View Full Version : Domestic Violence
makulit
04-10-2008, 09:34 PM
Advisan nyo po ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, am very helpless. Yung friend ko biktima ng domestic violence. Limang taon na po syang nagtitiis. Ang pinaka recent nga pong kaganapan ay nung isang linggo, nung isang araw at kanina po.
Ikukwento ko yung nangyari nung isang linggo. Sinaktan po sya at umabot sa bigayan ng kutsilyo, patayin mo na lang ako. HIndi ko po madetalye kasi yun lang po ang pagkakasabi sa akin. Hindi po nagrereport si friend sa pulis. Nag soudan sila sa cityhall, alam nyo naman dito pinapanigan lagi ang mga nationals nila. Talo si friend, hindi makukuha ang bata at sinabi pa ni hapon na yung friend ko lang ang may gustong makipag divorce, sya daw ayaw nya.
Nung isang gabi daw, bigla na lang gumising ng past midnight at pinagmumura sya at pinukpok ng tsinelas sa ulo. Kinaumagahan, binato naman sya ng basahan.
Kanina, umuwi galing trabaho, high blood na daw. Nagsisigaw, minumura sya at pinukpok ulit ng tsinelas. Takot na takot na si friend, kumuha daw sya ng kutsilyo, inagaw sa kanya at tinamaas sya sa paa, dalawang malaking hiwa. Nakatakbo po sya at nagkulong sa banyo. Tumawag po sya sa akin. Sabi ko tatawag ako ng pulis. Sya na lang daw po. Tumawag po sya ng pulis. Dumating daw po. Sabi ng asawa nya, dinifend lang daw nya ang sarili nya. Gusto daw ng friend kong patayin sya at ang anak nila. Pinaniwalaan po yung hapon ng mga pulis. Pag usapan at magdivorce na lang daw sila. Iniwanan po sila ng divorce papers ng mga pulis at dalhin daw sa cityhall bukas.
Gusto na pong umalis ng friend ko sa bahay nila. HIndi po sya makaalis. Sabi po ni hapon, magkakapatayan daw po sila hindi sya makakaalis ng bahay. Pirmahan daw po muna nya ang divorce paper at ayusin ang anak. Gusto pong makuha ni hapon ang bata. Nakabantay po si hapon sa bahay at sinisiguro na hindi sya makakaalis ng bahay.
Ano po ba ang gagawin nya? Hindi na po nya kayang magtiis ... hindi nya ba talaga maipaglalaban ang anak nya? Hindi ba sya pwedeng umalis na kasama ang anak nya?
summergirl
04-10-2008, 09:50 PM
Dear sorry to say na hindi pang hihimasukan ng police ang mag asawang problema..inunahan pala sya ng asawa nya ng sumbong na self defense lang yun,pinkamaganda nyan,pa medical sya at mag sodan sya sa City hall para malaman nila ang nang-yayari sa prend mo..naku!!kagigil..: confused:sabihin mong mag ingat silang mag ina or humingi ng tulong sa kapitbahay pag sinasaktan sya,wag syang mag labas ng kutsilyo baka mapatay sya or makapatay sya..
makulit
04-10-2008, 09:53 PM
summergirl paano po sya makakapag pa medical, hindi nga po sya pinalalabas ng bahay ngayon. bantay sarado po.
makulit
04-10-2008, 09:57 PM
ang gusto na lang po nya ay makaalis ng bahay ngayong gabi na ... natatakot na po sya talaga ... tinawagan po nya yung mother in law nya at pinakiusapan na pumunta na ngayong gabi. hindi daw po sila aabot sa last train, bukas na lang daw po ng umaga at sinabihan sya na huwag magpumilit na umalis ngayong gabi dahil baka kung ano pa ang mangyari.
mtwalton
04-10-2008, 10:04 PM
goodevening.
ask favor to one friend and deliver some food na may sleeping pills at pag knock down na sabayan nya ng takbo.........
ang mga polis oo:mad:...saka sila kikilos or gagawa ng kung ano kung huli :mad:...grrrr...
or wala bang malapit na church sa kanila't tumawag sa shimpsan to ask for a help?
makulit
04-10-2008, 10:07 PM
goodevening.
ask favor to one friend and deliver some food na may sleeping pills at pag knock down na sabayan nya ng takbo.........
ang mga polis oo:mad:...saka sila kikilos or gagawa ng kung ano kung huli :mad:...grrrr...
itatakas po ba din ang anak? ano po ang legal consequences ng ganyang actions?
itchay
04-10-2008, 10:08 PM
makulit,
may nahanap akong webpage that has links to associations for foreigners experiencing domestic violence. try to check, may mga english links. pag may hindi ka maintindihan sa mga japanese texts, post mo lang. i'll try to help.
http://www.gender.go.jp/e-vaw/siensya/08.html#forigner1
list of phone numbers of Spousal Violence Counseling and Support Centers (http://www.gender.go.jp/e-vaw/siensya/images/foreign/08-2centere.pdf)
Tagalog (http://www.gender.go.jp/e-vaw/foreignpdf/04tagalog.pdf)
mtwalton
04-10-2008, 10:10 PM
itatakas po ba din ang anak? ano po ang legal consequences ng ganyang actions?
siyempre...kasama nyang tatakbo yung anak nya....first to think about ay yung kanilang kaligtasan...
marin chang
04-10-2008, 10:14 PM
try mo kaya mag punta sa embassy natin..baka mahuli ang lahat..tsk imagine na lang ang hirap na ianaabot nya araw araw...pano nga pala nya naikwento sa iyo ang nangyari sa kanya?
mamimo
04-10-2008, 10:15 PM
itatakas po ba din ang anak? ano po ang legal consequences ng ganyang actions?
see this link, you may get something from here....wawa naman friend mo.:(
http://www.crnjapan.com/issues/en/kidnappingnotcrime.h tml
makulit
04-10-2008, 10:18 PM
try mo kaya mag punta sa embassy natin..baka mahuli ang lahat..tsk imagine na lang ang hirap na ianaabot nya araw araw...pano nga pala nya naikwento sa iyo ang nangyari sa kanya?
hanggang kanina po mga 7pm kausap ko po sya sa mobile. ngayon wala na pong communication. iyak po ng iyak sa phone.
mamimo
04-10-2008, 10:18 PM
try mo kaya mag punta sa embassy natin..baka mahuli ang lahat..tsk imagine na lang ang hirap na ianaabot nya araw araw...pano nga pala nya naikwento sa iyo ang nangyari sa kanya?
gusto ko rin sana itanong yan hindi ba pwede ireport yan sa embassy and ask them na mabisita sa bahay ang Pinay para macheck sya? pero duda ko lang kung magawa nila yan ASAP!
itchay
04-10-2008, 10:25 PM
yung counseling and support centers daw, pwede sila sumilong don temporarily.
khaizze
04-10-2008, 11:54 PM
nakakaawa naman yung friend mo:( makulit san paki-mail mo na lang sa friend mo itong mga no. na ipo-post ko dito, baka makatulong ito sa case nya. 0333688855 Woman House Help/ International Family Lifeline 0529539480/ 09011514582 Asian Woman Project. Pwede raw kausapin sa Tagalog para mas mapaliwanag nya, kaya lang hindi ko lang po alam kung anong araw yun. Sana makatulong po.
sarpon
04-11-2008, 08:55 AM
@makulit
kung may time ka today, bakit di mo puntahan yung friend mo? kunwari bibisita ka lang. syempre wag mo awayin yung hapon kasi domestic issue yan e. para lang alam nung hapon na may nakakaalam ng ginagawa nya at magdadalawang isip sya gumawa ng kahit anong marahas.
makulit
04-11-2008, 09:13 AM
@makulit
kung may time ka today, bakit di mo puntahan yung friend mo? kunwari bibisita ka lang. syempre wag mo awayin yung hapon kasi domestic issue yan e. para lang alam nung hapon na may nakakaalam ng ginagawa nya at magdadalawang isip sya gumawa ng kahit anong marahas.
sarpon kung pwede nga lang po pinuntahan ko na. nasa tokyo po ako, nasa osaka po sya. pinapapunta ko po sya dito sa akin kapag nagdesisyon sya na umalis na talaga sa kanila.
mariepippe02
04-11-2008, 10:47 AM
bkit sis wala bang work ang asawa nya at d nya kyang tumakas?kahit na d na sna cya magdala ng mga damit nla basta makaalis lng cya may kakilala rin ako na ganyan lagi daw cyang cnasaktan ng asawa nya at anak nya nag medical na cya at dinala nya sa mga police kaso ang mga gagong police wala naman ginawa.kya ginawa nya itinakas nlang nya ang anak nya kya napunta cla d2 sa gifu.
makulit
04-11-2008, 10:54 AM
@mariepippe02
may work po ang asawa nya. sis, sensya hindi ko masagot talaga, mahirap po ang sitwasyon, ayaw po nyang itakas ang anak nya baka makasuhan daw po sya.
Spice
04-11-2008, 11:00 AM
nakakagulat grabe..palamigin nya muna ang sitwasyon saka sya tumakas.
Magpa check up sya after makalabas sila. Meron mga NGO's pwedeng tumulong. Sana meron din dyan sa inyo..
katheyrine
04-11-2008, 11:02 AM
kawawa naman friend mo sis.:( sana malampasan nya ito.
bakit naman sya makakasuhan?
may nagpayo rin sa akin nuon na basta may papeles ka ng bata makaka alis ka pauwi sa atin sa Pinas.
at pagnasa pinas ka na..safe ka na at di nya basta-basta makukuha ang bata.
sana maka-alis sya sa puder ng asawa nya. nakakatakot kasi..may kutsilyo ng kasama yung nangyari kamo.
sis tulungan mo sya sa abot ng makakaya mo.:(
makulit
04-11-2008, 11:22 AM
update po:
pumasok po ang asawa nya kaninang umaga. buhay pa po pala sya ;) nila-lighten up lang po ang sitwasyon :O pasensya na po ... napapraning na kasi ako dito ...
nag impake na po kasi sya ng bag nya kagabi, for some reason na hindi nya maintindihan nilagay nya yung mga bags nya sa lugar kung saan nakikita ng asawa nya. kinuha po ng husband nya lahat ng gamit nya, pitaka, pera, alien card, passport, atms. maganda po ang development, ngayon kahit 1 yen wala po sya.
dinala po lahat ng gamit nya, nilagay daw sa trunk ng kotse.
pinirmahan na daw po yng divorce paper pero umalis papuntang work. hindi daw po nya madadala sa cityhall. hinihintay po nya ang mother in law nya. tumawag nga po pala sya sa ngo at sinabi ang sitwasyon nya. sinabi rin nya na hindi sya makaalis ng bahay dahil wala syang pamasahe. pumunta po ang ngo sa bahay at dinala sya sa libreng abogado para kumunsulta. nandoon pa po siguro sya hanggang ngayon ...
sana maayos na po ... salamat po sa inyong lahat ..
tabako
04-11-2008, 04:20 PM
wag syang aalis ng di nya kasama ang anak nya kahit anong mangyari! dapat kung may kakilala syang kababayan malapit sa kanya humingi sya ng tulong don,ang hirap nyan bantay sarado ang asawa nya, kawawa naman ! sana may mga taga osaka dito sa TF na malapit sa kanya baka sakaling pwede syang matulungan.
tabako
04-11-2008, 04:23 PM
buti naman at may maganda na palang nangyari kahit paano.sana nga maging maayos na ang lahat.
makulit
04-11-2008, 05:03 PM
salamat po tabako san sa panawagan.
medyo maayos na po si friend tabaco-san. may abogado na po sya. mas malinaw na po ngayon sa kanya kung ano ang gagawin.
maraming salamat po sa lahat ng sumagot, nagbigay ng contact numbers kung saan pwede dumulog at sa mga nagbigay ng kanilang suhestyon.
ipagpaumanhin nyo pong lahat pero kailangan ko na pong ipasara ang thread na ito. pasensya na po.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.