PDA

View Full Version : guarantor for tourist visa..


kitt10
03-25-2008, 04:37 AM
hello po mga ka-TF..

pwede po makahingi ng suggestion or input sa inyo?

gusto po ng boyfriend ko na dalawin ako dito this coming golden week.. sya naman po ang magsshoulder ng plane ticket and other expenses nya dito.. pero i think kailangan pa rin ng guarantor from japan tama po ba? so ang initial plan po eh ako ang magiging guarantor nya.. nagrequest na po ako ng bank certificate at sa wednesday ko sya makukuha.. na-prepare ko na rin po ung mga necessary documents like schedule of stay, guarantee letter, letter of invitation and some of our photos.. pero kahapon po e na-mention ng boss ko na willing din sya na maging guarantor kung sakali.. at sabi nya e mas malaki daw po ang chance na ma-approve ung application pag sya ang magsi-serve as guarantor.. plus i've been here in japan for half a year palang so medyo worried din ako na baka hindi nila i-approve ung application dahil dyan..

pwede po kaya na yung boss ko ang maging guarantor kahit hindi naman po sila magkakilala? at kung pwede po, ano po ung documents na hihingiin ko sa boss ko?

sorry po naparami ung tanong ko.. thank you in advance.. :)

P.S. im not sure kung tama po na gumawa ako ng thread na bago or dapat po bang i-add ko nalang tong questions ko sa other threads na related sa concerns ko..

ninong
03-25-2008, 12:01 PM
kung ako ang nasa lugar mo,mas pipiliin ko na ako ang maging guarantor kesa sa boss dahil

1. mahina ang relasyon between ng boss mo at bf mo.ikaw ang point of contact ng dalawa.boss mo lng sya.employment lang ang relasyon nyo. bf mo lng sya.hindi pa ganoon katibay ang relasyon nyo.

2.mahina ang reason ng pag guarantee ng boss mo sa bf mo.kaya ba nya ibigay yung 3 na mentioned sa guarantee letter sa hindi nya kaano-ano?gagastusin ba ng boss mo ang sariling pera nya para bayaran ang bills ng bf mo if naubusan sya ng pera sa japan?

mas mabuti,ikaw na lang ang mag sponsor.kung sya naman ang magbabayad sa expenses nya, walang problema basta ma prove nya na may sapat syang supply.

kitt10
03-25-2008, 01:46 PM
thanks for your reply "ninong"..

may point po kau.. pero kinonsider ko lang po ung offer ng boss ko na maging guarantor kasi nag-aalala po sya na baka hindi daw po nila i-honor ung pagiging guarantor ko since 6 months palang ako dito sa japan.. posible nga bang ma-deny un? :confused:

chichay
06-11-2008, 11:09 AM
Ako naman, in my opinion, mas pipiliin ko na yung boss mo ang mag-guarantor sa bf mo...knowing na 6 months ka pa lang sa Japan. Paano ka namang magga-guarantor sa bf mo e di ka naman permanent visa holder ng bansang Hapon? Yung business ng employer mo, credentials (like tax paying Jap. citizen) niya, enough na yon para mag-guarantor sa foreigner. I-reason lang ng employer mo sa Jap. emb. na kukunin niya itong taong ito (bf mo) na ni-recommend ng staff niya (ikaw yon) para magtrabaho sa kaisha niya. Pero kailangan hindi mag TNT bf mo at malalagot ka sa boss mo.

yui
06-11-2008, 12:38 PM
hmnn.. kung ako din po nasa lugar mo mas gusto ko yata ako na lang magguarantor. I agree with ninong san. hindi naman sila magkaano-ano ng boss niyo. san category po ba magfafall yun? Hindi naman siya magtatrabaho para sa boss niyo, magulo po yata..

Check mo po yung website ng japan embassy jan sa atin may mga category yung visa application kung meron yung relationship ng boss at BF niyo go for it :king:
but personally, mas maganda siguro kung kayo na lang.. except... hindi po ako sure dito ha.. pero meron yatang company na pinapayagang makarating family niyo, ah yes naalala ko na yung mga dependent visa kapag nagtatrabaho ka dito may company na pumapayag isama mo family mo. sila din magaasikaso nun... kaso magBF pa lang po kayo:(

rad
06-11-2008, 01:24 PM
hello kit10 san, nakita ko na marso pa ito. nakarating ba ang boyfriend mo last golden week?

kitt10
06-11-2008, 01:59 PM
hello rad san.. sad to say, hindi po.. :O wala rin akong idea kung ba't hindi na-approve yung application.. sigh..

kitt10
06-11-2008, 02:20 PM
sowee ngayon ko lang na-notice ung posts nyo sis yui and chichay.. cguro po possible reason kaya na-deny sya e dahil sa length of stay ko dito sa japan.. anyway, thanks for your reply mga sis.. ;)