PDA

View Full Version : futsu lang ba sa japan yung ganito...

shakey
03-23-2008, 01:43 AM
gud am po mga ka TF...may kwento ako sa inyo ewan ko kung futsu lang sa japan ito pero sa akin parang masama ang loob ko...

2007 feb.na preggy po ako kasalukuyang may work ako(kaisha)nag paalam ako sa tencho ko na by oct.2007 mag yayameru ako na kailangan lang naman dahil di naman ako shine para mag shibaraku yasumi dahil nga uuwi ako ng pinas para dun manganak,since na gusto nila yung performance ko sa work kinausap ni tencho si sacho na kailangan ako sa work kaya kailangan na di ako mag yameru pumayag naman si sacho...sept.nag yasumi na ako dahil nag bleeding ako umuwi ako pinas bumalik lang ako sa work ko nung last jan.21 2008..nung bumalik ako sa work hiningi nila lahat ng documents nung nanganak ako sa pinas para daw bumalik sa akin yung nagastos ko plus yung nagyasumi ako may makukuwa din daw ako 60% sa sahod ko...na process lahat lumabas ang pera nalaman nila kung mag kano(nalakihan sila)kaya itong kasama ko sa work na pinay(body body nya si tencho)pinakiusapan ako na kailangan ko daw mag bigay ng oyuwai sa tencho namin(sabi ny sa akin..bumili ka ng 1 rim na tabacco then limang lapad ilagay mo sa sobre ibigay mo kay tencho)shock ako sa japan daw oyuwai ang tawag dun(eh ang alam ko dapat ako bigyan nila ng oyuwai kasi ako ang nanganak)sabi nya pa kailangan bumili din ako ng mga mamahaling okashi para ibigay sa sacho namin..yung tag iisang lapad daw.sabi pa nya na kung di dahil kay tencho wala daw akong ganung kalaking pera(na galing sa gobyerno dahil sa nag babayad ako ng shakai hoken)ang sa akin lang bakit kailangan nya ako pangunahan eh alam ko naman ang mga gagawin ko para mag pasalamat sa kanila at take note nag demand sya kung ano ano ang ibibigay ko sa kanila.. tama ba ito?nakakasama ng loob para sa akin kasi di ko naman pinanalunan sa lotto yung pera actually parang binalik lang sa akin yung buwan buwang kinakaltas nila sa mga insurance...

vectra1123
03-23-2008, 01:51 AM
"ENGOT" ka pag sumunod ka sa sinasabi nya! Talo pa nya ang syota ng tencho nyo kung mag demand a! HA!HA! Normal lang na mag"regalo"ka bilang pasasalamat pero hindi dapat idikta ng sinuman kung ano at magkano! HE!HE! Pasensya na sa salita ko ha?Laking kalye kasi ako e!HI!HI!:)

mystic_girl
03-23-2008, 01:52 AM
I don't think necessary ang 5 lapad...you can buy gifts but not necessary to give money... buti sana kung kasal or namatayan but usually for a favor like what my husband is doing, we only send gifts to thank the person.

louvette_15
03-23-2008, 02:02 AM
hindi ako makapaniwala sa ganito... alam kong may ganyan dito na rega-regalo pampasalamat pero hindi naman ganun ka grabe..maliban na lng kung yun ang gusto mong ibigay...naku sis, wag kang maniniwala dun...magbigay ka siguro peor ayun sa gusto mong ibigay kasi unang una, d mo naman un nakuha ng free eh. kung may tulong nga silang ginawa, i-appreciate mo pero wag sobra sis...saka give and take naman din eh kasi kelangan ka rin naman nila as worker nila db..?obligasyon din nila un sayo as employer mo..

shakey
03-23-2008, 02:06 AM
"ENGOT" ka pag sumunod ka sa sinasabi nya! Talo pa nya ang syota ng tencho nyo kung mag demand a! HA!HA! Normal lang na mag"regalo"ka bilang pasasalamat pero hindi dapat idikta ng sinuman kung ano at magkano! HE!HE! Pasensya na sa salita ko ha?Laking kalye kasi ako e!HI!HI!:)

actually may relasyon talaga sila ni tencho...ang balak ko pa naman na ibili ng regalo si tencho para mag pasalamat kaso bigla syang nag demand ng ganun..grabe nawalan ako ng gana sa work ko tuloy...eh ang balak ko nga na ibigay ko yung demand nya tapos mag yayameru ako sa work para maramdaman nya na masama ang loob ko sa nais nyang mangyari..sa totoo lang sya ang nag pasok sa akin sa work kaya malaki din yung nagawa nya para sa akin pero di naman ako nakakalimot alam ko kung sino sino yung may nagawang mabuti sa akin..

I don't think necessary ang 5 lapad...you can buy gifts but not necessary to give money... buti sana kung kasal or namatayan but usually for a favor like what my husband is doing, we only send gifts to thank the person.
kinuwento ko kay hubby ito advise nya sa akin ganun ang gawin ko bumili daw ako ng regalo tapos bigay ko kay tencho..pero yung pera na limang lapad grabe naman daw yun...

vectra1123
03-23-2008, 02:14 AM
actually may relasyon talaga sila ni tencho...ang balak ko pa naman na ibili ng regalo si tencho para mag pasalamat kaso bigla syang nag demand ng ganun..grabe nawalan ako ng gana sa work ko tuloy...eh ang balak ko nga na ibigay ko yung demand nya tapos mag yayameru ako sa work para maramdaman nya na masama ang loob ko sa nais nyang mangyari..sa totoo lang sya ang nag pasok sa akin sa work kaya malaki din yung nagawa nya para sa akin pero di naman ako nakakalimot alam ko kung sino sino yung may nagawang mabuti sa akin..

kinuwento ko kay hubby ito advise nya sa akin ganun ang gawin ko bumili daw ako ng regalo tapos bigay ko kay tencho..pero yung pera na limang lapad grabe naman daw yun...
HE!HE! Sa salita at reaksyon lang nahuhuli ko na e! para sa kanya yung pera, HUH! Sa tagal ko ba namang nag hosto ako pa maloloko! HA!HA!

shakey
03-23-2008, 02:16 AM
hindi ako makapaniwala sa ganito... alam kong may ganyan dito na rega-regalo pampasalamat pero hindi naman ganun ka grabe..maliban na lng kung yun ang gusto mong ibigay...naku sis, wag kang maniniwala dun...magbigay ka siguro peor ayun sa gusto mong ibigay kasi unang una, d mo naman un nakuha ng free eh. kung may tulong nga silang ginawa, i-appreciate mo pero wag sobra sis...saka give and take naman din eh kasi kelangan ka rin naman nila as worker nila db..?obligasyon din nila un sayo as employer mo..

korek ka dyan sis...sinabi pa nga nya sa akin na kore kara marami kang hihingin na mga documents galing sa kaisha namin para sa pag kuwa ko sa anak ko sa pinas na ang hihingi ay si tencho..(gusto kong sabihin na natural lang naman na si tencho ang hingian ko ng mga kailangan kong papeles kanino pa ba ako hihingi?at karapatan kong humingi ng mga kailangan kong papeles)

louvette_15
03-23-2008, 02:21 AM

dapat kasi sis bumili ka ng galing sa pinas at un nlng bibigay mo sa kanila...bwehehehe.. ..ung bagoong alamang para sa pinay ipakain ng tenchou..jowk po...wag ka pa intimidate sis kasi obligasyon nila ang asikasuhin mga kelangan mo bilang worker nila...tandaan mo, mas kelangan ka nila kasi kung hindi, dapat pinakawalan ka na nila nung time na magyayameru ka dapat dhil sa pagbubuntis mo..

shakey
03-23-2008, 02:30 AM
HE!HE! Sa salita at reaksyon lang nahuhuli ko na e! para sa kanya yung pera, HUH! Sa tagal ko ba namang nag hosto ako pa maloloko! HA!HA!

yan din ang iniisip ko minsan...ano kayat pag hatian nila yun..buti na lang di sa kanila dumaan yung money malamang kung sa kanila dumaan baka kalahati na lang ang napunta sa akin..hehehe
ano sa palagay nyo alam kaya ni tencho yun...o kay pinay lang na opinion yun?

dapat kasi sis bumili ka ng galing sa pinas at un nlng bibigay mo sa kanila...bwehehehe.. ..ung bagoong alamang para sa pinay ipakain ng tenchou..jowk po...wag ka pa intimidate sis kasi obligasyon nila ang asikasuhin mga kelangan mo bilang worker nila...tandaan mo, mas kelangan ka nila kasi kung hindi, dapat pinakawalan ka na nila nung time na magyayameru ka dapat dhil sa pagbubuntis mo..

ang dami ko kayang umyagi sa kanila nung bumalik ako sa japan..especial nga yung sa kanilang dalawa kasi nga tinuring ko na silang mga magulang...

mystic_girl
03-23-2008, 02:30 AM
baka kakontsaba yung pinay na body body ng tencho mo...besides yung perang matatanggap mo galing kaisha e pinaghirapan mo rin naman yun like your shakai hoken...ikaw nagababayad indi sila but they're only helping u out...kalokohan na yang magbibigay ka ng pera

di pa ako nakakita ng hapon na tumatanggap ng pera for doing a favor such like that...sabi ng asawa ko that's odd daw pag tinanggap ng tencho but they can accept your omiyage...

louvette_15
03-23-2008, 02:35 AM
or baka nga naman pinay lng nagdedemand sayo kasi generally speaking, d ganun mga hapon..bigyan nga lng ng 1000yen mga yan kung mag react akala 10lapad naibigay mo..minsan nga naiisip kong mas masarap bigyan ang hapon kasi parang mga bata, unlike sa pinay(ung iba ha), pagtalikod mo itatanong agad kung magkano presyo atbp...

shakey
03-23-2008, 02:37 AM
baka kakontsaba yung pinay na body body ng tencho mo...besides yung perang matatanggap mo galing kaisha e pinaghirapan mo rin naman yun like your shakai hoken...ikaw nagababayad indi sila but they're only helping u out...kalokohan na yang magbibigay ka ng pera minsan nga nag sisisi ako kung bakit ko pa naipakita yung letter ng shakai hoken na nakalagay dun yung amount...sa tuwa ko naipakita ko kay pinay kasi nung una wori sya dahil nga ang tagal lumabas nung money..yung may dumating na letter sa tuwa ko pinakita ko sa kanya,ayun na loka na nag bago na ihip ng hangin...ang tao nga naman nag babago pag pera na ang usapan(hindi po lahat ah)

mystic_girl
03-23-2008, 02:42 AM
yep..ganun ang tao madaling magbago ang isip pag pera ang pinag uusapan...ikaw pa masama pag di mo pinagbigyan lalo na sa mga kababayan natin though di naman lahat

shakey
03-23-2008, 02:54 AM
or baka nga naman pinay lng nagdedemand sayo kasi generally speaking, d ganun mga hapon..bigyan nga lng ng 1000yen mga yan kung mag react akala 10lapad naibigay mo..minsan nga naiisip kong mas masarap bigyan ang hapon kasi parang mga bata, unlike sa pinay(ung iba ha), pagtalikod mo itatanong agad kung magkano presyo atbp...

hangang ngayon palaisipan parin sa akin kung alam kaya ni tencho yung dinedemand ni pinay sa akin,ang alam ko din ang mga hapon di ganyan tama ka nga bigyan mo lang sila ng coffee or konting okashi grabe na ang yuko ng mga ulo sayo para lang magpasalamat...naala la ko nga nung valentine yung isang tencho ko binigyan ko ng presento(chocolate lang naman )aba umiyak sya nagulat ako kung bakit umiiyak yun pala ngayon lang daw sya na tanggap ng regalo sa valentine,yung asawa nya nga daw ni batiin di daw sya binabati...naawa ako sa kanya..at natuwa kasi kitang kita ko sa muka nya kung gaano sya kasaya.

v_wrangler
03-23-2008, 02:54 AM
You are NOT IN ANYWAY REQUIRED TO GIVE SUCH AMOUNT OF GIFTS. You are therefore obliged to show your appreciation to whatever assistance by handing a gift which may come in forms of drinks, biscuits, food etc which you can easily make arrangements with either through a department store or buy it yourself. It is not customary to hand cash in such amounts as it would also cause meiwaku because the receiver is also obliged to make an okaishi or return the favor in terms of goods closely matching a percentage of the amount.

If the tenchou is not asking you directly, I advise you to ignore your pinay co-worker. If the tencho asks you directly, then something is wrong and report it to the sachou.

What you received is not from their pockets, it is something you deserve courtesy of the government. Their assistance in making arrangements with any government agency is something required of them as employers.

shakey
03-23-2008, 03:04 AM

balak ko nga sana na yayain si tencho at si pinay sa labas treat ko sila mag gogotsu sana ako kaso ganun ang ngyari...minsan gusto kong ikwento dun sa ibakong tencho or isoudan sa kanila kaso lang natakot ako baka makarating kay pinay at kay body body nyang tencho...tsaka baka hingian din ako nung ibang tencho...nakow malamang sa kanila lang ubos yun !

shintaro
03-23-2008, 08:49 AM
gud am po mga ka TF...may kwento ako sa inyo ewan ko kung futsu lang sa japan ito pero sa akin parang masama ang loob ko...

...

i don't think na futsu sa japan or sa mga japanese yung magbigay ng pera to appreciate their good deeds. it's better to give things that they would treasure most (pinoy style). usually, here in japan, when it comes to money matters, it's pinoys' ideas (tamaan, wag magagalit). pera nga naman...hahamakin ang lahat makamit ka lamang.

if i may share what my mother did in japan embassy in the philippines...my mother gave some goldilocks products there as form of appreciation dahil hindi na sila pinahirapan ng consul for the papers they needed. but the japanese consul politely turn it down, because he said that is part of their job.

LAVENDER
03-23-2008, 11:50 AM
Good day !
Pati pala dito sa Japan may SPO 10.
Have a nice day.

tadashi
03-23-2008, 12:53 PM
may hapon din po na mukhang pera..kagaya yan nung pilipinang asawa ng hapon dito sa amin...kunwari tutulong silang dalawang mag asawa tapos pag may utang na luob kana sakanila hihingan ka na ng kung ano ano...pati yung hapon makapal mukha..

malibuPine
03-23-2008, 02:48 PM
I think it is better to also seek advice from other Japanese employees. They have these unwritten rules/etiquettes na we are not aware of which are part of their culture.

Minsan talagang unthinkable sa atin yung mga tradition nila, i.e.
~ giving certain amount of money sa mga kinakasal if invited ka
~ sa namatayan
~ sa kabubukas lang ng business/shop
(then half or certain % of the above will be returned to you)
~ private money sa doctor prior sa operation pag magpapa-opera
~ private money sa nurses pag na-confine ka
~ dowry when marrying...the guy's parents giving money to the girl's family during the engagement or prior to marriage...etc

So we are not sure if your case is part din ng tradition nila...
Iba-iba rin ang orientation ng Japanese, merong highly traditional like my in-laws na lahat na yata ng rules and percentage kung magkano ibibigay or amt to give back dapat sundin. Meron namang Japanese na walang alam sa tradition nila or doesn't mind or ignores protocols/etiquettes or stuff like that...

So magtanung-tanong na rin po sa ibang mga friends nyong Japanese employees, male and female na tingin nyo reliable or may alam... :)

gud am po mga ka TF...may kwento ako sa inyo ewan ko kung futsu lang sa japan ito pero sa akin parang masama ang loob ko...

2007 feb.na preggy po ako kasalukuyang may work ako(kaisha)nag paalam ako sa tencho ko na by oct.2007 mag yayameru ako na kailangan lang naman dahil di naman ako shine para mag shibaraku yasumi dahil nga uuwi ako ng pinas para dun manganak,since na gusto nila yung performance ko sa work kinausap ni tencho si sacho na kailangan ako sa work kaya kailangan na di ako mag yameru pumayag naman si sacho...sept.nag yasumi na ako dahil nag bleeding ako umuwi ako pinas bumalik lang ako sa work ko nung last jan.21 2008..nung bumalik ako sa work hiningi nila lahat ng documents nung nanganak ako sa pinas para daw bumalik sa akin yung nagastos ko plus yung nagyasumi ako may makukuwa din daw ako 60% sa sahod ko...na process lahat lumabas ang pera nalaman nila kung mag kano(nalakihan sila)kaya itong kasama ko sa work na pinay(body body nya si tencho)pinakiusapan ako na kailangan ko daw mag bigay ng oyuwai sa tencho namin(sabi ny sa akin..bumili ka ng 1 rim na tabacco then limang lapad ilagay mo sa sobre ibigay mo kay tencho)shock ako sa japan daw oyuwai ang tawag dun(eh ang alam ko dapat ako bigyan nila ng oyuwai kasi ako ang nanganak)sabi nya pa kailangan bumili din ako ng mga mamahaling okashi para ibigay sa sacho namin..yung tag iisang lapad daw.sabi pa nya na kung di dahil kay tencho wala daw akong ganung kalaking pera(na galing sa gobyerno dahil sa nag babayad ako ng shakai hoken)ang sa akin lang bakit kailangan nya ako pangunahan eh alam ko naman ang mga gagawin ko para mag pasalamat sa kanila at take note nag demand sya kung ano ano ang ibibigay ko sa kanila.. tama ba ito?nakakasama ng loob para sa akin kasi di ko naman pinanalunan sa lotto yung pera actually parang binalik lang sa akin yung buwan buwang kinakaltas nila sa mga insurance...

katty0531
03-23-2008, 07:02 PM
Hindi po "futsu" yon...wag kang maniwala sa Pinay na yon...sa kanya lang na opinyon yon siguro selos sya sayo kasi may pera ka....hehehe sabihin mo sa kanya mag buntis at mag anak din sya para magka pera din sya. Dami talagang selosa. Yes, tama ka pera mo din yon binabalik lang sayo hindi mo utang na loob yon sa kanila na bumalik kasi "dapat lang" na babalik yon sayo talaga. At yong 60% na bayad sayo while on leave ka obligasyon nila yon sayo diba.

mizuki_kai
03-23-2008, 08:00 PM
wag mo pakinggan yung pinay at siguradong inggit lang sayo yun.. kung anu ang makayanan mong ibigay yun lang ang ibigay mo..

abyssinian
03-23-2008, 08:01 PM
whoa, grabe naman. japanese ba o yung pinay ang may gusto?

nwei, happy delivery!

bluesapphire
03-23-2008, 08:37 PM
hindi po kailangan na mag okaishi kayo in such amount of money, daig pa yung ibinigay kong oyuwai sa kasal ng friend kong haponesa ha:confused: pwede na po yung goods na nabibili sa supermarket, as an expression of gratitude lang naman.. :)

shakey
03-23-2008, 09:57 PM

napag isipan ko na talaga na kahit mag away kami di ko ibibigay yung dinedemand nya..mahirap naman mag bigay ng ikakasama ng loob ko...hehehe

whoa, grabe naman. japanese ba o yung pinay ang may gusto?

nwei, happy delivery!

thanks po...

Hindi po "futsu" yon...wag kang maniwala sa Pinay na yon...sa kanya lang na opinyon yon siguro selos sya sayo kasi may pera ka....hehehe sabihin mo sa kanya mag buntis at mag anak din sya para magka pera din sya. Dami talagang selosa. Yes, tama ka pera mo din yon binabalik lang sayo hindi mo utang na loob yon sa kanila na bumalik kasi "dapat lang" na babalik yon sayo talaga. At yong 60% na bayad sayo while on leave ka obligasyon nila yon sayo diba.

hihihi di na sya pedeng mag buntis kasi may edad na sya saka menopouse na po yata sya...korak ka jan sis binabalik lang nila yung dapat na sa akin.

kalembang
03-24-2008, 09:20 AM
"ENGOT" ka pag sumunod ka sa sinasabi nya! Talo pa nya ang syota ng tencho nyo kung mag demand a! HA!HA! Normal lang na mag"regalo"ka bilang pasasalamat pero hindi dapat idikta ng sinuman kung ano at magkano! HE!HE! Pasensya na sa salita ko ha?Laking kalye kasi ako e!HI!HI!:)

Ang 5 lapad, ano sila hilo...........anak ng sila ba ang nanganak!! sembe..sembe lang ang katapat nyan samahan mo na ng "manju".

Nakakalungkot na may kababayan tayong mga praning din, judas na judas ang style,dapat yan pinapatapon sa hawla ng mga buwaya sa palawan,hehehe

SWEET_REINA
03-24-2008, 01:09 PM
sakin yan,bbgyan ko sya ng 1,000yen kurai na okashi!!nakalagay pa sa box yun ah!!may nabibili nun nasa box na:Dmay kimochi naman ako,kaya lang ayoko ng pinapangunahan ako,lalo ko syang di bbgyan!hhehehe:D

matsue_321
03-24-2008, 02:42 PM
naku po parang na starstrack sya sa pera nyo po na parang kuminang ang paligid nya kaya ganun na lang sya mag demand po sa iyo!!!!!!!!!

Iro_otoko13
03-24-2008, 04:54 PM
sana po tinanong mo yung pinay kung nanganak na ba siya para kung hindi pa suggest mo po na mag anak na siya para meron din siya hehehe

D ako sure pero palagay ko hindi po magandang tignan dito sa Japan yung nagbibigay ng pera unless Wedding or Funeral

shakey
03-24-2008, 10:08 PM
Ang 5 lapad, ano sila hilo...........anak ng sila ba ang nanganak!! sembe..sembe lang ang katapat nyan samahan mo na ng "manju".

Nakakalungkot na may kababayan tayong mga praning din, judas na judas ang style,dapat yan pinapatapon sa hawla ng mga buwaya sa palawan,hehehe

hahaha osembe lang ba ang katapat nun?...kung sa akin lng naku malaking luwag sa akin yun ano..papiliin ko pa sya ng palaman ng manju kung cream o imo hahaha !!1

naku po parang na starstrack sya sa pera nyo po na parang kuminang ang paligid nya kaya ganun na lang sya mag demand po sa iyo!!!!!!!!!
di nya kasi eniexpect na ganun kalaki yung lalabas na pera...nung una nga ang bait nya talaga nung di ko pa nakukuwa yung pera...sabi nya unahin mo muna yung mga obligasyon mo sa pinas ha....tapos yung nalaman nya yung amount nak ng teteng biglang nag demand hahahaha biglang nag iba ihip ng hangin.
sana po tinanong mo yung pinay kung nanganak na ba siya para kung hindi pa suggest mo po na mag anak na siya para meron din siya hehehe

D ako sure pero palagay ko hindi po magandang tignan dito sa Japan yung nagbibigay ng pera unless Wedding or Funeral

sabi ko nga sa sarili ko anu kaya pag binigyan ko ng 5 lapad isoli kaya sa akin yun?hehehe asa pa ako :D

proud me
03-25-2008, 09:28 PM
shakey san hindi halatang imbierna ka sa diskarte ni kabayan sa iyo pati yung menopouse na siya nasabi mo na heheh!....wag mong pakinggan yun diskarte niya gusto kalang isahan niyan...maraming ganyan talaga dito sa japan noh?!...

shakey
03-25-2008, 10:04 PM
shakey san hindi halatang imbierna ka sa diskarte ni kabayan sa iyo pati yung menopouse na siya nasabi mo na heheh!....wag mong pakinggan yun diskarte niya gusto kalang isahan niyan...maraming ganyan talaga dito sa japan noh?!...

hahaha kaya nga sis eh...kasi sabi nila sabihin ko sa pinay na mag anak din para makatanggap ng money eh paano mag aanak meno..na sya...parang ang hirap naman bitawan yung 5 lapad parang 5 araw ko ng pinag kubaan yun sa katratrabaho.

proud me
03-25-2008, 10:12 PM
hahaha kaya nga sis eh...kasi sabi nila sabihin ko sa pinay na mag anak din para makatanggap ng money eh paano mag aanak meno..na sya...parang ang hirap naman bitawan yung 5 lapad parang 5 araw ko ng pinag kubaan yun sa katratrabaho. o diba? tapos siya gusto lang niyang sinuswerteng Life:p kung sa kanya mapupunta yun :D

shenn
03-28-2008, 03:33 AM
ahh sus!gusto ka lng maisahan!:sssh:.