PDA

View Full Version : "INTERNET AUCTIONS", magandang business ba ito?


lORi
04-18-2008, 11:04 AM
tanung lang ho sa inyong lahat jan,
magandang business ba kung sakali ang "internet auction"?ano pong advantages and disadvantages nito?wla po kase akong magawa sa buhay, este sa bahay pala kay nagnanais po sana na makapagstart ng home base job katulad na nga ho nyang nasabi ko, ang "net auction".anyone who can help?

salamat.:confused:

pinoygifts
06-03-2008, 04:21 AM
tanung lang ho sa inyong lahat jan,
magandang business ba kung sakali ang "internet auction"?ano pong advantages and disadvantages nito?wla po kase akong magawa sa buhay, este sa bahay pala kay nagnanais po sana na makapagstart ng home base job katulad na nga ho nyang nasabi ko, ang "net auction".anyone who can help?

salamat.:confused:
Internet Auction has a good and bad side... Good dahil it is fast and quick (with regerd to transaction) Bad dahil u dont have the luxury to see the items ur trying to buy.(specially with technical stuffs e.g. computers, laptop, cameras etc.). Please describe what kind of net auction ur trying to do. Perhaps I can give u more details and advice on it.

have a great day!!!

lORi
06-04-2008, 12:29 AM
iba iba po sana guso kong itry sa auction.kung anong available na item na mahahawakan ko at pwede maibenta sa auction.pwede ho ba yun??
naku kuya sana nga bigyan nyo po ako kahit konting advice about net auctions..nabili po kami sa auctions dito sa japan pero mukhang mendukusai nga lang maraming etchebureche kse..at marami din dw na nagdedemandahan dito na sa kahit maliit na bagay lang..kaya..ewan ko ba...

hirap kse na magrent kapa ng lugar para pag negosyohan, sa internet talas lang ng isip at computer with internet connection lang ok na ang mga items mo na ibebenta..

so kuya kindly elaborate nmn or share any of ur experiences pertaining to this kind of business..

naku maraming maraming salamat hu at looking forward sa reply nyo po..
;):);)

scion_cho
06-04-2008, 12:33 AM
well, siguro kelangan mo pa munang paramihin ang visitors sa site mo dahil sila rin mismo ang potential bidders.

lORi
06-04-2008, 09:26 AM
sa bagay korek ka jan kuya/ate...:)....

salamat po sa inyong opinion.:);)

scion_cho
06-04-2008, 02:11 PM
sa bagay korek ka jan kuya/ate...:)....

salamat po sa inyong opinion.:);)

bata pa po ako :cool:

para hindi OT... simulan mo muna siguro sa pagbebenta hangga't makabuo ka na ng mga 'suki'/ frequent visitors sa site. Tapos ayun kapag mejo okay na ang traffic ng site, pwede mo nang isingit-singit ang pag-aauction. Tapos mamili ka na lang kung saan ka mas kumikita, sa paga-auction or sa mismong pagbebenta ng mga gamit.

LEMON
06-04-2008, 03:41 PM
@lori sis ..gomen ne makikiraan lang po

hi @scion_cho.. about internet cafe po..
may narinig akong marami daw nagpapanggap at nanghuhuling autoridad sa mga shop sa atin sa manila..at kinukumpiska daw ang mga pc..totoo po ba ito? anong dahilan po ..at bakit kinukumpiska ang mga pc..hinde ko kasi magetz yung balitang yun..paki clear naman po kung pwede po ..maraming salamat scion_cho san..

scion_cho
06-04-2008, 06:41 PM
@lori sis ..gomen ne makikiraan lang po

hi @scion_cho.. about internet cafe po..
may narinig akong marami daw nagpapanggap at nanghuhuling autoridad sa mga shop sa atin sa manila..at kinukumpiska daw ang mga pc..totoo po ba ito? anong dahilan po ..at bakit kinukumpiska ang mga pc..hinde ko kasi magetz yung balitang yun..paki clear naman po kung pwede po ..maraming salamat scion_cho san..


hmm... as far as I know, kaya nira-raid ang mga internet shops sa 'Pinas ay dahil sa software piracy. Yung mga Windows OS, game and multimedia softwares usually binibili yan apart from the computer hardware (and cost thousands of pesos each).

Here is a site to the Philippine Anti-Piracy Team: click here (http://www.papt.org.ph/)
Bale hindi lang internet cafe ang hinuhuli na, pati mga offices, companies, etc. PAPT ay binubuo ng mga taga NBI, PNP and OMB (Optical Media Board). Kaya kung balak niyong mag-internet cafe business, make sure legal ang mga software na ginagamit (aside from proper business license, etc).

Even so, hindi basta-basta ang pagra-raid ng taga PAPT. Dapat may maipapakita muna silang search warrant and proper identification.

I hope this answers your questions. :cool:

LEMON
06-04-2008, 07:04 PM
@ scion_cho san .. salamat po sa answers nyo ..it helps po ..more power po and god bless you and thankz again poww~~

cutie1403
06-04-2008, 08:13 PM
bata pa po ako :cool:

para hindi OT... simulan mo muna siguro sa pagbebenta hangga't makabuo ka na ng mga 'suki'/ frequent visitors sa site. Tapos ayun kapag mejo okay na ang traffic ng site, pwede mo nang isingit-singit ang pag-aauction. Tapos mamili ka na lang kung saan ka mas kumikita, sa paga-auction or sa mismong pagbebenta ng mga gamit.

tanong ko lang na kung paano kung may buyer na nanalo sa bid tapos di nya kinuha yung item,may habol ba yung seller?

at paano naman din kung may buyer na nagbayad na sa seller pero di pinadala yung item at sabihin ng seller na di nya na recieve yung payment?

ano ang protection ng seller at buyer sa auction?

scion_cho
06-04-2008, 09:46 PM
tanong ko lang na kung paano kung may buyer na nanalo sa bid tapos di nya kinuha yung item,may habol ba yung seller?
Kapag meron nang nanalong bid, usually meron din time period para maiconfirm ng interested buyer kung ipupursue niya ang purchase niya. Kung sakaling nag-lapse na yung period na yun at wala pang confirmation, pwede nang ipasa siguro sa next in line na winning bid.

at paano naman din kung may buyer na nagbayad na sa seller pero di pinadala yung item at sabihin ng seller na di nya na receive yung payment?
For every money transaction, importante lagi ang resibo. Kung hindi ako nagkakamali, lahat naman ng money transfer services laging may resibo (paypal, bank transfers, etc) as proof of remittance.

Kung yung site owner ang mismong auctioneer, kelangan maging malinis sa mga transactions. Kung sa mga public auction sites ang napuntahan (anybody can sell), check niyo muna ang 'reputation' ng seller (usually may ganung feature kung saan may positive/negative feedbacks from buyers/dealers).

ano ang protection ng seller at buyer sa auction?
Ang seller, 'protected' siya sa kung anumang 'ground rules' na kanyang na-set for the auction. For a potential buyer, once na nagbid siya, understood dapat na nabasa niya ang rules and willing siya to take chances.

For online auctions, buyers are always at risk (for fraud); and so, it is the seller's/site's business interest to gain the trust of customers by setting up comprehensive and manageable rules.

cutie1403
06-04-2008, 10:15 PM
thanks sa reply:).ang problema nga lang siguro kahit may resibo pa ang buyer na nagremit sya ng pera kung di na macontact ang seller,paano pa nya hahabulin yun aside sa paglalagay ng bad feed back?paano mababawi ng buyer ang payment nya?

excuse lang po sa thread starter kung dito po ako nagtatanong tutal may connection naman po sa internet auction ang mga tanong at itatanong ko pa po:)

tungkol naman po sa yahoo auction,puede po bang gumawa ng madaming yahoo id para kung sakali puede kong gawan yung ibang kilala ko na wala dito sa japan at makapag-auction din sila at ako ang makikipag transact sa seller after nilang manalo sa bidding?puede kayang ibat-ibang tao pero iisang address lang sa japan ang ireregister ko?

lORi
06-05-2008, 02:49 AM
sa japan auction kase pag nanalo ka at hindi mo kinuha, titirahin ka sa bad comments kaya wla nang magtitiwala sayo, sa bayaran kelangan tlga kundi cash on delivery, credit card or bayad ka sa banko and keep the receipt for ur future needs...hirap tlga no sis..ako nga den kaya nagtatanung tanung pa sa knila about net auctions kse wla pa den akong kamuwang muwang dito..naku...

nga pala thank you sa lahat ng mga nagreply sa thread na ititch...
gud day!