PDA

View Full Version : anung FEELING/ PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?

engr_jazon
03-19-2008, 09:47 AM
trip ko lang itanung...hehehe...

para sa mga members na baka nakakaramdaman ng pagka out of place lalo na sa mga bagong members....
dito mo ibuhos ang nararamdaman mo or comments mo.....

anung PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?

mamimo
03-19-2008, 10:08 AM
trip ko lang itanung...hehehe...

para sa mga members na baka nakakaramdaman ng pagka out of place lalo na sa mga bagong members....
dito mo ibuhos ang nararamdaman mo or comments mo.....

anung PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?
nangyari na rin sa kin to pero okay lang baka di lang nila type yun topic sa thread ko, walang problema. keep on posting, create more thread at malay mo maging mabenta. cheer up!;):)

marichan
03-19-2008, 10:26 AM
na experienced ko din ito but ok lang. not all topics naman that you post create interests to everyone. if they reply, well and good. pero pag di naman, no probs. makikita mo naman ang number of members who viewed your post. siguro lang, wala silang idea sa pinost ko kaya di sila makapag respond or comment or whatever. :)

fanfran
03-19-2008, 10:41 AM
Kapag walang pumansin sa thread ko siyempre disappointing.Kase excited ako to read the replies from our ka-tfs.Lalo na katulad ko ,stay at home mom,I have no one to talk to,sometimes I need some advice,so sa TF agad ako ask. Happy ako reading replies from our kababayans:).

Spice
03-19-2008, 10:47 AM
kailangan pa bang itanon yan? parang showbiz talk show ha. Sa akin lang ok lang. Kagaya sabi ni mamimo,marichan wala lang siguro ma e offer na sagot sa thread.

engr_jazon
03-19-2008, 10:49 AM
kailangan pa bang itanon yan? parang showbiz talk show ha. Sa akin lang ok lang. Kagaya sabi ni mamimo,marichan wala lang siguro ma e offer na sagot sa thread.

hehe.. showbiz pa spice san?
(antay kita kagabi mag online ah)

Spice
03-19-2008, 10:51 AM
hehe.. showbiz pa spice san?
(antay kita kagabi mag online ah)

sorry engr ha late ako nakauwi. pm na lang kita ano address mo dyan? surprise..

mylo
03-19-2008, 10:54 AM
Sa palagay ko, maraming rason kung bakit hindi papansinin ang isang sinulid... hindi interesado at walang paki-alam sa paksa ng sinulid, hindi mairelate ang sarili sa topic, ayaw sa thread o kaya ayaw sa thread starter, may related topic na naipost na before o sadyang hindi interesting ang topic... at para sa akin OK lang kung hindi papansinin ang thread ko. I'll keep on posting...

summergirl
03-19-2008, 10:58 AM
Engr...hahaha..kinuk ulit kita palagi huh..Minsan busy lang ang mga tao,ako pag nag post at walang pumansin ok lang,kasi iba iba ang isip natin at mentality di ba...:D

engr_jazon
03-19-2008, 11:11 AM
Engr...hahaha..kinuk ulit kita palagi huh..Minsan busy lang ang mga tao,ako pag nag post at walang pumansin ok lang,kasi iba iba ang isip natin at mentality di ba...:D

uu alam ko naman yun ate summergirl...
isa ka sa mga unang nagpopost pag thread ko na eh..hehe..salamat... ..

tama.. di tayo pare pareho ng interests minsan....
minsan kapag di tayo makarelate sa topic, tama nga rin naman na wag nalang magpost kaysa sa magdunung dunungan tayo kunwari...

mostly sa mga threads na naghihingi ng advice and tulong marami naman agad ang nagrereply.... and this I think is the most good thing na nagagawa ng TF sa mga members...
pero kung wala rin naman nga lang tayong masasabi na maganda or maitutulong at nakiki OT lang, dapat wag na rin lang magreply sa post ng iba........

Sometimes, doing nothing (in this case Posting nothing) can help....

Iba iba tayo ng mentalidad or thinking......

sky
03-19-2008, 11:57 AM
Okey lang kahit walang pumansin(though its hurt :cry:)~~~~~~~its better~~~~ kesa naman pinansin nga sama naman ng loob at kaaway lang Napala ~~~~~~~~:D

gawa uli ~~~~~~pag ganun pa din~~~~gawa uli hanggang mapudpod daliri sa kaka type:cool:

malibuPine
03-19-2008, 01:26 PM
trip ko lang itanung...hehehe...

para sa mga members na baka nakakaramdaman ng pagka out of place lalo na sa mga bagong members....
dito mo ibuhos ang nararamdaman mo or comments mo.....

anung PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?

NR lang, pag napansin, fine, pag hindi, I will not lose sleep over it lol

Marami pong reasons kaya parang hindi napapansin ang thread:

~ the Title of thread, kailangan specific. Para pag nag-browse ang members, alam na kung ano ang prob or topic. Example: instead of titles like "Help!" or "Advice!" lang, better to specify the problem/topic sa title pa lang in a concise way, say, "Help! bf/hubby dumped me!", or "Problem w/ Inlaws, need advice"

~ walang ma i-share, hindi maka-relate, hindi alam ang sagot, no time to reply, the thread itself is not interesting/controversial etc

~ yung iba siguro walang ganang sumagot na kasi many posters who were asking questions didn't take time acknowledging the replies, or mag-ty man lang, or MIA na

Advice ko lang po, do not take it seriously if you feel you're being snubbed.
This is just a forum. We have lives outside the cyberworld. Most of us don't even know each other. Karamihan dito may sariling mundo; some just enjoy sharing information, helping members about their queries; some are lurkers, reading mode lang nagpapalipas oras; yung iba may mga tribu having a blast; yung iba walang paki, just utilizing this forum as an outlet, to vent, to release stress, a fantasy island etc

We are all different in here, different interests, mindset, lifestyles... so just try to be objective and not let what is going on in here affect our real lives and add more stress to our already stressful lives in this country lol. Hindi naman po siguro popularity contest forum dito, kung sino ang mabili ang thread or what.

If na-snub first time, try again. Keep on posting baka may makapansin rin. :)

engr_jazon
03-19-2008, 01:43 PM
salamat malibuPINE san......

at least etong thread na to napansin ata... 170viewers na...hehehe....

how about the others? wag na mahiya..... post na

rhynissa
03-19-2008, 01:44 PM
hmm, sa akin naman ok lang, may mga bagay na di natin dapat masyadong sineseryoso.. Nung bago pa lang ako dito sa TF, natural wala pa nakakakilala, pero di naman ako nawalan ng pag-asa na in time ay may mga maging friends din ako dito, so ayun, ngayon nga dami ko na nakilala at naging kaibigan dito.. Ako kasi never nagpapaapekto if ever di pansinin ang thread or whatsoever, ang mahalaga nakakapagshare ako:)..

yukio_cris
03-19-2008, 02:13 PM
upset :(

elyurika
03-19-2008, 02:21 PM
oks lang,you cannot please everybody.....sabi nga nila,either hindi maka-relate sa topic, or ayaw sa thread,dislike ang thread starter...maraming reason...kaya lang kung magre-reply nga sa thread..... then mang-ookray lang ,posting nothing is better....

knight
03-19-2008, 02:23 PM
depressing lalo na kung very important yung post ko at need ng help/advise

fanfran
03-19-2008, 04:09 PM
Kapag walang pumansin sa thread ko siyempre disappointing.Kase excited ako to read the replies from our ka-tfs.Lalo na katulad ko ,stay at home mom,I have no one to talk to,sometimes I need some advice,so sa TF agad ako ask. Happy ako reading replies from our kababayans:).Wheneve r Iam asking for some advice from tf members ,always may mga replies naman,really it helps too.Tama nga, if there are no replies just dont take it personally.

engr_jazon
03-22-2008, 02:14 PM
up up up...

daniela
03-22-2008, 02:35 PM
hi:) ako po,so far wala pa naman na experience na ganyan. Lahat ng thread ko may pumapansin naman, kasi mga importanteng bagay lang naman kasi ang mga tinatanong ko. so, ako pagdi pinansin iyung thread ko... it means, d nlia alam kung ano isasagot:) or by cases cguro. basta para sakin ok lang kahit d pansinin thread ko at least nag try ako:)
PEACE PO :type:

louvette_15
03-22-2008, 03:03 PM
life must go on...ika nga...ok lng un kasi my mga threads din nman d ako mka relate or wala akong masabi kaya d ako nagpo post dun. so same with others lng yan..db tol?

gerbie
03-22-2008, 03:31 PM
kasusubok ko lang gumawa ng bagong thread.. ayun sa awa ng Diyos, pinansin naman.. kundi, di sila mageenjoy :p

sky
03-22-2008, 03:52 PM
salamat malibuPINE san......

at least etong thread na to napansin ata... 170viewers na...hehehe....

how about the others? wag na mahiya..... post na

walang galang lang po~~~~~~~~~~~~~~~~an o po ibig sabihin ng

Semper Fi ?

shakey
03-23-2008, 12:49 AM
sa akin ang feeling ko pag di napapansin thread ko...

wala lang..okay ang ganyan naman sa forum eh...may interesado sa thread mo meron naman hindi...hehehe pero nakaka upset minsan:D

michi_28
03-23-2008, 01:04 AM
sa akin naman!
hmm... ganyan naman diba!kaya okey lang....go on lang tayo diba....

pinklady
03-23-2008, 10:31 AM
oks lang,you cannot please everybody.....sabi nga nila,either hindi maka-relate sa topic, or ayaw sa thread,dislike ang thread starter...maraming reason...kaya lang kung magre-reply nga sa thread..... then mang-ookray lang ,posting nothing is better....
like what elyurika said "you cannot please everybody,ayaw sa thread dislike ang thread starter or any other reasons but if mag re-reply nga sa thread....then mang-ookray lang,posting nothing is better!! i agree with you:yesyes::google:

katheyrine
03-23-2008, 11:34 AM
hehehe nangyari na sa akin ito..
nagpost ako ng MASTURBATION thread ahihihi
nawala sa isip ko na masyadong blunt itong thread na ito at di magandang pag usapan in public :D
naramdaman ko?Ok lang.. kasi iba-iba talaga lahat ng indibidual..;)
respetado ko yun.
:)

bluesapphire
03-23-2008, 12:59 PM
sa totoo lang kung pwede lang magpost mayat maya ng comment sa lahat ng thread eh gagawin ko kaya lang madalas kasi akong hindi naka online, ayun nakikipag text na lang ako minsan sa mga ka TF:p pag may konting time naman para mag post, naka babad naman ako sa buy and sell, sabay maglahong parang bula, di nako maka sagot sa mga pm non..:D

elyurika
03-23-2008, 03:10 PM
like what elyurika said "you cannot please everybody,ayaw sa thread dislike ang thread starter or any other reasons but if mag re-reply nga sa thread....then mang-ookray lang,posting nothing is better!! i agree with you:yesyes::google:
..:D na-quote mo pala ako ha!thanks anyway......!;)

may kanya-kanyang opinion yan!

sachi807
03-23-2008, 03:12 PM
wala lang...shiran kau:eek:

rubybm
03-23-2008, 03:20 PM
minsan nakakainis pg my thread n walang pumapansin nangyari nrin sken un minsan khit n anung update la prin till mawala ung thread la tlaga reply kya dedma nlng din NO CHOICE db :confused::confused: :confused: kya nki2gulo nlng din ako s mga my thread ok lng ba ????????hehehe

engr_jazon
03-23-2008, 03:25 PM
walang galang lang po~~~~~~~~~~~~~~~~an o po ibig sabihin ng

Semper Fi ?

naging interested ka ata sky...

Semper Fi (from semper fidelis) = Always Faithful
latin word sya actually... favorite ko lang

sky
03-23-2008, 03:32 PM
naging interested ka ata sky...

Semper Fi (from semper fidelis) = Always Faithful

Kasi noong HS pa ako may natanggap akong love letter .iyan nilagay nya Semper fidelis ..sa signature nya :p

hindi ko makalimutan dahil hindi ko alam meaning.thank you po ;)

Jyellenny
03-23-2008, 06:34 PM
We post thread because we like to discuss something or share with the TF readers something we know and like to share with them. It is not a big fuss or ado if you don't solicit much replies or none at all for the simple reason that maybe they could not relate to the topic, feels "mendokusai" to reply or finds the thread interesting but could not comment anything. As long as we share any information or "kuento" we know, than I feel it's not a big deal if no one replies. What's important is may na-share kang story/thread.

Iro_otoko13
03-23-2008, 11:28 PM
Pag hindi pinansin yung thread ko narerealize ko na NONSENSE pala yung thread ko:O I kinda hurts pero kung iisipin ko mabuti NONSENSE pala talaga kaya no big deal na sa akin:D

Pero

Kapag thread na kailangan ko nang tulong ang post ko palaging meron advice at reply:) OK na OK

SNIPER
03-24-2008, 02:09 PM
ewan ko.....

bago lang ako sa TF eh..

but i think nakakasakit po ng loob yun...

nick
04-21-2008, 11:28 PM
This thread should not be in the Forum Feedback & Questions. Moved.

coffee
04-22-2008, 01:09 AM
(uy, may Mushroom sa uluhan ko u, HELLO THERE SIR!)

sa akin Ok lang super no anger pu.
mag-enjoy po ang priority ko sa Tforum...:yippee:

engr_jazon
04-22-2008, 09:17 AM
This thread should not be in the Forum Feedback & Questions. Moved.

salamat mushroom eater NICK.........

Spice
04-22-2008, 09:22 AM
salamat mushroom eater NICK.........

UY! igalang mo ang admin:D
musta na?

for me,ok lang basta meron TF

engr_jazon
04-22-2008, 09:26 AM
UY! igalang mo ang admin:D
musta na?

for me,ok lang basta meron TF

hihi..nandun naman sa avatar nya yun loves..ok lang yun... mabait yang si ADMIN BOSSING NICK

KikoyBalayon
04-22-2008, 09:36 AM
^ bolero na sipsip pa.. kaya mabenta mga thread mo idol.. :hihi:

pag wlang pumapansin sa thread nyo pm nyo lang ako.. kaya lang hindi ko ma-guarantee na on-topic yung reply ko.. :hihi:

engr_jazon
04-22-2008, 09:38 AM
^ bolero na sipsip pa.. kaya mabenta mga thread mo idol.. :hihi:

pag wlang pumapansin sa thread nyo pm nyo lang ako.. kaya lang hindi ko ma-guarantee na on-topic yung reply ko.. :hihi:

hihihi..syempre kung kakapit lang eh sa pinakamataas na tayo..hihihi

salamat kay kiks at may pumapansin sa thread ko..hihi..:D

KikoyBalayon
04-22-2008, 01:16 PM
basta ako pag hindi pinansin yung thread ko.. baka maisip ko po itong gawin.. lagot kayo.. :hihi:

Link to Other Post (http://timog.com/forum/showthread.php?t=232 38)

choelin_chas
04-22-2008, 01:21 PM
basta ako pag hindi pinansin yung thread ko.. baka maisip ko po itong gawin.. lagot kayo.. :hihi:

Link to Other Post (http://timog.com/forum/showthread.php?t=232 38)

:biglaugh:

engr_jazon
04-22-2008, 01:24 PM
basta ako pag hindi pinansin yung thread ko.. baka maisip ko po itong gawin.. lagot kayo.. :hihi:

Link to Other Post (http://timog.com/forum/showthread.php?t=232 38)

:biglaugh:

hihihi....
ang BATANG GALIT sa MUNDO THREAD...

black PeN
04-22-2008, 01:47 PM
hehehe! thanx engr_jazonsan for starting this thread. Curious din ako malaman ang feelings ng iba pag di napansin ang thread eh. Baka eto magawa ko pag walang pumansin sa thread ko:hellfire::crash:. Jowk lang po:jiggy:.
Seriously, depende po sa thread na sinimulan ko, Ex. humingi ng advise tapos walang nag advise, isipin ko baka di nila alam ang sagot at baka komplikado ang tanong ko, baka naman hindi detalyado o magulo ang tanong ko. Pag may parang questions lang o di kaya share ng ideas ang na post ko tapos walang nag post, makikibasa na lang po :coffee::coffee:at try sagutin ang ibang thread na nanghihingi ng payo;).

milano
04-22-2008, 02:28 PM
hmmm hindi din maiwasan yan. lalo na kung sa mga pinupuntahan mo forums eh hindi intersting ang topic. tulad kasi dito sa timog forum you can talk almost anythng under the sun kaya may pumapansin talaga.

sa ibang forum naku pa duguan! hehehe

saka dami kasi adik dito. hihihi kahit anong thread pag pepeyestahan

pzaway
04-22-2008, 02:49 PM
para sakin wala lang yun,ganun talaga ang buhay hehehe ;)

engr_jazon
08-04-2008, 03:22 PM
eh yung iba kaya?
saka pati mga newbies pala anu pakiramdam nyo?

torete_101
08-04-2008, 03:56 PM
eto ang reaksyon ko...

;):confused::):):D:D :D

Matty
08-04-2008, 06:16 PM
ok lang kahit di pansinin o basahin ang thread ko :p:D ang gusto ko lang naman ma ishare dito sa TF. kahit naman ako kapag hindi ko type yung topic ng thread hindi rin ako sumasali kasi newbie lang din ako para sumali sa usapan na di ko alam. lalo na kapag ang mga ibang ka TF magkakilala na in person too. mahirap namang makisali na di ka nila kilala pa. :):D baka ma out of place lang ba ako.:):D . mina san yorushiku ne...:p

rubyuki
08-04-2008, 07:38 PM
sa akin ok lang kung walang mag comment or magbigay ng advice . mas maganda yong nailalabas mo ang gusto mong sabihin sa pamamagitan ng TF .

skyteam
08-05-2008, 01:48 AM
trip ko lang itanung...hehehe...

para sa mga members na baka nakakaramdaman ng pagka out of place lalo na sa mga bagong members....
dito mo ibuhos ang nararamdaman mo or comments mo.....

anung PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?

eng jazon ... ang thread ko madalas kontrobersyal ... maraming moralistang nakabantay ... maraming concerned citizen ... kaya di ko feel yung hindi napapansin ... ang madalas sa sobrang pansin napepersonal ako ... :p :p :p

musikaghie
08-05-2008, 10:54 AM
Sa akin okey lang kahit di pansinin, kasi ako minsan ganoon din, pag di ako na

kakarelate sa Thread di ako nag po post, At pag di ko feel ang Thread nilalag

pasan ko. Ganoon lang yun. Kaya di dapat mag react o sumama ang loob

pag di marami ang nakakapansin o nag po post sa Thread nila.:)

Kailangan maging malawak ang pangunawa natin~~~:)

torete_101
08-05-2008, 10:56 AM

Agree!!! :D

poulain
08-05-2008, 11:10 AM
no biggie..

kanya kanyang trip lang yan.. :D

comedones
08-05-2008, 11:29 AM
ok lang po kasi di obligasyon ng bawat isa na makialam sa isat isa:D:D:D

kung may maipapayo maraming salamat:D:D:D

kung dedma lang maraming salamat din:D:D:D

wala lang sige lang basa ka lang jan:D:D:D

torete_101
08-05-2008, 11:32 AM
ok lang po kasi di obligasyon ng bawat isa na makialam sa isat isa:D:D:D

kung may maipapayo maraming salamat:D:D:D

kung dedma lang maraming salamat din:D:D:D

wala lang sige lang basa ka lang jan:D:D:D

:D:rolleyes::D

mrs-mymelo
08-05-2008, 02:31 PM
trip ko lang itanung...hehehe...

para sa mga members na baka nakakaramdaman ng pagka out of place lalo na sa mga bagong members....
dito mo ibuhos ang nararamdaman mo or comments mo.....

anung PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?

No problem.it means wala silang idea na mai-share, di sila interested o pagod sila. Kanya kanya lang naman.Pero at least kung may problema ako,or down ako,at least may mga nagsipag-advice minsan nag pm ang iba,kaya feel ko na ang mga ka TF ay IN talaga when the world is OUT.

titakoring
08-05-2008, 02:49 PM
wala lang....:p......nd ko din papansinin.........: D

shinshinobi
08-05-2008, 04:25 PM
nagkukulong ako sa kuwarto at hindi lumalabas ng ilang araw.

wahahahah :D joke lang

kapag hindi pinansin edi hinde, tuloy ang buhay. hehe

mrs-mymelo
08-05-2008, 05:36 PM
nagkukulong ako sa kuwarto at hindi lumalabas ng ilang araw.

wahahahah :D joke lang

kapag hindi pinansin edi hinde, tuloy ang buhay. hehe

Hehehe oo nga naman.:D

my_i_me
08-05-2008, 05:40 PM
Wala lang, iisipin ko lang na parang nakakita ako ng pilipina sa supermarket,nginitia n ko at nag hi! ako pero di ako pinansin.

Ganun? uwi na nga lang ako:p

engr_jazon
09-30-2008, 11:35 AM
mga newbies ng TF kayo po anu ang komento ninyo?

Wreinman
09-30-2008, 12:00 PM
maglalaslas ako.

:lol:

majime22
09-30-2008, 12:57 PM
maglalaslas ako.

:lol:

...wah ha ha grave ka naman:D:D:Dnapaka-sensitive mo pala:p

...ako ok lang naman try ko i-up kasi baka natabunan na;)or pag sa thread sa buy n sell naman try ko magbigay ng discount or maghalungkat ng freebies baka sakali may makita:Dso far so good naman...

...medyo nakakalibang din kasi at nakakatuwa pag may mga buyer na type na type nila yung tinda...mas maganda lang talaga nuon kasi sobrang saya lahat ngbibiruan sa thread hindi katulad ngayun:Oparang mga kankenai na sa mga comments kahit makasakit ng kapwa ang dami pa nag-aalternick:(

...normal lang siguro hindi dapat seryosohin masyado hindi din naman dapat paglaruan:)very informative talaga yung ibang threads at wag nalang pansinin yung mga awayan kaya lang minsan pino-provoke ka lang talaga magsalita parang sinasadya na:(

...yung pag-share ng opinions ok lang pinupulot ko yung sa tingin ko ok sa akin at itinatabi ko yung hindi ako pabor...sa madaling salita makulay na makulay ang mga threads dito sa TF...hindi porket walang nag-post eh hindi na pinansin makikita mo naman sa mga nag-views ibig sabihin madaming pumapansin talaga:pkaya lang wala siguro maisip na sasabihin he he he:D:D:D

comedones
09-30-2008, 01:01 PM
di pinansin?

eh di dedma lang din ako weder weder lang yaan:D:D:D:D:D

sarpon
09-30-2008, 01:01 PM
ok lang wag pansinin kesa burahin...:D

comedones
09-30-2008, 01:03 PM
ok lang wag pansinin kesa burahin...:D

korek po;):D

Wreinman
09-30-2008, 03:20 PM
...wah ha ha grave ka naman:D:D:Dnapaka-sensitive mo pala:p

:D

Bigla ko lang kasi naisip na pano kung:

Me isang tf member na nag-gawa ng thread kasi birthday niya kahapon. Since first time niyang gumawa ng thread, pinaganda niya itonng maigi. Nilagyan ng mga images gaya ng balloons and cakes. At tinadtad nya din ito ng mga smileys para mas kaaya-aya. Upang lalong tumingkad at maging kakaiba sa mga karaniwang birthday thread, naisip niyang lagyan ng sounds para daw habang nagbabasa ang mga members ay may napapakinggan ito at lalong ganahang magpost ng comment nila. At nakakita nga siya ng video kanyang ii-embed. Ito ay ang Happy Birthday song na hango pa sa youtube (yung karaoke type pa ang pinili niya para daw dun sa mga hindi gaanong kabisado ang lyrics ng happy birthday). At para plantsado ang lahat, ipinost nya muna yun sa Testing Ground Section upang macheck kung magra run ang video at maggagalawan ang mga smileys, at kung meron pang dapat idagdag dito. Gumana naman. Natapos din sa wakas. Hanggang sa nagdecide na siya na ipost ang sarili niyang Belated Happy Birthday Thread. Tumungo na siya sa Personal Section. Nai-paste na ang kanyang thread na pinamagatan niyang “Belated Happy Birthday To Me”. Bago niya ni-click ang post button nagwish muna siya para daw puro positive ang greetings sa kanya. :hihi:

New thread posted.

Nagmasid masid siya kung sino ang unang magpopost sa kagagawa pa lamang niyang thread. Hindi siya umaalis sa thread niya. Paulit ulit niya itong binabasa at pineplay ang video. Matapos ulit-uliting basahin at panoorin, wala pa ring nagpost. Patuloy siyang nanatili sa harap ng kanyang monitor habang panay ang pindot ng F5 para ma refresh ito. Baka sakaling pag refresh niya at may pumasok na post galling sa member. Ngunit wala pa ring nagpopost. Makalipas ang sampung minuto, nainip siya. Naisipan niyang pumasok muna sa Buy & Sell Section. Doon siya ay nagwindow shopping muna ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik na may magpost sa kanyang bday thread. Maya’t maya ang kanyang mga mata ay nakatuon ang atensyon sa Personal Section upang makita niya kung thread niya pa rin ang siyang naka up sa mga sandling iyon.

Nang napagod siyang tumingin ng mga binebentang sabon, toothpaste, pamada at kung anu ano pa, lumabas na siya ng Buy & Sell section at bumalik sa kanyang “Belated Happy Birthday To Me” thread. Wala ni isa man post. Chineck ang number of views. 0 view. Hanggang sa inabot na siya ng kanyang time sa internet café kung kayat nagpasya na syang umuwi.

Makalipas ang tatlong araw, nag login siya ulit sa TF. Dali-daling tinunton ang kanyang thread. Excited magbasa ng mga posts at greetings ng co-members. Pagpasok niya sa kanyang thread, nalungkot siya sa kanyang nadatnan. Mayroon lamang iisang post. at ito ang sinabi:

“bro, remind ko lang po, mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpopost ng FULL CAPS at BOLD letters. Pakibasa nalang po ang TF Rules on Posting. Anyway, belated happy birthday sayo!”

:(:(:(
Kung ikaw ang nasa katayuan niya at hindi napansin ang thread mo ano kaya ang mararamdaman mo? :D

aRiaNnE
09-30-2008, 03:26 PM
trip ko lang itanung...hehehe...

para sa mga members na baka nakakaramdaman ng pagka out of place lalo na sa mga bagong members....
dito mo ibuhos ang nararamdaman mo or comments mo.....

anung PAKIRAMDAM mo pag di pinansin thread mo?

kakalungkot:(pero ok lang!!nakakapagpalub ag na sa loob ko yung nakikitang kong my mga nagview naman kahit walang replies.:):):)

aRiaNnE
09-30-2008, 03:34 PM
@WREINMAN

waah....kakalungkot naman yang halimbawa mo na yan:cry:parang sarap magpakamatay pag ganyan...:shutup:jok e lang po..
pero dito sa TF wala naman sigurong mangyayaring ganyan;)mga friendly kasi dito...:dowave:

milano
09-30-2008, 04:32 PM
:D

Bigla ko lang kasi naisip na pano kung:

Me isang tf member na nag-gawa ng thread kasi birthday niya kahapon. Since first time niyang gumawa ng thread, pinaganda niya itonng maigi. Nilagyan ng mga images gaya ng balloons and cakes. At tinadtad nya din ito ng mga smileys para mas kaaya-aya. Upang lalong tumingkad at maging kakaiba sa mga karaniwang birthday thread, naisip niyang lagyan ng sounds para daw habang nagbabasa ang mga members ay may napapakinggan ito at lalong ganahang magpost ng comment nila. At nakakita nga siya ng video kanyang ii-embed. Ito ay ang Happy Birthday song na hango pa sa youtube (yung karaoke type pa ang pinili niya para daw dun sa mga hindi gaanong kabisado ang lyrics ng happy birthday). At para plantsado ang lahat, ipinost nya muna yun sa Testing Ground Section upang macheck kung magra run ang video at maggagalawan ang mga smileys, at kung meron pang dapat idagdag dito. Gumana naman. Natapos din sa wakas. Hanggang sa nagdecide na siya na ipost ang sarili niyang Belated Happy Birthday Thread. Tumungo na siya sa Personal Section. Nai-paste na ang kanyang thread na pinamagatan niyang “Belated Happy Birthday To Me”. Bago niya ni-click ang post button nagwish muna siya para daw puro positive ang greetings sa kanya. :hihi:

New thread posted.

Nagmasid masid siya kung sino ang unang magpopost sa kagagawa pa lamang niyang thread. Hindi siya umaalis sa thread niya. Paulit ulit niya itong binabasa at pineplay ang video. Matapos ulit-uliting basahin at panoorin, wala pa ring nagpost. Patuloy siyang nanatili sa harap ng kanyang monitor habang panay ang pindot ng F5 para ma refresh ito. Baka sakaling pag refresh niya at may pumasok na post galling sa member. Ngunit wala pa ring nagpopost. Makalipas ang sampung minuto, nainip siya. Naisipan niyang pumasok muna sa Buy & Sell Section. Doon siya ay nagwindow shopping muna ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik na may magpost sa kanyang bday thread. Maya’t maya ang kanyang mga mata ay nakatuon ang atensyon sa Personal Section upang makita niya kung thread niya pa rin ang siyang naka up sa mga sandling iyon.

Nang napagod siyang tumingin ng mga binebentang sabon, toothpaste, pamada at kung anu ano pa, lumabas na siya ng Buy & Sell section at bumalik sa kanyang “Belated Happy Birthday To Me” thread. Wala ni isa man post. Chineck ang number of views. 0 view. Hanggang sa inabot na siya ng kanyang time sa internet café kung kayat nagpasya na syang umuwi.

Makalipas ang tatlong araw, nag login siya ulit sa TF. Dali-daling tinunton ang kanyang thread. Excited magbasa ng mga posts at greetings ng co-members. Pagpasok niya sa kanyang thread, nalungkot siya sa kanyang nadatnan. Mayroon lamang iisang post. at ito ang sinabi:

“bro, remind ko lang po, mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpopost ng FULL CAPS at BOLD letters. Pakibasa nalang po ang TF Rules on Posting. Anyway, belated happy birthday sayo!”

:(:(:(
Kung ikaw ang nasa katayuan niya at hindi napansin ang thread mo ano kaya ang mararamdaman mo? :D

nyahahaha!! wasak ng computer malamng ihambalos!:D

ok lang hindi ma pansin! wag lang ma close:D:D:D peace!

Ru8ac
09-30-2008, 05:56 PM
Daijobu lang. It hurts, it really hurtssssssssssssssss ssssssssss.... tawanan nalang hahahahaha..hehehehe ...hahahaha