PDA

View Full Version : Pahingi po ng advice...


bonbon'79
03-08-2008, 06:33 PM
Hello po mga ka-tf... Ask lang po sana ako ng advice sa inyo rito. The story goes like this.

Monday (March 3) - Nag-usap po kami ng boss ko tungkol sa short program na gagawin naming mga teachers para sa graduation day namin. And he suggested na we will have two groups. Filipino and Japanese groups. So sabi po niya, kakanta yung mga teachers para sa audience. Ni-relay ko po naman yung message since gahol na nga po sa oras para mag-practice. Yung mga Japanese, ok lang sa kanila. And yung sa group naman naming mga Filipinos is marami kaming ginagawa na paper works so we don't have time to practice.

Tuesday (March 4) - Nag-usap po yung mga heads namin together with our boss na kakanta nga kami on the graduation day.And, nag-suggest po kami sa boss namin na kung pwede dance floor for everybody na lang po yung gagawin. Our boss told me na what if kung ayaw sumayaw ng audience. Eh, di useless nga po. And some of us, expressed our ideas na it's a kind of discrimination. Bakit kailangan pang i-grupo yung mga teachers kung pwede lang namang gawing isa ang presentation. Some of us are complaining about the presentation. Meron na nga pong presentation ang mga Japanese while kaming mga Filipinos wala pa.

Wednesday (March 5) - Nagtatanugan pa rin po kami sa isa't isa kung anong ipi-present namin. Complaints pa rin. Although alam naman ng bawat isa na para naman sa mga graduates at parents iyon. Pero para po sa mga Filipinos, parang awkward lang daw po na gagawin nila ang pagpi-present sa harap ng mga parents especially singing.

Thursday (March 6) - Ganoon pa rin po. Suggest dito, suggest doon. Complain dito, complain doon. Nag-usap na rin po kami ng one of my heads na magmi-meet na lang po kaming mga Filipinos kinabukasan para maka-decide na kami kung ano ang ipi-present namin.

Friday (March 7) - Nakapag-decide na nga po kaming lahat na sasayaw na lang kami on the day. Pero di pa namin alam kung paano kami makapag-practice.

Saturday (March 8) - Kinausap ko na po si bossing about our presentation and sabi po niya ok lang na sasayaw kami. Nag-apologize din po ako sa kanya tungkol sa inisip namin na it's a kind of discrimination yung pag-grupo sa mga teachers. Nagalit po si bossing dahil bakit discrimination ang nasa isip namin. Sinabi ko lang naman po sa kanya na bakit igu-grupo pa ang mga teachers kung pwede lang namang gawing isa yung presentation. That's what we thought before. Sabi din po niya na mas discriminated nga iyon kung pakakantahin namin yung mga hapon ng english. Kakausapin daw po niya yung mga heads namin na mga filipinos about this discrimination thing.

Although wala naman po akong intention na sabihin sa kanya kung sino ang nagsabi noon na discriminated nga iyon at wala din naman po akong intention na i-tsismis yung mga kasamahan ko at yung mga hinaing nila. Ang intention ko lang po sana is to tell a story na sa unang araw pa lang is, discrimination na agad ang naisip naming mga Filipino and we have learned yesterday na hindi pala ganoon. Kaya lang po, hindi ko nasabi sa kanya ang point ko because siya na ang nagsasalita. Tumahimik na lang po ako. Pero po, bothered lang po ako kasi nga po gusto ko lang namang ikuwento sa kanya na ganoon lang ang naisip namin noong una at na-realize lang namin yesterday na hindi pala ganoon. Nag-sorry nga po ako sa kanya kung bakit ganoon ang inisip namin.

Ask lang po sana ako ng advice mula sa inyo dahil ayoko naman pong madamay yung iba kong mga kasamahan. Salamat po...:)

summergirl
03-08-2008, 09:20 PM
sis ,I think ok na ang ginawa mong mag sorry at inexplain naman nya na di discrimination iyon kaya..tapos na yun sis..Mahirap kasing pag isahin meron kasi ibang hapon na di marunong kumanta ng hapon kaya ganon siguro ang ginawa..Ok na yun sis..