PDA

View Full Version : Biyenan

ariz
10-25-2005, 10:39 AM
:) Hello mga taga TF...naisip ko lang itanong sa inyo,anong masasabi nyo sa mga biyenen nyo?kasi yong biyenan ko wala akong masabi kasi sobrang bait,grabe!mga simpleng bagay pero nakakataba ng puso!!:D Kayo anong masasabi nyo?

honey
10-25-2005, 10:59 AM
^swerte mo!

biyenan ko di ko kasama kaya wala pa naman pede pag-awayan.mabait naman siguro sila kung makakasama ko.:)

fremsite
10-25-2005, 07:44 PM
same here !! di namin kasama biyenans sa house .
so.. walang away or whatsoever.. good for you at
mabait mga in-laws mo sa yo ..:D

adechan
10-25-2005, 08:13 PM
ako rin po hindi ko kasama sa bahay ang mga biyenan ko, pero mabait po sa akin, at palaging pinapagalitan pa nga ang asawa ko, at nung early marriage po namin, sinasabi po nga sa aking pag pinabayaan daw kami nang asawa ko, aalagaan daw nila ako. :rolleyes:

Pero marami talaga ang nagsasabi iba daw pag nagsama na sa isang bahay.

Summer!
10-25-2005, 09:13 PM
buti kayo at di kayo magkakasama sa bahay. ako, eto magti-3 years na kasama byenan sa bahay at 3 years na rin akong nagtitiis. Puro tiis. Di ko magawang makipag-away o sumagot ng pabalang kasi pakiramdam ko utang na loob ko sa kanila marami. I don't drive, she does, I don't speak good Nihonggo, she speaks for me whenever she had to like going to the clinic, daycare interview, etc, etc. So kahit anong kasamaan ng ugali ipakita sa akin, di ko pa rin magawang awayin. Like, minsan di ako kinakausap pagdating niya ng bahay (mother-in-law) galing trabaho, pakiramdam mo may ginawa kang masama, pag wala siyang sumpong, kumikibo din naman, hay. Tapos, mas mahal pa yung aso kesa sa apo, pag kinagat yung anak ko, anak ko pa may kasalanan, waaahhhh! Eto pa, ayaw kaming pabukurin, at chonan daw kasi yung anak niya. Ayun, bait-baitan sa akin, 2 araw na, siya yung medyo gumagawa ng gawaing bahay na gawain ko. dahil ako yung aliping namamahay dito. Pero since plastic siya, pina-plastic ko rin siya. Kaya, walang makakapigil sa akin sa pagbukod ng bahay, grabe, sa sama ng ugali, super, walang OA ito ha. Kung siguro iba lang at walang modo, inaway na siya at pinagsasagot.

Kaya, never, ever live with your inlaws unless you want to suffer. take it from me...

tfcfan
10-25-2005, 09:15 PM
;) pano yan dead na pareho in-laws ko.

r.i.p.

but still lucky oneechan tachi ga yasashii.

adechan
10-25-2005, 09:26 PM
buti kayo at di kayo magkakasama sa bahay. ako, eto magti-3 years na kasama byenan sa bahay at 3 years na rin akong nagtitiis. Puro tiis. Di ko magawang makipag-away o sumagot ng pabalang kasi pakiramdam ko utang na loob ko sa kanila marami. I don't drive, she does, I don't speak good Nihonggo, she speaks for me whenever she had to like going to the clinic, daycare interview, etc, etc. So kahit anong kasamaan ng ugali ipakita sa akin, di ko pa rin magawang awayin. Like, minsan di ako kinakausap pagdating niya ng bahay (mother-in-law) galing trabaho, pakiramdam mo may ginawa kang masama, pag wala siyang sumpong, kumikibo din naman, hay. Tapos, mas mahal pa yung aso kesa sa apo, pag kinagat yung anak ko, anak ko pa may kasalanan, waaahhhh! Eto pa, ayaw kaming pabukurin, at chonan daw kasi yung anak niya. Ayun, bait-baitan sa akin, 2 araw na, siya yung medyo gumagawa ng gawaing bahay na gawain ko. dahil ako yung aliping namamahay dito. Pero since plastic siya, pina-plastic ko rin siya. Kaya, walang makakapigil sa akin sa pagbukod ng bahay, grabe, sa sama ng ugali, super, walang OA ito ha. Kung siguro iba lang at walang modo, inaway na siya at pinagsasagot.

Kaya, never, ever live with your inlaws unless you want to suffer. take it from me...

ganyan pala situation mo my dear summer,
mabuti na lang pala at na open ni ariz ang topic at na ilabas mo nang konti iyang daladala mo.

myukasky
10-25-2005, 09:57 PM
Ako naman 3 years ko nakasama laws ko mahirap na masarap. Noong una kala ko di ko makakaya pero thanks god nakayanan ko. Sa side ko naman may time na talagang nag-aaway kami at yung husband ko ang namamagitan sa amin or kaya yung sister ni hubby. Dami naman sya naitulong sa amin ng husband ko, una na yung nanganak ako sa first and second baby ko. Yung sa first baby ko from the start na nagpapacheck-up ako sya lagi ko kasama hanggang sa manganak ako sya nagdala sa akin sa hospital kasi wala si hubby ko. Sa apo naman wala ako masabi, talagang nakikita ko na mahal nila yung anak ko. Sila pa nga nag-aalaga kapag may pupuntahan ako na di puwede isama ang anak ko. Kapag may tampuhan kami ng husband ko, biyanan ko ang lagi ko pinag-sasabihan. Nasasabi ko nga sa sarili ko kung di man ako halimbawa suwerte sa asawa sa biyanan double suwerte ko.:D Sa kanya ko lahat natutunan kung ano alam ko dito sa japan.

Isa lang ang madalas na pagtalunan namin, yung magkimono ako.:rolleyes: Gusto kasi noon kapag may malaking okasyon kami pupuntahan nakakimono din ako.:eek: :eek: Tulad na lang ng dinala namin sa jinja yung anak ko kailangan daw kimono suot ko para daw magandang tignan. Aysus ayon two times ako muntik madulas, pero sa awa ng dios natutunan ko din paglakad kapag nakakimono.:D Ngayon nakabukod na kami pero malapit lang din sa biyanan ko, kasi may idad na sila at malulungkot daw kapag nalayo yung dalawang apo. Sabi nga ng mga kapitbahay namin sana di na kami lumipat kasi lagi naman kami sa bahay ng biyanan ko sayang lang daw ang upa. Pero isa lang masasabi ko kung wala kang mahabang pasensya at tiyaga huwag mo na planuhin na makisama sa biyanan. Goodluck summer pero pround ako sayo at nakatiis ka ng 3 years.

Summer!
10-25-2005, 10:26 PM
ganyan pala situation mo my dear summer,
mabuti na lang pala at na open ni ariz ang topic at na ilabas mo nang. konti iyang daladala mo.

Sinabi mo pa, adechan, minsan naisip ko i-open yung topic pero di ko natuloy-tuloy, hanggang sa naunahan na ako ni ariz. Ang maganda lang dito sa TF kahit di mo nakikita mga kausap mo, damang-dama mo sila. Hayan, salamat sa inyo, at sa iyo rin, ,myukasky. :)

Maruchan
10-25-2005, 10:57 PM
:) Hello mga taga TF...naisip ko lang itanong sa inyo,anong masasabi nyo sa mga biyenen nyo?kasi yong biyenan ko wala akong masabi kasi sobrang bait,grabe!mga simpleng bagay pero nakakataba ng puso!!:D Kayo anong masasabi nyo?

Pareho tayo, Ariz, super bait ang parents-in-law ko. Talagang malaking blessing sila sa buhay ko. I've learn so much from them. Nagkasama na din kami when I was still new in Japan...mga six months nga lang kasi talagang masgusto ng asawa ko na bukod kami. During those time nagkaroon ng konting discord kasi masyado akong immature pa at the time...masyadong wagamama ba ako. But they were patient with me naman...waiting for me to grow up. :)

Anyway, love ko sila like my second parents. :yippee:

Summer!, sorry to hear about your MIL. Sana makabukod din kayo kasi iba talaga kapag my privacy kayo ng asawa mo. Kankenai naman kahit chonan pa ang asawa mo. Malakas pa naman sila so you guys don't have to live in one roof...at least not as of now. I think you will be happier.

Alam mo, Myukasky, parang gandang-ganda ako sa mga gaijin na naka-kimono. Buti ka pa.... Ako hindi bagay sa akin ang kimono, eh. Hindi ba maganda ang labas or bagsak nito sa akin. Parang lumalabas na suman ako na may unan sa likod sa lapad kasi ng katawan ko. :p

MIL = mother-in-law
PIL = parents-in-law

ichimar
10-26-2005, 08:03 AM
mabait yung mother in law ko,malayo nga lang yung bahay nila,kaya minsan lang kami nagkakasama...one time,my husband went to australia for 2 weeks,mother in law ko lang kasama ko,preggy pa ako noon,nag drive siya ng car pag check up ko,siya ang nagluluto for me,naglalaba,wala akong naririnig sa kanya,really mabait siya..lagi niya akong tinuturuang mag nihonggo at may patient siya sa pagtuturo sa akin..masaya ako at mabait sa akin ang mother in law ko..:p

wani
10-26-2005, 09:14 AM
Yung biyenan ko mabait din naman sa akin.:) Minsan ayoko sa kanya(personal reason).Pinakikisama han ko naman nang mabuti.Pero pagmaysumpong ako hindi ko sya kinikibo(I'm bad? :()pagpumupunta sya dito sa bahay.

ariz
10-26-2005, 12:17 PM
Mga friends salamat sa mga kasagutan nyo ha...ako rin di ko kasama sa bahay ang mga biyenen ko,pumupunta lang kami don kapag weekend,minsan don kami tulog kapag lang trabaho next day...ang babait!(lam nyo mga friends halos lahat ata ng damit ko sila bumili,pati gamit d2 sa bahay...he,he,ikwent o ba?)sabi ko nga sa asawa ko don na lng ako titira sa bahay nila(joke),kasi sobrang close kmi ng nanay nya,pag magkausap kami la kming time na hindi tumatawa,kasi di pa ko masyado marunong magnihongo,kya tinuturuan nya ko,ako nmn nagtuturo ng tagalog.Sabi ng asawa ko kaya dw ganon kasi la daw anak na babae,2 lng kasi magkapatid ung aswa ko pareho lalake.Sabi nga ni Maruchan..."mahal ko sila as may second parents"...happy talaga ako!(^_^)

myukasky
10-26-2005, 01:53 PM
May friend ako matagal na sya dito sa japan. Kwento sya sa akin kasi nalaman nya na nakatira kami sa house ng biyanan ko. Sya daw noon maganda relasyon nila ng biyanan nya, feeling daw nya di lang manugang turing sa kanya kundi isang anak na rin. Pero di inaasahang dumating ang time na kailangan nila makisama sa bahay ng biyanan nya. Dito na daw nagsimula ang di magandang relasyon nila, ang daming nagbago lalo na sa ugali. No choice sya kasi bumagsak ang business ng husband nya so kailangan nila talaga makisama muna. Di sa ayaw daw nya sa biyanan nya pero iba daw talaga yung hiwalay, sabi nga niya sa akin para din palang asawa. Kung di mo makasama sa bahay di mo makita tunay na ugali.:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes: Ngayon wala na yung mga laws nya (RIP ), sabi pa nga niya ganun pa man eh dami ko natutunan. Ikaw ba namang 10 years mo makasama sa bahay.

Maruchan
10-26-2005, 02:40 PM
Mga friends salamat sa mga kasagutan nyo ha...ako rin di ko kasama sa bahay ang mga biyenen ko,pumupunta lang kami don kapag weekend,minsan don kami tulog kapag lang trabaho next day...ang babait!(lam nyo mga friends halos lahat ata ng damit ko sila bumili,pati gamit d2 sa bahay...he,he,ikwent o ba?)sabi ko nga sa asawa ko don na lng ako titira sa bahay nila(joke),kasi sobrang close kmi ng nanay nya,pag magkausap kami la kming time na hindi tumatawa,kasi di pa ko masyado marunong magnihongo,kya tinuturuan nya ko,ako nmn nagtuturo ng tagalog.Sabi ng asawa ko kaya dw ganon kasi la daw anak na babae,2 lng kasi magkapatid ung aswa ko pareho lalake.Sabi nga ni Maruchan..."mahal ko sila as may second parents"...happy talaga ako!(^_^)

Wow, Ariz, pareho na naman tayo! :yippee: Wala din anak na babae ang PIL ko at dalawang lalaki din ang anak nila. Bunso ang asawa ko. Pero sa amin gusto iiwan ang butsudan kung wala na sila. Gusto nila kami ang gagawa ng mga gawain ng chonan nilang anak kahit Catholic naman kaming dalawa ng asawa ko. Bakit ganoon kaya?

PIL = parents-in-law

meg
10-26-2005, 04:53 PM
mabait naman ang byenan ko...so far walang problema sa bahay...

ariz
10-26-2005, 07:54 PM
he,he...Maruchan pareho ulit tayo,bunso din ung asawa ko eh...di ko lang alam kung ano balak nila eh...pero ang alam ko eh kung dadating ung time na wala na sila eh kung sino daw ata nagalaga,pero sabi ng kuya nya eh ok na namn daw buhay nya,may sarili na syang bahay kami ala pa..he,he!!!...pero sabi ng asawa ko kung mawawala na magulang nya gusto nya sa pinas na lang kami...pero parang ayoko ko muna isipin ung mawawala na sila,dahil talagang napalapit na sila saken eh...kahit pa sabihing magkakaiba kami ng lahi,sana hindi sila magbago!!

Hungry eyes
10-26-2005, 08:48 PM
Byenan..im so lucky din sa byenan..mahal na mahal nila ako ..kahit na worst yun married ko sa anak nila..nandyan pa rin sila nagmamahal..pwede ko nga sabihin na sa kanila ko natagpuan ang tunay na magulang.:D

Summer!
10-26-2005, 08:58 PM
[quote=Maruchan]
Summer!, sorry to hear about your MIL. Sana makabukod din kayo kasi iba talaga kapag my privacy kayo ng asawa mo. Kankenai naman kahit chonan pa ang asawa mo. Malakas pa naman sila so you guys don't have to live in one roof...at least not as of now. I think you will be happier.

Tama ka, Maruchan, genki pa ang mga PIL ko kaya no need to live with them yet. Kahit pa chonan ang asawa ko. Siguro dinadahilan na lang nila yon para ma-justify ang pagpapa-stay nila sa amin. Kaya, lakasan lang ng loob para makaalis talaga dito kasi suyoi masyado MIL ko, kung di ako maninindigan umalis talagang ayaw kami paalisin. :mad:

adechan
10-26-2005, 10:24 PM

summer, chonan din ang asawa ko, but we live our own kahit naghihirap kami, though rich and blessed in many other aspects.

napakaraming adjustments din ang gagawin mo pag humiwalay kayo, lalo na sa financial matters. Kailangang handa ka. Pag humiwalay kayo kailangang patunayan ninyong kaya ninyo no matter what. Or etc. etc.

Just take it easy rin, mas magandang makahiwalay kayo nang walang samaan nang loob. Pero kung kailangang alisin ang tinik sa dibdib mo, alisin nang mas maaga, bago lumalim iyan.

Ang pusong maligaya kahit anong hirap makakaya, pero ang pusong problemado, stress .... depress .... unhappy ... nawawalan nang enthusiasm, nawawalan nang hope

GOMENE madrama ba ang dating?:D

mahilig kase ako sa drama eh;)

Maruchan
10-27-2005, 01:20 AM
he,he...Maruchan pareho ulit tayo,bunso din ung asawa ko eh...di ko lang alam kung ano balak nila eh...pero ang alam ko eh kung dadating ung time na wala na sila eh kung sino daw ata nagalaga,pero sabi ng kuya nya eh ok na namn daw buhay nya,may sarili na syang bahay kami ala pa..he,he!!!...pero sabi ng asawa ko kung mawawala na magulang nya gusto nya sa pinas na lang kami...pero parang ayoko ko muna isipin ung mawawala na sila,dahil talagang napalapit na sila saken eh...kahit pa sabihing magkakaiba kami ng lahi,sana hindi sila magbago!!

Kakatuwa naman tayo, Ariz. Ganyan din kami noon...nauna ang kuya ng asawa ko magkabahay...matagal din kami bago nagkabahay...bale mga two years ago lang yata. Oo, sana mahaba pa ang buhay ng ating second parents kasi super lungkot naman. Kakatuwa talaga tayo...too many coincidences. :)

makulit
10-27-2005, 02:09 AM
mabait din ang biyenan ko, wala akong masabi ...

depp
10-27-2005, 10:11 AM
ang susuwerte nyo naman kc buhay pa ang mga biyenan nyo.ulila na kasi husband ko kaya wala akong biyenan.kaya talagang walang nagtuturo at magtuturo sa akin.kaya naman sobrang stress ang inabot ko nabg bago pa lang ako dito.lalo na sa pagpasok sa yochien ng anak ko.e,di rin naman naiintindihan ng anak ko sinasabi ng teacher kasi ay d pa siya marunong magnihonngo.3 years and a half siya ng pumunta kami dito.hayyyy,buhay!bu ti na lng at nakaya kong mag-adjust.sa awa ng DIYOS ay first grade na siya this spring.kaya your all all so lucky to have biyenans pa.me mag-gaguide sa inyo kahit me mga ups and downs!

Chibi
10-27-2005, 12:07 PM
biyenan ko super bait talaga!di namen sila kasama sa haws pag andun kami sa kanila prinsesa ko...kainuman ko pahh!!!hahhahahhah!: D

seanty
10-27-2005, 11:58 PM
ako, mabait din ang mga biyenan pero Pinoy sila, pinoy po kaming mag-asawa dito, kahit naman yata saan part ng mundo meron mga biyenan na "hindi kabaitan" pero mas malala siguro kung kalahi mo na tapos eh minamata at inaalipin ka pa!!! ano po sa palagay nyo????:confused: :confused: :(

Hungry eyes
10-28-2005, 12:08 AM

yes true ka dyan...tsaka siguro nasa pakikisama na rin natin sa byenan kaya minamahal nila tau...palagay mo?

maui
10-29-2005, 12:29 PM
mabuti pa kayo mababait biyenan nyo! ako? not in good terms kami ng mother in law ko...nung una mabait sya pero habang tumatagal nagbabago rin sya...sinasabihan nya ko kapag wala hubby ko, e di pa naman ako gano marunong magnihonggo..mas nakikita nya mali ko pero di nya ma-appreciate ang maganda...wala lang sa kanya! nung una hinahayaan ko lang pero minsan sinasagot ko na rin sya..nakakasama kasi ng loob. compare ba ko sa asawa ng kuya ng hubby ko..sila dati kasama sa bahay umalis nga kasi ayaw makisama sa kanya.
mabuti na lang mabait hubby ko...alam nya lahat nangyayari & he understand me. kaya di na rin namin maiwan kasi kawawa...79 years old na kasi... kaya eto pasensya na lang palagi...

Hungry eyes
10-29-2005, 07:17 PM
Yung nanay (Tunay) ko rin nung una masyadong mahirap pakibagayan..ang daming sinasabi against sa mga hipag ko ganoon at ganito daw..minsan nag iinarte pa..kinausap ko sya .. tinanong bakit ganoon ang treatment sya sa mga manugang nya, yun pala nagseselos at feeling eh naagawaan ng anak..sabi ko sa kanya .huwag nyang ituring na manugang.. ituring nyang mga anak para hindi nya makikita yung bad traits, kasi pare pareho lang naman na may kapintasan. sinabi ko sa kanya na ako eh may byenan din .pero hindi ko naranasan na ganoonin ng byenan ko .sinabi ko rin sa kanya ano kaya mararamdaman nya kung inaapi ako ng byenan ko.. ayun nagbago..mag kakasundo na rin sila. itsismis ba si inay :D (kwento lang naman)

Hungry eyes
10-29-2005, 07:21 PM
ay sorry bat nagkadoble? pasensya na po.....:eek:

efernao
10-29-2005, 10:10 PM
hi summer! if i were you, gaman shinai hou ga ii desu. lalo na abt sa dog, apo niya kaya yung kinagat ng dog. open it up to your husband and speak to him nicely. i know your husband will understand. we are not borned by our parents to suffer from our inlaws, ryt? but luckily, i have a good relationship w/ my mother in law but were not living together, npaka generous nya. just pray and ask for guidance. god bless!

myukasky
10-29-2005, 10:21 PM
mabuti pa kayo mababait biyenan nyo! ako? not in good terms kami ng mother in law ko...nung una mabait sya pero habang tumatagal nagbabago rin sya...sinasabihan nya ko kapag wala hubby ko, e di pa naman ako gano marunong magnihonggo..mas nakikita nya mali ko pero di nya ma-appreciate ang maganda...wala lang sa kanya! nung una hinahayaan ko lang pero minsan sinasagot ko na rin sya..nakakasama kasi ng loob. compare ba ko sa asawa ng kuya ng hubby ko..sila dati kasama sa bahay umalis nga kasi ayaw makisama sa kanya.
mabuti na lang mabait hubby ko...alam nya lahat nangyayari & he understand me. kaya di na rin namin maiwan kasi kawawa...79 years old na kasi... kaya eto pasensya na lang palagi...

Maui tama pasensya ka na lang kasi matanda na sya at baka naglalambing lang yan sa inyo ng hubby mo. Alam mo yang pagtitiis mo may kapalit yan na maganda na galing kay lord.:D Di talaga maiwasan yung compare ka minsan kasi nangyari din sa akin yan. Compare din ako ng biyanan ko sa wife ng bayaw ko, ako naman ignored kankenai ba.:rolleyes: :rolleyes: Nakasama ko din kasi laws ko before almost 3 years, mabait naman pero di talaga maiwasan na makita mo din yung ugali. Kaya ang ginawa ko yung mga mabuti na ginawa nila sa amin ni hubby ang tinitignan ko. Goodluck:D

myukasky
10-29-2005, 10:26 PM
Yung nanay (Tunay) ko rin nung una masyadong mahirap pakibagayan..ang daming sinasabi against sa mga hipag ko ganoon at ganito daw..minsan nag iinarte pa..kinausap ko sya .. tinanong bakit ganoon ang treatment nya sa mga manugang nya, yun pala nagseselos at feeling eh naagawaan ng anak..sabi ko sa kanya .huwag nyang ituring na manugang.. ituring nyang mga anak para hindi nya makikita yung bad traits, kasi pare pareho lang naman na may kapintasan. sinabi ko sa kanya na ako eh may byenan din .pero hindi ko naranasan na ganoonin ng byenan ko .sinabi ko rin sa kanya ano kaya mararamdaman nya kung inaapi ako ng byenan ko.. ayun nagbago..mag kakasundo na rin sila. itsismis ba si inay :D (kwento lang naman)

Sis hungry eyes, ganyan din si nanay ko pero ang di nya makasundo eh yung eldest sister ko.:rolleyes: :rolleyes: :rolleyes: May sakit kasi si mother kaya sa bahay nakatira yung family ng sister ko, eh noon pa man di na sila magkasundo pero no choice ate ko kasi kung iwan nya nanay ko walang mag-alaga. Buti na lang mabait yung husband ng ate ko at nakakaintindi sa kalagayan nila, pero lagi ko sinasabi sa ate ko magtiis na lang kasi mas mahirap kung iwan nya nanay namin kasi nga di sila magkasundo.:rolleyes : Hay hirap palaki ng magulang yan lagi sabi ng ate ko.:D

Summer!
11-05-2005, 09:32 AM
[quote=Summer!]

summer, chonan din ang asawa ko, but we live our own kahit naghihirap kami, though rich and blessed in many other aspects.

napakaraming adjustments din ang gagawin mo pag humiwalay kayo, lalo na sa financial matters. Kailangang handa ka. Pag humiwalay kayo kailangang patunayan ninyong kaya ninyo no matter what. Or etc. etc.

Just take it easy rin, mas magandang makahiwalay kayo nang walang samaan nang loob. Pero kung kailangang alisin ang tinik sa dibdib mo, alisin nang mas maaga, bago lumalim iyan.

Ang pusong maligaya kahit anong hirap makakaya, pero ang pusong problemado, stress .... depress .... unhappy ... nawawalan nang enthusiasm, nawawalan nang hope

GOMENE madrama ba ang dating?:D

mahilig kase ako sa drama eh;)

thanks adechan. totoo ang sinabi mo, sa ngayon nagtitiis akong huwag magkaroon ng away o anumang sagutan sa amin para malinis ang record ko sa kanila, alam mo na, masyado sa kanilang big deal ang seikaku ng manugang, kaya pwede ka nilang i-tsismis kung sakali sa anumang di magandang makita sa iyo. About financial matters, alam ko, talagang mahirap, pero lahat naman kasama yata yan sa nagbubukod, pero masaya diba, kasi malaya ka sa kahit anong gusto mong gawin, kahit pa ba naghihirap. Bandang huli, maaayos din unti-unti at di na ganun kahirap.

Summer!
11-05-2005, 09:40 AM
hi summer! if i were you, gaman shinai hou ga ii desu. lalo na abt sa dog, apo niya kaya yung kinagat ng dog. open it up to your husband and speak to him nicely. i know your husband will understand. we are not borned by our parents to suffer from our inlaws, ryt? but luckily, i have a good relationship w/ my mother in law but were not living together, npaka generous nya. just pray and ask for guidance. god bless!

hello,efernao. Alam mo minsan, nagtataka na rin ako sa sarili ko bakit di ko magawang pagsabihan ang mga biyenan ko lalo na pag may kinalaman sa mahal nilang aso at sa apo nila, sobrang gaman na di na tama di ba? My husband knows everything kasi sinabi ko sa kanya nung minsang di na ko makatiis, lahat ng ayaw kong nakikita ko sa MIL ko mula noon, sinabi ko na sa kanya, kasi tiniis ko nang matagal sa sarili ko yung nakikita ko at nararamdaman ko, kahit sa family ko sa Pinas di ko pinapaalam dahil ayoko silang mag-alala. Hanggang sa ayun na, dumating yung isang bagay na di ko na kinaya, ayoko sana sabihin sa asawa ko dahil baka masaktan siya dahil ina niya yun, pero ngayon, transparent na ako sa asawa ko tungkol sa nararamdaman ko, kaya siya rin, nag-promise na magbubukod kami no matter what.

marjie
11-05-2005, 09:55 AM
Summer I`m sorry to hear that.Ako namn kasama ko biyenan ko for 2 years na alang problema kasi pareho silang mababait ang problema ko yung bro in law ko .His 38 yrs old na ala pang asawa at ala ding gf at tuwing yasumi nakaulong lang sya sa kuwarto nya at I think nag playstation lang kaya nakaktakot at ang nakakinis napakalikot ng kamay mulan nooong bumubisita pa lang kami dito nawawalan ako ng pera and I tolm my husband imposible daw na gagwin ng bro nya yun eh sya lang yung pinagdudahan ko.At dumating ang panahon na na prove ko rin sa hubby ko na sya kasi last month lang pati mga favorite cd album`s nya at dvd nawala na rin alangan namng biyenan gagawa nun kaya ito ang pinobroblema ko.alam mo naman dito ngayon sa japan na maraming mga lalkeng hapon na alng asawa na nakaulong lang sa kwarto nila isa ang bro in law ko.di namn na sinisiraan ko sya yun ang hitsura nya.Hope makapagtayo na kami ng bahay.Just help me to pray na lang po.tnx ,marjie

adechan
11-05-2005, 06:13 PM
[quote=adechan]

thanks adechan. totoo ang sinabi mo, sa ngayon nagtitiis akong huwag magkaroon ng away o anumang sagutan sa amin para malinis ang record ko sa kanila, alam mo na, masyado sa kanilang big deal ang seikaku ng manugang, kaya pwede ka nilang i-tsismis kung sakali sa anumang di magandang makita sa iyo. About financial matters, alam ko, talagang mahirap, pero lahat naman kasama yata yan sa nagbubukod, pero masaya diba, kasi malaya ka sa kahit anong gusto mong gawin, kahit pa ba naghihirap. Bandang huli, maaayos din unti-unti at di na ganun kahirap.

Summer gambate!

lahat naman dumadaan sa mga financial trials, marami man o wala. And importante may peace ka. And ang laging kakambal nang peace .... joy.

ang relationship mo sa manugang mo, napagtiisan mo na, kaya mo iyan hanggang makahiwalay kayo ..

take care and in prayers

luccia
11-18-2005, 03:47 PM
ang masasabi ko lang sa bynan ko eh
she like my mother so much ....mas close
pa ako sa okasn ko kesa hubby ko :D

luccia
11-18-2005, 04:05 PM
buti kayo at di kayo magkakasama sa bahay. ako, eto magti-3 years na kasama byenan sa bahay at 3 years na rin akong nagtitiis. Puro tiis. Di ko magawang makipag-away o sumagot ng pabalang kasi pakiramdam ko utang na loob ko sa kanila marami. I don't drive, she does, I don't speak good Nihonggo, she speaks for me whenever she had to like going to the clinic, daycare interview, etc, etc. So kahit anong kasamaan ng ugali ipakita sa akin, di ko pa rin magawang awayin. Like, minsan di ako kinakausap pagdating niya ng bahay (mother-in-law) galing trabaho, pakiramdam mo may ginawa kang masama, pag wala siyang sumpong, kumikibo din naman, hay. Tapos, mas mahal pa yung aso kesa sa apo, pag kinagat yung anak ko, anak ko pa may kasalanan, waaahhhh! Eto pa, ayaw kaming pabukurin, at chonan daw kasi yung anak niya. Ayun, bait-baitan sa akin, 2 araw na, siya yung medyo gumagawa ng gawaing bahay na gawain ko. dahil ako yung aliping namamahay dito. Pero since plastic siya, pina-plastic ko rin siya. Kaya, walang makakapigil sa akin sa pagbukod ng bahay, grabe, sa sama ng ugali, super, walang OA ito ha. Kung siguro iba lang at walang modo, inaway na siya at pinagsasagot.

Kaya, never, ever live with your inlaws unless you want to suffer. take it from me...

hi sis summer cll na lang kta ng sis ...

ur mthr n law is one of da typcal jpnse n law :( my opinion lng ha
tru my frnd xper. ganyan na ganyan d yung okachn nya ..pero one tym
eh tao lang tyo at d martir noh at wala nmn tayong balak na palitan
si rzal sa luneta :D pnapatawa lang kta ....heheheeh
try to talk to her ...... let her know wat is da real score betwn u and her
n a way na mahinahon pero pursigido ka na ipaalam sa kanya
kung ano yung d mo gus2 ....kasi tyo nmng mga plpna eh
flxible kahit saan pwede tayo madali tayong makisama ;)

and talk to ur hubby na ganito at ganyan ang mga ngyayari
sa loob ng haus nyo ....in a gud way .....ask him kung
anong opinon nya sa mga ganyang bgy

and onething more sis kahit mahirap ...learn to talk nponggo
if u can speak even not fluently dare de mo anata no koto bakaneshinai yo ;)

katty0531
11-18-2005, 09:03 PM
hello,
Ibang version po itong kwento ko, MIL ko po 88 yrs. old, isang taon at kalahati ko na po siyang kasama at inaalagaan sa bahay,ako po ang kanyang Care Giver..may sakit ho siyang pangkaraniwan na kong simpleng tawagin ay lost of memory,hindi po niya ako kilala hanggang ngayon o natatandaan man lang at asawa ko po hindi rin niya natatandaan na anak niya,akala po niya doctor at nurse kami nang asawa ko,.Kangu san po ako at Sensie po tawag nya sa asawa ko.

Minsan hiniling ko na sana naabutan ko man lang siyang malakas pa,minsan din binabawi ko kasi sa mga kwento ng asawa ko natatakot ako,perfectionist kasi MIL ko,alam nyo na...kong malakas daw sya di namin sya isasama sa bahay sabi ng asawa ko,everytime na sinisilbihan ko siya sa pagkain,pag linis nang dumi niya,genki man sya o hindi,may sumpong o wala ni minsan hindi niya nakakalimotang mag ARIGATOU sa akin,sa arigatou na yan kinukuha ko lakas ng loob ko sa susunod na araw.

Wala pa po akong anak kasi yong para sa anak ko binibigay ko muna sa MIL ko,alam at kitang kita po ng asawa ko lahat pag sisilbi ko sa nanay nya,sabi nga niya OFUKURO ato nan nen ekiru ka na? taihen ya de,sagot ko,nan nen demo ii,ako naman ang taihen di naman ikaw,sabi nga ng nanay ko(totoong nanay)nasanay na nga raw ako sa pagliligpit nang dumi nang biyenan ko,matapang kasi sikmura ko eh,hehehehe...
Pasensya na kayo at mahaba ang aking kwento,salamat sa thread na ito,gagawa nalang ako ng libro pag dating nang panahon...Summer! at sa lahat nang masuswerte at hindi sa biyenan,ano kaya tong sitwasyon ko swerte o hindi? o di kayay normal lang? sa akin naman,nasanay na rin ako,wala pong problema sa akin gusto ko narin,at malulungkot po ako ng malaki kapag mawawala po yong biyenan ko..

bhebhe
11-20-2005, 07:31 AM
well,ako mag 1yr ko ng kasama in-laws ko,wala naman kami prob.kasi para din kami nakabukod kasi busy sila at wala tao dito,di din naman nila ako pinapakitaan ng masama,at lucky ako kasi happy kami lahat...every weekend may reunion kami d2 sa haus,lagi kasi busy kaya kahit once a week meron talaga un at bawal absent...at cyempre gusto nila ng filipino food kahit nga daing,tuyo,tortang sardinas,pancit canton,tortang talong,paksiw,bagoon g,>except balot<....lahat un kinakain nila at lagi pang may take out mga hipag ko...oh diba saya!!!!!!
lucky ako kasi di nila ako tinuring na ibang tao,at siguro bata pa ako at wala din silang anak na babae kaya mabait sila saken at sa iba pang manugang nila,actually by next year magbubukod na kami,okei din un pero parang ayoko kasi enjoy pa ako sa mga in-laws ko,kaya never ako nahomesick at never ako nagbalak na umuwi kasi happy ako!!!!:)

i don`t know how to thank them for bringing my husband in this world....
kaya IF EVER,na masama ang ugali ng in-laws ko at kahit sila na ang pinakamasama tao sa mundo gagalangin ko pa din sila,at makikisama pa din ako sakanila...
kasi magulang pa din sila ng asawa ko..

en finally,di naman lahat ng tao pareho2 try nyo makimasama ng maayos en magpakatotoo lang cguro tayo, kasi lahat naman ng tao may puso,...

sanda613
11-20-2005, 06:41 PM
lucky ka kc mababait cla sana hindi cla magbabago sa u,;) ako hindi k rin kasama byenan ko pero alam ko mababait cla naiintidihan nla ang kimochi ng isang katulad kong gaijin.:) nirerespeto ko ang gusto at hindi nla gusto, ganuon din cla. Isa lang masasabi ko, hanggang my RESPETO sa isat isa wala cgurong magiging problema.:p GOD bless U
:) Hello mga taga TF...naisip ko lang itanong sa inyo,anong masasabi nyo sa mga biyenen nyo?kasi yong biyenan ko wala akong masabi kasi sobrang bait,grabe!mga simpleng bagay pero nakakataba ng puso!!:D Kayo anong masasabi nyo?

kikx_miles
11-21-2005, 07:35 AM
ako masasabi ko na swerte ako sa naging biyenan ko kc sobrang bait,halos hindi na nga ako ang nag-aalaga ng anak ko...pati pagkain namin sya na rin ang nagluluto.nung una hindi nila matanggap na mag aasawa ang anak nila ng filipina pero pinakita ko sa kanila na hindi naman nagkaiba ang haponesa sa filipina siguro language lang pero sa pakikisama okay din naman.

aprilluck
11-27-2005, 09:47 PM
hello,
Ibang version po itong kwento ko, MIL ko po 88 yrs. old, isang taon at kalahati ko na po siyang kasama at inaalagaan sa bahay,ako po ang kanyang Care Giver..may sakit ho siyang pangkaraniwan na kong simpleng tawagin ay lost of memory,hindi po niya ako kilala hanggang ngayon o natatandaan man lang at asawa ko po hindi rin niya natatandaan na anak niya,akala po niya doctor at nurse kami nang asawa ko,.Kangu san po ako at Sensie po tawag nya sa asawa ko.

Minsan hiniling ko na sana naabutan ko man lang siyang malakas pa,minsan din binabawi ko kasi sa mga kwento ng asawa ko natatakot ako,perfectionist kasi MIL ko,alam nyo na...kong malakas daw sya di namin sya isasama sa bahay sabi ng asawa ko,everytime na sinisilbihan ko siya sa pagkain,pag linis nang dumi niya,genki man sya o hindi,may sumpong o wala ni minsan hindi niya nakakalimotang mag ARIGATOU sa akin,sa arigatou na yan kinukuha ko lakas ng loob ko sa susunod na araw.

Wala pa po akong anak kasi yong para sa anak ko binibigay ko muna sa MIL ko,alam at kitang kita po ng asawa ko lahat pag sisilbi ko sa nanay nya,sabi nga niya OFUKURO ato nan nen ekiru ka na? taihen ya de,sagot ko,nan nen demo ii,ako naman ang taihen di naman ikaw,sabi nga ng nanay ko(totoong nanay)nasanay na nga raw ako sa pagliligpit nang dumi nang biyenan ko,matapang kasi sikmura ko eh,hehehehe...
Pasensya na kayo at mahaba ang aking kwento,salamat sa thread na ito,gagawa nalang ako ng libro pag dating nang panahon...Summer! at sa lahat nang masuswerte at hindi sa biyenan,ano kaya tong sitwasyon ko swerte o hindi? o di kayay normal lang? sa akin naman,nasanay na rin ako,wala pong problema sa akin gusto ko narin,at malulungkot po ako ng malaki kapag mawawala po yong biyenan ko..

First,I'm thanking Ariz for this thread ,and to Katty0531 .I see my future in your present situation .And to our kababayan here is my story about my love for my biyenans.
From the very start, My in laws never opposed to the matter they son wanted to marry a filipina kahit mga "toshi yori"sila,di ba pag mga toshi yori na ayaw sa "gaijin" kasi inisip nila agad ang sasabihin sa kanila ng kamag-anak nila at mga taong ka-kilala nila ,but sabi ng biyenan ko kung iyun ang decision ng anak nila ,doon sila kahit ano pa ang sabihin ng tao ,Bunso sa tatlong magkakapatid ang husband ko,babae naman ang gitna but namatay five years ago iyung "chonan"(hindi nagka-asawa) so pumalit sa puwesto ang asawa ko as "chonan kahit hindi naman sila matulungan sa farm "bokujyou"(bakahan).Iba naman kasi ang trabaho ng asawa ko.
I almost couldn't count their kindness towards us ,sila ang nagbigay ng lupa sa amin kaya kami nakapag-pagawa ng bahay agad ,sila rin ang nag su-suply ng halos lahat ng gulay.
Kinakain nila lahat ng niluluto ko ,ipinag-mamalaki nila ako sa lahat ng kanilang kamag-anak,mahal nila ang mga anak ko ,pag nanganganak ako ,kahit halos gumapang sa hagdan pinapanhikan pa ako ng pagkain ,that time talaga na nakita ko ang biyenan ko na halos gumagapang paakyat sa hagdan na dala ang pagkain ko (cesarian delivery kasi) naiyak talaga ako ,naisip ko baka kahit mismong mother ko hindi magawa sa akin ang ginawa ng biyenan ko.

Kaya ngayon kahit instant replay ang biyenan ko sa mga istorya niya (as paulit-ulit)ayos pa rin ,nakikinig pa rin ako kahit more than 100 times ko ng narinig ang topic na kinukuwento n'ya ,talagang ganoon naman lahat pag tumatanda na ,wala naman kasing mga bagong nangyayari sa buhay nila kaya inuulit na lang parati ang mga bagay na natatandan pa nila.Ready na rin kami ng asawa ko na anytime pag nagkasakit sila ay kami talaga ang mag-aalaga ,magbabantay at kakalinga sa kanila .85 years old na ang biyenan kong lalaki at 82 naman ang biyenan kong babae,anytime maaring magkasakit ,maging bed ridden pero hindi masama ang loob ko na alagaan sila dahil mahal ko sila .

Kaya payo ko sa katulad kong may biyenan ,pakita natin na mahalaga sila at sigurado akong ganoon rin ang gagawin nila sa atin .Salamat po.

Summer!
12-08-2005, 10:05 PM
Thanks sa mga nag-share ng thoughts at experiences sa biyenan, salamat din sa mga encouragements.

@ Katty0531, hindi ko naman masabing suwerte ka o hindi sa sitwasyon mo, (pero naiyak din ako sa iyong story), siguro ang masasabi ko na lang, sa tingin mo ba kung genki ang biyenan mo mamahalin mo rin siya gaya ng pagmamahal na binibigay mo sa kaniya ngayon? iyon na lang siguro ang mahalaga sa ngayon di ba.

@ aprilluck, you're lucky to have someone who has wisdom enough to embrace you in almost all aspects. Tama ka na kung maganda ang ipapakita natin maganda rin ang ibabalik sa atin, pero minsan, may mga tao rin talagang abusado. Yun bang binigay mo na ang kamay mo at braso mo, di pa masiyahan, at ang masakit e, di ka talaga magawang pakisamahan kahit anong pakisama ang gawin mo, nakakasawa din ang one-way traffic sa pakikisama. Kung walang bumabalik sa iyong maganda, lalo na't matagal na ang pinagtitiis mo, mabuti pa talaga sigurong maghiwa-hiwalay na lang ng landas kesa magkaroon ng away. Ewan ko, di ko masabing bastos ako dahil di ko nga siya sinagot kahit minsan sa lahat ng pinapakita niya, pero ayun, ang nangyari, lalong umabuso sa "kapangyarihan", kumbaga, kung pwedeng manapak ng tao, baka pwede pang sipain, di kasi umaangal e.

gabby
12-08-2005, 11:19 PM
buti kayo at di kayo magkakasama sa bahay. ako, eto magti-3 years na kasama byenan sa bahay at 3 years na rin akong nagtitiis. Puro tiis. Di ko magawang makipag-away o sumagot ng pabalang kasi pakiramdam ko utang na loob ko sa kanila marami. I don't drive, she does, I don't speak good Nihonggo, she speaks for me whenever she had to like going to the clinic, daycare interview, etc, etc. So kahit anong kasamaan ng ugali ipakita sa akin, di ko pa rin magawang awayin. Like, minsan di ako kinakausap pagdating niya ng bahay (mother-in-law) galing trabaho, pakiramdam mo may ginawa kang masama, pag wala siyang sumpong, kumikibo din naman, hay. Tapos, mas mahal pa yung aso kesa sa apo, pag kinagat yung anak ko, anak ko pa may kasalanan, waaahhhh! Eto pa, ayaw kaming pabukurin, at chonan daw kasi yung anak niya. Ayun, bait-baitan sa akin, 2 araw na, siya yung medyo gumagawa ng gawaing bahay na gawain ko. dahil ako yung aliping namamahay dito. Pero since plastic siya, pina-plastic ko rin siya. Kaya, walang makakapigil sa akin sa pagbukod ng bahay, grabe, sa sama ng ugali, super, walang OA ito ha. Kung siguro iba lang at walang modo, inaway na siya at pinagsasagot.

Kaya, never, ever live with your inlaws unless you want to suffer. take it from me...

Oh dear!! I wish we can help pero buhay nyo iyan e. Pag-usapan nyo yan nang Darling mo baka biyenan lang makasira nang buhay nyo.

mhy_2332
12-09-2005, 10:51 AM
[quote=ariz]:) Hello mga taga TF...naisip ko lang itanong sa inyo,anong masasabi nyo sa mga biyenen nyo?kasi yong biyenan ko wala akong masabi kasi sobrang bait,grabe!mga simpleng bagay pero nakakataba ng puso!!:D Kayo anong masasabi nyo?[/quot

hello,buti ka pa may biyenan ka?ako kasi ung mga biyenan ko wala naeh!gus2 ko ngang may biyenang babae ,para mas lalo kong matutunan ang mga mahahalagang bagay dito,like yung pagluluto,yan ang pinaka#1na dapat nating matutunan,diba?buti ka swerte sa in-laws!goodluck:)

Summer!
12-11-2005, 03:22 PM
Oh dear!! I wish we can help pero buhay nyo iyan e. Pag-usapan nyo yan nang Darling mo baka biyenan lang makasira nang buhay nyo.

Napaguusapan na rin namin nang maraming beses kaya gabby san, tama ka, isang malaking bagay din yan na maaaring makasira sa amin kaya dapat i-solve soon.

esturyshade
02-09-2006, 05:05 PM
(Admin's Note: Merged into this thread)

Sa mga may gustong mag share ng kanilang experience s akanilang bienan eh pakinig naman.at i share ko ang akin..kung love mo si bienan mong haponesa,eh bakit nga ba?kung hate mo naman eh bakit din..sa mga hate ang bienan.......ay naku,pigilin natin alang alang s aating love n ahubby at pag usapan kung ano ang mali ng bawat isa at ayaw ng bawat isa para mag kaintindihan,alalaha nin din nating kung wala sila ay wala si hubby natin,after bienan sila.kadikit at kadikit sila ng ating pamilya..at

sa mga mahal ang bienan,,ay naku salute ako dyan kasi ako love ko bienan ko,bakit?kasi compatible kami s alahat ng bagay,at pag sinabi kong ayaw is ayaw,,wag ipilit n aipakain ang osembe sa kin ..dahil di ko masyado type ang osembe,pareho din kaming inosente n asya mismo na taga dito eh hindi alam ang lumalagong teknolohiya nila?at sabay naming sasabihing...~ahh sooo?????:p ganon pala yon.sona kanji ka ahhh~~~dapat din nating alalayan sila dahil para narin nating inaalagaan mismo ang ating nanay na iniwan sa pinas o kung nasan man sila.bigyan natin sila minsan ng pampalipas pasyal,na tayo mismo ang mag yaya.pero sa amin sya madalas mag yaya,curious sya s akin ganon din ako,napakaganda ng aking bienan nung sya'y kabataan Imelda Marcos ang beauty,at syempre guapo hubby ko :p .pag sigkit na mata ko inaalam nya kung bakit at take note,,akoy prangka talaga,na labis nyang gusto,at hindi ko naman sya inaabuso..madalas nya talagang i insist na kainin ko ang mala platong osembe
nya.at pakainin ako ng yokan.:p

mahilig sya magluto at take note ulit kumakain sya ng pinakbet natin at bagoong alamang n amay baboy..wala syang inilingan na lutong pinoy,ako karami ng iling ,pero di sya hurt kasi she understand me.

sa mga singkit ang mata sa bienan,gawan natin ng paraan kung paano lalambot ang puso nila para sa yo.wag nating sabihin ang katagang paki ko sayo basta ako filipina.NO!bad yon.kasi kung ma hurt naman ang hubby natin db?

O share na kayo Love nyo bienan?:p o hate nyo bienan:mad:

bell
02-09-2006, 05:20 PM
esturyshade....hi... sayang wala ako maiishare sayo kasi wala na akong bienan e patay na sila pareho kaya diko naexperience kung ano feeling ng may bienan...sayang talaga.....:Dmagkasu ndo pala kayo ng bienan mo.good for you kasi yon iba ayaw kasi pag pinay ang napangasawa ng anak nila.masuwerte ka at pakaingatan mo yon...:D

esturyshade
02-09-2006, 05:24 PM

tenk you sayo..no worries..kasi makulit nga ako..sayang wala na pala bienan mo.anyway,you take care enough na lang sa hubby mo.Im sure binabantayan nila kayo ...:p

fayray
02-09-2006, 05:25 PM
i don't have any problem regarding my mother- in-law bcoz shes residing far from us. we would visit her from time to time and she's nice to me.
i remember she gave me lots of her old clothes and thought it would be useful. I don't want to dissapoint her so I accepted it and send it back home. :D

esturyshade
02-09-2006, 05:28 PM
i don't have any problem regarding my mother- in-law bcoz shes residing far from us. we would visit her from time to time and she's nice to me.
i remember she gave me lots of her old clothes and thought it would be useful. I don't want to dissapoint her so I accepted it and send it back home. :D
good attitude naman what you did..at least feel nya you like all those clothes db?nakatulong ka pa or naitulong mo sa iba yon..hhhm bait mo.

irisgurl
02-09-2006, 06:34 PM
How fortunate you are naman....like others said,some filipinas with japanese bienan is quite difficult talaga...mayroon nga ako friend na dalawa anak at malalaki na ay hindi pa rin nila nakikita ang lolo nilang japanese although ok naman si lola sa maga kidz.Yun nga lang minsan hinahanap din nila lolo nila siempre dba....at isa pang friend ko ay binabastos sya nang bienan nya dahil ayaw nya na gaijin asawa ng anak nya gusto nihonjin din....mabait nman mga pinay sa bienan eh kaya lng in the end parang ubos na pasensya.....Well me, di ko naexperience yan na paano mayrun bienan kc perujin husband ko and nasa Chile mother nya hindi pa kami nagkikita pero ok naman mother ng hubby ko well support nman sa amin....

pola228
03-14-2006, 05:22 PM
Ako naman 3 years ko nakasama laws ko mahirap na masarap. Noong una kala ko di ko makakaya pero thanks god nakayanan ko. Sa side ko naman may time na talagang nag-aaway kami at yung husband ko ang namamagitan sa amin or kaya yung sister ni hubby. Dami naman sya naitulong sa amin ng husband ko, una na yung nanganak ako sa first and second baby ko. Yung sa first baby ko from the start na nagpapacheck-up ako sya lagi ko kasama hanggang sa manganak ako sya nagdala sa akin sa hospital kasi wala si hubby ko. Sa apo naman wala ako masabi, talagang nakikita ko na mahal nila yung anak ko. Sila pa nga nag-aalaga kapag may pupuntahan ako na di puwede isama ang anak ko. Kapag may tampuhan kami ng husband ko, biyanan ko ang lagi ko pinag-sasabihan. Nasasabi ko nga sa sarili ko kung di man ako halimbawa suwerte sa asawa sa biyanan double suwerte ko.:D Sa kanya ko lahat natutunan kung ano alam ko dito sa japan.

Isa lang ang madalas na pagtalunan namin, yung magkimono ako.:rolleyes: Gusto kasi noon kapag may malaking okasyon kami pupuntahan nakakimono din ako.:eek: :eek: Tulad na lang ng dinala namin sa jinja yung anak ko kailangan daw kimono suot ko para daw magandang tignan. Aysus ayon two times ako muntik madulas, pero sa awa ng dios natutunan ko din paglakad kapag nakakimono.:D Ngayon nakabukod na kami pero malapit lang din sa biyanan ko, kasi may idad na sila at malulungkot daw kapag nalayo yung dalawang apo. Sabi nga ng mga kapitbahay namin sana di na kami lumipat kasi lagi naman kami sa bahay ng biyanan ko sayang lang daw ang upa. Pero isa lang masasabi ko kung wala kang mahabang pasensya at tiyaga huwag mo na planuhin na makisama sa biyanan. Goodluck summer pero pround ako sayo at nakatiis ka ng 3 years.

pareho tayo ate swerte sa byenan...kaso confused lang ako bakit pa kayo bumukod?
pero ate tama ka sa bandang huli na kung hindi mahaba pasensya mo at tiyaga di siguro ako makakatagal dito...pero ako naman kasi pag galit ako or wala sa mood nakikita nila di ko tinatago..kaya siguro di ako nahihirapan..dumatin g din sa punto na nagwala narin ako na halos sinisigawan ko narin sila parang nilabas ko pagkabagot ko dito sa bahay..ayun nagbigay pamasahe pauwi pinas:D hehehe...parang sinabing uwi muna ako at mag palamig ng ulo..hahaha...

dumating narin sa punto na pinipilit ko asawa ko na magbukod nalang kami pero nabago rin kasi pagnakikita ko sila na nilalaro anak ko na g-guilty naman ako..parang sinasabi ng kunsensya ko na "ano kaba matatanda na yan, ilang taon nalang ilalagi nila dito sa mundo pagbigyan mo na, kung masaya silang kapiling ang mga apo wag mo ng ipagdamot! :( :rolleyes: "

kaya eto magkakasama parin kami..natatakot lang ako baka pagnakaratay nalang sila at need ko ng alagaan e kayanin ko kaya....sana...

ladygems1216
03-14-2006, 06:59 PM
... Hello everyone! Share ko din sa inyo ang biyenan ko. Actually naman eh mabait siya in the real sense of the word. unico hijo kase ang husband ko so whether we like it or not, dun kami nakatira sa bahay nila. Okay naman sana eh kaya lang may ugali ang biyenan ko na pag may problema siya, damay kami ng husband ko pati ang anak ko pinagagalitan. Kaya naiinis ako, kase minsan harap harapan na sinisigawan ang husband ko nasasaktan ako kase pagtalikod ng biyenan ko nakikita ko na umiiyak ang asawa ko. Yun lang naman ang pangit na ugali ng biyenan ko pero yung good side naman okay siya ang sarap magluto kase siya ang nagluluto sa bahay.. Minsan ipinaglalaba pa kami at inaabutan ng panggastos..What else can i say? ;)

gud
03-16-2006, 09:52 PM
ako no comment sa byenan ko... i can say shes the best... d sya nakikialam sa lahat... kahit matulog ako maghapon, ok lan sa kanya... open sya sa lahat ng bagay... wala ako masasabi sa kanya lalo na pakikisama nya sakin... dahil khit biro lan kurot sakin ng asawa ko, anak pa nya pinagagalitan nya...
pero as of now, un po ang problema... waaaaaahhh !!!
me sakit na sya na lost of memory... buti na nga lan at kilala pa nya ako na bilang tunay nyang anak... ang anak naman nya eh kilala nya bilang manugang nya... hahahha!
very interesting d po ba ? 1 tym ng tawagan sya ng asawa ko, cnabihan nyang sino ka ?
syempre sagot nya, anak mo... sagot naman ng byenan ko, pano kita naging anak samantala ang anak ko eh si gud ! sabay salita na, d ako nagsisisi niluwal ko si gud!
hahahha ! asawa ko naman gus2 na ngumawa...

d lang un, d na rin yata marunong tumingin ng oras byenan ko... kahit madaling araw non stop ang fone namin kari-ring sa tawag nya... waaaaaaahhh !!!
kahit kakausap mo lan sa kanya, after 3mins lan, tatawag sya uli dahil tagal daw kami d nag usap... whew ! in other words, sa 1 day nakaka 10 to 14 calls sya kaya an taas ng bill nya sa fone... huhuhu! ganun at ganun din naman pag uusapan nyo paulit ulit...

sabi ko nga sa asawa ko, i-record nalan nya ng d sya mahirapan tutal pareho din naman lagi ang topic....

wala pa naman sya kasama ngaun sa bahay namin sa osaka dahil andto kmi sa tokyo... la naman ako magawa dahil dto naka-assign ang asawa ko...

so kinuhanan namin sya ng care taker ba ? kaso lagi nya d pinapapasok ng bahay ung care taker dahil d daw nya kilala... actually nagkausap na sila nun, nawala lan sa memory nya... pati mga sister nya inaaway rin nya kaya tuloy kmi kinukulit dto nila obasan...

ang hirap ng situation namin ngaun... naaawa nga rin ako sa kanya... what else can i do?

pero nun wala pa syang sakit talaga im proud to say shes the best !!!

myukasky
03-16-2006, 10:05 PM
... Hello everyone! Share ko din sa inyo ang biyenan ko. Actually naman eh mabait siya in the real sense of the word. unico hijo kase ang husband ko so whether we like it or not, dun kami nakatira sa bahay nila. Okay naman sana eh kaya lang may ugali ang biyenan ko na pag may problema siya, damay kami ng husband ko pati ang anak ko pinagagalitan. Kaya naiinis ako, kase minsan harap harapan na sinisigawan ang husband ko nasasaktan ako kase pagtalikod ng biyenan ko nakikita ko na umiiyak ang asawa ko. Yun lang naman ang pangit na ugali ng biyenan ko pero yung good side naman okay siya ang sarap magluto kase siya ang nagluluto sa bahay.. Minsan ipinaglalaba pa kami at inaabutan ng panggastos..What else can i say? ;)

Sis yung magandang ugali na lang ni mother in laws mo ang tignan mo para masaya.:D Ganun naman yata talaga hindi sa lahat ng panahon eh mabait. Biyanan ko din mabait, pero syempre may ugali din minsan pero ako di ko na tinitignan yung di maganda nyang ugali. Doon ako tumitingin sa mga kabutihan nya, minsan iniisip ko na lang ganun yata talaga tao kapag tumatanda.:D Alam mo sis masuwerte biyanan mo at di ka tulad ng iba.

wolfgang
03-17-2006, 12:39 AM
Noong una talagang ayaw ng biyenan ko saa kin dahil gaijin daw ako. pero habang tumagal naging close kami hangang sa magbuntis ako at nagkaanak.kala ko di na magbabago ang ugali niya.Aba natuklasan ko tsismosa pala lahat na lang ikinukuwento sa lahat ng kamag-anak niya.at nagsusumbong ng kung ano ano tungkol sa akin .napaka plastic po niya pagkaharap mo ang ganda ng ngiti pero pag katalikod kung ano-ano pala ang kuwento sa akin.E hh noon di pa ako masyadong marunong magnihonggo kaya kahit masama na pala sinasabi sa akin nakangiti pa rin ako...ngayon alam ko na yung ano talagang pinagsasabi niya .Pero kahit ganoon siya pinakikisamahan ko na lang dahil mabait naman siya sa apo.:)

proud me
04-09-2006, 12:04 AM
makikisali ...ako yong mga naging biyenan ko hindi kami close kasi bihira lang kami magkita kita at hindi ko rin sila masyadong nakausap nabasa ko itong thread na ito parang naramdaman kong mahirap nga siguro ang makisama sa biyenan kailangan siguro talagang malawak na pang uunawa ...kaya siguro hindi nakakatagal magsama sa bahay yong mga biyenan ko at mrs.ng kuya ni oto siguro kahit pareho ng lahi sila meron talagang nagiging dahilan pagmagkasama na sa isang bubong :)

rika_1115
08-25-2006, 02:33 PM
gud day tf! share ko lng po naging experience ko sa byenan ko.nung napanood ng hubby ko movie ni JLO.,na monster in law,yun na tawag nya sa mother nya:) .pinapahiya po ako sa harap ng mga friends nya.lagi po akong tinitsismis sa mga relatives nila.pag me bisita silang kamaganak,from head to foot ako tingnan.lagi lng akong umiiyak kc maldita sya.pag pinagsabihan ng asawa ko na wag akong tratuhin ng ganun or wag akong ipahiya mas lalo pa nyang ginagawa.hanngang dumating yung time na nagkasagutan na kmi,medyo bumait ng konti.i mean medyo pinipigilan na nya sarli nya kasi alam nyang di na ako magsasawalang kibo.sa ngaun me isang taon na kaming hiwalay sa kanila.ang baba po ng tingin ng PIL ko sa mga filipino.mahilig daw tayo sa alahas,kotse,make up.pag me narinig clang isang tao na late na gumising sagot nla filipino yan.pag me nakita silang malaki ang mata at pango at maitim sasabihin kaagad filipino yan tapos me karugtong na ampapangit talaga ng mga filipino.pag minsan nagpupunta kami ng mall at me narinig silang nag uusap ng tagalog sasabihan ako rika,tingnan mo mga paisana mo.ang sama ng loob ko sa kanila kc lahat ng mga kapintasang yun,nakita nila sa mga naging ka live in ng asawa ko na filipina bago kmi nagkakilala.ang sa akin lng wag naman nilang nilalahat.parang me tanim sila na galit sa ating mga pinoy.minsan di ko alam kung ano meron cla sa ating maga filipino,inggi or galit? katulad daw tayo ng mga thais na visa lng ang hanap.ngaun medyo nahihiya sila sakin kasi ipinakita kong di lahat ng filipino ay pare pareho.nagyon naman sinasabihan naman akong mukha ng katulong kc losyang daw.ang hirap nilang intindihin ano?totoo talaga yung sabi ng iba na mahirap makisama kasi kahit anong gawin mong mabuti,masama at masama ka pa rin

sweet
08-25-2006, 04:32 PM
hi tf..baka maubos space ko pag kinuwento ko pa e,basta ang masasabi ko mababait mga inlaws ko kaya siguro mabait din asawa ko,(solong anak na )basta ang gusto nila ipakita mong totoo ka,pag iranai sabihin mong iranai,saka gusto nila may communication,di kami magkasama sa bahay pero bahay pa rin nila yung tinitirhan namin ngayon,bukod sa bahay nilang mag asawa (PIL)

uvy
08-25-2006, 04:47 PM
ako din po makikishare po ng karanasan tungkol sa byenan ko,.....
Wala po akong masabi sa byenan ko sobra pong bait,inalalayan po nila ako lagi mula noon hanngang nagyon,...Although nung una na di pa nila ako nakikita ay ayaw na nila sakin dahil pinay nga,pero salamat sa Diyos nung nakita na nila ako at nakilala,nagbago lahat paningin nila sakin.Binibilhan nila ako lagi ng mga damit at lahat ng gusto kong kainin binibili nila,......ako na nga lang minsan ang nahihiya kung pumupunta kami dun sa kanila kasi sobra sila mag asikaso sakin,......pati sa apo nila sobra din sila magmahal kaya ako minahal ko na din sila ng walang kaplastikan,.....kas i nakikita ko naman po na di sila naging plastik sakin,......tuwang tuwa sila sakin sa tuwing magbibigay ako ng regalo sa kanila sa tuwing may okasyon,at umaalalay din po ako sa kanila hanggat sa kaya ko po,....kaya laking pasalamat ko talaga pagdating sa byenan ko,....laking tulong talaga sakin,.......hindi po ako nagkaroon ng problema sa pakikisama ko sa kanila,....yon lang po maishare ko,.......

kyong
08-25-2006, 04:59 PM
good afternoon to all tf member. maigi may nag open tungkol sa byenan. ako d
lucky kc ewan ngayon lng ako nakakita ng ganitong klaseng tao at masakit nyan byenan ko pa.
sama ugali. noong live in pa lng kami ng asawa ko mejo mabait sya,,pero ung father in law ko
once ko lng din nakita hanggang eto namatay n last month lng. grabe ung mother in law ko
nung nag pakasal n kami anak nya biglang baligtad. lahat ayaw nya sa akin. mayat maya tawag
sa hauz pag d mo sinagot galit ano daw gawa ko bakit daw d ako nakasagot e may time na asa
toilet or may ginagawa ako n d ko naririnig ang fone. tapos pinapunta ko ang nanay ko first time sila nag meet aba lasing. meron bang ganun? okey lng sana kung d2 n sa bahay iinom.
tapos sabi dati gusto nya daw apo..ayan may apo na pero ala syang ka amor amor sa anak
ko. noong nanganak ako isang beses lng sumilip sa hospital, tapos nung nakalabas ako siguro
sa 1 taon 2 or 3x lng sya sumilip. tapos nung umuwi kami pinas aba ang sabi sa asawa ko wag
na daw kami pabalikin. basta sama ang ugali nya d ko masabi lahat at kulang ang space.
ngayon namatay ung ex husband nya (bali 2nd father ng aswa ko un) e alang kamag anak
ung step father nya so kami din ang nag ayos lahat. aba ang bruha alam ng bc syempre pag tapon ng mga basura at ung mga kailangan ayusin mayat maya tawag ng tawag ano daw gawa
namin:mad: . this year 2 times na syang na confine e may alagang pusa..nung una pumayag ako
d2 muna ang pusa.. i love cat & dog at meron akong alaga na inuwi ko sa pinas kasi ang
anak ko may allergy sa animals. nung 2nd gusto nya ulit d2 sabi ko d pwede at alam nya na
may allergy ung bata...napakakitid ng utak importante pa ung pusa nya kesa sa apo
dati nagagalit ako sa asawa ko kc kada kausap nya sa fone nanay nya sinisigawan nya at
sinasabihan na BAKA..now i know Y at hindi ko din sya mablame kc nga masama ang ugali.
at isa pa imagine ang anak nya pinahihirapan nya din kc ala syang pakialam sa oras
pag gusto nya tumawag kahit asa work ang anak nya tatwag sya at pag d sagot ayun may
naka live na message na galit. mabait pa din ako kc para sa asawa ko noong una balak ko
ni pasilip d ko pakikita ang anak ko sa knya. pero nonsense din kc nga ala amor sa apo nya.
hay hirap mag ka byenan ng BALIW:O kaya ung ibang ka tf natin swerte talga kayo
mabait byenan nyo ako d pa man din kasama stress na ako what more kaya kung kasama
ko sa bahay un???? pero isa lng anak nya at asawa ko pa so sooner or later sa amin din
bagsak nun. paano n lng kaya ang mangyayari sa amin.
pasensya na nakapag labas ng sama ng loob sa inyo

love0308
08-26-2006, 05:10 PM
hello po ako din po di ko kasama yung biyenan ko sa bahay but i know super bait po siya everytime magkasama kami open minded po sa mga gaijin kasi po parehong gaijin ung asa asawa ng 2 niyang anak one american and me filipina so no problem. Minsan sa sorang bait po at caring sa akin ako na po ang nahihiya. Alam ko po din kasi ang weakness ng biyenan ko basta purihin mo lang ung luto niya tuwang tuwa nayun he he he masarap naman talaga actually but sometimes may food talaga na di ko makain murishite taberu para ma please ko siya. pag may occasion or galing me Pilipinas lagi ako may omiyage sa kanya at yorokobu talaga siya hi hi hi nakakatuwa no. Sweet din yun pareho kami kaya siguro magkasundo kami. Im so lucky talaga to have them as a family.Yung biyenan po ng pinsan ko di mabait kasi po ung pinsan ko 26 lang po and yung dana niya is 56 na so iniisip nung biyenan niyang babae na pera lang habol dun sa anak kahit ano daw po gawin niya para ma please ito ay no effect actually kahit buntis siya ngaun at first apo pa nanka ureshii kunai datte. shoganai ne!:D

hayaren
08-26-2006, 05:35 PM
:) :) Super bait ang mga in-laws ko gawa siguro na americanize na sila...grabe talaga wala akong masabi...nakasama ko sila nung hiningi namin ng hubby ko ang blessing nila when we decided to push for our official engagement namin nagleave muna ako sa aking work dito sa UAE and decided to stay with them sa coverage ng vacation ko. I was extremely touched nung nagset na ang father in law ko para sa official engagement namin, pinatawag niya ang immediate relatives nila so I'll be known sa entire clan nila na mag-aasawa na ang first son niya. Sinamahan pa kami ni Oka-san at Oto-san sa Ginza, para mafinalize ang fitting ng engagement ring ko;) . Nag attend sila ng wedding namin sa Pinas at lahat ng rites sa wedding 2 days kasi may mga ceremony pa andun din sila. Sa pagprocess ng papers ko diyan sa Japan nasa likod ang father-in-law ko.......sobrang suwerte talaga ako sa biyenan ko wala na akong hahanapin pa!:)

mOtt_erU
08-28-2006, 06:26 PM
Hi mga KaTF ko................cu rious lang ako kung madami ba sainyo ang kasundo ang Inlaws o Byenanna Hapon?? Sa mga Magkasundo, Paano ninyo napapanatili ang good relatiomship niyo bilang mag-Inlaws????
Sa mga hindi naman magkasundo , bakit?? Ano kaya ang dahilan o problema?

Sana makapagShare po kayo.Sankyuu :)

love
08-28-2006, 06:38 PM
konbanwa mott_eru-san!

well, mag kasundo kami ng mother-in-law ko. unang una siguro sabik sya sa babaeng anak. ung husband ko nag iisa lang. ako naman, wala na akong parents since i was 11y/o.

i maintain my relationship w/ my mother-in-law through mail. we send each other mail everyday, we call each other once in awhile & every sunday my husband & i go to his parents house for dinner.

pag yasumi naman ako sa work, namamasyal kaming dalawa, isshou ni kaimono wo shite imasu.

one thing we have same shumi kaya siguro magkasundo rin kami.

most important thing is i treated her as my real mom kasi nga i longed for a mother image, ganun rin sya sa babaeng anak.:)

mOtt_erU
08-28-2006, 09:50 PM
Wow...ang swerte mo naman Love:) :) :)
I think you deserve naman the happiness and the good life you have now..
Keep it up..ako ung mga byenan ko nasa Kyushu kase kaya bihira lang kame mag Aini iku..
though we`re okey naman, Gusto ko rin sana maging close sa kanila kasi ang layo nila kame hamamatsu kase.
Gambate na..ArigatoU Love:)

ning2
08-28-2006, 10:35 PM
may related pong thread dito (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=246 6&highlight=biyenan) paki check na lang po..:)

mOtt_erU
08-29-2006, 12:18 AM
Thanks for the info ning2. , still I wanted to pursue.i think it`s fine isn`t it?

sensei
08-29-2006, 12:34 AM
Thanks for the info ning2. , still I wanted to pursue.i think it`s fine isn`t it?

hello mOtt_eru,
kanina ko pa rin napansin eh...pero para naman sa naunang nag start ng thread, bigay na lang natin po sa kanya..kay Ariz chan sa Biyenan thread.

You can do it !!!
Start ka na lang uli ng panibagong thread na hindi pa napag uusapan....doon na lang uli kita kukulitin...;) promise yan hanggang gising pa kaluluwa ko:D

mOtt_erU
08-29-2006, 02:14 AM
I appreciate your REAL CONCERN sensei,,,.Para sayo I will:)
Malakas ka saken eh..ArigatoU

clueless
08-29-2006, 03:19 PM
words to describe my "biyenan"
cooL....ok lahat kahit ano...laging go pag may lakad.
mabait ....laging nandyan pag kailangan ko ng tulong.
matyaga...mahilig kase sya sa bata kaya matyagang mag alaga ng apo at higit sa lahat
love nya ko kase lagi nya kong pinagshoshopping~~~~ ~~~whihihihi~~~~:kis s:

ahccofharyne
08-31-2006, 04:09 PM
:confused: byenan ko?...
hmnnn, 3 lang masasabi ko:
1. Mabait. Sa sobrang bait nakaka-asar na. Like other japanese, ang aming pasakalye bago tumbukin ang point. (mabait ba tawag dun?hehehe) pro basta mabait sila kasi hindi nagagalit? Laging naka smile (may sayad pala:biglaugh: )
2. MAyabang. Para bang "uy, tumulong ako huh." Gusto sha laging bida. Hindi sha masyadong naniniwala sa mga info na binibigay ko. Pro pag may nadinig sha sa ibang ganun na info, she is proud to inform me na parang sha ang may alam sa bagay na yun, pro pag pumalpak..will said: sabi kasi ni kwan ganun daw. Or some points na sinabi ko na dati uulitin nya, so, sasabihin ko na ako ang nag sabi sa kanya nun...wala na shang natatandaan:mad: (asar).
3. Kuripot. Well shina-shopping nya din ako noh, yun nga lang sa mumurahin. Basta mura, grab!! Hindi ko nga alam kung nakaka mura sha kasi miski na hindi kailangan binibili kasi nga mura:confused: (shhh..pero si FIL galante. OK yon, binibigyan nya kong pera na hindi kita ni mother.Pro sinasabi ko kay wawi. Sikreto naming 3) Nun ngang nanganak ako hindi na sha nag bigay ng oiwai...kasi daw tutulong na lang daw sha in other way. hmnn...ok lang mabait ka naman.
Yun din bang mga byenan nyo hindi nag bibigay ng oiwai pag nanganak kayo?

He spoil his son. Miski na may reklamo ako sa anak nila, parang shonganai talaga yang batang yan.( Pag pasenshan mo na) Kasi hindi nila kaya.
Pero kahit ang dami kong reklamo sa kanila, wala akong pinakitang masama sa kanila...kaya hindi sila galit sa akin ...kaya mag kasundo kami...as na OK lang mawala ang asawa ko wag lang sila (charing:yikes: )
Tsaka isa pa kaya siguro na maintain na mag kasundo kami all these years, humiwalay kasi kami bago pa mag karoon ng gap between us.
sabi nga dun sa isang signature nung ka tf natin....dont complain, change your attitude...toto yon.
BOW

ps. thanks nga pala kay ariz sa thread na ito...:wink:

Tarena314
08-31-2006, 09:15 PM
ano pa man ang kapintasan ng ating BEYANAN, mahalin pa rin natin at igalang kase parang tunay na rin natin silang magulang....At kung ang BEYANAN naman natin ay wala tayong masasabi , dahil maganda ang ugali at tinatanggap tayo ng buong puso na tayo ay naging bahagi ng kanilang pamilya, magpasalamat na lang tayo ng marami sa panginoon, dahil may pangalawa tayong magulang na kumakalinga satin, sa kabila ng lahat na tayo ay malayo sa ating tunay na pamilaya....:) :) ito po naman ay sariling opinyon ko lang po....:)

kyong
09-01-2006, 04:19 PM
hi mOtt erU san ask mo bakit d nagkakasundo mga inlaws d b? ako ung problema
namin is ang intindi ko my mother in law e NAGSESELOS. una kasi one only anak nya lang
asawa ko. Hindi nya matanggap na may asawa at anak na ang ank nya kaya sa akin at
sa anak ko bagsak sama ng ugali nya. hindi kami magkasama pero malapit lng isang ride
lang ng train mula kanila hanggang dito sa amin.
parang ang tingin ko kahit na asawa ko gusto nya sa kanya ifocus ang attention ng
anak nya. noong bago palang nga kami live in pa lng mejo oks pa sya sa akin atsaka nag
bibigay pa nuon ang asawa ko sa knya lalo n pag bonus. e nung mag pakasal na kami tapos
nag palit ng work ang asawa ko na lumiit ang sweldo nag wawala na sya. bakit nuon daw
meron sya ngayon ala na??? GOsh magkano lang ang sweldo anak nya and i know she know
it too. e may anak na kami ngayon plus may anak din ako sa pinas na pinadadalhan ng pera
pang tutiion...ayun d nya matanggap siguro un,,kesyo saan daw namin dinadala ang pera??
sa totoo lng kulangin or sumobra un ala na syang pakialam kung tutuusin d b?
tsaka may topak nga sa ulo si byenan...pinamimili nya ung anak nya kung SYA daw or AKO
ang pipiliin......matata wa ka na lng sa mga kabuangan nung matanda na un. d ba SELOS
un?

chepot
09-02-2006, 03:53 PM
hi there!!! nakakatawa..:D nakakainis,:hellfire : nakakaiyak:cry: ang mga version natin sa mga byenan....talagang ganun siguro kc, kasama na yan sa pinakasalan natin..spice of life ika nga.Di naman 4ever eh buhay ang mga iyon.. Ang version ko naman sa byenan ko, okay naman...tolerable pa naman..mag 18 years na kaming nagbibigayan..."otagaisama"kung baga, give and take..or, take na lang ako siguro ng take:yesyes: di ko kasama sa bahay ang byenan ko pro, araw araw ko syang nakikita coz lahat kaming family, magkakasama sa office. .. takutan daw ba..pag may tantrums sya, dead ma lang ako and pag may topak naman ako, quiet lang sya..pakiramdaman lang ba..okay si madir, galante... spoiled din naman ako kaya lang naiinis sometimes kc when it comes sa mga bata, ayokong maspoiled lalo na when it comes sa money..ayokong matanim sa mga isip ng kiddies ko na kahit anong bagay eh madali nilang makuha..dun lang ako medyo hirap kc, my kids asks me na bakit daw ang mga pinsan nila eh ganun..etc..etc..and i just tell my kids na kami ay kami..sila ay sila..ganun lang...iba kami, iba yung mga pinsan nila..
mahal ko rin yon kc, nagiisa na lang sya.. my FIL passed away 4 years ago. Gusto ko mang sumama sa bahay nya kaya lang iba ang prinsipyo nya sa loob ng bahay..ayaw din nya kc, masyado daw akong masinop inside the haus kaya takut siguro syang ma-swipe out lahat ang unneccessary things sa loob ng bahay nya...:p okay na rin ang ganito...Di naman nya ako minamaltrato..ang kung minaltrato nya ako..ay!!!:fence: ..ung tungkol sa mga bata, inisip ko na lang na magiging lola rin ako...kawawa lang nga ang mga bata, kc naguguluhan sila ....Siguro...sanayan lang daw ba;)

mukomae
10-18-2006, 05:22 PM
:D well ang biyenan ko mabait sila... si mama bigay ng bigay ng mga gamit...mapa branded na gamit mapa pag kain at gamit sa bahay... si papa naman mapag bigay din omiage pag punta ng korea, china... sabi nga ng hubby ko bakit ako nalang daw palagi ang binibigyan bakit siya daw wala omiage...hehehehe:D

wala ako masabi sa magulang ng hubby ko... sana di mag bago ang lahat... lalo pa bumait at mag bigay:bouncy:

bilang ganti po ay diringgin ko ang payo ng aking biyenan...:eek: :p :D

yun lang po ang ma share ko sa aking biyenan....

mamimo
10-18-2006, 06:05 PM
bilang ganti po ay diringgin ko ang payo ng aking biyenan...:eek: :p :D

yun lang po ang ma share ko sa aking biyenan....

ang biyenan..........bow :)

lady_xea05
10-18-2006, 07:09 PM
....ay alam mo totoo yan... parehas pala tayo ng sitwasyon summer, pero ako mag 6 months ko pa lng kasama dito sa bahay nila byanan ko pero matindi na ngyayari sa min dito pinay din byanan ko ang mahirap kasi tong anak ko 3 years old pa lng tapos yung sister in law ko na half japanese eh 6 years old palagi nag aaway tong dalawa ala ako mgawa kahit babatukan ng mother in law ko anak ko dhil feeling ko nkikitira lng kasi kami sutil kasi anak ko masyado makulet eh kaya yan tapos tutulak anak ko madalas tumatama ulo sa pinto o kahait san na pwde bagsakan nya nakakinis pa kala mo totoong papakita nila ng husband nyang hapon puro naman sila kaplastikan kung ano ano binibili sa anak ko para sbhing mahal nila anak ko pero kpag nag aaway na ung dalawa tingin ko sa knila 3 {pamilya nya} mga halimaw!!! basta mahirap isa isahin sobra sakit na ulo ko sa problema ko dito sa bahay nila

petite
10-18-2006, 08:01 PM
ang byenan ko din parehong mabait. kaya wala akong problema sa kanila. noong nasa pinas pa ako kinabahan talaga kasi may mga naririnig na kapag mga firipin jin daw ang yumisan di daw maganda ang pakikitungo ng ibang mga byenan. buti na lang at mabait sila. praise the lord.

bikoy
10-18-2006, 09:07 PM
gud day tf! share ko lng po naging experience ko sa byenan ko.nung napanood ng hubby ko movie ni JLO.,na monster in law,yun na tawag nya sa mother nya:) .pinapahiya po ako sa harap ng mga friends nya.lagi po akong tinitsismis sa mga relatives nila.pag me bisita silang kamaganak,from head to foot ako tingnan.lagi lng akong umiiyak kc maldita sya.pag pinagsabihan ng asawa ko na wag akong tratuhin ng ganun or wag akong ipahiya mas lalo pa nyang ginagawa.hanngang dumating yung time na nagkasagutan na kmi,medyo bumait ng konti.i mean medyo pinipigilan na nya sarli nya kasi alam nyang di na ako magsasawalang kibo.sa ngaun me isang taon na kaming hiwalay sa kanila.ang baba po ng tingin ng PIL ko sa mga filipino.mahilig daw tayo sa alahas,kotse,make up.pag me narinig clang isang tao na late na gumising sagot nla filipino yan.pag me nakita silang malaki ang mata at pango at maitim sasabihin kaagad filipino yan tapos me karugtong na ampapangit talaga ng mga filipino.pag minsan nagpupunta kami ng mall at me narinig silang nag uusap ng tagalog sasabihan ako rika,tingnan mo mga paisana mo.ang sama ng loob ko sa kanila kc lahat ng mga kapintasang yun,nakita nila sa mga naging ka live in ng asawa ko na filipina bago kmi nagkakilala.ang sa akin lng wag naman nilang nilalahat.parang me tanim sila na galit sa ating mga pinoy.minsan di ko alam kung ano meron cla sa ating maga filipino,inggi or galit? katulad daw tayo ng mga thais na visa lng ang hanap.ngaun medyo nahihiya sila sakin kasi ipinakita kong di lahat ng filipino ay pare pareho.nagyon naman sinasabihan naman akong mukha ng katulong kc losyang daw.ang hirap nilang intindihin ano?totoo talaga yung sabi ng iba na mahirap makisama kasi kahit anong gawin mong mabuti,masama at masama ka pa rin

makikisingit po sa thraed na ito:

:wavey: hello rika chan.........nakakar elate ako sa story mo kasi yung biyenan ko super ayaw din sa akin. Dati kahit na ano pakita ko na kabutihan wa epek sa kanya...kaya ngayon pag pinipintasan nya ako sa harap ng mga kamag-anak nya sinasagot ko talaga sya:grinny:..pag sinabi nya na malaki eyes ko ...sagot ko agad sya na ..."Di bale ganda naman eyes ko "!pag binabara nya ako...binabara ko din sya...he he he:grinny: Dati di rin ako kumikibo pag pinipintasan nya ako sa harap ng mga relatives nila pero ngayon eh di na oyyy..ano sya sinuswerte?kaya pag pinintasan ka ng biyenan mo..ibalik mo sa kanya yung pintas..tignan mo di ka na nya pipintasan uli :whistle:...at saka sabihin mo sa biyenan mo kung pangit ka eh bakit nagustuhan ka ng anak nila? Di ibig sabihin ganda ka kasi nagustuhan ka ng hubby mo eh:grinny:

yuko
10-18-2006, 09:10 PM
Blessing din po ako kasi super bait ng byenan ko,,hindi rin po kami magkasama sa iisang bahay pero lagi po tumatawag byenan ko sa akin check lang po kung ok kami ni baby at ni hubby,,minsan naman po kumakain kami sa restaurant with my byenan.....:O

ayanis-marie
10-18-2006, 09:35 PM
:) Dead na si m-i-l when I came here,...5 yrs ko namang nakasalamuha si f-i-l.
But now deceased.:( ..Wala naman akong masabi so far,good,kind and
understanding.I have lots of good memories noong buhay pa sya.When it
comes to sharing thoughts,experiences etc.Ang masabi ko ,he's my father talaga.
So sad he left us,..Lalo when times get rough,I miss him,I have lots of stories to
tell,kaya lang wala na.
Pero pagdating sa mga sis ng asawa ko,haaaaaaaaaay,puro pasaway.Hindi naman
magagaling,kala mo kung sino.Never mind,to each her own,.Ang samasama pa
napaka prideful na isang sara ko lang ng pintuan,sabay sabi,pagod na 'ko,huwag
na kayo pumunta dito!!...ayan,di na nga bumalik 'til now.Ano ngayon?
Huwag nyo isipin na I'm bad ha?..marami lang talagang nangyari na di ko gusto.
Kaya ayon,di makatingin ng diretso.....(no quiere!) din .

barabara
11-07-2006, 03:18 PM
biyanan- pinakamasakit na nagawa niya sa akin di ko makakalimutan lalo na Nov.10. ika 1 year ng sister ko ng kamatayan.. namatay ang ina ko non 2003, di ako nakauwi dahil kakauwi ko lang.akala ko pag di ako uwi padala na lang ako pera okey lang, pero di nagbigay.. iyak ako sama ng loob ko at tulala ako lagi. call si hubby ko sa ina niya pinagalitan siya at sabi kahit kimochi lang magbigay ka iyan ang nagluluto sa iyo every day. non umaga na punta sa bahay ko bigay ng pera galit dahil galit daw asawa ko sa kanya. pag abot ng pera, sabay sabi pag namatay mga kapatid mo, watashi kangkei nai:eek: :mad: :cry: :cry: shock ako pag bigay pa ng pera bago kasi medyo nasugatan hinlalaki kong darili, siniksik sa kamay ko.. tapos, 2005 NOv 10, namatay sister ko..ng sinabi ko sa biyanan ko nagulat siya at shock at napaluha dahil kilala niya si sister ko ng nagkasakit ako sa tokyo umuwi biyanan ko sa tokyo, si sister alaga sa akin, si biyanan ko sa anak ko, hatid sundo niya sa hokein.. kaya bigay siya agad ng pera nagulat ako at napaiyak sabay akap at pasalamat..pero mga ka TF, tiis lang ako lahat dahil sa asawa ko, laki na talaga ng pinagbago niya hindi totally pero, mabait na siya;) :O sorry napahaba:cry:

wildflower
11-07-2006, 03:33 PM
ako pagod na ako sa byenan ko...wala na akong magagawa kundi makisama na lang sa kanya..kasi sya talaga kasama ko sa araw araw..para na syang buntot ko lagi..hhhhmmmm..:rol leyes:
super stress ako..nakaka praning ugali nya kumbaga weather weather...hay buhay...:banghead:

MIMI
11-07-2006, 04:09 PM
ako naman biyenan ko mabait kaya lang hinahatian nya pa ako ng oras sa hubby ko, selosa kung baga..

proud me
11-07-2006, 05:49 PM
biyanan- pinakamasakit na nagawa niya sa akin di ko makakalimutan lalo na Nov.10. ika 1 year ng sister ko ng kamatayan.. namatay ang ina ko non 2003, di ako nakauwi dahil kakauwi ko lang.akala ko pag di ako uwi padala na lang ako pera okey lang, pero di nagbigay.. iyak ako sama ng loob ko at tulala ako lagi. call si hubby ko sa ina niya pinagalitan siya at sabi kahit kimochi lang magbigay ka iyan ang nagluluto sa iyo every day. non umaga na punta sa bahay ko bigay ng pera galit dahil galit daw asawa ko sa kanya. pag abot ng pera, sabay sabi pag namatay mga kapatid mo, watashi kangkei nai:eek: :mad: :cry: :cry: shock ako pag bigay pa ng pera bago kasi medyo nasugatan hinlalaki kong darili, siniksik sa kamay ko.. tapos, 2005 NOv 10, namatay sister ko..ng sinabi ko sa biyanan ko nagulat siya at shock at napaluha dahil kilala niya si sister ko ng nagkasakit ako sa tokyo umuwi biyanan ko sa tokyo, si sister alaga sa akin, si biyanan ko sa anak ko, hatid sundo niya sa hokein.. kaya bigay siya agad ng pera nagulat ako at napaiyak sabay akap at pasalamat..pero mga ka TF, tiis lang ako lahat dahil sa asawa ko, laki na talaga ng pinagbago niya hindi totally pero, mabait na siya;) :O sorry napahaba:cry:barabar a...ang dami ko narin narinig sayo tungkol sa biyanan mo...minsan yong kwento mo...parang nong kalakasan ng katawan ng biyanan mo parang super mahirap pakisamahang biyanan...pero marami talagang nag-sasabi pag-mahina na bumabait na talaga...dahil siyempre nandyan narin siguro yong takot na sino ang mag-tyaga sa tigreng ugali na kahit yong iba pa nga sariling anak ayaw mag-alaga diba?:D ako kaya ano kaya tingin sa akin ng mga manugang ko...tigreng biyanan din kaya?:D sabagay malayo ako sa kanila...kaya ewan ko lang.:p barabara...ingat ka narin sa katawan kasi hindi naman tayo habang buhay...malakas ang katawan at nag-kaka-edad narin tayo.:p

barabara
11-07-2006, 08:39 PM
salamat proud me, medyo, pero ugali ng tao kahit magbago nalabas pa rin minsan ang totoong ugali, lagi ko ngang sinasabi sa aswa ko minsan Taido is Taido, parehong ugali sila kaya lang dahil aswa niya ako kaya nabait..malakas pa sa akin ina niya kahit ngayon:D :p kaya pa ngang magbuhat ng mabigat.. slow down na ko ngayon kasi pg me sakit ako naiinis siya,sabay sabi lagi, Anata karada yuwai ne!kaya pag genki nai ako sinasarili ko na lang..humina lang naman ako dito dahil sobra lamig.. ayan na fuyuuu yadaa:eek: :D Takboo!saan? sa mainit na lugar:D :p :wavey:

proud me
11-07-2006, 09:05 PM
salamat proud me, medyo, pero ugali ng tao kahit magbago nalabas pa rin minsan ang totoong ugali, lagi ko ngang sinasabi sa aswa ko minsan Taido is Taido, parehong ugali sila kaya lang dahil aswa niya ako kaya nabait..malakas pa sa akin ina niya kahit ngayon:D :p kaya pa ngang magbuhat ng mabigat.. slow down na ko ngayon kasi pg me sakit ako naiinis siya,sabay sabi lagi, Anata karada yuwai ne!kaya pag genki nai ako sinasarili ko na lang..humina lang naman ako dito dahil sobra lamig.. ayan na fuyuuu yadaa:eek: :D Takboo!saan? sa mainit na lugar:D :p :wavey:barabara...ha yaan mo kahit genki karada sya ngayon darating din yong edad nya na hihina narin sya...kaya balik mo sa kanya yong sinabi nyang...anata karada yuwai ne!:D :p joke...pinapatawa lang kita...oo nga dito nga kami ganito palang ginamit na namin hot carpet...goro-goro habang nood ng TV.:D dyan pa kaya sa hokaido:eek: baka matagal na akong nasa pinas kung dyan ako nakatira.:p love mo nalang si biyanan...gaman~gama n.:p

barabara
11-07-2006, 09:40 PM
proud me, sinabi mo pa!! sabi nga sa work ng sister ko sa yokohama, buti nakakatagal onesan mo don kahit daw nihonjin ayaw sa hokkaido dahil sa lamig.. minsan pag iniinda ng biyanan ko iyong tuhod niya, gusto ko rin sabihin sa kanya iyan pero ewan ko naaawa ako kasi ako lang nakikinig sa mga daing niya. siguro di ka maniwala sa akin, never na nagkaron ako ng kaze, gulat nga si hubby ko sa akin! sila lagi ng ina niya..pero, now alaga ko si hubby ko sa warm clothes, last year , ala siyang kaze..ayaw kasi ng tigth, now sunod siya sa akin.. ang sakit ko lang pag nalamigan ,pain achi kochi:D :D as you said, sa idad kasi..good nigth...:bouncy: :bouncy: saya ko talaga dito sa TF. nakakaaliw...

proud me
11-08-2006, 08:49 AM
barabara...pareho tayo...mabuti nalang natagpuan ko itong TF...meron akong napaglilibangan nabawasan yong inip ko sa araw-araw...lalo na't mag-taglamig na naman...dati pagtapos na yong gawain ko...TV lang at makinig ng music dito...dahil hindi ako pala kalikot sa halaman pag-winter tama lang yong makapaglinis at magtanggal ng tuyong dahon sa labas...kaya talagang nakaka-aliw dito sa TF.:p alam ko naman na kahit maraming kwento ka sa inyo ng biyanan mo...napamahal narin sa iyo biyanan mo...ganun lang naman kasi minsan ang tao diba...mas maganda nga yong nailalabas daw agad kesa kinikimkim...para mawala agad yong inis na nararamdaman...ganun na kasi ako ngayon...pag-naiinis nilalabas ko agad...ayoko na yong meron akong dinadala baka hindi pa makabuti sa akin...hindi na natin maiiwasan ang mainis minsan lalo na pag-nasabay pa na pagod din tayo...kaya pag-feeling inis ka sa biyanan mo labas mo agad...para lalong mapamahal sa iyo biyanan mo.:)