View Full Version : How much money?
abakitba
01-28-2006, 12:18 PM
Magkanong kelangan mo para uuwi ka na sa Pilipinas at do-on na mambuhay?
Assuming na pwede kang bumalik at hindi bilog of course.
At anong gagawin mo sa pera na yan?
Or dito ka na lang sa Japan hanggang who knows?
amy_neri
01-28-2006, 06:07 PM
dito sa japan, sabi ng isang kakilala ko na japanese, ang 300 million yen is enough na para sa isang single person na mamuhay ng hindi nagtratrabaho hanggang sa mamatay na sya. hhhmm. do the math.
Panzar327
01-28-2006, 07:48 PM
Magkanong kelangan mo para uuwi ka na sa Pilipinas at do-on na mambuhay?
Assuming na pwede kang bumalik at hindi bilog of course.
At anong gagawin mo sa pera na yan?
Or dito ka na lang sa Japan hanggang who knows?
ako no specified prize kung magkano kailangan ko para uwi nako ng pinas,pero mas balak ko pa rin na doon manirahan,
my husband is japanese kaya siguro matatagalan bago ako magbase siguro after 20 years pa or more,:rolleyes: kung ako lang ang tatanungin mas gusto kong sa pilipinas kami manirahan ng husband ko balang araw,pag dumating yung time magreretire na sya sa trabaho mas gusto ko uwi nalang kami sa pinas at magnegosyo doon,kasi dito sa japan marami ngang trabaho,pero mahirap mamuhunan ng sariling negosyo ang pangkaraniwang mamamayan,
gusto ko pag dating ng araw na retire na sya uwi kami ng pinas at magnenegosyo,atleast doon kami ang sacho,di ba:rolleyes: yung maiipon namin kung sakali sakali siguradong kulang yon pangnegosyo dito,at mamuhay ng sitting pretty,pero pag inuwi yun sa pinas,tiyak na magkakasya yon pampatayo ng maski simpleng negosyo,at mamuhay ng sitting pretty pag dating ng araw....sa pilipinas pag me pera ka mas masarap mamuhay..yon ehh opinyon ko lang:D
neblus
01-28-2006, 10:58 PM
Ang sabi naman sa akin,
Come up with Php10,000,000 ... then ilagay sa time deposit or fund and okay na iyong interest para mabuhay ka sa Pinas.
lab_u_babes
01-28-2006, 11:23 PM
Magkanong kelangan mo para uuwi ka na sa Pilipinas at do-on na mambuhay?
Assuming na pwede kang bumalik at hindi bilog of course.
At anong gagawin mo sa pera na yan?
Or dito ka na lang sa Japan hanggang who knows?
konbanwa...
80's pa lang andito na ang nanay ko sa tokyo, and nakapag ipon sya ng
10,000,000yen in cash sa banko at may 2 bahay kami sa pinas.
pero ayaw nya pa rin umuwi s pinas...natatakot daw sya...
kayo, mga kababayan dito sa TF? what do you think?
hindi nga ba kahit marami kang pera mahirap manirahan sa pinas?
and ano kaya ang magandang business sa 'tin dun ngayon?
pwede kaya yung biz na kahit dito ka sa japan nagi-stay?
pasensya na po...i'm a newbie here. it's very fun & interesting:D
mukhang mawiwili ako dito...
mbstorun
01-29-2006, 12:11 AM
@neblus...hayyy~~~ kung 10,000,000 yen lng ang cash mo at i~time deposit mo sya sa pinas palagay ko not enough to live there kung un lng ang inaasahan mo kc magkano lng naman ang time deposit..nasa 7.5 to 9%net lng naman...lahat yata ng bank napagtanungan na namin pareho lng naman sila..do u think enough un eh~~ang mahal narin ng bilihin sa atin..actually, inisip rin namin yan ng habibi ko noon..to deposit like 20,000,000 yen in the bank while we are still here in Japan...but its too risky sa Pinas dahil andami ng banks na nag~close so mahirap na..
docomo
01-29-2006, 06:04 PM
.. kung kaya mo iuwi ang kalahati ng kaperahan ng Japan eh di mas maganda diba.. :p ewan ko na lang kung di ka pa makapamuhay ng maayos nyan ... ang tanong eh kung maiuuwi mo :D
katty0531
01-30-2006, 10:28 AM
ellow...good day to abakitba, the starter of this thread....
comment ko lang kasi forum naman to...."ang hirap ng tanong mo kapatid"...
pasensya kana hindi ko alam sagot nito...pero napaisip mo ako...parang may sagot ako na para ring wala...saka nalng next time ha. bye.
abakitba
01-30-2006, 12:03 PM
.. kung kaya mo iuwi ang kalahati ng kaperahan ng Japan eh di mas maganda diba.. :p ewan ko na lang kung di ka pa makapamuhay ng maayos nyan ... ang tanong eh kung maiuuwi mo :D
Thanks docomo-san for your reply.
"Kalahati ng kaperahan ng Japan"... Japan's GDP is between 3 to 5 TRillion US dollars, second largest economy in the world... that would make anyone the richest man in the world :D
"Kung maiuuwi mo".... remarkable issue with that amount of money, although they do enforce limits, usually because of money laundering laws.
I wish you good luck on achieving your goals. How long ou think most of us will have to work here?
DJchot
01-30-2006, 12:21 PM
estimate lang po base sa experience...
medyo maluwag na budget para sa isang mag asawa at may isang baby (di pa nag aaral. gatas lang at diaper ang gastusin)....P30,000 per month.
suggestion ni neblus - P10,000,000 pesos
let say, may P10,000,000 pesos ka at pinasok mo sa time deposit na may annual interest na 5% p.a., may P500,000 pesos kang gugugulin sa loob ing isang taon. Per month, nasa P41,000 pesos yon so medyo pasok kung parehas lang tayo ng status sa buhay.
of course, i consider mo rin yung inflation rate, paglaki ng bata, education, etc.
parang nakakapanginig kung mag stay ka lang dito sa pinas ng walang pumapasok na ibang pera...
dala ka na lang kahit 30M. franchise ka ng jollibee. solve ka na. 20M ang budget don tapos may time deposit kang 10M. ayush. ampunin mo na ako. :D
mbstorun
01-30-2006, 12:34 PM
@DJchot...well..i dont think so kakasya ang p30,000 pesos para sa mag~asawa..may isang anak..base in my experience rin..dalawa lang kami ng kasama ko sa bahay pero kung 30,000 pesos lang im sure di sya kakasya..or siguro depende rin sa lugar. kc kung meron kang monthly dues plus ibang bills mo pa like kuryente, telephone, gasoline etc ay naranasan ko..sa P30,000 lang as in tama lang..pero kung may anak ka im sure kulang yun...kung minsan di ko rin maisip kung paano namumuhay ang mga tao sa Pinas..lalo na ang mga walang trabaho.. :(
DJchot
01-30-2006, 01:13 PM
@DJchot...well..i dont think so kakasya ang p30,000 pesos para sa mag~asawa..may isang anak..base in my experience rin..dalawa lang kami ng kasama ko sa bahay pero kung 30,000 pesos lang im sure di sya kakasya..or siguro depende rin sa lugar. kc kung meron kang monthly dues plus ibang bills mo pa like kuryente, telephone, gasoline etc ay naranasan ko..sa P30,000 lang as in tama lang..pero kung may anak ka im sure kulang yun...kung minsan di ko rin maisip kung paano namumuhay ang mga tao sa Pinas..lalo na ang mga walang trabaho.. :(
ganon ba? masyado sigurong mataas ang way of living mo mbstorun? ;)
food and utlilities lang yan and yung baby ko is 1yr old pa lang naman. yung sa haus, iba pa yon. ako ang nagbabayad non. may lakwatsa na sila every week nyan. :)
actually, 30k budget a month is already too much for a guy working in Philippines. kung isasama ko yung monthly amortization ko sa haus, kailangan ko ng 45k net income. waah! di ko kaya ditong mag net ng ganon. maswerte pa rin kami at tinatapon kami sa ibang bansa paminsan minsan para makabawi at magkaroon ng savings at pambawas utang. :)
Panzar327
01-30-2006, 03:39 PM
ganon ba? masyado sigurong mataas ang way of living mo mbstorun? ;)
food and utlilities lang yan and yung baby ko is 1yr old pa lang naman. yung sa haus, iba pa yon. ako ang nagbabayad non. may lakwatsa na sila every week nyan. :)
actually, 30k budget a month is already too much for a guy working in Philippines. kung isasama ko yung monthly amortization ko sa haus, kailangan ko ng 45k net income. waah! di ko kaya ditong mag net ng ganon. maswerte pa rin kami at tinatapon kami sa ibang bansa paminsan minsan para makabawi at magkaroon ng savings at pambawas utang. :)
actually mataas pa nga yan djchot,kung hiwalay pa yung pambayad ng bahay nyo..
share ko lang yung expenses ng magulang every month according to them,pero ewan ko lang din kung sinasabi lang nila yon para di ako masyadong mag-alala.pero sa allowance naman nila na na binibigay ko may natitira pa daw at naiipon....
according sa magulang ko ito average na nagagastos nila every month,15 thousand pesos,
tatlo perents,and my sister,high school sa isang public school...kaya di masyado gastos sa pag-aaral nya,every allowance 60 pesos daw binibigay ng magulang ko,according to my sister pag tinatatanong ko kung ok lang ba allowance nya araw araw ok lang daw minasan nga me sobra pa kaya naiipon nya,at nagagagamit minsan panggimik, at pangload ng cellphone.syampre bukod sa allowance nya yung paminsan minsan na expenses sa school,
sa 15 thousand daw na ito labas na lahat ng gastos sa kuryente,tubig,telep ono, panggasolina paminsan minsan pagmelakd at prepaid ng cellphone,sa bahay naman walang problema,dahil sarili yung bahay kaya di umuupa.sapat lang daw yon,kasama na paminsan minsan na lakuwatsa nilang tatlo,syempre bukod yung paminsan
minsan na gastos sa bahy na di inaasahan.kaya sa allowance na binibigay ko sa kanila malaki yung naiitabi nila,dahil 15 thousand lang namn daw gastos nila.
ito ehh sa probinsya po!!dipende siguro sa lugar na titirahan at sa way ng pamumuhay talaga,
:)
mbstorun
01-30-2006, 03:44 PM
DJchot..hindi naman..tama lang na nakakagala ka nga pero hindi ko pa kc alam kung magkano magagastos pag may baby...base lng yun sa experience ko dahil jan ako ng pinas for 1 yr..yung bahay naman namin bayad na..pero sa gasoline kc 5thou na agad in 1 month..malapitan lang yan ha..kung nagpupunta pa kami manila sobra pa..plus kuryente hay~~basta ewan ko pero sakin pag P30,000 lang na may baby kulang..:D
abakitba
01-30-2006, 07:12 PM
ellow...good day to abakitba, the starter of this thread....
comment ko lang kasi forum naman to...."ang hirap ng tanong mo kapatid"...
pasensya kana hindi ko alam sagot nito...pero napaisip mo ako...parang may sagot ako na para ring wala...saka nalng next time ha. bye.
To katty
Thank you for getting to the heart of my question... "napaisip"
"hirap nang tanong" is right... financial planning is for the brave.
Sometimes we forget why we are working and now that we are here, we have the luxury of planning for the future.
If one does not plan on being here in Japan in their old age, what are they doing to make that happen?
Of course, not doing anything is always an option, but how would one know if they're headed in the direction they would like to go.
I'm sure you have some sort of plan in your mind. Good luck.
No need for 'pasensya kana' pala.
Good luck.
A.
Lapu_lapu
01-31-2006, 03:24 AM
estimate lang po base sa experience...
medyo maluwag na budget para sa isang mag asawa at may isang baby (di pa nag aaral. gatas lang at diaper ang gastusin)....P30,000 per month.
suggestion ni neblus - P10,000,000 pesos
let say, may P10,000,000 pesos ka at pinasok mo sa time deposit na may annual interest na 5% p.a., may P500,000 pesos kang gugugulin sa loob ing isang taon. Per month, nasa P41,000 pesos yon so medyo pasok kung parehas lang tayo ng status sa buhay.
of course, i consider mo rin yung inflation rate, paglaki ng bata, education, etc.
parang nakakapanginig kung mag stay ka lang dito sa pinas ng walang pumapasok na ibang pera...
dala ka na lang kahit 30M. franchise ka ng jollibee. solve ka na. 20M ang budget don tapos may time deposit kang 10M. ayush. ampunin mo na ako. :D
Pagnilagay mo yung pera sa banko, totoo talagang tutubo yun. Eh Paano kung ma bankrupt :eek: yung banko? Makukuha mo pa ba yung bou na 10Million?:O Sabi nila ang makukuha mo lang mga 100,000 lang (yon yung insured).. not sure ako doon.;)
DJchot
01-31-2006, 09:18 AM
DJchot..hindi naman..tama lang na nakakagala ka nga pero hindi ko pa kc alam kung magkano magagastos pag may baby...base lng yun sa experience ko dahil jan ako ng pinas for 1 yr..yung bahay naman namin bayad na..pero sa gasoline kc 5thou na agad in 1 month..malapitan lang yan ha..kung nagpupunta pa kami manila sobra pa..plus kuryente hay~~basta ewan ko pero sakin pag P30,000 lang na may baby kulang..:D
tama yang budget mo sa gas. 5k per month din ako. pero, pag wala naman ako. wala rin silang car hehe.
pero, maluho ka pa rin ate mbstorun! buti na lang, di ikaw ang asawa ko hehe (joke) :D
DJchot
01-31-2006, 09:20 AM
Pagnilagay mo yung pera sa banko, totoo talagang tutubo yun. Eh Paano kung ma bankrupt :eek: yung banko? Makukuha mo pa ba yung bou na 10Million?:O Sabi nila ang makukuha mo lang mga 100,000 lang (yon yung insured).. not sure ako doon.;)
tama ka lapu lapu. kaya, pili ka ng bangkong matibay or if you want, hatiin mo sa dalawang bangko para mas safe.
docomo
01-31-2006, 09:22 AM
pero, maluho ka pa rin ate mbstorun! buti na lang, di ikaw ang asawa ko hehe (joke) :D
.. siguro the feeling would be mutual din sa tingin ko kay mbstorun ... na buti na lang din hindi ikaw ang napangasawa wahihihihi :D juk den :p
mbstorun
01-31-2006, 09:49 AM
@DJchot ikaw talaga...ha~~y pano ba yun..cge kwentahan tayo sa P30,000 pesos..cge pm ko syo hehhe
mbstorun
01-31-2006, 09:54 AM
abah! at pinag~tutulungan ata ako dito teka nga at dito na tayo mag~kwentahan:D
maid....
gasoline & car maintnance....
monthly dues...
kuryente..
water....
telephone bills
grocery...
o sya cge nga subukan nyo kwentahin..:D
grabe na ba mahal sa pinas ngayun?anjan ako year 1999-2003.me baby ako,naggagatas at me anak akong nagkokolehiyo.
gastos ko sa 1 buwan noon ay 40,000 lang.kasama ko pa nanay ko sa bahay.me gamot pa si nanay sa hika nya every month.
me car din na laghing dinadala ng anak ko sa manila pag pumapasok siya.kaya lang maintenance e bukod doon sa 40,000.
lumalabas pa kami every week.
iyun nga lang,di ako nag-katulong,labandera lang.kuripot e,hehehehe.
make-up pa ng anak ko,allowance etc.etc.minsan pang-load pa,hahahaha.load ko pa pala.
telepono,intrenet.et c,etc.
pero talagang hanggang doon lang budget ko,para me maisasave pa ko every month,di ba?;) :D
mbstorun
01-31-2006, 10:23 AM
see..kay depp..yung sa P40,000 nya di kasama ang maintenance ng sasakyan..sa akin naman kasama na maintenance ng sasakyan..
@DJchot & Docomo....:D sabi ko naman tama lang yung P30,000 na budget pero di ko kasi alam kung magkano nagagastos pag may baby ka so sa palagay ko not enough yung budget ko na P30,000 pag may baby na ako kasi nga tama lang yun na dalawa kami sa bahay how much more kung may baby..i think depende rin sa lugar kc nung nasa "Antique" ako syempre dun mura lang ang gulay lalo na seafoods as in mura talaga..budget namin in 1 month is P15,000 pesos lang...5 na kami sa bahay nun ha...at kasama narin jan lahat ng bills..:D
DJchot
01-31-2006, 10:26 AM
abah! at pinag~tutulungan ata ako dito teka nga at dito na tayo mag~kwentahan:D
maid....P2,000
gasoline & car maintnance....n/a pag nasa labas ako. :)
monthly dues...P250 lang. cheapangga lang yung lugar namin.
kuryente..P3,000
water....P500
telephone bills...P800 (pag walang long distance)
grocery...P8,000 siguro (kasama gatas, diapers & vitamins. not sure though)
palengke...P1,000 per week x 5 = P5,000
internet....n/a (ayaw ko pakabit wehehe)
monthly vaccine ng baby....P1,500 (max. na to. di naman lagi ganito)
o sya cge nga subukan nyo kwentahin..:D
wala pang 20k to ate. pwedeng pwede talagang mag jollibee at mag shopping konti every weekend. say mo? :D ito rin ang pinapakita kong kwenta sa esmi ko. sya rin, gumagawa ng sarili nya.
of course, labas pa rin dito yung mga yearly expenses like realty tax, insurances, etc. sa bonus ko na kinukuha tong mga to.
mbstorun
01-31-2006, 10:38 AM
@DJchot...
baka ma~award tayo nito kaya pm ko nlang syo
abakitba
02-02-2006, 07:38 PM
To DJCHOT,
No allocation for medical insurance or medical bills.
Does that mean that your family will always be in good health...
or that someone is already taking care of the medical issue?
abakitba
02-25-2006, 07:23 PM
konbanwa...
80's plng and2 n ang nanay k s tokyo,and nakapag ipon sya ng
10,000,000yen in cash sa banko at my 2bhy kmi s pinas.
pero ayaw nya pa rin umuwi s pinas...nata2kot dw sya...
kau,mga kaba2yan d2 s TF? wat do u think?
nd nga b kahit marami kng pera mahirap manirahan s pinas?
and ano kaya ang mgnda biz satin dun ngaun?
pede kaya un biz n kahit d2 k s jpn ngi-stay?
Don't think that would be enough now...
Dito na lang muna...
angela777
06-14-2007, 09:00 PM
ang ganda ng tread na to...ang hirap tlaga mag budjet sa pinas... kaya pag umuuwi ako ng pinas lagi butas ang bulsa ko:D...mas tipid pa ako pag andito ako sa japan...
Saling Pusa
06-15-2007, 09:53 AM
natural lamang na tuwing uwi ninyo sa Pilipinas ay parang butas ang bulsa ninyo dahil iba ang gastusin duon.. hindi naman normal na regular ang life na pagpunta ninyo ruon dahil maraming times na dapat kang mag-treat ng mga relatives for meals sa labas, maraming trips din for your entertainment, marami kang binibili na hindi mo nabibili sa Japan, etc etc etc kaya suma tutal sasabihin mong mas mahal sa Pinas.. kasi overspending ka!:rolleyes: :eek:
Just_ME
06-15-2007, 04:05 PM
Wish ko lang magkaroon ako ng 300 million yen...pipiliin ko pa ring manirahan sa sarili kong bansa...pero syempre babalik pa rin ako ng japan para lang mag bakasyon...naging baliktad tuloy eh:D ...ok na ang ganitong amount para mabuhay sa pinas...pero kahit na may ganito na akong pera e mag iisip pa rin ako ng magandang negosyo kasi grabe din ang gastusin sa pinas eh....para may income pa rin ako:)
Just_ME
06-15-2007, 04:17 PM
Sorry po naka 3post ako ng pare pareho...paano po ba ito ma delete? pasensiya na po...:(
angela777
06-15-2007, 04:52 PM
hi..saling pusa san!overspending nga ba ako...hindi rin kasi ako mahilig mag enjoy sa sarili ko...hindi rin kami mahilig ng family kumain sa labas....hindi rin ako maluho kahit nasa pinas ako...mahilig lang ako bumili sa pinas ng mga pang decoration sa aking dream hause, yun lang siguro ang luho ko pero pagkasubra lang ang budjet ko saka ako bumibili ng bagay na gusto ko...umuuwi ako pinas almost 2 months or higit pa ako tumatagal mag stay sa pinas kya nararanasan ko magbudjet ng money sa pinas....kaya ko naman nasabi lagi butas ang bulsa ko pag nasa pinas ako kasi iba tlaga ang buhay sa pinas kasi walang BIG-income compare dito sa japan..& pag nasa pinas ako miron maid..driver, dito sa japan wala,medyo malaki bahay sa pinas syimpre malaki rin ang bill..dito sa japan maliit ang hause kaya maliit din ang budjet......after 3yrs balak ko narin mag stay sa pinas dahil sa anak ko,napagkasunduan namin mag asawa kasi na sa pinas nlang namin pag aralin anak namin..bale ang asawa ko nalang uuwi sa pinas pagminsan-minsan...kaya naiisip ko pano ko kaya mapagkakasya ang magkaroon ng maliit na monthly budjet sa pinas........
angela777
06-15-2007, 05:06 PM
just me san!tama ka...ok na rin yun 300 million yen + busness... sapat nayan para manirahan sa pinas....pero ako 50M yen + negosyo ok na sakin.. sa pinas parin ako maninirahan...alagaa n ko nlang ng maayos ang anak ko & mag negosyo ako..ok na!:D
zashmbee
06-17-2007, 11:23 PM
Canvass mo muna sa www.magkano.com (http://www.magkano.com) mga presyo sa Pinas. Tapos tayo ka business.
Saling Pusa
06-18-2007, 10:19 AM
kaya ko naman nasabi lagi butas ang bulsa ko pag nasa pinas ako kasi iba tlaga ang buhay sa pinas kasi walang BIG-income compare dito sa japan..& pag nasa pinas ako miron maid..driver, dito sa japan wala,medyo malaki bahay sa pinas syimpre malaki rin ang bill..dito sa japan maliit ang hause kaya maliit din ang budjet.
Yon naman pala gusto mong buhay mayaman, eh di talagang magastos.. iba yung lifestyle sa Pinas na hinahanap mo.. may gardener, may cook, may maid, may cleaner, may handy-man, may laundry-woman, may driver (sweet-lover), etc etc etc. eh magastos nga yan.. at walang comparison sa buhay sa Japan! Kung gusto mong hindi butas na bulsa mo ay simple lang, sa kariton ka tumira o kaya sa riles ng train :D :p :cool: :rolleyes: tiyak kong hindi problema ang budget pero problema sa dengue at rapist :rolleyes: ! pero kung eksaktong level ng pamumuhay ang hinahanap mo ay tiyak kong mas mura sa Pinas kumpara sa Japan pero sa dami ng kamag-anak na mangungutang ay tiyak kong makukunsumi ka! :mad:
angela777
06-18-2007, 04:20 PM
BWAHAHAHAHA........S ALING PUSA KA TLAGA....bakit sino bang tao ang ayaw yumaman........kaya nga lahat nang masisipag ay lalo pang nagsisipag......haha ha...kung pwede nga lang lahat ng kayamanan mapunta sakin eh d lalong mas ok ang life ko diba huh.....ayuko na makipagtalo sayu,bka lalo pa humaba ang tread nato......ang masasabi ko lang sayu wag ka mag judge sa taong hindi mo kilala.....kilalanin mo muna sarili mo bago ka maging manghuhula ha .......hahaha bow sayu....gudluck....s ory po mga mod.OT
angela777
06-18-2007, 09:35 PM
pero sa dami ng kamag-anak na mangungutang ay tiyak kong makukunsumi ka! :mad:[/quote] bakit masama bang magpautang sa kapwa......kahit pa lahat ng kamag anak ko mangutang sakin hindi ko tatanggihan kung kaya ko nman sila pautangin....kahit pa pulubi sa daan humingi sakin ng limos bibigyan ko parin........wag mong problemahin kung marami sakin mga kamag anak ko na mangungutang dahil hindi ka naman nila inuutangan......:eek :
Saling Pusa
06-19-2007, 11:11 AM
BWAHAHAHAHA........S ANGELA777 KA TLAGA!:D :eek: Kulang ka sense of humor at meron pa na wag judge judge ng tao na hindi kilala! Saan ako nagjudge? Mukhang mali ang iyong napulot na conclusion :eek: Hindi ko pinoproblema ang pangugutang ng mga kamag-anak sa iyo.. pakibasa nga ng aking post.. ginagawa mong personal..May mga statement of life dito na hindi para sa iyo. May problema ka siguro!:cool: Kapag nasa Pilipinas maski sino ay maraming nangungutang! At kung ito ay ginagawa mong personal ay judgmental ka! :p Please naman, do not put extra meaning sa aking post..at hwag maging personal kungdi maging intelektwal sa mga discussion dito ;) at lagyan palagi natin ng sense of humor dahil ito ay malayang talakayan! :rolleyes: Ngiyaw! Kokak! Aw aw aw!:dowave:
sachi807
06-19-2007, 11:35 AM
...saling pusa ayan ka na naman ha..sumasali ka na naman..ipapahabol kita talaga sa doberman pag nanalo ako sa takarakuji..naku ang gray cells ko is working again..ayusin mo sagot mo kasi yung iba hindi ma gets kasi medyo sarcastic ka sumagot..peace pow:D
Saling Pusa
06-19-2007, 01:08 PM
Hahahaha Masyado ka namang judgmental.. ipapahabol mo pa ako sa aso.. pusa na nga lamang ako at saling-pusa pa Wawawawa!:confused: Walang personalan at dapat lahat tayo ay nakafocus sa issue hindi sa emotion.. akala natin ay may judgment pero wala naman kasi tayo lamang naman ang gumagawa ng scenario.. basahin mo ang post ko! Nakafocus lang ako sa discussion..ewan ko kung meron pang ibang issue.. at may sense of humor! Kasi Pinoy tayo.. kapag wala ka ng sense of huimor at sense of horror na :D :eek:
angela777
06-19-2007, 01:37 PM
BWAHAHAHAHA........S ANGELA777 KA TLAGA!:D :eek: Kulang ka sense of humor at meron pa na wag judge judge ng tao na hindi kilala! Saan ako nagjudge? Mukhang mali ang iyong napulot na conclusion :eek: Hindi ko pinoproblema ang pangugutang ng mga kamag-anak sa iyo.. pakibasa nga ng aking post.. ginagawa mong personal..May mga statement of life dito na hindi para sa iyo. May problema ka siguro!:cool: Kapag nasa Pilipinas maski sino ay maraming nangungutang! At kung ito ay ginagawa mong personal ay judgmental ka! :p Please naman, do not put extra meaning sa aking post..at hwag maging personal kungdi maging intelektwal sa mga discussion dito ;) at lagyan palagi natin ng sense of humor dahil ito ay malayang talakayan! :rolleyes: Ngiyaw! Kokak! Aw aw aw!:dowave: bwahahahaha........s angkot pusa or ##### pusa.....bwahahaha.. ..ako may problema....sense of humor.....ayan ka nanman nag iasip ka nanman kung may promlema ako..........bwahahh aha....sense of humor hmmmmm.....bwahahaha ... kung may pinag aralan ka gamitin mo sa tama hindi sa ######## pusa mo......kulang kalang sa count-to-10.....mag count-to-10 ka muna:dowave:
angela777
06-19-2007, 01:45 PM
peace na tayu ha....hindi rin kasi ako namimirsonal sayu....sinasagot ko lang sinabi mo sakin kasi nagigigng baliktad mga iniisip mo....hindi nman tayu magkakilala kya peace & hug:love:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.