PDA

View Full Version : asking 4 financial support


buddy_mico
04-06-2008, 08:22 PM
Gusto ko rin po sanang hingiin ang advice ninyo. May friend po ako na naanakan ng hapon. Hindi po sila kasal pero nakapirma po ang hapon sa birth certificate ng dalawang bata. Mag i isang taon na po hindi nagpapadala ng financial suport ang hapon, di na rin po ini entertain ang mga tawag. Naaawa lang po kc ako sa mag bata at wala rin namn pong permanent job ang friend ko. Lalo na po ngaun mag papasukan na naman,baka di Po makapag aral yung mga bata. Naibenta na po ng friend ko lahat ng naipundar nyang gamit. Pls. naman po tulungan nyo siya kung ano ang dapat gawin. Thanks po!

summergirl
04-06-2008, 08:29 PM
mas mabuti nyan punta sya ng City hall para mag sodan <hingi ng advise>they will teach you the best thing to do..

docomo
04-06-2008, 11:24 PM
Nandito po ba sa Japan yung friend mo at yung mga bata? o nasa Pilipinas?:)

mystic_girl
04-07-2008, 08:14 AM
may habol yan since may pirma nung tatay sa BC ng mga bata...tulad ng nangyari sa kakilala ko naanakan sya ng hapon pero walang suporta galing sa tatay...humingi sila ng tulong sa NGO ayun hinanap ang tatay...nakipagcoord inate ang NGO sa city hall at natrace yung address ng tatay then minanduhan na obligadong magbigay ang tatay ng supporta buwan buwan so yun naging ok na

sweet
04-07-2008, 01:15 PM
kung andito silang lahat sa japan malaki ang chance na mabigyan sila,hingi lang kayo tulong dyan malapit sa cityhall nyo,kung ano ang mga dapat na gawin

buddy_mico
04-07-2008, 01:33 PM
thank you po sa mga nag reply. Nandito po sila ngaun sa Pinas. NGO po ba d2 sa Pinas kami lalapit.

buddy_mico
04-07-2008, 01:37 PM
San po ba kami pwede lumapit d2 sa PInas. Nagpunta na po kc sya sa Japanesse embassy d2 sa atin pero di po siya ini entertain dahil personal matters na daw po yun. Ano po ba ang dapat at saan po kami lalapit d2.

bahaykubo
04-07-2008, 03:58 PM
naku mahirap po yan..kahit po pirmado ng tatay ang bc kung ayaw na pong magbigay ng sustento wala na pong magagawa.tel your friend magtrabaho mabuti to support her kids.di po lahat nagsusustento.buti kung nandito sha sa japan may mga ngo at puede kontakin ng city hall.sa pinas.....tsk tsk tsk..dami na din pong ganitong case.pero shoganai ei..sa ayaw magbigay or wala ng ibibigay di po natin alam.:O

megami704
04-25-2008, 11:55 AM
ayaw na ba nya umuwi ng japan?