PDA

View Full Version : Hiwalay sa Simbahan

Tonyang
01-14-2006, 11:03 PM
Nagtataka ako bakit hiwalay ang mga Hapon sa mga Pilipino sa mga simbahang napuntahan ko na. Aware ako na problema iyung language pero bakit kaya hinahayaan lang na ganoon? Kasi sa simbahan pa nangyayari ang ganito. Bakit may malinaw na separation sa loob ng simbahan pa mismo?

Pati oras ng pagsisimba, pagkakaroon ng festival at kani-kanilang activities, hiwalay rin. Kahit marunong mag-Nihongo na mga Pinoy at marunong mag-Ingles na mga Hapon, di sumasali sa isa't isa.

Kumusta sa simbahan ninyo? Ganoon din ba?

adechan
01-14-2006, 11:22 PM
Why naman nga ganun? May ganyan pala.

lahat nang napuntahan kong simbahan walang difference. sama sama, foreigner man o japanese.

lalo na ang present local attending church ko ngayon .... international church siya .... pag maraming foreigner na present they translate the message into english.

a bible degree course is also given here, magkakasama kami sa isang klase japanese and foreigner. Sa textbook lang nagkakaiba. Siyempre english sa amin at japanese version sa kanila.

docomo
01-14-2006, 11:28 PM
@ tonyang

ang balita ko dyan... kaya may mga ganyang ibang simbahan.. request daw yan ng mga nihonjin .. parang pinagbotohan daw yan .. yan yung balita :)

Dkid
01-14-2006, 11:45 PM
Nagtataka ako bakit hiwalay ang mga Hapon sa mga Pilipino sa mga simbahang napuntahan ko na. Aware ako na problema iyung language pero bakit kaya hinahayaan lang na ganoon? Kasi sa simbahan pa nangyayari ang ganito. Bakit may malinaw na separation sa loob ng simbahan pa mismo?

Pati oras ng pagsisimba, pagkakaroon ng festival at kani-kanilang activities, hiwalay rin. Kahit marunong mag-Nihongo na mga Pinoy at marunong mag-Ingles na mga Hapon, di sumasali sa isa't isa.

Kumusta sa simbahan ninyo? Ganoon din ba?

Ganun din po dito sa kawasaki.

Siguro hindi pa ready na magmeet ang cultural difference natin. Positibo akong mababago din yun in time. The future has its own way of arriving unannounce. Isama nalang natin sa prayers natin para mapabilis.

Importante, isa lang ang pananampalataya natin.

Cheer up.

Tonyang
01-15-2006, 12:01 AM
Mga Ka-Timog:

Lalo akong nagulat sa paggamit ng facilities... hiwalay rin at walang consideration kung wala kang permit. Kahit walang nagamit, di puwede sabi ng mga Hapon basta walang permit. Minsan pati paggamit ng utensils sa church kitchen like kaldero o pinggan, bawal din daw.

Madalas ito ang rason ng di pagkakaintindihan sa mga simbahang napuntahan ko na.

Nakakapagtaka talaga ito kasi maliit na bagay lamang ito na puwede namang pagbigyan kung di lalabis at di makakasama dahil one community at home natin ang simbahan sa Japan di ba?

Tapos iyung contribution ng mga Hapon, monthly. Kahit mga Pinoy ang may pinakamalaking population sa simbahan, wala pa ring bearing sa decision-making ng mga Hapon sa simbahan.

Ganito ba ka-strict sa ibang simbahan din?

Dkid
01-15-2006, 12:39 AM

Ganun din po dito sa simbahan namin sa kawasaki, parehong pareho sa mga binanggit mo, lamang lang kami ng konti, dati kasi hindi pinapaandar ang aircon (sobrang init sa summer diba?) pero sa japanese mass, ginagamit nila.
May konting angal ang Filipino community, pero karamihan tiniis po, dahil din siguro sa mga homilies ng pari. Dinaan lang namin sa dasal, hanggang bumigay narin, maari na naming gamitin po.
Ipagdasal nalang natin sila at di masyadong bigyang pansin ang mga bagay na meron naman kasing kinalalaman ng cultural difference. Para naman hindi tayo ma stress at mananatili parin ang beauty natin po.

Sa judgement day raw: "the first will be the last, while the last will be the first"
"what you ever you do to the rest of My brothers, that you do unto Me"

Peace!

jhunex
01-15-2006, 12:42 AM
Hi! Tonyang

I just wanna share to you what we do in our church.

In our church we use a translator tru a radio. If the sermon is in english, the non-speaking english listen tru their own small radio with earphone according to their own speaking language. So we attend to our church the same time together & sit together whatever color, races or nationalities you are.:halo:

nearane
01-17-2006, 05:06 PM
Tonyang san,

Nakakalungkot na naman kung ganyan ang samahan ng filipino at japanese. Dito po sa amin sa Ashikaga Catholic Church sa Tochigi-Ken, ay masasabi ko na maganda at maayos ang samahan ng lahat (japanese, filipino, peruvian, vietnamese, at iba pang gaikokujin). Kapag meron pong activity ang simbahan ay lahat ay kasali (christmas, easter, bazaar etc.).

Tungkol naman po sa paggamit ng facilities ng simbahan ay ok din basta ipa-reserve mo lang, para alam nila kung sinong group ang gagamit. Sa mga gamit (kaldero, pinggan , baso etc.) naman ay pwede rin basta hugasan lang pagkatapos at ibalik sa kinalalagyan. Basta ayusin lang at linisin pagkatapos ay walang problema.

Once a month po, 3rd sunday, pinoy po and toban sa simbahan at english mass din namin ito, pero marami pong sumusimbang hapon. Open po kasi ang communication ng japanese at foreigner dito sa simbahan namin. Kapag meron parish council meeting, meron pong uma-attend na representative bawat community. Itong last sunday po, pagkatapos ng english mass ay nagkaroon kami ng mochi-tsuki, ang saya nga dahil lahat ay tulong-tulong tapos sabay-sabay kumain.

Marami na rin akong simbahan napuntahan pero nakita ko na naayos naman ang samahan ng lahat. Sa palagay ko po ay kailangan lang na meron communication ang bawat isa. Salamat po.

RODSKI
01-17-2006, 11:26 PM
Nagtataka ako bakit hiwalay ang mga Hapon sa mga Pilipino sa mga simbahang napuntahan ko na. Aware ako na problema iyung language pero bakit kaya hinahayaan lang na ganoon? Kasi sa simbahan pa nangyayari ang ganito. Bakit may malinaw na separation sa loob ng simbahan pa mismo?

Pati oras ng pagsisimba, pagkakaroon ng festival at kani-kanilang activities, hiwalay rin. Kahit marunong mag-Nihongo na mga Pinoy at marunong mag-Ingles na mga Hapon, di sumasali sa isa't isa.

Kumusta sa simbahan ninyo? Ganoon din ba? . . . . hi KA TONYANG! musta? d2 sa OSAKA sa awa naman ng bossing nating lahat, eh di pa naman nangyayari yung may separation ng mga nagsisimba,di kya malakas lang mag kape yung mga nag organize nun :D at ninenerbyos sila?. sa mga pinoy or sa ibang dayo,or kung marunong mag nihonggo or hinde,kya hinihiwalay nila?:confused: dito sa OSAKA, sa may UMEDA( KITANO KYOKAI ang name ng church) ibat ibang tao, puti, itim, kayumanggi,dilaw,mat anda,bata,or may ngipin o wala:D magkakasama naman lahatat ang maganda pa pinoy ang PARI pero english ang naman ang service, di naman kya natyempo ka lang:confused: ,well sana di naman ganun, kse kung ganun sila bat sa simbahan pa mismo ?aba teka, di yta maganda yun db!

japphi
01-18-2006, 11:37 AM
hi Tonyang...makiki-share lang sa usapan ha.....sa intindi ko sa nagiging attitude na ito ng mga hapon ay dahil nga sa hindi pareho culture natin una na yon.Kung napapansin natin ang mga hapon ay talagang law or rule abiding sila.

Sa mga nakausap ko ayaw nilang makisabay sa mga gaijin dahil halimbawa sa mga utencils....masinop sila...yung ibang gaijin daw hindi kino-consider yung pagiging masinop nila...hindi raw sumusunod sa mga rules.....sa una gomenasai daw...pero sa pangalawa at pangatlo ganoon pa rin.

Tapos pag sama-sama daw tayong mga gaijin ang iingay daw natin...yung mga biruan styles natin hindi sila maka-adopt no'n....kaya siguro sa napupuntahan mong simbahan ay hiwalay ang mga hapon at gaijin....dahil yon ang nagiging problema daw...lalu na't lagi ay mga matatanda ang mga kasama.

Doon sa unang napuntahan kong simbahan...ang ayaw ko lang hiwalay yung members (registered members) sa futsuu na gusto lang magsimba pagdating sa pagtanggap ng communion na monthly nilang ginagawa.

Ako hindi registered member kaya hindi ako obligado na magbigay ng Kenkin na 10% monthly...pero yung members talaga yan obligado.Pero hindi talaga ako sanay sa hindi pagtanggap ng communion ng dahil lang sa hindi ako registered member at hindi binyagan sa simbahan nila.Pero huminto rin ako at humanap ng Catholic church.

Tonyang
01-21-2006, 10:10 PM
Japphi, thanks ha. Sa tingin mo kapatid kahit sa simbahan, may rule na makasakit tayo ng kapwa dahil dapat Japanese ang kanilang ways? Rule ng tao o rule ng Diyos sa loob ng simbahan. Kasi kapatid, parang profession din nila ang pagiging Katoliko... di kaya lumiliko ito sa totoong Kristiyanismo o baka nga di lang tayo sanay.

japphi
01-21-2006, 10:47 PM
Malaking tanong din sa akin yan.....pero hindi naman siguro lahat,natyempo lang siguro ako sa mga Obasan na masusungit.Pero napansin ko rin yan,naguguluhan din ako....at naging aloof ako pag maraming hapon:rolleyes: .

Kasi ang alam ko rin na sa simbahan ay magkakapatid at iisa ang hangarin na mapalaki pa ang Faith natin....pero tulad ng nasabi mo....parang isa ring profession sa kanila(yun din ang napansin ko)...naguguluhan talaga ako sa simbahan dito sa Japan.

fremsite
01-21-2006, 11:00 PM
makikisali na rin .. dito naman sa amin .. kasi nga nasa inaka kami .. ok naman ang simbahan ( chapel ) .. pilipino pa nga pari namin .. may pang- foreigner and pan-japanese na mass pero since na .. talagang once a year lang ako magsimba ( hindi ko ipinag yayabang po yan .. ganyan po talaga ako magsimba dito ) pag christmas eve lang po talaga ako nagsisimba ..kahit papaano naman .. kilala pa rin ako nung kababayan nating pari tsaka yung mga japanese na kasama ko sa mass .. ok naman .. mababait naman .. hindi pa ako naka-attend ng pang-foreigner kasi napaka-aga ng mass .. ( medyo mahina tayo sa umaga ... ) yung once a year kong attend ng mass .. ( kasama ko buong pamilya ko ) pagtapos nun , may konting party .. lagi pa rin kaming invited .. pero lagi din naman kaming di maka-attend kasi gabi na nga .. ang masasabi ko lang .. siguro nga .. depende sa town / city ang simbahan .. :)

mOtt_erU
08-30-2006, 03:08 AM
HI tonyang San...Para naman Iglesia style yang simbahan na napupuntahan mo..
Dapat palitan nila ang sistema kase kaya nga nagsisimba eh para mastrengthen ang pananalig at pagsasama ng pamilya/mag-asawa..tas pahihiwalayin lang sa loob? para ano daw?