View Full Version : Timog Forum: Paano Nagsimula, Saan Patutungo?
Kanlungan
02-07-2006, 04:33 PM
bago pa lamang ako rito sa "timog forum", kokonti pa lang ang aking nai-i-post, o na-i-ibahagi na idea o mga katanungan dahil madalas ay sumisilip lang ako sa mga "thread" na kanais-nais at may katuturan, pati na rin sa mga nakakatawa. marami na rin akong natutunan sa aking pagsilip dito mula pa noong oktubre 2005, at masasabi kong mahusay ang mga taong nakaisip at nagtitiyagang mag-maintain ng "forum" na ito. (am taking my hats off for all of you guys! saludo ako.) dito ko rin nakikita ang mga kasagutan sa mga katanungan tulad halimbawa ng mga bagay na naaayon sa pang-araw-araw kong pamumuhay dito sa japan at kung anu-ano pa.
tulad din ng paminsan-minsan na pagtatanong ko sa sarili kung paano ako ginawa, ano ba ang dahilan at narito ako sa mundo, at saan ba patutungo ang buhay ko, minsan natanong ko rin at ngayon ay nais ko rin itanong sa inyo at sa ating mga moderators kung paano ba nagsimula ang "timog forum", bakit "timog", hindi ba pwedeng "hilaga", "kanluran" o "silangan"? sa aking palagay, mula sa pagkakatatag nito ay halos may 1 at 1/2 taon na rin na patuloy na nagiging behikulo ng pag-uugnayan ng mga filipino dito sa japan, kahit na natatago ang bawat isa sa kani-kaniyang "username". pero, saan ba ito patungo? paano kung nawala na ang mga "moderators" o "administrators" natin? paano rin kung lahat ng mga katanungan ng bawat "members" ay mayroon nang mga sagot na makikita natin sa mga nakaraang "threads" at pwede na lang nating silip-silipin? paano natin mapapanatili ang pagiging aktibo ng "forum" na ito na halos umabot na sa mahigit 150 ang mga sumisilip at nagbabahagi ng kanya-kanyang kaalaman?
mga katanungan na pilit sumasagi sa aking isipan... may sagot ka ba?
Narito (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=538 ) ang sagot sa iba mong katanungan. Tungkol naman sa patutunguhan ng TF........walang nakakaalam.
nikita
02-07-2006, 05:20 PM
Tungkol naman sa patutunguhan ng TF........walang nakakaalam.
Paul,nakakatakot ka naman lalo na sabay tingin sa avatar mo:eek: :p
Kanlungan
02-07-2006, 05:27 PM
paul... maraming salamat, kahit paano ay naliwanagan ako tungkol doon sa tanong ko kung paano nagsimula ang "timog". pero, marahil ay may sagot ka rin kung bakit ba "timog" ang napiling pangalan nito. at marahil bilang "moderator" at "administrator" nito, ano ba ang nakikita ninyo sa "timog forum" 5 o 10 taon mula ngayon. maganda ang layunin... pero paano ito mapapanatili?
halimbawa lang, at isa rin sigurong masasabi natin magandang patutunguhan ng forum na ito ay kung kaya nating gumawa ng "guidebook" ng pamumuhay dito sa japan batay na rin sa mga naibahagi ng bawat kasapi. isa lang ito sa masasabi nating halimbawa, pero sa tingin ko ay marami pa.
tfcfan
02-07-2006, 05:27 PM
"walang nakakaalam":eek: :eek: :eek: para namang "Nginig Host" ang dating ni Paul.
Pero sa tingin ko habang may mga Pinoy na andito sa Nihon or mga nagnanais na pumunta sa Nihon,tyak malayo pa ang mararating ng Timog Forum:)
Minna San Gambarimashou!:group hug:
Kanlungan
02-07-2006, 06:56 PM
@tfcfan... tama ka hinggil sa nasabi mo na base nga ito sa patuloy na migrasyon ng mga filipino rito sa japan. pero, hindi naman lahat sa kanila ay katulad natin na may computer sa ating harapan. ang isa pang bumabagabag na katanungan ay paano na kung hindi na kayang isingit ng mga "moderators" at "administrators" sa kanilang napaka-hectic na schedule sa trabaho o sa paaralan ang pagme-maintain ng site na ito? saan ito patutungo?
docomo
02-07-2006, 07:32 PM
@tfcfan... tama ka hinggil sa nasabi mo na base nga ito sa patuloy na migrasyon ng mga filipino rito sa japan. pero, hindi naman lahat sa kanila ay katulad natin na may computer sa ating harapan. ang isa pang bumabagabag na katanungan ay paano na kung hindi na kayang isingit ng mga "moderators" at "administrators" sa kanilang napaka-hectic na schedule sa trabaho o sa paaralan ang pagme-maintain ng site na ito? saan ito patutungo?
.... walang kasagutan sa katanungan mo kung saan ito patutungo... ang mahalaga ay ang pangkasalukuyan diba, nakakatulong sa mga nangangailangan .... sa akin ha, i~enjoy habang nandyan pa , ibigay natin ang pagkakataon na makatulong tayo habang nandito pa tayo ... siguro naman by the time na wala na ang forum.. may ibang generation naman na magtataguyod ng panibago... at pag dumating na yung araw na yon... isa pa rin ang magiging mithiin ng kung sinong magtataguyod katulad ng mithiin ng pangkasalukuyang forum... ang makatulong ... katulad ng TF :)
Hello Kanlungan! :) Deep naman yang question mo. Tama din si Paul, hindi ko rin alam kung saan patungo ang Timog (sa gawing south?, joke, joke) :)
Personally, ang gusto ko sanang gawin sa Timog ay magkaroon ng project kung saan magta-translate ng kung ano-anong forms at mga legal papers para sa mga Pinoy na hindi marunong mag-Nihongo. Naisip ko kung bawat isa sa mga marunong mag-Nihongo ay mag-volunteer na i-translate ang isang form, madali lang ma-translate ang mga 'to.
Gusto ko rin sana na maraming discussions tungkol sa Nihongo, dahil kahit nakakaintindi ako ng Japanese, marami pang mas magaling sa akin na puwedeng pagtanungan ng kung ano-anong tungkol sa Nihongo. (Gaya ng ano ba talaga ang pagkakaiba ng "している" at "してある"?
Gusto ko rin sana ang discussions tungkol sa manners ng mga Japanese (generally speaking) at sana mas maging more Japanese tayo sa manners. Tayong mga Pinoy proud sa sarili nating culture to the point na mahirap nating i-adopt ang magandang traits ng ibang bansa (gaya ng Japan). Sayang naman dahil nandito na tayo.
Hindi rin namin gustong maging "ordinary lang" na forum ang Timog (yung kagaya ng kung ano-anong generic na Pinoy forum). Kung may magawa sana tayong worthwhile na bagay dito... other ideas?
Kanlungan
02-07-2006, 08:46 PM
@docomo... nangangahulugan ba sa sinabi mo na hahayaan na lang natin ang tadhana kung ano ang mangyari sa TF? basta ang mahalaga ay matugunan o matulungan lamang ang mga taong nangangailangan sa kasalukuyan. sa tingin ko ay totoong maganda ang mithiin ng forum na ito. kung alam natin na maganda at labis na makakatulong ito kahit sa mga susunod pang henerasyon, hahayaan na lang ba natin itong mawala ng basta-basta na lamang?
hindi ba't mas maganda na pag-isipan din natin sa kasalukuyan kung paano tayo magiging instrumento ng pag-uugnay ng kahapon at ng bukas?
Kanlungan
02-07-2006, 09:14 PM
@reon... maraming salamat sa iyong sagot sa ilan sa aking mga katanungan. mahirap nga marahil na masabi kung saan ito patutungo, katulad nga ng nasabi ni paul at ni docomo na "walang nakakaalam". pero, hindi ba mas makakabuti kung sa 1 at 1/2 taong itinagal na ng TF ay malalaman natin sa ngayon kung ano ba ang direksyon nito. ano ba ang konkretong layunin nito mas higit sa kung ano ba ang kayang gawin nito sa kasalukuyan. maari rin nating pag-basehan ang mga bagay na nangyari na sa 1 at 1/2 taon ng pamamalagi ng TF para pag-isipan kung ano pa ang kaya nitong gawin para sa mga susunod pang henerasyon.
tungkol naman sa nasabi mong proyekto tungkol sa translations ng mga legal documents, katulad halimbawa ng "birth certificate", "marriage license" etc. pwede siguro tayong maglagay ng isang "thread" o tawagin nating "database" na nauukol dito. napakabuti nito at may "lasting effect" pa sa pagtulong sa ating mga kababayan sa Japan at sa buong bansa na may kaugnayan sa bansang hapon. isulong natin ang proyektong ito!
sa mga iba't ibang kataga sa nihongo at sa japanese manners, pwede tayo sigurong magbukas pa ng isa o dalawang "thread" para rito.
ang sa akin naman, kung magagawa nating pagsama-samahin (compile) ang mga ideas, karanasan sa bansang hapon at iba pa na nakasulat na rito, maari natin itong gawing isang guidebook ( na magiging parang bibliya) ng mga filipinong narito sa japan, may hilig sa bansang hapon at sa mga parating pang henerasyon.
hindi ba mas labis na kanais-nais ito? isa rin ito sa tinutukoy ko na halimbawa kung paano natin mapag-uugnay sa kasalukuyan ang mga nangyari sa nakaraan para naman mapakinabangan sa kinabukasan... halimbawa lang ito at naniniwala ako na marami pa!
Ang kinabukasan ng Timog Forum ay nakasalalay hindi lamang sa mga administrador kundi sa bawat miyembro nito. Nabanggit na ni reon ang ilan sa mga layunin ng TF. Ngunit ang mga ito ay nangangailangan ng kooperasyon ng ating mga miyembro. Sa ngayon ay marami na ring impormasyon ang nilalaman ng TF na makakatulong sa mga ating mga kababayang naninirahan o nais manirahan dito sa Japan. Ngunit hindi rin natin maikakaila na marami-rami rin ang mga diskusyon na hindi naman gaanong nakakatulong sa mga layuning ito. Mahirap isaayos ang impormasyong ito. Nangangailangan ng maraming oras at tiyaga sa parte ng mag-aayos. Kung kaya't hinihikayat ko ang lahat na sundin nang masinsinan ang mga patakaran ng Timog Forum. Atin pong tandaan na ang unang layunin ng Timog Forum ay ang matulungan ang mga Pilipino dito sa Japan at ang mga kababayan nating may mga katanungan tungkol sa pamumuhay dito sa Japan. Huwag po sana nating gawing unang layunin ang tsismisan at pag-post ng walang katuturang bagay.
Ayan, Kanlungan, napasulat mo tuloy ako sa Pilipino :D.
Siyanga pala, ang sagot sa katanungan mo tungkol sa pangalang "Timog" ay matatagpuan din sa thread na aking nabanggit sa una kong sagot.
japphi
02-08-2006, 08:43 AM
Saan papunta ang Timog Forum....hhhmmmm.... mabigat na katanungan nga na kahit sino sigurado dito sa mga moderators o admin natin ay nabulabog at hindi ma i-locate ang sagot o ang hinahanap mong kasagutan.
Tulad ng pagkakaalam natin.....marami sa mga members dito ay andito sa Japan para sa kani-kanilang mga trabaho o propesyon o pamilya...na darating ang panahon na magsisi-uwian din sa sariling bansa natin na hindi masasabi kung magiging aktibo pa ba pagdating ng panahon na yon.
Sa pananatili dito sa Japan habang ginagawa ang pang-kabuhayan ng bawat isa ay nakapag-tayo ng kanitong Bahay sa internet para sa mga kababayan natin dito.Na unti-unti na itong nasisilungan lalu na't nung mga member na talagang naghahanap ng mga kasagutan sa kani-kanilang mga tanong.
Kung ang Timog Forum ay for bussiness na masasabi.....o maitutulad sa embahada ng ating bansa.....100% ay mananatili itong nakatayo ito dahil sa kailangan talaga.Pero hindi .....tinayo ito ng dahil sa isa-isa sila kanila ay gustong makatulong ....na sa kanilang kakayahan.....o sa kanilang maibibigay na partisipasyon para sa atin ay nagpupunyagi na maibahagi ng kani-kanilang nalalaman o mahalagang oras para mabuo ito.
Sa palagay ko...maraming mga plano ang admin at mga moderators para sa ika-uunlad ng TF at para sa ikatatagal pa nito.....pero tulad ng ating kaalaman hindi ito ang kanilang primero na trabaho dito sa Japan.Libre ang pagiging myiembro dito na labas-masok ang ninu man....bawat isa ay may kanya-kanyang paniniwala at naisusulat dito na hindi rin naman lahat ay nako-kontrol ng mga moderators natin.
Saan nga kaya papunta o hanggang kailan ang Timog ....para sa akin malaking pasalamat na ito para sa lahat na mayroon tayo nito at nawa'y kung dumating man ang panahon na ito at pahimlay na.... ay may iba pang mga kababayan natin na may puso na sasagip nito at iwagayway ulit ito para sa bagong henerasyon.....at nawa'y kung dumating man ang panahon na iyon.....sana...sana ....ay manatili ang historya nito kung sinu-sino ang mga bumuo nito,ano ang motibo nila at maging sirkulo pa rin ang mga nilalaman nito para sa bago pang henerasyon na gustong manirahan dito sa Japan.
Kanlungan
02-08-2006, 08:54 AM
salamat ng marami paul... ngayon ay unti-unti ko na ring napapag-ugnay-ugnay ang mga bagay-bagay. tama ka, di nga lang sa administrador nakasalalay ang ikatatagumpay ng timog, nasa miyembro rin. at ito nga ang puntos ko at nais iparating sa mga nasulat ko. ang hinahanap ko pa ring hindi malinaw na kasagutan ay ang tungkol doon sa "direksyon". nais ko sanang malaman sana sa inyo kung paano niyo ba nakikita ang "timog" 5 o 10 taon mula ngayon, para naman mayroon ding maging gabay ang mga miyembro na kasama-sama ninyo sa pag-unlad nito. o hahayaan lamang ba natin na ang tadhana ang gumawa ng "direksyon" nito.
tungkol sa bakit ba "timog", hindi ko nadaanan 'yong sagot ni reon sa thread na nabanggit mo sa una mong sagot. binalikan ko muli at ngayon ay alam ko na kung bakit. naala-ala ko rin nga ang timog avenue sa quezon city kung saan naroon ang kasiyahan tuwing gabi. pero, dito sa "timog forum", " 24 hours" ang kasiyahan!
mOtt_erU
09-12-2006, 12:28 AM
hi kanlungan San:)
medyo mind buggling yang mga tanong mo, pero okey yan.
pareho tayo pag may kinisiru koto ako eh tinatanong ko din
pa OT ha, like dito sa TF yung iba kong tanong sa sarili ko eh ginagawa kong thread..kaso there are times na namimisUnderstood ako..
Shoganai, hindi naten kase sakop ang isip ng iba, whether "narrow minded" ba tong tao na to o "Open minded" pa.
ayumi
09-20-2006, 02:47 AM
@KANLUNGAN san,
napahanga mo ako sa lalim ng iyong mga katanungan
at sa lalim din ng iyong kaalaman sa ating wikang Pilipino.
Naisip ko rin ang ibang katanungan,ngunit naniniwala ako
na ang mga bagay na katulad ng TIMOG forum ay pinakamahirap sa simula
(naku! mukhang tumatagilid na ang tagalog ko!bisayain ko na lang kaya?)
Kahalintulad ng ibang bagay,sa UNA
ang pinakamahirap na hakbang patungo sa mahaba at matagumpay
na paglalakbay at pagwawakas.Subalit,s a aking pagtatanto at obserbasiyon(tagalog ba'to?) napakaganda at napagaling ng mga nagpasimuno ng talakayang ito
kaya hindi malayong ang pakikipagtalakayan ng mga migranteng Pilipino
sa bansang Hapon ay malayo ang mararating.(ang hirap!)
...malalim,maayos at maganda ang simula kaya siguradong maganda rin ang wakas(?)
sana hindi magwawakas ang mga pahinang isinusulat ng mga matatalino,masisipag
na katulad mo,katulad nila,katulad namin...dahil ang mga pahinang ito ay magsisilbing isang gabay sa ating paglalakbay at parang isang kanlungan ng mga hinaing,kalungkutan, kasiyahan,karanasan sa bansang Hapon na tanging TAYONG mga
nanirahan at nakarating sa bansang ito lamang ang makapagpahayag at magsilbing
isang buhay na patunay.Ito ang isang bahagi ng kasaysayan ng mga Pilipino sa bansang
HAPON na mababasa ng susunod na henerasyong Pilipino,Hapon....at ng mga dayuhan.
Kanlungan
09-20-2006, 05:05 PM
sana nga ay magpatuloy ang mabuting simula ng Timog Forum patungo sa isang makabuluhang adhikain. at huwag sana nitong abutin ang kahit gaano pa mang napakagandang wakas.
katulad din ng mga naisulat ko na, maging gabay sana itong "thread" na ito ng bawat isa sa atin - miyembro man o moderator upang panatilihin ang mga layunin na nais makamit ng mga nagbuo ng Forum na ito. maging "kanlungan" nga sana ito ng mga taong naninirahan at may nais matutunan sa bansang hapon.
sa ngayon... sa bawat pagsulat natin at paglalagay ng mga kuro-kuro, isaalang-alang din natin at isipin ang idudulot nitong mabuting bagay upang mapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon. bigyan din ng pansin kung ano ba ang kaya nating maibabahagi upang di lamang mapanatili ang adhikain na ito kundi para rin mapalago pa ito sa ngayon at higit sa lahat para sa kinabukasan.
paglipas ng 5 o 10 taon... nais ko sana muling balikan ang katanungan sa "thread" na ito. at sana sa pagbalik gunita sa mga pangyayari sa mga taong nakaraan ay may kasagutan na ang bawat isa sa atin.
sa iyo sana manggaling ang unang kasagutan.
shampooman
01-11-2008, 01:20 AM
dagdagan natin ang tanong mong paano at saan... ng BAKIT TIMOG?
at sat pagbabalik mo, sana ay may sagot ka na at hindi na tanong ang sagot mo sa bakit.
gabby
01-11-2008, 02:06 AM
Paul,nakakatakot ka naman lalo na sabay tingin sa avatar mo:eek: :p
Hello Sexy! Kumusta?:p
Hindi! kina-career na ni Paul ang pagiging serioso.:p
gabby
01-11-2008, 02:13 AM
@ Kanlungan
What lies behind your question?:)
elyurika
01-14-2008, 07:56 AM
Habang binabasa ko ang mga post dito ,nagtatayuan balahibo ko!ngi!!!!pero may katuturan ang bawat katagang nakasulat~~~~~^oo nga ,ang layunin ng tf ay makatulong sa mga pilipinong nakatira dito sa Japan at saan man bahagi ng mundo~~~^isa na 'ko ron ~^ang laki ng naitulong sa akin ng Timog forum......maraming tanong ko nasagot ng mga kababayan natin na may malasakit sa kapwa~~~~napaka-useful talaga at nakakatuwa na magkaroon ka ng maraming kaibigan dito,tunay na kaibigan na hindi nang hihingi nang anumang kapalit~~~~kaya sana ang layunin ng forum na ito ay ating palawakin~~~~sana lahat ng members mag-isip tayo kung paano natin ito mapapalago, tama na ang siraan, ang mga walang kwentang parinigan ,kaya hindi mo rin masisi ang ibang members na makapagsabi ng hindi maganda na nauuwi sa debatihan,yan ay dahil sa mga myembrong walang nais gawin kundi mang-inis ng kapwa"may kasabihan nga,ang sundalo pag nasugatan,lalaban at lalaban" kaya wag sana nating sirain ang pagkakaisang ito ng pinag-isa ng forum,sana tumagal ng mahabang panahon ang forum na ito~~~~~mabuhay po kayo mga administrators and moderators!!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.