View Full Version : Ano ang "lapad"?
brocks
01-24-2006, 10:53 PM
may mga terminologies kayo sa jpn na do ko get. ano po ang LAPAD? at magkano po ba ang average na kinikita ng mga pilipino sa jpn. sori nagreresearch lang po at magtratrabaho ako dyn in the near future
Hello brocks, ang lapad ay 10,000 yen, malapad daw kasi. Hindi ko alam kung ano ang average ng kinikita ng mga Pinoy dito (malamang walang may alam nito). Pero nabasa ko doon sa isang thread na ang average salary ng isang university graduate na Hapon ay around 180,000 yen.
brocks
01-24-2006, 11:04 PM
salamat po sa quick response. appreciate it
docomo
01-24-2006, 11:06 PM
Hi brocks!!
... kaya pag narinig mong Lapad~Lapad ang kinikita ibig sabihin naman .. madaming 10000 yen :D
crispee
01-24-2006, 11:28 PM
Ganito ang itsura ng 'lapad' (http://www.japanorama.com/10000yen.html). Mas malaki lang siya ng 1 cm kumpara sa 100 peso bill natin.
Dimension ng Phil. peso is 6.6cm X 16cm while lapad is 7.6cm X 6.6
ambhoo
01-25-2006, 12:52 AM
ayon sa aking pagsisiyasat... ang baguhang mangagawa dito ay binibigyan ng 800 yen per hour dipende rin ito sa kaisha or company na pinagtratrabahuhan mo.. mayroon din namang fixed ang sahod kada buwan kagaya ng mga shine or regular.. may alam akong mangagawa na regular.. ang kinita nya ay 30 kalapad isang buwan.. rain or shine on duty or off duty basta fixed un per month.. depende rin kc sa pinapasukan mo.. ito ay ayon lamang sa aking pagsisiyasat.. :D
Lapu_lapu
01-25-2006, 04:49 AM
Hi brocks!!
... kaya pag narinig mong Lapad~Lapad ang kinikita ibig sabihin naman .. madaming 10000 yen :D
ah ganon ba yon?.
kasi, "Lapad" is a Cebuano word. In tagalog, we say "Kapal". So if you have Lapad lapad money in Japan, ibig sabihin kapal kapal ng pera mo. Kaya ok lang pala tawagin na Lapad kasi daming 000000's ang Yen. hehehe:D
Lapu_lapu
01-25-2006, 04:59 AM
Mga ka tf sa japan,
tanong ko lang tungkol sa YEN money.When you guys go out for shopping and you pay your groceries in thousands of thousands of YEN, Do you find difficulties to pronounce it? How do you correct it pag nagkamali yung pagka bigkas ninyo ng tamang amount? Seguro nakakalito pag invloved na yung malaking amount...Hirap bigkasin.
noycoco
01-25-2006, 06:40 AM

kapag namimili ka naman e hindi mo naman dapat banggitin yung amount...ang magsasabi ng amount e yung kahera ng tindahan, sasabihin niya sa iyo ang total ng pinamili mo....di ba kahit saan naman ganoon? actually sa umpisa ka lang malilito sa pera......pag nagtagal ka na masasanay ka na din, mas makakalimutan mo na nga ang pera sa atin lalo na yung mga coins...mas mahirap pa nga sa atin ang coins kasi parang halos lahat di nagkakalayo ang laki....
DaiRyouKoJin
01-25-2006, 11:15 AM
atsaka dito napaka ingat nilang maghawak ng pera..sa atin kasi sa pinas, isuksuk mo lang sa bulsa ng pantalon mo, kahit anung itsura ng pagsuksuk...ala na pakialam. dito...sa ngayon..wala pa ako nakikitang lukot na pera.
fremsite
01-25-2006, 12:13 PM
atsaka dito napaka ingat nilang maghawak ng pera..sa atin kasi sa pinas, isuksuk mo lang sa bulsa ng pantalon mo, kahit anung itsura ng pagsuksuk...ala na pakialam. dito...sa ngayon..wala pa ako nakikitang lukot na pera.
naku ~~~ so true ka dyan dairycreame .. wala pa kong nakitang " busabos " na pera dito .. yung bang nanlilimahid sa ... ewan kung ano yun .. ( just like pera ng pinas .. yung halos ayaw mo ng hawakan kasi nga sobrang dumi .. pero hawak pa rin kasi pera yun eh no.. )... and mga kahera nga ang nagsasabi kung magkano babayaran mo ... ( hindi sila suplada o naka-ismid .. yung ibang kahera kasi sa atin sa pinas .. madalas akong mainis ... graaaabeeeh kasi kung umistima ng costumer ... grrr! ) kaya lang kelangan talagang marunong kang mag-hapon para intindihin kung ano sinasabi nila kasi .. ang dami nilang sasabihin ( pa -thank you sila at nagpunta ka sa omise nila ... minsan naman kung ano2 pa sasabihin .. tapos tsaka pa yung total amount ang maririnig mo .. ) sanayan din lang ...:)
Little Johnny
01-25-2006, 12:33 PM
... and mga kahera nga ang nagsasabi kung magkano babayaran mo ... ( hindi sila suplada o naka-ismid .. yung ibang kahera kasi sa atin sa pinas .. madalas akong mainis ... graaaabeeeh kasi kung umistima ng costumer ... grrr! ) kaya lang kelangan talagang marunong kang mag-hapon para intindihin kung ano sinasabi nila kasi .. ang dami nilang sasabihin ( pa -thank you sila at nagpunta ka sa omise nila ... minsan naman kung ano2 pa sasabihin .. tapos tsaka pa yung total amount ang maririnig mo .. ) sanayan din lang ...:)
hehehe... ako din, nakatingin lng ako sa display ng cash register para malaman yung total amount... deadma na yung napakaraming sinasabi ng kahera.... smile na lang ako..... hihihi :D :D :D
hotcake
01-25-2006, 01:35 PM
hehehe... ako din, nakatingin lng ako sa display ng cash register para malaman yung total amount... deadma na yung napakaraming sinasabi ng kahera.... smile na lang ako..... hihihi :D :D :Dhehehe, bakit naman doon ka nakatingin sa display ng cash register, sasabihin naman sa iyo ng kahera kung magkano ang babayaran mo e.:p Takot ka siguro magkulang ang pambayad mo ano, kaya bantay ka sa total amount kada scan ng binibili mo....:D (peace tayo ha LJ):)
Little Johnny
01-25-2006, 01:41 PM
hehehe, bakit naman doon ka nakatingin sa display ng cash register, sasabihin naman sa iyo ng kahera kung magkano ang babayaran mo e.:p Takot ka siguro magkulang ang pambayad mo ano, kaya bantay ka sa total amount kada scan ng binibili mo....:D (peace tayo ha LJ):)
slow po kasi ako sa nihonggo, kahit sa numbers eh bobito... hehehe:D :p
Lapu_lapu
01-25-2006, 01:42 PM
kapag namimili ka naman e hindi mo naman dapat banggitin yung amount...ang magsasabi ng amount e yung kahera ng tindahan, sasabihin niya sa iyo ang total ng pinamili mo....di ba kahit saan naman ganoon? actually sa umpisa ka lang malilito sa pera......pag nagtagal ka na masasanay ka na din, mas makakalimutan mo na nga ang pera sa atin lalo na yung mga coins...mas mahirap pa nga sa atin ang coins kasi parang halos lahat di nagkakalayo ang laki....
oo nga pala ano!:O
hehehe, bakit naman doon ka nakatingin sa display ng cash register, sasabihin naman sa iyo ng kahera kung magkano ang babayaran mo e.:p Takot ka siguro magkulang ang pambayad mo ano, kaya bantay ka sa total amount kada scan ng binibili mo....:D (peace tayo ha LJ):)
Para sa akin, kailangan ko ring tingnan ang display duon sa cash register hindi lang para malaman kung magkano ang total amount ng nabili ko kundi to make sure sure din na tama ang pangdinig ko duon sa sinabi n'yang total amount.
Pero one time hindi ko mapigilang titigan nang matagal 'yung mukha ng maganda at smiling cashier, kasi 'yung dimple n'ya ... grabe it's killing me. ;)
michiko
01-25-2006, 02:18 PM

kaw ha kaya pala tsine check mong mabuti yung display dun sa cash register kasi baka hindi mo narinig ng maayos dahil na didisturb ka ng magandang smiling face na cashier. hehehe joke!
peace tayo!:)
DaiRyouKoJin
01-25-2006, 03:17 PM
hehehe... ako din, nakatingin lng ako sa display ng cash register para malaman yung total amount... deadma na yung napakaraming sinasabi ng kahera.... smile na lang ako..... hihihi :D :D :D
pag nagtatanong nga sila kung may mga card ek-ek ako..para akong si april boy pag nagsasabi ng wala :D hihihihi ( ginagwa ko yung gesture katulad ng ginawa ni april boy pag kinakanta yung.."di ko kayang tanggapin...")
kaw ha kaya pala tsine check mong mabuti yung display dun sa cash register kasi baka hindi mo narinig ng maayos dahil na didisturb ka ng magandang smiling face na cashier. hehehe joke!
peace tayo!:)
Oo nga,eh. Inulit tuloy n'ung cashier sa akin kung magkano ang dapat kung bayaran at nag-suimasen na lang ako. :O
Sorry, brocks, na-off-topic na 'ko. Anyway, mai-encounter mo rin ang mga salitang, "Isang Lapad", "Dalawang lapad", "Tatlong Lapad", and so on. I-multiply mo lang by 10,000 yen para sa equivalent ng mga 'yon.
Pero sa totoo lang, magaganda parin ang mga Filipina para sa 'kin. Ano ba 'yan, off-topic na naman. :O
katty0531
01-25-2006, 04:07 PM
Maingat sa pagdadala ng pera ang mga Hapon, kaya sanayin mo na ring mag dala ng wallet pag nandito kana at pag may lapad-lapad ka nang hawak. Napuna ng asawa ko na ang mga Pinoy raw parang hindi mahilig sa wallet:D isusoksok lang sa bulsa tapos na.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.