PDA

View Full Version : Nakaka high blood na byenan!

polly_jolly
03-14-2008, 09:04 PM
Pasensya na inis na inis lang talaga ko sa byenan ko(lalake po!)Bihira na ngang may tumawag na kaibigan ko dito sa bahay dahil sinusungitan nya,ngayon lang natiyempuhan na ako ang nakasagot tapos ang bastos talaga:mad:wala pa ngang 2 mins. kaming nag uusap bigla ba naman sabihin tama na yan gagabihin na ang hapunan,para 6 pm pa lang naman,ang aga aga pa para maghapunan no!maya maya naman sabi nya,maliligo na daw,bilisan daw sa telepono.ako tuloy nahihiya dun sa kausap ko,kung asawa ko nga hindi ako pinakikialamanan kahit matagal ako minsan sa telepono.alam nyo naman tayo minsan pag nag chika,to the max talaga!kaso nga ako lagi nya sinasabi pag may naghahanap sa akin,walang ganyan na nakatira dito.kainis talaga!:mad::mad:

summergirl
03-14-2008, 09:16 PM

If I were you sis,minsan sagutin mo na pag sa tingin mo sumosobra,ako din sa byenan ko nakatira..Takot sila sa akin dahil minsan lang ako mag salita..Pero pag nag salita ako sinisigawan ko.Mahirap kasing mawili.. ...Pati asawa ko natatahimik na at sasabihin sa akin,, Kirittemo ,,,shoganai na..Umahan lang yan sis..mahirap magalit ang tahimik na tao..mapanganib...

polly_jolly
03-14-2008, 09:23 PM
nagpigil nga lang ako kanina sis kasi baka maibato ko sa kanya yung telepono e.wala man lang konsiderasyon,ahinan urungan ko na nga sya sa pagkain,tapos ganon pa asal nya!

khaizze
03-14-2008, 09:28 PM
ganun pala magkaroon ng biyenan no! buti na lang wala na akong biyenan, isumbong mo kaya sa asawa mo!

summergirl
03-14-2008, 09:30 PM
nagpigil nga lang ako kanina sis kasi baka maibato ko sa kanya yung telepono e.wala man lang konsiderasyon,ahinan urungan ko na nga sya sa pagkain,tapos ganon pa asal nya!

Ikaw ang nag luluto ng pag kain nila?Kung ikaw respeto lang ang hinihingi mo,anong kuneksyon ng pag gamit mo ng telepono sa pag-kain nya,di mo naman dala ang kaldero..try mo sis...minsan sagutin mo para di umabuso..Namerareter u ka na nila..try lang sis..wag mong batuhin sagutin mo lang..sabihin mo..USAI..hahaha..ha la ka papangit ka nyan..:D

rhynissa
03-14-2008, 09:34 PM
tama sila sis, isumbong mo muna sa asawa mo, tapos pag-wa effect, sagutin mo na ang byenan mo, grabe naman yun.. palibhasa di nila alam ang pakiramdam ng malayo sa pamilya at mga kaibigan eh.. isa pa mabuti nga ikaw ang tinatawagan at di ikaw ang tumatawag dahil sa landline niyo ang bayad kung ikaw ang tatawag. Mag-open ka na lang ng celfone, kung ganyan na napaka-bastos ng byenan mo na kung kailan may kausap ka sa phone ay saka kung anu anu ang sinasabi.. kakagigil, pakulam natin. nyahaha
:D

polly_jolly
03-14-2008, 09:37 PM
Ikaw ang nag luluto ng pag kain nila?Kung ikaw respeto lang ang hinihingi mo,anong kuneksyon ng pag gamit mo ng telepono sa pag-kain nya,di mo naman dala ang kaldero..try mo sis...minsan sagutin mo para di umabuso..Namerareter u ka na nila..try lang sis..wag mong batuhin sagutin mo lang..sabihin mo..USAI..hahaha..ha la ka papangit ka nyan..:Dkaya nga e,nakaluto na naman ako kasi panggabi hubby ko this week kaya maaga akong magluto,wala kasi asawa ko kaya ganon trato nya sa kin,pero pag andito asawa ko,ang bait nya.parang yung napapanood ko sa mga teleserye,magaling umakting yung kontrabida!:mad:

polly_jolly
03-14-2008, 09:39 PM
tama sila sis, isumbong mo muna sa asawa mo, tapos pag-wa effect, sagutin mo na ang byenan mo, grabe naman yun.. palibhasa di nila alam ang pakiramdam ng malayo sa pamilya at mga kaibigan eh.. isa pa mabuti nga ikaw ang tinatawagan at di ikaw ang tumatawag dahil sa landline niyo ang bayad kung ikaw ang tatawag. Mag-open ka na lang ng celfone, kung ganyan na napaka-bastos ng byenan mo na kung kailan may kausap ka sa phone ay saka kung anu anu ang sinasabi.. kakagigil, pakulam natin. nyahaha
:Dtalaga sis,isusumbong ko sya bukas sa asawa ko,wala kasi sya ngayon e panggabi sya sa work.sige nga baka may kakilala kang mangkukulam dyan...jowk lang po:)

honey
03-15-2008, 12:34 AM
polly_jolly siguro kung sa kung ilang beses pagbibigyan ko at sasabihin ko sa asawa ko ang ugali ni byenan pero kapag hindi nakinig si mister magsasalita na ako kay byenan.

tama na yan gagabihin na ang hapunan kung gutom ka magluto ka.

maliligo na daw,bilisan daw sa telepono hindi ko dala ang bathroom para wala kang pagpaliguan.

Itong mga salita na ito asawa ko lang pede makapag sabi sa akin.Kapag byenan dapat may hiya diba kasi hindi ka nya asawa o alipin o maid para utusutusan dapat pakisamahan ka nya para pakisamahan mo rin sya.

tabako
03-15-2008, 10:19 AM
tama sila! sagutin mo! kung patuloy kang mananahimik naku lalu ka lang aapihin ng byenan mo! buti na lang at di ganyan ang mga byenan ko! kung sa akin nangyayari yan naku matagal na silang gutay gutay,joke lang:D wag kang paapi itayo mo ang bantayog ng pilipinas.

katty0531
03-15-2008, 11:59 AM
Panahon na siguro para lumaban ka....di ka naman nya katulong, grrr...nakakainis pag ganyang matanda di pwede saken yan...gyera abutin namin...kaya siguro yong byenan ko may sakit na nang naabutan ko kasi isa pa yong iba rin ugali kung malakas lang(di kami pwede mag sama talaga)...kaya mong lumaban sis kung kakayanin mo talaga...gambatte.

wolfgang
03-15-2008, 01:16 PM
hayyy naku pag ganyan naman..ehh sigurado kailangan sumagot ka na....kung bastusan ang labanan ..bastusin mo rin.....aba ehh di naman siya marunong rumespeto sa manugang niya ehh...
ano palagay niya sayo???
kung ako sasabihan na maliligo na kaya tigilan na ang telepono naku sasagutin ko siya na bakit asawa ba kita...sabay ba tayong maliligo....or inutil ka ba at di mo kayang pihitin ang shower o di mo kayang sabunin ang sarili mo.:mad:....
tapos sabihan ako na kakain na ..naku sasagutin ko rin siya na di ako nagugutom at kumain ka kung gusto mo sabay magkukulong ako sa kuwarto....maninikis ako sa mga susunod na araw...heheheh di ko siya lalabasin ,,,kakain ako sa labas...bahala siyang magluto ng kakainin niya at bahala siyang mag urong ng pinagkainan niya......kapal muks niya ehh:mad::mad::D

tisay
03-15-2008, 01:34 PM

kapag di ba naman tumino biyenan mo dito ewan ko nalang~~:D

pinaypay
03-15-2008, 01:57 PM
Ay naku sister dapat sinagot mo ng pabalang. BAkit inasawa ka ba ng anak nya parang gawing katulong nya? Yng mga byanan na ganyan dapat turu-an ng leksyon. Nku nakapanggigil.:fire: :fire:Sarap lasunin. Wag u hainan ng pagkain, pabayaan u sya.Kaya u yan ipakita u na matapang ka ala gabriela Silang pra matakot sya sau.

japhil
03-15-2008, 01:59 PM
If I were you sis,minsan sagutin mo na pag sa tingin mo sumosobra,ako din sa byenan ko nakatira..Takot sila sa akin dahil minsan lang ako mag salita..Pero pag nag salita ako sinisigawan ko.Mahirap kasing mawili.. ...Pati asawa ko natatahimik na at sasabihin sa akin,, Kirittemo ,,,shoganai na..Umahan lang yan sis..mahirap magalit ang tahimik na tao..mapanganib...

sis totoo si mommy summer:)

totoo po yan naniniwala ako na mahirap magalit ang tahimik na tao:shutup: kasi nasubukan ko na po sa sarili ko sa sobrang galit ko at nailabas ko lahat lahat ng sama ng loob na pinag tiisan ko hayyy sa wakas sarap pala ng pakiramdam:whistle: kaya hanggang ngayon takot na byenan kong pakita sa akin:D bumukod narin kami ng bahay.

wolfgang
03-15-2008, 02:11 PM
kapag di ba naman tumino biyenan mo dito ewan ko nalang~~:D
nyahahahah:D:D titino talaga tisay....para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa shock:D
may naalala tuloy ako ..heheheh pero di pa naman umabot sa ganyan:D

noong bagong panganak ako sa baby ko ...3 weeks ko pa lang kapapanganak ceasarian pa ako siyempre yun biyenan ko tumira muna dito sa amin..para daw alalayan ako ..pero wag ka baliktad heheheh siya inasikaso ko:D pero ok lang sana yun ...kung di niya lang binastos ang bisita ko:D yun bisita ko ehh parang kapatid ko na rin sa akin.. siya yun tumira dito sa bahay ko noong na confine ako sa hospital...siya ang naglilinis ..nagluluto at naglalaba para sa asawa ko..siya rin ang nagdadala ng damit at pagkain ko sa hospital....

Noong umuwi ako ng bahay galing hospital ..umuwi na rin siya....kaya yun biyenan ko naman ang nag prisinta na siya daw muna ang titira dito hanggang lumakas ako...heheheh pero baliktad...pasilbi po siya:D Minsan dumalaw yun bisita ko...ehhh nagutom...sabi ko sige kain ka diyan kung anong meron....nagkataon may binili yun biyenan ko na tinapay...hehehe ..ehh nakain ng bisita ko....aba...naririni g ko na lang sinesermonan na ng biyenan ko yun bisita ko.....gulat na lang ako umalis na yun bisita ko:eek: nagtimpi akong wag siyang sagutin....pero nagbihis ako..tapos nagpaalam na may bibilhin lang sandali pero ang totoo pumunta ako sa isang kaibigan kong Pilipina na malapit lang ang bahay sa akin ..heheheh doon ako nagmukmok at nagsumbong....hangga ng 6PM ng gabi..tumawag yun asawa ko sa cel ko..hinahanap ako umuwi na daw ako...3 weeks ko pa lang kasing kapapanganak..nag-aalala sa akin hehehe...di ko alam nagsumbong na pala si biyenan ko...pag uwi ko ng bahay sabay layas ng biyenan ko.....:D:D Shinjirarenai daw...na kaya kong iwan yun baby ko samantalang nag papa breastfeed ako....heheheh nag aalburoto pala si baby ko...at di tumatahan kahit anong gawin niya....nataranta ang lola niya:D:D di alam ni lola na alam ko naman kung anong oras kong padededehen si baby kaya umuwi ako ng oras ng breastfeed niya:D
di namn nagalit ang asawa ko sa akin...kasi katwiran ko pamamhay ko ito...pareho silang bisita kung tutusin....kaya irespeto niya sana bisita ko...atsaka gasino lang ba yang tinapay na yan...di rin naman makakain ..masasayang lang....mas maigi siguro na wag na lang siyang bumili...
simula noon alam na ng biyenan ko kung galit ako o hindi o may dinadamdam ako...kasi di ako kikibo..pagsisilbiha n ko siya pero di ako nagsasalita:D:D

tisay
03-15-2008, 02:24 PM

ahahaa..nakakuha ng katapat ang biyenan mo,wulpey,,buti nga yun mamimihasa kasi ang mga yan kapag pinakita mong kakaya kayanin ka nila:D...kaya hanggat maaga,,maputol agad ang sungay nila:confused:..at matutunan naman nilang irespeto tayo bilang asawa ng anak nila:rolleyes:~~pag giyera hanap nya..abay anong ginagawa ni Gabriela,,ilabas din ang lahi natin:D:D...

polly_jolly
03-15-2008, 02:32 PM
kakatuwa naman mga reply nyo mga sis,pero thank you kasi gumaan yung pakiramdam ko,atleast maraming nakakaintindi sa situation ko.hirap talaga makisama sa byenan,sala sa init sala sa lamig,hindi ko makuha yung tamang timpla.sabi ng nanay ko pagpasensyahan na lang daw kasi matanda na.e ano pa nga ba magagawa ko?

Trecee
03-15-2008, 03:10 PM
huh! buti nlng wala akong byenan.( dead na po lahat parents ng asawa ko)

nasabi pa nman ng asawa ko nun na napaka-kibishi daw ng tatay nila. pagnapansin daw na may alikabok ang table nagagalit daw kagad...kawawa nga daw nanay nila nun! yung nanay nman dw napakabait.

polly jolly san, tiis-tiis muna ng kunti baka magbabago din yan. at tma sila na isumbong mo sa husband mo at yung husband mo na ang makipag-usap sa tatay nya. at higit sa lahat ipagdasal mo byenan mo na sana magbago na sya at matauhan sa mga ginagawa nyang pang-aapi sa yo. lalo na kung maganda ang pinakita mo sa kanya...inalagaan at ikaw pa ang naghahanda sa pagkain nya,db? cguro magbabago din yan...nakikita nman nya ang mga mabubuti mong ginawa para sa kanya. so, habaan mo pa ng kunti pasensya mo....d nman cguro sa lahat ng panahon ganyan trato nya sa yo. magsasawa din yan! malay mo mmhalin ka nya bilang anak or higit pa sa tunay na anak...hehehe! parang komiks...happy ending!!! ok, sis polly_jolly gambatte!

shuelma
03-15-2008, 05:55 PM
sis.pareho kayo ng fren.ko.ganyan din sitwasyon sayo...kpag tinawagan ko at ung biyanan niya ang nakakasagot laging sinasabi wala umalis sabay bagsak ng phone sakin...kaya bihira kming magkausap ng fren.ko...wala kasi siyang ketai...kaya sis.payo lng no.na lng ng ketai mo ang ibigay mo sa mga friendship mo...dhil masisira lng ang mood mo sa mga mapagmahal mong biyanan:D...cge ka tatanda ka agad sa inis sa kanila:Disipin mo ang wrenkol...mahal magpabanat:D....

bad_mamazita
03-17-2008, 03:11 PM
naku ! hirap nmn ng kalagayan mo! kung sa akin ngyari yan lagyan ko ng tranquilizer ung food nila para manahimik na cla ng 2luyan hehehe joke joke joke...try mong sumagot na nasa katwiran para manahimik din cla...:D

LAVENDER
03-20-2008, 01:30 AM
Good evening !
Mahirap talagang makituluyan sa hindi natin bahay. Mahirap makisama hindi lang sa ating mga in laws , kahit sa ating mga asawa, magulang, kapatid o maging kaibigan. Lalong lalo pa sa hindi natin kalahi na iba ang nakalakihang cultura.
Sa bawat pamilya , may set of regulations that every member of the household should be obeyed and followed.
Sa katulad natin na nakikitira lang , wala tayong karapatan to complain. Sila lagi ang tama ,sila lang ang may karapatan sa kahit na ano mang bagay na nasa loob ng kanilang pamamahay. Laban man sa ating kalooban wala pa rin tayong karapatan to complain. sila kasi ang may ari ng bahay. dapat lang na sumunod tayo sa ano mang kagustuhan nila.
Sa ano mang bagay sa loob ng kanilang bahay na gusto nating gamitin, dapat lang na ipinag papaalam bago gamitin. As a sign of respect sa may ari ng bahay, dapat ipinag papaalam kung puede ba nating ibigay sa kaibigan o kanino pa man ang telephone no. nila bago natin ibigay sa kaibigan dahil hindi naman natin pag aari ito.
Tayo ang nakikitira , dapat lang na ipikit natin ang ating mga mata sa ano mang kagustuhan nila laban man sa ating kalooban.
Kung ayaw natin sa pamamalakad nila , walang ibang dapat gawin kundi bumukod ng tirahan para masunod natin ang layaw ng ating katawan at kaisipan.
Hanggat nakikitira tayo, kahit hindi sa biyanan , we don't have the right to complain. Kaya kung hindi mo matiis ang mga ugali nila, go out of that house. Be happy and live life to the fullest....Good luck to you.

polly_jolly
03-20-2008, 12:52 PM
@lavander
sori po hindi ko nabanggit na sa amin pong mag-asawa yung bahay.ni loan po yon ng hubby ko nung binata pa sya at tapos na po nyang bayaran yon bago pa kami ikasal.but since mag-isa na lang naman byenan kong lalake,patay na po misis nya,kami na po ang kumupkop sa kanya.ok lang naman po yon sa akin dahil syempre tatay sya ng asawa ko at parang pangalawa ko na rin syang tatay.(wala na po akong tatay)kaya i think i have all the right to do whatever i want to inside our house as long as hindi ko sya or sila naaapakan.sya na rin po ang nagsabi na gumaan ang buhay nila nung dumating ako dahil talaga namang service to the max binigay ko sa kanila.serbisyo publiko ika nga hehe..

taurean06
03-20-2008, 02:57 PM
If I were you sis,minsan sagutin mo na pag sa tingin mo sumosobra,ako din sa byenan ko nakatira..Takot sila sa akin dahil minsan lang ako mag salita..Pero pag nag salita ako sinisigawan ko.Mahirap kasing mawili.. ...Pati asawa ko natatahimik na at sasabihin sa akin,, Kirittemo ,,,shoganai na..Umahan lang yan sis..mahirap magalit ang tahimik na tao..mapanganib...

Tama ka dyan sis summergirl, ganyan din ako sa bienan ko noon. Sa sobrang timpi ng galit ko ako ang nagkasakit, kaya nung sumunod na pagbubunganga niya sa akin lumaban na ako talaga ( verbal lang naman). Ayun di natauhan siya at umalis silang mag-asawa bitbit yung bunso nilang anak ( younger bro-in-law ko). Pasalamat sila at may isa pang bahay ang asawa ko na walang nakatira. Doon na sila nakatira sa ngayon. Mahirap talaga pag nagalit na ang mabait at tahimik na tao:)

summerghie
03-20-2008, 03:45 PM
naku hirap talaga kasama byenan sa bahay buti na lang kapitbahay ko lang sila at so far di naman kami pinapakialamanan. Ang hirap makisama sa taong mahirap pakisamahan at kapag di ka gusto kasi kahit anong gandang pakikisama gawin natin minsan may masasabi at masasabi parin sila or kaya hahanapan ka pa rin ng butas para mapagalitan.

siguro maganda kausapin mo muna asawa mo sa attitude na pinapakita ng byenan mo tas kung pinagsabihan na nya at ganun parin siguro thats the time na sumagot kana pero yun medyo malumamanay na pageexplain pa rin at kapag di parin sya umayos eh naku batuhin mo na ng telepono ng tumahimik na :D (joke lang po)

cheer up grl........ gambatte.

Tarena314
03-20-2008, 11:34 PM
Sa akin yan wala ng mahabang usapan..,eto lang ang itatanong ko sa kanya ANO BA ANG GUSTO MO HA..,??:mad::mad:

erokawaiiAYA
03-20-2008, 11:56 PM
Hay naku sis! magalit ka man araw araw, hindi na po magbabago ang ugali nyang bayanan mong lalaki. Ang maganda mo nalang gawin, habaan ang pasensya mo at intayin mo nlang syang matigok:D (joke) lang po.

hay naku... buhay.... ngayon ko napatunayan na hindi pala ako nag iisa....:)

Stacie Fil
03-21-2008, 12:10 AM
kakatuwa naman mga reply nyo mga sis,pero thank you kasi gumaan yung pakiramdam ko,atleast maraming nakakaintindi sa situation ko.hirap talaga makisama sa byenan,sala sa init sala sa lamig,hindi ko makuha yung tamang timpla.sabi ng nanay ko pagpasensyahan na lang daw kasi matanda na.e ano pa nga ba magagawa ko?

naku hirap talaga kasama byenan sa bahay buti na lang kapitbahay ko lang sila at so far di naman kami pinapakialamanan. Ang hirap makisama sa taong mahirap pakisamahan at kapag di ka gusto kasi kahit anong gandang pakikisama gawin natin minsan may masasabi at masasabi parin sila or kaya hahanapan ka pa rin ng butas para mapagalitan.

siguro maganda kausapin mo muna asawa mo sa attitude na pinapakita ng byenan mo tas kung pinagsabihan na nya at ganun parin siguro thats the time na sumagot kana pero yun medyo malumamanay na pageexplain pa rin at kapag di parin sya umayos eh naku batuhin mo na ng telepono ng tumahimik na :D (joke lang po)

cheer up grl........ gambatte.

Sa ganang akin lamang, I think tama ang advice sa iyo nang nanay mo. OK lang yung sumagot ka, pero yung temang seryoso pero di galit, saka pormal.

Nanunubok lang siguro ang byanan mong lalaki. Syempre kung uubra nga naman yung ganoon eh di OK lang.

Tutal ika mo na bahay ninyo yan, siguro kung maayos mo naman na sasagutin like; " otosan, may kausap pa ako. Maaga pa po naman magluto(o ano pa man, etc). Baka pwede duon muna kayo sa labas o kabilang kwarto...salamat." Habang magiliw ka namang deretsong nakatingin sa mata niya. Duon pa lang, alam na niya na deserving ka sa tamang respeto niya.

Kung sakaling babaliktarin niya at siya ang magsu -sumbong sa mister mo. Saka mo singhalan at ipamukha sa kanya yung asal na bastos niya, habang kaharap ang mister mo. Yon ang panahon na tama lang na mabigyan siya nang leksyon. Pero may mali ka rin, dahil nagalit ka...kaya mag sorry ka rin sa kabiglaanan mo.
:biglaugh::banghead:

Palagay ko pagkatapos noon eh nagkaka-intindihan na kayo na mas maliwanag. :D

:)