View Full Version : Anak na nasa Pilipinas
japhil
05-03-2008, 06:21 PM
gusto ko lang pong humingi ng mga payo sa mga magulang na nasa ibang bansa na merong na iwanang anak sa pilipinas. ano- ano po ba ang maganda at dapat gawin para kahit nasa malayo tayo sa mga anak natin ehh maiparamdam parin natin ang pagmamahal natin sa kanila.
at ano po ang dapat din nating gawin sa mga taong nagbabatay sa mga anak natin sa pilipinas.
marami na kasi akong napapanood na balita sa pilipinas na mga documentary na ang mga anak ng nasa ibang bansa ehh halos nagrerebelde na, parang nakakatakot na sa sarili mong anak mangyari iyon dahil nasa ibang bansa ka dahil hindi mo nagagabayan ang kanilang paglaki.
at sa bandang huli ang magulang pa ang sinisisi ng mga bata dahil iniwan sila:(
ano po kaya ang magandang gawin ng mga magulang para sa anak na naiwan sa pilipinas.
pa share naman po dyan maraming salamat po:)
summergirl
05-03-2008, 06:49 PM
hindi naman lahat ng batang naiwan sa pilipinas nag re rebelde..let them feel na mahal mo sila by giving time..make it a point na tawagan mo sya weekly,makipag chat ka sa kanya at pag may mga special occasion wag mong kalimutan at give them something na alam mong gusto nila.. Monitor mo ang anak mo everytime....Sa nag aalaga naman,Give them amount of money..clothing.chea p jewelries..etc..Ako kasi ang yaya ng anak ko<malaki na anak ko>binigyan ko ng used cell phone para mamonitor ko ang anak ko at may nag re report sa akin..
tadashi
05-03-2008, 07:09 PM
kahit naman siguro nasa pilipinas ang isang magulang kung magrerebelde ang anak..magrerebelde.. .:( Iparamdam mo na kahit malayo ka ay mahal na mahal mo pa rin siya :D at kapag umuwi ka ng pilipinas sulitin at ipadama mo sa kanya ang tunay na pagmamahal mo..:D
titakoring
05-03-2008, 07:18 PM
nd ko din alam kung an mapapayo ko sau......binigay ko naman sa kanila
ang lahat ng luho.......maganda at kilalang school ko sila panag-aral at
ngaun ay mga titulado na.......pero talagang me kulang......un nga ang
pagmamahalal at un oras na nawala na lagi nilang hinahanap sa akin
hanggang ngaun........aminin ko nag kulang ako dun.......ilang yirs din bago
ko sila uwian.......inisip ko kasi na sayang ang ticket saka un gagastusin
din plus pasalubong....kasi nd naman sila enjoy pag-uuwi ako na walang
dalang pera....alam mo naman ang mga bagetz enjoy mag shopping.......
kaya madalas na magkasagutan kami........nakalimu tan ko na din na
malalaki at meron na silang sariling disisyon......lagi kasing nasa isip ko
un age nila ng iwan ko.......noong kinukuha ko naman sila...un mother ko
ang ayaw.....naku ewan basta ang hirap.......nandun pa din un lagi kong
sinasabi ngaun sa mga anak ko na......kung wala ako dito sa japan at
sama sama kami sa pinas baka wala din silang narating sa buhay ngaun
totoo din nd lahat ng bata na naiwan sa pinas ay puro pasasay..........
akala ko nga pag natapos at me work na pahinga na ako......nd din pala
lalong nadagdagan ang susuportahan......an o ba yan:) goodluck sister
gusto ko lang pong humingi ng mga payo sa mga magulang na nasa ibang bansa na merong na iwanang anak sa pilipinas. ano- ano po ba ang maganda at dapat gawin para kahit nasa malayo tayo sa mga anak natin ehh maiparamdam parin natin ang pagmamahal natin sa kanila.
at ano po ang dapat din nating gawin sa mga taong nagbabatay sa mga anak natin sa pilipinas.
marami na kasi akong napapanood na balita sa pilipinas na mga documentary na ang mga anak ng nasa ibang bansa ehh halos nagrerebelde na, parang nakakatakot na sa sarili mong anak mangyari iyon dahil nasa ibang bansa ka dahil hindi mo nagagabayan ang kanilang paglaki.
at sa bandang huli ang magulang pa ang sinisisi ng mga bata dahil iniwan sila:(
ano po kaya ang magandang gawin ng mga magulang para sa anak na naiwan sa pilipinas.
pa share naman po dyan maraming salamat po:)
shine17
05-03-2008, 07:22 PM
Tama po si ms.summergirl,ganyan din pong ginawa ko,..halos gabi2x kami nag chat pagdating ko galing trabaho...last month pinadalhan ko sila ng explanation letter na bakit ako malayo sa kanila...at nag response din po sila through letter din na they are doing their best din sa school nila.
summergirl
05-03-2008, 07:52 PM
nd ko din alam kung an mapapayo ko sau......binigay ko naman sa kanila
ang lahat ng luho.......maganda at kilalang school ko sila panag-aral at
ngaun ay mga titulado na.......pero talagang me kulang......un nga ang
pagmamahalal at un oras na nawala na lagi nilang hinahanap sa akin
hanggang ngaun........aminin ko nag kulang ako dun.......ilang yirs din bago
ko sila uwian.......inisip ko kasi na sayang ang ticket saka un gagastusin
din plus pasalubong....kasi nd naman sila enjoy pag-uuwi ako na walang
dalang pera....alam mo naman ang mga bagetz enjoy mag shopping.......
kaya madalas na magkasagutan kami........nakalimu tan ko na din na
malalaki at meron na silang sariling disisyon......lagi kasing nasa isip ko
un age nila ng iwan ko.......noong kinukuha ko naman sila...un mother ko
ang ayaw.....naku ewan basta ang hirap.......nandun pa din un lagi kong
sinasabi ngaun sa mga anak ko na......kung wala ako dito sa japan at
sama sama kami sa pinas baka wala din silang narating sa buhay ngaun
totoo din nd lahat ng bata na naiwan sa pinas ay puro pasasay..........
akala ko nga pag natapos at me work na pahinga na ako......nd din pala
lalong nadagdagan ang susuportahan......an o ba yan:) goodluck sister
mare ko gambatte..nabigay mo na sa kanila ang makakaya mo kaya ok na yun...open ako sa mga anak ko kahit saang problema kaya sila rin ang ka share ko mag solve ng problem ko...Wala akong nililihim sa kanila..best prend ko ang mga anak ko at mama pa nila ako..
joeblack
05-04-2008, 12:26 AM
Tama sila sa mga sinabi nila... Kailangang maging kaibigan mo ang mga anak mo... Huwag mong kaligtaan ang makausap sila araw araw kahit sa anong paraan......
Ang pagrerebelde ng mga kabataan ay may maraming kadahilanan... Kahit naipapadama mo sa kanya ang iyong pagmamahal; may iba pang dahilan kung bakit nagrerebelde ang mga anak.....
Eto ay dahil sa environment na nakapaligid sa kanya.... Environment is one of the factors which infleuenced our children....Why? Say for instance, his peers will say to him, your mother is earning a lot then you can't please us? The ego of the child will be affected and will show his best..... At first, it is a drive that would become a habit.....The same cycle will happen from now then...
So, you must advise your children the positive and negative result of whatever consequences that may arise..... Whatever his/her reaction; you have to accept, understand, and love him . In this manner, you can let him/her discover his /her responsibility as a child to be matured enough.......
mare ko gambatte..nabigay mo na sa kanila ang makakaya mo kaya ok na yun...open ako sa mga anak ko kahit saang problema kaya sila rin ang ka share ko mag solve ng problem ko...Wala akong nililihim sa kanila..best prend ko ang mga anak ko at mama pa nila ako..
megami704
05-04-2008, 12:42 AM
Para sa akin, ang pagrerebelde ay sariling choice. Hindi ko din masabi kung bakit ang ibang bata na nasa ibang bansa ang mga magulang ay nagrerebelde, pero nakukuha naman ang kahit anong gusto. Kapag yata masyadong mapagbigay ang mga magulang sa mga luho ng anak ay nagiging spoiled at makitid ang utak. Kasi never sila nahirapan, or di nila alam na pinaghihirapan ang bawat luho na nakukuha nila.
AKo naman, ofw ang nanay ko at naiwan kami sa tatay ko hanggat sa maghiwalay sila. Never po akong nagrebelde. Kahit na nga minsan naiinggit ako sa ibang may nanay. Iniisip ko na lang ang bright side ng pagkawala ng nanay ko. Atleast never kami napabayaan. Nakapag-aral kami sa magandang school. Pasalamat din ako dahil di rin kami pinabayaan ng tatay ko. Siguro isa din factor yun kung bakit yung iba napapariwara, dahil walang pumapansin sa kanila.
Siguro nasanay na kami sa material na bagay na pnoprovide ng mama ko, kaya minsan nagtatampo kapag hindi nabibili agad gusto namin;) pero hanggang dun lang naman.
Ngayong nakita ko na ang seikatsu dito sa japan, lalo ko na-appreciate ang mga sacrifices nya dati. Hindi pala ganun kadali.
kaya kayong mga magulang na may mga anak na naiwan sa pinas, communication lang naman po ang sagot. Huwag naman po laging sermon. At sana siguraduhin nyo na yung pinag-iwanan nyo ay inaalagaan din sya. Mas maganda rin uwian nyo sya every year, or kaya sila na lang papuntahin nyo dito para naman makita nila na di ganun kadali kitain ang pera.
sakura ui
05-04-2008, 12:54 AM
ang asawa ko ang nasa japan ang ginawa nya evryday sya tawag 5times a day 7 and 2 palang ang mga kids namin pero ang bonding nila ay nandun prang nasa tabi lang namin ang asawa ko communication lang po talaga ayan po sana ang wag mawawala alam nating magastos ang araw araw na call sa pinas pero worth it naman po. yung anak ko ngang 2yrs old pag tumatawag na ang daddy nya talagang inaagaw na ang phone at magsasabi na kaagad ng " DADDY ILOVE U" wag sanang mawawala yung words na I LOVE YOU evrytym na tatawag ka sa ganung age pa lang ng anak ko masyado ng close ang bonding nila ng daddy kahit malayo ang daddy nila and sana once a year try mo umuwi. And para naman sa nagaalaga sa anak mo kausapin mo din sila evrytime na tatawag ka and specially alam mo naman sa pinas importante ang pera sana hndi sila kinakapos sa budget and ambunan mo na din ng grasya para maalagaan ng husto ang mga anak mo mahirap din kasi magpalaki ng bata sa sitwasyon nila. lalo na pag dumadating na sila sa teenage yir nila mas mahirap i handle yun and pray ka lang ng pray god bless
poulain
05-04-2008, 02:09 AM
sana nababasa ito ngayon ng mommy ko.. sigh..
angelica
05-04-2008, 08:25 AM
bago pa ko ngkapamilya dito sa japan .....isa rin ako sa mga "anak" na naiwan sa pilipinas kase kailangan ni mama na mgtrabaho sa malayo (japan)dahil walang trabaho sa pinas at since 1 yr old pa lang ako hiwalay na sila ng tatay ko...naiwan ako sa lola ko .....minsan sa tita ko .....date i felt i was so special kase pinagaawayan nila kung kanino ako mgiistay then later on i realised na kaya pala sila ngaaway dahil doon sa sustento ko sa nanay ko...ngeek..hmmm....
hinde naman nagiging rebelde ang bata ng walang dahilan....at ang hirap ibalik or hinde na maibabalik ang time na kailangan nasa tabi tayo ng mga anak natin..
nung elementary ako i tried hard na mgaral ng husto para sa nanay ko sulitin man lang ang ginagastos nya sa pgpapaaral nya sa akin sa private school....magaganda naman ang grades ko(in fairness)dumating ang graduation....excite d ako dahil ang usapan namin uuwi sya at yan lang ang hiniling ko sa kanya(shet bat hanggang ngyon napapaiyak pa ri ako ,tagal ng issue nito a)ewan ko sa kanya di sya dumating noon,sabi nya sa kin sa phone "anak may honor ka ba?" sabi ko "ma,wala po.""hinde na lang muna ko uuwi kase mahal ang pamasahe"...tapos after a week may natanggap akong letter galing sa kanya may laman na card"congratulations on your graduation day"tapos may nakaipit na pera sa loob sabi nya bilin ko daw kung anong gusto ko.......DAMN !!!!!!!!she just didnt get it....ALL I WANT IS TO BE YOU ....dito po ngumpisa ang pagrerebelde ko sa loob ng utak ko...natapos ang walang kakuwentakuwenta kong graduation ...nghighschool ako sabi ko sa sarili ko wala rin namang kwenta kahit mgaral ako ng mabuti kaya napabarkada hanggang sa huminto na ako ng pgaaral....yeah!!!!! sobrang naging sakit ako ng ulo nila...baket?i dont know feeling ko nung time na yon mas pinapansin nya ako pag may ginagawa akong male...tulad ng pag nglayas ako umuwi sya bigla ng pilipinas.....wala ba akong utang na loob?siguro.....i dont know....pero hinde ko rin naman ginusto yon..sana nga nung time na yon naisip nya na money isn't everything....sana ngspare sya ng time na umuwi sa mga special occassions nung kabataan ko.:(
megami704
05-04-2008, 11:56 AM
excited ako dahil ang usapan namin uuwi sya at yan lang ang hiniling ko sa kanya(shet bat hanggang ngyon napapaiyak pa ri ako ,tagal ng issue nito a)ewan ko sa kanya di sya dumating noon,sabi nya sa kin sa phone "anak may honor ka ba?" sabi ko "ma,wala po.""hinde na lang muna ko uuwi kase mahal ang pamasahe"...tapos after a week may natanggap akong letter galing sa kanya may laman na card"congratulations on your graduation day"tapos may nakaipit na pera sa loob sabi nya bilin ko daw kung anong gusto ko.......DAMN !!!!!!!!she just didnt get it....ALL I WANT IS TO BE YOU ....dito po ngumpisa ang pagrerebelde ko sa loob ng utak ko...natapos ang walang kakuwentakuwenta kong graduation ...nghighschool ako sabi ko sa sarili ko wala rin namang kwenta kahit mgaral ako ng mabuti kaya napabarkada hanggang sa huminto na ako ng pgaaral....yeah!!!!! sobrang naging sakit ako ng ulo nila...baket?i dont know feeling ko nung time na yon mas pinapansin nya ako pag may ginagawa akong male...tulad ng pag nglayas ako umuwi sya bigla ng pilipinas.....wala ba akong utang na loob?siguro.....i dont know....pero hinde ko rin naman ginusto yon..sana nga nung time na yon naisip nya na money isn't everything....sana ngspare sya ng time na umuwi sa mga special occassions nung kabataan ko.:(
Correct ka dyan. MAdalas ito ang nagiging dahilan ng pagrerebelde, yung konting bagay na napaka-important sa anak ay di tinutupad. Mga pangako na di tinutupad. Yung pinapa-asahan lang ba. Kagaya nga ng graduation, birthday, etc. Kaya kung di talaga pwedi makarating, wag magpa-asa. Pero try your best kung gusto ka pa-uwiin ng anak mo.
Isa pa, yung pag nagkamali, yun lang ang pinapansin. Tatawag lang pag may nabalitaang maling ginawa. Tapos sesermonan lang.
As much as possible po, wag po kayong manyermon sa telepono, idaan na lang sa drama kesa sa nagagalit, dahil baka mabigla na lang kayo kapag isumbat sa inyo ng anak nyo ang presence nyo sa buhay nya. MInsan kasi iba ang pag-iisip ng bata, di naman po kasi lahat malawak ang utak. Yun lang po
angelica
05-04-2008, 12:08 PM
Correct ka dyan. MAdalas ito ang nagiging dahilan ng pagrerebelde, yung konting bagay na napaka-important sa anak ay di tinutupad. Mga pangako na di tinutupad. Yung pinapa-asahan lang ba. Kagaya nga ng graduation, birthday, etc. Kaya kung di talaga pwedi makarating, wag magpa-asa. Pero try your best kung gusto ka pa-uwiin ng anak mo.
Isa pa, yung pag nagkamali, yun lang ang pinapansin. Tatawag lang pag may nabalitaang maling ginawa. Tapos sesermonan lang.
As much as possible po, wag po kayong manyermon sa telepono, idaan na lang sa drama kesa sa nagagalit, dahil baka mabigla na lang kayo kapag isumbat sa inyo ng anak nyo ang presence nyo sa buhay nya. MInsan kasi iba ang pag-iisip ng bata, di naman po kasi lahat malawak ang utak. Yun lang po[/quote]
.....thank you po,,,minsan kase puro financial na lang ang nasa isip dapat wag kalilimutan ang quality time....kahit makitid o malawak ang utak ...importante ang quality time..minsan akala naten makitid ang utak o pangunawa ng mga bata....where as in sila pa pala ang mas may malawak na pagiisip...di nga lang naten alam na sa sobrang babaw ng kaligayahan nila katulad ng makasama lang tayo in times na malungkot sila di pa naten makita....ang mga mas nakakatanda pa ang ang kumikitid ang utak....
memyself&i
05-04-2008, 02:00 PM
nakakaiyak naman ito, parang ANAK na movie...
milano
05-04-2008, 02:56 PM
i was once a son na iniwan ng parents ko to work abroad. i was only 6 years old when they left. physically hindi ko nararamdaman ang pag mamahal nila dahil sa isang bata like 6yo ay bukod sa material things kailangan ng touch and hug ng isang magulang. deprived ako sa mga yan but.. material things wise they gave me everything.
so to fill their short comings, material things ang kapalit. nung una hindi ko maintindihan yun but when reached the age of 17yo guess what? i felt na mas mahal nila ako. im luckier than the other kids around me. merong nasa ibang bansa ang magulang pero hindi naman sila iniintindi dahil may ibang family. meron naman na ang mga magulang ay nasa pinas but then the parents cannot give anything dahil sa hirap ng buhay.
like what other parents do. letters, calls and even voice tape nakaka tanggap ako from my parents. they say how much they love me how sorry theye were for leaving me and kung bakit nila ginagawa yun. i understand kaya nila nagawa yun kaya i tried my best para makatapos at maging mabuting anak.
once in my life naging gago din ako. i was once a gambler, kickout, basagulero, and i used to take drugs. not only the typical drugs.. i tried almost everything except those with injections. Ang srap ng feeling!! kaya minsan suma sagi sa isisp ko. eto ba ang ipapalit ko sa ginagawa ng parents ko na pag sasakripisyo? hmm one day i woke up after a very long sleep ( i was overdosed with ecstacy) 2 days coma. sabi ko tama na! kailan ako hihinto? pag patay na ako! pag alam na ng parents ko na ganito ako? guess what hindi nila na laman na OD ako. thanks to my friends na inlagaan ako. ang alam nila nag out of town lang ako. hehehe
sa naging experience ko hindi ko sinisisi parentsa ko kung bakit ko yun na experience. alam nyo kung sino? sarili ko!! 1 thing i realize ngyung 21yo na ako (21 daw oh hahaha) many people do bad/good things because thay want it. they do it by choice
HTH
baby_angel
05-04-2008, 05:26 PM
isa din po ako sa mga anak na iniwan sa pinas....baby palang ako nung iniwanan na ko ng mama ko para mag abroad....:(binigay nya po sakin lahat...pag b-day ko laging may handa or party,pag pasko at bagong taon laging may bagong damit,may regalo....lagi din po shang tumatawag at nag papadala ng mga cards sakin....nung una,ok lang kasi lagi sinasabi sakin na mahal ako ng mama ko kaya binibigay nya lahat ng gusto ko,para daw maging maganda ang kinabukasan ko...kaya naman hindi ako nag rebelde,hindi ako gumawa ng kahit na ano na ikasasama ng loob nya at ng mga nag-alaga sakin....pero bakit ganun?!may kulang parin....hinanap hanap ko talaga yung pag-aaruga ng isang ina:((naiiyak nanaman ako:weep:)ang sakin lang,hindi mapapantayan ng mga bagay ang pag aaruga ng isang ina sa kanyang anak.....kung may mga special occasion ang anak nyo,kung kaya nyong umuwi,umuwi kayo para sa kanya....masarap kasi ang pakiramdam kapag nasa tabi mo ang pinaka mamahal mo sa mga special na okasyon:)at maiisip nya na mahal mo sha talaga dahil nandun ka sa tabi nya!!at ang importante talaga ay yung communication nyo sa isa't-isa...para hindi mapalayo ang loob nyo!!dapat maging open kayo sa nararamdaman nyo,kasi mahirap yung hindi open,dahil dun nag sisimula ang hindi pagkaka intindihan:(
006014202
05-05-2008, 10:40 AM
Sa hirap ng buhay sa tin sa pinas...maraming families ang karamihan nasa abroad ang mga magulang...Coz survival talga ang kailangan. Konting pagtitiis para mapagaral ang mga anak sa magandang school and at the same time para maibigay lahat ng ng kanilang pangangailangan...Ye s, it's the reponsibility of any parent to provide all these...Pero ang pinakaresponsibilida d ng mga magulang is TO GUIDE their children...most especially pag dumarating ang critical period, ung mga teeng agers na, kse jan sila nagkakron ng confusions...Nagtata lo ang isip nila sa pagiging bata at pagiging adult...Ok lang na sa mga early stages gaya ng elementary iwanan ang mga bata kse madali pa silang maentertain sa mga toys...Pero sa mga period na ganyan, mahirap na...Minsan it's much better na di na baleng ung ama ang nasa abroad, wag lang ung INA, kse iba talga ang amoy at yakap ng mothers...We can't blame those kids na nagrerebelde coz jan sa stage na yan nila pagbabalingan ang friends, anjan ung mga influences...buti sana kung good influences...sa mga kaibigan na rin nila matututunan ang mga bagay na dapat sana ang mga magulang ang nagtuturo o nag ga guide...And worst, ang bata kse na kulang sa pag aruga at pagmamahal ng magulang ay may tendency na gawin din nila sa mga magiging anak nila ang mga bagay na nangyari sa kanila...How can they give love to others kung sila mismo ay kulang sa pagmamahal...I think before it's too late, we must try to balance our time sa work and to our children bago majeopardize ang kinabukasan nila, and most importantly try to keep our promises...Nakarecor d kse sa isipan nila lahat yan.
Inday_36
05-05-2008, 11:53 AM
ganyan din yun dalaginding ko, not to the point na nagrerebelde, naghahanap sila ng tamang attention, natuto ngang mangupit ng pera sa lola nya, dahil nanlilibre sa barkada, I asked an advice to my of my friend in the philippines kung normal ba yung ganung? Oo daw.. kasi pag hunger daw ang bata sa pagkain or attention may tendency na ganun ang gagawin.
at ang pinakamagandang advice sa kin ng frend ko is "bonding" lang daw ang katapat nyan.
nung umuwi ako, ganun ang ginawa ko, I spend my whole 3weeks para lang sa kanila, we cook together, simpleng food, nood ng sine, etc.
dont worry too much, "bonding" lang katapat nyan, and prayers.. minsan kulang lang talaga tayo prayers
god bless!
cutie1403
05-05-2008, 01:12 PM
ako naman 4 ang anak ko na nasa pinas.maliliit pa sila nung iniwan ko at nagwork ako dito sa japan.no choice ako kasi namatay ang father nila at an early age at sa akin naiwan ang responsibilidad.nung talent pa lang ako dito,after six months eh nakakauwi ako sa atin pero ngayon nakapag-asawa na ako ng japanese,once a year na lang uwi ko.
wala naman sigurong magulang ang gustong mahiwalay sa mga anak nila pero dahil nasa magulang nga ang responsibilidad para buhayin ang anak nila,kailangang mag sacrifice.
dahil apat nga ang anak ko sa pinas,syempre iba't ibang buwan ang birthday nila kaya kadalasan wala ako sa ganoong okasyon.hirap din kasi ako mag-ipon ng pamasahe dahil malaki ang pinapadala ko sa kanila monthly na panggastos.dahil graduation ng anak ko sa elementary,umuwi ako nung march.yun lang daw hihilingin nya sa akin kaya sinigurado kong makauwi.at pinangako ko din sa mga kapatid nya na pag sila naman ang gragraduate eh uuwi din ako.naiintindihan naman nila kung bakit kailangan kong tumira dito.kaya nga pinupursige ko na makuha na sila para magkasama-sama na kami.
swerte lang ako kasi magulang ko at kapatid ang kasama nila sa bahay kaya naaalagaan sila mabuti.minsan lang sumasagot sila sa nakakatanda sa kanila.parang defense mechanism nila para di sila apihin.sabi ko na lang sa kasama nila sa bahay na intindihin kasi wala nga ako para gumabay sa kanila.
sabi nga nung anak ko sa elementary,may kaklase daw sya na anak ng hapon at pinay at dito sa japan nakatira magulang pero silang magkakapatid eh nasa pinas.3 lang silang magkakapatid sa bahay at walang matandang kasama kaya daw minsan gabi na umuuwi kaklase nya.nakakaawa yung mga ganoong bata.:(
angelica
05-05-2008, 01:18 PM
...And worst, ang bata kse na kulang sa pag aruga at pagmamahal ng magulang ay may tendency na gawin din nila sa mga magiging anak nila ang mga bagay na nangyari sa kanila...How can they give love to others kung sila mismo ay kulang sa pagmamahal...
may i quote lng po...
dahil nga po sa broken family ako galing at hinde nakasama ang mother ko nung childhood ko as much as possible ,with all my strength and kilikili powers
ayokong maranasan ng mga anak ko ang naranasan ko...:)
......peace
006014202
05-05-2008, 02:01 PM
That was so nice angelica...That should really be the right point of view. Dapat ganyan talga ang attitude. What i mentioned lang po earlier was based on psychological studies na marami ang nag fa fall sa ganung situations but it's not in general:)...coz iba iba nman ang pagiisip at character ng bawat bata...Sana ganyan din ang maging kaisipan ng mga ibang kabataan ngayon.:D GOD bless!
may i quote lng po...
dahil nga po sa broken family ako galing at hinde nakasama ang mother ko nung childhood ko as much as possible ,with all my strength and kilikili powers
ayokong maranasan ng mga anak ko ang naranasan ko...:)
......peace
[/quote]
Inday_36
05-05-2008, 02:56 PM
share ko lang ha.
this is from the book "Puro Utos! by Ed Lapiz
di ba un isa sa 10 utos is "Honor Your Father and Mother"
this message is for rebellious children..
...ang nakikita lang ng rebellious children ay kapintasan ng magulang nila, but the fact is, God used them as procreator in your coming into existance. Hindi kayang burahin ng kahit anong pagkukulang ng isang magulang ang katotohanan na siya'y instrumento ng panginoon para kayo'y maisilang sa mundong ito. Hindi kayang baguhin ng ano mang pagkukulang yon."
ganda ng mensahe ni bro. Ed Lapiz dito, talagang tinamaan ako.
japhil
06-20-2008, 02:51 PM
dapat bang sisihin ng anak kung bakit nasa ibang bansa ang magulang nya at yan ang sinusumbat nya sa magulang nya dahil hindi raw sya inalagaan kaya sya nagrerebelde:( sad to say nasasabi na sa akin ng anak ko iyan. . .
kaya lang kung nasa pinas ako ano naman ang ipapakain ko sa kanya hindi naman ako nakatapos ng college, kahit me nakatapos dyan wala rin naman hanap buhay. napakahirap mag hanap ng work sa bansa natin.
sunod naman sya sa layaw at nagtataka rin ako di naman kami nagkulang ng payo sa kanya at ang mga nagbabantay pa sa kanya ehh mga kapatid ko na napaka istrikto sa sarili nila pag nag 7pm na kailangan nasa bahay na sila ganyan kaming magkakapatid. . . pero ang anak ko inaabot ng 1 am or wala ng uwian kinabukasan na uuwi ng bahay:(
at kaming magkakapatid natuto nalang kaming uminom kung kelan matatanda na kami! ako nakapanigarilyo edad 27 yrs old na then dalawa kong kapatid na lalaki never silang nanigarilyo!. . .pero yung anak ko nabinabantayan nila ehh 15 yrs old palang nainom na ng alak at naninigarilyo na:O
akala ko kasi kung ano yung nakikita sa paligid yun din ang gagayahin ng bata pero iba ata ang nangyari:(masmasaya daw sya sa mga friends nya nalagi lang silang nageenjoy. tinatanong ko nga san sya nakuha ng pera pang bili ng sigarilyo binibigyan lang daw sya ng mga kaibigan nya:(
dapat ba namin kausapin yung mga friends nya ?,dapat ba namin pakialaman ang kanyang pakikipagkaibigan para ilayo sya sa mga kaibigan nya na halos di na nag-aaral at ganon di ang gustong gawin sa kanya!:confused::con fused:
pahabol pa po napakadami pa ng gf ng anak ko papano kung bigla syang makabuntis ayaw ko pa pong maging lola kasi bata pa ako:( ano dapat gawin sa babaing mabubuntis nya waaaaaa ayaw ko!!! dyosko dayy!!!
help naman dyan mga mommy.
maraming salamat po
grabe nakakaiyak naman tong thread na to... sana lang malaman din ng anak ko kung gaano ko sya kamahal huhuhuhu...mas gusto ko atang maging magulang at kaibigan ng anak ko kesa kaibigan lang.
japhil san, sorry baby pa lang baby ko e kung may maipapayo ako ay yun ay based naman sa pinagdaanan ko. although hindi ako naging rebellious na anak, tingin ko e lalong magrerebelde ang anak mo pag kinausap mo mga friends nya (although as a nanay e kung ako sa yo din e gusto ko nga din syang ilayo). Kaya thread lightly sa issue na to. At 15 years old e may sarili silang mundo. Feeling nila e kayang kaya na nilang mag isa at nagpapakatigas sila. maigi sigurong kausapin mo nang mabuti. Umuwi ka ng makita mo at makilala mo mga kasama nya. Sana may resident psychologist tayo noh? God bless sa anak mo sis, sana di magtatagal ang phase nyang ito.
angelica
06-25-2008, 01:45 AM
dapat bang sisihin ng anak kung bakit nasa ibang bansa ang magulang nya at yan ang sinusumbat nya sa magulang nya dahil hindi raw sya inalagaan kaya sya nagrerebelde:( sad to say nasasabi na sa akin ng anak ko iyan. . .
kaya lang kung nasa pinas ako ano naman ang ipapakain ko sa kanya hindi naman ako nakatapos ng college, kahit me nakatapos dyan wala rin naman hanap buhay. napakahirap mag hanap ng work sa bansa natin.
sunod naman sya sa layaw at nagtataka rin ako di naman kami nagkulang ng payo sa kanya at ang mga nagbabantay pa sa kanya ehh mga kapatid ko na napaka istrikto sa sarili nila pag nag 7pm na kailangan nasa bahay na sila ganyan kaming magkakapatid. . . pero ang anak ko inaabot ng 1 am or wala ng uwian kinabukasan na uuwi ng bahay:(
at kaming magkakapatid natuto nalang kaming uminom kung kelan matatanda na kami! ako nakapanigarilyo edad 27 yrs old na then dalawa kong kapatid na lalaki never silang nanigarilyo!. . .pero yung anak ko nabinabantayan nila ehh 15 yrs old palang nainom na ng alak at naninigarilyo na:O
akala ko kasi kung ano yung nakikita sa paligid yun din ang gagayahin ng bata pero iba ata ang nangyari:(masmasaya daw sya sa mga friends nya nalagi lang silang nageenjoy. tinatanong ko nga san sya nakuha ng pera pang bili ng sigarilyo binibigyan lang daw sya ng mga kaibigan nya:(
dapat ba namin kausapin yung mga friends nya ?,dapat ba namin pakialaman ang kanyang pakikipagkaibigan para ilayo sya sa mga kaibigan nya na halos di na nag-aaral at ganon di ang gustong gawin sa kanya!:confused::con fused:
pahabol pa po napakadami pa ng gf ng anak ko papano kung bigla syang makabuntis ayaw ko pa pong maging lola kasi bata pa ako:( ano dapat gawin sa babaing mabubuntis nya waaaaaa ayaw ko!!! dyosko dayy!!!
help naman dyan mga mommy.
maraming salamat po
ate japhil....kelan nyo po huling nakasama ang anak nyo?
hinde naman siguro sa hinde nya naaappreciate yung mga ginagawa nyo para sa kanya,siguro sobrang miss ka na rin nya kaya naghahanap ng way out...
hinde lang nya masabi sayo...
memyself&i
06-30-2008, 10:29 PM
sis japhil ang maipapayo ko lang, panatilihin mong takot sa Diyos ang anak mo at may respeto sa mga nakakatanda... (sayo, sa mga nag aalaga)
isang araw ma-realize niya na mali ang ginagawa niya...
ganyan ang kuya ko dati 15yrs old naninigarilyo (ako pa nga taga bili niya e) nahuli ng tatay namin isa lang sinabi ng tatay ko sa kanya, isa pang mahuli kitang manigarilyo ng hindi ka pa tapos ng college uupakan kita...
simula nun tago tago siya, nun naka graduate na sabi niya sa tatay ko... tay tapos na ako ng college tara inuman tayo!! pwede na ako mag yosi sa harap mo!!!
para sa akin teenager nandyan yun curiosity ng mga bata, experiment, inum inum! gimik gimik! isa lang natutunan ko sa tatay ko gumimik kana wag ka lang mag DRUGS!!!
kaya naman nun teenager ako gumigimik din ako, nalasing na din ako sa party with my friends, normal lang yun! teenage life... once in a life time lang!!!
basta paalala mo lang yun limitations anak niya.. kung sa sex naman lalaki siya sabihin mo gumamit condom... maging open ka sa kanya sabihin mo mahirap kapag nag ka anak siya ng maaga...
kaibiganin mo!!! tatay ko ka vibes namin pero alam namin kung ano limitations namin.. pag nagalit na, at sinabing walang gimik, grounded sa phone... wala talaga!!!
kaya mo yan sis japhil!!! TIRA! TIRA!! FIGHT FIGHT GANBARE GANBARE!!!
Takoradi
07-01-2008, 12:08 AM
dapat bang sisihin ng anak kung bakit nasa ibang bansa ang magulang nya at yan ang sinusumbat nya sa magulang nya dahil hindi raw sya inalagaan kaya sya nagrerebelde:( sad to say nasasabi na sa akin ng anak ko iyan. . .
kaya lang kung nasa pinas ako ano naman ang ipapakain ko sa kanya hindi naman ako nakatapos ng college, kahit me nakatapos dyan wala rin naman hanap buhay. napakahirap mag hanap ng work sa bansa natin.
sunod naman sya sa layaw at nagtataka rin ako di naman kami nagkulang ng payo sa kanya at ang mga nagbabantay pa sa kanya ehh mga kapatid ko na napaka istrikto sa sarili nila pag nag 7pm na kailangan nasa bahay na sila ganyan kaming magkakapatid. . . pero ang anak ko inaabot ng 1 am or wala ng uwian kinabukasan na uuwi ng bahay:(
at kaming magkakapatid natuto nalang kaming uminom kung kelan matatanda na kami! ako nakapanigarilyo edad 27 yrs old na then dalawa kong kapatid na lalaki never silang nanigarilyo!. . .pero yung anak ko nabinabantayan nila ehh 15 yrs old palang nainom na ng alak at naninigarilyo na:O
akala ko kasi kung ano yung nakikita sa paligid yun din ang gagayahin ng bata pero iba ata ang nangyari:(masmasaya daw sya sa mga friends nya nalagi lang silang nageenjoy. tinatanong ko nga san sya nakuha ng pera pang bili ng sigarilyo binibigyan lang daw sya ng mga kaibigan nya:(
dapat ba namin kausapin yung mga friends nya ?,dapat ba namin pakialaman ang kanyang pakikipagkaibigan para ilayo sya sa mga kaibigan nya na halos di na nag-aaral at ganon di ang gustong gawin sa kanya!:confused::con fused:
pahabol pa po napakadami pa ng gf ng anak ko papano kung bigla syang makabuntis ayaw ko pa pong maging lola kasi bata pa ako:( ano dapat gawin sa babaing mabubuntis nya waaaaaa ayaw ko!!! dyosko dayy!!!
help naman dyan mga mommy.
maraming salamat po
Subukan mo kayang may mapaglibangan ang anak mo sa bahay like anak ko noong nag-college sa pinas mraming nakaka-stress sa paligid nya. Natuto maglaro ng billiard sa labas ang ginawa ko binilhan ko ng billiard table sa bahay yun medyo di na lumalabas kasi sa bahay na lang cya naglalaro w/ friends.Di rin naman magtatagal mga friends sa bahay kasi mahihiya sila.Tapos bumili ako ng puppy ( big dog bread cya )at pina-train ko at nakikita ng anak ko medyo nag-iba na uli yung pinagka-abalahan nya.Bumili din cya ng gusto nyang puppy ayon school bahay na cya kasi aliw na aliw sa alaga nya.Pati sa gabi dala nya sa kwarto nya katabi matulog.Di lang aso marami pang ibang pets na maaalagaan.
Siguro kung may pinagkaka-abalahan mga anak natin di nila maiisip maghanap ng kalinga natin.
Suggestion lang ito baka makatulong.
cute_pinay79
07-01-2008, 10:52 AM
Sis Japhil... pa-share lang din ako ha....
may 2 din akong anak sa Pinas... tulad ng sabi nila, kailangan talaga ng constant communication between parent at child... Ganun ang ginagawa ko... halos everyday ay nag-cha-chat kmi nong 12 yr. old boy ko... Khit sa chatting lang, ipinararamdam ko kung gano ko sila kamahal. Lagi ko sila kinukumusta, nagchichikahan kaming mag-ina kung ano pinag-gagawa nila sa araw-araw, upang khit malayo ako sa knila, para ko na ring nkikita sila sa araw-araw na activities nila.... na syang nagpapahirap sakin... di ko makuhang magsaya dito, kasi naiisip ko yong mga anak ko doon sa pinas.... I feel guilty for them... itong half-sis/brod nila naalagaan ko personally, samantalang sila.........:( haaayyyy...
hirap ng mga sitwasyon natin... 2 mos. ago, nagbitiw na din ang anak ko sakin ng ganitong salita (thru offline messages)... " alam mo Ma, di na ikaw yong Mamang kilala ko nong bata pa ko... noon, lagi mo kaming pinaglalaban, di ka pumapayag na malayo samin kahit saglit... pero ngayon, bakit nandyan ka sa malayo? di mo na ba kami mahal? nami-miss ka na namin Ma, uwi ka na lang dito para masaya na tayo uli, isama nyo na lang yong mga kapatid nmin... sabihin mo kay Papa 'Ma, sya na lang dumalaw-dalaw ng Pinas... I love you Ma, miss you always!" Hindi ko napigilang umiyak after kong mabasa yong message nya... ito ang naghudyat sakin para mag-decide na its about time na kunin ko na sila dito sa japan... Ngayon, waiting na lang kami sa COE nila... hopefully by August ay masundo ko na sila...:)
Hindi talaga maiiwasang mag-rebelde ang batang lumaki ng wala sa tabi ang magulang.... khit pa anong ganda ng pag-aalaga at pagpapalaki... Pero din nman lhat ng bata ay ganun... may mga bata lang talaga na masyadong curious sa kapaligiran nila... nakikita nila yong diffrences nila sa mga batang kumpleto ang mga magulang sa tabi... lalo na pag may mga activities sa school, yong mga kapwa nila bata, present ang parents, sila, kundi lola ay mga tiya o tiyo ang kasama...
Tsaka, katatamaran ng bata umuwi sa bahay na di mo naman matawag na tahanan... dahil sa kakulangan ng mga miyembro ng pamilya... sabi nga, what is a Home without parents? Di ba nga, Home is a dwelling place together with the family; an environment offering security and happiness...:)
Sa case ng anak u Sis, siguro mas makabubuting makaharap/makausap mo sya ng personal... bago tuluyang lumala ang sitwasyon... need nyo ng mother & child's talk... masinsinang pag-uusap... explain u lahat sa knya, bakit nyo kailangang maglayo, at pati na rin ang mga mali sa ginagawa nya... wag kang magagalit sa knyang mga mistakes, pero let him/her know and understand na mali ang ginagawa nya... at sya rin ang magsa-suffer nyan sa huli.:)
Ganbatte ne, mga mommies!:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.