PDA

View Full Version : Pakihanap po para sa abandoned children...

flor
04-09-2008, 12:59 PM
Mga ka TF good day po sa inyong lahat!

Hingi po sana ako ng tulong sa inyo para po sa kapatid ko na naanakan ng Japanese. Ganito po kasi yun.

Iyon pong kapatid ko ay nakaroon ng relation sa hapon, nagka anak po sila ng dalawa at malaki na po ngayon. yon pong isa 22 years old and the other one is 19 yrs old.

Ilang beses po kaming ng try na hanapin sya through pagtatanong sa mga nakatira jan sa Japan. ngunit wala pong makapag bigay ng details . Sana po through Timog or this site ay ma resolba po ang burden ng aking sister...

Ngayon po ay sobrang hirap na ng aking kapatid at 2 anak nya. di naman po enough yung suppot me for them.

If meron po na tao na makakatulong sa sister ko para makausap ang ama ng mga bata ay malaking tulong po..

Ang name po ng hapon ay Tanoue HIdeaki, taga Kumamoto ken, Kyushu. Dati po may Club ang pangalan ay CHARMANT CLUB sa Izumi Machi, Yamaga Shi, kumamoto ken.kung existing pa po ito ay hindi na po namin alam.

Nais lang po ng sister ko na mapakiusapan na mapa ninchi o ma acknowledge ang mga anak nya kahit na po hindi suportahan financially. ay ok na din po.

PLEASE PO HELP...

bahaykubo
04-09-2008, 02:15 PM
naanakan lang po ba at hindi naiksal??baka po ayaw na talagang magpakita ng tatay ? siguro po ay meron itong ibang pamilya kaya ayaw ding i acknowledge ang anak.lalo na ngayun malalaki na sila.
sabi nyo nga din po 22 and 19 years old na ang mga bata(este malaki na pala).so siguro po dapat tulungan na nila ang mother nila sa pagtratrabaho..kasi po kung yung tatay po nila ang aasahan nila baka po matagalan pa ...hindi naman po rare ang ganitong kaso..hindi naman sila nag iisa..marami ding naanakan na ina bandoned ng kanilang japanese parents maybe for some reasons...

and hindi ba late na para ipa ninchi?or aknowledge? para po ba magkaron ng japanese citizenship at makapunta ng japan para makapag work?kasi kung zero knowledge din sila dito sa japan mahihirapan din po sils makapamuhay or makapag work kagad.

hintayin pa po natin ibang ka tf baka may nakakakilala sa taong hinahanap nyo:D

flor
04-09-2008, 03:43 PM

Good noon Bahaykubo!

Salamat po sa reply mo sister/brother.

Yes hindi nga po kasal ang sister ko doon sa hapon, kaya lang hindi naman kami sigurado kung willing or not ang father na i acknowledge ang mga pamangkin ko, ang kailangan lang po ay may taong makausap ang hapon na naka base kung saan n residing ung subject.

Ano po kaya ang agandang hakbang.
Plese po paki advice po kami.

Yung mga bata hindi nakarating sa college dahil hindi ko naman po kaya na i shoulder ang tuition for college , kaya po in other words pow, walang natapos.

San po my ib pang mag advice ay my mga nakakakilala a kanya ano pow..

Slamat po muli!:)

japhil
04-09-2008, 04:20 PM
ask ko lang po san po ba sinilang ang mga pamanki nyo? dito po ba sa japan or sa pinas?

kwento ko lang po meron po kasi kaming kapit bahay sinilang sya dito sa japan then bata palang sya inuwi na sya ng mother nya sa pilipinas kasi nag asawa ng pilipino mama nya then dyan na sila sa pinas nanirahan.

ang pagkakaalam ko lang po sa ginawa nila pumunta sila sa japan embasy at me dala silang katibayan na anak sya ng hapon at pati mga picture nilang mag-ama at kasama nanay nya.

bale 1 yr napo dito sa japan yung dalaga 23 yrs old na po sya. dahil di naman nila alam kung nasan ang father ni Maychan nakisuyo nalang po ang mother nya sa mga friends nya na nakapag asawa ng hapon at dito na sa japan naninirahan at syang pangsamantalang kumopkop sa dalaga. ngayon po ehhh nag sasarili na po ang dalaga.

nag try napo ba kayong mag tanong sa japan embasy tungkol sa kapatid nyo? sana me hawak ang mother nila ng kahit anong katibayan na me lahing hapon talaga ang bata at anak talaga ng hapon.

hayaan nyo po pag magaling na anak ko papasyalan ko po si maychan para mag tanong kung ano pa yung iba nilang ginawa.