PDA

View Full Version : Summer 2008 Fuji Climb

reon
04-22-2008, 11:05 PM
Mga ka-TF: baka gusto ninyong magpapapawis at umakyat sa Mount Fuji ngayong darating na summer? Nagbabalak kasi kaming pumunta at naghahanap ng mga gustong sumama. EB on Mount Fuji ba. Para sa mga taong mahilig umakyat sa bundok (o mga gustong subukan).

May 80% chance na matutuloy ito at mas maigi kung mas maaga ang pagpaplano. Sa mga gustong sumama, raise your right hands! Sa mga may questions naman, post lang kayo dito at pipilitin kong sagutin.

34236

maple
04-22-2008, 11:13 PM
Reon, mahina na ang tuhod ng Lola mo, pwedeng maki-EB na lang sa inyo sa paanan lang ng Mt. Fuji? :p:D

sorry sa OT ha :O

maimai
04-22-2008, 11:13 PM
nice idea~~!! :D

tanong ko lang po...overnight po ba toh??

reon
04-22-2008, 11:27 PM
Reon, mahina na ang tuhod ng Lola mo, pwedeng maki-EB na lang sa inyo sa paanan lang ng Mt. Fuji? :p:D

sorry sa OT ha :O
hehe, puwede rin yan. paanan ng mount fuji. :) oo nga e, maganda siguro kung party muna sa baba ng fuji bago umakyat ano? kaso baka walang nang gustong umakyat pagkatapos. :D

nice idea~~!! :D

tanong ko lang po...overnight po ba toh??
hello maimai, overnight trek ang iniisip namin. start ng gabi or early afternoon at nasa peak before sunrise. kung matutulog sa isa sa mga cabins sa taas, baka mahal para sa ibang tao kaya hindi siguro matutulog doon. :)

sharpener
04-22-2008, 11:37 PM
naku kelan po ba to
gusto ko sumama kaya lang uwi ako ng august :(:rolleyes:

itchay
04-23-2008, 12:00 AM
one of my dream escapades. sana makasama.
sana this time makaka-akyat na talaga ako ng fujisan.

count me in po. i'll check back na lang from time to time for the schedule.
sana walang conflict.

thank you.

reon
04-23-2008, 12:12 AM
naku kelan po ba to
gusto ko sumama kaya lang uwi ako ng august :(:rolleyes:

hindi pa fixed ang date, sharpener-san, pero july or august ito.

one of my dream escapades. sana makasama.
sana this time makaka-akyat na talaga ako ng fujisan.

count me in po. i'll check back na lang from time to time for the schedule.
sana walang conflict.

thank you.hoho! may isang hiker nang sasama. itchay-san, na-try mo na bang umakyat sa fuji? sana nga makaakyat tayo this summer. teka gawa ako ng poll para mas madaling malaman ang pupunta.

reon
04-23-2008, 12:20 AM
May mali doon sa ginawa kong poll. Paki vote na lang ulit. :bowdown:

kalypso
04-23-2008, 12:23 AM
count me in, reon. tamang-tama, my family and i have been toying the idea of climbing Mt. Fuji again. :)

itchay
04-23-2008, 12:48 AM
hindi pa fixed ang date, sharpener-san, pero july or august ito.

hoho! may isang hiker nang sasama. itchay-san, na-try mo na bang umakyat sa fuji? sana nga makaakyat tayo this summer. teka gawa ako ng poll para mas madaling malaman ang pupunta.

i've been near mount fuji, pero never climbed it yet. actually, i'm not a climber at all. i've had a couple of invitations from outdoors enthusiasts in the past, pero yung trabaho ko before kept me from going with them. kaya palaging palpak. regular na schedule ko ngayon. i have a feeling i can make it this time.

i heard mt. fuji is an easy climb for veterans, and not that hard for beginners. that's motivation enough for me. i'll have to physically condition myself beforehand, though.

looking forward to the climb and watch the sun rise from the top of mt. fuji. :)

reon
04-23-2008, 01:05 AM
i've been near mount fuji, pero never climbed it yet. actually, i'm not a climber at all. i've had a couple of invitations from outdoors enthusiasts in the past, pero yung trabaho ko before kept me from going with them. kaya palaging palpak. regular na schedule ko ngayon. i have a feeling i can make it this time.good. i can't really say i'm a climber either. naglalakad lang ako papunta sa tuktok. :)

i heard mt. fuji is an easy climb for veterans, and not that hard for beginners. that's motivation enough for me. i'll have to physically condition myself beforehand, though. looking forward to the climb and watch the sun rise from the top of mt. fuji. :)yes, it's not that hard for beginners. children regularly climb up mount fuji. doon sa night trek na gagawin natin, the combination of lack of sleep and physical exertion may be too much for many people. even if you're not that fit it's still doable, but the hike will suck. :) speaking of which, kailangan ko rin yata ng regular exercise to be fit for the climb.

count me in, reon. tamang-tama, my family and i have been toying the idea of climbing Mt. Fuji again. :)
yey kalypso! sama ka ha. :)

kakkoii_daw
04-23-2008, 09:28 AM
hello reon,

naka-point or naka-flex po ba ang pagraise ng hand? :hihi:
im thinking to climb it alone this year, pero sama na lang ako sa inyo kung pwede... salamats! :D

disney
04-23-2008, 10:05 AM
dream ko din maakyat ang mt. fuji, sana may makasama ko bumaba mula dito sa bundok namin:)

vote muna ko sa first option:p

docomo
04-23-2008, 10:12 AM
A once in a lifetime event for me ... count me in :)

sarpon
04-23-2008, 10:21 AM
A once in a lifetime event for me ... count me in :)

doc di na pwede makasama yung bodyguard mo.:)

KikoyBalayon
04-23-2008, 10:21 AM
http://www.rolc.org.sg/img_raisehand.jpg

opportunity knocks..

docomo
04-23-2008, 10:29 AM
doc di na pwede makasama yung bodyguard mo.:)

iwan sila .. walang bodyguard this time :D

http://www.rolc.org.sg/img_raisehand.jpg

opportunity knocks..

hahaha ang kulit ng kiks .. parang walang himala ang dating eh :p

itchay
04-23-2008, 10:54 AM
http://www.rolc.org.sg/img_raisehand.jpg

opportunity knocks..

literal :hihi:

aba'y kita-kits na naman pala tayo, ichigo prends :D

thermometer
04-23-2008, 12:00 PM
uyyyy fuji climbed...:)

esep esep kung aakyatin ulet ang fuji-san:D .. ma reach ko kaya ulet ang top ?

BTW.

Reon-san ... saan TRAIL ang balak nating daanan kung saka sakali po

row_wena
04-23-2008, 07:25 PM
gusto ko rin pong sumama! kayanin kaya ng powers ko?:D pag naplano niyo na po yung dates, pa-msg na lang. para makapaghanda na..:)

adechan
04-23-2008, 07:54 PM
50/50 % po

may balak din po sana pamilya ko, but hindi pa namin ma convince ang camping friends namin ~~ mas gusto pa rin nila sa dagat this summer

at saka chotto shimpai, mga first timers lang kami, baka hindi kami maka cope up sa powers ninyo, and to think na kasama mga anak ko == 11 years old ~~ who is the one na very eager to reach the peak, at ang bunso kong 7 years old, at ang undo busoku kong hubby

We searched kung matutulog sa mga mountain huts sa 8th and 7th station, per person cost around ¥5000, and ¥7000 including two meals daw.

Ang bata kaya pareho din? Di pa namin alam

adechan
04-23-2008, 08:00 PM
oo nga po pala ~~ kagaya din nang tanong ni thermo

saang trail ba ninyo balak ?
at saan ba pinakamaganda ~~

the last time na umakyat kami hilong hilo kami sa paikot-ikot bago makarating ang sasakyan sa 5th station

scion_cho
04-23-2008, 08:59 PM
Interesting. Magkano ba usually budget sa ganyan? Para makahanda na rin kung sakali. :cool:

hana
04-23-2008, 09:16 PM
wooooow dream korin na makarating sa toktok ng mount fuji, nakarating lang ang mga mata dahil sa tanaw lang sana pati paa ko makarating din, sana makasama akooooooo

adechan
04-23-2008, 09:42 PM
Interesting. Magkano ba usually budget sa ganyan? Para makahanda na rin kung sakali. :cool:

paano kaya ang plano nila reon?

tip lang, merong bus mula sa train station papuntang 5th station daw, di ko alam ang fair, hanggang 5th station or gogoume ang sasakyan, may parking area at omise, mula doon start na ang akyat.

may trail na free at may trail na may bayad,

kung hindi naman matutulog sa mountain huts, hindi naman masyadong magastos, mga pagkain lang inumin at transportation expense, at entrance fee kung hindi iyung free trail ang pipiliin

docomo
04-23-2008, 09:47 PM
sana may matulugan para maka goli .. pero pag wala , ok na din isang araw lang naman ... kahit wisik wisik at mag tutbras na lang pwede na :p

reon
04-23-2008, 11:14 PM
hello reon,

naka-point or naka-flex po ba ang pagraise ng hand? :hihi:
im thinking to climb it alone this year, pero sama na lang ako sa inyo kung pwede... salamats! :D

34433ganito ok na. :hihi: andami nang aakyat a.

A once in a lifetime event for me ... count me in :)doc, matagal pa tayo sa japan, marami pang chance. pero kung ngayon mo na gusto, welcome aboard. :)

dream ko din maakyat ang mt. fuji, sana may makasama ko bumaba mula dito sa bundok namin:)taga saang bundok ka ba disney? :)

uyyyy fuji climbed...:)

esep esep kung aakyatin ulet ang fuji-san:D .. ma reach ko kaya ulet ang top ?

BTW.

Reon-san ... saan TRAIL ang balak nating daanan kung saka sakali pothermo-san, sa kawaguchiko ang alam ko, pero kung may suggestion kang iba, open naman. actually kung marami ang aakyat at ibaibang parte ng japan darating, maaring iba-ibang trails ang panggalingan natin at magkita-kita na lang sa peak. :) sama ka na, mukhang maraming pupunta, at kailangan nating ng maraming guides. :)

gusto ko rin pong sumama! kayanin kaya ng powers ko?:D pag naplano niyo na po yung dates, pa-msg na lang. para makapaghanda na..:)sige, pag-isipan mong mabuti. :)

50/50 % po

may balak din po sana pamilya ko, but hindi pa namin ma convince ang camping friends namin ~~ mas gusto pa rin nila sa dagat this summer

at saka chotto shimpai, mga first timers lang kami, baka hindi kami maka cope up sa powers ninyo, and to think na kasama mga anak ko == 11 years old ~~ who is the one na very eager to reach the peak, at ang bunso kong 7 years old, at ang undo busoku kong hubby

We searched kung matutulog sa mga mountain huts sa 8th and 7th station, per person cost around ¥5000, and ¥7000 including two meals daw.

Ang bata kaya pareho din? Di pa namin alamadechan, mahirap nga kung may bata, although puwede naman kayong pumunta at himiwalay sa main party kung balak ninyong matulog sa hut.

oo nga po pala ~~ kagaya din nang tanong ni thermo

saang trail ba ninyo balak ?
at saan ba pinakamaganda ~~

the last time na umakyat kami hilong hilo kami sa paikot-ikot bago makarating ang sasakyan sa 5th stationhindi ko alam ang iba't-ibang trails pero, I assume na halos parepareho lang dahil wala namang makikita masyado sa Fujisan at gabi.

Interesting. Magkano ba usually budget sa ganyan? Para makahanda na rin kung sakali. :cool:scion_cho-san, kung hindi matutulog sa mountain hut according to plan, train at bus fair lang papunta sa trail (¥2,600 ang bus galing Tokyo one-way)

wooooow dream korin na makarating sa toktok ng mount fuji, nakarating lang ang mga mata dahil sa tanaw lang sana pati paa ko makarating din, sana makasama akooooooohana-san, actually mas maganda yatang tignan lang ang fuji kaysa akyatin. :)

paano kaya ang plano nila reon?

tip lang, merong bus mula sa train station papuntang 5th station daw, di ko alam ang fair, hanggang 5th station or gogoume ang sasakyan, may parking area at omise, mula doon start na ang akyat.

may trail na free at may trail na may bayad,

kung hindi naman matutulog sa mountain huts, hindi naman masyadong magastos, mga pagkain lang inumin at transportation expense, at entrance fee kung hindi iyung free trail ang pipiliinadechan, depende sa dami ng tao at kung saan manggagaling ang magiging plano.

kung ako galing sa ibaraki, train to tokyo, to ootsuki papuntang kawaguchi ko. ang pinaka convenient galing sa tokyo ay direct bus, pero kailangan ito ng reservation at hindi puwedeng i-cancell kung masama ang panahon kunyari. depende sa panggagalingan ng mga tao, maaring magkita na lang sa 5th station or along the way between 5th station and tokyo.

row_wena
04-23-2008, 11:36 PM
sige sasama na ako! :D

chepot
04-24-2008, 10:29 AM
Hi Sir Reon!! Musta na po? Interested ako and it will gonna be my first time...sana, walang conflict sa skeds ko para makasama...

wolfgang
04-24-2008, 11:11 AM
uyyy Fuji .... @disney....sabay ba tayong bababa ng bundok??? tapos aakyat din tayo ng bundok...okies yan ahhh puro bundok....:D
first time ko yan mararating kapag nagkataon.....
at kapag nasa tuktok na ako sisigaw ako ng I'm the KIng of The World........ayos... ...;):D

maimai
04-24-2008, 11:18 AM
Hi Sir Reon!! Musta na po? Interested ako and it will gonna be my first time...sana, walang conflict sa skeds ko para makasama...
ang lowla~~career woman talaga:D:p

uyyy Fuji .... @disney....sabay ba tayong bababa ng bundok??? tapos aakyat din tayo ng bundok...okies yan ahhh puro bundok....:D
first time ko yan mararating kapag nagkataon.....
at kapag nasa tuktok na ako sisigaw ako ng I'm the KIng of The World........ayos... ...;):D

huhuhu~~buti pa kayo bababa ulit ng bundok..sana ako din makababa :O...

gusto gusto ko talaga sumama pero di pa ako sure kung papayagan ako ng aking mahal na asawa:O:rolleyes:

kaya nga nandun ang vote ko Not sure yet but interested. :(:)

disney
04-24-2008, 11:39 AM

uyy nagpaparamdam ang bakla, sayang yung isang lakwatsera nasa pinas na siguro that time:(

go ba tayo? sabihin mo lang para maipalipat na boto ko at i ready mo na sapatos mo:D:p

huhuhu~~buti pa kayo bababa ulit ng bundok..sana ako din makababa :O...

gusto gusto ko talaga sumama pero di pa ako sure kung papayagan ako ng aking mahal na asawa:O:rolleyes:

kaya nga nandun ang vote ko Not sure yet but interested. :(:)

go na maimai, iwanan natin ang mga bulilit kay Mr.:D:p

sharpener
04-24-2008, 08:56 PM
ano po ba dapat i-prepare

Flippy Aze
04-24-2008, 09:43 PM
ano po ba dapat i-prepare

parang curious din ako kung ano dapat ang ipe-prepare...lalo na sa katawan:confused:kas i nabanggit ko sa isang kasama ko sa trabaho tungkol dito at sabi ba naman kung first time ko daw eh baka ma-ospital:eek: ako pagkatapos ng akyatan...:(parang nagdadalawang-isip na tuloy ako[chicken:nono:]

adechan
04-24-2008, 09:58 PM
sharpener and Flippy Aze

unang una ang shoes ~~~ iyung kakayanin ang mga mabato bato at madudulas na daanan, at comfortable sa paa mo
maganda talaga kong pang hiking/trekking shoes
syempre hindi po puwede ang skirt doon:D

kahit summer pag gabi at sa itaas na malamig kaya kailangan may mga naka ready na wind jacket(?)

kokonti lang talaga and percent nang oxygen ~~ kung shimpai kayo ~~ may nakita na akong available oxygen sa mga hiking and camping corner sa mga store outlets

foods and drinks(very important:babe:), raincoats, flaslight(head flaslight preferable)

ilan lang sa mga alam ko

adechan
04-24-2008, 10:05 PM
34433

adechan, mahirap nga kung may bata, although puwede naman kayong pumunta at himiwalay sa main party kung balak ninyong matulog sa hut.

thanks

mukang mas may power pa sa akin itong mga anak ko ~~ for the mean time ~~ kangaichu pa ~~ kung papaano ~~ hopefully makapag practice kami nang hiking sa mababa babang bundok, this coming GW during our camping

reon
04-24-2008, 11:05 PM
ano po ba dapat i-preparegaya ng sabi ni adechan, malamig sa taas. kung aakyat tayo ng summer, ang temperature sa taas ay parang early spring siguro o late autumn, tapos gabi pa. Para sa damit, I suggest:

1. Upper garments: magsuot ng damit na madaling hubarin depende sa temperature. Dress in layers ba. T-shirt, long-sleeved shirt, fleece, outer jacket.

2. Pants: iwasan ang jeans, lalo na ang masikip. Yung madaling gumalaw.

3. Maraming malilit na bato sa Fuji kaya maganda ang hiking shoes na "hi-cut". pero marami naman ang umaakyat na ordinary lang na sports shoes. Pinag-iisipan ko pa kung yung mabigat na hiking shoes ang isusuot ko o yung magaang lang na "low-cut" na sports shoes.

I suggest na magdala ng gloves at pang-cover ng ulo, dahil pag nagpapahinga ka, biglang baba naman ang temperature.

Para sa ibang gadgets:

1. Aakyat tayo sa gabi kaya kailangang ng lights. Last time na umakyat ako flashlight lang ang gamit ko at hindi maganda ang experience. May mga lugar kasi na kailangan ang dalawang kamay. Okay ang suggestion ni adechan na headlights. May mga murang ganito sa sports shops (starting from ¥2,000 yata).

2. Hiking poles. Hindi kailangan talaga pero makakatulong pag pagod na pagod ka na. Baka magdala ako neto.

Mabuti at sinabi ni adechan: manipis ang hangin sa taas ng Fuji. Depende sa tao, maaring sumakit ang ulo, o may feeling na nasusuka, etc. Kung nangyari ito, ang solusyon lang ay bumaba ulit.

parang curious din ako kung ano dapat ang ipe-prepare...lalo na sa katawan:confused:kas i nabanggit ko sa isang kasama ko sa trabaho tungkol dito at sabi ba naman kung first time ko daw eh baka ma-ospital:eek: ako pagkatapos ng akyatan...:(parang nagdadalawang-isip na tuloy ako[chicken:nono:]hehe. nakakapagod ang umakyat sa isang mataas na bundok lalo na kung maglalakad ka buong gabi at walang tulog. usually, hindi ito ang idea ng mga tao ng "fun". hindi ko alam kung paano i-describe ang pagod nito dahil iba-ibang tao, iba-iba ang kondisyon ng katawan, lakas, endurance. pero last time na pumunta kami (na walang preparaion masyado -- ibig sabihin parang sinabi lang sa iyo ngayon tapos aakyat bukas) muntik na akong bumalik malapit na sa peak dahil hindi na ako makahakbang. sabi ko sa sarili ko, "kailangang umabot ka sa peak dahil hindi ka na babalik dito, last chance mo na." ayon umabot naman ako at eto aakyat ulit. :D

reon
04-24-2008, 11:09 PM
Hi Sir Reon!! Musta na po? Interested ako and it will gonna be my first time...sana, walang conflict sa skeds ko para makasama...
hello. :) may 3-day weekend sa July. malamang doon sa satuday na iyon aakyat.

nikkichibi
04-24-2008, 11:36 PM
sayang di ako makakasama ~~ nasa pinas kasi that time , kumpleto pa naman ako sa gamit sa pag akyat sa mt. fuji ~~ dalawang beses na kasi akong nakaakyat eh :D

guys yun CR sa mt. fuji ay baka di kayanin ng sikmura nio kaya konting tiis :D

kakkoii_daw
04-25-2008, 09:47 AM
ano po ba dapat i-prepare
parang curious din ako kung ano dapat ang ipe-prepare...lalo na sa katawan:confused:

hello flippy aze & sharpener,

a week before the climb, jogging ka every morning/night, gusto mo sabay tayo. hehe.. kasi kung aakyat ka agad, madali ka hihingalin at mapapagod. for your garments, use dri-fit or other similar fabrics. dont wear cotton, pag nabasa kasi yun ng pawis, mabigat sa katawan. for your shoes, use a medium cut trekking shoes with ankle support, para di masyadong masakit kung matapilok ka man. dala ka ren ng headlight, insect repellent, and enough trek food and water. :D

itchay
04-25-2008, 10:08 AM
plus toilet paper daw :)

kakkoii_daw
04-25-2008, 10:17 AM
plus toilet paper daw :)
wala ba namimigay dun ng tisshu pe-pa-? hihi :hihi:

sarpon
04-25-2008, 10:17 AM
travel light.. iwasan bitbitin ang di naman essential like cosmetics, swiss knife (isa lang may dala nito sa group ok na), more than 1 spare clothes. dont bring too much water. mabigat kasi yun. may locker naman yatang for rent sa station 5? dun na lang iwan yung ibang gamit.

sa pagkain maganda yung caloriemate or power bars.

sarap sana sumama kaya lang baka station 5.5 pa lang ay bumalik na ako...:p

docomo
04-25-2008, 11:27 AM
kaladkarin ka na lang namin sarpon :p

thermometer
04-25-2008, 11:31 AM
Some things to Bring.
1. SunBlock
- since night naman mag climb hinde kailangan paakyat pero maari magamit ito pag pababa na approximately mga tanghali na makakadting sa baba maaring kailanganin.

2. Water ? - mas adviceable kung mga gatorade oramino supli or other same ing ang inumin. wag na kayo mag dala ng litro litro since every staion naman meron Vendo machine puede kayo tumigil at bumili . Dala nalang pera.
(Take note.. Triple ang presyo ng pagkain/tubig dito)

3. Food - Para sa akin iwasan ang Heavy food bago umakyat..mga light food lang dapat at magbaon ng mga light bars lang po.

4. Headlight / FlastLight - since Night Climb mas maganda kung magdadala kayo ng Headlight , wag flashlight pra wala na kayo bitbitin papunta sa taas.. at least nakasukbit sa ulo po (meron tig 100 yen po..puede na yon since d naman ganon kadilim sa daanan)

5. Light Climbing Shoes/Boots
- Pagdating sa taas mabato na paakyat kaya kailangn nyo ng medyo light shoes

6. Light Bag (include the ff.)
- magdala ng kapote in case umulan / extra clothes / pampunas sa pawis / light Jacket kasi malamig.

7. Pole Stick - mas maganda kung bibili kayo nito on the start of trail..tapos pa stamp kayo every station.. souvenir ito na nakarating kayo sa Mt Fuji.

8. Oxygen Pack - depende po kung sa katawan nyo..pero meron naman mga maliit na puede gamitin.

9. Camera - of course dont forget.

Advice :

sa mga sasama.. mag simula na po tayo mag lakad lakad (wag na bike)..at gumamit ng hagdan pag umaakyat.. makakatulong ito sa inyo para maka akyat po sa summit.
and of course
... determination to conquer the mountain and prove one thing on yourself.

Climbers Qoute :

Take nothing but pictures...Kill nothing but time. Leave nothing but footprints

sarpon
04-25-2008, 11:36 AM
kaladkarin ka na lang namin sarpon :p

yan na naman yang word na yan ha...:D di po ako kaladkarin.... me kusa ako!:D may time pa para mag-training... mala-rocky balboa... wala munang tabehodai at soba...:D

docomo
04-25-2008, 11:39 AM
hindi pala pwede dito si chibi sumama .. buong aparador dala nun pag nag o-obernayt kami sa EB :hihi:

excited na ko.. mag eempake na ko :roll:wiiii :bouncy:

docomo
04-25-2008, 11:47 AM
yan na naman yang word na yan ha...:D di po ako kaladkarin.... me kusa ako!:D may time pa para mag-training... mala-rocky balboa... wala munang tabehodai at soba...:D

pag di ka na maka lakad.. kakaladkarin ka na nga lang namin ..:p
kahapon naglakad ako .. hindi ako gumamit ng escalator .. nag uumpisa na ko mag praktis :D... this coming weekend .. maglalakad ako pero dalhin ko na yung camping bag ko ..lalagyan ko na ng gamit .. tingnan ko lang kung anong mangyayari sa akin hahaha

orion358
04-25-2008, 12:58 PM
this i'd really like to do. sana walang tumapat na importanteng appointment sa araw ng akyat. as of now, i'm in (if of course, isama nyo.:))

itchay
04-25-2008, 01:03 PM
wala ba namimigay dun ng tisshu pe-pa-? hihi :hihi:

wala nho.... ambigat kaya nun :hihi:

Sir Reon,
Hanggang kelan po pwede mag sign-up?

Paunang request lang po.... gusto daw sumama ng kasamahan ko sa trabaho. Pero mapa-finalize nya mga early July na daw, depende kung mae-extend contract niya. kung hindi, dun na lang daw siya akyat bundok ng Portugal pagka-uwi niya. :D

umadzkun
04-25-2008, 01:45 PM
ano po bang route ang tatahakin ninyo just in case?

dati kasi dun kami sa fujinomiya route, although maiksi, masyado akong naparusahan lalo na nung malapit na sa summit. inabot ng kamalasan (pinagsamang kouzanbyou at genkai) kaya sa 9-goume napatigil na. sayang na sayang. :(

kung kakayanin ulit gusto ko sanang sumama. pero isip-isip muna.

kung makakasama man, sana maka-encounter ulit ng mga kakaiba tulad ng 90-year old na lola at naka-salaryman attire (tipong pagkagaling na pagkagaling ng opisina) :D

reon
04-26-2008, 10:23 PM
Paunang request lang po.... gusto daw sumama ng kasamahan ko sa trabaho. Pero mapa-finalize nya mga early July na daw, depende kung mae-extend contract niya. kung hindi, dun na lang daw siya akyat bundok ng Portugal pagka-uwi niya. :DI guess okay lang naman siguro, kung okay lang sa kanya ang sumama sa laht Pinoy na grupo (kung hindi siya Pinoy).

ano po bang route ang tatahakin ninyo just in case?

dati kasi dun kami sa fujinomiya route, although maiksi, masyado akong naparusahan lalo na nung malapit na sa summit. inabot ng kamalasan (pinagsamang kouzanbyou at genkai) kaya sa 9-goume napatigil na. sayang na sayang. :(

kung kakayanin ulit gusto ko sanang sumama. pero isip-isip muna.

kung makakasama man, sana maka-encounter ulit ng mga kakaiba tulad ng 90-year old na lola at naka-salaryman attire (tipong pagkagaling na pagkagaling ng opisina) :Dumadzkun, sa kawaguchiko (fujiyoshida) route ang iniisip naming akyatin. hindi ko alam kung ano ang mas mahabang route pero ang fujinomiya ay 2,400m at ang kawaguchiko ay 2,350m ang starting point. first time na umakyat kami (more than 10 years ago) kailangan din kaming bumaba dahil inulan kami at nabasa. sana makasama ka. :)

Chibi
04-27-2008, 03:52 PM
hindi pala pwede dito si chibi sumama .. buong aparador dala nun pag nag o-obernayt kami sa EB :hihi:

excited na ko.. mag eempake na ko :roll:wiiii :bouncy:
waaaaaaaaaa!!ni buking pa daw ako!:pgusto sanang sumama kaya lang baka sumakit na naman tuhod ng lowla at magpa karga pa ko!:eek::p
@ Fafa Sarpon-ombo mo ko ha?:ptas pa kaladkad tayo kay Doc!:eek::D:p

sarpon
04-27-2008, 10:53 PM
waaaaaaaaaa!!ni buking pa daw ako!:pgusto sanang sumama kaya lang baka sumakit na naman tuhod ng lowla at magpa karga pa ko!:eek::p
@ Fafa Sarpon-ombo mo ko ha?:ptas pa kaladkad tayo kay Doc!:eek::D:p

di ko maisip itsura ni doc kung kakaladkarin tayo..:D

on topic...

dun sa mga gustong-gustong maka-akyat sa Fuji, this is the best chance kasi kung hindi, hintay na naman kayo ng 1 year.

michikosan
04-28-2008, 11:52 AM
kelan po ito? puwede bang sumama?

michikosan
04-28-2008, 11:54 AM
hanggang july 31 lang ako rito. so sana umabot ako. nasa list of things to do ko ito before i die, ang akyatin ang mt. fuji :)

adechan
04-28-2008, 02:21 PM
hanggang july 31 lang ako rito. so sana umabot ako. nasa list of things to do ko ito before i die, ang akyatin ang mt. fuji :)

hello there michikosan ~^ naku sana nga nandito ka pa pag na e-schedule eto ano? pero tip ko lang usually yata nang main summer vacation sa mga may trabaho mga first/second week nang august ~~ so malaki ang possibility nitong ma schedule august na ~~

michikosan
04-28-2008, 05:50 PM
ay ganun ba? di ba july raw talaga ang climbing season kasi malamig na pag august?
sige hanap na lang ako ibang kasama pag-akyat pero kung mamove kayo ng july, pa-pm ako please!

thanks!

kalypso
04-28-2008, 06:13 PM
michikosan, this is what the thread starter said about the possible date of the climb. siguro makakasama ka :)
hello. :) may 3-day weekend sa July. malamang doon sa satuday na iyon aakyat.

reon
04-30-2008, 12:02 AM
michikosan, sa july gagawin ang climb kaya maari ka pang sumama. we'll fix the date this week. :)

maple
04-30-2008, 12:05 AM
ano na supermod reon, magpapa-EB ka na ba sa Asagirikougen? :O :D

reon
04-30-2008, 12:09 AM
ano na supermod reon, magpapa-EB ka na ba sa Asagirikougen? :O :D
under consideration, maple, hehe. :D

sharpener
05-05-2008, 07:02 AM
naku si wolfy di pa nagpaparamdam:rolley es:
wolfy daanan mo ko dito:weep:

guy26
05-05-2008, 11:30 AM
balitaan nyo po ako :cool:

poulain
05-05-2008, 12:12 PM
gusto ko rin po sumama.. :)

dalajoey
05-05-2008, 08:20 PM
ako rin ;)

reon
05-08-2008, 12:29 AM
okay yan, mas marami mas maganda. :)

please mark your calendars and make sure na free kayo sa mga araw na ito:

JULY 12 & 13, Saturday at Sunday.

saturday ng gabi (late afternoon) ang climb, sunday ang balik.

nga pala, para sa mga aakyat, sana medyo nakakapag-exercise kayo paminsan-minsan lalong lalo na kung hindi kayo "fit". :)

last week umakyat ako sa mount kaba (kaba-san) isang maliit na bundok sa likod ng mount tsukuba. okay naman. konti lang ang tao.

36482

kahapon aakyat sana ako sa mount tsukuba, pero bigla akong bumalik sa bahay. nawalang ako ng confidence umakyat dahil, una late na ako pumunta (around noon), kulang sa equipment at damit (preparation) at nagluko pa yung dala kong mabigat na camera. :)

next saturday ang scheduled na climb sa tsukuba, for practice ba, kaya kung may interesadong sumama, 45 minutes lang ang tsukuba from akihabara.

denise
05-08-2008, 12:42 AM
Saya naman nyan,but ingat lang po. Some people even real climbers get sick and body cannot overcome the fatigue and stress...may napanood po akong climbers ' documentary,even the doctor himself got sick and cried because he was to take care of the climbers but got down with sickness. Take a lot exercise and good rest and check if you are healthy to climb high area...check your heart.:)

guy26
05-08-2008, 11:11 AM
overnight sa taas ng bundok? wah wala pa naman akung kargamentos. tent, gears, etc.:confused:

thermometer
05-08-2008, 01:14 PM
overnight sa taas ng bundok? wah wala pa naman akung kargamentos. tent, gears, etc.:confused:
bro just bring your cam hehehe.. madami naman hunts sa taas ng fuji kaya ok lang..

medyo malamig sa taas ng fuji im sure mahangin din.. baka kailangn nyo ng extra gear pra
sa photoshoot...

guy26
05-08-2008, 02:20 PM
bro just bring your cam hehehe.. madami naman hunts sa taas ng fuji kaya ok lang..

medyo malamig sa taas ng fuji im sure mahangin din.. baka kailangn nyo ng extra gear pra
sa photoshoot...

may bayad ba yung tulugan?:confused:

thermometer
05-08-2008, 02:41 PM
may bayad ba yung tulugan?:confused:
wala ng tulugan bro.. sure dkna din makakatulog hehehee

guy26
05-08-2008, 03:40 PM
wala ng tulugan bro.. sure dkna din makakatulog hehehee

sige pre ano ano gagawin pag gabi? :confused: at gaano ka lamig? ilang deg?

sarpon
05-08-2008, 04:02 PM
sige pre ano ano gagawin pag gabi? :confused: at gaano ka lamig? ilang deg?

night climb kaya tuloy-tuloy na akyat hanggang marating ang summit.. may mga pahinga lang pero walang tulugan. try to get some sleep bago umakyat. gaya ng sabi ni reon.. parang late autumn or early spring ang temp dun. so malamig talaga...

bro... travel light. no need sa mga extra gear ng camera.

poulain
05-08-2008, 04:08 PM
ok noted.. July 12 & 13 sana lang may allowance na nun .. :hihi:

reon
05-11-2008, 10:13 PM
Saya naman nyan,but ingat lang po. Some people even real climbers get sick and body cannot overcome the fatigue and stress...may napanood po akong climbers ' documentary,even the doctor himself got sick and cried because he was to take care of the climbers but got down with sickness. Take a lot exercise and good rest and check if you are healthy to climb high area...check your heart.:)

okay itong post ni denise. marami ang umaakyat ng mount fuji, pero sana hindi natin i-underestimate ang bundok na ito. masakit sa katawan ang walang tulog, mas mahirap kung wala ka nang tulog, nag-e-exert ka pa ng husto sa pag-akyat. hindi ito ordinary na hiking lang.

wala ng tulugan bro.. sure dkna din makakatulog hehehee

oo nga e. dahil mag-f-freeze ka pag natulog ka sa labas. :)

sige pre ano ano gagawin pag gabi? :confused: at gaano ka lamig? ilang deg?

usually kung umaakyat ka sa fuji ng summer, hindi masyadong malamig. papawisan ka nga e. pero kung huminto ka, yun malamig. siyempre hindi kasama dito ang biglang change ng weather.

night climb kaya tuloy-tuloy na akyat hanggang marating ang summit.. may mga pahinga lang pero walang tulugan. try to get some sleep bago umakyat. gaya ng sabi ni reon.. parang late autumn or early spring ang temp dun. so malamig talaga...

bro... travel light. no need sa mga extra gear ng camera.yes, travel light ang isa sa mga best advice. hindi ko na siguro dadalhin ang dslr ko. baka point and shoot na lang. i suggest you get lots of sleep the night before the climb at inom din ng marami the day before the climb.

nga pala tungkol sa climbing pants, kung bibili kayo sa mga sporting goods shop sa hiking section medyo mahal. kanina pumunta ako sa workman, clothes shop para sa mga factory workers, at bumili ng all-polyester na pantalon for 980 yen. madaling gumalaw sa ganitong pantalon at hindi cotton kaya madaling mawala ang pawis.

reon
05-11-2008, 10:29 PM
eto nga pala ang attached screenshot ng google earth, para naman makita ninyo ang climb. ang tokyo ay nasa upper-left corner at ang tanuki lake, kung saan nag-camping sina adechan ay nasa baba. sa picture may snow pero sa summer siyempre wala na yan. :)

37028

vision
05-17-2008, 08:14 PM
Hi! nais ko rin umakyat ng Mt. Fuji. Mayroon ba kayong complete guide kung papaano pagpunta doon saan mag stay in English?

kakkoii_daw
05-18-2008, 10:00 AM
Hi! nais ko rin umakyat ng Mt. Fuji. Mayroon ba kayong complete guide kung papaano pagpunta doon saan mag stay in English?

click here (http://www.japan-guide.com/e/e6901.html) / here (http://www.shizuoka-guide.com/english/mt_fuji/index.htm) dude... :D

thermometer
05-19-2008, 12:53 PM
Hi! nais ko rin umakyat ng Mt. Fuji. Mayroon ba kayong complete guide kung papaano pagpunta doon saan mag stay in English?
dude.. sama kana lang po sa pag akyat..:D

shinshinobi
05-21-2008, 12:01 AM
nice idea~~!! :D

tanong ko lang po...overnight po ba toh??

hindi,

uwian ito..pagdating sa tuktok baba na agad...

:D

dalajoey
05-22-2008, 10:58 PM
yasumi nga pala ang JULY 21 (MONDAY)

hindi na eto puwedeng i-move ng

JULY 19 & 20?

okay yan, mas marami mas maganda. :)

please mark your calendars and make sure na free kayo sa mga araw na ito:

JULY 12 & 13, Saturday at Sunday.

saturday ng gabi (late afternoon) ang climb, sunday ang balik.

nga pala, para sa mga aakyat, sana medyo nakakapag-exercise kayo paminsan-minsan lalong lalo na kung hindi kayo "fit". :)

last week umakyat ako sa mount kaba (kaba-san) isang maliit na bundok sa likod ng mount tsukuba. okay naman. konti lang ang tao.

36482

kahapon aakyat sana ako sa mount tsukuba, pero bigla akong bumalik sa bahay. nawalang ako ng confidence umakyat dahil, una late na ako pumunta (around noon), kulang sa equipment at damit (preparation) at nagluko pa yung dala kong mabigat na camera. :)

next saturday ang scheduled na climb sa tsukuba, for practice ba, kaya kung may interesadong sumama, 45 minutes lang ang tsukuba from akihabara.

michikosan
05-23-2008, 11:58 AM
anong trail ang gagamitin at ilang meters ang aakyatin? i-check ko lang sa mga naakyat kong bundok sa pinas para makumpara ko yung taas. baka di kaya ng powers ko e :)

tsaka ano po mga dapat dalhin? at saan makakabili na mura kasi once lang naman gagamitin. also, yung shoes na gagamitin. ok lang ba rubber shoes na may traction?

michikosan
05-31-2008, 11:14 AM
tuloy po ba 'to? :confused:

dalajoey
06-07-2008, 10:36 PM
ano na kaya ang update nito?:confused:

itchay
06-07-2008, 11:01 PM
kelangan ko na palang magsimula ng stair-climbing..

starting monday, stairs na lang ako hanggang fifth floor sa opisina namin.

thermometer
06-07-2008, 11:03 PM
Peeps Confirm ulet tayo..

currently ito ang confirm: then mag plan na tayo kung saan trail ang aakyatin natin. at pano ang transpo natin suggest nalang po tayo sa thread starter

1.thermometer
2.dalajoey (http://timog.com/forum/member.php?u=4190),
3.docomo (http://timog.com/forum/member.php?u=302),
4.Flippy Aze (http://timog.com/forum/member.php?u=185),
5.guy26 (http://timog.com/forum/member.php?u=2798)
6.itchay (http://timog.com/forum/member.php?u=1629)
7.kakkoii_daw (http://timog.com/forum/member.php?u=4856)
8.kalypso (http://timog.com/forum/member.php?u=46)
9.KikoyBalayon (http://timog.com/forum/member.php?u=5016)
10.michikosan (http://timog.com/forum/member.php?u=6008)
11.orion358 (http://timog.com/forum/member.php?u=7477)
12.reon (http://timog.com/forum/member.php?u=5)

anyupdates po reon-san..

dalajoey
06-08-2008, 01:29 AM
mga bro and sis,

confirmed na po ang ang JULY 12 & 13?

good morning po ;)

reon
06-08-2008, 01:57 AM
yasumi nga pala ang JULY 21 (MONDAY)

hindi na eto puwedeng i-move ng

JULY 19 & 20?delajoey, puwede lang ako sa july 12 & 13, sorry.

anong trail ang gagamitin at ilang meters ang aakyatin? i-check ko lang sa mga naakyat kong bundok sa pinas para makumpara ko yung taas. baka di kaya ng powers ko e :)

tsaka ano po mga dapat dalhin? at saan makakabili na mura kasi once lang naman gagamitin. also, yung shoes na gagamitin. ok lang ba rubber shoes na may traction?michikosan, around 1,500 meters ang vertical height mula sa starting point hanggang peak. tungkol naman sa dadalhin, marami na ang nasulat tungkol dito sa iba't ibang posts sa loob ng thread. rubber shoes puwede pero recommended ang hiking shoes.

tuloy po ba 'to? :confused:yes.

Peeps Confirm ulet tayo..

currently ito ang confirm: then mag plan na tayo kung saan trail ang aakyatin natin. at pano ang transpo natin suggest nalang po tayo sa thread starter

1.thermometer
2.dalajoey,
3.docomo,
4.Flippy Aze,
5.guy26
6.itchay
7.kakkoii_daw
8.kalypso
9.KikoyBalayon
10.michikosan
11.orion358
12.reon

anyupdates po reon-san..hi thermo, aakyat ka din pala. :) unfortunately, hindi na daw makakasama si flippy kaya ang list ay:

1.thermometer
2.dalajoey
3.docomo
4.guy26
5.itchay
6.kakkoii_daw
7.kalypso
8.KikoyBalayon
9.michikosan
10.orion358
11.reon

nga pala, para sa aakyat ang route mula tokyo ay:

shinjuku station --> ootsuki station via chuo line
ootsuki station --> kawaguchiko station via fujikyu line
kawaguchiko station --> kawaguchiko 5th station via fujikyu bus
kawaguchiko 4th station --> mount fuji summit via walking

puwede tayo mag-meet sa shinjuku eki or any station along the way.

mas simple ang route by bus mula shinjuku station pero pag umulan sa july 12 & 13 hindi natin maka-cancell ang reservation.

dalajoey
06-08-2008, 10:06 AM
no probs. nagtatanong lang:) medyo isang linggo ring na-quiet ang thread:)
o, magsimula na tayong mag-warm-up:)

delajoey, puwede lang ako sa july 12 & 13, sorry.

thermometer
06-08-2008, 09:38 PM
hi thermo, aakyat ka din pala. :) unfortunately, hindi na daw makakasama si flippy kaya ang list ay:

1.thermometer
2.dalajoey
3.docomo
4.guy26
5.itchay
6.kakkoii_daw
7.kalypso
8.KikoyBalayon
9.michikosan
10.orion358
11.reon

nga pala, para sa aakyat ang route mula tokyo ay:

shinjuku station --> ootsuki station via chuo line
ootsuki station --> kawaguchiko station via fujikyu line
kawaguchiko station --> kawaguchiko 5th station via fujikyu bus
kawaguchiko 4th station --> mount fuji summit via walking

puwede tayo mag-meet sa shinjuku eki or any station along the way.

mas simple ang route by bus mula shinjuku station pero pag umulan sa july 12 & 13 hindi natin maka-cancell ang reservation.

Mod Reon-san

90% napo ako..not unless very urgent case.. Parang mas masaya kung mag BuBus nalang tayo sa shinjuku then kunting pahinga sa 5th station bago umakyat..

Pero not sure yong iba baka magdala ng sasakyan..? sabit nalang:D

suggest na po tayo ng itenerary natin..naexcite na ako..after 5 years aakyat ulet..
baka d kna kayanin

kalypso
06-08-2008, 10:21 PM
father therm, our plan is, ihahatid ako ng mag-ama ko hanggang fourth or fifth station ng kawaguchi-ko pag hindi busy si husby. para naman daw makakapag-driving sila. so pwedeng-pwede kang sumabit :D pero pag hindi matutuloy ang plano, magbu-bus o train nalang. mukhang mas masaya naman, di ba?

ako nga din medyo nag-aalala. it has been four years na rin since nung umakyat kami. baka hindi na ako makakarating sa tuktuk :O

Mod Reon-san

90% napo ako..not unless very urgent case.. Parang mas masaya kung mag BuBus nalang tayo sa shinjuku then kunting pahinga sa 5th station bago umakyat..

Pero not sure yong iba baka magdala ng sasakyan..? sabit nalang:D

suggest na po tayo ng itenerary natin..naexcite na ako..after 5 years aakyat ulet..
baka d kna kayanin

docomo
06-08-2008, 10:37 PM
hello mga peeps ... mag bus na lang po tayo .. gustuhin ko man mag sasakyan baka di ko na kayanin magmaneho pauwi :D naghahagdan na ko ngayon hindi na ko nag escalator papunta dun sa building ng trabaho ko ... ang hirap pala pero gambarimasu ... :p

poulain
06-09-2008, 12:01 AM
hello po gusto ko rin matry umakyat.. 60% sure ako.. pwede pa magbago.. depende sa mood ng aking nobyo.. :hihi:

thermometer
06-09-2008, 07:15 AM
hello po gusto ko rin matry umakyat.. 60% sure ako.. pwede pa magbago.. depende sa mood ng aking nobyo.. :hihi:
sis sama mo na si chu... sabihn mo karera kami umakyat sa taas :D joke..lambingin mo na kasi ngayon palang...para oo na agad..

guy26
06-09-2008, 01:22 PM
ako parang hindi ko na kaya umakyat kahapon sakit ng paa ko lakad kami ng lakad hehe

rad
06-09-2008, 01:41 PM
pandagdag inspirasyon sa inyong mga Mt.Fuji climbers!

http://i220.photobucket.com/albums/dd189/rad_dev/Canon%20S3%20IS%20Fo rum/IMG_1017.jpg

http://i220.photobucket.com/albums/dd189/rad_dev/Canon%20S3%20IS%20Fo rum/IMG_1040.jpg

http://i220.photobucket.com/albums/dd189/rad_dev/Canon%20S3%20IS%20Fo rum/IMG_1034.jpg

adechan
06-09-2008, 08:21 PM
@rad (nice to meet you) P&S din ba ito? ang galing nang setting lalo na iyung first shot ~~ kuhang kuha ang tingkad nang blue sky

~~~~~~
sarap naman talagang makiakyat din ~~ pero i am in a hopeless case with my schedules, nakatali ako dito

rad
06-09-2008, 08:41 PM
@rad (nice to meet you) P&S din ba ito? ang galing nang setting lalo na iyung first shot ~~ kuhang kuha ang tingkad nang blue sky

adechan [ pleasure is mine ] all photos were taken with my trusted S3IS po. :)
ung blue sky... dahil po sa Circular Polarizer na ginamit ko. ung peak shot...
add on ko Raynox DCR2020Pro po. :)

thermometer
06-10-2008, 07:51 AM
bro gaganda ng kuha mo ah... sama ka sa amin sa Fuji ..
maganda kumuha sa itaas for Sunrise...

KikoyBalayon
06-10-2008, 03:44 PM
pandagdag inspirasyon sa inyong mga Mt.Fuji climbers!

bakit inyo? hehe.. sama ka na bro.. astig mga pics!

docomo
06-12-2008, 01:52 PM
nice pics rad....:)

lapit na... ready na po ba kayo?:D

rad
06-12-2008, 02:09 PM
bro gaganda ng kuha mo ah... sama ka sa amin sa Fuji ..
maganda kumuha sa itaas for Sunrise...

bakit inyo? hehe.. sama ka na bro.. astig mga pics!

nice pics rad....:)

lapit na... ready na po ba kayo?:D

Kung alam nyo lang kung gaano ko gustong sumama...

Kaso mas madami ang alibi sa pwede akong makasama...
1] Napataon sa date ng climb na un meron akong dapat bayaran na malaki! :eek:
Kaya di lang butas bulsa ko...pati salawal ko maibenta ko ata!

2] Isa pa sa kawaguchi kayo magstart... kung sa fujinomiya sana,
baka pwede ko pa utangan muna nanay ko para sya muna magbayad :D
salbaheng anak ka rad!

3] Night trek kayo! :O Ala ako superpower! Hirap pag natanda na.
Medyo nahina na tuhod ko! Inuumpisahan ko na nga maglakad lakad nagbabakasakali...
Kaso mo... medyo natatakot talaga ako sa manipis na oxygen sa peak.
bahala na... basta naglalakad lakad pa rin naman ako...tutal 1 month pa un! :)

Thank you po sa pag appreciate ng mga shots... Cheers!

michikosan
06-16-2008, 04:17 PM
may friend ako na french guy na gustong sumama sa climb. meron kasing separate group of climbers kaming dapat sasamahan pero hindi magkaayos ng schedule pero ok na ok kami sa july 12-13. ok lang po ba sa inyo? yung totoo lang :D

tapos next question. nagtataka lang ako bakit lahat umaakyatng overnight at hinahabol ang sunrise. mas ok po ba ang sunrise run kesa sa sunset? di ba mas may motivation umakyat ng bundok pag may makikitang view habang umaakyat kesa pag pababa na? tapos ang lamig pa sa gabi brrrrr. naisip ko lang po. peace! :)

michikosan
06-24-2008, 10:52 AM
hello po!
di na ko sasama sa climb.
i want to see the sunset e and would prefer to climb while the sun is out so i can see the view and so it won't be too cold for me :)
i plan to climb on the 16th or 17th. weekday para di ganun karami tao. kung merong gusto sumabit, i'll welcome the company.

anyway take care and enjoy tayong lahat!

michiko

reon
06-25-2008, 11:02 PM
nice pictures rad! mas maganda ang fujisan sa pictures kesa pag nandoon ka na mismo, umaakyat. :)

good luck sa climb michiko-san!

i hope everyone has been preparing for the climb. less than a month away na lang ito. :)

this is also a good time to quit if you're not sure about going.

tungkol naman sa transportation, mas maigi na lang sigurong mag-bus galing shinjuku direct to the 5th station, the start of the climb (around 2,600 yen). arrival at 5th station is 10PM. this is the simplest way to go. downside is: hindi mababalik ang pera natin in case umulan at cancelled ang climb.

by the way, since delikado ang climb pag pangit ang weather, the climb will be cancelled in case of rain, snow, etc.

please add your name on the list if you want to have a bus ticket reserved:
1. reon
2.

docomo
06-25-2008, 11:16 PM

2. docomo :bouncy:

abonohan mo po muna ha.. pay na lang kita sa 12 :)

vectra1123
06-25-2008, 11:16 PM
Parang gusto ko dyan a! Di pa ako nakarating dyan,nakikita ko lang! Kaya lang sino kaya pwedeng pumasan sa akin?Si thermo kaya o si Docomo?HE!HE! Building lang inaakyat ko e!:)Doc. magdadala ka ba ng folding bed?Pag may dala ka sama ako!

titakoring
06-25-2008, 11:21 PM
basta baliktarin mo ang shirt mo pra nd ka ma ma tanda dun........vectra..: p

reon
06-25-2008, 11:30 PM
doc! akong bahala sa iyo. :)

Please add your name on the list if you want to have a bus ticket reserved:
1. reon
2. docomo
3.

lestat1228
06-29-2008, 04:04 PM
gusto rin naming sumama,pano po ba pagpunta ng mount fuji galing Nagoya?at magkano po budget..salamat po.

rya
06-29-2008, 06:23 PM
lestat1228...probabl y this is the best (fastest) route.

Shinkansen Nagoya-Shin-Fuji
estimate fare: YEN6,820

of course you can opt for the cheaper futsu densha.
there is a Special Rapid that runs from Ogaki to Toyohashi.
then from Toyohashi-Hamamatsu, Then from Hamamatsu
there are trains heading for Atami or Numazu or Mishima.
if Shizuoka or Okitsu ang masakyan mo... then you have to
norikae again for Fuji station.

Fuji-Kofu [150mins] Minobu Line
Kofu-Otsuki [30mins] Super Azusa
Otsuki-Kawaguchiko [55mins] Fujikyuko Line
estimate fare: YEN4,130

there is an alternative route though
(I think, choice ng mga taga Shizuoka,
Aichi,going far down...) and that is
the Fujinomiya route.

In this case... from Fuji station.
Fuji-Fujinomiya [18mins] Minobu Line
then the bus to the 5th station.
I don't know how long the bus ride is,
but I think people with lesser stamina
will be more rested in this case of travel.
Even with the people from the Kanto area,
Shinkansen Tokyo-Shin Fuji lang.

Sana sa next climb dito na ang daan. :)

itchay
06-30-2008, 12:01 AM
here goes nothin..

doc! akong bahala sa iyo. :)

Please add your name on the list if you want to have a bus ticket reserved:
1. reon
2. docomo
3. itchay

since a coworker will lend me her pair of sticks, i hate to disappoint her by not going. :D
and i'll probably take a day off the following monday, to recover. :lol:

sir reon, how's the payment for the bus ticket?

also, i found a list of essentials (http://www.3776.jp/check.html) for the climb. it's in japanese though.

need to buy me a pair of hiking boots.
(and, have to break it in first before the climb, too.)

@rad & @rya,
hope we can go climbing together... :)

docomo
06-30-2008, 08:23 PM
salamat reon :)

this is it EB na naman ... akyat naman this time :p

koling koling kiks, vectra ... magpapasko na pirma na! dalhan pala kitang banig sexy vectra :p

reon
07-01-2008, 12:01 AM
itchay-san, i'll reserve the tickets first. sabihan na lang kita later tungkol sa payment. Para naman sa iba, i hope you'ill decide sooner kung gusto ninyo ng direct bus. Wala nga palang money-back in case ma-cancell ang climb due to bad weather.

The climb is less than 2 weeks away, just to remind everyone.

Please add your name on the list if you want to have a bus ticket reserved:
1. reon
2. docomo
3. itchay

chepot
07-01-2008, 01:45 PM
sad to say, di po ako available ng nasabing araw..."hontou ni zannen desu.."next time na lang po...

reon
07-02-2008, 10:54 PM
para sa mga aakyat, "officially" open na ang Mount Fuji for climbing! :) be prepared for a night of exhausting hike. I suggest matulog kayong mabuti sa Friday before the climb at uminom ng maraming tubig the day before (yung tipong lagi kayong gustong mag-cr). Sana kompleto na rin kayo ng climbing gears.

the list of climbers should be finalised by this weekend.

rad
07-03-2008, 11:45 AM
Weather update din po para sa ating mga Fuji climbers!

It’s gonna be a bright (bright), bright (bright), Sun-Shiny day.

http://i220.photobucket.com/albums/dd189/rad_dev/Canon%20S3%20IS%20Fo rum/Picture1-4.png

Palabas na po si haring araw... and expect the temp to be around 29degrees.

Kagaya ng sinabi ni boss reon... drink plenty of water,water,water po!
Wag parati puyat sa forum. Rest, rest, rest! Pagkatapos na ng climb magforum! :D

And always, "Take nothing but pictures, leave nothing but footprints, kill nothing but time."
Enjoy the cool, fresh morning breeze while watching the sunrise at the peak! :)

Hope to join you on your next Mt. Fuji adventure! :wave:

itchay
07-03-2008, 12:10 PM
thanks for the update, rad-sama :)
one more reason to look forward to the climb.

i'm strengthening my legs now with my husband's Lateral Thigh Trainer. :D
been hogging it for almost a week already. buti na lang, he's gentleman enough to let me mess with his LTT. :D

@doc,
ano na kaya kasunod nito.... scuba-diving EB? :D

rya
07-03-2008, 12:39 PM
@doc,
ano na kaya kasunod nito.... scuba-diving EB? :D

uy scuba diving! letssss go go go! saan po? sa okinawa? hhehe :D

docomo
07-06-2008, 12:15 AM
@doc,
ano na kaya kasunod nito.... scuba-diving EB? :D

pinaplano na , sama ka ha :D

7 tulog na lang ....

bakit wala pa yung iba? > kiks , thermo , mami kalypso , vectra>sasama ka o sasama in ka ? :p

yuhooo > paramdam na po kayo ... sama na wag matakot .. aakyat lang tayo hindi tayo tatalon :D

kalypso
07-06-2008, 07:16 PM
all set na ako doc, but i chose not to include my name on the list of those who are going to take the bus. we'll use different mode of transportation kasi. :) magkikita-kita nalang tayo sa 5th station ng kawaguchi-ko. apat kaming magkakasabay. yoroshiku ne. :cool:

pinaplano na , sama ka ha :D

7 tulog na lang ....

bakit wala pa yung iba? > kiks , thermo , mami kalypso , vectra>sasama ka o sasama in ka ? :p

yuhooo > paramdam na po kayo ... sama na wag matakot .. aakyat lang tayo hindi tayo tatalon :D

reon
07-06-2008, 07:52 PM
thank you sa weather update, rad-san. :)

so si thermo, kiks, itchay at kalypso will go to the 5th station by themselves.

ako, si doc, at ang kasama ko ay magba-bus galing sa shinjuku eki. Arrival time is around 10:00PM. Eto rin siguro ang meeting time sa 5th station.

sina delajoey, guy26 at kakkoii_daw kumusta na kaya?

adechan
07-06-2008, 08:24 PM
ingat kayo ~~ well prepared things, and of course well prepared health condition, enjoy the adventure

and take home lots of shots

hope you can see this bed of clouds as well

http://farm3.static.flickr. com/2258/2061659989_2c1597b7c c_m.jpg

hanggang sa pagitan lang nang 5th and 6th palang ang nararating ko ~~ hope to reach the peak next time

rad
07-06-2008, 08:55 PM
Weather update ulet... :)

Merong slight change po... mukhang nahiya si haring araw at gustong magpalamig.

http://i220.photobucket.com/albums/dd189/rad_dev/Canon%20S3%20IS%20Fo rum/Picture1-5.png

as much as ma-challenge ang stamina ng ating mga TF Fuji climbers,
the more na ma-challenge ang kanilang photography skills
without the aid of his sunny highness! For sure we will expect shots
na katulad sa pi-nost ni adechan... clouds will be abundant!
don't forget the tripod! better yet monopod, pwede ring tungkod for the climb! ;)

it will also be a cooler climb with the temperature dropping 3 notches!

dalajoey
07-06-2008, 10:00 PM
good evening reon-san,

i-add po niyo ako sa magba-bus. sorry for responding late.

anong time po mag-meet sa shinjuku eki?
saka puwede ring humingi ng contact number?
just in case:)

thanks.

thank you sa weather update, rad-san. :)

so si thermo, kiks, itchay at kalypso will go to the 5th station by themselves.

ako, si doc, at ang kasama ko ay magba-bus galing sa shinjuku eki. Arrival time is around 10:00PM. Eto rin siguro ang meeting time sa 5th station.

sina delajoey, guy26 at kakkoii_daw kumusta na kaya?

itchay
07-06-2008, 10:31 PM
ilang tulog na lang. :D

hope i'll survive this in one piece. :p

looking forward to climb mt. fuji with you, dalajoey. :)

dalajoey
07-06-2008, 10:35 PM
same here itchay-san:)

have a good night.

ilang tulog na lang. :D

hope i'll survive this in one piece. :p

looking forward to climb mt. fuji with you, dalajoey. :)