PDA

View Full Version : Sa mga na A to A


remy_chan44
03-28-2008, 03:54 PM
Hello po mga ka TF!!! Kapag na A to A po ba ang isang tao sa next flight po nya ay walang magiging problema? Kasi po ako noong Dec. 2006 na A to A po ako sa Narita po, since wala na po filght pabalik ng Phil. kaya po pinagstay po ako sa isang room within Narita rin po, and based po sa pinirmahan ko na ang room na pinagstay ko ay babayarin ko or kung wala akong enough cash ay sasagutin muna ng airlines na sinakyan ko and later ay babayarin ko, ang concerned ko po ay 1 year ago na po yun and since then wala naman advised from PAL kung magkano ang babayaran ko, kapag nabigyan na po ako ng visa (spoused visa po) syempre fly na po ako, wala po kayang maging problem sa departure ko? Help po sa mga nakaexperience na ma A to A, ano po ginawa nyo after na mapauwi kayo? Confused po talaga ako :confused: , pasensya na po napahaba!!!

shi-cel
03-28-2008, 06:36 PM
sorry ha...hindi dapat kaso curious lang me..bakit k nga pala na A to A?

Anong naging problema mo sa immigration?

Kasi papunta me ng japan and this is my very first time to travel abroad i have no idea sa international airport(arrival)and im all alone and i cant even speak japanese language...

Sana hindi mo ika irita ang reply ko sayo..

Gusto ko lang malaman ang nangyari sayo para magkaroon naman me ng idea...

Thank you...

comedones
03-28-2008, 08:18 PM
hi sis..yun ba ung room na may mga kasama kang ibang nahuli or papauwiin?
ang alam ko walang bayad yun?

power!
03-28-2008, 08:24 PM
hindi naman ako na A to A...pero sa tingin ko wala ka namang magiging problema doon..at kung sabihin man nila yun sa Airport na bakit di mo binayaran..blah..bla h..blah..edi sabihin mo yung side mo kung bakit..

bakit kaba na A to A?:D share mo naman:)

remy_chan44
03-28-2008, 08:30 PM
yes Sis yun yata yun, that time kasi ako lang mag-isa sa room, bakit ang sabi may bayad tinanong nga ako kung may pera ako that time sabi ko meron pero konti lang buti di na kinuha, at sabi airlines ang magbabayad muna and pag-uwi ko ay babayaran ko sa PAL, kung wala naman bayad eh mas maganda, para wala na kong worry kasi sa PAL pa rin ako kukuha ng ticket pag flight ko!!!Pero kung singilin nila ako willing naman akong magbayad:D

comedones
03-28-2008, 08:33 PM
ksi sa umaga maraming tao dun sa room sama2 ibaibang lahi..wala ngang bayad yun..wala ka ng problem dun:D

remy_chan44
03-28-2008, 08:34 PM
meron po kaming sagot na di tugma sa Immig. sa sobrang kaba ko na siguro, BF ko po yung nagsponsor saken that time ngayon po married na kami at may COE na po ako:)

marin chang
03-28-2008, 08:39 PM
sorry ha...hindi dapat kaso curious lang me..bakit k nga pala na A to A?

Anong naging problema mo sa immigration?

Kasi papunta me ng japan and this is my very first time to travel abroad i have no idea sa international airport(arrival)and im all alone and i cant even speak japanese language...

Sana hindi mo ika irita ang reply ko sayo..

Gusto ko lang malaman ang nangyari sayo para magkaroon naman me ng idea...

Thank you...hi shi cel...basta walang kang ginagawang masama wag kang matakot..kasi nabasa ko na un ibang thread mo e parang takot na takot ka,,ang mga nagakakproblema lang sa pag pasok dito e yung mga may nagawang naging labag sa batas nila..

sakura ui
03-28-2008, 10:22 PM
meron po kaming sagot na di tugma sa Immig. sa sobrang kaba ko na siguro, BF ko po yung nagsponsor saken that time ngayon po married na kami at may COE na po ako:)
hi tanong ko lang kasabay mo bang pumunta ng japan ang bf mo at hindi naging tugma ang sagot nyo pasensya na sa tanong ha..

maria_71jp
03-29-2008, 12:21 PM
ako share ko kuya kong na A to A.unang mali palang ng kuya ko ng natanggap na niya ang visa pinalipas muna niya mga 1buwan me business po siya sa cebu na di maiwanan,so lagpas na sa panganganak ko nun at tsaka pag to tour(schedule) namin dito sa japan,ng pumunta na siya dito sa japan sa airport palang mali ng ginawa ng kuya ko daladala niya ang lahat ng kopya ng papeles niya so ang nangyari eh tinadtad ng tanong kuya ko tungkol sa akin,trabaho ko etc.kelan daw ako nakauwi before sa pinas atbp.at ang pinakabasehan nila eh yung POCKET MONEY....kasi pag wala kang dalang pera lalo na pag 1st timer ka japan iisipin nila magtatrabaho ka.ayun iyak nalang ako,wala me magawa the nextday pinauwi agad kuya ko...samishii ako nun birthday ko pa naman....

total_life
04-29-2008, 04:13 PM
:)Hello mga ka-TF!

Share ko lang ung experienced namin ng mga staff ko ng ma-A to A kami.

Importer ako ng mga surplus parts ng sasakyan. Maraming beses na kami nakapunta ng Japan ng mga staff ko para mag-katay ng mga used cars and trucks. Isang yard lang ang pinupuntahan namin sa Japan at ang port of entry nmin lagi ay KIX (Osaka Kansai). Lagi kami pinadadalhan ng invitations ng boss kong Japanese.

Since marami ng stamps ung passports namin ay sinubukan ko mag-apply ng visa ng walang invitations. Same procedure and same travel agency. Dahil complete docs namin eh nabigyan kami ng visa. Fly kaming 3 sa Nagoya Chubu. Pagdating sa immigration ay narinig ko ung officer na bumanggit ng Kansai. Hinanapan kami ng invitation. Wala akong maipakita dahil wala nmn talaga kaming invitation nung nag-apply kami ng visa. Pinaalis kami sa pila at pinaupo kami sa labas ng immig office. Pilit akong hinihingan nung makulit na immigration officer. Binulatlat nga ung dala kong envelope, wala talaga shang makikita kahit baligtarin nya paulit-ulit ung envelope dahil wala nmn talaga. Isa-isa kaming pinpasok sa office at napakaraming tanong, paulit-ulit lang nmn din tanong nila, sinisikot-sikot lang!

Tinawagan din nila ung contact person (tga Nagoya) na isinulat namin sa embarkation card. Japanese friend na nakilala lng d2 sa Pinas. Nasa labas sha ng airport that time dahil sha susundo sa amin. Ganun pala un, hindi ka nila papayagang makipag-usap sa kahit na kaninong kakilala mo sa Japan. Sila lang ang pwedeng makipag-usap sa kanila. After more than three hours na interrogations ay tinawag kaming tatlo nung officer at sinamahan kami sa luggage conveyor para kunin na ang bagahe namin. dinala kami sa inspector ng bagahe. Talagang binulatlat nila isa-isa ung laman ng maleta namin. Pati wallet namin ay kinuha at sila ang nagbulatlat ng laman. Nakita nila na malaki ang dala naming pera, M2.6 na hinati ko sa tatlo para hindi ma-confiscate (Y900,000 lang kc allowed each person). Bakit dw marami kaming dalang pera? Paulit-ulit na tanong kaya paulit-ulit din sagot namin! Mamimili nga kami sa yard ng parts ng sasakyan, di nmn kami pagbibilhan kung wala kaming cash na dala eh. Sinabi kong hindi nmn kami masasamang tao at hindi nmn kami nagtatagal sa Japan, kita nmn sa passports namin eh. Hindi nmn dw nila sinasabing masama kming tao, mali lang dw kasi ung ibinigay na visa sa amin. Un lng pala problema eh pinatagal pa kami sa immig office, pinahaba pa nila ung interrogations sa amin! Nagkagutum-gutom kmi sa ka-ek-ekan nila.

Pinapili kami kung uuwi na lng kami the nxt earliest flight or maga-appeal kami sa ministry of justice nila. Pag pipiliin dw nmin ang pag-apila ah ikukulong kami ng 3 days sa Japan habang dinidinig ang kaso nmin. We chose na umuwi na lng dahil walang kasiguraduhan ang panalo ng kaso, bka ma-black list pa kami.

Hiningan ako ng Y5,600, Y2,800/room. Mabait pa rin ung isang officer dahil bka dw nagugutom na kami eh pwede nmn dw nya kami ibili ng pagkain sa pinakamalapit na convenience store. Bigay ako pera para sa pagkain nmin. Kine-kengkoy nga namin ung immig officer eh, sabi ko pakibili na rin kami ng mga chocolates at cup ramen pang omiyage....he..he..! Dinala kami sa bartolina sa loob din ng airport. Naka-double lock ang pinto na para bang tatakas kami! Kapirasong butas lng meron sa pinto at walang aircon. May cr nmn sa loob at may tv din. Para ding room sa business hotel kaya lng walang bintana at kurtina. Maraming nakasulat sa pader na minumura ang mga Japon! Iba't-ibang nasyon ang salita. Share ko sa inyo ung pictures sa loob ng kulungan nila. Nag-picture taking pa kami sa loob....he..he..!

Ang ipinagtataka ko lang is we were issued same visas ever since mag-start ako ng importing business ko, kaya bakit nila sasabihin na mali ang visa nmin? Pero palagay ko may iba pang dahilan kung bakit kami na -A to A.

Naisip ko na bk ito rin ang naging dahilan:confused::

1. Kansai ang port of entry na inilagay namin sa applications pero sa Nagoya kami pumasok;
2. Magkaiba ung contact person na inilagay namin sa applications at sa embarkation card;
3. Kailangan talaga ng invitation (pero bakit kmi nabigyan ng visa ng walang invitation?) ;
4. Yakuza ung contact person namin sa Nagoya;
5. Sunog na dw ang Nagoya sa mga bilog kay mahigpit cla ngaun.

Advice ko lang po sa mga mag-aaply ng visa, siguraduhin nyo na kumpleto docs nyo at ipa-xerox nyo lahat at least 2 copies each para may hawak kaung docs pagdating sa airport sa Japan. Kng ano lang po ang totoo ay un lang po ang sasabihin nyo. Kung may fake na docs (dinuktor or pinagawa sa recto or anywhere) eh huwag na lng po kaung tumuloy, sayang lang po ang pamasahe nyo. Baka lang po ma-black list kau pag napatunayang fake ang docs nyo.

Mahaba man po ang pisi ko, sana ay may napulot din kaung aral or idea para maiwasan natin ang ma-A to A (ulit).

Salamat po for giving some of your time reding my thread!:)

maria_71jp
07-28-2008, 04:07 PM
tama ka nga sis/bro yung port of entry na inilagay niyo is sa KANSAI pero sa NAGOYA kayo pumasok conflict diba!salamat sa pag share mo nakakatulong to sa iba nating mga kababayan....

JAR
07-31-2008, 05:25 PM
Interesting naman ang kwento mo Total_Life!!...I mean, hindi sa natutuwa ako sa nangyari sa iyo, ang galing ng pagkakwento mo! :D Na imagine ko tuloy na nag-enjoy pa rin kayo kahit papaano.:D

Agree ako don sa isa mong reason, yung entry point ninyo is Nagoya where maraming nag-TTNT. Kasi I worked for a Japanese Firm sa Pinas before. Nagpupunta rin kami sa Japan for business and trainings. Siguro almost lahat ng pinapadala ng company namin doon sa Nagoya ang port of entry. Kaso by the year 2003 ata yon, hindi na kami doon lumalapag kasi naghigpit na raw ang Nagoya Airport. Kaya kahit super layo sa Destination namin, nagtityaga kami sa Narita Airport. Meron kaming mga engineers ganon din na A to A sa Nagoya, considering na kumpleto ang mga doc. at naka-ilang balik na sila sa Japan. Ang reason naman sa kanila....may kahawig daw yung isa na terorista! :D Medyo may pagka-bumbay kasi....di ba? Tama ba naman yon? :mad: