View Full Version : Cravings
halloween
02-01-2006, 08:39 PM
Pag-usapan natin mga bro and sis ang pagkain na trip nyong kainin na para kayong naglilihi. Mauna na 'ko ha.
A few days ago lang, sobrang takaw kong kumain ng ebi fillet sa McDo. Siguro 3 consecutive days ko yon ginawang breakfast o snack. Ngayon naman feel kong kumain ng cheesecake ng Sunkus tapos nilalagyan ko ng fresh strawberries sa ibabaw, hhhmmm, delicioso. Masarap lkainin lalo na sa umaga with a cup of coffee.
Nung dumating naman ako dito from my 2 week vacation sa Pinas, isang linggo ko atang kinain ang danggit with itlog na pula and atchara, wow, kakamiss!
docomo
02-01-2006, 09:28 PM
I'm craving for sinaing na tulingan or tambakol basta fish na sinaing.. :)
adechan
02-01-2006, 09:38 PM
lately grabe ang addict ko sa sardinas nila dito, iyong saba miso added with minced fresh onion and diced fresh tomatoe. May lutong ulam naman ako pero talagang nakakain ako, lalo na pag alam kong may stock ako nang saba miso.
aprilluck
02-01-2006, 09:48 PM
Pag-usapan natin mga bro and sis ang pagkain na trip nyong kainin na para kayong naglilihi.!
Me naman ,kaninang umaga pag-gising ko naalala ko iyung mochi-mochi from Pampangga ,
mochi na may palamang sweet red beans tapos may pinalapot na gata sa ibabaw then i-bake hanngang sa maging brown iyung gata sa ibabaw ,Yummy!!...So ang ginawa ko,umaga pa lang gumawa ng anko,(sweet red beans) tapos gumawa ng galapong (giniling na malagkit),
Nagpalapot ng gata and sugar ,Sa wakas heto ngayon nakasalang sa oven ,palagay ko bukas ko pa makakain,Hay hirap ng parang naglilihi ..:)
mika_0814
02-01-2006, 10:11 PM
ang sarap talaga kumain ano? kung pagbibigyan lang tiyan at bibig. mas mahilig ako sa sweets. actually am craving for it now. kaso am on diet. nagbawas ako ng sweets. mula ng dumating ako dito parang bumigat ako eh sa sobrang takaw yata. halos lahat ng makita ko gusto ko kainin hehehe. kaya lang i still wanted to maintain my figure. sayang naman pinaghirapan ko itong maibalik. buti nga meron na tayong doc dito baka makalimutan kong mag diet eh at least andyan sya pa advise ako ng liposuction hehehe.
mbstorun
02-01-2006, 10:48 PM
ako naman grabe 2 weeks na akong pabalik~balik sa pronto...gustong-gusto ko ang seafood pasta nila..nagtataka ang asawa ko bakit daw ba parang ma~matay daw ako kung hindi ko makain yun. ewan ko nga ba hanggang ngayun..actually nagdinner kami ngayun sa pronto at yun parin ang kinain ko..ha~~yyy...hindi naman ako buntis..palaisipan ko tuloy....:D
japphi
02-02-2006, 08:19 AM
Ang dami kong gustong kainin sa mga pagkain natin.....okey namang bumili at magluto...kaya lang ako lang ang kakain....nawawalan ako ng gana pag luto na o andyan na sa harapan ko:( .....
Hay..pagkain...gusto kong kumain....ay huwag nalang.....diet ako.....tumatanda na kasi....I'm watching my diet he he he he....:p
Raiden
02-02-2006, 08:51 AM
I'm addicted to talaba, tahong, and tilapia. Mmmmmmmmm :drool: :nuts:
gvidanes
02-02-2006, 02:03 PM
kelan lang, pinilit kong pumunta sa market! market!
kase gustung gusto kong kumain ng DURIAN! ang bango ng food trip ko no? kahit di season, pinatulan ko ang presyo...pero yummy talaga!
sabi nila "it tastes like heaven but smells like hell"...ok lang. basta nakakain ako!
katty0531
02-03-2006, 02:52 AM
wah.DuRIAN!.....para ng awa nyo na.....taga DAVAO po ako.....hay! sobrang miss at takam na takam na po sa DURIAN....Smells like hell, but taste like heaven...very true...
buti pa kayo......wala pang Durian sa Saty dito eh,...not from Phil. naman kung meron...from Thailand...syempre iba parin yong galing sa furusato...salamat po sa paalala at ramdam ko ri po ang lasa ng nakain nyo.
gvidanes
02-03-2006, 09:25 AM
sabi na nga ba eh, me matatakam sa durian at ma...di bale na lang. baka me kumakaing member.
@katty0531 alam mo, meron dito sa makati na chinese resto (North Park)...grabe sarap ng durian ice cream! kaya lang isang scoop P80 na. yummy rin!
maple
02-03-2006, 11:07 AM
kelan lang, pinilit kong pumunta sa market! market!
kase gustung gusto kong kumain ng DURIAN! ang bango ng food trip ko no? kahit di season, pinatulan ko ang presyo...pero yummy talaga!
sabi nila "it tastes like heaven but smells like hell"...ok lang. basta nakakain ako!
hi gvidanes,
Pananagutan ba ni houseboy yan!?:confused::D... ....pis po tayo!
Ginisang monggo...tabetai na~:food:
Little Johnny
02-03-2006, 11:21 AM
Ginisang monggo...tabetai na~:food:
uy ako din!!! penge! ginisang monggo na may tinapa para mas malasa.... tapos may pritong galunggong na medyo tustado at crunchy..... tapos may fresh kamatis at patis.... yumyum!!:D
maple
02-03-2006, 11:26 AM
uy ako din!!! penge! ginisang monggo na may tinapa para mas malasa.... tapos may pritong galunggong na medyo tustado at crunchy..... tapos may fresh kamatis at patis.... yumyum!!:D
Sadista ka, LJ!!!:( Lalo mo naman akong pinapa-laway dito eh!!!:O:D
katty0531
02-03-2006, 11:32 AM
sabi na nga ba eh, me matatakam sa durian at ma...di bale na lang. baka me kumakaing member.
@katty0531 alam mo, meron dito sa makati na chinese resto (North Park)...grabe sarap ng durian ice cream! kaya lang isang scoop P80 na. yummy rin!
hihihihi, lalo mo akong pinaglalaway dito ha,...naalala ko na naman ang durian ice cream..pag tuwing Kadayawan...kahit mahirap pumunta ng downtown punta pa rin kasi ang ice cream sa magnolia buy one take one for only 20 pesos...:D
gvidanes
02-03-2006, 11:36 AM
hi gvidanes,
Pananagutan ba ni houseboy yan!?:confused::D... ....pis po tayo!
Ginisang monggo...tabetai na~:food:
hahaha! nauna akong maghanap ng durian bago ako makipag-EB kina houseboy...saka all time favorite ko po yun! playing safe ba?
Little Johnny
02-03-2006, 11:37 AM
Sadista ka, LJ!!!:( Lalo mo naman akong pinapa-laway dito eh!!!:O:D
wahihihi...... kelan lang ako nakakain nyan, maple;) :D :p . pero parang miss ko na ulit....:(
cumgetme
02-03-2006, 12:54 PM
gustong gusto ko ung inihaw na tilapia or bangus
tapos kamatis na may sibuyas at manggang hilaw
gustong gusto ko ung inihaw na tilapia or bangus
tapos kamatis na may sibuyas at manggang hilaw
@cumgetme ang sarap nyan...nakakamiss na yan...lalo na kung may inumin yan na kasama hahahaha....miss ko na yon ah...sino kaya makajumming dito...hehehehe...:y esyes:nakow...nakaka pangasim yon manggang hilaw na ang sawsawan e bagoong na maalat and spicy pa....:food:
tfcfan
02-03-2006, 07:22 PM
hi gvidanes,
Pananagutan ba ni houseboy yan!?:confused::D... ....pis po tayo!
Ginisang monggo...tabetai na~:food:
Pwede po kayong umorder sa "akabane bussan or sa kaluguran" ng monggo,pati tinapa na rin po.:)
maple
02-03-2006, 08:21 PM
Pwede po kayong umorder sa "akabane bussan or sa kaluguran" ng monggo,pati tinapa na rin po.:)
Thanks tfcfan!
problema naman kasi itong pamilya ko, hindi nila type ang monggo:O:( kaya talagang nakaka tamad mag luto ng monggo kung ako lang mag isa ang kakain:(
japphi
02-03-2006, 10:20 PM
Thanks tfcfan!
problema naman kasi itong pamilya ko, hindi nila type ang monggo:O:( kaya talagang nakaka tamad mag luto ng monggo kung ako lang mag isa ang kakain:(
Pareho pala tayo maple.....ang dami kong gustong kainin na pagkain sa atin....kung minsan ay bibili na ako.....pero pag naluto na....ako lang kasi ang kakain...nawawalan ako ng gana,nasasayang lang.....
Uyyy....teka...ang galing mo ha.....ang bilis mo ng mag-type sa kaliwang kamay mo.....ha ha ha ha ha....talagang nag-practice ka ha.....:D :D :D take care....
Hungry eyes
02-07-2006, 07:21 PM
Ako ..egg...scrable egg..sunny side up..boil egg..kahit everyday.hindi ako nagsasawa..:liftup: ..tsaka cake..starap...humm: food:
Little Johnny
02-07-2006, 07:27 PM
paella
ichimar
02-08-2006, 08:15 AM
paellagust:p kong kumain ng relyenong bangus,at ginisang ampalaya,hay naglalaway na ako,buti na lang at malapit na ang sabado,makakain ko na din ang gusto ko......
docomo
02-09-2006, 07:08 PM
craving for kangkong with bagoong from chowking :O
aprilluck
02-09-2006, 07:21 PM
craving for kangkong with bagoong from chowking :O
Naku !speaking of Kangkong,nagtanim ako dito niyan last summer,may seed pala iyan ,nakabili ako sa 'Pinas ,tried kong tinanim ,dinilig araw-araw ,tumubo dahil summer.Dalas ko ngang magluto ng Adobong Kangkong,ginisang kangkong ,tapos sahog din sa sinigang .
Kaya lang namatay noong malapit ng lumamig,di pala kaya ng kangkong ang winter ,Siguro next summer magtatanim uli ako,sarap eh!:)
docomo
02-09-2006, 08:47 PM
Naku !speaking of Kangkong,nagtanim ako dito niyan last summer,may seed pala iyan ,nakabili ako sa 'Pinas ,tried kong tinanim ,dinilig araw-araw ,tumubo dahil summer.Dalas ko ngang magluto ng Adobong Kangkong,ginisang kangkong ,tapos sahog din sa sinigang .
Kaya lang namatay noong malapit ng lumamig,di pala kaya ng kangkong ang winter ,Siguro next summer magtatanim uli ako,sarap eh!:)
.. suman naman !!! tinakam mo akows! i think sa balde lang na puno ng water nabubuhay na yan.. no need na itanim mo pa .. kala ko makakahingi na ko.. mas gusto ko yung kangkong sa atin kase..
craving for kangkong with bagoong pa rin from chowkings!!!! :O
tfcfan
02-09-2006, 08:55 PM
ako din kahit everyday na pritong talong na may sawsawang bagoong!:p
fremsite
02-09-2006, 09:06 PM
me naman .. braso ni mercedes ... wahihihihihi~~~~!!! :p mercedes de brazo po .. kay aling goldy ...:D
docomo
02-09-2006, 09:10 PM
ginugutom ako waaaah :weep:
.. chicharong lapids pa and sa jollibee ang manok na masaya w/gravy!!, tabetai yo:(
Hungry eyes
02-09-2006, 09:24 PM
Indian mango na isasawsaw sa patis na may asukal...kornik na maraming suka at bawang.........grabe ..naglalaway ako:D
tfcfan
02-09-2006, 09:39 PM
ako rin gusto ng indian mango!!!!!!!!:D
halloween
02-09-2006, 10:06 PM
Gusto kong kumain ng ensaladang mangga at alamang at ng inihaw na bangus na puno ng sibuyas at kamatis. Haaay, sa 5 araw na kakakain ko ng sisig eh nauumay ako. Sa katakawan ko eh lumalabas na sa mukha ko yung oil nung baboy. Kaya naman nag crave talaga ako ng mangga, as in. Feeling ko magbabago anyo ko pag di ako nakakain non ngayong gabi.
Nakuu, ayan na, ayan na, nag-iiba na hugis ng tenga ko.
Oink, oink, oink. :babe:
infinite_trial
02-10-2006, 06:27 PM
kare kare!!! lugaw, tokwa't baboy...sinampalukan g manok, sisig!!! waah madami pa
Spinnaker
02-10-2006, 06:58 PM
Papaitan ga. OK na yun version ng Batangas at Nueva Ecija. The best yung version de Ilocos.
Sabayan na ng Longganisa de bawang from Sta. Maria, Bulacan. Tapos bagong inin na sinaing na hinango sa kalan de panggatong (firewood).
halloween
02-12-2006, 06:55 PM
Haaay, ang lamig sa labas, nakakatamad.
Ang sarap kumain ng mainit na arroz caldo at tokwat baboy.
Sa amin, merong nagtitinda ng arroz caldo, ang mura P35 lang per order tapos may lamang loob ng manok.
Ang pangalan ng eatery ay POspas ni ALing Ines.
Miss na miss ko na pospas ni Aling Ines.
Nakaka Ines naman, naalala ko luto nya. :D
fire3
02-12-2006, 08:40 PM
gusto ko ng balot yung bagong luto ha....yum yum... ( hate kase ni habibi eh mis ko na talaga... Balooooooooooot..... baloooooooooooooot.. .:D
Hungry eyes
02-12-2006, 09:36 PM
kain na kain ako ng Sinangang na maraming bawang..inihaw na tuyo at ginisang upo (almusal)at batchoy..(lunch)..ti napa na may sawsawang kamatis at bagoong.(hapunan)..h ayyy kung pwede lang..
fremsite
02-12-2006, 11:35 PM
kare-kare ~~~ one of my fave ... tsaka sinigang na manok sa dahon ng sampalok..
and minatamis na ube ~~~~:( ... ahhhhhhh~~~!!! gugutom tuloy ulit ako .. pag-uwi ko .. dadalhin ko lahat yung pedeng madala dito.. :D :p
mbstorun
02-13-2006, 12:12 AM
hay sarap talaga ng green mango with tomato, onion & bagoong...di ko napigilan nag~mango salad talaga kami ang sarap!:p
Firipinjin
02-13-2006, 12:25 AM
I want ...Chocnut and Turon
halloween
02-13-2006, 12:27 AM
Oy mbstorun, mamigay ka naman, sasakit tyan mo nya sige ka pag di ka namigay. :D
Chodai!
mbstorun
02-13-2006, 12:55 AM
Halloween...sige punta ka dito sa bahay at bigyan kita~~ready to eat na..ang tsarap~tsarap!! nakabili ako sa grocery ng mangga at galing pang Pinas ha..:p
nikita
02-13-2006, 01:52 AM
Ice cream TABETAIIIII!!uBE FLAVOR~~~~~whaaaaaaa aaaaaa~~~~~~:bonk: :p
mbstorun
02-13-2006, 02:00 AM
naku nikita san! gusto ko yan ube flavor...miss ko na ice cream pero dehins ako pwede at ang lola mo diet kuno!:p
City_rabbit
02-13-2006, 01:48 PM
Ice cream TABETAIIIII!!uBE FLAVOR~~~~~whaaaaaaa aaaaaa~~~~~~:bonk: :p
@nikita, YES, Ube ice cream, and anything Ube.
@fremsite, Yes for brazo de mercedes, mine I like the one made by my aunt, and also the one from Dulcinea.
Speaking of Dulcinea - I want to eat the churros con chocolate !!!
but the one that I have been eating for the past weeks - at least once a week is shown in the photo below...
halloween
02-15-2006, 11:12 AM
Gusto kong kumain ng sinangag at tapa na may kamatis!
Haaay, nakakatamad pumasok, trabaho na naman!
docomo
02-15-2006, 11:53 AM
ako gusto ko kumain ng tocino , kamatis at itlog na maalat ... san ba may masarap na bilihan ng tocino.. as in masarap .. as in kakaiba.. as in basta super sarap!:D
Little Johnny
02-15-2006, 12:20 PM
ako gusto ko kumain ng tocino , kamatis at itlog na maalat ... san ba may masarap na bilihan ng tocino.. as in masarap .. as in kakaiba.. as in basta super sarap!:D
@ doc, sa pampanga meron, hihihi... pis tayow!!! :D
gusto ko ng pritong dilis..... yung maliliit na malutong. tapos ang sawsawan ay kamatis na ibinabaw sa sinaing....:p
apricot
02-15-2006, 12:31 PM
di ba meron sa mga filipino store? kay lng di ko pa na-try bumili
Hungry eyes
02-15-2006, 12:31 PM
gusto ko ng pritong dilis..... yung maliliit na malutong. tapos ang sawsawan ay kamatis na ibinabaw sa sinaing....:p[/quote]
Yan ang ulam ko ngayon lil jon...sarap:food: ..sabi nga ni Akol fisher..nawawalan ng ulirat sa kabusugan...
docomo
02-15-2006, 12:49 PM
@ doc, sa pampanga meron, hihihi... pis tayow!!! :D
... sabi ko nga ... :rant:
docomo
02-15-2006, 12:50 PM
di ba meron sa mga filipino store? kay lng di ko pa na-try bumili
.. naiilang akong bumili pag ganyan .. parang di mo sigurado kung bago o luma .. minsan kase binubura nila expiration date :confused:
cumgetme
02-15-2006, 12:52 PM
sarap ng pinag uusapan.. tuyo ulam ko kaninang umaga.. sawsaw sa suka..yummy..
with sunny side up... and hot choko...
akiam
02-15-2006, 01:51 PM
nagluto ako ng lugaw. instead na tokwa`t baboy, veal ng baboy ang ginamit ko. masarap pero yung lugaw ko, palpak. kung ano pa ang simple, iyon pa nag di ko makayang gawin. :banghead:
akiam
02-15-2006, 01:51 PM
nagluto ako ng lugaw. instead na tokwa`t baboy, veal ng baboy ang ginamit ko. masarap pero yung lugaw ko, palpak. kung ano pa ang simple, iyon pa nag di ko makayang gawin. :banghead:
halloween
05-14-2006, 05:22 PM
Masarap kumain ng spaghetti! tapos maraming mushrooms at bell pepper at parmesan cheese!
Meryenda time! Ikakain ko na lang kayo! :D :D :D
:) :yippee: me ampalaya almost a week di me nawawalan niyan sa reff ginisa with egg ampalaya or sa mongo salap salap
wolfgang
05-14-2006, 07:10 PM
ako kain na kain na ako nglelot(lugaw) tapos may tokwa't baboy na partner....:food:
takam na takam na ako.......tsalap...t salap....
ugnayan
05-14-2006, 11:07 PM
Tabetai ako ng lechon! :food:
kokorokara
05-15-2006, 12:44 AM
Ako naman ang hilig kung kumain ng "Kani" (crab) lalo na yun mga kamay lang yun maliit na pack na mabibili sa supermarket,iwan ko ba everytime akong mag pupunta sa supermarket pag maymakita akong ganun klase binibili ko agad,ayaw ko yun buo basta yun maliit lang na portion ng crab na yun,masarap kasing papakin,minsan naman gagawa ako ng sarada...Hmmmmm yummy yummy,minsan patago pa akong kumain kasi nahihiya na ako sa sarili ko bakit ang hilig hilig kong gumain niyan:D .
nikita
05-15-2006, 04:53 AM
I'm craving for fried bangus and crispy pata.hmmmnn...gutom tuloy ako:)
proud me
05-15-2006, 10:36 AM
gusto kong kumain ng...bopis...laing.. .dinuguan w/puto...puchero...sa umaga naman TAHO....:food:
Galadriel
05-15-2006, 11:29 AM
Ngayon tanghalian, gusto kong kumain ng pinalundag na dalag/hito at isawsaw sa binurong kanin na may sampalok from Pampangga.
Mamayang gabi gusto ko ng binurong talangka. Gusto ko yung babaeng talangka para sagana sa cholesterol :drool: :drool: .
mOtt_erU
09-12-2006, 02:45 AM
hi Halloween.
lately, namimiSS kong kumain ng BODHI foods...vegetarian foods yon pwedeng kare kare o adobo ..lahat ng ingredients eh pareho lang , ang kaiba lang eh wala siyang niku na kasama, kundi ibang klaseng tofu ang kawari ng niku.
gvidanes
09-12-2006, 01:12 PM
As usual, nag-crave ako sa durian.........:food : yummy! at ngayon..........eto ang dessert ko :)
chepot
09-12-2006, 02:35 PM
napapakain ako ng atis, duhat, santol and kaymito....ang tagal ko ng di nakakakain noon.....anyone from TF knows kung saan pwedeng makabili dito?:food:
tfcfan
09-12-2006, 03:10 PM
halo-halo ng chowking...:food:
yumiyumi
09-12-2006, 03:52 PM
manggang hilaw na may bagoong o alamang ..yum!yum!
ichimar
09-12-2006, 03:52 PM
lately gusto kong kumain ng ice cream,makapuno flavor:rolleyes: :confused:
halloween
09-12-2006, 10:14 PM
@Mott eru
Hello! Na try ko ng kumain sa Bodhi, sa may SM foodcourt. Masarap nga mga pagkain don at ang daming choices. Akala mo meat pero di pala kasi walang difference eh, pano kaya nila niluluto yon. Gusto ko rin mga desserts nila.
Nag ke crave ako ng Arce ice cream, yung coffee crumble, grabe ang sarap! Walang binatbat ang Haugen daz (mali ata spelling).
ugnayan
09-21-2006, 07:55 PM
I'm craving for lechon. :food:
love0308
09-21-2006, 08:06 PM
gusto ng taho at mangga pero wala:(
ugnayan
09-28-2006, 04:36 PM
I'm craving for halo-halo! :food:
ichimar
09-28-2006, 04:38 PM
pancit malabon hay sarap:(
noycoco
09-28-2006, 04:39 PM
ako ang gusto kong kainin ngayon e lechon paksiw
proud me
09-28-2006, 05:17 PM
napapakain ako ng puto bumbong...Batchoy w/puto...paksiw na pata na luto ni mama..:food:
mamimo
09-28-2006, 06:00 PM
Dito sa Japan madalas hanapin ng panlasa ko ang hopiang mongo buti na lang available sa Philippine stores at saka garlic na longanisa, eto di ko mahanap dito yung tipong galing lukban.......yummy!
hayaren
09-30-2006, 08:13 PM
dried squid from Cebu naman ang craving ko at chicharong baboy! at puto kuchinta!
fremsite
09-30-2006, 08:28 PM
me craving for tuyo and tinapa :)
proud me
09-30-2006, 08:34 PM
napapakain ako ng instant ramen w/ Daing...
Tarena314
09-30-2006, 08:50 PM
gusto ko na talagang kumain ng relyenong bangus..., at sinaing na tulingan ,,tapos yung kanin ay denorado na sinaing na may sapin na dahon ng saging...,hayyyy !! gusto ko ng umuwi ng pinas ....,:(
ichimar
10-03-2006, 12:56 PM
gusto kong kumain ng tapsilog.........mas aarp pag ganitong malamig...:rolleyes:
halloween
10-06-2006, 11:23 PM
Gusto kong kumain ng champorado, tiramizu at manggang hilaw na may alamang.
Hmmm, di kaya mag labo2 sa tyan ko 'to, if ever.
Haaaaay, sarap kumain pag ganitong malamig na!
ichimar
10-07-2006, 04:42 PM
sarap kumain ng pritong tuyo,tapos sabaw ng payless at itlog......mas sawsawang suka na may sili..........hay sarap:D
sensei
11-14-2006, 11:03 AM
Onegai po........
Gusto ko kumain ng sinigang sino po sa inyo merong sinigang mix?
Maawa na po kayo...tumutulo na laway ko.
Kahit chakubarai COD, onegai po talaga
Sinigang mix....kudasai !!!:food: :cry: :cry: :cry:
proud me
11-14-2006, 11:15 AM
Onegai po........
Gusto ko kumain ng sinigang sino po sa inyo merong sinigang mix?
Maawa na po kayo...tumutulo na laway ko.
Kahit chakubarai COD, onegai po talaga
Sinigang mix....kudasai !!!:food: :cry: :cry: :cry:sensei...naku!m akakasama yan ke baby...baka dala pa yan ng paglilihi mo.:p Order ka dito pwedeng chakubarai sa kanila...AKABANE-03-5914-3735 at sa KALUGURAN-06-6365-0664 kung gusto mo naman umorder dito sa ka-TF natin baka meron syang tinda at baka pwedeng din chakubarai tanong mo sa kanya...ingat sa pag-bubuntis..:sweeties:
Autumn
11-14-2006, 01:11 PM
Im craving too much sa puto bungbong..yun tinda sa may kanto.masarap pati tsaa nila..whoaa..kung bakit kasi wala akong nakuha na ticket pauwi..:(
aimi2819
11-14-2006, 01:17 PM
Gustong gusto ko ng makakain ng Kare-kare at tutong:)
lenemen
11-14-2006, 01:31 PM
me, craving for cassava pudding, yung home made sa province. Masarap din ang sa Goldilocks pero yung luto sa probinsiya natural ingredients lang kasi. mmmmm.....mas masarap.
proud me
11-14-2006, 08:55 PM
napapakain ako ng...bukayo...nilupa k na kamoteng kahoy...suman sa antipolo w/matamis na bao...puto bumbong...suman na kamoteng kahoy nasa gitna minatamis na niyog...
proud me
11-18-2006, 11:17 AM
sarap kumain ng Daing na labahita w/sukanglabuyo&sibuyas at Garlic fried Rice.:p
halloween
11-26-2006, 10:53 PM
Hmmm, parang masarap kumain ng macadamia nuts!
halloween
02-05-2007, 10:54 PM
Nagke crave ako ng street food!!!!!!!!
Gusto ko ng fish ball, kikiam, squid ball at sago gulaman. Lalo sa FC, sarap yon!!!!!!!!
Haaaaayyyy!!!!!!!!
razzmattazz
02-05-2007, 11:03 PM
gusto ko ng halaya!
wala bang merong halaya jen?
ichimar
02-06-2007, 08:32 AM
tabetai ako ng kare kare........makapagl uto nga:rolleyes:
freegirl
02-06-2007, 09:06 AM
miss ko na kumain ng daing tapos sawsawan kamatis at sibuyas na may konting toyo, longganisa, goto at lumpia sa Goto King tapos miss ko na rin yung suman at kutsinta sa Baclaran.
mOtt_erU
02-06-2007, 10:11 AM
.......parang gusto ko kumain ng piniritong hasa-hasa o kaya galunggong na may puga :p :D
halloween
02-06-2007, 12:17 PM
tabetai ako ng kare kare........makapagl uto nga:rolleyes:
wow! kare kare, sarap yan! penge ichimar!!!!!!!!!!!!! :p
Tarena314
02-06-2007, 12:17 PM
ano ba ito..,kahapon pa akong ganito..,ang dami kong gustong kainin..,gusto ko kumain ng ginatan na langka na may kasamang tulingan ..,tapos tutong yong kanin..,mahilig ako sa tutong kase..,:D basta ang dami kong gustong kainin..,(naku ..,! iba nato ah..,!)
Gusto kong kumain ng gulay. Kahit anong gulay, basta Pinas-style cooking. :D
proud me
02-06-2007, 01:24 PM
ako gusto ko kumain ng Binatog....saan kaya ako makakabili ng kinayod na niyog?!:p at nilupak na kamoteng kahoy....:D
emyken1423
02-06-2007, 01:29 PM
ako na mi-miss ko yung pinakbet na matamis-tamis yung kalabasa na malagkit tapos half-cook sya may kasamang alamang ng barrio fiesta......tapos may inihaw na Hito o kaya tilapia.....ang sarap....tapos yung kanin....nakabalot sa dahon ng saging.....feel na feel ko talaga yun laluna nasa bahay kubo kaming mag kakapatid...kulitan ....harutan
Tarena314
02-06-2007, 04:48 PM
ako gusto ko kumain ng Binatog....saan kaya ako makakabili ng kinayod na niyog?!:p at nilupak na kamoteng kahoy....:D he he he..,ibang klase yang hinahanap mo..,Proud me sang..,kaylan ka ba uuwi ng PINAS..,? at kita tayo at maglulupak tayo samin..,at gawa rin tayo ng binatog..,sarap ng nilupak..,tulo laway ko..,tagal na rin akong hindi nakakain nyan...,tsalap:food:
poulain
02-06-2007, 04:56 PM
lansones.. singkamas.. atis... nasan kayo???:(
ichimar
02-06-2007, 04:57 PM
ang sarap kumain ng sapin sapin:(
mizo_shiru
02-06-2007, 05:40 PM
ginataang langka...... ang sarap isabaw sa mainit na kanin:food: tsalaap.... nasaan ka na ba?
proud me
02-06-2007, 06:14 PM
he he he..,ibang klase yang hinahanap mo..,Proud me sang..,kaylan ka ba uuwi ng PINAS..,? at kita tayo at maglulupak tayo samin..,at gawa rin tayo ng binatog..,sarap ng nilupak..,tulo laway ko..,tagal na rin akong hindi nakakain nyan...,tsalap:food: he he he...ala pa akong pang-uwi eh,:p ....pero true...napapakain na ako ng nilupak at binatog....noon mas gusto ko kumain yong tinda sa palengke.:D :food:
Tarena314
02-06-2007, 06:22 PM
he he he...ala pa akong pang-uwi eh,:p ....pero true...napapakain na ako ng nilupak at binatog....noon mas gusto ko kumain yong tinda sa palengke.:D :food: samin sa probinsya marami kami kamoteng kahoy..,masipag kase tatay ko sa bukid..,kahit mais palagay ko pwede na yun..,kase tanim ni tatay ng buwan ng DEC..,pwede na yung maani..,kaya libre na at may lusong kami na gawaan ng nilupak..,kahit hindi binatog nilagang mais na lang..,he he he ..,tsalap di ba..,?pinauuwi nga ako nina nanay at tatay..,balak ko ngang umuwi kahit 2wks..,kahit wala maraming baon..,mahalaga makakain ng kung ano-ano sa pinas..,Halika kana..,!!:)
proud me
02-06-2007, 06:24 PM
samin sa probinsya marami kami kamoteng kahoy..,masipag kase tatay ko sa bukid..,kahit mais palagay ko pwede na yun..,kase tanim ni tatay ng buwan ng DEC..,pwede na yung maani..,kaya libre na at may lusong kami na gawaan ng nilupak..,kahit hindi binatog nilagang mais na lang..,he he he ..,tsalap di ba..,?pinauuwi nga ako nina nanay at tatay..,balak ko ngang umuwi kahit 2wks..,kahit wala maraming baon..,mahalaga makakain ng kung ano-ano sa pinas..,Halika kana..,!!:)he he he...saan ba province mo?:)
Tarena314
02-06-2007, 06:26 PM
he he he...saan ba province mo?:) sa BATANGAS kami..,alah..,eh..,! !hi hi hi:)
proud me
02-06-2007, 06:31 PM
sa BATANGAS kami..,alah..,eh..,! !hi hi hi:) ha ha ha...batanguena ka pala....pero ilang oras lang naman biyahe dyan ....sana noh!....pero kahit konte wala pa akong pang-uwi...tong march 1yr.na mula nong umuwi ako kaya....walang pamasahe!:D ala pang baon...kaya tiis muna...pag-umuwi ka picture nalang pasalubong mo na!:)
Tarena314
02-06-2007, 06:38 PM
ha ha ha...batanguena ka pala....pero ilang oras lang naman biyahe dyan ....sana noh!....pero kahit konte wala pa akong pang-uwi...tong march 1yr.na mula nong umuwi ako kaya....walang pamasahe!:D ala pang baon...kaya tiis muna...pag-umuwi ka picture nalang pasalubong mo na!:) oo malapit lang naman ang Batangas sa Manila ..,lalo ngayon na yari na yong Calabarzon road..,mas madali byahe..,kaya ayaw ko ng manila..,walang libre kase don eh..,hi hi hi.,:D ikain na lang kita muna pag natuloy ako umuwi..,unahin ko nilupak..,unang subo sayo...,pramisss..,: )
proud me
02-06-2007, 09:10 PM
oo malapit lang naman ang Batangas sa Manila ..,lalo ngayon na yari na yong Calabarzon road..,mas madali byahe..,kaya ayaw ko ng manila..,walang libre kase don eh..,hi hi hi.,:D ikain na lang kita muna pag natuloy ako umuwi..,unahin ko nilupak..,unang subo sayo...,pramisss..,: ) ikaw din pala napapakain narin ng nilupak...o sige sana matuloy ka at yong unang isusubo mo mag pa-pic ka para makita ko na talagang para sa akin nga ha!(joke):D ...kasi naman sa manila suwerte nayong merong taniman o bukid kaya wala ring libre!:D
Tabetai ako kahapon pa ng bukong pandan...naglalaway ako ah,di naman naglilihi....
Wala na palang karapatang maglihi,hahahahaha.. .
freegirl
02-07-2007, 09:43 AM
ang sarap kumain ng carrot cake.
Inday_36
02-07-2007, 10:04 AM
I'm craving for Buko Pie & puto pao from Los baños, Laguna:food:
wonderKulit
02-07-2007, 10:49 AM
Gusto ko kumain ng Ginataang Gulay Soup ( na may halong malunggay), Bibingka sa Cebu, Kalamay, Biko sa Cebu ( mixed w/ brown sugar) na may nakapatong na tutong at Litson ( maruyaki buta) :food:
poulain
02-07-2007, 11:40 AM
bicol expresssssss.. nasaaan ka???:D
wonderKulit
02-07-2007, 01:20 PM
bicol expresssssss.. nasaaan ka???:D
hello poulain :) pede magtanong?...ano yang bicol express :confused: ...sensya di ko kasi alam yong sa ibang lugar...puro na lang kasi sa hapon at sa bisaya lang alam ko :O
sori po sa OT.
ICHIBAN08
02-07-2007, 01:56 PM
Mga ka tf-family:O , im craving in chicken gravy sauce...baka naman po may nakakaalam paano gawin to or may nabibilihan po kaya nito? kasi gusto ko kumain sa KFC pero wala naman silang gravy sauce parang hindi kumpleto pag wala nga nito kaya please sino po ang nakakaalam gawin ito...maraming salamat po sa makakapagbigay ng recipe...
poulain
02-07-2007, 02:10 PM
hello poulain :) pede magtanong?...ano yang bicol express :confused: ...sensya di ko kasi alam yong sa ibang lugar...puro na lang kasi sa hapon at sa bisaya lang alam ko :O
sori po sa OT.
yun yung parang may pork na may gata, plus madaming madaming sili~!!!:D
razzmattazz
02-07-2007, 06:58 PM
di pa rin dumarating yung halaya ko.
mizo_shiru
02-07-2007, 07:29 PM
...sa wakas nakakain rin ako ng sisig... ngayong araw:food: gawa ng friend ko na taga pampanga~~ sa susunod eh gagawa daw siya ng ginisang monggo na nilagyan ng bagoong~~~ friend dalian mo nang magluto.... gutom na ulit ako eh...:eek: :p
yun yung parang may pork na may gata, plus madaming madaming sili~!!!:Dwhahahahah a,tabetai ako nyan!:D
freegirl
02-08-2007, 10:14 AM
tabetai na ako ng lechon paksiw, mga baboy dito sa japan dinadamitan at inaalagaan pa.
Litsunin ko kaya gawin kong Lechon Paksiw!:)
wonderKulit
02-08-2007, 11:06 AM
yun yung parang may pork na may gata, plus madaming madaming sili~!!!:D
:D hehehe...kala ko kahapon na OT na eh...at tinatawag mo lang yong BUS ( kasi nga may express na nakasulat) kaya kala ko tuloy BUS RESTAURANT yan. :O sensya ala kasi alam masyado sa pagkain ng pinas, tsaka palibhasa kasi taga bundok. :p :D hehehe
naku! ang sarap pala nyan...paborito ko pa naman yong may gata tsaka litson...sayang ala kong kaalam-alam:O ...may nabibili ba yan dito sa mga philippine food yong de lata :confused:
:D Anyway, salamat...next time makapunta na nga sa phillipine stores para di ako magmukhang ignorante :O :D
poulain
02-08-2007, 04:02 PM
santol~ tabetai~!!:D
ichimar
02-08-2007, 08:05 PM
andoks lechon manok:( :p
proud me
02-09-2007, 03:59 PM
lansones at atis ,makopa......tabettt tttttai!!:D
inihaw na tilapia, sawsawan burong hipon,with nilagang talong, nilangang ampalaya, kanin sa dahon ng saging!!!!hoooooooou uuuuu!!! kamayan na!!! tabetaiiiiii!!!!:ban ghead:
ichimar
02-09-2007, 04:42 PM
parang ang sarap ng inihaw na bangus :p :)
Inday_36
02-09-2007, 04:42 PM
MIMI sarap nya ah! sabayan na kita sa kamayan na yan!:D
tisay
02-09-2007, 04:46 PM
..:scratch: fresh lumpia sa goldilocks ..my favorite ..:food: haayy,,tabetaaiinaa~ ~:confused:
ichimar
02-09-2007, 04:47 PM
idagdag ko langa ng bagong pitas na hinog na sampaloc,hay sarap:p :D
Tarena314
02-09-2007, 05:13 PM
ginataang talong plus inihaw na manok..,naku..,gusto ko na hilahin ang araw para matikman ko ng lahat ang gusto kong kainin...,:)
proud me
02-11-2007, 12:13 PM
bukayo at putoseko...tabattaii i:p
fremsite
02-12-2007, 07:43 PM
yung luto ko ngayon ~~~~ sinigang sa bayabas na bangus ~~~ wiiiiii~~~~~~~~!!! hayaku tabetai na ~~~~ 1st time na magluto nito .. sana masarap siya ... :p
disney
02-12-2007, 10:08 PM
inihaw na dalag or tilapia i dip sa bagoong with kalamansi and siling labuyo...waaaaaa...t abetai!
freegirl
02-13-2007, 10:28 AM
itlog na maalat with mapupulang kamatis...sarapppp.
proud me
03-05-2007, 06:56 PM
~~~~ yung Blueberry Cheese Cake dun! tabettai!~~~~~~:food : :p
ichimar
03-05-2007, 07:10 PM
mc flurry sa mc do,hay tabetai.cookies and cream:p :D
LORIE
03-05-2007, 11:12 PM
Alam kung di ako naglilihi dahil dinatnan naman ako sa buwanang dalaw ko pero like ko ang KFC fried chicken talaga umaga tanghali gabi sarappp talaga:food: :food:
halloween
03-18-2007, 11:52 PM
Dito na lang ako kakain.
Ini imagine ko kumakain ako ng pizza ng domino's tapos ice cream ng arce na coffee crumble flavor. After an hour, fish ball naman at squid ball, sarap yung mdyo toasted at 2 sawsawan isang maanghang na maraming sibuyas at isang medyo matamis. Pagkatapos ulit ng isang oras, sweet corn naman na may butter at iodized salt. wow! ang sarap!!:D
Dessert ko ay blueberry cheesecake o kaya buko pandan o kaya gelatin na langka. At drinks ko ay strawberry shake o kaya mango shake.
Philipinessa
03-19-2007, 11:08 AM
GRABE KA HALLOWEEN SAN!!!
PINAKATAKAM MO AKO NG SOBRA SA SINABI MO!!!
HUWAAAAAAAAAAAAAAAAA AA
emyken1423
03-19-2007, 01:41 PM
ako hinahanap-hanap ko yung .....sisig ng puso ng saging .........na may sahog ng pritong baboy.....tapos yung tinapang galungong na may pakner ng talbos ng kamote...tapos sawsawan ko yung alamang saka suka.......wahhaaaaa aaan,......nagutom ako.......
halloween
04-22-2007, 11:18 PM
sarap kumain ng siopao lalo na kung sa ma mon luk tsaka mami na rin, tokwat baboy at chicharon.
at dahil sa umuulan sarap din kumain ng champorado with milk.
okay din kumain ng nuts like almond, pistachio, macadamia at cashew tapos ginger ale.
pero dahil sa gabi na itutulog ko na lang, whaaaaaa!!!!!!!!!!!! !!!!!
Soju6
04-22-2007, 11:22 PM
Adobong kangkong!!!!!!!
wolfgang
04-23-2007, 12:26 AM
Adobong kangkong!!!!!!!
o.k. yan sarap:D samahan mo na rin nang nilagang talbos nang kamote at alugbati..isasaw sa bagong isda na may calamansi:food: :food:
nasty
04-23-2007, 08:06 AM
ako yung longanisa samin sa cabanatuan yung walang sugar,tinapang bangus na bone less ,na me sawsawang ginayat na manggang kalabaw ,sibuyas tagalog ,kamatis bagoong alamang saka yun nga itlog na pula ,saka pala maja blangkang mais and kalamay for dessert ,and yung nomimono sago't gulaman or fresh buko juice:D (BURRPP!) gosicho sama deshita
nasty
04-23-2007, 08:10 AM
meron pa pala,,,,,duhat and sinegwelas
halloween
06-04-2007, 07:58 PM
gusto ko ng embutido!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!!
sachi807
06-04-2007, 09:19 PM
..palibhasa andito ako sa pinas mga pagkain naman dyan ang tabetai tulad ng takoyaki,okonomiyaki ,yasai ramen,sushi,at yakisoba:D :)
aki^-^
06-04-2007, 09:50 PM
gusto ko PIZZA!!!!!!!!! tpos may hot sauce... nakakagutom!!!!!
justine
06-05-2007, 09:07 AM
gusto ko kumain ng balot,gatang tilapia,diningding at higit sa lahat gatang kuhol sayang di ko man lang natikman yan gatang kuhol.Unang weeks pa lang ng paglilihi ko yan na ang hanap ko,ngayun tapos na yan parin nasa isip ko haayyy!!!!
greatbarrier
06-06-2007, 02:39 PM
it's been more than a month that i haven't had a taste of japenese food! di ko nagawang kumain sa favorite japanese resto ko sa pinas before i left sa sobrang isogashii! pagdating ko dito, hanap ako ng japanese resto coz sobrang craving na talaga ko ng sashimi, ramen & gyoza! nakow! naikot ko na yata buong downtown, wala akong makita! hanap ako sa internet, halos lahat nakita ko wala dito sa city of my location.
finally, i saw one! tabehodai tuloy ako! napagastos! my budget for a day ang nagastos ko! sulit naman! :yippee: kaso, di pa rin satisfied yung craving ko... bukas kaya ulit.......
ichimar
06-14-2007, 07:47 PM
tabetai ako ng yema,ung medyo malambot siya................ ....:rolleyes:
halloween
06-14-2007, 11:22 PM
mami! gusto ko ng mami!!!!!!!!!!!! samahan nyo na rin ng hot pandesal na may butter ! :food:
haaay, kung kelan namang gabi na. :mad:
pwede na sana yung burger sa mos kaso ang layo naman sa place ko, mahabang lakbayin.
hmmm, sana mapaglabanan ko ang malaking pagsubok na ito sa aking buhay. charing!
manaig sana ang kabutihan laban sa kasamaan. haaaay, kakabaliw!!!!!!!! kailangan ko ng uminom ng gamot!!!!!!!!!!!
proud me
07-21-2007, 11:08 PM
napapakain ako ng Duhat,lansones,atis at bola~bola...naglilih i ata ako.:eek: ....kung nakakabasa na siguro mga apo ko hahalakhak sa kakatawa na naman yun!:D :p
docomo
07-23-2007, 01:47 PM
Digman > halo~halo tabetai :p
LORIE
07-23-2007, 01:57 PM
Ako ito ngayon pinapak ko:D:food::) Durian:D
i miss sarciadong tilapia....but what im craving for right now is bicol express at ginataang laing na puro sili....bagay na bagay lalo na't tag-init ngayon............wh aaaaaaaa.....naglala way ako!
la_tina512
07-23-2007, 09:01 PM
Digman > halo~halo tabetai :p
doc, bat alam mo Digman? Taga-Bacoor ka?
Tabetaiiiii.... Sarap nyan sa Digman partner ng siopao at balut... :D
wildflower
07-23-2007, 09:28 PM
Ako ito ngayon pinapak ko:D:food::) Durian:D
wow sarap naman nyan day lorie..tirahan mo ako ha:D
ichimar
10-09-2007, 02:33 PM
sopas~~~~~tsaka banana Q~~~~~malamig na naman:p :D
rodem
10-09-2007, 02:40 PM
miss ko na talagang kumain ng palabok at puto... haaayyy... :mad:
proud me
10-09-2007, 05:27 PM
Curly tops,macaroons at goldi.ensaymada...:)
sapin sapin..tabetai ako...whoa!!!!mahili g talaga sa matamis kaya tumataba:p
saka balot:eek: uwing uwi na ako ah...puro pagkain lng ggwin ko sa pinas:D
yukio_cris
10-11-2007, 12:55 AM
sapin sapin..tabetai ako...whoa!!!!mahili g talaga sa matamis kaya tumataba:p
saka balot:eek: uwing uwi na ako ah...puro pagkain lng ggwin ko sa pinas:D
ako din yui san, sapin sapin at tska yung puto bumbong at tska yung suman na parang brown hindi kanin, kamoteng kahoy ba yon haaay sarap:)
ako din yui san, sapin sapin at tska yung puto bumbong at tska yung suman na parang brown hindi kanin, kamoteng kahoy ba yon haaay sarap:)
whoa i did a net recipe search for sapin sapin:eek: tabetai kc talaga try ko sana magluto..di pala sapin sapin tabetai ko:confused: :confused: :confused:
di ko alam tawag dun..una kong nakain sa probinsya kahit nsa pinas ako hinahanap hanap ko un eh...pagkita k ng pic ng sapin sapin iba pala:p
alam niyo po ba iyong yello and violet color din...taps tinitinda sa isang malaking lalagyan parang lalagyan ng taho pero mas malapad.tapos laging mainit...tapos pagslice siya parang malambot lambot..tapos patong patong din siya slice ng maliliit di ko maexplain pagkakaslice:D tapos may butter sa ibabaw....tabetai tabetai tabetai!!!!!!!!!!!!! !1maloloka na ako..hanap ako recipe pano k hahanapin d k alam name...whoaaaaa
:eek: :eek: :eek: Mga ate at kuya...nababaliw ako..hanap ako ng hanap nitong gusto ko kainin d k maalala name.. parang ubeng halayan iyong softness niya..2colors din. Imagine ube halayan slice siya maninipis using spatula then pagpapatung patungin ang slices..tapos butter sa ibabaw...:bonk::bonk ::bonk:
may alam ba kaung mabibilhan ng cassava?search din ako kung ano sa nihonggo to sabi ng translator カサバ kaloka d nmn alam ng asawa ko..d k din maexplain d k kc alam kng san b galing ang cassava basta pagkain siya hehehe..
maimai
10-16-2007, 08:33 PM
sinigang baboy~~~
kare-kare...
at LECHON!!
tabetaaaaaaaiiiiiiii iiiiiiiiiiiiiiiiiiii iiiiiiiiiiiiiiiiiiii iiiiiiiiiiiiiiiiiiii iiiiii~~~~~~~~~!!!!! :cry: :cry:
proud me
10-16-2007, 09:04 PM
pareho pala kami ni maimai
ako rin napapakain na ng
sinigang na baboy
kare^kare
lechon.........at saka ng krispy pata at saka ng......tama na nga muna yan kailangan mag Diet ng konte muna!:cry: :p
Chibi
10-16-2007, 11:02 PM
puto bumbong at bibingka tabetai!!!:food:
serenityjil
10-17-2007, 09:26 AM
ramen tabetai... :food: :food: :food:
maimai
10-17-2007, 12:32 PM
pareho pala kami ni maimai
ako rin napapakain na ng
sinigang na baboy
kare^kare
lechon.........at saka ng krispy pata at saka ng......tama na nga muna yan kailangan mag Diet ng konte muna!:cry: :p
whaaaaaa~~mami proud..hirap magdiet ..lalo pa taglamig ngayun:cry:...
tsarap kumain :food: at matulog.. :sleep:
tabetai din ako ng....
BATCHOY ng Ilo-Ilo City
at LOMI ng Bacolod City!:weep: :weep:
proud me
10-17-2007, 01:13 PM
whaaaaaa~~mami proud..hirap magdiet ..lalo pa taglamig ngayun:cry:...
tsarap kumain :food: at matulog.. :sleep:
tabetai din ako ng....
BATCHOY ng Ilo-Ilo City
at LOMI ng Bacolod City!:weep: :weep: maimai...naku ikaw konteng balanse...si baby baka maglakad nayan pag-nilabas mo :p biro lang...pero dapat talaga sa iyo balanse na at nang wag kang mahirapan pag-labas ke baby mo...:)
Batchoy oo nga...sa atin noon lalo na pag-tag-ulan sarap kumain nyan heheh! masarap magluto ang mader ko nyan...
halloween
10-17-2007, 05:46 PM
gusto kong kumain ng sweet corn na may butter at binudburan ng asin. wow!!!!!!!!!!!
sarap!!!!!!!!:food: :food:
gusto kong kumain ng sweet corn na may butter at binudburan ng asin. wow!!!!!!!!!!!
sarap!!!!!!!! :food:
naku wala ng corn ngayon..hehehe..inih aw ba sinasabi mo halloween-san? meron sa 99shop bili ka na lang ihaw mo.hihihi favorite ko din ito iyong reto nga lang palagi kong gawa para di mendokusai..lagyan ko lang butter tapos microwave:D :food:
nasalaag
10-18-2007, 10:17 AM
^ hmmm naisip ko tuloy ang corn at naglaway ako.. gawain namin yun dati nung nagtatanim pa ung papa ko ng corn. super sweet talaga... magawa nga to sa weekend.
ako naman, still craving for lechon. hayyy... sige lang, malapit na rin ang december 21 :D
craving talaga ako sa adobo.eto nagluluto nakakainip :D
ichimar
10-18-2007, 07:29 PM
ingit ako kanina,kumakain daw sila ng cake ng goldi~~~tabetai na:( :rolleyes:
proud me
10-18-2007, 08:17 PM
kanina nakakita ako picture dun ng palitaw ang daming niyog at binatog din huh! sarap!...sana meron maawa sa akin :( .....ikain nalang nila ako para wag ng madagdagan yung laki ko :p
ichimar
10-27-2007, 10:04 PM
tabetai ako ng munggo,with chicharon and tinapa:rolleyes:
chevelle:)
10-28-2007, 01:47 AM
kanina nakakita ako picture dun ng palitaw ang daming niyog at binatog din huh! sarap!...sana meron maawa sa akin :( .....ikain nalang nila ako para wag ng madagdagan yung laki ko :p
waaah! ate proud, sabi ko na nga ba wak na ako sisilip dito eh! nabasa ko palitaw at binatog mo, nagutom na naman ako. pareho pa naman tayo parang palaki na ako ng palaki.:D
shintaro
10-28-2007, 01:36 PM
i crave for this one::food:
http://farm3.static.flickr. com/2019/1780926207_57b1040c4 e.jpg
dish(es) i encountered in cebu. especially the "guso", am i right?
docomo
10-31-2007, 05:53 PM
craving for pritong GG and munggo na may chicharong lapids :order: :p
infinite_trial
10-31-2007, 05:56 PM
crispy pata!!!
ichimar
10-31-2007, 07:08 PM
tapsilog~~~~tsaka daing na bangus:rolleyes:
tapsilog~~~~tsaka daing na bangus:rolleyes:
tapsilog:food: :food:
sachi807
10-31-2007, 07:20 PM
baked tahong..:food:
infinite_trial
10-31-2007, 07:24 PM
baked tahong..:food:
waah sarap din neto.
ichimar
11-05-2007, 04:09 PM
sinigang na maanghang~~sarap higupin ang sabaw pag may kaze:p :D
naughtymeeh
11-06-2007, 10:51 AM
Buffalo Wings.........from flaming wings.......w/EXTRA WILD sauce....Ceasar salad on top notch @ penne mushroom dish....wow...tsarap .....:D
ichimar
11-15-2007, 08:47 AM
puto~~~~nasa kyushu pa:rolleyes: :D
proud me
11-15-2007, 10:08 AM
napapakain tuloy ako ng tapsilog~~~~me sinigang na babs pa akong tirang ulam....yun nga ipakner ko sa lunch .....:p
my_style
11-15-2007, 01:54 PM
di ako taga-bicol pero "bicol express"and pritong galunggong... tabetai na~~whoa:nuts: lalo lang akong nagugutom.ayoko na,teka kukuha lang ako ng makakain,ang totoo niyan kakakain ko lang ng lunch,eto kakain na naman ako:D nagutom yata ako kakabasa dito:D
KikoyBalayon
11-15-2007, 06:40 PM
i crave for asahi beer and sashimi.. yum yum..
nikkichibi
11-15-2007, 07:18 PM
halo halo at dinuguan with matching puto :)
KikoyBalayon
11-15-2007, 07:45 PM
halo halo at dinuguan with matching puto :)
hey, i like this one too.. i miss it back in the philippines.. :D
naughtymeeh
11-15-2007, 09:21 PM
:D halo halo at dinuguan with matching puto :)
:D my favorite:D
pakbet ng mga ilocano...yung ginisa with kamatis, bagoong, pork etc..tapos pinatagal sa paggisa....sarap....
At pinapaitan....kakagu tom nga mag post dito,hehe....
aki^-^
11-15-2007, 10:36 PM
pakbet ng mga ilocano...yung ginisa with kamatis, bagoong, pork etc..tapos pinatagal sa paggisa....sarap....
At pinapaitan....kakagu tom nga mag post dito,hehe....
masarp yan:D
^ miss ko rin yung pinapaitan heheheh :D
KikoyBalayon
11-15-2007, 11:05 PM
i like pinakbet with bagoong and all vegetables.. yummy...
docomo
11-16-2007, 01:05 PM
bulalo and dininding :)
Ayara
11-16-2007, 01:52 PM
I miss fishball, kikiam and sago:food: pati na rin taho at pritong lumpia.
ako_po_si
11-16-2007, 02:21 PM
hay gusto ko ng special bibingka:food:
myth67
11-18-2007, 06:35 PM
tabetai....:drool:
ICHIBAN08
11-19-2007, 10:18 AM
Wooow! yyuummmy! miss na miss ko na yan..grabe nagutom tuloy ako...mga paborito kong ihaw ihaw!
jhallecx
11-19-2007, 01:51 PM
i crave for sapin sapin yung totoo,bibingka na mainit pa at samahan mo na nung puto bungbung...street foods like fishball at yung maanghang na sauce,adidas...
Pati yung sauce ng KFC sa atin...yamii....
At yung sobra sa pinaka,kumain sa dahon ng saging with inihaw ng tilapia,bangus,spare ribs,dagat-dagatan(mixed sea food with soup) at samahan mo na ng ensaladang hilaw na mangga....slurrrp!! :food:
Sarap!!!!
Ayara
11-19-2007, 02:27 PM
Nakakagutom naman dito :food:
ichimar
11-19-2007, 02:36 PM
nagugutom ako,buti na lang may hopia pa ako dito:D tabetai din ako ng fishball sawaswa sa suka,sarap:D :p
Tarena314
11-19-2007, 03:18 PM
nagugutom ako,buti na lang may hopia pa ako dito:D tabetai din ako ng fishball sawaswa sa suka,sarap:D :p sis..,musta na ..,?:)
ako tabetai ng palitaw..,baka meron ka dyan..,!!:D
ichimar
11-19-2007, 03:20 PM
sis..,musta na ..,?:)
ako tabetai ng palitaw..,baka meron ka dyan..,!!:Dnaku sister,dyan ka pala,kung lapit ka lang dito ipaggagawa kita,hehehe.....:) :D
poulain
11-19-2007, 04:17 PM
gusto ko ng arroz caldo!!
jhallecx
11-19-2007, 05:31 PM
isa pa yan sa katakawan ko na hinahanap ko,....ISAW!!!!
Soju6
11-19-2007, 07:28 PM
:yippee: Adobong kangkong, ginataang kuhol, totsong dalagang bukid, sinigang sa Miso na maraming mustasa with matching inihaw na pork chops:food:
docomo
11-19-2007, 08:12 PM
:yippee: Adobong kangkong, ginataang kuhol, totsong dalagang bukid, sinigang sa Miso na maraming mustasa with matching inihaw na pork chops:food:
tabetai ko din yan... natakam ako .. magluto ka naman nyan soju ..kaya mo naman yang lutuin :D
sachi807
11-19-2007, 08:16 PM
takoyaki at okonomiyaki tabetai naaaaaaa:food:
Soju6
11-19-2007, 09:51 PM
walang tawsi, la ring kangkong..saan tayo kukuha ng kuhol?
halloween
11-19-2007, 10:26 PM
dahil sa malamig ang panahon, masarap kumain ng bulalo.:food:
tsaka, nilagang baka, sinigang na buto2 sa bayabas at tinola na medyo maanghang tapos may patis. wow!!!!!!!!:food:
tabetai ako ng lahat ng sinabi ni soju san :(
nikkichibi
11-19-2007, 11:55 PM
tabetai ako ng palabok at bibingka :)
sachi807
11-20-2007, 08:08 AM
oden tabetai :food:
chokulit
11-20-2007, 08:59 AM
oden tabetai :food:
ohayo~:D
palitaw, suman, hmm ano nga ba yon yung pinipig na may buko...tabetai~~~~:D
bonker
11-20-2007, 09:05 AM
gusto ko ng lechon!!!! bibinka at puto bumbong.... ung mga pagkain na di ko maluluto dito. isaw, dugo at gotong batangas!:dowave:
katheyrine
11-20-2007, 02:02 PM
trip ko kumain ngayon ng isaw sabay inom ng pineapple juice..:D
halloween
11-22-2007, 09:33 AM
gusto kong kumain ng tapsilog tapos may atchara at coffee for breakfast. hmmmm, makapag pa deliver nga sa chowking. :food: charing!
haaaay, dito kung gusto mong kumain ng masarap eh magluto ka! mga obento naman pare pareho. nakaka miss ang comfort sa pinas!
Ayara
11-22-2007, 09:39 AM
gusto kong kumain ng tapsilog tapos may atchara at coffee for breakfast. hmmmm, makapag pa deliver nga sa chowking. :food: charing!
haaaay, dito kung gusto mong kumain ng masarap eh magluto ka! mga obento naman pare pareho. nakaka miss ang comfort sa pinas!
Ako mas gusto ko kainin pag iba ang nagluto pag luto ko wala akong gana:rolleyes: ...
tamang tama di pa ako nag almusal makabili nga ng goto sa kanto.
ichimar
11-22-2007, 10:15 AM
sarap kumain ng daing na bangus sawasawan sili at suka.....hay tabetai:D :(
Tinolang manok tabetai :food:
sachi807
11-22-2007, 10:46 AM
yasai ramen tabetai..:food:
ichimar
11-24-2007, 09:02 PM
chicken joy sa jollibee:D
greatbarrier
11-25-2007, 04:37 AM
matagal na kong nagke-crave ng sinaing ng tulingan ng nanay ko... with matching green mango salad... ilang tulog na lang, matitikman ko na :food:
mamimo
11-25-2007, 09:13 AM
mainit na sinampalukang manok pang-alis ginaw....tabetai.:)
makulit
12-07-2007, 11:00 PM
sinigang na baboy :food:
proud me
12-08-2007, 02:34 PM
ako tabetai ko today yung napanood ko sa TV....nabemono.:p
katheyrine
12-09-2007, 01:02 AM
anak ng patis...gusto ko ng balot ngayon huwaaaa!!!
ito ang mahirap eh...tabetai ka ng wala!!!:cry: :cry: :cry: :cry:
miffy
12-09-2007, 03:19 PM
tabetai ako ng arosep(sea weeds po yun,ilokano po kasi!:hihi: :hihi: :hihi: ) with kamatis and alamang tsaka mangga!yummy!:thumb:
Dondake303
12-09-2007, 05:53 PM
Isaw tabetai!:O
ichimar
12-09-2007, 08:18 PM
biko.....:D :p
mamimo
12-09-2007, 09:20 PM
biko.....:D :p
biko rin at ube:food:
Autumn
12-09-2007, 09:22 PM
Gohan tabetai :food: (nandemo ii kara)
tisay
12-09-2007, 11:01 PM
sinigang tabetai:food:
aki^-^
12-10-2007, 08:57 AM
pizza tabetai
musikaghie
12-10-2007, 10:16 AM
tabetai ako ng luto ng mama ko, yung sinampalukang manok,saka sinigang na bangus sa puso ng saging...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.