View Full Version : Sino po nakaexperience magpa Painless dito nong manganak ?
luckycharm
04-23-2008, 08:06 AM
curious lang po ako kung medyo maiibsan yong sakit ng panganganak pag gumamit ng Epidural o Painless o mutso bumben ba tawag don dito.
Sabi kasi ng mga friends ko,magpapainless o magonegai daw ako ng mutso bumben para bawas sakit sa panganganak.
Sa mga nanganak na po dito, nagpaanaesthesia po ba kayo o talagang NAtural birth as in walang gamot ???
Hindi ko kasi naririning man lang naisinasuggest nila dito sa Hospital iyong tungkol sa Anaesthesia,lahat ng makausap kong haponesa puro natural walang gamot gamot..bakit kaya..
Share naman kayo mga sis..malapit lapit na kasi ako eh :D
makulit
04-23-2008, 08:09 AM
bihira lang po yata ang ospital o doctor na nagpapractice ng painless o epidural dito. kailangan mong kausapin ang OBGYNE mo tungkol dito.
luckycharm
04-23-2008, 08:15 AM
bihira lang po yata ang ospital o doctor na nagpapractice ng painless o epidural dito. kailangan mong kausapin ang OBGYNE mo tungkol dito.
@makulit, dito ka ba nanganak ???? kung dito nagpapainless ka ba ? takot kasi ako eh kasi matatawag ko raw lahat ng santo sabi ng friend ko kung hindi ako magpaanaesthesia :confused::eek:
tabako
04-23-2008, 08:25 AM
kung kaya ng iba kaya nyo rin po:)sa una lang masakit ! isipin nyo lang po na paglipas ng sakit masisilayan nyo na ang face ng baby nyo.ang alam ko lang po kung wala naman kayong problema sa kalusugan si sila nagbibigay ng anu mang injection! maliban na lang kung may sakit kayo.:)
makulit
04-23-2008, 09:17 AM
@luckycharm
hindi po ako rito nanganak. lima po sa mga kaibigan ko ang nanganak dito, apat na normal at isang cesarean. yung dalawa po na nanganak ng normal, nag tanong sila sa OB nila ng Epidoral nga kasi natatakot sila. Ang sagot po sa kanila ng OBGYNE, hindi daw nila ginagawa yon. Tiisin na nga lang daw po yung pain dahil part naman daw ng panganganak yon.
Subukan mo pong tanungin ang OB mo baka masupresa ka at sumagot na pwede :D
summergirl
04-23-2008, 09:27 AM
dito ako nanganak,nag e eclamsia ako kada buntis ako kaya 2 anak ko lahat painless
Ayara
04-23-2008, 09:52 AM
hi ! before akong manganak tinanong ko rin yung OB ko kung pwede akong i-painless dahil 1st time ko rin at gaya mo takot rin ako na baka di ko kayanin yung sakit pero tumanggi yung doktor kailangan daw na mramdaman yung sakit para umiri, sa awa ng dyos nakaraos din expect the unexpected na lang para ready ka sa anumang mangyyari lakasan mo rin loob mo at isipin mo na being a woman part nun ang panganganak. Nung time na naglelabor ako inisip ko na lang na kinaya ng nanay ko ipanganak kaming pitong magkakapatid yung dalawa kong ate tig tatlong anak ...kya ako kakayanin ko rin. Ngayon two months na baby ko. Gambatte ne.
kapengmainit
04-23-2008, 10:28 AM
hello po :) sa japan din ako nanganak, dumating ako dun ng ika 8th month ko na ng pagbubuntis hehehe at first time ko sa japan makarating nun (2006) kaya wala akong kaalam alam na di pala sila nagbibigay ng epidural block, which is normal here in the philippines and in other countries. nung nagrerequest din ako nun nung mga checkups ko pa lng, ayaw nila magbigay talaga. hanggang nag hasui ako at nagpunta na ng ospital ayaw talaga magbigay :( parang feeling ko tuloy ng mga oras na yun iniisip nila na nagbuntis buntis ka tpos ayaw mo makaramdam ng sakit! iba iba talaga naiisip ko nun at inis na inis dhl nga sobrang sakit at parang ayaw nila akong tulungan. taranta talaga ako nun lalo na first time ko manganak, first time ko sa japan at takot na takot dhl di ako marunong magnihonggo pano ko sila maintindihan at pano nila ako maintindihan. so tiis talaga ako sa sakit. iyak iyak pero pagkalabas ng baby ko, wala na akong maramdamang sakit kht pa nung tinatahi na ako or pagheal ng sugat wala talagang pain. saka sa kanila pala kaht naglalabor ka na at papupuntahin ka na sa operating room, pinalalakad ka nila hindi nakawheelchair. aakayin ka lang papunta dun. pati pagkatapos nila magtahi at balik na sa room pinaglakad din ako! culture shock talaga ako sa isip isip ko ano ba tong mga to, nagtitipid ba sa wheelchair to eh di ba japan nga ito dapat high tech at kumpleto sa gamit! hahahaha o di ba lahat ng kapintasan, galit at santo pumasok na sa isip ko sa sobrang sakit hahahaha pero lam mo pagkatapos ko manganak, naisip ko maganda rin naman patakaran nila kasi wala na akong naramdamang pain at pampered ako kasi may facial massage pa ako habang nasa ospital (pero isip ko naku bumabawi lng to mga to kasi di nagbigay ng epidural block) hahahahaha saka yun nga form of exercise siguro na pinaglalakad nila ako at madaling process of healing ko at recovery. di ko lng alam kng mas magaan ang feeling ng nagepidural block before and after manganak at parang ayaw ko na manganak ulit sa takot sa sakit hahahaha
try mo po muna magtanong sa gynecologist mo po baka sakaling nagbibigay sila. pero ang pagkakaalam ko po very traditional sila dto sa pagpapanganak. pag di sila magbibigay, isipin mo na lng na marami na ang nakaranas at nakaraos din naman kaya kakayanin mo rin para di ka masyadong kabahan :) ingat po lagi :)
milano
04-23-2008, 11:46 AM
lam ko kung may preeclampsia talagang painless ang ginagawa eh.
renoahraine
04-23-2008, 01:26 PM
sis dito sa ospital namin di basta basta nagbibigay ng painless or epidural maliban n lang kung may problema sa pagbubuntis mo or di mo na talaga matolerate ang pain tsaka ka nila turukan:p... pero kung wala ka nman mondai no need na! try to ask your ob gyne and tell them your birth plan!
nung sa akin kasi walang anesthesia kht nung tinahi na ung laceration ko stapler lang ginawa s akin:eek:, masakit pero mabilis ang recovery! gambatte ne:)
elyurika
04-23-2008, 01:57 PM
ako cs po ako, dito ako nanganak sa japan...wala naman akong naranasan na sakit nung hiniwa....painless po talaga sya pero nung tinanggal na stapler sa tahi ko...dios kow....ansakettttttt ttttt........ gusto ko ngang tadyakan yung duktor habang tinatanggal yung stapler.....pero tiis ako...kase aanak-anak tapos magrereklamo....gama n shite ne!:D kaya simula nuon yoko na manganak...mou yadaaaaa!:p:D me dalawang makulet na ako eh...boy and girl...:D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.