View Full Version : working visa for canada
cutie1403
03-13-2008, 09:42 AM
kawawa naman ate ko.kumpleto na sya sa paples para sa sa working permit sa canada as care giver.kaso kailangang ipapick-up sa courier papeles nya para sila magsubmit sa canadian embassy sa atin kaso almost 1 week na syang tumatawag sa mga courier eh di sya makacontact!and worse,nababawasan load nya kahit di sya makacontact!ano ba namang klase yan.as of today,nakaka 2500 pesos na daw sya pangtawag sa courier kaso until now,wala pa syang nakakausap sa mga yun!:eek:ano yun,kumikita sila ng walang kalaban-laban yung mag-aapply?call center ang tinatawagan kaso laging busy?ilan kaya tao doon?nakakainis sila at nakakaawa na ate ko.:(
may nakaexperience na ba sa mga relatives nyo na nag-apply papuntang canada ng ganito?
greatbarrier
03-13-2008, 11:01 AM
kawawa naman ate ko.kumpleto na sya sa paples para sa sa working permit sa canada as care giver.kaso kailangang ipapick-up sa courier papeles nya para sila magsubmit sa canadian embassy sa atin kaso almost 1 week na syang tumatawag sa mga courier eh di sya makacontact!and worse,nababawasan load nya kahit di sya makacontact!ano ba namang klase yan.as of today,nakaka 2500 pesos na daw sya pangtawag sa courier kaso until now,wala pa syang nakakausap sa mga yun!:eek:ano yun,kumikita sila ng walang kalaban-laban yung mag-aapply?call center ang tinatawagan kaso laging busy?ilan kaya tao doon?nakakainis sila at nakakaawa na ate ko.:(
may nakaexperience na ba sa mga relatives nyo na nag-apply papuntang canada ng ganito? ano po bang number ang tinatawagan ng kapatid mo? baka naman po mali ang call center number na tinatawagan nya. when i applied for a visa here in canada, i was instructed by my agent to call any of these numbers to submit my application by courier service:
PLDT/Digitel/Smart: 1 909 101-8888
Bayantel: 1 903 101-8888
Globe: 1 900 101-8888
yan po ang number na tinatawagan sa kahit na anong visa application. meron pong sasagot dyan na call center agent ng canadian embassy, and their operating hours are from Mondays to Saturdays, from 6am to 10pm.
pinoy naman sumasagot dyan, so sasabihin lang ng kapatid mo na magsusubmit sya ng application. if i remember it right, bibigyan sya ng reference number ng call center agent, na ilalagay nya sa envelope containing all her documents. kukunin din ang contact number nya, para matawagan sya ng courier service.
di po ako nahirapan tumawag dyan. when i dialled the PLDT number, meron kagad sumagot. & the following day, tinawagan na ko ng courier service to pick up my documents.
by the way, medyo misleading po ang title ng thread mo. kala ko tuloy, it`s really about working visa itself. pagsubmit pala ng visa sa canadian embassy. baka pwede mo pong pachange sa mga mod, para mas maraming makatulong sa yo.
cutie1403
03-13-2008, 11:18 AM
salamat sa reply great barrier!jan nga sa mga pinost mong number tumatawag ate ko.di talaga sya makacontact at kahit walang sumasagot,nababawasa n load nya!
pasensya na kung mali ang lagay ko sa title:D
mga bossing paki change na lang po ang title!:D
cutie1403
03-13-2008, 11:20 AM
minsan daw may sumagot kaso habang nag-uusap sila naubos load nya sa cel kaya naputol.nung nagpaload sya ulit,busy na naman hanggang maubos ulit load nya:(
greatbarrier
03-13-2008, 11:39 AM
ganun ba? supposedly, hindi matagal ang queu dyan. at the most siguro is 5minutes. yeah, mababawasan talaga ang load mo, kasi automatic answering machine ang sasagot initially, then, your sister has to listen to those recorded menu option. depending on what she pressed, she will be redirected accordingly. basta tama ang option na pinili nya, finally meron sasagot na call center agent. then yun na.
siguro mas maganda eh pldt card ang bilhin nya & use a landline. sa pagkakaalam ko, if landline ang ginamit P10/min ang charge if you call any of those numbers. mas magiging mahal if you`re using a prepaid cellphone kasi may tollcharge pa yan. & lalo na if your sister is located in the province.
in my case, natatandaan ko i used my smart cellphone din. but it didn`t take long before an agent answered. if i remember it right, wala pang 10min na nasa phone ako, & parang less than P150 lang yun charge ko.
goodluck na lang sa sister mo.
cutie1403
03-13-2008, 11:42 AM
salamat po ulit!:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.