PDA

View Full Version : mga tao sa philippine consul!!!

daniela
03-14-2008, 04:34 PM
gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang inis :mad:ko sa mga tao sa php. consulte. kasi nung nag-renew ako ng pasprt last yr, 1st time ko pong pumunta sa roppongi para mag-renew dito sa japan. kakapasok ko pa lang ay sinita na ako ng guard, dahil dumiretso na ako sa loob. Napaka-antipatiko nung guard... akala mong kung cno! tapos ang haba ng pila... ang bagal kumilos ng mga tao sa loob, ang lunch break nila 1hr 30min.ang tagal.galit pa, naninigaw! mas maganda pa iyung nasa pinas ka dahil tinatrato ka pang tao. e dito sa japan, php consulate... laging galit hindi mo makausap ng matino, akala mo naman hindi mo cla binabayaran!
kung cno man ang nag-work na taga-php consulte dito... sana naman po konting pakikisama naman sa kapwa pilipino. hindi iyung para kayong cnong umasta, at naninigaw kayo. wala kayong karapatan para gumawa ng ganyan, kung ayaw ninyo sa work nyo. QUIT and GO HOME:rolleyes:. kasi nakakasakit na po kayo ng kapwa ninyo. ilang tao na ang nakita kong napaiyak dahil pinagalitan na ay sinigawan pa, thru MIC at naririnig ng lahat. syempre napapahiya dahil nakafocus lahat ng tingin ng mga tao. So, please naman... huwag sobrahan ang pagkamayabang:mad:

rhynissa
03-14-2008, 04:52 PM
Grabe naman ang mga yun, dapat lang ay may matutong lumaban at sumagot eh, di naman tama ang sigawan nila ng tao on mic pa, kung ako yun sisigawan ko din yun. Ganyan ang pangit sa ibang pinoy, akala mo kung sinu sila kung umasta.. Sa asawa ko di pwede yan, irereklamo niya yun.. Naalala ko tuloy nung umuwi kami ng Pinas kasama ang step son ko, nung pabalik na kami ng Japan walang galang na sinabi ng nasa immigration duon na tumabi ka nga, at nakasimangot pa.. Sa buwisit ng asawa ko sabi niya, "dont speak to my son like that" ng pagalit at nakasimangot, nag-apologize ang babae, dapat naman talaga meron lang malalakas ng loob na sumagot.. Para di tayo ginagawang tau-tauhan at tanga ng mga punyetang mga iyun:mad:

Fight for your rights..

mylo
03-14-2008, 04:53 PM
nasubukan ko na pong pumunta sa philippine consulate sa ropponggi. in my experience, i was treated and taken cared of fairly and smoothly. ndi po naman lahat na tao doon eh ganyan ang pag uugali. siguro po natsambahan nyo lang yung medyo masungit... mababait po naman yung mga iba doon lalo na yung mga nag aassist sa OWWA registration... minsan kasi hindi mo masisi na ganun ang asta nila kasi sa dami ng reklamong nakukuha nila sa mga kababayan natin na pumumupunta doon.

daniela
03-14-2008, 04:56 PM
yap! rhynissa,tama ka dyan! natatakot lang kasi ang iba dahil php consulate nga. at cguro iwas gulo. ang ayoko lang ay binabayaran mo na, pumila ka na, sila pa ang galit! tnx sa comnts.

Jyellenny
03-14-2008, 05:33 PM
May similar thread na ganito tungkol sa "kasungitan at let's say na rin kabastusan at kayabangan" ng mga staff dyan sa Philippine Consulate natin in Roppongi. Although there are but "few" na accomodating at maganda makiharap sa publiko , most are ROTTEN EGGS. I am really sorry to say that, I am really pissed and peeved na these "public servants" natin eh ganyan magsisipagasta! Hello - nanggaling din ako sa government office mas tedious pa ang trabaho ko na different kinds of people from all walks of life ang naeencounter ko everyday pero HINDI ako arogante at marunong ako mag-accomodate sa kanila kasi iyan ang trabaho dapat natin - ang asikasuhin ang tao! Naku i-report nyo sa consul ang mga iyan, kunin ang pangalan at write to the consulate regarding their "undesirable" staff!

thermometer
03-14-2008, 05:44 PM
here is the old thread . Click Here (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=670 3&highlight=embassy)

base on my experience.. wala pa naman ako naranasan na pagsusungit mula sa knila.. ang nakikita ko lang na nasusungitan ay yong mga taong hinde marunong sumunod sa patakaran nila.

Halimbawa..
1. Pupunta sa Embassy . buong Family ang kasama mag rerenew lng ng passport
- dude.. maliit lang ang place ng embassy kung sasama natin yong buong family natin pra lang sa request na maliliit at hinde naman necessary sana wag nalang kasi pampasikip pa sila sa loob at makakadagdag init. ito rin ang dahil kung bakit maraming pila gawa ng maliit lang ang lugar sa loob

2. Yong Guard sa Labas
- Kailangan po natin mag log in sa guard kung tayo ay papasok at kung minsan kailangan inspeksyunin ng guard ang ating mga bag ito ay para sa aksiguraduhan ng embassy.

pero kung kayo ay dirediretso na papasok baka nga kayo at maaring masita
Sa tingin ko noon ako ay nag punta me nakasulat na kailangn pumili at mag rehistro sa guard.. Pero kung kayo ay nasigawa...I agreaa na hinde tama ang ganitong attitude.

3. Maingay.. alam ko na likas sa mga filipino at maging masayahin pero para sa akin kung tayo ay nasa ganitong lugar.. iwasan natin ang magkwentuhan ng masyadong malakas ang boses..parang nagiging palengke na rin ang loob ng embassy..

Note.. Ito po ay aking opinyon lamang... hinde po ako taga embassy .. pero sa palagay ko gngawa po ng ating embahada ang lahat ng paraan para maging organisado ang ating embahada sa japan..

at kung kukumpara po ang ating embahada sa ibang lugar (like dubai) d hamak na mas maganda ang palakad po dito sa japan..

peace.!!

titakoring
03-14-2008, 06:49 PM
sana kinunan mo ng vdeo un sinisigawan dun pra naipadala
sa TV PATROL at least ebidensya un diba?ang sasama talaga
ng mga ugali ng mga tao dyan.....asal HAYUP!!!!!:mad:

gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang inis :mad:ko sa mga tao sa php. consulte. kasi nung nag-renew ako ng pasprt last yr, 1st time ko pong pumunta sa roppongi para mag-renew dito sa japan. kakapasok ko pa lang ay sinita na ako ng guard, dahil dumiretso na ako sa loob. Napaka-antipatiko nung guard... akala mong kung cno! tapos ang haba ng pila... ang bagal kumilos ng mga tao sa loob, ang lunch break nila 1hr 30min.ang tagal.galit pa, naninigaw! mas maganda pa iyung nasa pinas ka dahil tinatrato ka pang tao. e dito sa japan, php consulate... laging galit hindi mo makausap ng matino, akala mo naman hindi mo cla binabayaran!
kung cno man ang nag-work na taga-php consulte dito... sana naman po konting pakikisama naman sa kapwa pilipino. hindi iyung para kayong cnong umasta, at naninigaw kayo. wala kayong karapatan para gumawa ng ganyan, kung ayaw ninyo sa work nyo. QUIT and GO HOME:rolleyes:. kasi nakakasakit na po kayo ng kapwa ninyo. ilang tao na ang nakita kong napaiyak dahil pinagalitan na ay sinigawan pa, thru MIC at naririnig ng lahat. syempre napapahiya dahil nakafocus lahat ng tingin ng mga tao. So, please naman... huwag sobrahan ang pagkamayabang:mad:

summergirl
03-14-2008, 07:31 PM
so far sa experience ko rin like Thermo,wala naman akong na encounter na ganyan..Ng pumunta ako doon,naka sulat sa harap ng front door na you have to log frist sis.Sisitahin ka talaga..mahaba ang pila dahil ang iba ,hindi pa napi fill upan lahat ang application may blank pa ,punta na sila sa harap..Nakasulat din doon na kumpletuhin muna ang lahat ng kailangan bago pumunta sa window..In fairness di naman lahat,dahil mayroon ding mabait mag assist na tao doon..May masungit doon, ,,lalaki na medyo chubby..Suplado pero kung nasa lugar ka,e ano namang nasa Embassy sila kung mali sila..may incident na malabo daw ang picture ng passport ko para renewal ,doon daw ako pakuha sa photo me sa loob,di nya alam doon ako nag pakuha..Ng sinabi ko iyon di nanahimik sya at kinuha ang old passport ko..:D

thermometer
03-14-2008, 07:47 PM
may incident na malabo daw ang picture ng passport ko para renewal ,doon daw ako pakuha sa photo me sa loob,di nya alam doon ako nag pakuha..Ng sinabi ko iyon di nanahimik sya at kinuha ang old passport ko..:D

ito lang talaga ang comment ko sa knila nong nag renew ako ng passport.. bakit kaya ayaw tangapin yong picture na kuha mula sa ibang photoprint . tama naman ang size.. yong kulay.. yong center ng ulo ko sa pic,..naka formal naman ako...

bakit kya bukod tangi na gusto nila talaga doon ako mag pakuha sa PhotoPrint sa loob??:biglaugh: ayaw tangapin pag kuha sa labas...

....siguro..meron sensor yong litrato sa loob at meron barcode sa likod ng picture para malaman kung authenticated ... :D

summergirl
03-14-2008, 09:27 PM

hahaha..Thermo..kaen ez..hahaha

majime22
03-15-2008, 01:00 AM
...he he he nakaka-relate ako diyan:D

...gusto yata nila sa kanila magpakuha ng picture saka sa kanila magpa-xerox eh
:rolleyes:

...wala pa din naman akong na-experience na tinarayan o sinigawan ako pero meron talaga mga nag-aaway as in dinig ng lahat:(nakapala din siguro yung nasa loob ng window kasi talagang tinarayan din siya nung nag-aapply:tongue:

...last week lang eh nasa embassy ako at mabait naman si manong dahil pinayagan niya makapasok yung hubby ko sa loob kahit siksikan na:)yung hubby ko tuloy ang pinapila ko he he he:Dnung malapit na sa window 5 saka lang ako pumalit sa pila:whistle:

...may bago na yata silang patakaran ngayun kasi kinukuhanan na din ng picture lahat ng nag-aapply...feeling ko eh nasa airport ako he he he:bouncy:

mtwalton
03-15-2008, 10:37 AM
Dedicate na lang sa kanila this song.......this fits to them....who ever he/she was:D

R3eb2F074js&feature=related

Soju6
03-15-2008, 11:17 AM
I travel a lot sa klase ng trabaho ko, with my Family. Being treated like 2nd or 3rd class, rate or whatever you call it..citizen sa sarili nating Embassy at sa sarili nating Airport was always agonizing specially to the kids. “Sa sarili nating Airport at sa sarili nating Embassy”.
It’s one of the “many reasons” that prompted us to change our Citizenship, it wasn’t part of the plan back then…..

I am a very patient person (so I think) but everytime na may aayusin ako nuon sa ating Embassy/Immigration/ Airport natin uuggh!....let's just say that at the end of the day nananalangin akong masunog sana yang building niyo or nila.

LAVENDER
03-17-2008, 12:29 AM
Good day !
Well said Thermometer. Lima kami sa pamilya, ilang beses na rin kaming nag paparenew ng passport , at sa awa ng Dios maayos naman ang service nila sa amin. I don't think na papagalitan tayo o sisitahin kung hindi tayo unang nag kamali. At kung sakaling mag kamali tayo , maging mababa rin ang ating loob na tanggapin ang ating pag kakamali , wala namang masama kung mag sorry tayo sa ating pag kakamali at give a big smile.
Mahirap din po ang maging guard , pag may naka lusot na bomb patay tayong lahat.

At sa counter ,before i pass my papers, i always make a point to say "Good morning officer ", at pag okey na ang mga papeles na sinabmit ko , i say Thank You.
At kahit saang agency when i needed their services kahit binabayaran ko sila i always started the conversation with a greeting and a smile.

God bless !

malibuPine
03-17-2008, 03:12 PM
Wala pa naman akong na-experience na nasigawan or nasungitan.
Tuwing punta ko dun lalaking staff ang nag-a-assist sa akin, and pleasant naman sila. Yung ibang babaeng staff, mukhang mga stricta. Buti na lang puro men ang natitiyempuhan ko :p

Nagka problema lang ako dun sa picture, hinanda ko pa naman ang pinakamaayos na pics ko pati color ng dress ko, for the passport, tapos rejected kasi gray ang background, dapat white daw. Humirit pa ako, sabi ko, white naman yun medyo dark lang kaya naging light gray lol. So mali ko, kasi dapat nagtanong muna ako. Kaya nagpa-pic na lang ako dun sa loob ng embassy, medyo disappointed ako kasi, parang nasalanta na ng bagyo ang hair ko, tunaw na make up at hindi ko gusto yung suot ko. All the while akala ko handang-handa na mga papeles ko.

Minsan siguro hindi mo rin masisi yung ibang staff siguro sa haba ng pila tapos medyo strange ang nakasulat sa papeles, i.e. ang nakasulat sa color of eyes -- black & white, etc.....ewan ko ngayon kung meron pang tanong na ganito sa application form.

Pero hindi po reason yan ng pag-sigaw at pag-sungit...dapat service oriented sila at anticipate na nila na hindi lahat ng tao eh pareho ang level of comprehension or huwag nilang i-assume na maliwanag na maiintindihan ng lahat ang mga instructions nila.

Tayo naman po, bago magpunta or pumila eh magbasa-basa muna or magtanong or ihanda na lahat ng papeles, para mabilis ang proseso.

rjay
03-29-2008, 10:55 PM
ganun nga yung iba ,

siguro dala na lang ng pagod kaya ganun

hehehe

maria_71jp
03-30-2008, 01:16 PM
hay naku sis daniela isa na ko dun,asawa kong nagka conflict sa guard.sobra away nila kaso ako nalang nagpapakumbaba sa guwardiya para wala ng gulo....

petite
03-31-2008, 07:57 PM
gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang inis :mad:ko sa mga tao sa php. consulte. kasi nung nag-renew ako ng pasprt last yr, 1st time ko pong pumunta sa roppongi para mag-renew dito sa japan. kakapasok ko pa lang ay sinita na ako ng guard, dahil dumiretso na ako sa loob. Napaka-antipatiko nung guard... akala mong kung cno! tapos ang haba ng pila... ang bagal kumilos ng mga tao sa loob, ang lunch break nila 1hr 30min.ang tagal.galit pa, naninigaw! mas maganda pa iyung nasa pinas ka dahil tinatrato ka pang tao. e dito sa japan, php consulate... laging galit hindi mo makausap ng matino, akala mo naman hindi mo cla binabayaran!
kung cno man ang nag-work na taga-php consulte dito... sana naman po konting pakikisama naman sa kapwa pilipino. hindi iyung para kayong cnong umasta, at naninigaw kayo. wala kayong karapatan para gumawa ng ganyan, kung ayaw ninyo sa work nyo. QUIT and GO HOME:rolleyes:. kasi nakakasakit na po kayo ng kapwa ninyo. ilang tao na ang nakita kong napaiyak dahil pinagalitan na ay sinigawan pa, thru MIC at naririnig ng lahat. syempre napapahiya dahil nakafocus lahat ng tingin ng mga tao. So, please naman... huwag sobrahan ang pagkamayabang:mad:
daniela san, matanong ko lang on that day ba na nag renew ka ng passport mo nakuha mo ba ito the same day? mag renew kasi ako malapit na at first time ko kaya kakabakaba din kasi sa dami kong nababasa mga kasungitan dyan sa embassy nati. di pa ako nkapunta doon eh!!!

daniela
04-01-2008, 11:52 AM
hello po. ako po malayo kasi kaya thru email ang ginawa 4 two wks. pero kung malapit lang po kayo makukuha nyo po agad sa kinahapunan. copy nyo po ang passport nyo short bond type size balck and white. tapos dun na po kayo magpapa-picture. gud luck nalang po.

bahaykubo
04-01-2008, 01:45 PM
gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang inis :mad:ko sa mga tao sa php. consulte. kasi nung nag-renew ako ng pasprt last yr, 1st time ko pong pumunta sa roppongi para mag-renew dito sa japan. kakapasok ko pa lang ay sinita na ako ng guard, dahil dumiretso na ako sa loob. Napaka-antipatiko nung guard... akala mong kung cno! tapos ang haba ng pila... ang bagal kumilos ng mga tao sa loob, ang lunch break nila 1hr 30min.ang tagal.galit pa, naninigaw! mas maganda pa iyung nasa pinas ka dahil tinatrato ka pang tao. e dito sa japan, php consulate... laging galit hindi mo makausap ng matino, akala mo naman hindi mo cla binabayaran!
kung cno man ang nag-work na taga-php consulte dito... sana naman po konting pakikisama naman sa kapwa pilipino. hindi iyung para kayong cnong umasta, at naninigaw kayo. wala kayong karapatan para gumawa ng ganyan, kung ayaw ninyo sa work nyo. QUIT and GO HOME:rolleyes:. kasi nakakasakit na po kayo ng kapwa ninyo. ilang tao na ang nakita kong napaiyak dahil pinagalitan na ay sinigawan pa, thru MIC at naririnig ng lahat. syempre napapahiya dahil nakafocus lahat ng tingin ng mga tao. So, please naman... huwag sobrahan ang pagkamayabang:mad:

yap! rhynissa,tama ka dyan! natatakot lang kasi ang iba dahil php consulate nga. at cguro iwas gulo. ang ayoko lang ay binabayaran mo na, pumila ka na, sila pa ang galit! tnx sa comnts.

hi nakakalungkot naman na nasigawan ka pala sa phil embadssy sa ropponggi.pati guard sinigawan ka? talaga bang pasigaw o medyo napalakas lang ng konti?pano ba ang pagkakasabi sayo?kasi nung first time ko derecho din ako then natural tinawag ako.>..MISSS.......malaka s na boses kasi lalaki pero sa tingin ko hindi naman pasigaw.baka naman po mashado lang tayong nagiging sensitive kase gigising tayo ng maaga tapos biaje tapos pag dating mo dun haba ng pila....1hr lang yata ang break nila..1 1/2 na ba?

sa haba po ng pila shoganai na yata.kasi as what we can see ang liit lang po ng embassy , at kung 20 person na ang nakapila mukhang marami na talaga..kasi masikip.pero kung maluwag luwag ang place at maaliwalas siguro konti lang yun.

laging galit at hindi makausap ng matino???

hindi naman po siguro lahat .nakailang balik na din ako sa embassy pero hindi pa ako nasigawan.may mga nakasabay ako na napagalitan at napaiyak din pero i think kasalan nya yun.kasi kahit ilang paliwanag na ay di nya pa makuha.SIGAW? siguro akala natin sigaw na yun may ibang pilipino kasi na pag hindi tinanggap ang dokumento ei kung ano ano ang sinasabi.LUMALAKAS ang boses kung makipag usap sa Staff.kaya ang staff lumalakas din ang boses..

kala mo di sila binabayaran?

yung bayad po natin sa mga processing ei sa dokumento din natin napupunta.at hindi po sa kanila.ang sahod po nila ay galing sa mga TAX na binbayad ng overseas workers po(ayon po ito sa isang staff ng embassy)

nagbabayad po ba tayo ng tax sa pilipinas?ako po kasi hindi ako nagbabayad.dahil wala naman akong work.hindi katulad dito sa japan na lahat ay may tax.sa work,market,etc.kaya ang salary ng jap goverment staff ay galing sa mamamayan.

mabagal?

kasalanan din po ito ng ibang pilipino.marami pong nagpapasa ng FAKE documents according sa isang staff ng embassy.sinusuri po nila itong mabuti kaya lalong tumatagal.
note:
to all pilipinos kung ayaw po nating matagalan sa pagpila at hindi na pabalik balik..be sure na kumpleto ang dokumento nyo hanggang sa kahulihulihang XEROX copy.kase may ibang pumupunta kulang kulang tapos pag hindi tinaggap sila pa ang galit,

natural lang na magbayad tayo at pumila para sa ating mga dokumento.wag po tayong magalit ha..kung ayaw po nating pumila at magbayad ng mahal sa embassy better sa pilipinas na tayo mag renew ng passport.at least dun kung may pera ka puede mo nang ipa apply sa agency.walang kahirap hirap.

wag po nating lahatin ang mga staff ng embassy.nung una po ganyan din ang tingin ko sa ibang staff.pero nung may nakausap nako mismo na taga loob ei naintindihan ko na..hindi porket nagbayad tayo ng mahal ei kala natin pasahod natin sila.pasalamat tayo at nandito sila at least hindi na natin kailangan umuwi ng pinas para mag renew,pakasal or kung anu ano pa.

salamat po.no offense meant:D

bahaykubo
04-01-2008, 01:48 PM
daniela san, matanong ko lang on that day ba na nag renew ka ng passport mo nakuha mo ba ito the same day? mag renew kasi ako malapit na at first time ko kaya kakabakaba din kasi sa dami kong nababasa mga kasungitan dyan sa embassy nati. di pa ako nkapunta doon eh!!!

hello po. ako po malayo kasi kaya thru email ang ginawa 4 two wks. pero kung malapit lang po kayo makukuha nyo po agad sa kinahapunan. copy nyo po ang passport nyo short bond type size balck and white. tapos dun na po kayo magpapa-picture. gud luck nalang po.

petit wag ka mag alala..hindi lahat masungit dun..

pag nag renew ka ng passport hindi mo kagad makukuha kina hapunan.dati po 1 week.ngayun po hindi ko lang alam kasi iba na ang passport.machine readable na yata.basahin mo sa thread ng visa and legal issue .dun po madaming post

petite
04-01-2008, 07:00 PM

bahaykubosan, thank you sa advice. sana nga doon ako mapunta sa di masungit madali pa naman tumulo itong mga luha ko. pagdarasal ko talaga na maayos ang pag renew ko.