o kaya me kinuha lang na gamit sa
tabi, tapos naglakad na lang na parang walang nangyari.

Grave sya. Hindi kapani paniwala ang mga pinag gaga gawa!! Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.:order:
natatawa ako (sa itsura ng takbo nya)
naiinis naman ako (kasi masyado syang tsismosa)

Nung unang kita ko pa nga, nagulat ako eh,kasi madilim na, patay na lahat ng ilaw. kala ko me aswang eh !:biglaugh: kaya yung kabog ng
dibdib ko non grabe, nung mapagtanto ko (tae pala)ay este! Nagkukunwaring tao!!

:cool:
Isa pa, yung kaisa isa kong anak na lalaki, ang kamuka pa eh yung byanan kong lalaki!!!
dyus ko po,kapag binibiro ka naman talaga ng tadahana,
sabi pa ng asawa ko, sundan na daw namin ng babae, para daw me kalaro yung anak namin. sabi ko naman.
Wagna ! baka paglabas, kamuka naman ng nanay mo! ayokoooo naaaa!!! tigilin nyo na ako!!:banghead:

Maraming marami pa akong iku kuwento sa susunod.Hindi ko kasi lahat mai lagay dahil masyadong mahaba. Pero
salamat po uli sa pagbabasa, nag lalabas lang po ako ng sama ng loob ko.

Abangan nlang po ang Part4 ng MONSTER-IN-LAW.:tfrocks:

he he he:D

majime22
03-05-2008, 06:58 PM
..ha ha ha nakakaloka talaga:D

sumakit yata tiyan ko kakatawa...:bouncy:

rockinchiq
03-05-2008, 06:59 PM

hahahaha!!!!!!!!!!!
taga-subaybay mo ko bunso...wala ka talagang kapantay!:roll::roll :

rockinchiq
03-05-2008, 07:01 PM
tama bang i-qoute pa kita?ang haba!haha...:D

erokawaiiAYA
03-05-2008, 07:02 PM
tama bang i-qoute pa kita?ang haba!haha...:D

oo nga !! ang haba!! kala ko yan ang message mo!! ha ha ha:D

Autumn
03-05-2008, 07:02 PM
Taihen gokuro nasareteiru ne .........ma... ma gambariya ;)...........parang masyadong makulay at masaya layf mo :D salamat naman at wala ka pang wrinkles....hayaan mo kakaunti na lang naman panahon nila sa mundo kailangan mauna sila saiyo ha .......kaya itawa mo na lang ng itawa at ichizmaks mo na lang sila sa amin na handang makinig este magbasa ng magbasa .......kio otosanaide ne

yukio_cris
03-05-2008, 07:12 PM
habang na iistress ka sa nangyayari sa yo, natatawa naman ako pampatanggal stress sa kwento mo;) gambatte na... kaya mo yan dahil kakaunti lang ang mababait na byenan, it means you are important to them kaya sila ganyan sa yo.:)

kul_erick
03-05-2008, 07:16 PM
sarap naman magbasa pag ganito ang post nakakawala ng stress

japhil
03-05-2008, 07:26 PM
OK SA ALRIGHT:D!!!! ha ha ha sarap mamasyal sa bahay nyo komedyante rin pala si TATANG HAPON. hay nako sis tama yung ginawa mo GO GO GO ang kailangan kasi kung tatahimik lang ehhh aabusuhin ka lalo ng mga oldy na yan :p

alam mo sis ang saya nyo sa tingin ko nga kasi lahat kayo komedyante lahat ng tao sa bahay nyo me kanya-kanyang karacter sa comedy natawa ako kay nanay hapon parang naiimagin ko mukha syang tipaklong na naglalakad sa dilim:)

si hubby mo naman hahaha mahilig din sya sa manzai kasi marunong syang sumagot hahaha!

kawawa ka naman stress ka dyan kami naman nag eenjoy sa post mo :p

tabako
03-05-2008, 07:37 PM
nakalimot ako sandali sa problema ko!:hihi: super nakakatawa talaga istorya ng buhay mo, sa piling ng mga monster in law mo! ganbatte na kaya mo yan:)

rhynissa
03-05-2008, 07:58 PM
grabe ang hirap naman ng ganyan na parang gusto yata ng mga byenan mo na maging sunud-sunuran kayo sa kanila. Bakit di na lang kayo magsarili ng bahay kung ganyan ang mga ugali ng byenan mo? Mga friends ko naman at ibang pinsan na nakapag-asawa ng japanese ay mababait mga byenan nila. Napataon ka lang talaga sa mga monster ang ugali:D.. Aba eh pati ba naman pagkain ng donut papakialaman?? grrr.. nakakainis ang mga ganyang in-laws:D..

akiam
03-05-2008, 09:39 PM
grabe. di ako magkamayaw sa pagtawa mag-isa.

more...more... more...

wait namin yung part 4 =)

maimai
03-05-2008, 09:46 PM
sis~~kumpleto rekado ang buhay mo dyan~~
comedy,drama,horror and suspense! :lol:

abangan sa susunod na kabanata~~:D

meteor
03-05-2008, 09:56 PM
halo halong emosyon ang nararandaman ko sa story mo gurl
parang ganito :lol::roll: :toofunny: :hihi::grinny: :bowdown:
na gusto kng sumigaw ng more more moreeeee :p :D

erokawaiiAYA
03-05-2008, 10:11 PM
natatawa naman ako sa mga reply nyo!!:D nakakatuwa!!!:D:D:D

elisha_gt
03-05-2008, 10:44 PM
sis, gabi na eh tawa pa ko ng tawa dito, baka magising ang baby ko!:)tinatranslate ko sa husband ko, pati sya tawa ng tawa! pero sis, hirap yung ganyang sitwasyon.tama ka wag kang paaapi kasi lalo ka nilang aapihin kung mananahimik ka lang.pero kailangan may kasamang kahit konting respect for them.oo nga sis, bakit kaya di nalang kayo bumukod? iba talaga pag nakabukod free kang gawin lahat ng gusto mo;).no stress, no monsters....

erokawaiiAYA
03-05-2008, 11:32 PM

iniintay ko pa kasi mabayaran yung pesteng kuruma ng asawa ko, pag okay na yon, tsaka kami lilipad!! ha ha ha:D

salamat po sa time, at napag tyagaan nyong basahin ang napaka habang thread ko. he he he:D

elisha_gt
03-05-2008, 11:42 PM
iniintay ko pa kasi mabayaran yung pesteng kuruma ng asawa ko, pag okay na yon, tsaka kami lilipad!! ha ha ha:D

salamat po sa time, at napag tyagaan nyong basahin ang napaka habang thread ko. he he he:D

nung una, parang ayokong basahin kasi ang haba sis, pero nung sinimulan kong basahin ayan tawa na ko ng tawa at tinawag ko pa husband ko para ikwento sa kanya.nakakatuwa ka kasi eh, sa kabila ng mga pasakit ng mga in- laws mo eh andyan ka pa rin, still standing!!!!;)

erokawaiiAYA
03-05-2008, 11:46 PM

yes korek check, inspite of everything nandito pa rin ako!!
at talagang dito lang ako, dahil wala akong mapupuntahang iba, kundi dito lang !!!!

kung meron lang ibang matitirahang bahay, wala na siguro ako dito !! ha ha ha:dogpile:

katheyrine
03-06-2008, 12:04 AM
Hi Aya:D
Napaka bait mo talagang bata ano?
Hayaan mo na yang bienan mo...
Pero sa pictures mukhang ang bata pa ano?
Matagal ka pang pepestehen na`n.
Tama lang na sumagot ka ng sumagot pag alam mong sala sila.
Sabi ko nga sa`yo mas malala pa yang sa akin nuon.
Pero nagbago sila..(dahil alam mo na yun):D
Keep your spirit!

erokawaiiAYA
03-06-2008, 12:06 AM

yes! ate kats!! hindi ko malilimutan ang kwento mo!
at ang swerte ko dahil hindi ako ang naging byanan mo!:toofunny:

kundi, inatake na ako sa puso:D ha ha ha

katheyrine
03-06-2008, 12:09 AM
hihihihi naku kung napicturan ko lang mga mukha nila..matatawa ka.
putlang putlang gulat at takot!:D
shouganai, galit kasing napuno na:p
pati ako nagulat sa sarili ko.:D

basta ingatan mo sarili mo palagi, kahit stressed ka dyan..
Isipin mo na lang....ano kaya?:confused::roll eyes::D

erokawaiiAYA
03-06-2008, 12:34 AM

korek check ka dyan ate kats. kailangan maging malakas ang loob.
Dahil dito sa japan, wala tayong kakampi kundi sarili lang natin, kaya go go go go
fight!!:)

ellaeieiei
03-06-2008, 01:00 AM
hahahaha sis. natatawa tlaga ako, wala kang katulad. nakakawala ng lungkot tlaga,.
hays grabe sarap basahin ng mga kwento mo promise. kaya waiting mode ako sa next episode mo..

gambatte sis. :D andto kaming lahat para makinig/makibasa sa talambuhay mo.

salamat pinasaya mo kami sa kwento mo. kahit alam kong di nakakatuwa ginagawa ng byenan mo. basta keep smiling , keep shining .. knowing u can olweiz count on me for sure hehe kanta na :band:

take care sis and God Bless :D

ANGELIKA22
03-06-2008, 01:00 AM
bwahahahaha:biglaugh ::biglaugh::biglaugh :!!!!!!!!!!!!!!!!!!
grabeeeeeeeeeeee!!! sa sobrang hagalpak ko ng tawa nagising ang asawa ko!! nagalit pa, dis-oras ng gabi tawa ako ng twa hahahahahahahah!!!! grabe ngaun lang ako tumawa ng ganito sa Tf:biglaugh::biglaug h::biglaugh:

erokawaiiAYA
03-06-2008, 01:04 AM
Maraming salamat po sa mga nag reply !!! nakakatuwa po talaga ng puso.
ha ha ha, :)talagang nawawala ang stress ko kapag nakakarinig ako ng mga masasayang reply from my friends sa TF.:)

pinaypay
03-06-2008, 07:57 AM
Sumakit yng tyan ko s katatawa. Naku wag u syang intindihin ang wrinkles sister. MAtira ang matibay..........:do gpile: Ito gawin u s knya:fence:

chevelle:)
03-06-2008, 08:22 AM
ha...ha....ha...iba ka talaga sis. ang sakit ng tyan ko sa iyo. ha...ha...abangan ko yung part 4 ha:D saludo nga ako sa iyo kasi kayang-kaya mo ihandle yung situation mo dyan ei. post mo lang ng i-post dito kapag nanggigigil ka na:p

freegirl
03-06-2008, 09:47 AM
@erokawaiiAYA san, ako yata ang napapatawa sayo sa mga kuwento mo with regards to your in-laws. Nakakatanggal ng stress kung meron pang "Kotaete Chodai" TV sitcom, papatok yang kuwento mo kapag ginawang pelikula kaso tapos na contract ng TV sitcom na yan e. Keep on praying na magbago ang pakikitungo ng mga in-laws mo sayo. Kapag nagbago kaya sila (in-laws) baka naman ma-miss mo ang kakulitan nila. Makulay ang iyong buhay with in-laws.

erokawaiiAYA
03-06-2008, 09:59 AM
Thank you po sa mga reply.:)

Actually, yung byanan ko, hindi sila makukulit tignan, talagang nakaka asar sila.
Ginagawa ko nlang katatawanan kasi nakaka iyak talaga ang buhay ko dito.

Pero shouganai, life must go on!! go go go go!!:)

sky
03-06-2008, 10:46 AM

Taga saan ka ba sa Tokyo ? halika bibigyan kita ng syutak (maliliit na pako) ihalo mo sa shirazu at ipakain mo sa kanila :D tsaka yun iba ikalat mo sa may pintuan sa gabi tignan mo lang kung di lumipad naman moster mo sa sakit ng paa nya :hellfire:
(patawad po) nagpapatawa lang

katheyrine
03-06-2008, 10:51 AM
:D:pTaga saan ka ba sa Tokyo ? halika bibigyan kita ng syutak (maliliit na pako) ihalo mo sa shirazu at ipakain mo sa kanila :D tsaka yun iba ikalat mo sa may pintuan sa gabi tignan mo lang kung di lumipad naman moster mo sa sakit ng paa nya :hellfire:
(patawad po) nagpapatawa lang

ahihihihi sige bigyan mo ng pako..
ako naman ang magbibigay ng shirazu (marami ako nan)
ahihihi
nagpapatawa rin lang:D:p:)

dReAmGhUrL
03-06-2008, 11:19 AM
gomen ne..warui kedo..kakatuwang basahin ang nangyayari sau..i mean kahit papano napapngiti me kahit n mrami rin me iniicp sa ngaun..,

iniicp ko nga eh..bka kaya hindi maipakilala s ken ng hubby q parents nya kc parehas sila ng s mga biyenan mo...sbi kc ni hubby..sobrang urusai daw n makaluma..for sure nga daw magagalit s kanya kc jumbang chigau daw kme ng asawa ko..i mean nauna ang baby kesa sa kasal..shoganai diba?..i ask nga may hubby na bka nman pag nakita nila ang apo nila eh..mawala rin ang galit..pro s nakikita ko s kwento u..parang ..A SONNANO KANKENAI ..cla...(OH PAPI!!!)...

enweis..gambatte na lang din sau CZ!!!....yngat u plage s mga monster-in-law mo..

erokawaiiAYA
03-06-2008, 11:26 AM

natawa ako sa yo, kasi ganyan din ang istorya namin ni hubby ko.
Ikinasal kami, hindi alam ng nanay at tatay nya, nag buntis ako, nanganak, hindi rin nila nalaman, itinago ng hubby ko ang katotohanan ,kasi nga ayaw sa Pilipina ng magulang nya.
Nakilala ko lang sila nung mag 1month na yung baby ko.

Inamin nya sa nanay nya na kasal na sya, nasa koseki tohon na ako, me baby na. (complete package) na !! ha ha ha:Dsa sobrang pagkabigla at galit, halos tumirik ang mata nung nanay at tatay nya!!

erokawaiiAYA
03-06-2008, 11:31 AM
@sky @ate kats
natatawa ako reply nyo at sa suggestion !!:D

masahiro
03-06-2008, 02:06 PM
natawa din ako dito sa thread na to...:Dnaku babalik pa naman kami sa byenan ko kasi wala na silang kasama ,,,nagstay na din ako dun pero mababait naman sila ...pray ko na lang di ako matulad sayo sis gomen ne..ingat ka din at wag papaapi ha...:)

bahaykubo
03-06-2008, 03:53 PM
natatawa naman ako sis sa mga kwento mo...

alam mo isa lang naman solusyon jan ei..kung ayaw mong mapakialaman ka or mapansin lahat ng kilos mo or mapakialaman kayo ng asawa mo bakit hindi kayo bumukod...ewan ko lang kung hindi yan bumait at makiusap sayo na bumalik na sa bahay...:D

Spice
03-07-2008, 08:22 AM
Di ba po masyado private issue ito sa loob lang inyong pamamahay. Nakakatawa po pero bilang isang manugang, at myembro na rin ng pamilya ng asawa mo tanggapin mo na lang. Andyan na yan. Salamat sa pag share,good luck sayo. E respeto mo nakakatanda sayo gaano man sila kasama. Hindi mo maiintindihan yan dahil iba ang culture nyo. Ito po ay payo lang galing sa nakakatanda:)

erokawaiiAYA
03-07-2008, 08:42 AM

Salamat po sa paalala.
Yes, private issue po talaga yan, pero ginagawa kong public:Dkasi Tf lang ang hingahan ko ng sama ng loob.

Opo, magtitiis ako hanggat kaya kong magtiis. Pero pag puno na ang salop, dapat na silang kalusin!:eek:

ha ha ha ha:biglaugh:

pinaypay
03-07-2008, 08:48 AM
Korek sister!!!! Ang lahat ay may hangganan.

ninong
03-07-2008, 10:13 AM
ayos sa kwento a...

isa pa...isa pa...isa pa.

more...more....more!

sky
03-07-2008, 10:13 AM
Kahit saan sa mundo ka mag punta usapan Byenan oh asawa.kwentuhan lang ne?

anayways tingin ko sobrang bait mo pa :D dahil siguro ....siguro lang ha kung may byenan akong ganyan....eh nakupo ang ihahanda kong tsaa eh may acido :devil: pati ofuro ,yung bigas hindi ko na isasaing ipapakain ko ng hilaw :D pero syempre sikreto sa byenan ko yun para kunwari may respeto ako sa kanya :hihi:

tawa uli para mabawasan ang hinanakit ;)

patawad po uli nagpapatawa lang .sa totoo lang kasi wala akong byenan naiinggit ako sa iyo dahil may kagalit ka araw araw .life ko boring hayys
have a good day :)

shuelma
03-07-2008, 10:37 AM
relax hinga nang malalim....ano okey kana:)...ganyan lng ang lagi mong gagawin kpag ikaw ay inis na inis sa mga mapagmahal mong biyanan:D...kc ang dimonyo kapag nakikita kang talo/inis etc...natutuwa yan...kaya kapag may gulo sa bahay o buhay mo...wag mo na lng pansinin:)...ituon mo ang iyong pansin sa anak mo...saka ihanda mo lagi sarili mo...dahil araw-araw merong monster in law...goodluck sa telenobela mo...

dawn_gazer2
03-07-2008, 11:42 AM
:cool:
Isa pa, yung kaisa isa kong anak na lalaki, ang kamuka pa eh yung byanan kong lalaki!!!
dyus ko po,kapag binibiro ka naman talaga ng tadahana,
sabi pa ng asawa ko, sundan na daw namin ng babae, para daw me kalaro yung anak namin. sabi ko naman.
Wagna ! baka paglabas, kamuka naman ng nanay mo! ayokoooo naaaa!!! tigilin nyo na ako!!:banghead:

eto ako napatawa ng husto...:biglaugh:ha makin mo,kahit na abuhin mo na pala ang biyenan mong lalaki, mag-iiwan pa din ng paraan para maalala mo siya lagi! ang lupit ng lahi nila, girl!:D (pero i'm sure, kasing ugali mo yan little bundle of joy mo, hindi ng biyenan mong lalaki.kaya wag ka mag-alala;)) anyway, wag mong kalimutang kumpirmahin kung kamukha nga ng biyenan mong babae ang magiging anak mong babae, ha!:p

salamat sa kuwento, ha...eto ang pinakapaborito kong thread dito sa TF, eh!

dawn

ninong
03-07-2008, 12:42 PM
nabasa ko na ang part 1,2 at 3.ngayon pa lang excited na ako sa part 4 hanggang part 20.

YAN
03-07-2008, 01:00 PM
ha!ha! binabasa ko din tong monster in law mo girl,nakakatuwa ka magkwento,cool na cool ka pa rin,baka pag ako yan ibinuhos ko na sa kanya yung tubig na natira sa thermos,(sama noh?!). bilib ako sa tyaga mo grabe,as in. kasi dko maisip na ako makakatyaga sa ganyan klase ng mga inlaws,migosh baka mamatay sila ng maaga sa mga ganting gagawin ko sa kanila LOL! gambatte ne!

pinaypay
03-07-2008, 02:02 PM
Hahaha as in nakakatawa yng mga comments nyo. .........Pro infairness kay erokawaiiaya san di bumibigay. Ayan ang gabriela :D . Lakas ng fighting spirit mo sister. Di kaya ipakulam mo n lng.( bad ko ano joke joke joke). D bali pabingi bingihan at pabulagbulagan k nlng kysa mangunsimisyon dyan at malosyang ka di ba?Smile ka n lng like this :p pra matangal ang iyong mga stress.

erokawaiiAYA
03-07-2008, 06:35 PM
nabasa ko na ang part 1,2 at 3.ngayon pa lang excited na ako sa part 4 hanggang part 20.

ha ha ha :D salamat po sa pagbabasa !!!
part 4 ~ siguro sa susunod na ! istorbo kasi lahat dito eh, hindi ako maka concentrate mag sulat. Parating me silip ng silip sa kwarto!!:(

erokawaiiAYA
03-07-2008, 06:45 PM
@sky
@shuelma
@dawn_gazer2
@yan
@pinaypay

Maraming salamat po sa pagbabasa nyo ng napaka habang thread ko.
hi hi hi, talagang ang daming nag aabang ng part4 ha! nakakatuwa talaga marinig.

Alam nyo, hanggat kaya pa, kakayanin!!
sabi nga ng nanay ko "Ginusto mo yan! magtiis ka!" ha ha ha:biglaugh:
Sa ngayon yun lang naman ang pwede kong gawin.

sabi naman ng ate ko "Wag kang sumagot!, mangatwiran ka lang!"

ha ha ha , ganun din kaya ang suma non!!:bouncy::roll: pag nangatwiran ka, sasagot ka din eh. ha ha ha:D

sa totoo lang , isusuka nyo ang buhay ko dito, kaya lang ginawa ko nlang katatawanan sa thread.:( kasi ayoko namang lahat nalang magsabi,
"ay kawawa ka naman" "ay kawawa ka naman" "ay kawawa ka naman"

ha ha ha baka bigla akong topakin at umuwi ng Pinas.!!
sayang ang (permanent r.):D ha ha ha ha

Trecee
03-09-2008, 09:50 PM
hi,erokawaiiaya san! musta na? from part 1 binsa ko talambuhay mo...kaya inabangan ko tlaga part 2...at meron nga! at meron pang part 3, hehehe...nkkaaliw tlaga. bilib tlaga ako sa yo,,,napakahaba ng patience mo! meron pa kayang part4? hehehe jowk lng! sana magkaroon ng himala at magbago na byenan mo...at maging hapi together...forever!! ! :):p

honey
03-09-2008, 10:10 PM
erokawaiiAYA siguro kung ako din nasa situation mo ganyan din gagawin ko sasagutin ko rin sila swerte nila at kahit paano marunong ka pa magtimpi at may napagbubuhusan ka TF habaan mo ng habaan ang pasensya mo kaya yan ng powers mo:).

Stacie Fil
03-09-2008, 10:47 PM
erokawaiiAYA,

Nawa ay huwag ka namang mapupuno sa mga byanan mo.

Siguro di pa lang talaga nila ma- accept na iba ang naging resulta sa plano nila sa kanilang anak. Kung alin ang kinaayawan nila, nariyan ka naman na dumating. Di lang siguro nila alam na your the best thing that ever happened in their life. Kaya pasensyahan na lang talaga. (bukod sa wala ka ngang pupuntahan,ha,ha,ha. ..:p)

Maiintindihan mo siguro sila kung malalaman mo ang expectation nila sa asawa mo. Kaya lang baka masakit. Kase doon mo lang maiintindihan ang tamang move para ma-balance ang sitwasyon mo sa bahay nila.

Ang expectation kase siguro nila eh, towards failure o di masaya and magiging relationship ninyong mag-asawa, dahil sinuway sila nang kanilang anak.

Kapag may tawag ka sa Pinas, maganda siguro na straight english ang usapan nyo, para bilinggual ang bata kahit madinig...nang byanan na lalaki. :D

Lagyan mo nang pulley or chord and door nyo para kahit naka distansya ka, mabubukas-sara mo ito pag may ninja-spy sa malapit,ha,ha,ha. Para di na sila mago-obserba. Alam na nila lagi na sila ang inu-obserbahan mo. :D

:)

chibita
03-09-2008, 11:15 PM
sobrang nakakatawa naman ang story ng life mo.....:toofunny:

shakey
03-10-2008, 10:29 PM
grabe pala yang mga byenan mo anu?....grabe grabe !!!! natatawa lang ako,nag iisang anak lang ba ang asawa mo? taga tokyo ka naman sis minsan eb tayo kahit tayo lang dalawa para mawala ang iyong stress...dadalin kita duon sa work ko pakakainin kita...mag lalaro tayo kasama natin anak mo:D kahit ano gusto mo gagawin natin....kahi pakulam natin ang mga in laws mo para bumait..:p

summerghie
03-12-2008, 01:40 AM
naloka ako sayo girl :D you made me smile inspite na alam ko nahihirapan ka dian, pasensya ka na.

i will pray na sana god will give you more strength , more patience , good health para malagpasan mo at makayanan mo pa yun stress at hirap na dinadanas mo dian dahil alam ko kung gaano kahirap yun makisama sa mga taong alam mo na di ka gusto ( di dahil kasama ko byenan ko sa bahay kaya alam ko yun feeling kapitbahay ko lang sila pero di naman sila monster)

kung sakin nangyari yan at di kami maibukod ng asawa ko eh baka rekon na kami ngayon oh kaya sa pinas na lang kami kaso ibinigay sayo yun ganyan sitwasyon kasi alam ni lord na kaya mo. katulad niyan nasasanay ka na kaya malamang sa susunod mapapagod na rin sila sa kakaasar sayo.

cheer up and god will always be there for you....

bad_mamazita
03-12-2008, 07:45 PM
heheheka2wa naman! im looking 4ward sa part4 mo...:D natatawa me habang binabasa ko yung kwento mo... go girl!!!

Jyellenny
03-13-2008, 05:10 PM
Naku sis, inaabangabangan ko talaga ang Part 3 ng Monster- in- Law series mo(:biglaugh:).Mukha ng mas patok pa ito kesa sa Prison Break kaya dapat in the making na ang Part IV. Bilib din naman ako sa "pagtiis" mo - I cannot even imagine myself in your shoes at baka day 1 pa lang magbabalot na ako or kung hindi papayag magbukod ang hubby ko sa magulang niya eh ora mismo "rikon" :p. Buti na lang super suert ko na nagkaroon ng mababait na in-laws! Gambatte ka pa!

rhin_15
08-24-2008, 07:02 PM
hi sis natuwa ako sa kwento mo,,di ko alam may part 3 pala,,maya basahin ko ang part 4 mo,,luto muna ako..:Dbilib ako sayo sis nakayanan mo,,grabe pala ang ugali ng mga monster sa buhay mo,,kahit pala ganito mga byienan ko pasalamat ako at di katulad ng sayo,,hehe:Dgambarun e..:)

erokawaiiAYA
08-24-2008, 07:22 PM
nye~ :Dnahalukay nanaman ang isa sa mga parte ng aking kalbaryo sa buhay..

Sa mga nagbasa po , nag bigay ng magandang message, nangaral, nagpayo,
maraming maraming salamat po inyo.:) Inspirasyon ko po kayong lahat. :)

adechan
08-24-2008, 08:28 PM
ang nakakabilib dito, ay ang positive attitude mo Aya chan

kaya ka siguro inilagay diyan, kaya mo sila ....

gambatte, basta isipin mo rin ang side mo at nang anak mo at huwag lang magkakaroon nang threat sa relationship ninyo nang asawa mo

JosephSensei
08-24-2008, 08:50 PM
Wow naman friend. Ngayon lang ako nagbasa ng kuwento mo. lalong sumasakit ang Gout ko sa baywang sa katatawa. Good job at congrats kasi positive ang tingin mo sa mga situations.

Simula ngayon magbabasa na rin ako ng kuwento mo para mawala ang stress ko.

erokawaiiAYA
08-24-2008, 10:19 PM
ang nakakabilib dito, ay ang positive attitude mo Aya chan

kaya ka siguro inilagay diyan, kaya mo sila ....

gambatte, basta isipin mo rin ang side mo at nang anak mo at huwag lang magkakaroon nang threat sa relationship ninyo nang asawa mo

Salamat sis, siguro nga, hindi naman tayo bibigyan ng problema ng Dyos na hindi natin kaya diba?.. pero naniniwala ako na may hangganan din naman ang lahat.
At excited na akong dumating yun :D

Wow naman friend. Ngayon lang ako nagbasa ng kuwento mo. lalong sumasakit ang Gout ko sa baywang sa katatawa. Good job at congrats kasi positive ang tingin mo sa mga situations.

Simula ngayon magbabasa na rin ako ng kuwento mo para mawala ang stress ko.

salamat po sir Joseph :) nabasa ko din po ang life story nyo.
Talagang challenging.. habang binabasa ko, parang akong nanunuod ng
pelikula sa sinehan.

ryouhou ganbarou ne ~ :thumb:

louvette_15
08-24-2008, 10:39 PM
ano ba sis? ilang part ba meron to at kelangan ko ng matulog may work pko bukas..dko tlga mapigil d magbasa ng kwento mo eh..hahaha...

erokawaiiAYA
08-24-2008, 10:46 PM
ano ba sis? ilang part ba meron to at kelangan ko ng matulog may work pko bukas..dko tlga mapigil d magbasa ng kwento mo eh..hahaha...

pasensya na sis :D at pati si baby nakikipuyat na din sa yo! ha ha ha~:D
hanggang part5 lang muna, sa susunod na uli kita pupuyatin! ahihihi...