View Full Version : Need recipe for mochi or rice cake
ning2
01-14-2006, 01:58 PM
hello folks!
baka po mayroon kayong mai-share na recipe ng mochi or rice cake. may natira pa kasi kami nung bagong taon, ang hirap ubusin. medyo nagsasawa na ako sa may puro kinako, oshiruko at shoyu....:scratch: thank you in advance.:)
fisher
01-14-2006, 02:06 PM

Initin mo sa dense range at kapag lumambot na isawsaw mo sa instant kinayog na niyog na may asukal.O,ayan me bagong recipe ka na then sabayan mo ng mainit na kape.O,ayan may oyatsu ka na :D .
ning2
01-14-2006, 02:15 PM
Initin mo sa dense range at kapag lumambot na isawsaw mo sa instant kinayog na niyog na may asukal.O,ayan me bagong recipe ka na then sabayan mo ng mainit na kape.O,ayan may oyatsu ka na :D .
thank you for quick reply! i-try ko nga sya pero bibili muna ako ng instant na kinayog na nyog bukas:) pwede na ba yung nabibiling kinayog na nyog sa may cake section ng mga supermarkets?
BEBOT
01-14-2006, 02:46 PM
hello folks!
baka po mayroon kayong mai-share na recipe ng mochi or rice cake. may natira pa kasi kami nung bagong taon, ang hirap ubusin. medyo nagsasawa na ako sa may puro kinako, oshiruko at shoyu....:scratch: thank you in advance.:)
Try mo rin ito: magkasama mong initin sa microwave ang mochi at butter for 2 minutes or hanggang sa matunaw yung butter. then budburan mo ng asukal sa ibabaw. yummy!:D
fisher
01-14-2006, 02:54 PM
;) Try mo rin ito: magkasama mong initin sa microwave ang mochi at butter for 2 minutes or hanggang sa matunaw yung butter. then budburan mo ng asukal sa ibabaw. yummy!:D BEBOT, tulo laway ko diyan ah! I'll try it myself parang masarap sa almusal he,he,he,he.
@ Ning2,pwede siguro iyon basta ba may lasang niyog eh.;) .
Summer!
01-14-2006, 02:59 PM
o kaya after mong medyo i-grill sa ibabaw ng stove heater using aluminum foil, ihulog mo sa kumukulong tubig, pag lambot,hanguin mo siya at saka pahiran mo ng coconut jam, yung lily's coco jam para masarap. sabayan ng ocha, oyatsu din.
maple
01-14-2006, 03:09 PM
Try mo rin ito: magkasama mong initin sa microwave ang mochi at butter for 2 minutes or hanggang sa matunaw yung butter. then budburan mo ng asukal sa ibabaw. yummy!:D
BEBOT, bakit hindi mo agad tinuro sa akin ito? Mukhang masarap..ubos na kasi ang mochi namin eh:(
ning2, gusto mo gawin mong parang lasagna yang mochi:)
fisher
01-14-2006, 03:20 PM
BEBOT, bakit hindi mo agad tinuro sa akin ito? Mukhang masarap..ubos na kasi ang mochi namin eh:(
ning2, gusto mo gawin mong parang lasagna yang mochi:)
Here comes maple channggg.....Yehey!: D .
maple
01-14-2006, 03:23 PM
Here comes maple channggg.....Yehey!: D .
Hoy Manong fisher, halata ba na matakaw ako? :D
BEBOT
01-14-2006, 03:23 PM
BEBOT, bakit hindi mo agad tinuro sa akin ito? Mukhang masarap..ubos na kasi ang mochi namin eh:(
ning2, gusto mo gawin mong parang lasagna yang mochi:)
Nakup, sorry Maple. Hindi ko naman kase alam eh. Pero ngayong alam mo na, try mo na lang next year:eek: :D .
Yes, Fisher. Kayang kaya mong gawin yan sa umaga. Simple pero masarap talaga.:)
ning2
01-14-2006, 07:45 PM
Try mo rin ito: magkasama mong initin sa microwave ang mochi at butter for 2 minutes or hanggang sa matunaw yung butter. then budburan mo ng asukal sa ibabaw. yummy!:D
Bebot,
thank you! try ko sya bukas , mukhang masarap. mukhang lolobo na naman ako nito ah!:)
ning2
01-14-2006, 07:52 PM
o kaya after mong medyo i-grill sa ibabaw ng stove heater using aluminum foil, ihulog mo sa kumukulong tubig, pag lambot,hanguin mo siya at saka pahiran mo ng coconut jam, yung lily's coco jam para masarap. sabayan ng ocha, oyatsu din.
Summer,
thank you! i-try ko din! kaladkarin ko bukas ang asawa ko sa asian store para makabili ng coconut jam.:)
ning2
01-14-2006, 07:57 PM
BEBOT, bakit hindi mo agad tinuro sa akin ito? Mukhang masarap..ubos na kasi ang mochi namin eh:(
ning2, gusto mo gawin mong parang lasagna yang mochi:)
ate maple,
pwede palang gawing parang lasagna ang mochi ngayon ko lang nalaman:scratch: paano po ang paggawa?:D
liza_k
01-15-2006, 12:16 AM
If you like, you can also do a mochi-pizza. Arrange several pieces of mochi sa toaster oven (pagdikit-dikitin mo) spread pizza sauce on top, garnish with sliced green peppers, sliced onions, ham or salami and anything else you want, sprinkle grated parmesan cheese and voila! pizza time:).
BEBOT
01-15-2006, 01:19 AM
Bebot,
thank you! try ko sya bukas , mukhang masarap. mukhang lolobo na naman ako nito ah!:)
Talagang lolobo ka. Heheheehehe...... Dyan din ako lumobo eh. Peacece po tayo:D .
docomo
01-15-2006, 01:27 AM
@ningning
.. pakuluan mo para lumambot.. tapos lagyan mo ng butter plus samahan mo ng strawberry jam,or blueberry jam, or pine apple jam... or kahit ano pang jam , sarap sya.. pwamis !:D
ning2
01-15-2006, 09:23 PM
Try mo rin ito: magkasama mong initin sa microwave ang mochi at butter for 2 minutes or hanggang sa matunaw yung butter. then budburan mo ng asukal sa ibabaw. yummy!:D
@Hi Bebot,
ti-nry ko this morning ito ang sarap at napaka-simple ng ingredients.:thumb:
@ Fisher san,
ginawa ko namang meryenda ng 3pm yung recipe mo. ang ginamit ko ay yung nyog na nabibili sa may cake corner ng supermarket. masarap pero nilagyan ko pa sya ng konting kuro goma kaya naging palitaw fu ang dating nya :D
thank you po!:)
ning2
01-15-2006, 09:34 PM
If you like, you can also do a mochi-pizza. Arrange several pieces of mochi sa toaster oven (pagdikit-dikitin mo) spread pizza sauce on top, garnish with sliced green peppers, sliced onions, ham or salami and anything else you want, sprinkle grated parmesan cheese and voila! pizza time:).
@liza_k,
thank you dito sa recipe, try ko this week, hanapin ko itong mga ingredients.:)
@ningning
.. pakuluan mo para lumambot.. tapos lagyan mo ng butter plus samahan mo ng strawberry jam,or blueberry jam, or pine apple jam... or kahit ano pang jam , sarap sya.. pwamis !:D
@docomo san,
thank you din dito. tamang-tama may natira pa akong strawberry jam. ito ang ginawang meryenda ng panganay ko kanina. :) masarap nga tumikim lang ako kasi biglang nag-dis-appear sa kitchen yung panganay ko nung bumalik ubos na.:(
pinky
01-18-2006, 06:37 PM
Why dont u try "mochi nabe";) may pang ulam ka na!:D
ning2
01-18-2006, 10:26 PM
Why dont u try "mochi nabe";) may pang ulam ka na!:D
pinky san,
thank you dito ha! pag-nabe ulit kami try ko rin sya.:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.