PDA

View Full Version : Please give me advise..worried po ako sa kids ko adapting a new environment


lyka
03-30-2008, 12:07 AM
Hello po sa inyong lahat! I'm a new member of this website, and bago lang din po ako dito sa Japan, 4 months pa lang po now. Sa ngayon medyo nakakaadjust na ko pero ang homesick...di ata talaga nawawala un lalo na't may mga anak ako na naiwan sa pinas.

At dahil po sa sobrang miss ko na sila, I'm planning na kunin na sila next year to be with me here. I'm sure ung mga mommies na would understand how i feel...
Honestly, marami akong worries sa pagtira namin dito but I am willing to work hard just to be with my family. I think it's all worth the hardwork as long as magkakasama kami.

Pinoy din po ang asawa ko. Ang worry ko lang po eh kung sakaling dito na kami titira in the future, mahirap po kaya for my kids to adjust? My eldest is 3 and my youngest is 1 yr old, pareho silang girl. Hindi sila marunong magnihonggo kasi I also don't have any knowledge of Nihonggo when I came here.

Wala bang racial discrimination dito pag asa school na ang mga bata? Pano po ba un, hindi marunong magnihonggo ang mga anak ko? Pano pag pumasok na sila sa mga nursery schools? Makakaadapt kaya sila sa mga classmates na batang hapon? Maadapt kaya nila ung school environment kung may language barrier? Please help po sa lahat ng mommies dyan.

Isa pa pong worry ko eh masyadong mataas ang cost of living dito sa japan. Anyway, itry lang din naman namin. Kung mahirapan kami eh di after 3 years uwi na kami lahat sa pinas pero siyempre as much as possible gusto ko din na makaya namin ang buhay dito sa japan, ng hindi na kailangang magkakalayo kami di ba?

Please help po... God bless po sa inyong lahat!

Thanks a lot.

shakey
03-30-2008, 05:56 PM
welkam sa TF ms.lyka...
im planning to get my daughter din from phil..ang kaibahan lang natin baby pa lang yung anak ko.wala din akong idea kung paano palalakihin yung anak ko dito:D kaya wait na lang tayo sa mga may mga kids dito na dito nag aaral...

summergirl
03-30-2008, 07:16 PM
hi,I know kung ano ang napi feel mo..Unang una maliliit pa ang mga anak mo para mag worry ka kung di sila marunong mag salita ng hapo..Mga fast learners ang mga bata kaya nothing to worry about dahil baka magulat ka pa ang mas mabilis silang natuto kaysa iyo..Sa mahal na education ,i compare sa atin medyo mahala talaga dahil mahal ang standard of living dito,pero when education is concern maganda dito specially pag elementary ..Dahil di pa nila kailangan masyado ang english..Kaya nyong pag tulungan ng asawa mo kung btoh kayo mag wo work dahil di pa naman ganon kamahal ang prep,kinder at elem.dito..By that time siguro at lumaki na sila saka nyo made decide kung saan nyo talagang gustong pag aaralin ang mga bata..Good Luck kaya nyo yan..

angelica
03-31-2008, 07:54 AM
hi,,i think its a good idea na kunin mo sila at dito na pag-aralin...dont worry too much ,natural lang na may alinlangan ka kase nangangapa ka pa pero pag nagtagal tagal na masasanay ka din at ang mga anak mo..pinoy din ang asawa ko pero dito na ipinanganak ang mga anak ko,yung mga anak mo sa una lang maninibago pero mabilis matuto ang mga bata ,panuorin mo lang sila arawaraw ng tv magugulat ka na lang magagaling na sila magsalita ng japanese,,

racial discrimination....hm mmm.minsan talaga di mo maiiwasan maramdaman na parang dinidiscriminate ka dahil gaijin tayo e pero ok lang yun importante marunong kang lumaban pag nasa lugar,yan din ang turo ko sa mga anak ko e.

sa cost of living naman,,,,kaya mo yan untiunti matuto ka rin kung paano ibudget ang pera nyo...ako nga apat ang anak ko e..hehehe.medyo mahirap pero walang ibang sasarap sa buo ang pamilya di ba....ang kinder dito medyo may kamahalan pero hinde naman kailangan ipasok e kung gusto mo lang,,ang elemantary nila libre ang babayaran mo lng yung school lunch at kaunting gamit mura lang.
anyway kahit pareho kayong pilipino pwede kayong mg-apply ng child benefit sa cityhall nyo,itry mo kailangan mo lang alien card at kenko hoken nyo...:)

shuelma
03-31-2008, 09:26 PM
sis.ung mga kids ko rin ay di marunong mag nihongo...alam lng nila ay dutch at italiango but now mas marunong pa sakin mag nihongo...at seyempre madalas din na tinutukso at inaaway,.sa totoo lng mahirap tlgang manirahan dito sa jpan.para lng sakin...siguro nmn magiging maayos para sa mga kids mo ang pagtira dito sa jpn.sa umpisa aawayin sila dhil tagalog or english ang salita ng mga kids mo.seyempre di sila maiintindihan ng mga kalaro nila...kya konteng pasensiya lng ang kailangan...goodluck na lng:)

chevelle:)
03-31-2008, 09:46 PM
hi sis! naiintindihan ko yung nararamdaman mo, ganyan din ako dati. worried ako noon kasi kinailangan ko din iwan sa pinas noon ang mga kids ko. they were 3 and 4 na ng pabalikin ko dito sa japan. so far mag-isang taon na ngayon mula ng nakabalik sila dito, I can say na they are learning nihonggo well na. sa umpisa medyo mahihirapan sila lalo na sa mga words na hindi nila maintindihan pero don't worry mas better na maipasok mo sila agad sa school kasi ang mga bata mabilis naman matuto eh. saka pag kapwa bata nila ang makaka-usap nila while playing mas madali nila ma-pick up yung mga words.basta iparamdam mo lang sa kanila na lagi na nandyan para sa kanila in case na nahihirapan sila sa pag-aadjust everything will be alright. otagai ni gambarimasho:)

yoshiana
03-31-2008, 10:50 PM
Helo sis,makikisali din ako ha:) Wag ka mag alala sis,madali maka adapt ang mga bata lalo nat maliliit pa ang mga anak mo,katulad nga ng sinabi ng mga naunang nag post na mga ka sis natin d2,magugulat ka sa bilis matuto ng mga bata.About discrimanation~maari ng meron maaring maging wala,depende naman yon siguro sa way ng pakikisama mo/nyo sa mga magulang ng ka classmate ng anak mo.Dapat din siguro if d2 mo papag aralin anak mo,sana ikaw din mismo magpursiging matuto ng language nila d2,alang alang na din sa mga anak mo.Mahirap kasing makipag communicate sa mga teacher as well as sa mga ibang parents pag di ka gaanong marunong mag japanesse;)ang elementary grade d2 di pa masyadong magastos ,pero pag tumuntung na ng junior/senior highschool,madugo na ang gastusan:eek:mahal kasi magpa aral ng high school d2,I should know..high school na kasi anak ko eh:pGambatte na lang sa yo sis:wavey:

lyka
04-02-2008, 06:22 PM
maraming salamat po sa lahat ng encouragement niyo... it's really a big help. nakakalakas po ng loob, sabi nga kung kaya ng iba, kakayanin din namin. ang gusto lang po namin eh magkasama sama na ulit kaming buong pamilya... and it's going to happen.......konting tiis pa.....

since bago lang me dito sa Japan, ang dami ko po talagang natututunan sa pagbabasa lang ng forum dito sa timog.

thanks po ulit!

mariepippe02
04-03-2008, 10:11 PM
oo nga lyka san matututo din yan anak mo ng nihonggo lalo na kung araw araw clang nakakarinig or nakakapanood ng japanese language!meron me kakilala d2 nung dinala nya yung anak nya d2 sa japan wala talagang alam na nihonggo pro wala pang isang buwan yung bata mas marunong pang magsalita kesa sakin hehehe.gambatte nlang ha!:)

kristen
04-04-2008, 09:14 PM
hello Sis, san ka sa Gunma?
Kwento ko lang din experience ko dito. 1 year na kami last march dito. 3 years dependent visa kami. Filipino din ang husband ko. Yung anak ko 5 years old pinasok namin sa Yochien malapit samin. Wala syang alam sa nihonggo ha kaya worried din ako nung una..pero ilang months palang sya sa school, marunong na sya magsalita as in. Mahilig din kase sya manood ng mga cartoons/anime..pati ako kaya siguro mas mabilis natuto. Saka nakakatuwa dun sa school para syang instant celebrity kase nagiisang foreigner. Mababait ang mga teachers saka helpful sila..pati mga mommies close ko na rin. Nasa pakikisama lang naman siguro yun. I'm sure makakapag adjust din kayo. Don't worry too much madali lang matuto ang mga bata. Mas gusto na nga ng anak ko dito sa Japan eh..ayaw na umuwi sa Pinas hehe