PDA

View Full Version : Nagtatanim ka ba...

グレン
04-18-2008, 01:06 PM
... ng sama ng loob sa kapwa mo?

Hindi mo ba mapapatawad ang kapwa mo sa kasalanan na nagawa nya sayo considering na "not really a big deal" naman ang nagawa nya?
Kakalimutan mo ba ang friendship nyo sa isang maliit na misunderstanding?
:(

disney
04-18-2008, 01:14 PM
kala ko anu itatanim:D

mabilis lang humupa ang galit ko,di rin ako mapagtanim ng galit basta kausapin nya lang ako ok na, di na ko galit, ang di lang maganda sakin, di ako mahilig mag first move sa pakikipag reconcile:p;)

mrs-mymelo
04-18-2008, 01:19 PM
Ako hindi naman,kaya lang kung alam niyang siya ang may kasalanan dapat kausapin niya ako,kasi kahit napatawad ko na siya nag alangan akong lalapit dahil takot akong ma-snub,masakit 'yan.:O

グレン
04-18-2008, 01:21 PM
what if kung gusto mo nga syang kausapin to clear out everything and bring back your friendship pero ayaw ka naman nyang kausapin?
does it mean ba na ayaw nya nang makipag communicate at makipag reconcile sayo and ayaw nya nang ibalik ang friendship nyo?

disney
04-18-2008, 01:28 PM
baka nag iinarte pa sya(joke:D)

bigyan mo pa sya ng time, baka di pa humuhupa ang inis/galit nya sayo, huwag mo na lang sya muna kulitin kasi lalo lang sya maiinis sayo... palipas ka ng ilang taon:D(joke uli), palipas ka ilang araw pag sa tingin mo na ok na sya try mo kausapin pag ayaw pa din maghanap ka na lang ng ibang friend:p:D

docomo
04-18-2008, 01:30 PM
hindi ko magawa magtanim ng galit... mabigat yan sa dibdib..katwiran ko ako din mahihirapan dahil hindi ako sanay may ka-galit.. kung may nagawa sa akin masama o hindi naayon ,mas kinakaawaan ko .. katwiran ko mabuti na lang hindi ako yung nasa sitwasyon nya/nila na nakagawa ng masama o ng hindi mabuti sa kapwa... sila ang magdadala nun hindi ako. masarap gumising sa umaga na hindi ka nag aalala na baka mamatay ka na lang bigla na maraming may galit sa yo :p

グレン
04-18-2008, 01:40 PM
salamat sa mga reply nyo...
buti pa kayo nakakaunawa at hindi marunong magtanim ng galit sa kapwa...

sana nga lang after some days or years (sabi nga ni disney), ay maging OK na ulit ang lahat...
it's true that it's hard to wake up every morning or it's hard to live everyday thinking na there's somebody na galit sayo...
sometimes it's really impossible na hindi tayo nakakagawa ng pagkakamali but we're just human right?
sana nga lang, itanong na lang din minsan natin sa sarili natin, "ako ba walang nagagawang masama or hindi maganda sa kapwa ko?"

kalembang
04-18-2008, 01:41 PM
Naku mga repang magaganda.....wala sa bokabularyo ko ang magtanim ng sama ng loob sa mga friendships natin, una llabas lang yan sa mukha natin magiging fine lines .....yeah.:ohlord: Di ba nga lumalalim ang pagkakaibigan kung may mga konting samaan ng loob...........kaya ang payo ni doc...............ha lika na at sumama sa Saitama eb ng maibsan ang malulungkot at boring na buhay at duon makikilala nyo ang advicer ng taon na si mang jose:yesyes: rock and roll na ito mga repa:mohawk:!!
Ano pa hinihintay nyo palista na.................. .waaaaaaaaaaaa:eeek:

disney
04-18-2008, 01:42 PM

OT: adik! (sarpon san peram sign mo:p)

katheyrine
04-18-2008, 03:11 PM
Ako depende.
Depende sa atraso sa akin ng isang tao.
ALL OUT ako at sobrang magpahalaga ng isang tao lalo na pag dating sa pagkakaibigan.
Mga petty misunderstandings normal at okay lang yan. Kaya kong patawarin yan at balewalain. Kahit ako eh may mga petty mistakes rin.
PERO ang sobra at below the belt na mga atraso yan ang di ko kayang patawarin, kahit pa dalhin ko hanggang libing ang galit ko ok lang.
Kaya ang sagot ko sa thread na ito, OO masama akong magtanin ng sama ng loob at galit lalu na at SOBRA ang ginawa ng taong iyon.
Hindi lang kasi ganoon kadali humingi ng patawad sa isang tao na sobra mong sinaktan o ginawaan ng masama.
Kahit pa sabihing tao ka nga lang na nagkakamali pero may mga bagay na di mababago o maghi-heal ng ganoon na lamang sa "SORRY".

Yan eh ang AKO.
Iba-iba tayo ng individuality at karakter.;)

summergirl
04-18-2008, 07:17 PM
prangka akong tao,pag nsabi ko na ang gusto ko,thats it..kaya gusto ko rin pag may hindi gusto ang mga prends ko ,sabihin sa akin para maayos ang lahat..

japhil
04-18-2008, 07:28 PM
akala ko nagtatanim ng halaman:D gusto ko pa naman mag-aral magtanim ng halam.

no comment po ako :)

appleseed
04-18-2008, 07:41 PM
in my experience of dealing with the bitter and the self pitying i've learned that unless they decide to make changes in themselves ...it's no use talking to them ... and it only drags you down .. so surround yourself w/ gentleness , love & happy outgoing people , otherwise them bitter beings will influence you too.. life is short ..we owe it to ourselves to be happy in our short journey while on earth .....

we can get away from mean bitter people but they can't get away from themselves ... and they know who they are ...:)

summerghie
04-18-2008, 07:52 PM
Naku mga repang magaganda.....wala sa bokabularyo ko ang magtanim ng sama ng loob sa mga friendships natin, una llabas lang yan sa mukha natin magiging fine lines .....yeah.:ohlord: Di ba nga lumalalim ang pagkakaibigan kung may mga konting samaan ng loob...........kaya ang payo ni doc...............ha lika na at sumama sa Saitama eb ng maibsan ang malulungkot at boring na buhay at duon makikilala nyo ang advicer ng taon na si mang jose:yesyes: rock and roll na ito mga repa:mohawk:!!
Ano pa hinihintay nyo palista na.................. .waaaaaaaaaaaa:eeek:

may advertisement ka pa dian vhakla~~~~~

@グレソ
ako naman siguro hangang pagtatampo lang pero di ako magtatanim ng sama ng loob siguro depende na lang sa ginawa nya sakin------->>>lets face it; there are things unforgiven at meron din naman pwede mo patawarin,~~~maybe it takes time to heal the pain --------<<< di naman siguro for lifetime sya na magagalit ; maybe its not the right time yet para mapatawad ka nya.

minsan dumarating kasi sa magkaibigan un ganun ngkakatampuhan pero di nmn kailangan mgend up yun frienship for such pety misunderstanding pero kung malalim talaga pinagsimulan at hindi pa handa ang isa sa inyo magpatawad at makalimot eh siguro just give some time and space to think and later on everything will turn ok

tisay
04-18-2008, 07:55 PM
in my experience of dealing with the bitter and the self pitying i've learned that unless they decide to make changes in themselves ...it's no use talking to them ... and it only drags you down .. so surround yourself w/ gentleness , love & happy outgoing people , otherwise them bitter beings will influence you too.. life is short ..we owe it to ourselves to be happy in our short journey while on earth .....

we can get away from mean bitter people but they can't get away from themselves ... and they know who they are ...:)

nose bleed ako,,buto ng mansanas~~:hihi:....

heto sakin;
~~~..kapag nagtanim ka,,siguradong may aanihin ka~~~Wrinkols ~:D..

...sabi nga ng prend ko..Bitterness is next to Wrinkolness~~!! :hihi:

baby21
04-18-2008, 08:14 PM
depende sa naging atraso ng tao sa akin~~pero madali nman mawala ang galit ko basta huwag lamang apakan ang aking pagkatao lalo na sa mga taong di ako lubos na kilala.....
pagkatapos ng isang pagtatalo~~wala na~~basta nasabi ko na ang gusto kong sasabihin....
may mga tao kasi na sobra na..sabi nga eh pagnapuno ang salop......eh ano pa ba ang gagawin di ba???dalhin sa magandang usapan~~pag di madala sa magandang usapan bahalana xa sa buhay nya~~~ignore to death ako~~~mamatay xa sa galit~~hahahhahah... ....

at kung hanggat sa kailan kami magkikita or magkasalubong.....su sukatin ko kung saan sya hanggang...

at pag alam ko na wala akong kasalanan sa kanya..never akong hihingi ng sorry~~~

mahalkita
04-18-2008, 09:05 PM
ako, hindi ako nagtatanim...once na nasabi ko na, nasabi ko na PERO hindi rin ako nakakalimot. ANG LAMAT EH LAMAT NA, kahit anong gawin mo LAMAT na yun.

sabi nila matigas daw loob ko...siguro...kaya kong hindi umimik sa isang tao ng taon ang tinatagal pero kung napatawad at pagpapatawad...OO... napapatawad din naman kaya lang ay iniiwasan ko lang na magawa ulit sa akin ang mga pagkakamali na nagawa na:( kaya hangga't maari iniiwasan ko na lang yung tao kahit kapamilya pa!

sky
04-18-2008, 10:07 PM
tanim ng galit ~~~ minsan depende sa kung ano ginawa sa akin~~ pero kung tampuhan ek ek lan naman namin ng fren ko nag uusap kaming dalawa ~~ paliwanagan minsan may sigawan pa :D .pero pag ayaw na nyang makipag usap pa ~~well its her problem na .basta ako i gave my best to settle down the problem~~ para ano pa na natawag kayung friends kung mag tatanim lang kayo ng galit sa isat isa nasaan na yun pinag samahan ninyo ? pagmamahalan ? basta kaibigan ko hindi ko pwedeng itapon kahit na abnoy pa sya :biglaugh:(abnoy atracts abnoy)

pero kung di ko naman kaanu ano at nakuw .maghahalo ang balat sa tinalupan :D
ako magtatanim sya ang aani :eek: (meron ba nun) :p

nikkichibi
04-18-2008, 10:12 PM
nagtatanim ako ng mga gulay at mga halaman ~~~:D
pero di ako nagtatanim ng galit sa kapwa ko ~~~ di kasi ako marunong magalit eh ;):)

titakoring
04-18-2008, 10:42 PM
true ka dyan sister......pero prang nd ko pa kayang harapin un mga gumawa
sa akin ng nd maganda......lalo na pag mismong pamilya mo....almost 2 yirs
ago ng malaman ko ang totoo....galing mismo sa mga anak ko.....halos 15 yirs
nila akong niloko......after that pa sumunod naman itong pinsan ko......ay ano
ba un......ang pera nga naman sobrang tukso.....kahit sino atang tao pag
pera na e nawawala na sa wisyo......kaya nga heto inabot ko.....nawalan
na ako ng tiwala kahit kanino pag dating sa pera.....at pag pera na pinag-
uusapan....lalo at un palabas sa acct ko na ha hyper tension na ako:D
kasi hanggang ngaun sariwa pa din sa akin un pangyayari....mahira p
talaga...pero prang nd ko talaga kaya.......panahon na lang ata ang maka
kasagot dito........

hindi ko magawa magtanim ng galit... mabigat yan sa dibdib..katwiran ko ako din mahihirapan dahil hindi ako sanay may ka-galit.. kung may nagawa sa akin masama o hindi naayon ,mas kinakaawaan ko .. katwiran ko mabuti na lang hindi ako yung nasa sitwasyon nya/nila na nakagawa ng masama o ng hindi mabuti sa kapwa... sila ang magdadala nun hindi ako. masarap gumising sa umaga na hindi ka nag aalala na baka mamatay ka na lang bigla na maraming may galit sa yo :p

infinite_trial
04-18-2008, 11:17 PM
depende. di ako nagtatanim ng galit sa taong nag-aacknowledge ng kamalian nya. pero yung sa taong naghuhugas pa ng kamay, kebz lang, and paulit-ulit pang abusuhin pagkapasensyosa mo...aba...wag nya akong asahang matuwa at ako pa unang luluhod para magkabati kami. i'm a nice friend if you treat me nice. if you don't meddle wit mah bizwax, i won't dare touchin yours. now if you mess wit me, sisiguraduhin kong mauuna ka pang atakihin ng puso sakin sa galit.

milano
04-18-2008, 11:29 PM
depende sa situation. as long as not a big deal like agawin ang boyfriend ng may boyfriend at mahuli na nag hahalikan ang iyong jowa. inutangan ka ng million million ok lang yun!!!

ok lang na wag nang mag pakita for ever. hehehe
seriously basat hindi naman talaga big deal ok lang yun. pero kuing kahapon lang tayo naging friends at gumawa ka kalokohan eh.. goodbye ka na

kyla06
04-19-2008, 12:35 AM
ako depende pero madali ako magpatawad sa nagkamali sakin,hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kasi pag galit ako,pinapakita ko,sinasabi ko na galit ako,inaaway ko talaga sya hanggang sa ma-realized nya yung mali nya.Example sa family,nag-away kami ng ate ko dati,actually siya yung may mali then siya pa yung may ganang magalit,hindi porket ate siya,siya na yung tama,advised ng tatay namin na pabayaan ko na lang daw,sabi ko kaya paulit ulit niyang ginagawa kasi walang nagsasabi sa kanya ng mali niya.Kung ibang tao ok lang pero kapag pamilya,hindi naman pwede na forever kayo magkaaway,na hindi na kayo magkikita,1 year bago siya nag-sorry sakin,ngayon ok na kami,mas naging close pa kami.

sachi807
04-19-2008, 08:30 AM
may kasabihan nga na...grudge is a heavy thing to carry..kaya ako hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa..madali lang humupa ang sama ng loob ko...konting bola lang ayos na:)

black PeN
05-03-2008, 10:06 PM
... ng sama ng loob sa kapwa mo?

Hindi mo ba mapapatawad ang kapwa mo sa kasalanan na nagawa nya sayo considering na "not really a big deal" naman ang nagawa nya?
Kakalimutan mo ba ang friendship nyo sa isang maliit na misunderstanding?
:(

nagtatanim po.... ng gulay lang po;).
ng sama ng loob... konti po pero kadalasan pagnakatulog na ko, pag gising ko limot ko na:).

pineapple
05-05-2008, 04:24 PM
lol. i though nagtatanim as in gardening... anyway ,hindi po ako mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa... indeed hindi ako marunong magalit kaya sa bi ni hubby napakabait ko raw.. minsan may di pagkakaunawaan pero as in galit sa kapwa???... hmm i dont think so hindi ako siguro ganun...
(opinion ko lang)

mamimo
05-07-2008, 05:11 PM
Pag malalim ang ugat ng alitan mas prefer ko na hindi makita ang tao, mahilig kasi ko magbigay ng chance na sa una aakalain ng iba na nagtatanga-tangahan lang ako pero sa huli nagiging bato ako.

infinite_trial
05-07-2008, 08:12 PM
Pag malalim ang ugat ng alitan mas prefer ko na hindi makita ang tao, mahilig kasi ko magbigay ng chance na sa una aakalain ng iba na nagtatanga-tangahan lang ako pero sa huli nagiging bato ako.

medyo pareho pala tayo :D

la_tina512
05-07-2008, 08:21 PM
Ay sows akala ko pa naman pagtatanim as in gardening... :D

Madali akong madala sa tao lalo na pag nasaktan ako ng todo. Ngayon ko lang na-realize na mapagtanim pala ako noong araw. Kasi pag nasaktan ako at malalim ang naging sugat ayoko ng makita yong taong nakasakit sa akin.

Pero binago ng panahon ang pananaw ko na 'yon lalo na ngayon bilang Christian kailangan laging open sa pagpapatawad. Sabi nga sa Bible you have to forgive 77 x 7 which ang implication is ilang beses ka mang saktan ganong beses ka rin magpapatawad.

Nagtatanim pa rin ako... Nagtatanim ng pagmamahal, oras at pagpapatawad... Sabi kasi "kung ano ang iyong itinanim sya mong aanihin"..... :)

rhynissa
05-07-2008, 10:40 PM
para sa akin, di ako nagtatanim ng sama ng loob o galit (grudge). If ever may nakagawa ng kasalanan sa akin, actually binibilangan ko ng hanggang tatlo then bahala na sila sa buhay nila, iiwasan ko na sila paggumawa pa sila ng kalokohan (depende sa kalokohan, iba kasi ako magalit kaya dapat pigilan at baka may magawa akong di maganda).. As much as possible i wanna stay pacifist, kaya minsan para walang gulo mas gusto ko pa ang solo flight since may mga real friends naman ako so sapat na yung mga tunay ko kaibigan ang keep ko, pero yung mga traidor o plastic ay disregard ko na haha.. Ipagdasal na lang natin yung mga nakagawa ng mali sa atin (ipagdasal na kunin na agad sila bwahaha)..

mamimo
05-07-2008, 11:32 PM
medyo pareho pala tayo :D

hehe...san medyo pareho na parang nagpapakatanga na hanggang mapuno?:confused::D

Chibi
05-08-2008, 12:06 AM
hehe...san medyo pareho na parang nagpapakatanga na hanggang mapuno?:confused::D
ay may laman yata yan mamiko?:D
depende siguro sa ginawa saken ng tao,kung alam kong tama ako kerr ko ba na magbati pa kami,pero hihingi pa rin ako ng opinion sa iba kong prends kung tama or mali nga ako,kung mali ako mag so sorry ako at i a accept yung fault ko,kase kung mahal mo kaibigan mo di kailangan yung pataasan ng pride at gumanti pa,lalo na kung may pinag samahan kayo.Ngayon kung di mo na talaga kaya at alam mong tama ka nga jumbagin mo lang kaya??:Dnyahhahahahh a!may tao rin naman kase na kahit may mali din siya ayaw pa ring i accept,ewan ko ba,bigyan ko kaya ng vagong salamin o iuntog ko ng matauhan,minsan kase akala naten tayo yung tama,kaya nga makipag usap ng heart to heart at di dedmahin yung tao,sa pakikipag kaibigan dapat marunong tayong Makisama,Makiramdam, Mag adjust di naman yan dapat sabihin pa or ituro ng magulang naten,common sense ika nga!;)

mamimo
05-08-2008, 12:20 AM
@Chibi
nope, okay lang pakatanga basta dapat stage lang yun na dinadaanan pero kung ma-stuck ka na sa katangahan waahh wag naman. nasasabi ko kasi ginagawa ko rin tipong nagpapagod ka sa tao iyak-balik, iyak-balik pero sa huli tama na, over na wag na lingunin....that`s what I`m saying.:);)

infinite_trial
05-08-2008, 12:32 AM
hehe...san medyo pareho na parang nagpapakatanga na hanggang mapuno?:confused::D
lahat, pati yung ayaw makita yung tao :D:D

mamimo
05-08-2008, 12:37 AM
lahat, pati yung ayaw makita yung tao :D:D

tara inuman tayo sa Friday ilabas mo yan, inuman ng kape ha....nyt na nga:);)

v_wrangler
05-08-2008, 01:27 AM
... ng sama ng loob sa kapwa mo?

Hindi mo ba mapapatawad ang kapwa mo sa kasalanan na nagawa nya sayo considering na "not really a big deal" naman ang nagawa nya?
Kakalimutan mo ba ang friendship nyo sa isang maliit na misunderstanding?
:(

One question, Is it you or your friends the one having a hard time forgiving you?

Chibi
05-10-2008, 10:39 PM
@Chibi
nope, okay lang pakatanga basta dapat stage lang yun na dinadaanan pero kung ma-stuck ka na sa katangahan waahh wag naman. nasasabi ko kasi ginagawa ko rin tipong nagpapagod ka sa tao iyak-balik, iyak-balik pero sa huli tama na, over na wag na lingunin....that`s what I`m saying.:);)
ok, Mamiko getching ko na!;)

oo nga nakakapagod yung pa ulit ulit na lang,minsan kahit i ignore mo na yung ginagawa,nakaka puno naman,kahit siguro kumain ka ng pasensiya biskwit bibigay ka rin,di naman siguro pagtatanim,sana otagai sama din,give and take,yun bang marunong makisama,kase kung mahal mo kaibigan mo dapat marunong ka ring makibagay,makiramdam ,di yung puro take ka na lang ng take,nakakahiya yun!!kaibigan mo yan,di kamag anak di ba?kaya better na mag ki tsukau ka,yun siguro ang key para magtagal kayo bilang magkaibigan.:)

Nung nagkahiwalay kami ng prend ko,di ko na inisip na mag revenge,magtanim ng galit,basta iniisip ko na lang na someday magkikita pa rin kami, and pag nangyari yun,kakalimutan ko na yung nangyaring mis understanding samen,kase basta naging kaibigan ko,naging lab at part ng buhay ko:)waaaaaaaaaa!!par ang di bagay saken mag siryus!!!hehhehehheh ee!

docomo
05-24-2008, 06:01 PM
depende. di ako nagtatanim ng galit sa taong nag-aacknowledge ng kamalian nya. pero yung sa taong naghuhugas pa ng kamay, kebz lang, and paulit-ulit pang abusuhin pagkapasensyosa mo...aba...wag nya akong asahang matuwa at ako pa unang luluhod para magkabati kami. i'm a nice friend if you treat me nice. if you don't meddle wit mah bizwax, i won't dare touchin yours. now if you mess wit me, sisiguraduhin kong mauuna ka pang atakihin ng puso sakin sa galit.

Does that apply to you as well, if you were to do or say something that someone else couldn't seem to forgive you for? I'm not saying you have or will, but you never know when you might be in a situation where you do or say something (intentional or not) and someone else feels the same as you do about others not deserving to be forgiven.
I think by not forgiving it keeps you stuck in the past and makes you feel a resentful attachment to that person. NOT forgiving does nothing to the other person too. Just because you forgive someone doesn't mean you have to allow them back into your life, or continue where you left off etc. It just sets you free to be able to move on, from past hurts.

I understand some things are just impossible to forget and very hard to forgive but you can try to forgive in your heart not directly to this person for your own sanity . http://www.loveshack.org/forums/images/red/smilies/smile.gif

One question, Is it you or your friends the one having a hard time forgiving you?

That's a good question because I believed that grudges and hurt we feel, has to do with forgiving yourself, not someone else.;)

I wonder where is the thread starter :)

roses_pink
05-24-2008, 11:37 PM
Makikisali, Para sakin wag mong kaisipin ang taong ayaw magpatawad. Oo hindi ganun kadali ang makalimot lalo na kung malilim ang pinagsamahan nyo. Pero wag mo na siyang pilitin kung ayaw niyang makipag ayos. Dahil ang ganyang tao malayo ang loob sa dios, dahil ang puso niya puno ng galit sa kapwa. Bagkus amuin mo lalo lang siyang magpapakataas ng pride. Just give him/her some space para makapagisip din siya. If wala pa ring nangyari kalimutan mo na siya, at ipagpasa dios na lang ang taong matigas ang puso.

Ako, mapagpatawad na tao. May best friend ako since high school nagkaroon kami ng palitan ng masasakit na salita. Pero ilang years dumating yung time na nagkausap kami at nagkapatawaran. Hanggang ngayon, siya pa rin pala ang magiging best friend ko hanggang pagtanda. :)

musikaghie
05-26-2008, 12:14 PM
:)Naranasan kong masaktan at saktan, pero di ko magawang magtanim ng galit, lalo pa napamahal sa kin ang isang tao.

Madaling mawala ang galit ko, basta mag sorry lang sa akin, tapos na ang usapan. Madali akong kausap.

Todo pasa ako at iniisip ko muna lahat ng bagay bago ko gawin, ayoko kasing makasakit at ayokong magtanim din ng galit sa akin ang kapwa ko.

Tama ang kasabihan na. KUNG ANO ANG ITINANIM,YUN DIN ANG AANIHIN:)

wolfgang
05-26-2008, 12:45 PM
ako depende sa sitwasyon....ako kasi yun tao na pag nainis or nagalit talagang nagdadamdam pero pagnaibuhos ko na yun...wala na rin...pero meron kasing tao na di marunong tumanggap ng kamalian...palaging tama na lang siya sa pananaw niya...na ni minsan di mo naringgan na may mali rin siya...doon ako bad trip...
atsaka yun kapag tao tinuring mong kaibigan tapos in the end....kaibigan ka lang pala pag may kailangan...pag wala ka nang pakinabang ehhh the end ka na rin...doon talaga ako nasusuka sa ganoong tao. lalo na pag manggugulang ng kapwa...mapapatawad ko siya pero di kaagad maghihilom..pero lilimutin ko na rin siya buburahin ko siya sa alala-ala ko...kahit mukha niya ayaw ko nang makita:mad::mad: ayaw ko kasi sa taong di marunong magpahalaga sa kapwa...sa pinagsamahan...:mad: :mad::mad:
yan mga ganyan ang itinatanim sa lupa:D(yan ang itinatanim ko ehh kaya nagtatanim ako..tinatanim ko na sila sa lupa pero sa isip ko lang yun heheheh):D...

aj_4983
05-26-2008, 01:20 PM
hindi ako mapagtanim.
repent her/him? I will. Kung di naman ganon kalaki yung kasalanan na nagawa niya, I'll give her/him another chance to prove that she/he is really sorry.Me too, sometimes made mistakes to my peers as well to the ONE up there. My friends forgave me ang HE also, so why should I not...?
We get angry but after that we must forgive and forget:)

jcby1321
05-26-2008, 01:35 PM
ako dati mapagtanim ako ng sama ng loob...pero mabigat sa dibdib... kaya pag may ayaw ako, dedma ang drama ko sa taong ayaw ko... pag may nagawang nd maganda ang isang tao at nagkapatawaran na kami, ok na pero natatandaan ko kung ano ang ginawa nya at para nd na maulit pa, extra-careful din ako.... nakakatanda ang madaming sama ng loob sa buhay...mahal ang magpa-face lift kaya dapat wag masyado magalit sa mundo...:)

katheyrine
06-19-2008, 11:44 PM
Makikisali, Para sakin wag mong kaisipin ang taong ayaw magpatawad. Oo hindi ganun kadali ang makalimot lalo na kung malilim ang pinagsamahan nyo. Pero wag mo na siyang pilitin kung ayaw niyang makipag ayos. Dahil ang ganyang tao malayo ang loob sa dios, dahil ang puso niya puno ng galit sa kapwa. Bagkus amuin mo lalo lang siyang magpapakataas ng pride. Just give him/her some space para makapagisip din siya. If wala pa ring nangyari kalimutan mo na siya, at ipagpasa dios na lang ang taong matigas ang puso.

Ako, mapagpatawad na tao. May best friend ako since high school nagkaroon kami ng palitan ng masasakit na salita. Pero ilang years dumating yung time na nagkausap kami at nagkapatawaran. Hanggang ngayon, siya pa rin pala ang magiging best friend ko hanggang pagtanda. :)

Naku roses pink mabuti ka pa mapagpatawad na tao.
Pero ganon ba yun sis, pag di marunong magpatawad malayo ang loob sa Dios?
Papano yung taong nakasakit sa iyo ng sobra, ano yun malapit sa Dios ba tawag dun sis?
Di siguro pataasan ng pride ang di magpatawad sis..yun eh depende sa karakter at kung anong lalim ang ginawa nyang mantsa.
May mga rason din kung bakit tumitigas ang puso ng tao at di na kailanman nagpatawad.
Thats good for you and your bestfriend though hanggang pagtanda nyo eh kayo pa rin.:)

oxydo23
06-20-2008, 02:34 AM
uhu.. dapat talaga matuto tayong maging mapagpatawad. tulad ng pag papadatawad satin ni God sa mga kasalanan natin nagagawa sa kanya, sa mga pagkukulang natin. Totoo na ang pagiging malapit kay God ay magtuturo sa atin kung papano tayo magiging mapagpatawad.

Ganito lang yan.. mahihirapan tayong humingi ng tawad kung tayo mismo sa sarili natin hindi tayong marunong magpatawad..

musikaghie
06-23-2008, 08:23 AM
Nagtatanim? Noong dalaga pa ako, ang tagal maalis ng sama ng loob ko o galit.
Pero nitong nag mamatured na ako, may magbigay man sa akin ng sama ng loob o galit, madaling maalis.

Naiinis ako o Nagagalit kung minsan, pero sandali lang lalo na pag nag sorry na sa akin. Tapos na ang usapan. Madali rin akong magpatawad.

Dapat itanim natin ang pangunawa at pagmamahal sa puso ng ibang kapwa natin. Magaang ang pakiramdam pag madali kang magpatawad. Di ka makakatulog ng mahimbing kung nagtatanim ng galit o sama ng loob.

Masarap matulog at gumising sa umaga ng wala kang nasaktang tao, o kaya walang taong nagbigay ng galit o sama ng loob sa iyo.

FORGIVE and FORGET lang di ba?:)

proud me
06-23-2008, 10:26 AM
ako hindi....kasi baka pag-nagtanim ako ang tumubo eh! ....sakit sa puso