PDA

View Full Version : Is Education Necessary To Be Successful In Life?

shinshinobi
04-08-2008, 03:11 PM
Can I rephrase the title?

"Is College Education Necessary To Be Successful In Life? "

itchay
04-08-2008, 03:16 PM
ano naman sa tingin niyo?

if we base success by wordly definitions, necessary to a certain extent..
pwedeng di formal education via traditional classrooms..
basta matuto ka lang magbasa.. the rest is up to you to upgrade yourself.

but there are just some people who love to study..
isa na yata ako dito.. napi-picture ko sarili ko still going to school at age 60 :D

Wreinman
04-08-2008, 05:48 PM
sa Japan o sa Pilipins? :D

ano ba ang pamantayan para masabing 'matagumpay ang buhay'? :D karangyaan, kasaganaan, masayang pamilya, etc.? merong mga taong nagkamit ng mga ganyang bagay kahit di nakapagtapos ng kolehiyo. mayron din namang sumagana ang buhay dahil nagsumikap makatapos. me mga tao namang hindi nagmamay-ari ng mga ganyang bagay pero kinoconsider pa rin mayron silang matagumpay na buhay. ang sagot ay depende nalang sa batayan natin sa buhay kaibigang shin. :)

engr_jazon
04-08-2008, 05:53 PM

mukha yatang napakatalinghaga ng iyong talumpati kapatid na wreinman..hehehe...

ako naman.. mukhang tama ka rin sa iyong naturang... subalit datapwat di maitatanggi ang wari ni inay na ang edukasyon ay ang pamanang di nananakaw ninuman... ... (hehehe... mamaya yung iba at mag iisip muna ko,,,,) nauubusan ako ng tagalog

KikoyBalayon
04-08-2008, 06:05 PM
lakas ng loob at determinasyon and 99% luck.. is all you need.. :D

rubybm
04-08-2008, 06:07 PM
Can I rephrase the title?

"Is College Education Necessary To Be Successful In Life? "
education is important to everyone but success in life is up to the person how to create there DESTINY to become a SUCCESSFUL IN LIFE because success in life is not just in the education its more than a GOAL that you need to aim high in order to succeed ----- :p

shinshinobi
04-08-2008, 08:09 PM
yung iba kasi kahit successful na sa buhay pero hindi nakapag aral, feeling nila may kulang pa rin hindi ba?

summergirl
04-08-2008, 08:21 PM
I think Education is no 1.This is just my opinion,pero meron namang di nakapag tapos na stable ang buhay.sa guts ng tao kasi yun eh..

mamimo
04-08-2008, 08:40 PM
yung iba kasi kahit successful na sa buhay pero hindi nakapag aral, feeling nila may kulang pa rin hindi ba?

Minsan frustration ng tao they pass it on to their children for example former employer kong Chinese businessman talagang gusto nya makatapos ng pag-aaral kaso maagang namatay ang father nya kaya as the eldest in the family sya nag-take over sa pag-nenegosyo. Pero dahil marami silang negosyo walang time para sa schooling madalas din sa abroad sya eh tapos lately nang kamustahin ko sya kwento sa kin nasa magagandang schools ang anak nya at yun isa 1year na lang tapos na sa ADMU kaya sobrang proud sya. Kahit may frustrations ang tao at makuha yan ng taong malapit sa puso mo parang kaw na rin yun, you are part of it.:)

yoshiana
04-08-2008, 10:39 PM
EDUCATION,para sakin mas malaki ang possibility ng pagiging SUCCESSFULL non,kasi nagkakaron ka ng confident sa sarili mo, although me mga tao din naman na maski D nakapag aral nagiging successful din,depende siguro iyon sa determinasyon/ability ng tao:)

wired
04-08-2008, 10:50 PM
mas maganda po siguro determine muna kung ano ba ang success para sa isang tao bago masagot ang tanong na ito...kung hindi ibibigay kung ano ang ibig sabihin ng salitang success sa tanong na ito, gaya ng sabi ng marami...depende ang sagot...walang diretsong sagot sa tanong na ito...

peace...:D

shinshinobi
04-09-2008, 01:37 AM

well siguro ang "success" na tinatawag dito is yung "sense of fulfillment" ng isang tao sa kanyang buhay...

There are lots of people na hindi nakatapos pero nasa magandang kalagayan...like Bill Gates, hindi ba? College drop out pero kilala nyo naman kung sino siya.

Like Sharon Cuneta, na alam naman nating successful sa buhay pero I've heard nag aaral yata siya sa isang school ngayon...

musikaghie
04-09-2008, 07:29 AM
Talagang mahalaga ang EDUKASYON sa buhay natin,Pero tulad ng nasabi ng ibang ka TF natin na depende sa bawat tao. Pag nakatapos ng pag-aaral mas malaki ang chance na maging matagumpay sa buhay kung gagamitin sa tama at may kasamang sipag at tiyaga.
Meron kasing makatapos man ng pag-aaral kung di naman ginagamit, bale wala din...

Mayroon akong kilala na, HIGH SCHOOL lang ang natapos at driver lang, pero sa sobrang sipag at tiyaga, napagtapos niya ang 5 anak niya sa Kolehiyo. At yun daw ang tagumpay niya sa buhay...

Kaya depende sa bawat tao, kailangan talaga samahan ng Sipag, Tiyaga at lakas ng loob, at pananampalataya sa Diyos...
Minsan naman miski anong sikap at tiyaga mo, kung di para sa iyo ang maging matagumpay, Kapalaran na lang siguro at swertihan din sa buhay diba?:)

shinshinobi
04-09-2008, 09:26 AM
does it matter if you know how to solve the square root of a number by manual calculation?

Spice
04-09-2008, 09:36 AM
For me, lang kahit walang brain basta may beauty..syempre mahal na mag paaral ngayon. Tapos din ako,pero yung course ko hindi ko nagamit. :)

Bored
04-09-2008, 10:13 AM
Logically speaking, what is education without a brain? What is success if there are no motivation,disciplin e and determination? Kaya baga in order to be successful, may kasama yang talent, discipline and brain. So education is not enough to be successful in life. For me, education is only a requirement and decoration to get the job you wanted to apply. But of course, i encouraged everybody to get higher education for more opportunity. :)

sarpon
04-09-2008, 11:01 AM
para sa akin kung saan ka dalhin ng kapalaran mo.. kung nalagay ka sa sitwasyon na di naman kailangan ng edukasyon pero may opportunity, swerte mo. kung napunta ka naman sa posisyon na kelangan talaga ang edukasyon at wala ka nun.. malas mo.:) di ba mas maganda na rin yung handa at may edukasyon para saan ka man mapadpad ay may magagamit ka. pero tama na di assurance ang college education sa success.. mas malaking parte ang sipag at determinasyon.:D

Bored
04-09-2008, 12:52 PM
exactly!

04-09-2008, 12:58 PM
tanong lang..

masasabi mo ba sa isang job interview for an office position sa pinas na "wala po akong college degree pero sobrang sipag at determinado ako"?

malamang tawanan ka ng interviewer or tumawag ng security kasi aakalain na may sapak ka...:D

shinshinobi
04-09-2008, 12:59 PM
so ano po ang sagot? yes or no?

Bored
04-09-2008, 01:23 PM
Depende po yon sa position na aapplyan mo. may mga position na kailangan talaga ng higher education at may position din na hindi na kinakailangan ang higher education pero may experience, masipag at determinado.

Like here in Japan, do you think those Sushi Chef Master got a master degree in Cooking? No they don't. Basically, when a student here in Japan turned 15 (Junior HS), they are allowed to go for a training to be a chef. Sumasama yan sa mga sushi chef master para maka experience lang. Ang pakay hindi diploma. Minsan nga walang sahod or depende lang seguro. Kaya sa sipag at disiplina dyan nila nakuha ang talent . Pagdating sa paghahananap ng trabaho(sushi chef), pasok sa trabaho kaagad walang problema, kasi may experience, sipag, determination. Ang problema walang wala silang "Diploma". Pero ayos lang sa kanila. Ginusto nila yun eh. wala tayong mgagawa..

tanong lang..

masasabi mo ba sa isang job interview for an office position sa pinas na "wala po akong college degree pero sobrang sipag at determinado ako"?

malamang tawanan ka ng interviewer or tumawag ng security kasi aakalain na may sapak ka...:D

wired
04-09-2008, 09:10 PM
well siguro ang "success" na tinatawag dito is yung "sense of fulfillment" ng isang tao sa kanyang buhay...

There are lots of people na hindi nakatapos pero nasa magandang kalagayan...like Bill Gates, hindi ba? College drop out pero kilala nyo naman kung sino siya.

Like Sharon Cuneta, na alam naman nating successful sa buhay pero I've heard nag aaral yata siya sa isang school ngayon...

kung ganoon po eh depende pa rin ang sagot...kasi depende sa satisfaction ng tao kung fulfilled na sya sa buhay nya eh...:D

Chibi
04-09-2008, 10:24 PM
Can I rephrase the title?

"Is College Education Necessary To Be Successful In Life? "
Fafa Shin sagot ka rin muna:D
for me,kailangan din kase may natapos tayo,maging successful man tayo or di mo nagamit ang pinag aralan mo, stepping stone ang education para maging successful ka sa buhay,for example may papasukan kang business,susugal ka ba kung ala kang alam sa papasukin mo?syempre ang iisipin mo baka ka maloko,kaya kahit konting kaalaman/background, dapat meron ka bago ka sumugal,kahit may ability ka pa at determinasyon kung mangmang ka naman,madali kang maloloko,yung success in life saken,satisfaction kung ano yung narating mo ngayon at nakuha mo,may pinag aralan ka man o wala,or di mo nagamit pinag aralan mo.Hapiness yung ang fulfilment ko.

shinshinobi
04-10-2008, 12:27 AM
For me, education is essential in order to be successful. Not necessarily from a reputable school, but any school would do.

We are based on a society where intelligence has always been the benchmark of the elite.

Bill Gates may not have a college degree but don't forget that he studied at a private school where he was exposed to computers and programming at an early age of thirteen.

On the other hand, success is all about overcoming challenges in life. May it be financial, love or family matters, success is always the sense of fulfillment in the end.

KikoyBalayon
04-10-2008, 11:02 AM
Depende po yon sa position na aapplyan mo. may mga position na kailangan talaga ng higher education at may position din na hindi na kinakailangan ang higher education pero may experience, masipag at determinado.

Like here in Japan, do you think those Sushi Chef Master got a master degree in Cooking? No they don't. Basically, when a student here in Japan turned 15 (Junior HS), they are allowed to go for a training to be a chef. Sumasama yan sa mga sushi chef master para maka experience lang. Ang pakay hindi diploma. Minsan nga walang sahod or depende lang seguro. Kaya sa sipag at disiplina dyan nila nakuha ang talent . Pagdating sa paghahananap ng trabaho(sushi chef), pasok sa trabaho kaagad walang problema, kasi may experience, sipag, determination. Ang problema walang wala silang "Diploma". Pero ayos lang sa kanila. Ginusto nila yun eh. wala tayong mgagawa..

but then again a "sushi chef" is not anyway related to applying to an office job.. its like answering oranges when the question asked is about apples.. :D

mamimo
04-10-2008, 11:10 AM
but then again a "sushi chef" is not anyway related to applying to an office job.. its like answering oranges when the question asked is about apples.. :D

apples and oranges? penge, ala ko makain dito naulan di makalabas....huhu

on topic: sa tingin ko "necessary" kasi di lahat siniswerteng maging Lucio Tan, Henry Sy, etc. kaya di dapat asahan ang swerte lalo kung wala kang alam sa pag-attract ng luck hirap kaya aralin ang pusoy este feng shui.:O saka ang education nakaka-widen ng pananaw, swerte ng mga taong nakatapos at swerte rin ng mga taong may privilege na makapag-aral pero sabi ng titser ko sa high school "Education is a Right not a Privilege" I want to ask her kahit po ba sa bansang mahirap tulad ng Pinas kaso I shut my mouth titser sya eh she is always right....hehe

kakkoii_daw
04-10-2008, 11:27 AM
"Is College Education Necessary To Be Successful In Life? "

usually... but sometimes all you need is luck! :D

summerghie
04-10-2008, 11:51 AM
i think necessary sya especially satin sa pilipinas masyadong mataas ang standard of education natin. di lahat madadaan sa luck or sipag, dahil minsan mas tinitignan nila yun educational background mo . kese hodang sabihin mo pa na masipag ka at willing kang matuto eh deadma ka dian kasi mas tinitignan nila ang capability mo sa edukasyon natapos mo ( kakaloka diba ) dun na lang wala ka ng magawa.

though some of us are really lucky kasi kahit walang natapos eh successful sa buhay pero di lahat ganun eventhough you reach the point of your life na successful ka na pero parang kulang parin doon mo maiisip na kailangan mo ng diploma para masabi mo na fulfilled ka na rin.

di man related sa course natin ang naging trabaho natin importante yun feeling na ang sarap sarap na meron kang diploma na proud ka at mapagmamalaki mo pagdating ng oras.

madalas sabihin ng mga magulang natin na ang "edukasyon lang mapapamana nila satin ; di yan pwedeng nakawin sa inyo kasi inaani ninyo yan"

at sabi nga rin ni ernie barron " knowledge is a power":)

Bored
04-10-2008, 12:03 PM
Pareng Kikoy, ang sagot ko dito, depende po yon sa position na ina applayan ninyo. Nasa first paragraph po yon. Marami pong office position na hindi na kailangan ng Univ.Diploma kasi over qualified po daw. HS diploma, ok na yon. Kagaya ng Office Utility, Stenographer, Messenger at etc. Yan ay nasa opisina po, pero mababang level po. Pero kung sabihin natin na nag apply para sa position na Manager, aba hindi po pwede yan:D. Aba kailangan talaga yan ng ibang papel. Kaya depende po. Kung success ang pinag usapan, nasa tao na po yan kong contento na sya sa buhay at sa palagay nya siya na ang pinakamagandang buhay sa boung mundo at abot na nya lahat ang gusto nya pati langit. Hindi pa nga natin alam baka si Bill Gates hindi pa sya contento sa buhuy nya, pero sa mata ng tao successful talaga ang buhay nya.

Sa sushi chef po, sample lang po yon na may mga tao talaga na hindi na nila kailangan ang diploma. Gusto nila practical na trabaho lang. Ayaw nila ang pasikotsikot pa.
Sana itong sagot ko hindi na maging orange to apple kundi Apple to orange na lang...

but then again a "sushi chef" is not anyway related to applying to an office job.. its like answering oranges when the question asked is about apples.. :D

honey
04-10-2008, 11:11 PM
Kailangan parin syempre para sa maraming pangarap sa buhay. Kung kontento ka naman sa buhay mo ok na rin na kahit hindi ka tapos ng pag-aaral.