View Full Version : sleeplessness/ fuminsho
heika
03-10-2008, 11:03 PM
meron po ba kayo maipapayo sa insomnia ko? 3-4am na ako nakakatulog tapos nagigising ako ng 6am...kaya lagi ako inaantok sa work:(
summergirl
03-10-2008, 11:04 PM
try mo sis uminom ng hot milk..
heika
03-10-2008, 11:09 PM
try mo sis uminom ng hot milk..
na-try ko na po hot milk...ganun pa rin
"brad" nga po pala ako hehehe:cool:
vectra1123
03-10-2008, 11:10 PM
meron po ba kayo maipapayo sa insomnia ko? 3-4am na ako nakakatulog tapos nagigising ako ng 6am...kaya lagi ako inaantok sa work:(
Subukan mo kayang matulog sa work mo para hindi ka antukin? HE!HE! joke lang ha? Sundin mo yung payo ni Summergirl, gawin mong komportable ang tulugan mo, enough ventilation baka masyadong kulong dyan sa room mo!:)
heika
03-10-2008, 11:13 PM

hahaha na-try ko na rin matulog sa work... nakasubsob ako sa microscope, kala ng mga hapon busy hehehe
subukan ko ire-arrange room ko baka nga di lang siguro maganda ambiance...
nagsimula kasi to nung january after ng bakasyon ko sa pinas...:confused:
summergirl
03-10-2008, 11:15 PM
na-try ko na po hot milk...ganun pa rin
"brad" nga po pala ako hehehe:cool:
hahaha..brad pala..kung di effective ang milk,,try ang beer bago matulog..
heika
03-10-2008, 11:20 PM
hahaha..brad pala..kung di effective ang milk,,try ang beer bago matulog..
hehe... may beer ako ngayon sa tabi ko, sana tumalab hahaha... bago lang po kasi ako d2 japan kaya siguro naninibago pa ako sa paligid ko... buti na lang nakita ko TF, may nakakausap:)
summergirl
03-10-2008, 11:22 PM
hehe... may beer ako ngayon sa tabi ko, sana tumalab hahaha... bago lang po kasi ako d2 japan kaya siguro naninibago pa ako sa paligid ko... buti na lang nakita ko TF, may nakakausap:)
namamahay ka pala bro,maglagay ka ng asin sa plastic at lagay mo sa unan mo,effective daw to pero di ko pa na try...
majime22
03-10-2008, 11:24 PM
...ako bro doble-doble yung curtain ko sa window para hindi ako magising kagad ha ha ha:p(hindi ko alam tanghali na pala:confused:...ara yko!)
...dapat patay din ang ilaw saka sounds nakakatulong din(yung soft music)...;)
...tapos pigilan mo sarili mo humarap sa pc he he he(hindi ako adik sa tf:nono:)
...try mo din magbasa ng bible(sorry po papa jesus:Okasi pag may pinag-iisipan akong bagay na gusto kong gawin o kaya may gusto kong ihingi ng payo nagbubuklat ako ng bible...dun ko kasi nakikita yung answer sa mga tanong ko...sa isang buklatan lang yun ha parang akma kagad dun sa iniisip ko:)kaso pag matagal-tagal na ko nagbabasa ewan ko ba inaantok ako...as in naghihikab ako(ansama ko talaga kaya panay sorry ko kay papa jesus:O)
...magpamasahe ka din sure aantukin ka nun:)saka pag madami kang iniisip mahirap talaga makatulog eh...medyo bawas-bawasan mo siguro pag-iisip:rolleyes:
heika
03-10-2008, 11:25 PM
namamahay ka pala bro,maglagay ka ng asin sa plastic at lagay mo sa unan mo,effective daw to pero di ko pa na try...
hahaha ngayon ko lang narinig yon...parang weird kung gagawin ko hehehe
dj_arjaey
03-10-2008, 11:46 PM
Subukan mo kayang matulog sa work mo para hindi ka antukin? HE!HE! joke lang ha? Sundin mo yung payo ni Summergirl, gawin mong komportable ang tulugan mo, enough ventilation baka masyadong kulong dyan sa room mo!:)
tama ang suggestion nya "brad"...mag-riifomu ka ng kwarto ng makatulong ito sa pagtulog mo...:D
get well soon!
heika
03-10-2008, 11:59 PM
thanks, nagdadasal ako bago mahiga... kaya lang la ako dala bible, nasa pinas... bili na lang ako. minsan nga pakiramdam ko parang di gumagalaw yung kamay ng relo... nakahinto lang hehehe...
heika
03-11-2008, 12:01 AM
tama ang suggestion nya "brad"...mag-riifomu ka ng kwarto ng makatulong ito sa pagtulog mo...:D
get well soon!
salamat dj_arjaey...try ko maglinis bahay weekend...kaya lang baka matuka ako ng ahas...masukal na kasi hehehe
shakey
03-11-2008, 09:37 PM
namamahay ka pala bro,maglagay ka ng asin sa plastic at lagay mo sa unan mo,effective daw to pero di ko pa na try...
sis summer totoo ba ito...try ko nga ito:)
iseijin
03-12-2008, 01:45 PM
meron po ba kayo maipapayo sa insomnia ko? 3-4am na ako nakakatulog tapos nagigising ako ng 6am...kaya lagi ako inaantok sa work:(
pre,
pareho tayo ng problema...
sinusubukan ko ngayon na magbasa ng nakahiga bago matulog para mapagod ang mga mata ko. tsaka umiinom ng gatas bago matulog.
good luck to us!
rhynissa
03-12-2008, 03:52 PM
hello.. pareho pala tayo, ganyan din ako kung makatulog 3-4am.. tapos pagnag-alarm ang orasan, ng 6am, nagigising na ako tapos gigisingin ko si hubby dahil maaga ang work niya, then di na ako nakakatulog. Naranasan mo ba na nagpalpitate ang puso mo dahil sa sobrang late na ng tulog mo at dahil sa kulang ang tulog mo? Ganun ako eh. Inum ka na lang din ng vit para pambawi sa puyat mo at ng di ka magkasakit.. About milk, di din effective sa akin eh..
KikoyBalayon
03-12-2008, 05:08 PM
ako naman, tuwing sine-set ko yung alarm halimbawa 6-oclock.. hindi na ako nakakatulog dahil inaantay ko mga alarm hanggan 6-oclock.. weird no? :confused:
sweet
03-12-2008, 05:57 PM
subukan mo kayang mag sama ng chicks sa higaan baka sa pagod mo antukin ka agad:Djowk lang brod..
oh baka naman na try mo na din hehehe:eek:
mamimo
03-12-2008, 06:52 PM
Effective sa kin ang konting lakad sa labas till mapagod then pag-uwi ofuro agad at tapos nyan sarap na matulog. Pero syemperz magkakaiba ang epektibong paraan na pwedeng umubra sa atin, minsan pa nga kabaligtaran ng pwedeng mapulot sa libro. Tulad ng sabi ni iseijin ang Tatay ko madali antukin kapag may binabasa na anything pero according sa book na nabasa ko "iwasan ang pagbabasa kasi pwede ma-excite ang mind mo at maaring ang outcome is tapusin ang binabasa instead na basahin lang to hanggang dalawin ng antok". So the best thing to do is try different ways to correct your sleeping habit at kapag mahanap mo na ang swak sayo, stick to that.:)
sarpon
03-12-2008, 07:05 PM
@heika
magbasa ka ng mga nihonggo lesson books... introduction pa lang tyak aantukin ka na!:D
iwasan mo rin ang TF... isa rin itong cause ng insomnia ng mga pinoy d2 sa japan.:D
Soju6
03-12-2008, 07:23 PM
-Exercise, go to the Gym bago ka matulog. Kung malayo ka naman sa GYM kahit sa bahay lang.
Yung talagang mapapagod ka at papawisan ka. Di yung naka pang pormang mag eexcersise ka lang.
-SEX
Pag hindi effective kahit ano sa dalawa, gawin mo pareho, Good Sex plus an hour with Billy Banks' Taebo.
Bulakta ka niyan, sigurado.....may kasama pang hilik.
Heto ang masarap, pag gising mo sa umaga - nakangiti ka.
taurean06
03-14-2008, 03:18 PM
@heika
magbasa ka ng mga nihonggo lesson books... introduction pa lang tyak aantukin ka na!:D
iwasan mo rin ang TF... isa rin itong cause ng insomnia ng mga pinoy d2 sa japan.:D
tama ka dyan Sarpon san!!:D
Jyellenny
03-14-2008, 07:03 PM
Naku sis, saikin nagiging problema ko na rin ang hindi makatulog. Lahat na ng ikot nagawa ko sa kama ayaw pa rin akong dalawin ng antok eh komaru dahil I have to wake up early the following day para mag-work. I take sometimes "sleeping aid medicine", not addictive ito. You can buy it over the counter sa mga pharmacy dito. Siempre hindi naman araw-araw I rely sa medicine na yon, try mong mag-rosary makakatulog ka!
lenemen
03-21-2008, 08:37 PM
subukan mong magpalit ng unan. baka kasi masyadong mataas o mababa ang unan mo.
my father used to drink beer before he go to sleep
then dang `
tulog agad
hehehe
try it kuya
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.