PDA

View Full Version : naloko ka ba na ng mahal mo???


angel20
03-24-2008, 03:37 PM
ano po ang pinaka grabeng nagawa nyo nag nalaman nyo na naloko kayo ng mahal nyo? curios lang po at para mairealease din ang tension..haha..

syempre ako po ang mag uumpisa,

nalaman ko na 2 kaming binabahay nya...ay talagang sumugod ako sa dorm nung girl at ang nagyari binuhusan ko sila ng tubig sa kwarto nila..kasi dorm po iyon so maliit lang na kwarto kaya pag kabukas na pagkabukas ng pinto tubig agad ang sumalubong sa kanila at bahang baha ang kwarto nila at syempre basa lahat ng gamit nila at sabay sapal sa lalaki..hehe... naloka ako pag naiisip ko yun...hahaha.. share naman kayo dyan haha, tnks...

japhil
03-24-2008, 03:56 PM
ako naman nalaman ko na me babae pala ang hinayupak dahil sa celphone nya nakita ko dun na naghahalikan sila sa kama sa room pa ng hinayupak then same silang hubad:mad: owwww myyyy naalala ko nanaman grrrrrrr:mad: that time kasi nasa cafe shop kami disco sana kami kasama mga friends ko sinama ko lang sya then na lawbat ako hiniram ko ang cellphone nya diko ugali na mangalikot ng cellphone pero me napindot lang ako then yun na!:eek: lumabas SHOCK ako sa nakita ko nanginginig ako sa galit nabuhusan ko sya ng mainit na cafe at sabay tayo sya tayo din ako then sinikmuraan ko sya sa tyan nya.

:hellfire:nakakaloka pag naaalala ko ang eksena nila sa cellphone:mad:

angel20
03-24-2008, 05:27 PM
ay! ang sarap balikan... nakakatuwa talaga... sana may mag post pa...

bell
03-24-2008, 07:50 PM
ako din me experience,letse kaya pala di ako sinasagot sabi nya busy daw sya sa trabaho.then one time hiniram nya cp ko,e biglang na lowbat,ayon ibinigay ngayon si cp sakin at i recharge ko daw.pagkatapos ko marecharge wal sya nong time nayon pumunta na sya ng trabaho,nanlaki mata ko sa text na nabasa ko,ang sabi ba naman,namimis na kita love,namimis ko na rin yon magkatabi tayo sa kama.kelan ka ba magpapakita sakin?namimis ko na yon!shocking talaga grabe,ayon nagkunwari ako na ako rin yon sinagot ko.tas tinawagan ko pinagmumura ko.at pagkatapos ayon si lalaki naman ang kinompronta ko.tapos meron pang kasunod ha,nasundan pa,ako ang pinakausap don sa asawa nong binababae nya akala ko naman yon babae yon ng kaibigan nya na nakisuyo daw sa kanya,nong malaman ko grabe nagmukha akong tanga.ayon parang nawalan na ako ng gana sa kanya.as in away talaga.grabe diko talaga makakalimutan yon.

shakey
03-24-2008, 10:35 PM
hihihi eto nanaman ako pag naaalala ko sumasakit parin ang puso ko...at nanggigil ako,parang gusto ko nanaman awayin si hubby...

ako nalaman ko din na 2 kaming gf nya,alam nyo ba kung saan ko sya nabuko?.....imagine 6 months na kaming mag bf nung mabuko ko sya na may gf pala sya na nauna sa akin ng 1 taon...nabuko ko sya sa email nya,biruin nyo mga ka sistah 6 months akong nag attempt buksan ang email nya,kung anu anong password ang hinulaan ko para lang mabuksan...6 months kong hinulaan yun..yun pala birth day nya lang pala password nya hahahaha .di ko agad naisip yun.nabuksan ko email nya tumambad sa akin ang mga pic.nila grabe shock ako ha!!! nanlamig kaya ako nun kahit summer nun...ang yabang ko pa mail ko agad yung gerl at inaway away ko hahaha kala ko ako ang nauna yun pala sya ang na una 2nd lang ako....hiniwalayan ko ang loko pero ako daw ang mahal nya...

japhil
03-25-2008, 02:54 PM
buti nga sa inyo mga pictures lang sa cellphone nakita nyo sa akin masmasaklap kasi VIDEO talaga na naglalapangan silang dalawa:mad: sa cellphone. hindi ko talaga makalimutan super sweet nila talaga at mama n' papa pa ang tawagan nila dinig na dinig ko sa celphone usapan at tawanan nila hayyyy!!!
:(

wolfgang
03-25-2008, 03:26 PM
yes...naloko ako yun unang bf ko at pati yun last BF ko bago ako nag-asawa...yun unang BF ko naikuwento ko na sa isang thread dito dati....
yun last BF ko isa pa rin makulay na story yun...hihihi 1 and half year kaming mag boyfriend bago ako nagpunta dito sa japan...nagpaalam pa kami ng maayos sabi ko ilang alis lang papakasal na kami..open ako sa family niya at open din siya sa amin...akala ko nga talagang kami na ehhh

so...nagpunta ako ng japan ...nagtrabaho...tawa gan at sulat lang kami nag -uusap...siyempre miss na miss ko siya kahit na nakakaubos ako ng ilang tel. cards sa buong araw okay lang..

dumating ang uwi ko sa Pilipinas...di ko sinabi sa kanya. para supresahin siya..yun pala ako ang masusupresa...direts o ako sa bahay nila ...aba ang mokong nakaharang sa pinto...namumutla sabi niya kailan ka umuwi...sabi ko ngayon...dumaan lang ako teka di ba dapat namiss mo ako parang ayaw mo yata nandito ako...tampo ako habol naman siya kunyari ...yun pala nasa kuwarto niya yun babae..hehehe noong hinahabol ako ni mokong tumalilis agad yun babae palabas...ehh may nakakita sinumbong sa akin...pero nanahimik ako...sabi ko kailangan mahuli ko...so after 3 days balik ako sa kanila na hindi niya alam..diretso ako sa kuwarto niya....Ayun...kitan g kita ko sila...:eek::eek: di ko na alam halo halo na yun emosyon ko...sinabunutan ko talaga yun girlalooo habang umaawat siya...aba sa sobrang galit ko yun isang kamay ko nakasabunot sa babae at yun isa kamay ko isang matunog at malakas na sampal ang binigay ko sa mokong..ehh di tumigil siya sa pag awat...heheheh:D:D kinaladkad ko si girlaloo palabas ng gate habang nakatingin ang mga kapitbahay at ang mga kapamilya ng mokong...yun mother kasi niya at kapatid kampi sa akin ehhh:D ayun umiyak si mokong....ako pa ang sinisisi sabi niya kung di ko daw pinagpilitan mag japan di daw sana siya nagka gusto sa babaeng yun...kung di ko daw siya iniwan di daw sana siya nagkaganoon atsaka ang sabi niya di daw niya alam kung baka ano na ginagawa ko sa japan...:( ako pa pala may kasalanan:O
pinapili ko siya ako...o yun babae...pinili niya naman ako...pero kinausap ko siya na babalik pa rin ako ng japan....kasi kailangan kong bumalik dahil may pangako akong binitiwan sa nanay ko....pero niyaya ako ni mokong na magtanan na lang:D di ako pumayag....bumalik pa rin ako dito:D umiiyak siya noong umalis ako....hanggang sa nalaman ko na lang na wala na siya..........

gerbie
03-25-2008, 03:41 PM
hanggang sa nalaman ko na lang na wala na siya..........

sumalangit na? :eek:

michi_28
03-25-2008, 04:57 PM
kainis naman pala yung nangyari ano..!! tama lang yung ginawa mo sa babae! sana sinipa mo pa yung sikmura nya!1 hehehe..! over na!:D
sis.... anong " wala na siya"?:D

my_style0729
03-25-2008, 05:10 PM
hello sis,wala bang thread na ang tittle "niloko mo ba ang mahal mo?":D jowk lang po!:bonk:

angel20
03-25-2008, 05:11 PM
siguro natabunan na sya ng lupa haha... ay, kakainis at kakatuwang balikan ang nakaraan..... :p

jp,to,hiro
03-25-2008, 05:14 PM
sumalangit na nga kaya?:eek: tuloy mo sis waiting mode ako

wolfgang
03-25-2008, 05:35 PM
sumalangit na? :eek:
wala na siya sumalangit na ...3 months pagbalik ko dito sa japan......kasi ni tawag wala kahit sulat....huling usap namin narinig ko kasi may babaeng tumatawa....kaya binagsakan ko ng phone... yun pala huling usap namin... tumawag ang ate ko sa akin sabi yumao na daw...nagkikipag-inuman daw sa barkada...tapos ayun nabaril sa ulo...iyak ako ng iyak noon kasi di ko matanggap na dahil din sa akin bakit siya napatay...kasi nakikipag-hiwalay na siya sa girlaloo niya. dahil nga papakasal na daw kami pag-uwi ko ...ehhh di daw yata matanggap kaya ayun kinuchaba yun tropa niya....habang naggigitara daw ng stairway to heaven.... binaril sa sintindo:O ayun tinotoo na kanta niya..umakyat na siya ng hagdanan:D tuloy ang sisisi sa akin ng magulang niya kundi daw ako nag japan buhay pa daw sana siya:O at kung nagpakasal daw sana kami bago ako bumalik dito...di daw sana na bumalik si Bf kay girlaloo dahil alam ko naman daw kung paano nalungkot yun anak nila noong umalis ako... kung kasal daw kami mawawala daw yun takot ni BF ko na iwanan ko siya at ipagpalit sa iba....hayyyzzz sa akin lahat ng sisisi....kung alam lang din nila kung paano ko dinamdam yun pagkamatay niya.....
kainis naman pala yung nangyari ano..!! tama lang yung ginawa mo sa babae! sana sinipa mo pa yung sikmura nya!1 hehehe..! over na!:D
sis.... anong " wala na siya"?:D
naku makapal apog noon babae na yun....kahit nandoon ako sa bahay ng BF ko sige pa rin ang tawag...ako naman ang sumasagot at sinasabi ko naman sa kanya na puwede ba hayaan mo muna kaming magsama tutal di naman ako magtatagal sa PInas dahil malapit na akong bumalik sa japan...puwede ba hayaan mo muna kaming matahimik....:mad: pero kapal mukha talaga inaabangan niya yun BF ko pag maglalaro ng basketball ...hihingi siya ng pera pang gatas ng anak niya...ginawa niya pang gatasan BF ko...:mad::mad: ehh palibhasa siguro magaling sa....:shutup: .kaya naisip ko kailangan siguro magpaka dalubhasa rin ako sa ka...,,,,.may:D kaya lang baka naman magduda si BF na baka nga kung ano anong ginagawa ko sa japan na kababalaghan at biglang naging dalubhasa ako:D:D

eto pa sinulatan ako ni Girlaloo na yun ..at pina abot niya sa barkada ni BF at nagulat ako at natawa sa nakasulat:eek: aba...Lyrics ng Kanta ang binigay .... Kunin mo nang lahat sa akin wag lang ang aking Mahal:D:D ayyyyy naloka ako doon at may nakasulat pang PS.
Nakikiusap ako sayo hayaan mo na kami:mad: ako pa naging Kontabida sa lovelife nila:mad:

wolfgang
03-25-2008, 06:37 PM
eto pala yun kanta.....maganda sana yun kanta.....kung di lang nagpapa-alala sa akin ng girlaloo na yun:mad::mad::mad: ako pa naging mang-aagaw :D:D
Rod_uB8tRbg

maimai
03-25-2008, 06:43 PM
@wolgang bakla~~~


pwede pwede yan sa MMK o di kaya sa Magpakailanman ang labstory mo~~!! :lol:

wolfgang
03-25-2008, 06:51 PM
@wolgang bakla~~~


pwede pwede yan sa MMK o di kaya sa Magpakailanman ang labstory mo~~!! :lol:
bakla ...korek ka diyan...sinubukan ko ngang isulat ito:D noong bagong patay pa lang siya ...pero di ko tinuloy kasi di happy ending ehh:O:p
naalala mo ba yun picture na dala dala ko sa EB noon heheheheh...di ba emote mode ang lola mo...siya po yun....pero noong umuwi ako sa Pinas...iniwan ko na lahat ng pictures niya
pati yun buhok niya na ginupit ko at pinadala niya sa akin bago ako pumunta ng japan...binalik ko na sa nanay niya.....kasi siyempre may sarli na rin akong buhay ehhh
masarap nga lang alalahanin....yun nakaraan:D

angel20
03-25-2008, 07:17 PM
oo totoo yan kasi pag sinabi mo na ayaw mo ng balikanang nakaraan ibig sabihin nun di ka pa na ka moved on..kaya ok lang na balikan ang nakaraan atleast yun ang nagpalakas ng loob natin para harapin muli ang bukas diba???at syempre yun ang nagpapalakas ng ating mga loob...

wolfgang
03-25-2008, 07:42 PM
oo totoo yan kasi pag sinabi mo na ayaw mo ng balikanang nakaraan ibig sabihin nun di ka pa na ka moved on..kaya ok lang na balikan ang nakaraan atleast yun ang nagpalakas ng loob natin para harapin muli ang bukas diba???at syempre yun ang nagpapalakas ng ating mga loob...

korek...masaya na ako sa buhay ko.....ewan ko lang kay Girlaloo kasi yun nakita ko siyang last may bitbit na batang uhugin ehhh:D nagpalipat lipat ng BF at naka ilan anak na rin.....pero aaminin ko galit na galit pa rin ako sa kanya:mad::mad::mad: sana buhay pa si yumao...nagparaya rin naman ako ehh...Sana hinayaan na lang niyang buhay ....pinagbigyan ko siya ... ehh...noong time na alam ko na siya yun tumatawa sa phone....binagsak ko ang tel po sinabi ko sa BF ko sige diyan ka na kay Girlaloo...kahit masakit....sa akin tinanggap ko....bakit noong ako na ang pipiliin .... di niya binigay.....:O:O Sana binuhay niya :mad::mad: pareho kaming nawalan :( pero siya mas nawalan dahil napariwara siya:mad::mad:
pag nababalitaan ko nga yun girlaloo na yun naiinis ako talaga lalo na kapag naiisip ko na walang nakulong sa kanila:mad:

infinite_trial
03-25-2008, 07:47 PM
those lil things he did that drove me crazy. gave him the last straw, then another...ignored those lil stuffs...then he did it again. hurts more when he does it right in front of mah face and everyone, for all mah friends to see. askin forgiveness but does otherwise.

michi_28
03-25-2008, 08:26 PM
kakalungkot naman pala yung love story mo!!! ganyan lang siguro ang buhay! hindi naman ibibigay or ipapadama sa yo ng god kung di mo kaya! kaya ngayon matatag at matapang ka!!!:)

shakey
03-25-2008, 10:20 PM
eto pala yun kanta.....maganda sana yun kanta.....kung di lang nagpapa-alala sa akin ng girlaloo na yun:mad::mad::mad: ako pa naging mang-aagaw :D:D
Rod_uB8tRbg


sis ang ganda naman ng song...sya ba yan?kakalungkot naman ...sana nasa langit na sya...sana na full recover ka na po.:O

marin chang
03-25-2008, 10:38 PM
nakakatuwa naman tong thread na ito..nakaka aliw..maaalala mo pati ang sarili mong nakaraan..at matatawa.....hay life....:p

maimai
03-25-2008, 10:47 PM
eto pala yun kanta.....maganda sana yun kanta.....kung di lang nagpapa-alala sa akin ng girlaloo na yun:mad::mad::mad: ako pa naging mang-aagaw :D:D




:whistle:kunin mo na ang lahat sa akin:whistle:~~~ahih ihih~~kinuha nga sya~~R.I.P..:D

louvette_15
03-25-2008, 10:55 PM
may nakilala ako dati na seaman. good to be true tlga sya kya na fall in lab ako in a short period of time..matapus syang pumasa sa exam pra maging 2nd mate, saka nya lng sinabi saking may asawa't anak sya at kaya nya daw buhayin kming dalawa ng asawa nya...smile lng ako pero gigil to the max feeling ko nun...nagka chance ang paghihiganti ko ng magkita kmi ule ng big brother nya..the next time magkita kmi ni seaman dun sa haus ng parents nila dahil pinakilala ako ng kuya nya sa mother nya....bwehehehe...

marin chang
03-25-2008, 10:56 PM
:whistle:kunin mo na ang lahat sa akin:whistle:~~~ahih ihih~~kinuha nga sya~~R.I.P..:D:lol:

maimai
03-25-2008, 11:05 PM
:lol:


hehehe~~tawa ka dyan marin_chang~~~baka multohin tayow:eek::D

~ako naman sa awa ng Dyos..di naman ako niloko....baliktad lang ang nangyari sa amin..:p

myth67
03-25-2008, 11:29 PM
ako rin naloko nako ng asawa ko abay hindi pala sila nagbreak ng girlfriend nya kahit magkasama na kami sa bahay siguro sa labas sila nagkikita, kinasal kami at nagka anak na kami't lahat, magjowa parin sila lastyear ko lang nabuko nung magumpisa ako mabore sa bahay at walang magawa kinalkal ko ang cellfone nya at ayun nakalimutan siguro idelete ang message ng girl, una diko muna sinabi sa kanya pinigil ko muna at kinausap ko muna yung girl at shock sya sa lahat ng narinig nya, sabi naman ng girl eh may boyfriend rin naman daw syang iba, at di naman daw rin sila madalas magkita rin kasi nga busy nga daw asawa ko sa trabaho, tapos ayun hinarap ko ang loko gomen ng gomen na parang aso nakaluhod sa akin at nagmakaawa na patawarin sya at di na nya uulitin, pinatawad ko naman sya pero parang hindi na 100percent tiwala ko sa kanya,
kakatrauma talaga grabe. shoganai...that's life...ngayon naman eh wala pakong nabubukong ibang bagay siguro nagpapakagoodboy na.:p

honey
03-27-2008, 10:26 PM
Naiimagine ko mga kwento nyo:D.


Ako naman non nakita ko rin sa akto ang 2nd BF ko non na may katabi syang girls kaliwa't kanan nakadantay at harapan pa sila nakahiga sa kwarto.Biglaan kasi pag dating ko sa bahay nila e! nun nakita ko silang natutulog pagbukas ng pinto dahandahan ko pang isinara at lumabas na ako ng bahay nila e nakita nya pala ako kaya humabol sya sa akin.Hindi ako nalungkot umarteng malungkot lang pero ang totoo nagiisip ako ng paraan para mahiwalayan sya dahil di ko talaga sya feel nireto lang e tamang tama wala naman akong karelsyon non kaya ok na din:p.1 linggo lang may bf na ako may nanliligaw kasi sa akin non e at yun ang feel ko :D.

marin chang
03-27-2008, 10:33 PM
Naiimagine ko mga kwento nyo:D.


Ako naman non nakita ko rin sa akto ang 2nd BF ko non na may katabi syang girls kaliwa't kanan nakadantay at harapan pa sila nakahiga sa kwarto.Biglaan kasi pag dating ko sa bahay nila e! nun nakita ko silang natutulog pagbukas ng pinto dahandahan ko pang isinara at lumabas na ako ng bahay nila e nakita nya pala ako kaya humabol sya sa akin.Hindi ako nalungkot umarteng malungkot lang pero ang totoo nagiisip ako ng paraan para mahiwalayan sya dahil di ko talaga sya feel nireto lang e tamang tama wala naman akong karelsyon non kaya ok na din:p.1 linggo lang may bf na ako may nanliligaw kasi sa akin non e at yun ang feel ko :D.
ayos!:biglaugh:

sky
03-27-2008, 11:48 PM
nakakasuklam pa rin pag naaalala ko ~~~~~

kaya lang pala ako niligawan noong matagal ko ng mahal (ang pangit naman nya .ewan ko kung ano nagustuhan ko dun noon hehehe :D)

eh dahil utos lang ng lider ng frat nila ~~~ na kababata ko,~~~ mga lintek na yun naawa daw yun kababata ko kasi sobra daw TL ako (tulo laway kay Ugly :O)
kaya yun daw yun parusa (nga ba yun bago maging certified member ng fraternity? )

sayang yun sobrang saya at kilig at matatamis na ngiti na namutawi sa aking labi nang panahon na yun grrrrrr plus napahiya pa ako sa madlang peoples puro pintas pa inabot ko na wala daw akong mata dahil di ko daw nakita kung gaano sya kapangeettt ....buti na lang may madada akong fren na di nakatiis na di sabihin sa akin ang kanyang nalalaman ..

ayun hambalos ng BMX napala nya sa Akin .ayun binata pa rin heheheheh .magpahinog sya wala na gu gusto sa kanya .lumaki na tyan lalo pa umitim yak :D

グレン
03-28-2008, 04:43 PM
simple lang masasagot ko...

OO!!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!!!!!!

at ayaw ko nang isipin ulit yun...
heheehehehe.

angel20
04-19-2008, 08:09 PM
salamat sa pag share nyo ng inyong karanasan...marami pong salamat, masarap kasing balikan ang mga nakaraan lalo na kung ang pangyayari na yun ay syang nagpalakas syo at nakapagpatatag ng loob natin...salamat po ng marami...

mariepippe02
04-19-2008, 09:02 PM
ako namn po ay 8 yrs kmi dati ng bf ko pro on n off kmi nun,malayo ako sa kanya dhil napunta ako ng tarlac pra mag aral at sya niwan sa probinsya namin pro nagsusulatan pa rin kmi,sav ko ok lng na mag gf cya kc malayo naman ako at ganun din ako pwede ako mag bf pro mahal namin isat isa kahit ganun ang set up namin.ngayon napag usapan namin na basta pag umuwi ako samin wala dapat ang girl na madatnan ko sa knila pro alam ko kasalanan ko rin naman kung bkit kmi nagkalayo dhil parang ako na rin nagtulak sa kanya sa iba.nung umuwi ako samin nadatnan ko girl sa bahay nla nagulat cya nasampal ko cya.tapos marami pa cya mga gf maliban samin.nag sori cya sakin tinanggap ko naman kc mahal ko nga sya d ok na uli kmi.pro nangyari may natuklasan pa ako na may gf pa pla cya.minsan hiniram ko cel ng pinsan ko ngayon nakita ko may nakalagay gf kuya tiningnan ko yung no.yun pla hindi sakin yung no.kundi sa ibang babae,mula nun nakipag hiwalay na talaga ako sa kanya bumalik nlang ako ng japan,pro masakit pla talaga pag malaman mo na yung mahal mo eh ikakasal na sa iba grabe iyak ko nun kc mahal na mahal ko cya.mas boto din magulang nya sakin kaso walang nangyari sa 8yrs na relasyon namin naglahong prang bula.kya pag naaalala ko yun nanghihinayang pa rin ako!pro ngayon may bago na uling pag ibig na dumating kya masaya na uli ako!:):):):):):)

ensanguined
04-19-2008, 11:25 PM
yeah. 裏切りことはあったよ。Twi ce pa nga eh.

There's one that I met from an online community. I'm able to met her because that time she was really suffering from extreme depression. She had an affair with someone she met from chat community din. Out of sympathy, I tried to cheer her up, and it worked. This thing requires some constant checking because of her chronic depression so I have to give her some time like eventually checking on her, see to it that she's still OK. Sometimes I have to make some e-cards to cheer her up and she liked it naman so far. Then as time pass by, we really get close to each other, sometimes we end up talking in the phone until early morning, and we seems to lose our voices. We get to know each other whereabouts, she turned more than someone, she treated me the same and even set rules on me, like I should be at home when she call. I eventually find myself making some e-cards until I gained enough skill to make a website. etc, in short we've moved somewhere higher than friends. 彼女に好きって言たんだった。 I asked her if she feels the same, she said instead. "Would I spend my time very late talking with you on the phone if I don't". But she didn't say it directly. Then, I made a vow to her that I would never abandon her cause, BUT I would just be gone if I feel that she doesn't want me anymore.

Then everything went OK after that. I really cared for her, to the extent that sometimes I feel like I'm pampering her too much, but I really don't mind as my reasons that time states me, I will do anything for her.

But, one day I just found out from her friends that she just had a boyfriend she just met 2 days ago in the chat. So I was surprised, I called her immidiately and she admits it, but said it is true but she's just teasing. I asked her why is she doing this, and to my surprise said to me, never naman naging kami. Brokenhearted, I tried to stray from her. I had difficulties as old habits are hard to break. I often found myself playing UFO-catch stuff animal games to kill time. But that's what I want to think, but actually I was planning to gave all the stuff animals to her should there be some time to reconcile. I stocked up a big pile, but in vain.
Then, after nun I just said to myself I must accomplish something big para ma notice nya ako. I did my best para pumasa sa boards, talagang 16hrs/day, I detained myself in my room just to study and whenever I would feel lazy, I would just think kung paano ako basta na lang iniwan. I passed, then just days after that she tried to call on me to check kung kamusta na ako. Everything seems to work. Pero hindi na kami ganun ka close. It seems nakalimutan na niya ako, though it is just one way around.Until one day, her father died. I heard the news and went in their place. Tapos, nung burial, she's crying tapos all I can see is her in the shoulders of someone.(different person din to). Talagang overkill sakin yung scenario na yun. It is hard for me but I tried to accept her as someone like more than a friend, but less than a girlfriend.

I decided to hit high by working here in Japan, so I did. Here, I met an officemate. She is very unique to typical person that I meet. Could it be her warm personality that hit on me or her simple beauty, I can't tell. All I know is that I like her and would do what it takes just to be worthy of her. It started through couple of mail message, and I just eventually find myself liking her smile everyday, waiting for her to arrive and thus her presence completes my day. I told my feelings to her, but she didn't feel the same so it is OK. I just think that we should at least keep our friendship, and she said yes though that doesn't seem to be the case. There are times that I would hear gossips about my mail, words by words being passed to workmates. And I would just hear them laugh. Perhaps, a penalty for a wrong move. Then we get cold, we don't speak a word whenever we would pass-by each other. I tried to think that she is someone special turned somebody, but I am just lying to myself, because deep inside I know that her smiles are so precious I would rather look from a far. On Valentines day, when I was out with my workmates, I'm surprised to see her walked in front of us, お疲れ様ですって言ってた。W ow, I saw her face again up close, but it kinda gives me some impression, like I won't be able to see her anymore. Unusual yun, kasi usually she would go out with her lunch buddy with her. I know meron siya gusto iparating dun. Then, 2 days after VD that, narinig ko na lang meron na siya BF. Talagang grabe, I feel really hurt that I just want to get myself busy, and wanted to work until to my last guts, until I can't feel anything. I want to get myself tired so I won't think of her anymore. Pero mahirap, everyday I can see her at our office, talagang sobrang tormented feelings, and still ako pa rin ang main menu nila ng friends niya.

Pero yun, lagi ko pa rin siya nakikita. As usual, I kept lying to myself. I still like her, pero ano magagawa ko. Wala na. But in one point, whenever I would see her, whenever my workmates would mention about her, whenever I would feel some pain from her, it motivates me to change myself, not for bad but to be a much better person. On the otherhand, nakikita ko naman siya, eye-candy pa rin sakin, to be honest. And I think mas gusto ko yung smiles nya ngaun. Masaya siya siguro sa BF nya ngaun. So, tingin ko OK lang.
Goalは同じだ。

Sorry for the long message, got carried away.
How I wish the painful things just get washed away or something.

Soju6
04-20-2008, 12:41 AM
" Damn LOverboy!!", some guys have all the luck huh?

Do you brush your teeth? Do you take shower everyday? Di ka naman unano?

Check your wardrobe buddy. Baka sloppy ka magdala ng damit, yung hair style mo ..kailngan neat.
Baka naman kaya yung kilay mo mag kadikit? Di ka naman kaya duling ?

My point is....baka may roon diperensiya sa iyo Or baka meron kang dapat ayusin sa sarili mo o dapat baguhin.

KUng wala naman, siguraduhin mo lang na lagi kang malinis at mabango...ayusin ang pananamit and just be cool...good things will happen.

ensanguined
04-20-2008, 01:18 AM
" Damn LOverboy!!", some guys have all the luck huh?

Do you brush your teeth? Do you take shower everyday? Di ka naman unano?

Check your wardrobe buddy. Baka sloppy ka magdala ng damit, yung hair style mo ..kailngan neat.
Baka naman kaya yung kilay mo mag kadikit? Di ka naman kaya duling ?

My point is....baka may roon diperensiya sa iyo Or baka meron kang dapat ayusin sa sarili mo o dapat baguhin.

KUng wala naman, siguraduhin mo lang na lagi kang malinis at mabango...ayusin ang pananamit and just be cool...good things will happen.

ako ba? Sorry ah.
I do brush my teeth, sabi nga nila sobrang tagal ko mag brush ng teeth. I take shower twice a day, I stand 6'1".

So far marunong ako magdala ng damit. Hairstyle ko, ok naman, I don't consider an afro though. I know personal hygene. Hindi magkadikit kilay ko. At least I always try to smile, and of course I have normal eyes.

I guess yeah, actually I'm on the process of changing.

Thanks for the advice though, I just posted it here para i-relate sa topic. Nothing else. And I also think, some guys really have the luck. No matter how hard we try, talagang ganun.

Soju6
04-20-2008, 01:46 AM
ako ba? Sorry ah.
I do brush my teeth, sabi nga nila sobrang tagal ko mag brush ng teeth. I take shower twice a day, I stand 6'1".

So far marunong ako magdala ng damit. Hairstyle ko, ok naman, I don't consider an afro though. I know personal hygene. Hindi magkadikit kilay ko. At least I always try to smile, and of course I have normal eyes.

I guess yeah, actually I'm on the process of changing.

Thanks for the advice though, I just posted it here para i-relate sa topic. Nothing else. And I also think, some guys really have the luck. No matter how
hard we try, talagang ganun.

They don't know what they are missing, specially that girl in your office.
Forget her, don't even look at her direction.

Don't try too hard na mag karoon ka ng GF (baka nanduon ang problema), take it easy, be cool and be patient. SAbay-sabay ding lalapit din sa iyo yang mga yan.....at baka di ka mag kanda-tuto sa pagpli.:eek:

maque
04-20-2008, 08:04 AM
nag enjoy ako basahin ang mga experiences ninyo...share ko naman din ang sa akin

sa mga naka fling ko at naka MU... sa kanya lang ako naging seryoso at sa kanya ko lang masasabi na siya ang BF ko at pinakilala ko siya sa mga friends at barkada...... at first di maganda ang reaction ng mga barkada kong lalaki pero they respect my decision... nasa face palang daw ng bf ko ang pagiging chickboy nito...pero di ko naman pinansin yun dahil sa kanya ko lang nakita ung care at love na di ko nakita sa iba... we work things out to prove my families and friends na mali sila sa mga hinala nila... naging close na rin ako sa family ng BF ko... every weekend pumupunta kami ng province nila to visit his nanay at tatay... we lasted for three years na almost everyday nagkikita at every hour nag uusap...

it was december anniversary ng singles for christ ng ma meet namin ang girl na nililigawan ng isang ka bro namin... at dun nakapagbonding kami ng girl kahit saglit dahil pinakilala ko pa siya sa ibang sis namin at mismo kapatid nung nanliligaw sa kanya...i make it a point na hindi mabobore ang girl that day... so it was the beginning para mag end ang isang relasyon pala....

my bf was very busy after then dahil sa review nya at minsan di na kami nagkikita dahil sa malayo ako at may klase pa siya after work... kaya hanggang usap mo na kami sa phone... di ko alam lagi pala nagtetext yung girl sa kanya... yung bf ko naman nagrereply at nirereto ang kaibigan niya para sagutin ng girl hanggang sa umabot sa point na malaman niyang siya pala ang gusto ng girl...at dont know what really happens naging sila na di ko nalalaman...

one night yung isang barkada kong lalaki called at kinausap yung barkada kong babae...at tinatanong niya dun kung kami pa ba ng bf ko...sabi niya oo naman at ask nya bakit daw... it was because nakita niya ang bf ko na may kasamang kumakain sa mcdonalds...at dun na nagalit ung barkada ko... though ayaw sana nilang sabihin pero nasabi din nila sa huli at dahil dun confront ko ang bf ko... of course deny to death siya at isang kaibigan lang daw yun... so naging ok kami dahil sa pag uusap na yun....the next day i received a call again from my friend at sinabi niyang nakita niya na magkaholding hands talaga at right there and then nag half daw ako sa work at pinuntahan ko ung clinic where my bf worked.... dahil sa di ko alam ang gagawin ko nag snack muna ako sa katabing dunkin donut... at di ko pa natapos ung kinakain ko as in nakita talaga ng dalawa kong mata na magkasama silang dalawa at nakaholding hands nga...at ng magpakita ako sa harap nila... bigla bumitaw sila sa isat isa...at dali daling umalis ang girl sa crime scene.....maraming eksena ang sumunod nun hanggang sa nasampal ko talaga ung girl....

my bf and i tried to settle things to have another chance but i cant forget the pain that struck on me that very day ng makita talaga ng mga mata ko ang katotohanan... for a month we were arguing but he still courts me for another chance... iniyakan ko siya for a month... mga
kaibigan namin tumulong to settle us ...may agree at may disagree... pero yung mga barkada ko as in 100% dis agree to continue the relationship... i wont forget the month of "march" and cried everywhere kahit sa work ko at nasa phone palagi.... ung mga ka officemates ko na usually guys tried to please me na para di na umiyak at palagi akong binibirong wag lumapit sa phone dahil pag may kausap ako sa phone umiiyak tlaga ako...

i cried dahil sa alam ko na hindi ko na pwedeng ibalik ang trust ko sa kanya at dahil na rin sa di na matutuloy ang pinaplano naming kasal which we plan sana the next year... i cried dahil sa lahat ng investment ko sa kanya...pero i fought and decided na after a month of crying i will forget him na..... natapos ang relasyon namin ng walang closure tlaga... and i started dating... at one day after ng exam niya i texted him and setting him free na at ako na ang nagparaya kahit "sabi" niya di siya payag...dahil sa paghihiwalay namin at dahil sa madali akong nakahanap ng kapalit niya ...super galit na galit siya sa akin to a point na muntik na kaming umabot sa demandahan.....at sa point na sinisiraan niya ako sa current bf ko mabuti naman at di naniniwala ang current bf ko sa kanya..... hanggang siya na ang naggive up sa awayan namin at from then on hate ko tlaga siya until ngayon di pa rin maganda ang samahan namin kahit friends lang... at dahil sa hate ko sa kanya lahat ng good memories namin nawala....

Gerri
04-20-2008, 10:26 AM
may nakilala ako dati na seaman. good to be true tlga sya kya na fall in lab ako in a short period of time..matapus syang pumasa sa exam pra maging 2nd mate, saka nya lng sinabi saking may asawa't anak sya at kaya nya daw buhayin kming dalawa ng asawa nya...smile lng ako pero gigil to the max feeling ko nun...nagka chance ang paghihiganti ko ng magkita kmi ule ng big brother nya..the next time magkita kmi ni seaman dun sa haus ng parents nila dahil pinakilala ako ng kuya nya sa mother nya....bwehehehe...

ayows!!!!!!! :thumb: :dowave: :jiggy:

baklita
05-29-2008, 03:03 PM
hindi ah! siya ang niloko ko.
ayoko sanang aminin sa kanya
pero nahuthot ko siya.

nakabili ako ng high definition tv, noh!

aihihihi!!! :lol:

baklita

nakz2008ab
05-31-2008, 05:03 PM
hello sis,wala bang thread na ang tittle "niloko mo ba ang mahal mo?":D jowk lang po!:bonk:
hahhahaha napatawa mi ako ah.........

mamimo
06-02-2008, 12:02 PM
oo naloko na at para sa kin ok lang kasi baka magkaron ako ng wisdom I mean dala` pala:p

ayumi31
06-02-2008, 12:34 PM
ako rin po naloko na nang mahal ko kaya ayaw ko na syang isipin pa kasi sumasakit ang puso at nababadtrip lang ako pag naaalala ko yun eh...:Dgusto ko rin share ang story ko kaya lang sobrang haba nun...