PDA

View Full Version : Happy new year!

Janer
01-14-2006, 05:30 PM
Kahit pala Chinese New Year super late pa din ang greetings ko. Anyway, share ko na lang ilang pics from Boracay. Year of the dog kaya yung first pic kailangan talaga si Bantay ang bida. Yun pangalawa naman nakakatuwa lang balikan ang ating childhood days na ganyan din, pasabit-sabit sa katig hanggang natutong lumangoy. At syemps yun last, ang walang kamatayang sunset.

:)

maple
01-14-2006, 05:34 PM
Hi Janer,

Welcome back!

Ang gaganda na naman nitong photos mo, thanks for sharing! :)

maple

depp
01-14-2006, 05:34 PM
Happy New Year din sa yo Janer:)

nice pictures janer,parang gusto ko tuloy umuwi at pumunta ng boracay.galing ka ba ng boracay?
galing-galing talaga ng idol ko:D

hotcake
01-14-2006, 05:48 PM
Welcome back Janer, Happy New Year din sa iyo.:) Kaya pala ang tagal mong nawala e nasa pinas ka pala. :p Mukhang enjoy ka talaga sa bakasyon mo, kasi kita sa ganda ng mga litrato .:D

Janer
01-14-2006, 05:51 PM
@ Maple

I'm glad to be back kaya lang balik freezer na naman dito sa Sendai. Brrrr! :D

@ depp

Uwi na yan... hehe... at syemps, kailangan mo talagang pumasyal sa Boracay. Yup, nagpunta ako nung Jan 1-4, andaming tao kaya masaya saka malinis ang beach! Kailangan sulitin ang araw e bago bumalik sa freezing Sendai. :)

maple
01-14-2006, 05:56 PM
[quote=Janer]@ Maple

I'm glad to be back kaya lang balik freezer na naman dito sa Sendai. Brrrr! :D

Ayan, hindi mo kasi ako isinama sa Boracay eh..kaya dyan ka na muna sa Sendai...susunduin na lang kita diyan kapag Summer na!!!:D Peace poh! :sweeties:
Happy New Year too.

lamig-lamig din dito,kaya sarap umuwi,kainggit ka naman.
naisip ko,mali yung tanong ko,kasi may kuha ka sa boracay kaya galing ka ng boracay ano,hehehe:D
sensha na,na-excite lang kaya nagmadaling mag-post.tagal mo kasing nawala e.:D

Janer
01-14-2006, 05:57 PM
Welcome back Janer, Happy New Year din sa iyo.:) Kaya pala ang tagal mong nawala e nasa pinas ka pala. :p Mukhang enjoy ka talaga sa bakasyon mo, kasi kita sa ganda ng mga litrato .:D

Hello Hotcake! As usual bitin ang bakasyon sa 'Pinas pero oks na din. Enjoy nga! :) Musta ang new year's celebration dyan sa inyo? Sana mas maganda etong 2006 para sa ating lahat. :D

Janer
01-14-2006, 06:07 PM
[quote=Janer]@ Maple

I'm glad to be back kaya lang balik freezer na naman dito sa Sendai. Brrrr! :D

Ayan, hindi mo kasi ako isinama sa Boracay eh..kaya dyan ka na muna sa Sendai...susunduin na lang kita diyan kapag Summer na!!!:D Peace poh! :sweeties:
Happy New Year too.

Ano ba mas madali, ilipat dito ang Boracay o iurong 'tong Nihon pababa ng konti e para nde na ganun kalamig? :bonk: Nde bale 6 months na lang summer na! :bonk: :bonk: From 28C to -2C kasi kaya ayan nde pa gumagana ng tama ang utak ko. :hihi:

Janer
01-14-2006, 06:14 PM
lamig-lamig din dito,kaya sarap umuwi,kainggit ka naman.
naisip ko,mali yung tanong ko,kasi may kuha ka sa boracay kaya galing ka ng boracay ano,hehehe:D
sensha na,na-excite lang kaya nagmadaling mag-post.tagal mo kasing nawala e.:D

oi touched naman ako at na-miss nyo ako. charing! hehe... medyo busy lang kasi nung dec kaya silent mode muna ako, nagbabasa lang. ngayon busy pa din pero try ko na magsulat ng konti. parang new year's resolution ang dating e! :lol:

luke
01-14-2006, 09:04 PM
hello janer! ang gaganda naman ng mga kuha mo!!!nagustuhan ko lalo yung sunset.....mahilig kasi ako sa ganyang view!!!!:D parang sa february pa yung chinese new year !!:D kaya di kapa late....:) (tama nga ba ko?:confused: ) ...buti kapa nakapunta na sa boracay,ako hanggang picture lang kasi konti palang pamasahe ko sa eroplano...hihi!:D ....ayyy!!!happy new year pala...:D

hotcake
01-14-2006, 09:51 PM
Hello Hotcake! As usual bitin ang bakasyon sa 'Pinas pero oks na din. Enjoy nga! :) Musta ang new year's celebration dyan sa inyo? Sana mas maganda etong 2006 para sa ating lahat. :DHuwag mong sabihin bitin pa ang bakasyon mo sa Pinas kasi lamang ka pa rin sa amin, dahil nai-celebrate mo ang New Year mo sa atin at sa Boracay pa ha. :) New Year ba namin kamo, tahimik pero noong Jan. 3 ay may late New Year celebration kina Maple sa Yamanashi Ken. Masaya ang mochi tsuki kasi dami rin umattend na TF members, sayang nga at wala ka e.:( Pero sa susunod dapat kasama ka na ha.:)

docomo
01-14-2006, 11:22 PM
uy andito ka na pala ulet janer .. okairinasai na miss kita yihiiiii :D .. nice pics ne :)

Janer
01-15-2006, 12:28 AM
hello janer! ang gaganda naman ng mga kuha mo!!!nagustuhan ko lalo yung sunset.....mahilig kasi ako sa ganyang view!!!!:D parang sa february pa yung chinese new year !!:D kaya di kapa late....:) (tama nga ba ko?:confused: ) ...buti kapa nakapunta na sa boracay,ako hanggang picture lang kasi konti palang pamasahe ko sa eroplano...hihi!:D ....ayyy!!!happy new year pala...:D

korek luke! sa feb pa nga ang start ng lunar year. hirap talaga ng nagpapanggap lang na intsik e! :bonk: saka nga pala if ever balak mong sumaglit ng boracay next time na uuwi ka, me offer ang cebu pacific na budget airfares almost half the regular price yun nga lang dapat maaga mo ipa-book. i'm sure sulit naman yun gagastusin mo at maganda talaga dun. :) :)

Janer
01-15-2006, 12:33 AM
uy andito ka na pala ulet janer .. okairinasai na miss kita yihiiiii :D .. nice pics ne :)

hi docomo! :wavey: :wavey:

Janer
01-15-2006, 12:44 AM
Huwag mong sabihin bitin pa ang bakasyon mo sa Pinas kasi lamang ka pa rin sa amin, dahil nai-celebrate mo ang New Year mo sa atin at sa Boracay pa ha. :) New Year ba namin kamo, tahimik pero noong Jan. 3 ay may late New Year celebration kina Maple sa Yamanashi Ken. Masaya ang mochi tsuki kasi dami rin umattend na TF members, sayang nga at wala ka e.:( Pero sa susunod dapat kasama ka na ha.:)

Woweee, mukhang masaya yung EB ah! :grouphug: Sana nga next time makasingit na din kme. Sina Paul & Andrewmark lang ang ka-EB ko dito e, saka si vicmjr din pala minsan. :hihi:

Janer
01-15-2006, 01:22 PM
Salamat Maple, Depp, Hotcake, Luke & Docomo! :D Wala pa akong new pics ng is-now kaya balik Boracay pa din ang post ha. Share naman kayo ng kahit anong pics na gusto nyo. :)

depp
01-15-2006, 03:36 PM
para tyuloy gusto kong sumakay jan sa bangka Janer,naalala ko tuloy nung bata pa ko,babaybayin namin ang ilog hanggang makarating ng dagat,e ang babata pa namin tapos di pa ko marunong lumangoy.ang lakas talaga ng loob pag bata pa.
sa susunod,magpapraktis akong kumuha ng picture para may ma-ishare din ako;)
sana kasing ganda rin ng pagkakakuha mo:D

reon
01-15-2006, 08:44 PM
Happy New Year, janer. Mabuti naman at may mga dala kang pictures, ako wala masyado at hindi rin masyadong naarawan lately. :) Nice pictures.

Ano nga palang lens ang ginagamit mo?

ning2
01-15-2006, 09:47 PM
hello Janer,

kaya pala bigla kang nawala sa limelight umuwi ka pala sa Pinas. okaerinasai at ang gaganda naman nang mga kuha mo sa boracay lalo na yung sunset!:)

maple
01-15-2006, 11:16 PM
Wala pa akong new pics ng is-now kaya balik Boracay pa din ang post ha. Share naman kayo ng kahit anong pics na gusto nyo. :)

Hi Janer,

eto naman ang photo namin in Boracay, taken 11 years ago.

Sa palagay ko, ang gusto talagang kunan ng Mister ko ng photo ay yung naka top less na nagsa sun bathing doon sa likod.

Sorry na lang ang Mister ko, hindi nya nakuhaan ng maigi yung topless lady, kasi "bakachong" camera lang ang dala namin:D

Janer
01-15-2006, 11:25 PM
@ reon

thanks reon! nasa tsukuba ako last monday at buti pala dyan nde pa nagso-snow, slight lang nung tues. pagdating ko dito sa sendai nde pa tunay yung remnants ng heavy snow nung 30 o 31 yata. brrr! alaala na lang sa pics yung sikat ng araw sa 'pinas. :D btw, sigma 28-80 pala yun gamit kong lens.

@ ning-ning

yup, sumaglit lang at as usual bitin pa din ang bakasyon. nde naman pwedeng mas tumagal pa at baka nde na ako makilala ng guro ko pagbalik ko. :p salamat at nagustuhan mo yun sunset. nde nga sya ganun kakulay unlike pagsummer na mainit na talagang pulang-pula ang langit.

@ depp

onga 'no, panalo talaga yung mga adbentyurs nung bata pa. palibhasa wala pa talagang alam na takot e. oi praktis ka na kumuha ng pics, may sariling pag-iisip naman na yung camera basta i-click mo lang oks na. :)

@ maple

wowee! ang cute naman ng baby mo! ngeks, 11 yrs ago so teenager na pala sya ngayon at baka ayaw ng patawag na baby. hehe... ang ganda ng pagka-blue nung tubig. baka meron pang nakatago dyan... :D

depp
01-16-2006, 12:17 PM
@maple
ang ganda talaga sa boracay,lalo na cguro noon ano?ngyon dami na raw tao pero gusto ko pa ring puntahan.
hihingi sana ako ng ice cream kaso mo naubos na pala ng baby mo,cute-cute nman:D

maple
01-16-2006, 04:43 PM
[quote=Janer] wowee! ang cute naman ng baby mo! ngeks, 11 yrs ago so teenager na pala sya ngayon at baka ayaw ng patawag na baby. hehe... ang ganda ng pagka-blue nung tubig. baka meron pang nakatago dyan... :D [quote/]

Thanks. Oo baby-damulag na yan ngayon. Marami pa akong Boracay photos dito, kaya lang kitang-kita ang pang Ms. Universe posings ko ..kung i-post dito..baka mag-takbuhan kayo eh :hihi:

[quote=depp] ang ganda talaga sa boracay,lalo na cguro noon ano?ngyon dami na raw tao pero gusto ko pa ring puntahan.
hihingi sana ako ng ice cream kaso mo naubos na pala ng baby mo,cute-cute nman [quote/]

Super ganda talaga sa Boracay, depp! Sana nga maka-pasyal din kayo ng family mo. Nakita mo naman sa photo, bondat na ang tiyan ng anak ko, naka-ilang piraso na kasi siya ng 'ice-buko w/ monggo' :D

akiam
01-16-2006, 11:07 PM
[quote=Janer]Kahit pala Chinese New Year super late pa din ang greetings ko. Anyway, share ko na lang ilang pics from Boracay. Year of the dog kaya yung first pic kailangan talaga si Bantay ang bida. Yun pangalawa naman nakakatuwa lang balikan ang ating childhood days na ganyan din, pasabit-sabit sa katig hanggang natutong lumangoy. At syemps yun last, ang walang kamatayang sunset.

hi... feeling close pero share na rin ako ng pics from bora... year of the dog pala? eto, nagkataon lang. taken last year of may. gutsto ko uli mag-para-sail....:)

1273

1274

1275

1276

akiam
01-16-2006, 11:11 PM
1277

Janer
01-16-2006, 11:42 PM
hi... feeling close pero share na rin ako ng pics from bora... year of the dog pala? eto, nagkataon lang. taken last year of may. gutsto ko uli mag-para-sail....:)

Hi Akiam! Thanks for sharing your Bora pics. Yun first pic parang sa tapat ng Bom-Bom bar yun ah. Mas gusto ko dun kesa sa Hey Jude na super lakas ang sounds. Buti ka pa na-try na magparasail! :D Pangrap ko din yun kaya lang nagkuripot dahil sa $50 na bayad. :(

Janer
01-17-2006, 11:35 AM
Thanks. Oo baby-damulag na yan ngayon. Marami pa akong Boracay photos dito, kaya lang kitang-kita ang pang Ms. Universe posings ko ..kung i-post dito..baka mag-takbuhan kayo eh :hihi:

Oi cge na Maple post mo na tapos request na lang tayo kay Sir Nick na gawing pay-per-view ang thread na 'to dahil sa Ms. Universe posings mo! :p :p :p

Jowk lang po ;)

akiam
01-17-2006, 11:36 AM
Hi Akiam! Thanks for sharing your Bora pics. Yun first pic parang sa tapat ng Bom-Bom bar yun ah. Mas gusto ko dun kesa sa Hey Jude na super lakas ang sounds. Buti ka pa na-try na magparasail! :D Pangrap ko din yun kaya lang nagkuripot dahil sa $50 na bayad. :(

sayang naman! andun na kayo. e sana ikaw na lang ang nagbayad. para nahiya sana hubby mo sayo. lalo na kung pangarap mo pa naman yun. ako? ang pangarap ko ay mag-banji jumping...( am not sure of the spell) yung tatalon ng patiwarik.:eek: san kaya meron nun? meron bang me alam dito kung san meron nun?:)

maple
01-17-2006, 11:45 AM
Oi cge na Maple post mo na tapos request na lang tayo kay Sir Nick na gawing pay-per-view ang thread na 'to dahil sa Ms. Universe posings mo! :p :p :p

Jowk lang po ;)

LOL... Janer, magandang racket yan ah:D ...para meron ka nang pang parasailing mo:p

akiam, thrilling naman pala ng adventures ninyo sa Boracay:)

akiam
01-17-2006, 12:10 PM
[quote=maple]akiam, thrilling naman pala ng adventures ninyo sa Boracay:)

naku maple! sinabi mo pa! inenjoy pa rin namin kahit me love quarrel kami those times. sabi ko, pag balik na lang namin sa manila kami magtuos...:D

next year, we`ll are planning to visit there again...

Paul
01-17-2006, 12:54 PM
sayang naman! andun na kayo. e sana ikaw na lang ang nagbayad. para nahiya sana hubby mo sayo. lalo na kung pangarap mo pa naman yun. ako? ang pangarap ko ay mag-banji jumping...( am not sure of the spell) yung tatalon ng patiwarik.:eek: san kaya meron nun? meron bang me alam dito kung san meron nun?:)

Ah eh, wala pa yatang hubby si Janer, akiam. Kung gusto mong mag-bungee jumping, meron dito sa Yamagata, sa Asahi-mura. Nag-bungee kami doon kasama ng ibang pinoy mga 4 years ago. Sarap! Kaya lang bitin. Kaya nag-skydive kami ng wife ko nung nasa Hawaii kami. 'Yun mas ok. http://www.timog.com/forum/images/icons/icon14.gif

'98 pa nung pumunta ko sa Boracay. May kaibigan ako dun na may-ari ng resort at dive instructor din. Dun ako unang nakapag-scuba dive (libre pa :)).

akiam
01-17-2006, 07:58 PM

salamat huh!!! sana magkaroon na kami ng pagkakataon. gusto ko talaga? isa pa pala yang sky diving. mabuti ka pa na-try mo na....

pag ba pumunta kami ng boracay pwede mo kami i-refer sa friend mo? para malaki ang discount...:D