PDA

View Full Version : tamad ba si misis?


randy
03-13-2008, 03:04 PM
mga kabayan,kapag nakikita ko yung mga kababayan natin na sobrang sisipag magtrabaho, na minsan kahit walang visa ay talagang gumagambate pa rin ay di ko maiwasan malungkot dahil sa problema ko kay misis.di kami nagaaway sa pera pero may konting problema.

19 yrs na ako sa japan at si misis ay 17yrs na at pareho kaming may PR.17 yrs na rin kaming kasal at nagsasama sa japan.

ok naman ang pagsasama at wala kaming problema.maasikaso sya,mabait at maayos sa bahay. ang problema lang sa kanya ay ayaw nya magtrabaho.gusto nya ay plain housewife sya katulad sa style sa pilipinas.last nov,nagsilang sya ng unang baby namin at lalong nawalan na kahit plano man lang na magtrabaho.

sa 17 yrs nya sa japan,8 taon sya nagtrabaho sa part timer(4hrs per day).pag uwi sa bahay,puro reklamo pa na kesyo mahirap daw ang trabaho nya sa pabrika,etc,etc. pag nag suggest naman ako na ilipat sya ng kaisya,ibang reklamo naman like malayo daw, mapapabayaan ang bahay,kesyo ibang pakikisama na naman,etc,etc ulit.

nang malipat ako ng trabaho sa kashiwa city,nakapasok sya sa cleaning ng hotel sa tokyo.isang taon sya doon (6hrs/day).lalong dumami ang reklamo like pagod,malayo,mahirap ,etc,etc ulit.

para mapalapit naipasok ko syang magtrabaho sa kensa ng mga butones. 5 min by bike lang mula sa bahay namin.maganda ang sweldo at mahaba ang oras(10hrs per day),sus nadoble ang reklamo.pagod daw,kaka antok, etc,etc.

then nabuntis sa unang baby. first day pa lang po na nag positive sa pregnancy test, gusto ng mag resign agad kesyo baka daw mapasama si baby.etc,etc ulit.
ngayon po nanganak na sya at ni plano ay wala na bumalik sa pagta trabaho.parang ang direksyon ng isip ay palakihin ang baby na kasama sila maghapon sa bahay.

di naman po sa pinipilit ko syang magtrabaho. ayos naman po ang sahod ko dahil matagal na ako sa jpn. nakatira kami sa mansion,may kotse,may ilan mga branded na gamit at alahas at nakakapag dining paminsan-minsan sa mga family restaurants.pero hanggang doon lang po ang kaya ng pera namin.

ang sa akin lang,gusto ko lang na matupad pa yung mga gusto nya like makabili ng mga properties sa pinas,makatulong pa ng mas sa mga magulang nya,maging mas maluwag sa pera sa buhay namin sa japan at mabili pa namin yung ibang gusto nya.saka syempre nakakapaghinayang talaga di ba.yung iba nga,nagbabayd ng malaki para lang makapag tnt at makapag trabaho sa japan. sya itong nasa japan ay gusto pang matulog maghapon,manood ng tfc,mag chat sa mga dalagitang pamangkin sa pinas at maglinis ng bahay.

ito nga po,uuwi sya sa april.1 buwan sya doon sa pinas.sabi ko,30lapad lang ang dalhin.sabi nya kulang daw yun gusto 45lapad kasi mamimili sya ng gamit at kasama ang bata.sabi ko kung nagtatrabaho ka kahit 200 lapad ang iuwi mo,di ako kokontra.

tapos gusto lahat ng pamngkin,may isa-isang pasalubong na gadgets like PSP,gameboy,ipod,etc . medyo masakit sa loob ko yung mga ganoon kasi mayayaman naman ang mga pamilya ng pamgkin nya,bakit nya kailangan pasalubungan ng ganoon kamamahal.yung iba nga umuuwi,T shirts lang at ramen ang pasalubong sa mga pamangkin,di ba.

isa pa. nagyayaya sa costco.sabi ko wag ng magbitbit ng madaming foods na pasalubong kasi may kasamang bata. sinabihan ko na lang na mag spend na lang ng malaki say 600 dollars sa credit card sa pagdu duty free sa clark kesa mamili sa japan at bitbitin.naku,ayaw pa rin...mas bongga daw pag tatak japan ang mga dala.gusto mag costco na, mag duty free pa.
sa totoo lang kasi,medyo mayabang si misis pag sa mga kamag anak nya e. kung nag gagagambate sana sa trabaho, kahit magyabang ng magyabang, walang masama.kaso yung family savings namin ang binubungkal nya sa kakayabang e.

ilan beses ko na syang kinausap na mag gambate para makuha nya lahat ng gusto pero wa epek.ano kayang mabuting gawin mga ka TF? ayaw ko naman hiwalayan kasi consider ko na maliit na problema ito.in fact,halos di nga kami nagaaway pag nasa bahay.95% masaya ay 5% lang ang malungkot sa marriage namin.

summergirl
03-13-2008, 03:34 PM
Dear wag mo ng pansinin ang 5 % at least ganyan lang ang problema mo.May ibang wife talaga na pag nag asawa na sa bahay lang..Hindi nag iisip ng bukas pero maiintindihan nya rin iyon pag dating oras lalo na pag lumalaki ang ang anak nyo ..Tis lang ng konti at i explain mo sa kanya na dapat mag ipon sya para sa future ng bata at para makabili ng properties sa pinas..Good Luck!!maliit lang yang problema mo kaya I know na malulusutan mo yan..

rockinchiq
03-13-2008, 03:34 PM
Hajimemashite Randy Bro..
Medyo mahirap nga yang problem mo no?
pero the best solution is...kausapin mo sya ng masinsinan.
heart to heart talk ba?ipaintindi mo sa kanya lahat ng gusto mong maintindihan nya..Mahirap kasi magyabang(pasensya na,di ko alam yung ibang term jan..hehe)sa mga kamag-anak na may kaya din lalo na kung apektado saving ng pamilya nyo..all you have to do is to make her realize
or ipaalam mo din sa kanya na hindi tama yung ginagawa nyang pag gastos sa money nyo..Saka mahirap ding mamihasa sya sa ganyan kasi pareho kayong mahihirapan pag dating ng panahon..
Wala namang hindi napagkakasunduan sa mabuting usapan eh..
i'm sure maiintindihan ka nya dahil wala ka namang masamang intensyon..
Good luck Bro..

rhynissa
03-13-2008, 03:41 PM
hello.. Hmm, kung gumagawa naman siya sa bahay ay ok lang, siguro naiisip niya na kung magwork siya ay lalo ang hirap niya, dahil gawain sa bahay plus ang trabaho, ok sana kung pareho kayong may work eh tumutulong ka din sa gawaing bahay. I used to work before, pero ang hirap, kasi after work dapat pa akong magluto, etc.. then kung rest day ay laba at plantsa naman, hubby ko di ako tinutulungan sa gawaing bahay.. Pareho kaming nagtatrabaho pero ako lahat ang gumagawa sa bahay, unfair diba? hmm, though mas gusto ko ang active sa work, he stopped from signing another contract sa trabaho ko, ok lang naman, at least ngayon may time na ako mag-tf, unlike before!!! Intindihin mo na lang misis mo, mabuti nga masipag siya sa bahay eh, may kakilala ako dito sa okinawa napakatamad. Wala na ngang trabaho eh batugan at burara pa sa bahay.

err, ikaw ang lalaki, kung ganyan na maluho ay bigyan mo ng limit..

japhil
03-13-2008, 04:01 PM
hindi po tamad si misis

masipag nga sya sa gawaing bahay:) ganito nalang kuya kung ayaw po ni ate mag work sa labas pwede naman po syang kumuha ng naishoku or di kaya magtinda sya ng mga kakanin or philippine foods kung talagang gusto lang nya sa loob ng bahay.nabanggit nyo po mahilis sa computer misis nyo pwede rin syang mag tinda dito sa TF:D para naman di sayang oras nya.

tama po kayo maraming mga kababayan natin na gustong pumunta dito sa japan pero napakahirap...ipaint indi nyo nalang po kay ate iyon na swerte nya at nandito sya sayang ang mga sentimos kada oras na pinakawalan nya. kung same kayong me sahod at pag samahin nyo iyong mga sahod nyo napaka sarap ng pakiramdam:)

ipaliwanag nyo po kay ate ang halaga ng pera dito sa japan at sa pilipinas na yung mga oras ng pinag trabaho nya di nya makukuha sa pilipinas ng isang araw lamang kaya napakahalaga ng mga oras pag nasa ibang bansa kana.kasi po ako lagi kong iniisip ang value (peso) ng pera sa pinas kaya koripot at ayaw kong mag-aksaya ng oras:)

makulit
03-13-2008, 04:11 PM
hindi mo naman po problema ang ayaw ni misis mo na magtrabaho. ang problema mo po yung hobby ni misis na mabonggang magpasalubong sa kamag-anak. napapagusapan po yan ... kausapin mo si misis ng masinsinan. hindi naman po maganda rin para sa inyo na mabawasan ang savings ninyo para lang makapagregalo. come to think of it, hindi naman po yata madalas. planuhin mo po sa susunod o kaya sabihan si misis na magipon ng pangregalo nya sa susunod. bigyan mo po siguro ng personal allowance nya buwan-buwan kung saan nya kuhain ang dapat nya bilhin na personal tulad ng damit etc. kung magbabakasyon sya, I would think na pareho kaming magisip, iipunin ko yon para may dala akong pasalubong at pocket money. HIndi na kailangan manghingi o magdemand ;)

mamimo
03-13-2008, 04:35 PM
@randy
Sa opinyon ko lang po kung ayaw nya talagang makinig sa sinasabi mo gumawa ka ng paraan para ma-restrict sya na ma-access ang family savings nyo halimbawa, open a time deposit na sayo nakapangalan. In that case kahit tipirin mo sya alam nya na meron kang tabi basta ipaliwanag mong mabuti na sa pangarap nyong H&L mapupunta ang pera. Mahirap i-please ang kamag-anak natin sa Pinas kasi kapag naibigay mo ang gusto nila tulad ng usong gadget tiyak sa susunod na uwi nyo may bagong hihingin na naman to the point na namihasa na nga. Minsan okay na ang parinig na kuripot ka, so what? At least in the near future makita nila may nakatayong bahay at lupa na resulta ng kakuriputan.

randy
03-13-2008, 05:03 PM
@randy
Sa opinyon ko lang po kung ayaw nya talagang makinig sa sinasabi mo gumawa ka ng paraan para ma-restrict sya na ma-access ang family savings nyo halimbawa, open a time deposit na sayo nakapangalan. In that case kahit tipirin mo sya alam nya na meron kang tabi basta ipaliwanag mong mabuti na sa pangarap nyong H&L mapupunta ang pera. Mahirap i-please ang kamag-anak natin sa Pinas kasi kapag naibigay mo ang gusto nila tulad ng usong gadget tiyak sa susunod na uwi nyo may bagong hihingin na naman to the point na namihasa na nga. Minsan okay na ang parinig na kuripot ka, so what? At least in the near future makita nila may nakatayong bahay at lupa na resulta ng kakuriputan.

salamat po sa mga nag reply at nagbasa sa post ko.

@mamimo,

sa totoo lang po,di na kailangan mag set up ng new account.kasi po kahit yung saving accnt namin ngayon ay di nya pinakikialaman. after many yrs po na magkasama kami, kahit nakikita nya ang pasbook namin, di nya pinakikialaman.kundi mo utusan na mag widrraw, di yun nag wiwidraw.meron kaming budget sa bahay every month at yun ang ginagasta namin sa mga gastusin sa isang buwan. di rin sya nakikialam sa mga personal kong gastusin.kahit mag widraw ako at ipamigay sa mga kamag anak, ipang shopping,wala syang say. basta yung business ko ay bahala ako at bahala sya sa business nya.ganoon ang style nya.

@makulit
kapag nasa japan kami, wala nmn pong pinagkakagastahan si misis esp pag nasa work ako.yung pang supermarket nya,galing sa monthly budget namin.para po kasing nasasagwaan ako pag binibigyan ko sya ng allowance kasi para akong hapon pag ganoon. ang set up kasi namin,kada payday ko, widraw kami ng 15 lapad para sa monthly expenses namin. yung sobra sa salary, savings na namin. di na yun ginagalaw.pag binigyan ko ng alloawance,say 3 lapad per month, naku magiging source po yun ng extrang expenses. sigurado hahanapan ng project expenses yun esp may baby sa ngayon.

@japhil,
nasubukan na po namin yun naishoku...nakakapag od pa din daw po saka masakit sa mata saka mura ang bayad.dyosme talaga.sa tinda-tinda,di rin sya pwede kasi busy nga sa tfc at chat.saka wala daw syang knowledge sa sales...lols

@rhynissa
tumutulong po ako sabahay. sa katunayan,noong nagtatrabaho sya ng 10 hrs, ako lahat. laba,luto, palengke,linis.darat ing sya kakain na lang tapos habang kumakain,panay ang reklamo kesyo masakit ang balakang, masakit ang ulo,etc,etc.

mamimo
03-13-2008, 05:17 PM
@randy
okay naman pala si misis, kaya mo sya daanin sa pakiusap sa gusto mong mangyari. namali lang ako ng intindi sa ilang salita "kaso yung family savings namin ang binubungkal nya sa kakayabang e" but now I get it may consent naman pala sayo so daanin na nga lang sa magandang usapan.;)

docomo
03-13-2008, 05:19 PM
hindi sana masama kahit hindi sya magtrabaho dahil maliit pa yung anak nyo.. makatarungan pa yung ganong reason ..pero yung gastusin lang para maging mabango kayo sa kamaganakan nyo ,sakit na po yan .
ang mabuti lang po dyan eh magusap po kayo ng maayos.. dahil kayong mag asawa lang naman po ang nakaka alam ng set up nyo sa bahay..:)

hindi po ba kayo huminto ng trabaho nung time na sya naman ang nagtratrabaho? baka binabawian po kayo :D

daniela
03-13-2008, 07:35 PM
elow po... makikisali sa topic ha. sa tingin ko lang po sa asawa nyo, ay hindi tamad. kundi, umaasa sya sa iyo dahil stable ka sa job mo. ano kaya kung dramhin mo.kahit anong drama basta about sa pera kunwari sa trabaho mo... para makapag-isip2 rin cya kung papaano na kayo kung mawalan ka ng job. lalo na ngayong may anak na kayo. alam mo bang magastos ang bata dito sa japan? hindi tulad sa pinas. kung hindi mo madala sa drama, hayaan mo muna or subukan mong magkuripot sa kanya para matauhan at gumawa ng paraan para maghanap ng kanyang sariling pera.
may kakilala din kasi akong ganyan, wala na ngang trabaho gastos ng gastos. e ikaw nga ay napapagod na kakatrabaho. i really undrstand ur feelings at sana ma-solve mo na iyang 5% percent problem ng marrige mo. gud luck!!!

summerghie
03-13-2008, 07:55 PM
meron kasing career woman type at plain housewife lang . SIguro si misis eh plain housewife lang talaga ang gusto niya kaya di sya willing magwork; kasi kung career woman napangasawa mo eh baka mamaya magreklamo ka naman kasi di na niya kayo naasikaso at jungle na yun bahay ninyo.

i remember may friend ako ng ang pangarap niya lang kapag nagasawa siya eh maging plain housewife lang yun asikasuhin yun asawa niya at magiging anak nila; as simple as that. Di kaya ganun lang gusto niya . Dapat kilala mo siya kung career type of woman siya or simple plain housewife lang.

di try mo na nga lang kausapin na kamo di rin ganun kadali buhay sa japan mas magastos dito di tulad sa pinas. na kailangan ninyo pa dagdagan yun ipon ninyo kasi may baby na kayo mas lalaki na gastusin. mas mapapadali yun pagiipon ninyo kung magtutulungan kayo dalawa kamo. mga ganun pakiusap ba.

pero sa ngayon medyo mahirap ata yun kasi may maliit kapa na baby eh so medyo antay ka pa ulit ng konti kasi bantayin pa yun baby ninyo.

goodluck bro.

shuelma
03-13-2008, 08:41 PM
randy san,.hihihi:Dpareho ata kmi ng misis mo at ung mga reklamo mo katulad nmn ng asawa kong hapon:D...grabe tinamaan ako sa mga sinasabi mo hahaha...hihihi...bi gla akong nahiya sa sarili ko kc mareklamo ako sa trabaho kaya ang bilis kong mag resign...ang pinag iba lng nmin ng misis ay di po ako mayabang at di maluho...tamad lng po ako tlga.kya lahat gawain ng asawa ko magluto/maglinis at mag tapon ng basura.dahil saksakan ako ng arte diko nililinis ung toilet nmin kaya ung asawa ko rin po ang siyang tagalinis...awa nmn po ng diyos di pa ako nabubugbog sa sobrang katamaran ko:D...kaya nga po pati ung paghuhugas ng plato ibinili na rin ako ng asawa ko ng machine:D...grabe natauhan ako sa sinulid mo:D...ngaun nmn meron na akong 4hrs job...wish lng ng asawa ko..wag daw akong sumpukin ng katamaran hahaha...hihihi:D... promise magbabago na ako bago mahuli ang lahat:D:D.

baby_angel
03-13-2008, 08:55 PM
konbanwa!!siguro po talagang gusto ng misis nyo na nasa bahay lang sha...meron po kasing ganun....atsaka sabi nyo po maliit pa po yung baby nyo..hayaan nyo po munang bantayan nya yung baby nyo...pag pumapasok na po sa youchien yung baby nyo,try nyo pong kausapin yung asawa nyo na kahit mag part time job lang sha....pero kung ayaw nya rin po talaga,pakiusapan nyo nalang na hwag na shang mashadong maluho dahil yung sweldo nyo nalang ang inaasahan nyo....mahirap din po kasing walang ipon...kaya mas maganda po talaga na pag usapan nyo pong dalawa kung ano ang maganda para sa pamilya nyo.

ako po gusto ko pong mag work kaso 1yr and 4monhts palang ang baby ko...wala naman pong pag babantay sa kanya para makapag work ako...ayoko rin po kasing yung asawa ko lang ang nag wo-work...kasi po gusto ko pong makapag tabi kahit papaano para sa kinabukasan ng anak namin!

sana po mapag usapan nyo ng maayos ng misis nyo yan:)

rhynissa
03-13-2008, 08:55 PM
nakakatuwa ka naman sistah.. suwerte mo sa asawa mo napakasipag.. matututo ka din in time. may friend ko ganyan din eh, pero asawa nya tamad din sa bahay kaya jungle ang haybol nila hahaha.

tol, tama ang mga advice ng mga ka-tf natin, try mo kausapin si misis mo lalo na at may baby na kayo,iba na dapat ang priority nya sa buhay.. dapat mas paghandaan ang future niyo at ng baby nyo..

ga sinasabi mo hahaha...hihihi...bi gla akong nahiya sa sarili ko kc mareklamo ako sa trabaho kaya ang bilis kong mag resign...ang pinag iba lng nmin ng misis ay di po ako mayabang at di maluho...tamad lng po ako tlga.kya lahat gawain ng asawa ko magluto/maglinis at mag tapon ng basura.dahil saksakan ako ng arte diko nililinis ung toilet nmin kaya ung asawa ko rin po ang siyang tagalinis...awa nmn po ng diyos di pa ako nabubugbog sa sobrang katamaran ko:D...kaya nga po pati ung paghuhugas ng plato ibinili na rin ako ng asawa ko ng machine:D...grabe natauhan ako sa sinulid mo:D...ngaun nmn meron na akong 4hrs job...wish lng ng asawa ko..wag daw akong sumpukin ng katamaran hahaha...hihihi:D... promise magbabago na ako bago mahuli ang lahat:D:D.[/quote]

eleine88
03-13-2008, 09:00 PM
ang mahalaga very orderly at malinis ang bahay mo sa tuwing uuwi ka galing sa trabaho.may masarap at balanseng pagkain ng naka ready sa table para sa inyong tatlo at ofurong mainit na nag-aantay sa iyo para panlublob mo,maaliwas na tahanan ang dadatnan mo naka ngiti, parating mabango at maganda si Mrs at malinis pati na rin si baby,ready parati ang 2 ears niya para makinig sa i-rereklamo mo tungkol sa trabaho sa loob ng 8 or 9 hrs na working at ready din siyang magbigay sa iyo ng mga inspirasyong mga advices...huwag mo ng gustuhing mag-work si Mrs mo.inspirado ka na parati.pero ito ay kung ganon si Mrs.:)kasi ang nasa likod ng tagumpay ng mga lalaki ay ang mga babae.:D

nasty
03-13-2008, 11:45 PM
kung ako siguro ang lalaki mas gugustuhin ko din na nasa bahay lang ang asawa ko ,,, iba iba kasi tayu ng pananaw sa buhay ,,,para saakin hindi tamad ang asawa mo ang mejo hindi nga lang maganda is yung bonggang bongga syang gumastos ng gadgets na para sa mga pamangkin niya,,,or let's say na siguro gusto niya din ipaalam na galing sya dito (oo nga naman)isa sa gadget capital na yata itong japan sa buong mundo ,,,pero sana naman may limitation ,,,hindi tig iisa pang psp,ipod etc..yung mga pamangkin niya pano kung 5 yun?

mag usap lang kayung mabuti ,,,punta kayu ng church bago mo sya iapproach ,,pray together before mag usap ng masinsinan,,,sabi nga walang hindi naaayos samagandang usapan ,,,,gambatte ne ,,,tiis ng konti bro....sabi nga di ba sa hirap at ginhawa dapat laging magkasama....:):)

ianix
03-14-2008, 11:32 AM
If you've lasted 17yrs with your wife considering that she not wanting to work is a small problem then I think you have a problem (mejo nalito ako sa statement na yun ah hehehe). I mean, 17yrs!!! Ang tagal mo na pala dinadala yang 5% na yan. I'm no expert in marriage pero sa tingin ko since 17yrs na kayo magkasama, parang wala nang epek yung sinasabi mo sa kanya about working. I think someone else should tell her that para tamaan. I also think that having your own property in the Philippines is not a top priority for the both of you since 17yrs na kayo jan dapat naman by this time may 1 o 2 na kayong bahay/lupa sa pinas. Pero considering na may anak na kayo...mas mahihirapan na talaga siya kumbinsihin na magtrabaho. God bless :)

maria_71jp
03-14-2008, 01:37 PM
hello sayo kaTF iba iba talaga buhay ng tao ano! ako naman dito sa japan gusto ko palaging nagtatrabaho kasi sinusuportahan ko kase pamilya ko sa pinas kaso eto me chikiting na shoganai diba! sa asawa nalang ako humihingi pero ayaw ko talagang humingi sa kanya para lang sa pamilya ko gusto ko yung sariling kayod ko,haaaay buhay....

malibuPine
03-14-2008, 01:52 PM
mga kabayan,kapag nakikita ko yung mga kababayan natin na sobrang sisipag magtrabaho, na minsan kahit walang visa ay talagang gumagambate pa rin ay di ko maiwasan malungkot dahil sa problema ko kay misis.di kami nagaaway sa pera pero may konting problema.

19 yrs na ako sa japan at si misis ay 17yrs na at pareho kaming may PR. 17 yrs na rin kaming kasal at nagsasama sa japan.

ok naman ang pagsasama at wala kaming problema.maasikaso sya,mabait at maayos sa bahay. ang problema lang sa kanya ay ayaw nya magtrabaho.gusto nya ay plain housewife sya katulad sa style sa pilipinas. last nov,nagsilang sya ng unang baby namin at lalong nawalan na kahit plano man lang na magtrabaho.

sa 17 yrs nya sa japan,8 taon sya nagtrabaho sa part timer(4hrs per day).pag uwi sa bahay,puro reklamo pa na kesyo mahirap daw ang trabaho nya sa pabrika,etc,etc. pag nag suggest naman ako na ilipat sya ng kaisya,ibang reklamo naman like malayo daw, mapapabayaan ang bahay,kesyo ibang pakikisama na naman,etc,etc ulit.

Hmnn 17 years na pala kayong kasal, pero last Nov lang kayo nagka-baby...

Looks like midlife crisis just hit you, kasi sa tagal ng pagsasama nyo, mukhang na-saturate ka na sa mga 5% flaw ng marriage nyo na you had accumulated for the past 17 years.

You know what, share ko lang ang mga lost love stories ng friends ko --

~ one was married for 24 years, and the husband just waited for their son to turn 18 to divorce his wife, who he said was sooooooo lazy and didn't want to work nor move her butt, munching like a cow, a fat couch dweller, lying down all day/night watching tv and eating cookies, not cleaning the house nor cooking etc. He had enough of her and he calls her a waste of air and sp**m... Love flew out of the window in just 5 years of being together

~ another friend is, after 15 yrs of marriage she just woke up one fateful morning wanting a divorce, love gone

~ one, still married for 9 years now and staying under the same roof but separate bedrooms. They are civil to each other for their children's sake. The guy have had relationships outside marriage and if he happens to find a meaningful one he is set to dump like a hot rock his ice-cold wife who is only concerned with money and her career

malibuPine
03-14-2008, 02:17 PM
ito nga po,uuwi sya sa april.1 buwan sya doon sa pinas.sabi ko,30lapad lang ang dalhin.sabi nya kulang daw yun gusto 45lapad kasi mamimili sya ng gamit at kasama ang bata.sabi ko kung nagtatrabaho ka kahit 200 lapad ang iuwi mo,di ako kokontra.

tapos gusto lahat ng pamngkin,may isa-isang pasalubong na gadgets like PSP,gameboy,ipod,etc . medyo masakit sa loob ko yung mga ganoon kasi mayayaman naman ang mga pamilya ng pamgkin nya,bakit nya kailangan pasalubungan ng ganoon kamamahal.yung iba nga umuuwi,T shirts lang at ramen ang pasalubong sa mga pamangkin,di ba.....

Alam mo, medyo pareho kayo ng reason ng friend ko, gusto nya sana they work together to improve their lifestyle and he wanted her to have friends and active and not a cave dweller who lacks social life. Iba-iba rin kasi ang preferences ng tao. Ako naman ayaw pagtrabahuin, eto medyo nagiging lazy na rin :D

Re pasalubong, ang mahal naman ng mga pasalubong nya. Mukhang wala ka ng magagawa sa character nyang medyo galante and showy except to restrict her some dough, yun eh kung kaya mo lol

Ako pag umuwi, tahimik, walang nakakaalam kundi immediate family. I hate din kasi padala dyan, sa bitbit ko pa lang 20 kg na, no room for theirs. Minsan may magpapadala pera, I told her, I will bring it but at her own risk, if I get robbed or it gets lost, am not accountable for it..ayun hindi na pinadala sa akin lol

Pasalubong ko - okashi lang, mga stuff kong hindi na ginagamit, dating celfones ko, green teas and stockings sa close friends. Pero lately, halos wala na akong bitbit, troublesome, nakakapagod lang, nadodoble kasi, dahil i-shopping pa sila sa Pinas. Ang mga close friends ko naman, nag-uunahan pa silang i-treat ako for lunch or dinner. Hindi sila leech. Pero I see to it that I treat them back also. As much as possible I travel in style *wink*

What I do is just give them cash, bahala sila kung ano bilhin nila. Maliban na lang if members of the family specifically need something from here which rarely happens.

Kung 5% lang pala prob mo, dahil ayaw magtrabaho, hayaan mo sya. Try to limit her budget, if you are the one handling the coffers. Pero pag sya, talk to her and speak your mind. If nothing changes and you cannot encourage her to work, accept her for what she is, embrace her weaknesses just as she embraces yours.

The fact that you are posting your prob/situation here is an indication that it is affecting you. That 5% flaw sa marriage nyo that you wanted to believe seem an unconscious denial, I think it is more than 5%. You are seeing her flaws even more clearly now that has been there for 17 years and you are close to feeling enough is enough.

Hope you can address the problem cus if not, it will just get worst before it gets better... :)

YAN
03-14-2008, 02:50 PM
Hi Bro.You said na 5% lang naman yung flaws ng marriage nyo,kapag nawala yun e di 100% na.Theres no perfect marriage nga diba,ayon sa kasabihan.Alam mo sa totoo lang your wife is not lazy,hindi mo ba navisualize yan before getting married na pang plainhousewife lang sya.baka yun talaga ang gusto nya,baka the typical saying na ikaw ang lalaki, ikaw ang dapat kumayod.Hindi sya tamad,kasi gumagawa naman pala sya sa bahay.ang unreasonable lang e yung pagpapasalubong ng mahal at gagalawin ang savings nyo.As of now,lalong hindi makakpagwork si wifey kasi diba may baby,kung maisip naman nya magwork pano naman si baby?Ang hirap din kasi talaga for a wife na magwork at the same time sya pa lahat ang kikilos sa bahay.Ako nga minsan,ayoko din gumalaw sa bahay kasi pagod din ako sa work,di naman tumutulong asawa ko.Sa totoo lang,sa gawain bahay pa lang grbeng pagod at stress na ang inaabot ng mga misis,(pero no choice,)kya siguro ayaw nya na magwork.Pero ngayon may baby na kayo,malay mo in the near future,maisip nya magtrabaho for a brighter future para sa inyong lahat.Magusap kayo ng masinsinan. Good Luck.

yasashi
03-14-2008, 08:17 PM
in my own opinion lang po ha wala naman pong masama sa asaw mo may ganyan lang talagang asawa na gusto is plainhousewife lang atleast naaalagaan ang mga bata ikaw at ang bahay diba siguru magkasalungat lang ang yung pananaw sa buhay .

ikaw na nagsabi diba na wala namn kayong problema almost kaya wag ka nalang gumawa ng problema.. kung di nya kaya intindihin ang gusto mo..then no choice ikaw nalang ang umintindi..


sorry po. opinyon ko lang naman.. para peace po kayo..:)

honey
03-15-2008, 12:57 AM
Randy :)

Opinion ko lang ito.Ikaw nagtatrabaho kaya ikaw ang may control sa pera nyong mag-asawa.Walang masama sa gusto mong mangyari dahil maganda nga naman kung pareho kayong kikita.

Plain houswife lang si misis ok yon kasi mas mapagtutuunan nya ng pansin ang binubuo nyong pamilya at responsibilidad nya yon sa inyo ng anak mo.Yan e habang maliit pa si baby mas lalong kailangan focus sya sa family nyo.

Sabihin mo sa asawa mo ang problema matagal ka na nagtitiis nagpapakahirap magtrabaho samantalang sya masayang masaya pa-easy easy.Ang maliit na problema dapat pinag-uusapan para hindi lumaki.Dahil matagal na kayo mag-asawa dapat matagal mo na syang naintindihan sa ugali nya kung hindi ka na makatagal sabihin mo para ikagaan ng loob mo magalit man sya sayo.Hindi sa lahat ng oras iisa lang ang pwede umintindi sa isang relasyon kailangan pareho kayong magkaintindihan at iisa ang magiging layunin nyo dahil mag-asawa kayo.Give and take ika nga hindi puro give ka lang ng give tas take lang ng take ang iba.

Randy mabait kang asawa sana mapansin ng misis mo yan para magkaroon man lang sya ng konting hiya sayo at makapag isip sya ng pwede mong ikatuwa dahil mahal ka nya.Kahit naman mag-asawa na dapat mahiya pa rin kahit minsan ang tawag don ay respeto.

masahiro
03-15-2008, 01:14 AM
meron kasing career woman type at plain housewife lang . SIguro si misis eh plain housewife lang talaga ang gusto niya kaya di sya willing magwork; kasi kung career woman napangasawa mo eh baka mamaya magreklamo ka naman kasi di na niya kayo naasikaso at jungle na yun bahay ninyo.

i remember may friend ako ng ang pangarap niya lang kapag nagasawa siya eh maging plain housewife lang yun asikasuhin yun asawa niya at magiging anak nila; as simple as that. Di kaya ganun lang gusto niya . Dapat kilala mo siya kung career type of woman siya or simple plain housewife lang.

di try mo na nga lang kausapin na kamo di rin ganun kadali buhay sa japan mas magastos dito di tulad sa pinas. na kailangan ninyo pa dagdagan yun ipon ninyo kasi may baby na kayo mas lalaki na gastusin. mas mapapadali yun pagiipon ninyo kung magtutulungan kayo dalawa kamo. mga ganun pakiusap ba.

pero sa ngayon medyo mahirap ata yun kasi may maliit kapa na baby eh so medyo antay ka pa ulit ng konti kasi bantayin pa yun baby ninyo.

goodluck bro.

hello.. Hmm, kung gumagawa naman siya sa bahay ay ok lang, siguro naiisip niya na kung magwork siya ay lalo ang hirap niya, dahil gawain sa bahay plus ang trabaho, ok sana kung pareho kayong may work eh tumutulong ka din sa gawaing bahay. I used to work before, pero ang hirap, kasi after work dapat pa akong magluto, etc.. then kung rest day ay laba at plantsa naman, hubby ko di ako tinutulungan sa gawaing bahay.. Pareho kaming nagtatrabaho pero ako lahat ang gumagawa sa bahay, unfair diba? hmm, though mas gusto ko ang active sa work, he stopped from signing another contract sa trabaho ko, ok lang naman, at least ngayon may time na ako mag-tf, unlike before!!! Intindihin mo na lang misis mo, mabuti nga masipag siya sa bahay eh, may kakilala ako dito sa okinawa napakatamad. Wala na ngang trabaho eh batugan at burara pa sa bahay.

err, ikaw ang lalaki, kung ganyan na maluho ay bigyan mo ng limit..

randy san tama si ms summerghie may babaeng gusto plain housewife lang :)isa na ko dun ... ang gusto ko lang asikasuhin ang mag-aama ko, maglinis ng bahay, magluto, magturo sa homework ng mga anak ko...,,, ipasyal sila,, at natupad ko pa rin naman yun kaya nga lang talagang sobrang hirap kasi may part time job pa din ako .. parehas kami ni sis rhynissa trabaho na bahay pa alaga pa luto, laba ,at syempre masaya naman din ako kahit pagod sobra... kasi nadagdag ang tf sa schedule ko :D:D:Dgulo ko ba?? hindi tamad ang misis mo randy yun nga siguro ang mas priority nya... dapat masaya ka dahil ayaw nya kayo pabayaan... naku ang sakit pa naman sa ulo at sa mata ng madumi diba?? yun namang gusto nya magyabang yun ang dapat baguhin mo sa kanya... tell her in a good way yung may kasamang lambing... i'm sure maiintindihan ka nya.... maluho din ako at may pagkamayabang:Opero unti-unti ko na din nabago ... (sana nga tuloy-tuloy na ):Ddahil may pinag-aaral na kami sa chugakkusei paliwanag mo sa kanya na hindi basta-basta mag-paaral dito sa japan... kailangan nyo talaga mag-ipon(nagsalita ang hindi marunong mag-ipon hehehe) basta usap lang na may sangkap na lambing ang kailangan mo ... goodluck...:cool:

aki^-^
03-15-2008, 07:49 AM
Sa tingin ko.....



hindi tamad sis misis.... maluho po sya:p

crispee
03-15-2008, 09:13 AM
Sa tingin niyo wala rito (sa TF) ang asawa ni Randy? Bigla kasing natahimik eh. Ok na siguro sila:)

coffee
03-15-2008, 09:38 AM
iba-iba ang outlook natin sa buhay...

ano kaya kung...
ipabasa mo itong thread na ito kay misis mo
baka mas marami siyang mabasa, pang-open-mind ika nga
maraming advices, ipinions open-hearted...;)

katty0531
03-15-2008, 11:44 AM
Sana po ok na kayo ni misis...sayang yong 5% baka maging 20% hihihi kidding aside po...mahirap po talaga makuha ang 100%...mahirap maging perfect ang lahat...ako po ayaw ko ng 100% nakakatakot..mas maganda pa rin yong may kulang kasi yon ang nagpapabuhay saken araw araw...

plainhousewife,
katt

tadashi
03-15-2008, 01:32 PM
wag ka sana masasaktan sa sasabihin ko..alam mo ikaw lang ang lalaki na pinagpipilitang pagtrabahuin ang asawa.. if ever magtrabaho ang asawa mo sino na mag aalaga ng anak ninyo? oo nga't may mali rin si misis dahil may pagkamayabang siya sa mga kamag anak niya pero nasasaiyo yun kung kukunsintihin mo..sabihin mo wala kang pera at ganung pera lang ang kaya mong ibigay na baon sa kanya...

joamie_tera
03-15-2008, 06:38 PM
Nakakaingit naman ang misis mo, Both filipino kayo di ba? So, hindi nyo alam both kung habambuhay nga kayo dito sa Japan, kung ako sa kanya, hanggat kayang mag trabaho sana gawin nya, for future ba at para sa konting luho, ako nga, japanese pa ang asawa ko kahit papaano stable ang kalagayan naming pamilya kasi maayos naman ang work nya, pero gusto ko pa ring mag work dahil ayaw kong iasa lahat sa kanya yung mga gusto kong ibigay sa pamilya ko sa pinas, yun nga lang ayaw akong payagan ni mr. na mag work, kaya minsan nahihiya pa rin ako sa kanya lalo na pag may time na uuwi ako sa pinas hindi ako makahirit ng mga gusto kong ipasalubong sa mga pamangkin ko kasi hindi nga ako nag wowork. Kaya Mrs. sayang ang panahon, hanggat pwedeng mag work, gawin natin kasi pag dumating ang time na gusto mo ng mag work pero di na pwede wala na tayong magagawa di ba?

yasashi
03-15-2008, 08:55 PM
hindi namn mayabang ang asawa mo sa tingin ko... mapagbigay lang sya sa mga kamag anak nya.. magandang trait yun basta di lang palabisan

sky
03-15-2008, 11:16 PM
Masyado lang siyang palagay ang loob na lalagi kang nadyan to support her and your baby~~~~ minsan nawawala din sa isip ng mga babae iyan

minsan din huli na para maisip na sana noon pa ginawa na ang ganito at ganyan.may nabili ng etc etc~~~~

konting paliwanag lang yan Bro ;)

shakey
03-16-2008, 05:59 PM
nakakatuwa naman sya...buti pa sya nasa bahay lang:)

mystic_girl
03-16-2008, 11:57 PM
Nakakaingit naman ang misis mo, Both filipino kayo di ba? So, hindi nyo alam both kung habambuhay nga kayo dito sa Japan, kung ako sa kanya, hanggat kayang mag trabaho sana gawin nya, for future ba at para sa konting luho, ako nga, japanese pa ang asawa ko kahit papaano stable ang kalagayan naming pamilya kasi maayos naman ang work nya, pero gusto ko pa ring mag work dahil ayaw kong iasa lahat sa kanya yung mga gusto kong ibigay sa pamilya ko sa pinas, yun nga lang ayaw akong payagan ni mr. na mag work, kaya minsan nahihiya pa rin ako sa kanya lalo na pag may time na uuwi ako sa pinas hindi ako makahirit ng mga gusto kong ipasalubong sa mga pamangkin ko kasi hindi nga ako nag wowork. Kaya Mrs. sayang ang panahon, hanggat pwedeng mag work, gawin natin kasi pag dumating ang time na gusto mo ng mag work pero di na pwede wala na tayong magagawa di ba?


I agree. Strike while the iron is hot! Habang may opportunity pa na magstay dito sa Japan, save as much as you can. We can't tell what might happen tomorrow or in the future even kahit sa mga may asawa dito. Besides di habambuhay tayong bata para magwork, our body condition will soon deteriorate kaya habang may chance...let's not waste it.

It's not necessary to clean the house everyday cguro. Since kayo kayo lang naman, I'm sure wala gaanong kaalat. Besides, if it pertains to family savings, dapat di kelangang galawin yun unless it's emergency. Pero kung sa luho lang mapupunta or sa pagbili ng mga pasalubong na mamahalin para sa relatives, I don't think it's a good idea to spend that much. She should know her limits since she already have a family of her own. Would be better if she spends it on family things like ipagshopping na lang si hubby or si baby sa mga kailangan nila.

It's best to talk about that matter seriously. Whether she likes to hear it or not but at least you've done your part trying to explain your sentiments. Maybe she needs your attention too. Big problems comes from small problems. If you can solve small problems, would be better but just take it slow. No need to rush things for a change.

randy
03-17-2008, 12:11 PM
sa mga kababayan pong nagbasa at nag reply sa post ko, maraming salamat po.
sa mga nag advise na pagusapan namin ni misis ang problema,actually po maraming beses na namain napagusapan yun.pero yun din at yun din po ang ending sa huli.sa katunayan po, hindi ko ipo-post dito ang bagay na ito o banggitin sa ibang tao kung di ako nagsawa na sa kakakausap sa usapin na ito.gayunpaman po,salamat talaga sa mga advise nyo.

kay docomo po, hindi po ako nawalan ng trabaho sa nakalipas na 18-19 yrs.simula ng dumating ako sa japan, nag stay ako sa 1 company lang.

kay crispee po, pasensya na po kung bihira akong mag online.nakikisingit lang kasi ako sa pc ng kapwa ko pinoy sa opisina.

tama po siguro yung ibang nag comment.pang plain housewife lang talaga si misis.pipilitin ko pong tanggapin na ganoon pero nakakapag hinayang talaga ang panahon at pagkakataon ayon sa sabi ng ibang nag post.

randy
03-17-2008, 12:28 PM
wag ka sana masasaktan sa sasabihin ko..alam mo ikaw lang ang lalaki na pinagpipilitang pagtrabahuin ang asawa.. if ever magtrabaho ang asawa mo sino na mag aalaga ng anak ninyo? oo nga't may mali rin si misis dahil may pagkamayabang siya sa mga kamag anak niya pero nasasaiyo yun kung kukunsintihin mo..sabihin mo wala kang pera at ganung pera lang ang kaya mong ibigay na baon sa kanya...

hindi po ako nasaktan si sinabi nyo pero naasar ako dahil ang hina nyong umintindi ng simpleng mga salita.
pwede po ba,pakibasa ulit ang post ko at intindihin mabuti.wala po akong sinabi na pinipilit kong magtrabaho si misis.kaya po ako nag post dito ay dahil confused ako dahil iba ang style nya sa ibang mga pinay dito sa japan.

pakibasa po ng maraming beses ang post para maintindihin nyo .sinabi ko na 17 yrs nang ayaw mag trabaho si misis. ibig sabihin,bago pa kami nagka anak.natural,ngayong may anak na,hindi sya makakapagtrabaho pero pwede naman mag plano di po ba? like after 1-2 yrs, ilagay sa nursery school ang bata.

di po ganoon kadaling sabihin na wala akong pera dahil mag asawa kami at di ko dapat itago ang salary ko tulad ng ibang mga hapon.nabasa ko po yung ibang post nyo,bat po kayo,di nyo sinasabi sa mga kamag anak nyo sa pinas na wala kayong pera at kinakailangan pang manloko kayo ng hapon para lang may maipadala?

after nyo pong mabasa ulit ang post ko at pinipilit pa din ang intindi nyo sa post ko, well,mas maganda na po ang namimilit basta marangal na trabaho kesa naman po sa ibang husbands na hinahayaan magtrabaho ang mga misis na mag hostess kahit may anak na para lang may maipadala sa mga kamag anak.

randy
03-17-2008, 12:30 PM
I agree. Strike while the iron is hot! Habang may opportunity pa na magstay dito sa Japan, save as much as you can. We can't tell what might happen tomorrow or in the future even kahit sa mga may asawa dito. Besides di habambuhay tayong bata para magwork, our body condition will soon deteriorate kaya habang may chance...let's not waste it.

It's not necessary to clean the house everyday cguro. Since kayo kayo lang naman, I'm sure wala gaanong kaalat. Besides, if it pertains to family savings, dapat di kelangang galawin yun unless it's emergency. Pero kung sa luho lang mapupunta or sa pagbili ng mga pasalubong na mamahalin para sa relatives, I don't think it's a good idea to spend that much. She should know her limits since she already have a family of her own. Would be better if she spends it on family things like ipagshopping na lang si hubby or si baby sa mga kailangan nila.

It's best to talk about that matter seriously. Whether she likes to hear it or not but at least you've done your part trying to explain your sentiments. Maybe she needs your attention too. Big problems comes from small problems. If you can solve small problems, would be better but just take it slow. No need to rush things for a change.

thanks po dito.ang ganda ng posts nyo. ito po ang point ko sa complain ko sa problema nabaggit ko sa post ko.

coffee
03-17-2008, 02:48 PM
#37 (Randy's last paragraph)
<<after nyo pong mabasa ulit ang post ko at pinipilit pa din ang intindi nyo sa post ko, well,mas maganda na po ang namimilit basta marangal na trabaho kesa naman po sa ibang husbands na hinahayaan magtrabaho ang mga misis na mag hostess kahit may anak na para lang may maipadala sa mga kamag anak.[/quote]>>


huwwaatttt??!!!
... ang pagho-hostess ba para sa iyo ay hindi
marangal na trabaho?!:mad:

mystic_girl
03-17-2008, 04:16 PM
Kung ayaw nyang magwork sa labas, pwede syang kumuha ng naishoku para sa bahay na lang nya gawin. Atleast kumikita sya kahit nasa bahay lang with your kid. She can spend her own money too for her luxuries without spending your family savings. Buy things for her relatives on her own. That would be great I think.

In my own experience kasi, di ako nanghihingi sa asawa ko. Yung pagpapadala ko sa Pinas for my sister e pinaghihirapan ko even my luho. Nakakahiyang parati ka na lang umaasa sa asawa. Hingi dito hingi doon. Then tatanungin ka pa kung ano ginawa mo sa pera. Alangan naman magsinungaling ka. Atleast pag sarili mong pera kahit gastusin mo hanggang maubos walang magcocomplain di ba. Ayokong sabihin ng asawa ko na mag asawa na nga kami pero bakit yung family savings namin napupunta sa sister ko. Di naman nya kaano ano sister ko in the first place kaya gets ko rin yung situation mo @randy. Di naman kelangang magpasikat sa mga relatives pag umuwi e para lang purihin na may kaya. Matutulungan ka ba nila pag ikaw ay nagipit na? I don't think so. Would be wise to save it for yourself first bago ang ibang tao maliban na lang kung umaapaw na talaga yung pera sa bulsa mo. I'm not saying either na masama mamigay sa kapwa pero kung para lang purihin ka na si tita bonggacious talaga... that's another story.

louiseanne
03-17-2008, 04:28 PM
kakainggit siya ,ako naman gusto mag work ayaw ng asawa ko,pero pag medyo malaki na siguro baby namin papayagan na din nya ako,ayaw kasi paalagaan ank namin sa iba ,kasi di nya naranasan alagaan ng nanay niya ng dahil sa pagtatraabaho,gud luck sa lahat ng mga mommies

mr.kuripot
03-17-2008, 06:31 PM
after nyo pong mabasa ulit ang post ko at pinipilit pa din ang intindi nyo sa post ko, well,mas maganda na po ang namimilit basta marangal na trabaho kesa naman po sa ibang husbands na hinahayaan magtrabaho ang mga misis na mag hostess kahit may anak na para lang may maipadala sa mga kamag anak.


Marami pong masasaktan dito s sinabi nyo:(