PDA

View Full Version : ninong at ninang


ccf
01-16-2006, 02:01 AM
bakit ang ibang ugali ng mga pilipino kung di ka mangibang bansa walang nakakakilala sa yo at wala kang mga inaanak?kayo ilan na ang mga inaanak nyo,dumami ba?napapansin ko lang po:)

mbstorun
01-16-2006, 03:50 AM
naku CCF korek ka jan! nung nasa pinas palang ako ok lang naman na di ka pansinin ng mga taga inyo pero nung nagsimula akong mag abroad hanggang sa nag-asawa na nga naku lahat yata ng tao kakilala na..at syempre maraming inaanak na. di ko rin mabiling kung ilan sila basta di bababa sa 20 di ko lang sure kung ilang talaga di ba sobrang dami na yan hahhaha pero atleast masaya ako na nakalabas ng bansa kung hindi naku ang hirap ng buhay sa pinas dito nlang ako masaya naman..

tfcfan
01-16-2006, 07:45 AM
Hi ccf san hajimemashite!welcom e sa timog forum:)
Me too maraming inaanak higit yata 30 ,karamihan mga pamangkin at kamag-anak ko pa.Pero di pa man ako nag aabroad marami na ring kumukuha sa akin,kase cute daw ako(joke!:hihi:) itsurang pang ninang daw.Di ko alam kung importante ba ang itsura sa pagiging ninang kase sa pagkakaalam ko ang ninang or ninong eh parang pangalawang magulang at sayo parang pinagkakatiwala ng magulang ang kanilang mga anak upang makakatulong sa paghubog sa kagandahang asal ng bata.Pero sa nagiging sistema ngayon sa Pinas eh parang ginagawa na lang pangnegosyo(pangit mang pakinggan) ang kani-kanilang mga anak.Pero sa akin sitwasyon parang ang sarap ng feeling ng may inaanak nakakatuwa silang tingnan kase pag umuuwi ako daming nakapila para akong pulitiko sa dami ng inaanak. Masarap ang feeling ng maraming masasayang mukha na nakatanghod sayo at magmamano.Kahit na di pa naman ako katandaan.

japphi
01-16-2006, 08:08 AM
bakit ang ibang ugali ng mga pilipino kung di ka mangibang bansa walang nakakakilala sa yo at wala kang mga inaanak?kayo ilan na ang mga inaanak nyo,dumami ba?napapansin ko lang po:)

Ako marami na rin "daw"akong inaanak sa amin....pero halos mga pamangkin ko o anak ng mga kamag-anak o kaibigan...na ok lang naman dahil at least kakilala ko talaga at bilang pangalawang mother nung bata....may communications through the parents.....

Pero alam mo/n'yo..last year ay may nakilala akong pinay dito sa lugar namin....ilang buwan pa lang kami sa pagkakakilala namin at sinama ko sya dito sa bahay namin......after 2 or 3 weeks yata yon ay may tawag sya....gagawin daw akong ninang doon sa apo nya na nasa pilipinas.Nasabi na raw nya sa nanay nung bata(anak nya)na isa sa ninang nung apo ay ako nga.Tinanong ko kung sino pa.....halos andito raw sa Japan at sampu kami.....Haaaaahhhhh !!!!:eek: nabigla ako....mismong sa oras na yon ay umayaw ako....lalong nabigla yung lola :mad: ...

Masama raw ang umaayaw sa binyagan:( .....nag-explain ako.....na mas lalo naman sigurong masama na tanggapin ko ang pagiging ninang ko ng hindi ko nakikita yung bata,ni hindi ko kakilala yung mga parents,ni pangalan o picture man lang wala akong ka-alam-alam....basta yung lola lang ang kakilala ko .Ok na raw yon...pagkatapos daw ng binyag ay bibigyan ako ng pictures nila...sige na raw at nasabi na raw doon sa Pinas na isa ako sa mga ninang.Inayawan ko talaga.
Hindi ko inaayawan yung bata....inaayawan ko kako yung lola sa pag-gawa o pagpili ng mga ninang at hindi yung mga parents nung bata.....masama man siguro ang tumanggi sa ganoon....pero hindi mapapalampas yung gawain nung lola.....ano sa palagay ninyo?:confused:

mbstorun
01-16-2006, 08:21 AM
@japphi..atleast nakapili sya kung sino ang ninong at ninang ng apo nya..galing nga nya e lahat taga abroad hhahhahhah :lol:

akiam
01-16-2006, 09:35 AM
[quote=japphi]Masama raw ang umaayaw sa binyagan:( .....nag-explain ako.....na mas lalo naman sigurong masama na tanggapin ko ang pagiging ninang ko ng hindi ko nakikita yung bata,ni hindi ko kakilala yung mga parents,ni pangalan o picture man lang wala akong ka-alam-alam....basta yung lola lang ang kakilala ko .Ok na raw yon...pagkatapos daw ng binyag ay bibigyan ako ng pictures nila...sige na raw at nasabi na raw doon sa Pinas na isa ako sa mga ninang.Inayawan ko talaga.
Hindi ko inaayawan yung bata....inaayawan ko kako yung lola sa pag-gawa o pagpili ng mga ninang at hindi yung mga parents nung bata.....masama man siguro ang tumanggi sa ganoon....pero hindi mapapalampas yung gawain nung lola.....ano sa palagay ninyo?:confused:



tama ka naman dun.... hindi nila kasi naiintindihan ang salitang, gabay...salitang, bigay.... yun ang intindi nila sa sakramento ng binyag.

tepen
01-16-2006, 09:44 AM
bakit ang ibang ugali ng mga pilipino kung di ka mangibang bansa walang nakakakilala sa yo at wala kang mga inaanak?kayo ilan na ang mga inaanak nyo,dumami ba?napapansin ko lang po:)

hi ccf good morning! alam mo tama ka dyan sa napapansin mo pag ang isang pinoy nakapag abroad dumadami ang nakikimaganak at inaanak pero nung time na nasa pilipinas ka wala manlang pumansin at lumapit sayo na sabihin hoy! alam mo magkamaganak tayo.hahaha sorry sa "hoy" pero totoo. and you know what is funny na nangyari sakin kahit dito may nakikimaganak rin pareho lang kami ng family name ha? ibang klase talaga may agimat ang dugo nya.hahaha!

docomo
01-16-2006, 11:30 AM
@ccf

.. pag nilista ko yata mga inaanaak ko.. kulang na yata isang notebook :D maraming rason kung bakit ganon ang attitude ng tao pag dating sa pagkuha ng ni~ninangin at ni~ninongin , syempre kasama na dyan yung mga ibang kakaibang rason he he .. bato bato sa langit tamaan wag galet :p ... pakiramdam ko pag umuuwi ako sa Pilipinas .. may mga mental telephaty itong mga inaanak ko at mga kumare at kumpare kow... ang lakas ng mga radar wahihihi ... pero ok lang kase tinataguan ko naman sila :eek: :D

ning2
01-16-2006, 08:00 PM
ccf san,

ako naman pag-umuuwi ako sa Pinas hinahanap ko mga inaanak ko. Konti lang sila dahil masyado akong aloof dati sa lugar namin o siguro hindi ko feel makihalubilo dun sa mga kaidaran ko dati. dahil walang ginawa kundi tumambay lang. Kaya iilan-ilan lang ang mga inaanak ko. pag-umuuwi ako pinapatawag ko na lang para pumunta sa bahay at ng makita ko naman. tapos kapag dumadating ang pasko o bagong taon minsan napapadaan sa bahay para mag-mano kahit sa nanay ko lang dahil wala nga ako.nakakatuwa nga dahil puro teen-ager na ngayon.:)

crister
01-16-2006, 09:38 PM
marami rami na rin akong inaanak sa binyag..pero nung nagka asawa na ako wala nang kumuha sa akin na gawin akong ninong sa binyag...kaya lang...

wala pa akong 30 years old (27 years old yata) nagsimula na akong gawing ninong sa kasal..kaya ayun umabot na sa 9 times na inaanak ko sa kasal...di naman ako nag abroad or nag work sa ibang bansa...

siguro dahil mabait lang ako...hehehehehehe

kaya pag dumarating ako sa simbahan...akala ng iba isa ako sa abay...kasi nga di nila akalain na isa ako sa ninong...pagkatapos tuloy ng kasal , yung mga picture na pwede mong bilin after ng reception....wala na ako inaabot...kinukuha na agad ng partner ko na ninang..hehehehehehe

ang mahalaga at least nakakapagbigay ako ng payo sa kanila about family life.

mOtt_erU
09-01-2006, 02:47 AM
Hi ccf..naku sinabi mo pa..
Siguro medyo natural na sa lahing Pinoy yan...
kung sinong meron eh kilala at unang lalapitan, pag wala ka eh nakalimutan ka na din..o huli ka sa listahan nila.
medyo hindi man maganda eh shoganai..:(