PDA

View Full Version : buhay me asawa

denise angela
01-20-2006, 06:15 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

docomo
01-20-2006, 06:25 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

Welcome to TImog Forum denise angela!:)

....Depende sa level ng kasalanan at kung hanggang saan mo kayang lunukin yung kasalanan ng asawa mo... kung kaya mo ..why not give a second chance.. everybody deserves a second chance .. doesn't we??? :)

fremsite
01-20-2006, 06:26 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

hello denise angela ...:) hmm........ opinion ko lang ito ha .. for me .. walang second chance ang nangaliwa ... di ko yata kayang magbigay ng second chance ... masakit yun ! .. di basta-basta masasabi ng " o sige .. kakalimutan ko na .. wag ka ng uulit ha ...." :karate:

Splendid
01-20-2006, 06:28 PM
for me wala ng second chance.kung nagawa na kasi ng isang beses, uulit-ulitin pa rin yan.and trust is very important,pag nawala na yon,hindi na rin siguro maganda ang relationship bilang mag-asawa.para sa akin pagmahal mo ang iyong asawa ay kahit isang beses di mo sya magawang pagtaksilan.

bell
01-20-2006, 06:38 PM
uhmmmm,para sakin diko nasya bibigyan ng second chance kasi everytime na sya ang makikita ko naaalala ko ang kataksilan nyan ginawa sakin.and kung talagang mahal nya ako di nya magagawa yon.:firehead:

infinite_trial
01-20-2006, 06:48 PM
hmmnn wala pa akong asawa pero sagot na rin ako.

your hubby must earn back your trust and must be sincere when he asks for your forgiveness. kung mag bf/gf pa kayo e di hiwalay na kagad, but things like this needed a lot of thinkin and dealin wit. your hubby must be aware that if he does it again, you might not be able to forgive him anymore.

Dax
01-20-2006, 07:09 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?
Since lalaki ako, sasagutin ko ang tanong assuming nang-lalaki ang wife ko. Siempre unang-una kailangan nya ng sincere apology at mangako na hindi na mauulit kahit kelan. Pagiisipan ko nang mabuti ang gagawin bago ako magde-desisyon. Kakausapin ko siya ng heart-to-heart kung ano ang naging sanhi ng problema. Masama ang nagawa nya, at kung mapatawad ko man siya, ay hindi ko ito makakalimutan habang buhay. Pero, (masakit man) kailangang isipin ko din na baka may mga pagkukulang ako na kailangang ayusin. Baka halimbawa wala na kaming oras mag-lambingan dahil puro na lang trabaho ang gawa ko? Tao din siya, nakakaramdam ng lungkot at may mga pangangailangan. Kung may anak na kami, malamang mas magagalit ako :mad: pero baka mapilitan akong patawarin para sa anak namin. Mahirap ang broken family. :( May anak o wala basta pag inulit pa, bainara na. :furious:

Going back to the orig question: Kung may babae siya? Wow, :eek: come and join the party! Di masaya tatlo na kami! Wakokokok. Jok jok. :roll: :king: :yippee:

ccf
01-20-2006, 07:15 PM
ako naranasan ko na yan,depende sa asawa mo at sa yong nararamdaman.ako kasi nung una gusto ko syang hiwalayan pero ipinangako nya na di na uulit at ipinakita naman nya yun kaya ok.ang problema di ko makalimutan at naiimagine ko kung ano ang mga ginagawa nilakaya tuloy lagi akong may topak at dahil kasalanan nya tiis sya sa topak ko.pero lumilipas din lalo na at pinapakita nya na nagbago sya pero di miiwasan na paminsan minsan naaalala mo na naman kasi ang sakit non ano.depende rin sa tao,na napatawad mo 1 beses e uulit pa,sa pagkakataon na yun hihiwalayan ko na,wala nang second chance.give him a chance kung 1st time lang at pakiramdaman mo rin kung magbabago,good luck sa yo

seanty
01-20-2006, 07:32 PM
sa akin lang ha, depende yan sa lalim ng sugat eh...pero second chance, pwede basta kailangan lang na i-gain nya muna ang trust ko at ma-earn nya ulit ang respect ko sa kanya, kasi pag wala na yun, wala na rin reason para magsama pa kami. love, trust and respect goes together to make a marriage work.

DaiRyouKoJin
01-20-2006, 07:35 PM
Hello Denise! welcome sa TF..ang ganda naman ng tanong mo..

gagawin ko???

1. Sabi nila, "there are two sides of a coin", so bago ko isipin kung patatawarin ko yung hubby ko, evaluate ko muna ang reason why my husband did such act. Ang lalaki kasi, hindi yan makikipugad kapag kuntento at masaya sila sa kasalukuyan nilang pugad :)

2. Control only what is "controllable". meaning to say, hindi ko pwede ma control ang nararamdaman ng hubbyful ko.Ang "kasal" hindi yan nakakapigil sa pagtibok ng "puso at puson" ng isang lalaki... kahit anung pilit kong itali sya or kulitin na wag syang mambabae..pupunta at pupunta pa rin sya duon sa pambababae KUNG gugustuhin nya. So pinakamagandang gawin..ill do my best para hindi matulak si hubbyful na kumerengkeng sa iba :)

3. kaya maraming naghihiwalay kasi ayaw mag forgive. Forgiveness is the key to a long lasting relationship. siguro, pag pinatawad ko sya, although it will take some time..di ko na dapat pang banggitin ng banggitin yung nangyari pag nagaaway kmi. Love keeps no record of wrongs...so..ill give our relationship another chance :) ..

4. And Lastly..ill pray..ill pray for guidance para sa aming mag asawa..ill pray for more LOVE. ill pray na sana kahit anung challenges na dumating sa buhay naming mag-asawa, always, mananaig ang pagmamahalan namin sa isat isa. ill also pray for the "insignificant other" na sana ma-realize nya na yung ginagawa nya is mali :)

just my one hundred pesos :)

RAIN
01-20-2006, 09:56 PM
Dipende yata sa babae pag mabait mabigyan ng 2nd chance ang lalake.But pag galit ang babae Divorve ang labas niyan

myukasky
01-20-2006, 10:44 PM
Dipende yata sa babae pag mabait mabigyan ng 2nd chance ang lalake.But pag galit ang babae Divorve ang labas niyan

Mas grabe magalit ang mabait.:D

docomo
01-20-2006, 11:45 PM
ahihihi... katakot mga girls dito.. walang mga patawad ~~patawad ... ang susunget !!:p

fremsite
01-21-2006, 12:18 AM
ahihihi... katakot mga girls dito.. walang mga patawad ~~patawad ... ang susunget !!:p

pano naman kuya doc... kaliwaan na ang usap dine eh ! ...
ala eh ~~~ ibang usapan na yan !:D siryus na toh ! ...
wehehehehehehe~~~~~~ ~

adechan
01-21-2006, 11:27 AM
naku ako din second chance??????????:con fused: :confused: :confused: :confused:

honestly iyang po ang hindi ko talaga alam kong anong magiging reaction ko

matapos ang lahat lahat lahat :cry: :cry: :cry:

wala na wala nang puwedeng magtiyaga sa kanya
:confused: :confused: :confused:
sa akin pala:rolleyes: :eeek:

depp
01-21-2006, 11:40 AM
hirap sagutin yan ah,pero kung hawak ko pa sarili ko,me second chance pa siguro.:confused:

kasi ngyari na yan sa akin nung bata pa ko,2 yrs.old lang anak ko,nahuli ko sa akto.
kaya ora-mismo,alsa balutan ako.
20 yrs.past at meron na kong habibi uli,den mauulit ang sitwasyon,pero ngyon im matured enough.baka mag-isip pa ko?:confused: :O
pero sana wag ng ipagkaloob sa ITAAS na mangyari uli,dahil naramdaman ko na ang ganyang sakit,huhu:cry: :cry:

sus,aga ng drama ano?hehehehe:D :tongue:

fisher
01-21-2006, 11:45 AM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?
Hi denise angela! Since para sa mga gurls lang yata ito share na rin ako para naman sa parte naming mga "GOOD BOYS" he,he,he,he.
Kung nangaliwa ang asawa ko dahil sa may pagkukulang ako sa mga responsibilidad ko bilang husband and a father to our daughter I can forgive her and give her a second chance at the same time I will try my best to fullfil my duty as a father at tatanungin ko siya kung saan ako nagkulang then I will do a big task to recover too para in the future wala nang mangyaring kaliwaan.But, kung ginawa naman niya iyon just because "kinakati" siya I will forgive her and at the same time she can pack her things out!

c2ny2
01-21-2006, 11:52 AM
Nakakatakot naman mga Girls dito. Kaya ako .... :scratch: balak ko pa naman sana. Huwag nalang para di ma:slam: . Feel na feel ko yung mangyayari kung saka sakali. Hehehehe. Ingat mga kapatid...:bricks:

Ayara
01-21-2006, 12:04 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

second chance?....ummmmmmmh ..kung kaya mo pa syang pagkatiwalaan then you can forgive him. . . pero kung bibigyan mo sya ng chance pero always mo rin syang pagdududahan siguro wag na lang.

docomo
01-21-2006, 01:51 PM
kaya mga pare kow.. wag kayong magpapahuli :D :p

fisher
01-21-2006, 03:51 PM
kaya mga pare kow.. wag kayong magpapahuli :D :p
Ha,ha,ha,ha nasa nagdadala lang iyan pare:p .

docomo
01-21-2006, 04:06 PM
Ha,ha,ha,ha nasa nagdadala lang iyan pare:p .

koreek !!! .. parang kayo nila LJ at Chot :p

c2ny2
01-21-2006, 07:32 PM
koreek !!! .. parang kayo nila LJ at Chot :p

Hala nag kakalaglagan na dini, Basta tama yung sinabi ni doc at ni kasamang fisher...huwag mag papahuli at pagbutihin ang pag dadala. Hehehe...nang gatong pa. Mahirap kasing mag bakasakali sa second chance na yun.:)

3rdy
01-21-2006, 07:35 PM
Sa akin lang pag nahuli HUWAG AAMININ maski may evidence pa. And don't forget we have the right to remain silent.

bell
01-21-2006, 08:03 PM
kaya mga pare kow.. wag kayong magpapahuli :D :ptalaga wag silang magpapahuli dahil putoL~~~~~ ang junior nya pagnagkataon~~~~~~ba ka mawala ang kaligayahan nya....:fence:

c2ny2
01-21-2006, 08:25 PM
talaga wag silang magpapahuli dahil putoL~~~~~ ang junior nya pagnagkataon~~~~~~ba ka mawala ang kaligayahan nya....:fence:

Ha?:scratch: Sinong may sabi niyan? Di tutuo yan tsismis lang yan:whistle:. Ikaw naman ou huwag kang maniwala doon?:halo:......
Hehehehe. Segurado ako ito yung linya niya?....hehehe...it o yung sasabihin sa iyo. Aba gusto ba niyang magarote si junior?:O

City_rabbit
01-21-2006, 08:28 PM
Never feared about that happening -

All you need is confidence, trust, and Elvis. :)

Suspicious Minds
Elvis Presley
(words & music by Mark James)

We're caught in a trap
I can't walk out
Because I love you too much baby
Why can't you see
What you're doing to me
When you don't believe a word I say?
We can't go on together
With suspicious minds
And we can't build our dreams
On suspicious minds

So, if an old friend I know
Drops by to say hello
Would I still see suspicion in your eyes?
Here we go again
Asking where I've been
You can't see these tears are real
I'm crying
We can't go on together
With suspicious minds
And be can't build our dreams
On suspicious minds

Oh let our love survive
Or dry the tears from your eyes
Let's don't let a good thing die
When honey, you know
I've never lied to you
Mmm yeah, yeah:cool:

fisher
01-21-2006, 08:36 PM
Sa akin lang pag nahuli HUWAG AAMININ maski may evidence pa. And don't forget we have the right to remain silent.
Pare, kahit pahiran pa ng dinurog na siling labuyo ang nguso ko 'di ako magsasalita ba!At kapag nabuwisit na ako at hindi na nakapagpigil ganito ang sasabihin ko" Ene ke be wele nemen ekeng genegeweng meseme keng ene ene eng penegdedekdek me Emmpphhhh!!!!" at sabay sara na naman ng bunganga he,he,he,he,he:D .
@ city rabbit, parang ligawan for the second time around ano he,he,he,he, sana mapaniwala ko kung sakali.

City_rabbit
01-21-2006, 08:59 PM
@ city rabbit, parang ligawan for the second time around ano he,he,he,he, sana mapaniwala ko kung sakali.

Fisher dear - everyday is a new day, one of my super ingredients to make "the carrot of my eyes" happy - is freshness - so ligawan for the second time ain't a bad option.. right?
And do not forget Elvis...

docomo
01-21-2006, 09:38 PM
talaga wag silang magpapahuli dahil putoL~~~~~ ang junior nya pagnagkataon~~~~~~ba ka mawala ang kaligayahan nya....:fence:

.. sa states may nangyari ng ganito case .. as in ni~cut talaga ng girl yung ano nung hubby nya while sleeping ... grabe ang tagal nitong case na ito na pinaglabanan sa court .. inabangan ko talaga .. pero kahuli~hulihan .. not guilty ang babae....o dibah!

kaya mga pare .. hehehe ingat kayuw :D :p

fremsite
01-21-2006, 09:44 PM

ingat kayo ~~~~~http://smileys.smileycentra l.com/cat/4/4_2_111v.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZN xmk663YYJP)

fisher
01-21-2006, 09:50 PM
Fisher dear - everyday is a new day, one of my super ingredients to make "the carrot of my eyes" happy - is freshness - so ligawan for the second time ain't a bad option.. right?
And do not forget Elvis...
Noted po iyan.Thanks sa paalala(he,he,he,he, he sino kaya ang magogoyo ko?). Pareng LJ and pareng Chot ingat din kayo ah.:D .
@ frem my lab,aray ko naman! Ang sakit niyang hagupit mo ah pinaplano ko pa lang naman eh.

fremsite
01-21-2006, 10:14 PM

nyahahahahaha~~~~~!! !!!!!!!!!!!!!! fish~~~~er... labs ~~~~wag na kasing mag-plano at magiging plantsado yang hinaharap mo .... http://smileys.smileycentra l.com/cat/4/4_2_109v.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZN xmk663YYJP)mwehehehe hehehe~~~~!!!!!!!!!! !!!!!http://smileys.smileycentra l.com/cat/10/10_2_25.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZN xmk663YYJP)

( ot: labs naman .. paki-sagot yung pm kow ~~~ )

Hungry eyes
01-22-2006, 12:17 PM
Sabi nga nila..Everybodies entiled sa second chance...siguro lang..pero ang hirap magsalita..kasi hindi natin hawak or mahahawakan ang sarili natin..when the wounds is rare (para bang karne?)...ang alam lang natin galit tayo..nakakasulam .at nakakadiri diba..?siguro ako mapapatawad ko pa..kung sa isang babae lang "gumawa" si lalake... nasa saiyo yan..paano mo matatanggap..ang babae pa naman historical..at histerical..ang tagal lumimot..kahit nilulumot na ng panahon yun mga nagyari..nandyan parin..pabalik balik sa isiphttp://smileys.smileycentra l.com/cat/36/36_19_4.gif..kung kaya mong magpatawad ..sige lang..kung hindi gamitin mo nalang si lalake..hirap yata nagpakain ng mga kiddie.(kung may anak ka)tutal yan lang naman karamihan pinoproblema ng mga babae..life is not a mess anyway..kahit wala yan si( lalaking makati )sa buhay ng mga (mababait) na girls...sino ba mawawalan diba..smilehttp://smileys.smileycentra l.com/cat/36/36_1_11.gif

http://www.smileycentral.co m/sig.jsp?pc=ZSzeb064&pp=ZS (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb064_ZS )

Chibi
01-23-2006, 09:02 PM
hmmm.....saken nangyari na yan!!waaaa!!!ayaw ko na sanang maalala ulet!!binigyan ko siya ng second chance....pero parang iba na...nawala na yung strong foundatin ng love...andun pa rin ang love pero wala na ang trust and respect, mahirap na ibalik.....kaya think it over many times kung yung second chance na ibibigay mo eh worth pa ba, baka nagsasayang lang kayo ng time, marami pang pwede tayong gawin kesa magmukmok at isubsob ang ulo sa 1 tao lang .....maraming fafa dyan!!!ahhahahahah!: p :eek:

fremsite
01-23-2006, 10:05 PM

aahhhhhhhh~~~~~! chibi ! prenshi~~~~p !!! akala ko kung saan mo isusubsob ulo mo eh ... nyahahahahaha~~~~~~~ ~~~~~~~~!!!!!!!!!!!! :eek:

Chibi
01-23-2006, 10:15 PM
aahhhhhhhh~~~~~! chibi ! prenshi~~~~p !!! akala ko kung saan mo isusubsob ulo mo eh ... nyahahahahaha~~~~~~~ ~~~~~~~~!!!!!!!!!!!! :eek:
saan fahhh.....kaw talaga prendship......nakas ubsob ka yata dun..dun..:shutup: ang patsi patsi malipat sa ulo ni habibi.:D

fisher
01-23-2006, 10:18 PM
aahhhhhhhh~~~~~! chibi ! prenshi~~~~p !!! akala ko kung saan mo isusubsob ulo mo eh ... nyahahahahaha~~~~~~~ ~~~~~~~~!!!!!!!!!!!! :eek:
Chibi,kung isusubsob mo ang ulo mo isama mo kami nina LJ at pareng chot at saka si kasamang raiden basta ba tahong o kaya talaba ang sisisirin eh call kami diyan he,he,he,he,he tsalap,tsalap he,he,he,he.:D .

Little Johnny
01-24-2006, 09:51 AM
Noted po iyan.Thanks sa paalala(he,he,he,he, he sino kaya ang magogoyo ko?). Pareng LJ and pareng Chot ingat din kayo ah.:D .

ano po ang topic dito? hindi po ako maka-relate eh.....:confused: :rolleyes: :(

:D :p

Little Johnny
01-24-2006, 09:53 AM
koreek !!! .. parang kayo nila LJ at Chot :p

ano pong pagdadala? ano po ang dadalin? nibasa ko po lahat ng post sa thread pero hindi ko po talaga maintindihan.... tsk tsk tsk...

:p :p :p

Little Johnny
01-24-2006, 09:56 AM
may sinabi po yung dati kong co-worker, narinig ko.... "hangga't hindi ka nahuhuling nakadapa, wag kang aamin!!!"....

ano po kaya ang ibig sabihin nun? at saan po kaya ia-apply??? waaahhhh... confusion!!!:confuse d: :confused:

DJchot
01-24-2006, 01:12 PM
bagong kasal lang po ako. bakit nadadawit ang pangalan ko dito?

same with fisher. kung ako ang may pagkukulang, of course, i will forgive her. pero kung "kinati" lang talaga, hehe, dapat na syang mag empake.

madaming factor sa babae. yung sis ko, dahil may sarili syang trabaho at kaya nyang buhayin yung anak nila, madali sa kanya makipaghiwalay. yung isang friend ko naman, though buking at inamin na ng hubby nya na may babae sya, di pa rin magawang makipaghiwalay kasi walang susuporta sa kanila. parang ang sakit ata non. may gusto kang gawin pero di mo magawa.

bell
01-24-2006, 02:35 PM
bagong kasal lang po ako. bakit nadadawit ang pangalan ko dito?

same with fisher. kung ako ang may pagkukulang, of course, i will forgive her. pero kung "kinati" lang talaga, hehe, dapat na syang mag empake.

madaming factor sa babae. yung sis ko, dahil may sarili syang trabaho at kaya nyang buhayin yung anak nila, madali sa kanya makipaghiwalay. yung isang friend ko naman, though buking at inamin na ng hubby nya na may babae sya, di pa rin magawang makipaghiwalay kasi walang susuporta sa kanila. parang ang sakit ata non. may gusto kang gawin pero di mo magawa.hay nuka ..dyot~~~~este djchot pala sori po pes tayo~~~~:bowdown:mar ami talgang ganyan ang sitwasyon ngayon.kaya lang nakakaawa talaga kung ganon ang mangyayari.~~~~~pero kung nalaman ko na may babae sya :growl:baka mag sa pusa na lang ako heehehehehehehe~~~~~ ~o kaya iuntog ko na lang ulo ko sa dingding~:banghead:~ ~~~ehehehhehe~~~~~yo n dingding na malambot ha!masakit yon eh!.....

docomo
01-24-2006, 03:37 PM
may sinabi po yung dati kong co-worker, narinig ko.... "hangga't hindi ka nahuhuling nakadapa, wag kang aamin!!!"....

ano po kaya ang ibig sabihin nun? at saan po kaya ia-apply??? waaahhhh... confusion!!!:confuse d: :confused:

.. LJ di ko rin ma gets " hanggat hindi ka nahuhuling nakadapa" ano ba yan?? :confused:

tfcfan
01-24-2006, 03:57 PM
.. LJ di ko rin ma gets " hanggat hindi ka nahuhuling nakadapa" ano ba yan?? :confused:
ba't ako nagets ko:D meaning kung nahuli mo sa akto na yung asawa at yung kasama nya sa kwarto or kung san man eh magka-s..........:shutup: yun na yun!!!!!!!!

rhiverz
01-24-2006, 06:56 PM
:eek: ano po ang topic dito? hindi po ako maka-relate eh.....:confused: :rolleyes: :(

:D :p

hahaha!
ang mga lalaki nga naman. lagi talagang magdedeny lalo na kung huling huli na.
ive been to a situation na ganyan pero bf ko pa lang sya that time. everytime na uuwi na
sya sa kanila laging dahilan eh traffic kya inaabot sya ng gabing gabi na:bonk: :eeek: . eh dyoskoday ang lapit lang ng
bahay nila sa office niya. un pla may dinidate na sya at officemate pa nya ...
at deny to death pa sya at nabubulol na sa pagsisinungaling:eek : :rolleyes: .
i gave him a second chance pero hndi pa rin sya ngbago.

kung nasan man sya ngayon, sana magbago na sya.. hehehe.
kawawa nmn magiging family mo kung di pa rin mgbbago.
sa lahat ng mga lalaki po dyan lalo na sa mga may asawa at may anak,
maloloko nyo nga ang asawa nyo pero hndi ang mga anak nyo
dahil dadalhin nila yan habambuhay, lalo na kung malalaki na mga anak
nyo at sila pa mismo makakaalam ng ginawa nyong kalokohan.
friendly reminder hehehe!:)

mahalkita
07-31-2006, 02:45 PM
sa akin lang ha, depende yan sa lalim ng sugat eh...pero second chance, pwede basta kailangan lang na i-gain nya muna ang trust ko at ma-earn nya ulit ang respect ko sa kanya, kasi pag wala na yun, wala na rin reason para magsama pa kami. love, trust and respect goes together to make a marriage work.

I agree with you. Kailangan ma-gain nya muna trust ko ulit. How she will do it, I dont know.
Maybe its my fault or hers. But its not a reason to do such a thing. Sabi nga hindi matatama ng mali ang isang mali.

uragon
07-31-2006, 11:20 PM
Hello po pa post din po ha,Ako po :nono: :nono: :nono: I cannot say na mabibigyan ko ng second chance or no second chance,mahirap po kase magsalita lalo na kung mahal mo ang asawa mo at may mga chikitings kayo..pero I think depende po sa level ng pagkakasala nyang nagawa ang ipapataw kong parusa :order: sa kanya hahaha parang nasa korte....Sana naman po wag mambabae ang both parties para wala ng decision making about second chance para happily ever after tayong lahat...:grouphug:

abakitba
08-01-2006, 07:02 AM
and fourth... whatever it takes... to keep your love intact.

leftbehind
08-01-2006, 09:00 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

Second chance ba ikamo kapatid?! Aba eh, hindi lang second chance ang naibigay ko! Meron ng third, fourth, fifth, sixth at who knows kung on the way na ang seventh? Nobody knows for sure kung kelan dadating ang problema sa isang relationship. Be strong, hangga't bearable pa ang situation, it's ok for u to try and start anew...As what they say, Love is lovelier the second time around...or maybe the third, fourth, fifth, sixth time around........hehe:D

honey
08-01-2006, 09:19 PM
HINDI

kapag nasimulan nang mambabae tuloy tuloy na yan kung mahal talaga ako ng asawa ko AKO LANG SA BUHAY NYA mamya mahawaan pa ako kung may sakit yung karelasyon nya ayoko no!...

kung gusto mambabae ni lalake bigay ang hilig pero pirmahan muna :D .

poulain
08-01-2006, 09:22 PM
as for me, i can give him a second chance if he really deserved to have one, but i will not tolerate it, if he did it again, sorry for him, i will not waste my time again to be with him, history repeats itself... i can forgive, but never will forget... it happened to me, and my ex, sobrang msakit, we compromised, pero naulit, so sabi ko sasarili, ito ba yung gusto kong buhay?? sayang di ba?? even if you give him a chance, hindi ka pa rin sure kung magbabago di ba? :)

leftbehind
08-01-2006, 09:26 PM
ah ganito na lang....gantihan na lang natin sila! ahehe.

poulain
08-01-2006, 09:42 PM
tama ka dun sis.. di dapat kinakaliwa ang babae.. respeto naman!!!

leftbehind
08-01-2006, 09:44 PM
tama ka jan sistah, girl power!!!

Stacie Fil
08-02-2006, 01:15 AM
@leftbehind- ah ganito na lang....gantihan na lang natin sila! ahehe.

I agree with you. Kailangan ma-gain nya muna trust ko ulit. How she will do it, I dont know.
Maybe its my fault or hers. But its not a reason to do such a thing. Sabi nga hindi matatama ng mali ang isang mali.

Hindi kaya lalo lang madagdagan ang bigat nang problema?

leftbehind
08-05-2006, 06:54 PM
@leftbehind- ah ganito na lang....gantihan na lang natin sila! ahehe.

Hindi kaya lalo lang madagdagan ang bigat nang problema?

I can't answer that, kapatid. Sometimes, i feel the urge to give him a dose of his own medicine pero di ko magawa eh. Kasi pag ginawa ko yun, wala na kaming pinagkaiba di ba?

hayaren
08-05-2006, 11:11 PM
eh...teka muna....I have reviewed the entire cascade of this forum....bakit ang negative side lang ng asawa ang center of discussion such as pambababae niya:confused: ....what leads him to do that? There must be a reason why men tends to maneuver the other way.....I am a married woman too nakakarelate sa usapan pero I don't think the right approach to such problem is to stoop down to your partner's level it's just one way of igniting the fire to burst into flames:O

Tarena314
08-06-2006, 02:45 PM
share din po ako ng aking opinyon,, sa buhay ng isang mag-asawa ay hindi pwedeng mawala ang mga bagay-bagay na pwedeng pagtalunan,,,lalo na ,kapag ang asawang lalaki ay natutong mambabae,, palagay ko ito ang isa sa pinakamabigat na problema,,,kase madadala na nito pababa ang magandang nasimulan nyo.... naranasan ko ito... pero dinala ko ng tahimik at buong tapang at isiniksik ko sa isipan ko na walang pwedeng makasira ng aking pamilya,, na pinag-ingatan ko at pinangalagaan ko ng mahabang panahon,,kinausap ko ang asawa ko ng masinsinan at itinanong ko ang aking pagkukulang,, at kung ano ang aking pagkakamali sa kanya...wala namang maisagot siya sakin na kamalian ko...binigyan ko siya ng maraming pagkakataon na isaayos pa ang kanyang kamalian at ako naman ay tao din po lamang na nakakagawa din ng mga kasalanan,,kaya makatarungan na tayo ay makapagpatawad lalo pa at naging bahagi na natin sila ng ating buhay....sa ngayon ok na kami at siya pa ang nahihiya sakin,,maayos ang aming pamumuhay sa kasalukuyan,,at nangako siya sakin na hinding hindi na siya uulit....:) :)

leftbehind
08-06-2006, 05:30 PM
eh...teka muna....I have reviewed the entire cascade of this forum....bakit ang negative side lang ng asawa ang center of discussion such as pambababae niya:confused: ....what leads him to do that? There must be a reason why men tends to maneuver the other way.....I am a married woman too nakakarelate sa usapan pero I don't think the right approach to such problem is to stoop down to your partner's level it's just one way of igniting the fire to burst into flames:O

I've tried a thousand ways to get him to talk about the reasons that made him cheat on me. My husband often tells me that he couldn't ask for anything more sa akin. But the thing is, He still cheated on me several times,sister. That's when I figured out na wala na pala sa akin talaga ang problema. Well, aside from the fact that he loves me, I'm loyal as a dog, I guess that's the main reason why he still clings to me. Minsan takot siya sa sarili niyang multo, takot siyang gawin ko ung ginagawa niya sa akin. But I think he's trying damn hard to change his ways.. sana nga tuloy-tuloy na noh?

hayaren
08-09-2006, 11:57 PM

Haaayyy(deep sigh) :mushy: Sister Soul.....napaisip tuloy ako ng malalim sa situation mo di ko alam tuloy where and when to start. Kung magnobyo nga lang mahirap ng takbuhan:oops: how much more in your situation both of you have entered into a covenant I presumed you have a kid....SALUDO ako sa pagiging MARTYR mo:thumb: ...please don't get me wrong breaking up is not the smartest medication to problems associated to cheating husbands.:wink: Have you tried counseling?:halo: Sometimes a third party is called for to get in the way to shed light in a different perspective for whatever grounds that pushes him to repeatedly do the same mistake. If he's showing progress guide him thru minsan dumarating sa buhay ng tao we seemed lost and on the lookout for a disclaimer sa ating pagkatao. I know administering an advise sounds easy but right there in your midst where this crisis is taking place you are in pain. :bowdown:

Be strong girl:) , remain what you are..things happen for a reason...make him arrive to his senses that you're ALL what he's GOT!

"There's light at the end of the tunnel all you have to do is keep believing"

leftbehind
08-10-2006, 02:01 PM
[quote=hayaren]Haaayyy(deep sigh) :mushy: Sister Soul.....napaisip tuloy ako ng malalim sa situation mo di ko alam tuloy where and when to start. Kung magnobyo nga lang mahirap ng takbuhan:oops: how much more in your situation both of you have entered into a covenant I presumed you have a kid....SALUDO ako sa pagiging MARTYR mo:thumb: ...please don't get me wrong breaking up is not the smartest medication to problems associated to cheating husbands.:wink: Have you tried counseling?:halo: Sometimes a third party is called for to get in the way to shed light in a different perspective for whatever grounds that pushes him to repeatedly do the same mistake. If he's showing progress guide him thru minsan dumarating sa buhay ng tao we seemed lost and on the lookout for a disclaimer sa ating pagkatao. I know administering an advise sounds easy but right there in your midst where this crisis is taking place you are in pain. :bowdown:

Be strong girl:) , remain what you are..things happen for a reason...make him arrive to his senses that you're ALL what he's GOT!

@ hayaren we have two kids, and i think that's enough reason for us to try and work things out di ba sisterette? uh, na-mention ko na ba na 10 buwan na kami di magkasama? what keeps me going? haaaaaaaaaaaaaayyyyy yyyyyyyy............ ...:confused:

hayaren
08-10-2006, 03:18 PM

I agree and I appreciate that both of you found a common ground to hang on to each other and try to sort things out. I have read sa Long Distance Relationship Forum yung separation mo with your hubby for 10 months na....on going pa naman ang communication ninyo? I am a product of troubled parents honestly speaking. All these years hindi naging madali ang pag intindi ng mga bagay-bagay and as much as I can I won't allow history to repeat itself ngayon na may asawa na ako. Sa mga bata grabe ang impact sa ganitong situation. Hang on to your prayers, prayers can move mountains. Let your kids be your inspiration in your day to day life. I know what you are going thru.......be strong! My prayers are with you!:)

japina
08-10-2006, 06:10 PM
sa mga ganitong sitwasyon i think aalamin ko muna mismo sa asawa ko kung ano talaga ang reason kung bakit nya ginawa ang mga bagay na yun, then pag naipaliwanag na nya at humingi sya ng sincere apology na hindi na mauulit. siguro bibigyan ko pa sya ng second chance. tao lang tayo nagkakagawa ng mali . at siguro rin may pagkukulang din ako kasi sa isang relationship hindi lang naman isa lang ang may kasalanan sabi nga nila it takes two to tango. and sasamahan ko na rin ng prayer kasi maganda talaga sa isang family if nasa center natin si god mahirap mabuwag ang relationship.

kokorokara
08-11-2006, 11:16 AM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

Ako gagawin ko kakausapin ko nang masinsinan bakit niya nagawa yun,aalamin ko kung ano ang puno`t dulo ng kanyang kasalanan,kung hindi naman ganun ka grabe siguro bibigyan ko pa siya ng another chance pero bibigyan ko rin siya ng ultimatum na pag ginawa pa niya uli sorry nalang siya dahil wala na siyang aabutang asawa sa loob ng pamamahay niya or palalayasin ko siya sa loob ng bahay namin at sa korte nalang kami magkikita.Ang tapang no` pero kinakailanagan para naman hindi na niya ulitin uli sa iba.

mOtt_erU
08-22-2006, 05:50 PM
For me naniniwala naman po ako sa kasabihang "Everybody Deserves Another Chance"
pero po pag kasi Kasal na tapos nagloko pa eh mukhang Ibang Usapan Na po yun....

Nagpakasal po tayo sa mga partner naten kasi sila ung napili natin na "Katuwang sa Buhay" at syempre mahal naten sila....we chose them..and pinili din nila tayo..
Kung saken po nangyari yan I`ll tell my husband na bakit nya nagawa yun?ano ba naging pagkukulang ko?...

Alam nyo po nangyari din po saken yan; buti nalang magkoibito palang kame..nasaktan ako kase may kankei na kame and mahal namen ang isat isa , hindi ko alam may dinohan siya at pinupuntahan siyang ibang babae..nasaktan ako kasi panloloko yun diba..
Ayun katakot takot ,,inaway ko sya at di kinausap ...kaso mahal ko kaya binigyan ko ng 1 pang chance...kaso lang hanggang ngaun minsan pag naaalala ko inaaway ko siya,,pero the " Good Thing " is hindi nya na inulit..at pinakikita nya naman..nafefeel ko at naniniwala ako kaya Last june we got married in a Catholic Ceremony, nihonjin nga ung symph (pari).And ngaun pag nagloko sya ngaun kasal na kami Hindi Ko na Siya Patatawarin....;-)

ayanis-marie
10-31-2006, 11:08 PM
(From my thread I based) Depende sa 'yo.Gusto mo bang hiwalayan siya?
Go ahead.

Once is enough,twice is too much,thrice is worst and bitter,find your shelter.

:) Oo nga......Ang sakit ng binagsakan natin sis...But iba din story ko.Forget
na 'yong mode ko,..For me,ayan,kababangon lang from a worst nightmare.And
this time,it's healing wounds and have a renewal na di ko magagawa if only me
will do.There's time na naaalala ko,but it's because mabigat 'yong ginawa nyang
maganda sa buhay ko,so he win and I'm glad because I don't want to have a broken
family........I'll fight for my right,humbly accept the truth and have strenght to forgive.
Kasi,for whatever reasons ako ang nakakalam from the beggining 'til end as a wife.
So,get the good,forget the bad and learn what you didn't had.

I said to my husband,"Don't say sorry,show your sorry",gano'n lang.And been
silent muna.On my silent moment,I made a reflexion about life,hear some opinions
and pray for more strenght,that works really.Aside from that,I also make something,
an option if incase mag kakahiwalay man,by making a source of living.It maybe sounds
not good,but as parent of 3 kiddies,I can't forgive myself looking my kids in poverty.
Nagagamit ko rin 'yong pagiging thrifty ko,.Pasensya na,from my hi-school days I
used to believe the saying "Tuo ayaw'g laum", (trust but don't expect").

It's hard to explain,kasi we have different outlooks and point of views,the one
concern is the one who travels itself.And you alone can make the decision.All the
decision and the risk.Kaya think twice.And the must important thing,don't make
shortcuts.Like you're going to have a guy for vengiance,it's not good.What you can
do is to look forward,and whatever happens,your children will be with you and you
should be sure of whatever decision you're going to.

Antok kasi ako,I have to make up this post kaya?....sayang din..comment na lang
mga friendies para explain ko ...
I'll be praying for all the mothers of this forum,to have a happy,contented and a
blessful life........Oyasumi. ...zzzzzzzzz:)

mamimo
10-31-2006, 11:31 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

Ka-praning yatang malaman na ang loving husband ko ay may iba ng apple of the eye, definitely papiliin ko sya but before that dapat handa akong ma-reject. If ever naman mag-stay sya sa kin linawin ko sa kanya na isa na lang bibinggo na sya. Anyway, its easier said than done just like its easier to say youre done with him. Magulo ba, censia na antok na po:)

barney
10-31-2006, 11:56 PM
never to give him a second chance! alam nyo kung bakit? kasi yan ang dahilan ng paghihiwalay nila ng past wife nya..baka gilitan ko pa siya sa leeg ngrrrrr!:rolleyes: mawawalan siya ng maasikasong wife(hehe!) mawawala pa sa buhay nya ung super love nyang baby nya..:)
hindi ko kayang tanggapin na mag paru paro ang hubby ko even once lang..magtago na silang dalawa..:rolleyes:

mamimo
11-01-2006, 12:07 AM

sister takot ako.....cool lang:)

proud me
11-01-2006, 01:26 AM
pwedeng makisali ng konte sa usapan...ako yong una kong pag-aasawa sobrang bata parin namin siguro pareho...maraming beses rin ng babae yong ex ko.lalo na pag-buntis ako noon...hanggang nong mag-trabaho ako dito sa japan...yong huli at yon nga ang napangasawa nya...kung baga nandon narin yong pagod at maraming problema lagi unti-unti ewan ko...naramdaman ko nalang sa sarili ko hindi na ako tulad nong mga dati nyang pambababae na umiiyak sa selos...nababalitaan ko nalang na pag-hating-gabi pumupunta sa bahay at mabait nga sa mga anak ko...wala na akong naramdamang galit o selos sa kanila non...kaya ako na yong kuma-usap sa ex ko na mag-hiwalay na kami...kawawa ang mga anak ko pero naisip ko na mas kawawa ang mga anak ko kung kalalakihan lang nila ang makitang pa-ulit-ulit na pambababae ng papa nila...atleast ngayon mukhang okey naman lumaki ang mga anak ko.at me mga pamilya narin sila...

ganda_ko
11-01-2006, 12:33 PM
naexperience ko na rin kasi ang ganitong sitwasyon... nung nasa pinas pa ako habang naghihintay ng visa ang asawa ko naman nagloloko dito sa japan grabe ang dami talaga... nung malapit na akong pumunta dito sa japan nagdecide ako na pagdating ko dito at di pa rin nagbago ang asawa ko zettai rekkon talaga kami.. kinausap ko siya sabi niya sakin kung makikita daw niya ako na naggagambate magkukusa daw siyang mag pakatino di ko na daw kailangan na sabihin pa yon sa kanya may pride daw kasi siya... kaya ang ginawa ko na lng sinubukan kong maggambate kahit trying hard na appreciate naman niya kaya haggang ngayon ok kami masaya walang third party tiwala na kami sa isa't isa... siguro kung di ko siya binigyan ng chance malamang hanggang ngayon di pa rin maayos ang buhay niya at buhay ko.... and Thanks God talaga kasi dininig Niya lahat ang mga panalangin ko.... di Niya ako pinabayaan...

bikoy
11-01-2006, 01:04 PM
:confused: i just want to know the opinion of others, ano ang gagawin nyo kung nalaman nyo na ang iyong asawa ay may other woman? bibigyan nyo ba sya ng second chance?

makisali po ha?......siguro maloloka ako pag nalaman ko na may other woman sya:nono: Shakehead...naku ...wag naman sana!:bowdown: pero sinabihan ko na sya na kung sakaling ipagpapalit nya ako eh sabihin nya lang sa akin ang totoo at "I will let go of him" na lang kesa naman tinitiis nya ako at tinitiis ko sya ano?:weep: syempre sakit yun..pero walang magagawa kung ayaw na sa iyo ng isang tao ,eh alangan naman na ipilit mo sarili mo kung di ka na nya mahal ......mas lalong kawawa ka naman nun na ikaw lang ang nagmamahal at ikaw ay di na minamahal!:nono:.... pero sana...sana...sana ...wag mangyari sa akin yun!:nono:

Autumn
11-02-2006, 10:23 AM
Ang hirap yatang ibigay yan second change na yan..pag kasi nasaktan talaga damdamin natin kasama na pride.ang hirap gamutin, ang hirap lumimot mabuti nga yun iba ang dali nilang magpatawad kahit gaano ka sakit or kagrabe ginawa sa kanila,
kasi naiisip ko kulang pag ibig oh wala na syang pag ibig sa akin kaya nya nagawa yun mga bagay na yun,plus hindi ko na sya mapagkakatiwalan na di na nya uulitin.ang hirap naman na ipagpilitan pa sarili ko.nandoon na yun self pity na parang akong gaga na trying hard ibalik yun dati eh may lamat na.may lamat na nga unti unti mababasag dahil hindi ko makalimutan.resulta kasi nagiging paulit ulit na lang sa isip ko.at paulit ulit ko na lang maitatanong sa kanya ang maraming BAKIT..?
mas maganda na hiwalayan ko na lang sya.tahimik pa loob ko.wala na akong hihintayin at pag dating ng bahay eh naiisip ko na nakipag ano... na naman ito..at parang ayaw kong huminga lalo na pag dadaan sya.kasi iba na amoy nya..ayy ewan masyado yata akong over acting..but this is what i felt(feel)
Naging tapat kasi ako sa kanya.at sa aking palagay nagawa ko na lahat nagpakabuti akong asawa at nanay .eh parang kulang pa sa kanya kaya gumawa sya ng ganoon..so ill let him go hanapin nya lahat ng akala nyang kulang pa sa akin..all i have to do is wish him to be happy..:)

katty0531
11-02-2006, 10:59 AM
Sorry, maybe I can forgive him but, I will not give him a chance....I don't know if it will happen what would really be my feelings....siguro depende pa rin kung hanggang saan tagos yong sakit na binigay nya....

love0308
11-02-2006, 12:05 PM
I used to forgive and forget but it only give me a hard time.:( I was paranoid feeling ko lagi nya ko niloloko kaya i decided to broke with him. And now with my husband my peace of mind na ako. Totoo ang sinabi nyo na everybody deserve a second chance kaya lang learn to love yourself also mahirap sa relasyon ang wala peace of mind coz in the end maghihiwalay din kayo. Once nalamatan na ang relationship it will not work anyway. Just based on my own experience:(