esturyshade
02-07-2006, 06:57 PM
magandang araw sa inyong lahat dito sa TF.may gusto lang akong isalabas ng damdamin sa aking napanuod at inaabangang game show na wowowee.sa araw araw na gawain ko hindi pwedeng hindi ako maupo ng saglit mapanuod lamang ang programang yan.ika nga para tayong nasa pinas.isa ako sa nakikitawa,nakikikan ta,nakikiiyak,at nakakasaksi kung pano magdamayan ang bawat isa sa isang nangangailangan nating kababayan....bilb din ako sa mga TFC subscriber sa kanilang kusang pagbibigay at pag unawa sa bawat mahirap na nangangailangan..Sa isang iglap sa araw mismo ng aking ding pinakahihintay.na anibersaryo nila dumilim ang saya ng bawat isa.naibsan ang saya ng kalungkutan ng bawat isa.humaplos sa puso ng bawat pilipino ang sinapit ng kapwa natin pilipino,na umaasa sa sapalaran.mga kababayan nating bawat isa'y nagsabing "silay makikipagsapalaran"..At heto nga ang bawat isa sa kanila na namatayan,umiiyak,na hihinagpis,nagsisisi at yuko sa panlulumong nawalan sila ng pamilya at kamag anak dahil sa isang sapalaran.Gaano kadami ang sampung patay?hindi bay marami na?ano pa kaya ang pitongputdalawa na nasawi sa stampede na yon?Maging isang aral nawa sa bawat kababayan natin ang nangyring trahedya.
At para sa kin.ganito na ba talaga kahirap ang ating bansa?na lalo pa talgang humihirap?at kahit sino yata ang ilagay sa posisyon hindi at hindi magbabago ang pamamalakad ng gobyerno sa buong mamamayang pilipino.ang isang mahirap ay mananatiling hirap at gutom,kumakalam ang sikmura ng bawat pamilya.samantalang ang mayaman,mananatiling mayaman at yayaman pa.ang pangyayaring stampede sa ultra ng mga tao.maging bukas kaya ang mata ng gobyerno?maging daan kaya ito na maisip na nilang maraming pilipino ang walang trbaho at nagugutom?maisip na kaya ng gobyerno natin na baguhin na at simulan ang bago para sa ating bansa?ilang dekada na kaya ang lumipas,nabago ba ang pilipinas?Ilang kababayan natin ang muling makikipagsapalaran sa isang gameshow na kung iisipin swertehan lang din kung ikaw ay mapili.isa sa 9,000katao na pumipila lamang ang mapipili.paano na muli ang iba?
bakit kaya hindi maramdaman ng gobyerno natin na maraming tao at libo libong tao ang hirap sa buhay?maliit pa ko ganito na ang namulatan kong pamamalakad ng gobyerno halos pare preho lang.lumaki na ako ganito pa rin?at malamang kahi t anong sabihin natin o kahit sino pa ,kahit pag usapan pa ang problema ng ating bayan ,wala pa rin ganun pa din..
.kaibigan,akoy talagang nalulungkot no,sa sinapit ng kapwa natin pilipino sa Ultra stampede nuong sabado ano bang payo ang mabibigay natin sa kapwa natin pilipino na nakikipagsapalaran?
ating ipagdasal ang kanilang kaluluwa na maging masaya na sila sa kanilang kinaroroonan.Salamat sa mga magbabasa.