PDA

View Full Version : Ano pagkakaiba ng anak na boy sa baby girl ?


luckycharm
03-25-2008, 12:27 AM
34 wks. na po kasi ako at first time Mom. tanong ko lang sa mga may mga chikiting na dito kung ano ang pagkakaiba ng anak na lalaki sa anak na babae ??
Sabi kasi nila mas mahirap daw magpalaki ng anak na lalaki,malikot etc... ?? pag babae naman daw buriko.pero pag lalaki maki nanay daw at malambing.
Share naman kayo kung ano ang kagandahan ng baby boy sa baby girl na anak.
Baby boy po kasi ang dinadala ko :)

erokawaiiAYA
03-25-2008, 12:37 AM
hi sis lucky charm:)


baby girl - marami kang pwedeng ibihis, iba iba ang damit,ibat ibang kulay, pwede mong ayusan ng buhok, maraming klase ng sapatos na pwede mong isuot, talagang ang cute.:)

baby boy - iisa lang ang style ng damit, medyo magana kumain kaysa sa babae, medyo malikot, talagang nakakapagod:Dibang iba talaga

pero syempre sis, kung anung ibigay sa atin ni God, kung bakit yun ang ibinigay nya sa atin , me reason yon. Kahit girl or boy, kapag nasa atin na, hindi na natin mararamdaman ang difference nila, wala na tayong mahihiling pa.:)dahil iba talaga ang kaligayahan ng pagiging isang Ina. ;)

louvette_15
03-25-2008, 12:45 AM
ung anak kng lalaki nung baby pa hindi iyakin as in d mo malalaman may baby pala sa bahay.. etong baby girl ko, may tupak eh.pag hindi nakakarinig ng boses nag iiyak kelangan lage mong kinakausap pag gising.pero ang cute talaga dahil maraming pwdeng ibihis at my accessories na sya... nung sa panganay ko kahit mag isa akong nagpalaki parang hindi ako hirap at buryong para kasing nakakaintindi na kahit maliit pa, pero ngaung may tatay baby girl ko parang feel kong pagod eh..dko nga maintindihan...

tabako
03-25-2008, 06:24 AM
wala pa kong girl kya di ko alam! wish ko lang magkaroon din ng girl:)

kawaii5322
03-25-2008, 09:22 AM
pasali rin po

baby boy yung baby ko napakaiyakin nya talaga ng baby pa sya. tulad ng sabi ng iba nting ka tf wala ka masyado maayos pag boy laging tshirt and shorts lang rubber shoes kalimitan yun lang mga gamit nya. pag lumalaki na magastos na po kasi nahihilig na sa mga electronics ds,ps,computer halos lahat ata gadgets gusto. in terms of attitude my mga boy naman na sweet.

wala pa po akong anak na girl pero wish ko magkaroon pero yung sis ko girl yung baby sobra kulit. nakakatuwa ayusan mas may bonding pag girl kasi yung pamangkin ko kikay din lahat ng gamit ko lagi sinusuot. and mas malambing ata talaga pag girl.

katty0531
03-25-2008, 11:01 AM
Baby girl saken..di ko alam baby boy...iba iba naman yata eh, meron super iyakin meron ding tahimik depende po sa bata...di talaga maiiwasan ang pagod syempre nandyan talaga yan pero ilang months lang naman...sa kalikutan...umm...ma likot din kahit girl hehehe...itong akin dalawang beses na nahulog...oh my! talaga shock ako! ewan ko full time mom naman ako tanga parin ako...im not perfect! i admit...first hulog nya sa upuan nya while im ironing her clothes nasa harap ko lang sya nakalimutang kong i belt...God! talaga nanginginig ako! di sya umiyak 4 months sya non...

Pangalawang beses sa bed naman! nag ofuro ako si hubby na nonood ng t.v. sa living narinig nalang nya hulog ni baby...6 months sya, ahhh~~~sabi ko papa x-ray namin kinabukasan...takot na takot kaming dalawa. Sa awa ng Dios, genki at bibo parin naman si baby! (ngayon sa crib na sya natutulog)

Taihen at di biro talaga mag palaki nang bata, para saken malaking responsibilidad talaga, pero everyday is a learning experience...mahalag a natuto tayo at more more pag iingat. BOy or Girl pareho pong masaya at masarap, mahirap pero fulfilling.


katt