View Full Version : Hiking Club
Sinong interesado sa isang Hiking Club? Matagal ko nang naisip ito pero ngayon lang ulit bumalik dahil sa mga comments ni Warlock at Thermometer sa Akyat sa Mount Yari (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=269 ).
Simple lang na Hiking Club, para mag-share ng info tungkol sa magagandang hike, tungkol sa mga akyat, at share ng pictures siyempre. For moral support din at encouragement para sa mga tinatamad maglakad at umakyat (mas madali kasi ang magbabad sa harap ng TV at computer). At siyempre, for organizing hikes. :)
Walang membership fees, walang mga officers, at walang mahabang constitution. Puro members lang na interesado.
(Yung last time na plinano namin na hindi natuloy ay Kitadake (second highest sa Japan, malapit kina Maple) at yung isa naman ay yung Nantai-san (http://www.pref.tochigi.jp/top_b_2.html) sa may Tochigi malapit sa Nikko. Gusto kong akyatin ang dalawang ito pero kailangan ko ng kasama.)
May interesado ba? Any ideas?
thermometer
02-08-2006, 10:24 PM

We want MOUNTAIN!!!....We Want HIKING!!!!...EB with Hiking...
We want MOUNTAIN!!!....We Want HIKING!!!!...EB with Hiking...
We want MOUNTAIN!!!....We Want HIKING!!!!...EB with Hiking...
........Nice Idea Reon...Puede na natin simulan sa Spring hehehe....
warlock^_^
02-09-2006, 01:03 AM
kailangan ko na mag jogging, masama balak ni reon.
Naiwan ko sa pinas yun book ko na Hiking in Japan :(, meron dun write up sa climb ng Nantai. Well of course pati Kita-dake.
Pati pala trek pole ko naiwan ko..oh my knees:p
cyclops
02-09-2006, 06:19 AM
nag-babalak din ako this year, sama ako dyan Reon-san.
tell me in advance para makapaghanda ng budget.hehehehe
cyclops:) :) :)
thermometer
02-09-2006, 07:25 AM
kailangan ko na mag jogging, masama balak ni reon.
Naiwan ko sa pinas yun book ko na Hiking in Japan :(, meron dun write up sa climb ng Nantai. Well of course pati Kita-dake.
Pati pala trek pole ko naiwan ko..oh my knees:p
hehhee.. I need to prepare things ... natatandaan ko nong unang akyat ko sa MT Fuji... sandals lang gamit ko hehehee...
...teka teka,, baka me vendo machine na naman sa aakyatin natin ha hehehee..
maple
02-09-2006, 08:05 AM
Sa Kitadake na lang kayo umakyat!:)
At pagkatapos ninyo mag hiking doon, mag EB tayo dito sa bahay ko!:p (Please)
Whaddyathink!?
thermometer
02-09-2006, 08:09 AM
Sa Kitadake na lang kayo umakyat!:)
At pagkatapos ninyo mag hiking doon, mag EB tayo dito sa bahay ko!:p (Please)
Whaddyathink!?
Psssttt Mapple....heheee magandang IDEA yan ah hehehee at least me sasalo na sa amin hehehe... sama ka na din pag umakyat tayo ...
ichimar
02-09-2006, 08:10 AM
Sa Kitadake na lang kayo umakyat!:)
At pagkatapos ninyo mag hiking doon, mag EB tayo dito sa bahay ko!:p (Please)
Whaddyathink!?hello ms.maple.malapit lang po ba sa inyo ang miruko san....nakaakyat na po ako don last time,gusto ko po sanang sumali sa hiking,kaya lang ang layo ko....mahilig talaga ako dyan....:)
thermometer
02-09-2006, 08:16 AM
hello ms.maple.malapit lang po ba sa inyo ang miruko san....nakaakyat na po ako don last time,gusto ko po sanang sumali sa hiking,kaya lang ang layo ko....mahilig talaga ako dyan....:)
hmmm Why not we have a Poll to vote on which MT ang maganda akyatin....wag na yong MT Fuji ha hhehehee
1. Kita Dake
2.Nantai-san
3??
4??
.. open for any suggestion..
maple
02-09-2006, 08:31 AM
Psssttt Mapple....heheee magandang IDEA yan ah hehehee at least me sasalo na sa amin hehehe... sama ka na din pag umakyat tayo ...
ey thermo san, kung i-o-onbu mo ba ako hanggang sa tuktok ng Kitadake eh baka sumama ako:D
thermometer
02-09-2006, 08:33 AM
ey thermo san, kung i-o-onbu mo ba ako hanggang sa tuktok ng Kitadake eh baka sumama ako:D
hehehehe wag naman ganon..hehehe para ako nag Penetensya at umakyat sa bundok ng golgota pag ginawa ko sayon sayo hehhehehe..
.. pero I personally vote KITA DAKE tayo hehehee.... gagawa na ako ng Flag para pag naakyat natin yong taas eh ilalagay ko yong Flagng TF sa taas hehehee...
"TF was been here.."
maple
02-09-2006, 08:46 AM
hello ms.maple.malapit lang po ba sa inyo ang miruko san....nakaakyat na po ako don last time,gusto ko po sanang sumali sa hiking,kaya lang ang layo ko....mahilig talaga ako dyan....:)
ichimar san, hisashiburi ne!:)
sorry, hindi ko alam kung saan yang "miruko san":O pilitin mong makasama sa hiking club ng TF:p ako mag-babantay kay Mariko chan habang uma-akyat kayo sa bundok;)
thermometer
02-09-2006, 10:34 AM
Just starting to get the details of the mountain and found out this site. Hope this could help us.
Trail Data Basel (http://www.traildatabase.or g/countries/japan.html) ..
Month of April might be a good Month for us to Climbed ...:)
warlock^_^
02-09-2006, 10:37 AM
wow bait naman ni Maple... dunno kung magkano expenses dito since wla yung guide book ko. Si Reon baka may copy nung book. Kasi ang Yari trip or typical 2 day hike sa Nagano can cost 50K yen. I know most of you need to cut cost din naman. Sa pinas nde ko naabot yung ganung expenses sa climbing hehe.
Anyway, maple you need to prep a hot bath since obviously ilang araw kami wlang ligo :eek:
Sa Kitadake na lang kayo umakyat!:)
At pagkatapos ninyo mag hiking doon, mag EB tayo dito sa bahay ko!:p (Please)
Whaddyathink!?
thermometer
02-09-2006, 10:47 AM
wow bait naman ni Maple... dunno kung magkano expenses dito since wla yung guide book ko. Si Reon baka may copy nung book. Kasi ang Yari trip or typical 2 day hike sa Nagano can cost 50K yen. I know most of you need to cut cost din naman. Sa pinas nde ko naabot yung ganung expenses sa climbing hehe.
Anyway, maple you need to prep a hot bath since obviously ilang araw kami wlang ligo :eek:
Bakit naman "Hot Bath " lang... mas maganda siguro matikman natin ang naitatago recipe ni MAPLE hehheee.... Menu Kudasai!!
aprilluck
02-09-2006, 11:20 AM
@ reon
Count me add mo na rin iyung panganay ko kung puwede kasi we went mountain climbing,
treks,hikes,iyan ang isa sa mga bonding namin.Last Oct. nagpunta kami sa Nagano ,participants
were 20-up to 70 years old (except my son who was just 14 but hooked by the members to join, kasama na ako doon) So in favor of senior members we didn't tried the challenging zones ,yet we had a fine one,inulan pa kami which was one of the worst thing in mountain climbing , had to slow down on our way ,madulas na hindi pa makita ang daan lalo na sa
pag baba .Then went to onsen after the tiring day.
Mountain climbing is challenging and needs energy hindi basta gusto lang, kailangan physically fit ,the entire body must be prepared before diving into it .And kailangan din
mental and emotional stability ,"konjou" Pag nadoon na wala ng atrasan,Minsan nga ako parang nagsisisi pag napapagod na ako ,so lahat ng nakatago or naka-stock ko na
fighting spirit ilalabas ko or else maiwan ako na parang basang sisiw
Must consider the weather first when preparing the right gears,not neccesary expensive wears but complete gears is a must .
I always asked myself why I keep planning for the next one while I almost got exhausted
last time I did ,Is it the real meaning of nature's wondering?
ichimar
02-09-2006, 11:34 AM
ichimar san, hisashiburi ne!:)
sorry, hindi ko alam kung saan yang "miruko san":O pilitin mong makasama sa hiking club ng TF:p ako mag-babantay kay Mariko chan habang uma-akyat kayo sa bundok;)sana nga makasama ako,pero pauwi this saturday sa pinas,nakakatuwa naman babantayan mo ang aking unica ija....thank you in advance....:)
thermometer
02-09-2006, 12:01 PM
sana nga makasama ako,pero pauwi this saturday sa pinas,nakakatuwa naman babantayan mo ang aking unica ija....thank you in advance....:)
Ichimar..malayo pa naman hehehee.. baka pag balik mo saka tayo akyat...antayin ka namin hehehee:food:
ichimar
02-09-2006, 12:13 PM
Ichimar..malayo pa naman hehehee.. baka pag balik mo saka tayo akyat...antayin ka namin hehehee:food:oo ba sige paghahandaan ko iyan.....:confused:
warlock^_^
02-09-2006, 01:57 PM
Ichimar, if you want to hike around pa uwi mo, sama ka sa mga mountaineering group sa Pinas, marami regular climbs lately. Mas mahirap mag climb sa Pinas kesa dito. So at least work out na rin.
Wasnt able to climb before I left, I went back to mountainbiking again full time after I suffered a knee injury.
Apriluck, rain is sometimes blessing sa climbs specially if its too hot, pero kung late autumn or spring...hirap. We got rained lots of times on our climbs here, cant feel my hands sa lamig kahit may gloves pa. Nung 2004, binagyo kami sa taas ng Fuji... priceless hehehe
sana nga makasama ako,pero pauwi this saturday sa pinas,nakakatuwa naman babantayan mo ang aking unica ija....thank you in advance....:)
maple
02-09-2006, 05:12 PM
wow bait naman ni Maple... dunno kung magkano expenses dito since wla yung guide book ko. Si Reon baka may copy nung book. Kasi ang Yari trip or typical 2 day hike sa Nagano can cost 50K yen. I know most of you need to cut cost din naman. Sa pinas nde ko naabot yung ganung expenses sa climbing hehe.
Anyway, maple you need to prep a hot bath since obviously ilang araw kami wlang ligo :eek:
Hi warlock!
Hindi ako ang mabait, kundi etong mister ko. Last year bumili pa sya ng airconditioner because we were expecting for reon , kaso sinumpong yata ng rayuma si reon kaya hindi sya naka akyat sa Kitadake at hindi nakarating dito sa bahay namin:D (reon, peace po!:p)
Hot bath, hot soup and TF member, hotcake will be waiting for you guys! :D
Reon, sorry OT na naman. Pa attach ng photos na kinuha ko this morning from Shiratori san. Photos of our town and Mt. Fuji.
Janer
02-09-2006, 05:29 PM
@maple
ang ganda naman talaga ng mt. fuji lalo at snow-capped sya! swerte nyo naman maple-san at anytime pwede mo syang matanaw. thanks for sharing :)
@reon
fwiding sali din ako? medyo malayo nga lang ang bundok ng sendai dyan sa kabihasnan pero baka sakali lang ok sa schedule kung saan man ang plano nyo. mt. fuji nga lang pangarap ko pa. last year nagpunta din kami sa kamikochi pero nag-hike lang dun sa trail sa gilid ng bundok. wala pa talaga akong naaakyat na bundok dito maliban yun campus namin na nasa taas ng aobayama. saka hindi ko pa din alam kung kaya ko nga umakyat ng bundok, last na hike ko nun sa batad pa sa banaue. puro angas at fighting spirit lang yata ako. pero cge na o, kahit saling-pusa. :)
maple
02-09-2006, 06:43 PM
@maple
ang ganda naman talaga ng mt. fuji lalo at snow-capped sya! swerte nyo naman maple-san at anytime pwede mo syang matanaw. thanks for sharing :)
wala pa talaga akong naaakyat na bundok dito maliban yun campus namin na nasa taas ng aobayama. saka hindi ko pa din alam kung kaya ko nga umakyat ng bundok, last na hike ko nun sa batad pa sa banaue. puro angas at fighting spirit lang yata ako. pero cge na o, kahit saling-pusa. :)
hi Janer,
maganda nga ang scenery dito, problema lang eh hindi ako magaling kumuha ng litrato:O:p
Noong college pa ako, napagkatuwaan namin na umakyat sa Sto. Tomas (Baguio). Yan ang first and last na akyat/ camping ko sa bundok...nasunog ang sapatos ko sa campfire na ginawa namin:O...kaya ayaw ko na umulit pa:D
KangKarot
02-09-2006, 06:54 PM
mga kabayan, ala eh ako po ay mahilig na mamundok eh
pwede po ba akong sumali dyan sa gimik nyo na yaan?
salamat po ng marami.
docomo
02-09-2006, 07:13 PM
@maple
.... wiiiiiii~~~~ dali na set na uleeet !!!! game!!! :D
hotcake
02-09-2006, 08:52 PM
Hi warlock!
Hot bath, hot soup and TF member, hotcake will be waiting for you guys! :D
maple galing naman pati ako kasama sa ipe-prepare mo.:D
@reon,
galing naman nito, sana nga sa Kita dake nalang kayo umakyat.
Balak ko sana sumama para maranasan ko ang mag-hiking. Kaso iniisip ko baka wala pa sa kalagitnaan ay di na maihakbang pataas ang paa ko :p , e maging bagahe niyo pa ako..:D
Pero pipilitin ko makasali, atsaka sana mga month ng May niyo balakin para hindi na masyado malamig at may time pa akong magbawas ng timbang kahit kaunti.:O :) Para di ako mahirapan kung sakaling makasama ako sa Hiking.:)
thermometer
02-09-2006, 08:54 PM
@maple
.... wiiiiiii~~~~ dali na set na uleeet !!!! game!!! :D
hehehee set na natin sa KITA DAKE nalang tayo pra makita natin si MAPLE hehehee...
Location KITA DAKE
Time: Tobe Decided
Post your name.
1.Thermometer
docomo
02-09-2006, 09:04 PM
hehehee set na natin sa KITA DAKE nalang tayo pra makita natin si MAPLE hehehee...
Location KITA DAKE
Time: Tobe Decided
Post your name.
1.Thermometer
2. Docomo :)
copy and paste :p
maple
02-09-2006, 09:10 PM
@maple
.... wiiiiiii~~~~ dali na set na uleeet !!!! game!!! :D
docomo san,
Talagang makiki-akyat ka rin sa bundok?:eek::p peace!
Ganbatte ne;)
Gusto ko yang Kitadake, at may kung ano-ano pang libre kina Maple (sorry nga pala last time, Maple, hehe :)). Kaso mas mahirap ito palagay ko kaysa Mount Fuji (bukod pa sa mas magastos) kaya para lang ito sa mga *seryoso* talaga.
Isang except mula sa isang website (http://panorama360.jp/panorama/vrview.php?p=kitadak e&l=):
Another big difference between Fuji and Kitadake is the kind of climbers/punters the two attract. While just about every man and his dog have a go at Fuji in all kinds of clothing and footwear and various degrees of physical health, everybody climbing Kitadake had all the right gear and high levels of fitness. Well, not everybody, I suppose. I did see one guy who was out of shape and breath. He seemed to have been dragged along by his more enthusiastic friend, who on seeing me, perhaps the only non-Japanese on the mountain, asked enthusiastically for my confirmation that Kitadake was more beautiful than Fuji, and then promptly fell flat on his ass. The crowd was younger on Kitadake too. No disrespect intended to the usual crew I share Japan's mountains with, but it made a welcome change to see some young faces around too.
Eto naman ang isang Quicktime Panorama (http://panorama360.jp/panorama/vrview.php?p=kitadak e&l=) mula sa peak ng Kitadake para malula kayo.
docomo
02-09-2006, 09:14 PM
docomo san,
Talagang makiki-akyat ka rin sa bundok?:eek::p peace!
Ganbatte ne;)
learning akong mag wall climbing problema yang aakyatin? kailangan aralin yan muna ng masinsinan bago ang lahat lahat??? mapa ng bundok sino meron? lastly, slim akows eh bwahahahaha ... bato bato sa langet tamaan galet!!! :p :D
maple
02-09-2006, 09:15 PM
Gusto ko yang Kitadake, at may kung ano-ano pang libre kina Maple (sorry nga pala last time, Maple, hehe :)). Kaso mas mahirap ito palagay ko kaysa Mount Fuji (bukod pa sa mas magastos) kaya para lang ito sa mga *seryoso* talaga.
Isang except mula sa isang website (http://panorama360.jp/panorama/vrview.php?p=kitadak e&l=):
Eto naman ang isang Quicktime Panorama (http://panorama360.jp/panorama/vrview.php?p=kitadak e&l=) mula sa peak ng Kitadake para malula kayo.
Whhoooaahh!!! Ang ganda pala ng Kitadake!!!
wala bang may time machine dyan, gusto kong bumalik sa pagkabata, para maka akyat na rin!:D
reon, sana matuloy na kayo this time:)
Tenkyu nga pala sa maraming replies! Nilagyan ko ng poll para may madaling malaman ang mga interesado. Let's hiking!
Thanks maple. :)
aprilluck
02-09-2006, 10:25 PM
Gusto ko yang Kitadake, at may kung ano-ano pang libre kina Maple (sorry nga pala last time, Maple, hehe :)). Kaso mas mahirap ito palagay ko kaysa Mount Fuji (bukod pa sa mas magastos) kaya para lang ito sa mga *seryoso* talaga.
@ reon, suggestion ko lang ,what if we start an easier one para sa mga members na gustong mag try ng mountain exploring ,kasi kung "ikinari" na mountain climbing("tozan") baka hindi maging okey para sa lahat,and para din magkaroon ng idea kung gaano ang kailangang
strength para sa nature's wondering na ito.
How about in Oze nasa boundary ng Gunma and Tochigi ,combine dito ang hiking and mountain climbing pero hindi gaanong mahirap ,kaya bastat pinaghandaan ,hindi malaki ang gap ng first timer sa medyo okey .Hindi rin magastos ,marami ding onsen sa paligid .
What do you think?
aprilluck, good suggestion. :) Hindi talaga puwede yung biglang mataas ng bundok kaagad ang pupuntahan ng mga bagong members na walang experience. Magandang suggestion ang Oze. Nakapunta ka na ba doon?
aprilluck
02-09-2006, 10:57 PM

Yes ,three years ago na ,medyo excited pa akala ko picnic ang dayo namin ,dami kong bitbit na pagkain,samantalang iyung mga kasamahan ko candies,chocolates ,onigiri at water lang ang baon.Tapos noong napapagod na ako sa kalalakad gusto ko ng ibalibag lahat ng baon kong pagkain ,parang gusto ko rin na hubarin na lahat ng damit na suot ko ,para lang gumaan ang pakiramdam ko.That time hindi ko yata na enjoy ang view ng Oze ,kaya gusto kong balikan.:)
andres
02-10-2006, 12:21 AM
Pwede pa bang makisali dyan? :D
Hanep, nakakagana naman, andaming interesadong umakyat!
Totoo yan, aprilluck, baka mas mainam na sa baby mountains muna. Kahit dito sa may bandang Tokyo, merong Takao-san, o kaya Ooyama, halimbawa, madali lang (relatively), at pwedeng pag-praktisan sa weekend.
Isang obserbasyon ko lang, usually matatatag ang mga babae pagdating sa mountain climbing, ewan ko parang mas marami silang reserves ng (mostly mental) strength kesa mga boys. At sa edad naman, dito sa Japan, karamihan nga ng mga nakakasalubong kapag umaakyat ay mga obaasan at ojiisan. Pinaka importante, palagay ko, ay magandang planning, physical fitness (especially cardiovascular, pino na kasi ang oxygen sa itaas), at positive attitude.
Uy maple, Mt. Sto. Tomas, inakyat din namin yan! Isa yan sa pinaka memorable na gimik yan nang barkada, may kasama pang hypothermia hahaha. Ay teka reon, kasama ka rin non diba?
Kita-dake ba?
kalypso
02-10-2006, 12:22 AM
Count me in, reon. I am interested. Ako din...matagal nang gustong akyatin ang Nantai-san.:)
warlock^_^
02-10-2006, 12:38 AM
Hahaha dami interasado, like Reon said, nde po madali ang mga climbs specially lampas 3,000 meters. Daming sakit lumalabas. I cant even say na fit pa rin ako since its been a long time since I last climb.... last October 2004 pa yun sa Yari pa.
And were not talking of short walk ha, this means walking for nearly 1 day. But if you really wanna join, better start doing long walks. As for stuff to bring, Reon will I guess give asvise the essentials since its typical for those newbies to overpack or to be ill equipped.
As for my case,andami ko rin gears na iniwan sa Pinas since mas priority ko dalhin lately yung mga ofc wears hehehe domisticated na kasi ako.
Maple thanks for the invitation, If this will take shape since we needed some infos as well, Reon guess ikaw na gawa ng IT and sama mo na yung bisita kanila Maple. And bro... possible expenses :D tight budget din ako.
I check with my Jp frend also for some onfo since kasama ko lagi sa climbs yun, I guess nakita mo yung mga kasama ko sa Yari Climbs.
here's the lpic pala nung climb Yari Climb (http://www.imagestation.com/album/pictures.html?id=302 7900093)
thermometer
02-10-2006, 07:45 AM
Puede na cguro tayo mag start mag plan kung pano tayo makakaakyat..
Reon Just let us know any thing we can contribute..:cool:
crispee
02-10-2006, 02:52 PM
@Reon
Ang ganda nung panoramic view sa peak ng Kitadake. Umikot pati leeg ko:D
Susubaybayan ko ang updates niyo dito sa 'pag-akyat'.
aprilluck
02-10-2006, 07:06 PM
Pwede pa bang makisali dyan? :D
Hanep, nakakagana naman, andaming interesadong umakyat!
Totoo yan, aprilluck, baka mas mainam na sa baby mountains muna. Kahit dito sa may bandang Tokyo, merong Takao-san, o kaya Ooyama, halimbawa, madali lang (relatively), at pwedeng pag-praktisan sa weekend.
Isang obserbasyon ko lang, usually matatatag ang mga babae pagdating sa mountain climbing, ewan ko parang mas marami silang reserves ng (mostly mental) strength kesa mga boys. At sa edad naman, dito sa Japan, karamihan nga ng mga nakakasalubong kapag umaakyat ay mga obaasan at ojiisan. Pinaka importante, palagay ko, ay magandang planning, physical fitness (especially cardiovascular, pino na kasi ang oxygen sa itaas), at positive attitude.
@ andres
Okey sagutin ko kung bakit usually mas matatag ang babae pag dating sa mountain climbing ,tinanong ko rin ito sa instructor namin ,kasi everytime na may "tozan" kami ,kung ang participants ay 60 heads ,usually 40 ang babae and 20 ang lalaki ,kung couples naman kadalasan naging unang member ang babae tapos nahatak or na-encourage lang noong babae iyung asawa n'ya kaya nag try mag-join.Ang sagot ay ito ang mountain climbing daw ay tulad ng pregnancy up to giving birth , diba pag buntis ang babae positive ang attitude ,then pag nagla-labor na lahat strength nailalabas ,pag nasa peak na ng labor pain sinasabing di na uulit magbuntis ,pag nakapanganak na at nakita na ang anak, speechless sa galak.Di na daw uulit magbuntis but after a year or two buntis na naman.Compare mo ,diba ganitong ganito ang mountain climbing?Halos lahat mentality ng babae nandito na, kaya siguro fit kami dito ,add mo pa na mas matiisin ang babae kaysa lalaki ,lalo na pag naging mother na ,diba?
Ganyan ako,lagi kong sinasabi na hinding hindi na ako uulit mamundok,nagsisisi kung bakit ba ako nasali ,tinatanong ang sarili ko ,hobby ba ito ?sport ba ito ?sakripisyo ba? or sira lang talaga ang ulo ko?But gusto naman kahit mamatay-matay na sa hirap ,nasasabi ko pa na kaya pa,konti pa ,konti na lang ,konting tiis na lang goal na,then Yeheyyy!!! iyak pa ako sa galak pagdating sa tuktok.
Sarap ng pakiramdam kahit lupaypay sa pagod ,ang mga awards...amoy pawis,kalyo ,itsurang ayokong humarap sa camera for pics.manhid na kamay at paa pag malamig, sunburn pagmatindi ang araw, muscle pains .
But mga pinakagusto ko kung bakit di ko mai-give-up ito......dito ko nadiscover ang sarili ko mayroon pala akong hidden strength,a bunch of fighting spirit,ito ang natural ko na di kailangan ang poise at glammor ,and.....win a group of friends,as they say,Priceless.
Nga pala bago ko makalimutan di po ako pro. Nag kataon lang na maraming maliliit na bundok dito sa lugar namin na puwedeng pagtiyagaan at nagka-chance din na mapasali sa organisasyon ng mga may ? ,ewan nga ba?
Sali na ,samantalahin ang ganda ng kalikasan !:)
adechan
02-11-2006, 10:26 AM
@ reon, suggestion ko lang ,what if we start an easier one para sa mga members na gustong mag try ng mountain exploring ,kasi kung "ikinari" na mountain climbing("tozan") baka hindi maging okey para sa lahat,and para din magkaroon ng idea kung gaano ang kailangang
strength para sa nature's wondering na ito.
How about in Oze nasa boundary ng Gunma and Tochigi ,combine dito ang hiking and mountain climbing pero hindi gaanong mahirap ,kaya bastat pinaghandaan ,hindi malaki ang gap ng first timer sa medyo okey .Hindi rin magastos ,marami ding onsen sa paligid .
What do you think?
hehe ang galing po nating mag suggest .... dali mo nang maka join pag diyan kayo nag-akyatan
*****************
WATCH OUT na lang po ako sa hiking ninyo. Medyo may hilig lang po. About 6 years ago nasubukan ko rin dito sa japan na mag mini hiking during our camping around Chichibu. May nakasama po kaming kaibigan nang husband ko na mahilig mag-hiking, and at that time may puwedeng mag-alaga nang 2 yrs old ko (palang iyong panganay ko), at kailangang maiwan sa tent, kaya naka join ako, i really enjoyed it a lot.
Sa Pinas, hindi naman po for hiking purposes, pero ang titindi nang mga bundok na inakyat namin for Aeta's outreached programs, bitbit ang mabibigat na goods and medicines for them. May mga tali pa talaga kami, at mga tungkod, dahil may mga parteng madulas at maputik, at may mga slopes na halos imposibleng akyatin, lalo na may mga bitbit.
Kaya ko pa kaya ngayon?
Basta makikibalita lang muna ako sa inyo. Maganda talaga itong idea na 'to.
shonen
02-11-2006, 03:59 PM
gusto ko yan!.... kaya lang? will that involve ropes as in cliffs or is it just plain walk where we will just follow a trail? magastos ba yan? advice naman dyan on what to bring just incase in can go...
thanks
Haro-! Shonen, walang mga ropes o rock climbing, puro lakad lang pataas. Siyempre minsan, kailangang humawak sa mga chains pero hindi naman kailangan ng special skills. Gastos? Depende sa pupuntahan mong bundok pero magastos din naman ang Disneyland kaya sa bundok na lang ako pupunta, napapagod din kasi ako sa kalalakad at kapipila sa Disneyland. Depende rin sa kung saan ka pupunta kung ano'ng mga gamit ang dadalhin.
Hindi ko masabing eksperto ako dito (dahil hindi), pero gusto ko lang gawing worthwhile na activity at naisip ko baka mas maganda kung mai-share sa iba.
Lately, ang naiisip ko lang na i-hike ay:
1. Kitadake sa Nagano: gaya ng nasabi ko na, at may iba rin akong kaibigan na gustong magwaldas ng pera at pumuntang Nagano, hehe. Pero hindi birong bundok ito at kailangang nasa peak condition ang katawan. Hindi rin para sa mga baguhan.
2. Nantai-san sa may Tochigi: relatively mas madali kesa Fuji or Kitadake at accessible. Okay din sigruo para sa mga bago.
3. Oze sa may Tochigi at Gunma: suggestion ni aprilluck (na mukhang maraming experience sa hiking sa Japan dahil alam ang salitang 登山 tozan "mountain climb"). Nasa Hiking in Japan ito at ang recommended ng libro ay isang overnight na hike. Puwede din siguro ang balikan, no aprilluck?
4. Tsukuba-san sa Ibaraki: Medyo sawang-sawa na ako dito sa bundok na ito dahil ito lang ang bundok dito sa amin, pero magandang pagpraktisan at madali lang. Gusto ko rin sanang i-hike ito nang umuulan o gabi (for testing purposes). Baka may interesado.
5. Kaba-san sa Ibaraki: Meron palang mas maliit na bundok sa "likod" ng Tsukuba na hindi ko pa napupuntahan. Maari din itong for a change.
6. Mount Fuji sa tabi nila Hotcake sa may Shizuoka: ang walang kupas na Mount Fuji. Gusto kong pumunta ulit kasama ang pamilya at overnight sa isang hut (para yukkuri at dahil na rin sa may bata). Si kalypso nagawa na ito at I'm sure makakakuha tayo ng tips kung sino man ang interesado.
thermometer
02-13-2006, 08:01 AM
I recomend itong dalawang bundok na ito pra sa baguhan at yong medyo me expereince na.
Kung hinde naman magiging problema ang financial puede natin umpisahan sa mababang bundok pra naman maka expereince ang ibang gusto magsimula sa Hiking ..
..sa aking palagay marami kasi sa atin ang malyo ang lugar at maari tinitingnan ang expenses sa pag akayat..
Type of Mountain vs Expenses ..
- on my side either both of any mountain puede po ako sumama..
mas madidivert ko kasi ang streess ko sa hiking rather any other else
<Expereinced> Kitadake sa Nagano: gaya ng nasabi ko na, at may iba rin akong kaibigan na gustong magwaldas ng pera at pumuntang Nagano, hehe. Pero hindi birong bundok ito at kailangang nasa peak condition ang katawan. Hindi rin para sa mga baguhan.
<Starter> Oze sa may Tochigi at Gunma: suggestion ni aprilluck (na mukhang maraming experience sa hiking sa Japan dahil alam ang salitang 登山 tozan "mountain climb"). Nasa Hiking in Japan ito at ang recommended ng libro ay isang overnight na hike. Puwede din siguro ang balikan, no aprilluck?
aprilluck
05-01-2006, 09:45 PM
3. Oze sa may Tochigi at Gunma: suggestion ni aprilluck (na mukhang maraming experience sa hiking sa Japan dahil alam ang salitang 登山 tozan "mountain climb"). Nasa Hiking in Japan ito at ang recommended ng libro ay isang overnight na hike. Puwede din siguro ang balikan, no aprilluck?
@reon,Binuksan ko uli ang thread na ito ,baka sakaling mayroon pang gustong sumubok sa mountain climbing .
Last week nag-umpisa na uli akong magkundisyon ng tuhod ,dahil palapit na uli ang season ng tozan ,mahirap na baka iwanan ako ng grupo .
Heto iyung place na malapit sa bahay namin na ginagawang training site ng mga marathon runner at mga taong namumundok .Naka tatlong beses na rin ako simula last week ,bukas off ko sa trabaho ,pag maganda panahon punta uli ako ,Tagaktak lang naman ang pawis pero hindi naman ako hiningal ,ibig sabihin kaya ?ay kaya pa ng power ko ang mamundok ;) .
warlock^_^
05-02-2006, 09:12 AM
bah! nagpapalakas na si april....ang stairs na kaya ko lately is yung nasa train stations lang. naka escalator pa. Anyway... spring training na nga... makahanap nga ng bundok rito sa minato mirai hmmm
thermometer
05-02-2006, 02:15 PM
@reon,Binuksan ko uli ang thread na ito ,baka sakaling mayroon pang gustong sumubok sa mountain climbing .
Last week nag-umpisa na uli akong magkundisyon ng tuhod ,dahil palapit na uli ang season ng tozan ,mahirap na baka iwanan ako ng grupo .
Heto iyung place na malapit sa bahay namin na ginagawang training site ng mga marathon runner at mga taong namumundok .Naka tatlong beses na rin ako simula last week ,bukas off ko sa trabaho ,pag maganda panahon punta uli ako ,Tagaktak lang naman ang pawis pero hindi naman ako hiningal ,ibig sabihin kaya ?ay kaya pa ng power ko ang mamundok ;) .
Uy...buti nlng nbuksan n ulet itong thread...Golden Week na...Akyat na po tayo....:karate:
Sorry sa late reply, hehe. Mabuti pa kayo nakakapag-praktis, ako medyo lie low lang muna dahil super busy sa trabaho, kahit weekends busy. Hay walang time umakyat ng bundok. :babe:
May mga definite plans na ba kayo?
thermometer
06-07-2006, 07:22 AM

Calling again yong mga Hikers dyan heheee.. Summer na po..Good Time to Climb..
:japanese: any suggestion ulet po..
greatbarrier
06-07-2006, 11:10 AM
pwede ba sumali dito kahit nasa pinas ako? :)
so that pag meron tf climbers na uwi ng pinas, mountain climbing as an EB will be an option! that would be great, wouldn't it?
i've been to banahaw, pinatubo, ampacao in sagada, pulog, taal & one in binangonan (forgot the name)...tough climbs were banahaw & pulog....
it always feels good when you're at the summit!
RODSKI
06-07-2006, 01:24 PM
pwede ba sumali dito kahit nasa pinas ako? :)
so that pag meron tf climbers na uwi ng pinas, mountain climbing as an EB will be an option! that would be great, wouldn't it?
i've been to banahaw, pinatubo, ampacao in sagada, pulog, taal & one in binangonan (forgot the name)...tough climbs were banahaw & pulog....
it always feels good when you're at the summit! . . . . . Sir, 'Mt.Pulag' po.:)
greatbarrier
06-07-2006, 02:10 PM
. . . . . Sir, 'Mt.Pulag' po.:)
yeah, it's pronounced as "pulag" but the spelling is actually "pulog"....:)
thermometer
06-08-2006, 08:03 AM
yeah, it's pronounced as "pulag" but the spelling is actually "pulog"....:)
Medyo nakakalito nga talaga ang tawag sa bundok na ito...
anyway..Post naman kayo ng Hiking Pics nyo..pam pa inspire....miss kna talaga umakyat ng bundok..
greatbarrier
06-08-2006, 11:15 PM
Medyo nakakalito nga talaga ang tawag sa bundok na ito...
anyway..Post naman kayo ng Hiking Pics nyo..pam pa inspire....miss kna talaga umakyat ng bundok..
sir, eto lang po available pics ko now...pulog & sagada...ala pa kasi ko digicam nun punta ko sa banahaw....
thermometer
06-09-2006, 12:42 PM
Kakakmiss talaga... namiss ko na talaga umakyat,,haayyyy buhay..
as what an old qoute said.. We can only take picture on mountain and leave nothing but trails.
aprilluck
06-24-2006, 07:53 PM
Calling again yong mga Hikers dyan heheee.. Summer na po..Good Time to Climb..
:japanese: any suggestion ulet po..
Bukas ,aakyat kami ng Oze , Introductory climb for new members and at the same time warm-up for the whole group.Aalis kami dito ng 5:00 a.m. then padating doon around 7:30 a.m. start na kami ng hiking ,16 kilometers hike daw. Pagkatapos sa Oze punta naman sa onzen bago umuwi.
Siguro okey ang result ng practice ko ,Hindi nga ako nakasilip sa TF lately dahil ikinundisyon ko ang tuhod ko ,salamat sa aso ko at walang reklamo sa kapupunta namin sa mga lilblib ng bundok dito sa lugar namin. Post ko na lang ang pictures ng Oze para doon sa mga nagbabalak mag " Tozan "
Heto na uli ako ,umpisa na naman ng "nature's wandering" :) or kung minsan naman parang pinetensiya ang dating :(
april
Cool pictures, greatbarrier! Sana may panahon din akong umakyat sa Pinas, Pulag o Halcon sana. Ano'ng temperature sa taas ng Pulag? Ilang oras o araw ninyong inakyat? Ano'ng pinakamagandang date ng pag-akyat? Details please. :)
Good luck Aprilluck (although malamang nakabalik ka na) at please post some pictures! Tanong ko: physically demanding ba yang hike (para sa bata)? At puwede bang gumawa ng ganitong schedule: Hike papunta >> Overnight camping >> Hike pabalik?
aprilluck
06-25-2006, 09:44 PM

@ reon ,
Kanina may kasama kaming isang bata ,shogakko yon nen sei ,anak nu'ng isang new member ,walang problem sa bata ,Binilang pa n'ya iyung steps ng last spot namin, di man lang yata ininda ang pabalik kung saan iyung pinakamahirap dahil paakyat ang steps pauwi. Mostly kasi long~~~~~~ and plain hikes (total of 17 kilometers hike),parang "mono tarenai' ,But doon sa pauwi mahirap ,kasi kung kailan pagod na sa haba ng lakad doon naman paakyat ang pabalik ,which demands all your " kounjou" at the last spot para makauwi .Kaya siguro maraming nag-o-overnight para makapag-ipon ng energy pabalik.
Here are some of pictures I took today ,pasensiya na di ako masyadong nakakuha ng pictures sa dami ng tao ,hirap kumuha ng timing .
3618
heto ang entrance where we started .
3619
sa loob na ito ng Oze ,ilan sa mga check points na medyo nag -stop para sa picture taking
3620
walang ~~~~~katapusang lakad sa gitna ng nakapaligid na mga bundok." Mokudo " ang tawag sa napakahabang daan na ito .
3621
marami din ganito ,parang ang sarap lumusong para magpalamig ng konti:)
3622
Yaritogeta !!!:) 17 kilometers Hike ,Yatta!!!:)
maple
06-26-2006, 09:10 AM
aprilluck, hisashiburi:)
Sorry, hindi pa ako makabayad sa "utang" ko sa iyo, (walang pang-bayad:D). Pasensya ka na talaga ha:O
Ang ganda naman ng pinag-hiking-ngan ninyo! Thanks for sharing!
Wow, ganda naman dyan! Thanks for posting the pictures. :)
aprilluck
06-26-2006, 10:36 PM
aprilluck, hisashiburi:)
Sorry, hindi pa ako makabayad sa "utang" ko sa iyo, (walang pang-bayad:D). Pasensya ka na talaga ha:O
Ang ganda naman ng pinag-hiking-ngan ninyo! Thanks for sharing!
Maki, baka puwedeng humingi ng favor sa'yo ,may mai-re-recommend ka bang magandang hiking sites diyan sa lugar n'yo ? Kung meron baka puwedeng paki post naman ng picture .
Alam ko marami din diyan na magandang puntahan ng mga katulad kong mahilig magpinetensya:( .:D
p.s.
Wala kang utang ,wala sa atin 'yan ,friend .:)
april
rge200lean
06-27-2006, 10:20 PM
I`m interested to know about Hiking Club. active pa ba itong gropo? Thanks
nhette120505
06-27-2006, 11:06 PM
nakakapagod yata yun. on second thought mukhang exciting. hindi ko pa na try eh tamad kasi me:)
thermometer
06-27-2006, 11:42 PM
Maki, baka puwedeng humingi ng favor sa'yo ,may mai-re-recommend ka bang magandang hiking sites diyan sa lugar n'yo ? Kung meron baka puwedeng paki post naman ng picture .
Alam ko marami din diyan na magandang puntahan ng mga katulad kong mahilig magpinetensya:( .:D
p.s.
Wala kang utang ,wala sa atin 'yan ,friend .:)
april
hehehe magsama ka naman sa hiking hehehhehe
greatbarrier
06-28-2006, 01:01 AM
Cool pictures, greatbarrier! Sana may panahon din akong umakyat sa Pinas, Pulag o Halcon sana. Ano'ng temperature sa taas ng Pulag? Ilang oras o araw ninyong inakyat? Ano'ng pinakamagandang date ng pag-akyat? Details please. :)
sorry po for late reply....got busy lately...
the best time to go to pulog or pulag is between march to april which is the start of summer and oct to nov kasi tapos na rainy season & magstart pa lang ang cold season. so at least di masyado malamig.
if you notice in the pic we opted for october. that time medyo malamig na rin, probably 4 to 5DC. thermal clothes and rain gears are a must. & kahit tapos na rainy season, medyo umulan pa rin konti....
they say it's a major climb and kinda strenous. but sa tingin ko if you're a regular climber, the trek is not so difficult coz di ganun kasteep unlike banahaw na medyo vertical climb where you need to rapel in some parts. etong pulog will not really require rapelling unless you opted for the trail na meron. puro lakad lang talaga, medyo mahaba nga lang na lakaran considering that it's the second highest mountain.
anyway, you can check the following link for detailed info on the trails. this was created by members of the mountaineering club where i used to be a guest-climber nun active pa ko sa mountain climbing. but i don't really know them personally.
http://www.geocities.com/TheTropics/1030/itineraries/oldit/Pulog.htm
yung climb namin last oct, parang leisure-climb, kasi marami kami kasama na first-time climbers. so we took the easiest trail which is the Ambangeg trail. we got to hire a jeep until the ranger station kaya di na ganun kahirap...we left manila thursday night and we were already on our way back by monday.
not to miss in this climb is the sunrise at the summit! the view is fantastic!
anyway, i must say pulag is a climb not to miss....& should you opt for an adventure climb...you can traverse to other trails and you get to trek the entire cordillera. probably, it will take you around a week or less...don't know so much details on this. we've contemplated on this one before...kaya lang nahirapan makapag-leave from work yung mga kilala namin who knows the trail...
sorry po...never got the chance to climb halcon. this is one hell of a climb! kasi meron rapelling and river-crossing! marami ako narinig na death cases dito (di naman po sa nanakot ako). so pang hardcore climbers lang yata talaga to...
sige, pag umuwi kayo dito & you want to climb pulag, sama ulit ako....& para masaya, we can take the kabayan trail....
aprilluck
06-28-2006, 12:39 PM
hehehe magsama ka naman sa hiking hehehhehe
Okey ! basta ba di ka magpapa-pasan sa akin pag di mo na mai-angat ang paa mo sa paglakad ,hehehe ( joke lang Father Thermo.) Tara na !! Calling the attention of the following hikers, Reon,Warlock,Andres, Cyclops and those who are interested to join and experience this kind of nature's wandering( parang pinetensya ,as what I describe it)
Okey lang ako ,basta hindi mabigat sa bulsa ang gastos, at "higaeri" ( uwian lang,di ako puwede ng overnight ):(
april
warlock^_^
07-10-2006, 05:32 PM
Great barrier,
Been to Halcon na, led a 11-man team thee..lahat kami 1st timer. oh except pala sa guide. Walang rappeling na involve kung sa main trail ka dadaan, maraming scrambling involve but due to frequent use...tingin tining kalang sa gilid, marami ng established na handhold and foot hold. Fitness is the major consideration para mag enjoy naman habang nagkaclimb.
greatbarrier
07-10-2006, 05:57 PM

wow! talaga! inggit naman ako!
ang pangit kasi nung mga narinig ko na feedback dun sa mga kilala kong climbers who have been to halcon! lahat kasi sila mga hardcore climbers na, kaya siguro yung mga dinadaanan nila eh yung mahihirap!
sila rin yung climbers kasama ko when we trekked to banahaw! gulat nga ko coz meron konting rapelling...eh considering daming umaakyat dito lalo na pag holy week...though, yung summit assault ang medyo mahirap coz it's a little vertical...puro heart sign nakalagay sa warning signs...it was raining pa nung umakyat kami! but all in all, it was a pretty good climb!
azuldeluna
07-10-2006, 06:22 PM
goog idea ang "hiking" para rin makapag exercise ang makalanghap ng "fresh air".
May definite place and time na ba? sama ako pag may schedule na and sana weekends naman.
kakkoii_daw
10-04-2007, 01:15 PM
buhay pa ba tong hiking club? :D
eto pa lang naakyat ko sa pinas.
- batulao
- cristobal
- banahaw
- pulag
- tapulao
- gulugod baboy
dito s nihon daisen pa lang. sana magkaron ng hiking eb. :D
warlock^_^
10-16-2007, 02:23 PM
Haha ewan nga e... nagpahinga din ang ibang promotor ng hikes. Did 2 climbs this year lang puro fuji (see na lang sa Outdoors section). Nice list Kakkoii.
May org ka sa pinas? subukan mo na rin Napulauan,Amuyao,Ugu ... nasa northern luzon lahat yan kaya medyo magastos ng konti.
buhay pa ba tong hiking club? :D
eto pa lang naakyat ko sa pinas.
- batulao
- cristobal
- banahaw
- pulag
- tapulao
- gulugod baboy
dito s nihon daisen pa lang. sana magkaron ng hiking eb. :D
nasalaag
10-16-2007, 03:32 PM
ui nice.. been looking for something like this. lately ko lang naging trip ang outdoors, gusto ko mag hike or join marathons (kaso kulang sa preparation or training).
Last Saturday we climbed Mt. Takao via route 6. It's a far cry from Mt Fuji of course pero it was a good start for me hehe... mauulit din sa December.
sana meron na namang ma organize , gusto ko sumali ;)
kakkoii_daw
10-16-2007, 03:45 PM
Haha ewan nga e... nagpahinga din ang ibang promotor ng hikes. Did 2 climbs this year lang puro fuji (see na lang sa Outdoors section). Nice list Kakkoii.
May org ka sa pinas? subukan mo na rin Napulauan,Amuyao,Ugu ... nasa northern luzon lahat yan kaya medyo magastos ng konti.
yup. cge paguwe ko itry ko yan, namiss ko na nga mga bundok sa pinas e, namiss ko mga limatik at teka teka. hehe :D
ui nice.. been looking for something like this. lately ko lang naging trip ang outdoors, gusto ko mag hike or join marathons (kaso kulang sa preparation or training).
Last Saturday we climbed Mt. Takao via route 6. It's a far cry from Mt Fuji of course pero it was a good start for me hehe... mauulit din sa December.
sana meron na namang ma organize , gusto ko sumali ;)
honga nasalaag, magorganize k naman. join ako ha. hehe :D
nasalaag
10-16-2007, 03:54 PM
honga nasalaag, magorganize k naman. join ako ha. hehe :D
mwahaha.. bakit ako na walang alam? tsk tsk... pero sige, try ko lang mag search or tanong2x ng magandang hiking areas, then put up some suggestions here. ikaw rin, hanap2x ka :D
KikoyBalayon
10-16-2007, 04:24 PM
@nasalaag.. talo pa tayo ni sensei sa akyatan.. nakakahiya.. ayaw ko nang sumama hahah
kakkoii_daw
10-16-2007, 05:22 PM
mwahaha.. bakit ako na walang alam? tsk tsk... pero sige, try ko lang mag search or tanong2x ng magandang hiking areas, then put up some suggestions here. ikaw rin, hanap2x ka :D
cge, try ko ulet hiramin sa library ung lonely planet : japan hiking. :D
my suggestion is himalayas... hehehe. jok lng. :D
warlock^_^
10-17-2007, 01:56 AM
Puede kayo around Tokyo muna. Kung bitin sa Takao..pwede nyo itraverse hanggang Jimba.
Or Mitake to Okutama circuit. Marami malapit lapit na climb around Kanto.
Bili kayo ng book na Hiking in Japan (Lonely Planet), daming recommended hiking destination dun.:D
nasalaag
10-17-2007, 12:59 PM
yehey. time to get the adrenaline going again.
salamat sa recommendation ng book! try ko rin hanapin yan sa library (magpapamember muna ako) or if not, hanapin nalang sa bookstores :)
sarpon
10-27-2007, 10:28 AM
buhay pa ba tong hiking club? :D
eto pa lang naakyat ko sa pinas.
- batulao
- cristobal
- banahaw
- pulag
- tapulao
- gulugod baboy
dito s nihon daisen pa lang. sana magkaron ng hiking eb. :D
ganda dun sa cristobal... lapit din sa famy yun... dami nga lang limatik pag tag-ulan..:O
gusto ko rin to kaya lang di ko na kaya... pinipulikat ako lagi pag umaakyat.. tanda na e.:D
kakkoii_daw
10-27-2007, 11:10 AM
ganda dun sa cristobal... lapit din sa famy yun... dami nga lang limatik pag tag-ulan..:O
gusto ko rin to kaya lang di ko na kaya... pinipulikat ako lagi pag umaakyat.. tanda na e.:D
yep dude, nung umakyat kami dun inulan kami, kaya malamig, tsaka meron limatik... buti na lang may baon kaming rum... :D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.