View Full Version : sino ang dapat sisihin?
sino ba talaga ang dapat sisihin sa paghihirap ng mga pinoy?bakit lagi na lang ang gobyerno ang sinisisi ng ibang pinoy,lalong lalo na ang mga mahihirap.sa tuwing nonood ako ng TFC lagi na lang na may nagmamakaawa na tulungan sila dahil wala nang makain ect..ectsa una maaawa ka pero pag narinig mo na maraming ang mga anak,nakatira sa barong barong,walang trabaho,medyo naiinis ako,parang gusto kong itanong na hirap na nga sa buhay bakit pa nag-anak ng marami,bakit di naisip na mahirap ang buhay.ok lang naman mag-anak ng marami kung kayang buhayin,masaya nga yung marami,pero kung walang makain nakakaawa lang ang mga bata,ano sa palagay nyo?:confused:
mcgregor
01-31-2006, 07:12 PM
sa palagay ko hindi natin masisisi ang mga tao- mahirap man o hindi- sa pangkalahatang kalagayan ng pilipinas. malaki naman kasi talaga ang papel na ginagampanan ng pamaalaan sa buhay natin. mas malawak ang saklaw ng pulitika kesa sa inaakala natin. sa basic definition pa lang nito na’ demand and support,’ all-encompassing na.
mula sa pagkapanganak natin hanggang sa pagkamatay, we deal with the government. sa buong buhay natin, whether we admit it or not, hindi natin ito matatakasan. And while we’re alive, malaki ang epekto ng bawat polisiya’t batas na ipinapatupad nito sa ating lahat.
The government identifies the kind of economic policies, for instance, that it implements within its bounds. At ang economic policies na ito ay nagdidikta ng nagiging kalakaran ng socio-economic relations sa society. ang patakarang pang-edukasyon ang nagde-determine kung sino ang mabibigyan ng oportunidad na maka-acquire ng kaalaman necessary for upward mobility. Ang halaga ng buwis na kinakaltas sa mga sahod natin- pamahalaan rin ang nagpapataw. Bago pa man natin mahawakan ang sweldo, nakaltasan na ng buwis. It determines to a great extent what we can or cannot do.
Bagamat malaki rin naman ang responsibilidad ng bawat isa sa kahihinatnan ng ating mga buhay, we cannot deny the fact the immense role the government plays in our present predicament as individuals and as a nation.
^my humble take :D
mOtt_erU
09-01-2006, 02:37 AM
For me dapat Gobyerno ang sisihin..dahil puro mga Sariling Hangarin nila at Ambisyong Politikal lang iniisip nila..imbes na mga mamamayan..:confused :
satsuki
09-01-2006, 03:31 PM
sa akin din simula pa lang government na natin talaga ang may problema
xxxholic
09-11-2006, 10:34 AM
sino ba talaga ang dapat sisihin sa paghihirap ng mga pinoy?bakit lagi na lang ang gobyerno ang sinisisi ng ibang pinoy,lalong lalo na ang mga mahihirap.sa tuwing nonood ako ng TFC lagi na lang na may nagmamakaawa na tulungan sila dahil wala nang makain ect..ectsa una maaawa ka pero pag narinig mo na maraming ang mga anak,nakatira sa barong barong,walang trabaho,medyo naiinis ako,parang gusto kong itanong na hirap na nga sa buhay bakit pa nag-anak ng marami,bakit di naisip na mahirap ang buhay.ok lang naman mag-anak ng marami kung kayang buhayin,masaya nga yung marami,pero kung walang makain nakakaawa lang ang mga bata,ano sa palagay nyo?:confused:
:) for me,a country is like one household.kung ang magulang eh di marunong magpasunod and is not a good example for the children.....what can you expect!?gobyerno ang parang magulang ng bansa,it is their responsibility to look after the welfare of its people and the country itself.unfortunately ,most politicians in our country abuse their positions....sila at ang mga cronies lang nila ang nagpapayaman.matagal ng may family planning sa atin,but that's it.basta 'andun lang 'yung program,but really not enough effort to educate the people......esp. those who live in rural areas or less educated.
love0308
10-05-2006, 01:38 AM
Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili dahil hindi pinagplanohan ang future:D Hindi po dahilan ang kahirapan upang maiangat ang kinabukasan natin:) Wala po kasi tayong unity mga Filipino at crab mentality pa puro inggit wala namang maitulong:mad:
mOtt_erU
10-05-2006, 02:47 AM
Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili dahil hindi pinagplanohan ang future:D Hindi po dahilan ang kahirapan upang maiangat ang kinabukasan natin:) Wala po kasi tayong unity mga Filipino at crab mentality pa puro inggit wala namang maitulong:mad:
...korek ka jan Love...marami talaga saten ang Crab Mentality at maraming Inggit sa katawan...
Imbes na magGambaru sa sariling buhay eh puro buhay ng Iba at Tsismis yata ang ginagawa o kaya eh puro pagbaling ng sisi sa asawa, sa sarili o kaninoman ng kahirapan niya.....eh talagang malulugmok ka nga niyan sa Hirap kung puro yan ang iispin mo...Lahat naman ng tao eh may pagkakataon na umayos ang buhay kung pagsisikapan lang...... at dapat matutuo din ang Ibang
Pinoy na magIpon...que mahirap ka o mayaman yung "kahit magkano" o "kaunting barya/halaga" na maitatabi mo sa isang araw eh malaking bagay yun...at kahit gumastos ka man eh okey lang as long as marunong kang magTrabaho at magIpon ..aangat at Uunlad ang Buhay mo:)
mamimo
10-05-2006, 02:20 PM
sino ba talaga ang dapat sisihin sa paghihirap ng mga pinoy?bakit lagi na lang ang gobyerno ang sinisisi ng ibang pinoy,lalong lalo na ang mga mahihirap.sa tuwing nonood ako ng TFC lagi na lang na may nagmamakaawa na tulungan sila dahil wala nang makain ect..ectsa una maaawa ka pero pag narinig mo na maraming ang mga anak,nakatira sa barong barong,walang trabaho,medyo naiinis ako,parang gusto kong itanong na hirap na nga sa buhay bakit pa nag-anak ng marami,bakit di naisip na mahirap ang buhay.ok lang naman mag-anak ng marami kung kayang buhayin,masaya nga yung marami,pero kung walang makain nakakaawa lang ang mga bata,ano sa palagay nyo?:confused:
Malaki din kasi papel ng gobyerno sa pag-educate ng mamamayan sa aspeto ng resposinble parenthood, pansin ko nga mas maraming volunteer group ang gumagawa ng paraan para umakyat ng bundok at mag-host ng lecture on family planning, etc..
barney
10-05-2006, 03:44 PM
para sa akin government din ang dapat sisihin.
kahit nakatapos ka nga ng kolehiyo sa pinas e mahirap kang makapasok ng trabaho e.
unless galing ka sa known na family or recommended by a well known politician,cigurado
pasok ka na.
kaya nga sikat ang bansa natin sa pagiging Domestic Helper sa ibat ibang bansa,dahil bukod
sa walang gaanong mapasukan na trabaho,napakababa pa ng salary ,hindi kayang pangsu-
porta sa sariling family.
hindi mo matutupad ang pangarap mo para sa anak mo kung isa ka lang mahirap sa pilipinas,
dahil ang kikitain mo dun ay kulang pa para sa kakainin nyo for 3 times a day.
ang mga nakaupo lang sa gobyerno(politicians ) ang yumayaman,dahil sa bigas ng bayan.:rolleyes:
Tarena314
10-05-2006, 05:13 PM
sa aking opinyon pareho lang na may pagkakamali..,mamama yan at gobyerno,, isang ayaw magpasunod at isang ayaw sumunod..,kaya ang hirap makagawa ng tagumpay.,ang daming mahihirap pero palagay ko nasa may katawan na ang deperensya , tamad at mahilig umasa sa tutulong..,kagaya halimbawa ng mga nag ra rally satin , di ba karamihan don ay mga anak pawis lamang at ginagamit lang naman sila ng ating gobyerno sa kanilang mga mithin sa buhay..,dapat lang naman ay naiisip nila yon eh !!..,pagkatapos naman ng kanilang pagsigaw ng kung anu-ano sa kalye,ano ba ang kanilang mararamdaman di ba malinaw lang na kalam ang kanilang mga sikmura..??kaya kung ako sila,, mabuti pang manahimik na lang at mag-isip kung paano ba uunlad ang kanilang mga sariling buhay.., marami akong sentemyento pero hindi ito makakatulong sa sarili kung pamumuhay at sa kahit kanino..,kaya dapat ang gobyerno ang makiusap sa katulad ko,, dahil hindi ako pasaway sa kanila at mabuti akong mamamayang pilipino (Peace):)
honey
10-05-2006, 11:01 PM
dapat ito sa POLL para mapagbotohan ba!:)
Gobyerno kasi nangungurakot.
Tao kasi kawawa pero hindi naman lahat kasalanan ng tao hindi naman kontrolado ng gobyerno ang utak o puso ng tao ganun din ang tao hindi natin malalaman ang pangungurakot ng gobyerno dahil hindi natin alam kung ano style nila:p .
erleen
10-05-2006, 11:23 PM
sa aking opinyon pareho lang na may pagkakamali..,mamama yan at gobyerno,, isang ayaw magpasunod at isang ayaw sumunod..,kaya ang hirap makagawa ng tagumpay.,ang daming mahihirap pero palagay ko nasa may katawan na ang deperensya , tamad at mahilig umasa sa tutulong..,kagaya halimbawa ng mga nag ra rally satin , di ba karamihan don ay mga anak pawis lamang at ginagamit lang naman sila ng ating gobyerno sa kanilang mga mithin sa buhay..,dapat lang naman ay naiisip nila yon eh !!..,pagkatapos naman ng kanilang pagsigaw ng kung anu-ano sa kalye,ano ba ang kanilang mararamdaman di ba malinaw lang na kalam ang kanilang mga sikmura..??kaya kung ako sila,, mabuti pang manahimik na lang at mag-isip kung paano ba uunlad ang kanilang mga sariling buhay.., marami akong sentemyento pero hindi ito makakatulong sa sarili kung pamumuhay at sa kahit kanino..,kaya dapat ang gobyerno ang makiusap sa katulad ko,, dahil hindi ako pasaway sa kanila at mabuti akong mamamayang pilipino (Peace):)
I agree with you.
Kasi kung ang leader (President) eh maayos naman ang pamamalakad at ginagampanan nya ang trabaho nya at hindi naman sumusunod ang mga nakapaligid (mamamayan)sa kanya eh hindi magiging maganda ang resulta.
Kung ang mga mamamayan naman eh sumusunod sa batas at disiplinado tapos ang leader naman eh hindi nya ginagampanan ang kanyang resposibility eh hindi rin magiging maayos.
Vise versa ne.
Autumn
10-06-2006, 12:07 AM

Very true kapatid...
yumiyumi
10-06-2006, 11:22 AM
di natin pede iblame government alone, filipino attitude din. so i think pareho.
pineapple
10-08-2006, 07:33 AM
i think parehas... kase pag isisisi lahat sa gobyerno (although its true na mas nakaka affect sila kung bakit naghihirap ngayon ang pilipinas) its not right dahil bakit ba nasa pwesto yan mga corrupt na opisyales na yan hindi ba dahil sa mga mamamayan na nung botohan ay nagpabayad ng boto?? bakit ganun dahil nga mahirap lang sila.... sa aking palagay parehas dapat sisihin dahil parehas na may mali.. amininin natin na madami tayong kababayan sa pilipinas na mahirap kaya may nangyayaring discriminasyon sa bansa natin ang mahirap lalung humihirap at ang mayaman ay lalu lamang yumayaman.. wala kasing unity kung matututunan lang sana ng pilipino ang ibig sabihin nito bawat isa ay magkasundo.. malamang maayos at umunlad ang ating bansa.. sa ngayon madaming issue ang ipinupukol sa ating presidente..pwedeng sabihing paninira o maari ring totoo.. hindi dapat mang husga hanggat walang ebidensya pero ang problema.. hindi nila inilalahad sa taong bayan ang ebidensya kaya tuloy napag iisipan sila ng hindi maganda.. :(
murakami
10-08-2006, 09:32 AM
para sa akin pong pananaw,
pareho pong may kasalan ang GOBYERNO at MGA PINOY NA NAKAKARANAS ng GANYANG KAHIRAPAN...
una: ang gobyerno my paakukulang dahil sa hindi nila pinag22unan ng pansin ang ngyayaring kahirapan sa ating bansa sa una puro magagandang pangako lalo n sa mga mahihirap pag nakaupo na sa pwesto wala na nakalimutan na ang mga pinangako at taas noo pang humaharap sa camera...
pangalawa: ang mga mamamayan na nahihirapan sa buhay,marami sa kanila na malalakas ang mga katawan at kayang magbanat ng buto pero dahil sa may mga taong naaawa sa knila at nagbibigay ng limos, hindi na nila naiisipan pang humanap ng trabaho,dahil kung 22usin nga nman walang kahirap hirap ang mamalimos kaya pamamalimos na ang kanilang ginawang trabaho at ang masaklap pa dun ang mga anak nila minsan ang ginagawa nilang puhunan...
at kung minamalas medyo maliit ang napalimos nila ayan na at nakakaisip na ng hindi maganda,kapag nabusog naman at dumilim na hihiga na at maaaring magdag2 na nman cla ng lahi dahil wala clang pakelam sa kinabukasan ng mga anak nila...minsan ito na ang ginagawa nilang libangan...
poasencya na po para sa aking opinyon lamang po ang aking mga isunulat...
ay_me
10-08-2006, 12:58 PM
IN my opnion naman malaki ang role ng government.Kung hindi maganda ang patakaran ng government,wlang susunod na matino na tao.Sa totoo lang maraming kayamanan ang pinas,kaya lang pag nakiaalm na ang government at inuna ang urakot wlang nangyayari.Katulad ng patakaran ng medical insurance sa atin.Patay na yung pasyente bago magamit yung medical insurance,samantalan g ang laki at ang bilis nilang ibawas sa mga nag wowork sa atin.Siguro kahit sinong president ang ilagay sa atin,wlang mangyayari talaga.Until corruption is there,no future for the second generation.
d_southpaw
10-08-2006, 01:41 PM
Makikisabat po.
I understand the desire to understand our problems better .... But
Laying the blame is one way to view the problems we Filipinos have. It is called 後ろ向き (うしろむき、) "negative or pessimist" point of view.
Another way of looking at it, is from positive or optimistic viewpoint - 前向き まえむき.
We are here in Japan, I think there are countless opportunities that we will be able to learn from the Japanese how they view their problems. Most of the time it is まえむき or how to solve the problem, not find who to blame with the problem.
まえむきで生きましょうよ!!
guy26
10-15-2006, 11:37 PM
parehas dahil parehas naman na walang disiplina sa sarili....
japina
10-16-2006, 01:24 AM
parehas kasi ang gobyerno natin nangungurakot sa pinaghirapan ng taong bayan. at ang mga mamayan naman alam na mahirap ang buhay ,walang trabaho at kulang nanga sa pagkain. anak pa ng anak . hindi talaga tayo uunlad pag ganyan kahit masipag ang mga ofw na nagpapasok ng pera sa pinas para makatulong ang gobyerno naman at mamayan ang nagpapabigat. kailangan pa bang i memorize na pag nasa matinding crisis bawal muna ang mag anak ng mag anak para di tayo maging over populated. at kahit papaano umangat naman ang economy natin
Sa hirap ng economy ng pilipinas as of now,we could all put the blame to the goverment,yes,its true,because our government is so corrupted,and is being ruled with so many cruel politicians,who does nothing but just to build security for themselves.:bonk: With all the philippines riches way back before,who has just been grabbed by these selfish geeks:devil: all these years, we shouldn't have been sacrificing the economical problem we have right now,its a very great factor why we never cope up against poverty in our country.
Though on the other side of the story,with the philippine culture that we have the sickness like,"overdependency", lot of filipinos even at the right age to work just depend with their parents,and worst,even though they have their own family.:nono: Theres this "katamaran" factor,lalo na pag may inaasahan.For others nman, who's willing to work,unemplyment naman.And there they go, mga sobrang hirap nating kababayan,anakan ng anakan, we cant blame them,irresistable ang sex,:love: :eek: :D but they themselves know the situation of their life and yet,anak pa din ng anak ever. And it comes to worst that they can feed all their children, one of the member of the family gets sick,and no one to turn to, anyone of the family has to do something,and there;magnanakaw,hol dup,snatch.... so on and so forth.....:rolleyes: :rolleyes: too long to elaborate. A lot of negative factors portrayed by the philippines is due to poverty,which our government never gave attention of.(i may not say all politicians are corrupt,it maybe 90%).:D How we all wish that these powerful people could think of the nation's need not themselves only. :slam:
lenemen
10-30-2006, 12:18 AM
di natin pede iblame government alone, filipino attitude din. so i think pareho.I agree with you, sis!!
hayaren
10-30-2006, 09:33 PM
TAYO....walang Unity:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.