PDA

View Full Version : Busy mommies!

my_i_me
05-16-2008, 09:38 AM
Good day po mga ka TF!
Gusto ko lang pong itanong kung paano nyo naba budget ang buong araw nyo sa iba't ibang gawain.Tulad ng linis,alaga ng mga bata ,trabaho,computer,at b. Kc po minsan nalilito ako sa mga gagawin ko sa loob ng isang araw,kahit na gumawa me ng schedule minsan ang gulo parin.Kase po minsan kailangang pumunta sa hoikuen ng bata,check up sa byoin,tapos isasabay ko pa ang naishoku ko.
sabi tuloy ng asawa ko 2araw lang daw akong di nag linis parang jungle na ung bahay namin.
Kayo mga sis paano nyo binabudget ang oras nyo? Laba,luto,kaimono,li nis,pagtuturo sa mga bata,trabaho,pag aayos ng sarili,etc..etc...Sa lamat po in advance...:)
kung may ganito na pong thread pakituro na lang po para mabasa ko naman.Salamat po!

megami704
05-16-2008, 10:35 AM
hmm mukha nga yatang mahirap kapag may anak na. Ako kasi magkaka-anak pa lang. Pero ang routine ko naman, maaga ako gigising at magluluto ng breakfast. kapag wala ng istorbo, dun palang ako maglilinis. Idlip ng konti. Minsan sa gabi na ako naglalaba.

Share ko nalang yung style ng friend ng mama ko. Nung mga bata bata pa yung 3 kids nya, maaga syang gigising para gumawa ng obento para sa asawa nya and ihanda na mga breakfast nila. Pag-hatid sa school ng mga kids, yun yung time nya sa household chores. While naglilinis, naglalaba kasi may sentaku naman. Isisingit na lang nya yung mga extra curriculars pagkatapos like kaimono, minsan i-aadjust nya yung time sa paglilinis kapag maaga mga appointments. Basta hindi nya hinahayaang marumi ang bahay para nga naman pag-uwi ng asawa na pagod sa work ay maging maganda ang pakiramdam. Kapag kasi madumi, nakakadagdag din ng stress yun diba. Yung mga kids naman, may kawarto na pagkakalatan. Kung kakaimono sya, kahit iwan nya muna sandali mga anak nya or minsan sinasama nya ang mga ito.

Sya palang siguro ang nakita ko pinay na malinis ang bahay despite of having 3 malilikot na kids. Sanayan lang naman yata kasi.

louvette_15
05-16-2008, 11:41 AM
ako 6am gising ko, until 7am luto at bihis kasi sa gabi kmi nag uufuru kaya hilamos and toothbrush na lang. by 730am, nabihisan ko na si baby, nailagay ng mga kelangan nya sa bag nya at nakapagsulat na si hubby dun sa notebook ni baby about her activities..740am, nasa work na ako at si baby on the way na sa hoikuen ..7pm,8pm or 9pm nasa bahay na ako, luto ko muna hapunan tas computer on the side habang waiting mode sa niluluto.. tas sabay na ang mag ama kumain while papatulo na ako ng tubig sa ufuru.. mabuti na lang after makapag ufuru at nakapaglaro sandali eh nakakatulog na si baby.. importanteng nasusunod ung sleeping time nya dahil mahihirapan ka o mapupuyat. bago mag 10pm, nagawa ko ng dapat kong gawin kahit konting ligpit lang. at sleep na rin ako para hindi tamarin pumasok the next day (tulad ngayon, absent ako..hehehe).wednesd ay and sunday yasumi ko so yun lang time ko gumalaw sa bahay talaga..dahil sa sched ng yasumi ko, hindi naman ganun kagulo ang bahay pag time to clean up na..so, during working days ko, hindi talaga ako naglilinis like mag vacuum dahil walang time. hindi naman din kasi mareklamo asawa ko sa konting kalat na sya din naman nagkakalat..saka may boarder ako ngayon na inaako ang paghuhugas ng pinggan..what a relief!

summergirl
05-16-2008, 12:17 PM
I wish I could..Mala Mt Fuji ang labahin ko.pag week ends lang ako nakakapag laba,minsan pag naka uwi na ako sa gabi..pasundot sundot..after that sundo ng bata..I get up at 5;50 kasi 6 ang alis ng anak ko para sa Asa Ren,hanggang 8;00 pm..hay naku...grabe dito sa Japan..Kayod marino..Di lang sa work ,pati sa bahay,,Ikaw lang..Kapagod..

sky
05-16-2008, 12:17 PM
Ganito iyan ~ ako kasi noong maliliit pa mga Stars ko .gumawa ako ng routine na sinusunod ko everyday .

pag kagising ng umaga (6 am) salang muna labahin tas hugas ng mukha ~~lagay ng make up :D tas habang umiikot si washing machine prepare ng break fast ,

papakainin mga boss .hatid sa yotchien pag kauwi sampay ng nilabhan .linis ng house .luto ng lunch tas nap ng mga 30 min, pag kagising gagawin ko mga project ko ..dati kasi mahilig akong gumawa ng mga curtains at bed cover set cover .

tas sundo sa bata .sabay pamalengke ng hapunan (noon everyday ako mamalengke kasi lapit lapit lang school ,yotchien at pamilihan isang labasan lang)

tas kontin chit chat sa mga friends ;) (iniwasan ko ang mahabang chitchat dahil kadalasan nauuwi sa chizmack .away lang )

pag uwi tupi ng labahin .luto hapunan .pakain , paligo .patulog sa mga bata namamalayan ko na lang gabi at 7pm na .
eh wala pa akong computer noon araw kaya yun natitirang oras para sa TV time ko yun ,walang kamatayan suspense (kumukuha ng tecknik para sa satsujin :p joke lang ) ngayon yun excess time ko sa computer naman :hihi: sa totoo lang pag nasa bahay ka lang ang haba ng oras marami kang magagawa at matutunan mong idivide oras mo

para bang robot at naka program ang mga gagawin ? pero iyan ang role ng mga mom's ~~ everyday routine yan so hindi mo na namamalayan na divide mo na yun oras mo at lumipas na yun panahon (hay parang kailan lang )

summergirl
05-16-2008, 12:22 PM

Sarap ng buhay ng sissy ko..yan ang pag kakaiba pag working mom at hindi..Pag working mom,parang lagare..Pag sa bahay lang talaga namang pwede kang mag salamin sa floor sa kintab..

sky
05-16-2008, 02:04 PM
Sarap ng buhay ng sissy ko..yan ang pag kakaiba pag working mom at hindi..Pag working mom,parang lagare..Pag sa bahay lang talaga namang pwede kang mag salamin sa floor sa kintab..

oo nga sissy sarap buhay ko noon ~~ ngayon TF lang pahinga hehehe :D

fanfran
05-16-2008, 03:09 PM
Talaga nga mahirap maasikaso ang lahat ng gawain sa araw-araw.Lalo na kapag maliit pa ang anak mo.Like me,stay at home mom na nga lang ,feel ko very busy ako,kase napakakulit ng 2 year 3 months old son ko.Maybe dapat unahin gawain kung ano yung most important thing for the day,yung mga bagay na puwede ipagpaliban huwag na gawain kung wala na time,may bukas pa naman di ba.Mga mothers,gambatte ne;)!

masahiro
05-16-2008, 04:08 PM
buti pa kayo kimatte iru ang jikan ng mga hubby,,,:(yung asawa ko kasi alternate ang schedule..this week pang umaga sya kaya ang gising ko para paghainan sya ng almusal (kanin at ulam) 4:15 am,,, aalis sya ng bahay 5am ako naman hihiga ulit kasi antok pa po talaga hehe,,, tapos yung panganay ko naman papasok sa chugakkosei ng 7:45 kaya gigising na naman ako ng 7:00am para paghainan sya ng almusal,,tapos nun hugas ng pinggan...pagkahugas sasalang ko na yung labahin..(part time lang naman ako sa mcdo kaya pag pang umaga si babes ko panggabi ako mula 8pm to 11pm)...tapos nun linis bahay na ako ,,,around 9 to 10 am nagigising si bunso kaya nakakakilos ako ( gabi na din kasi kung matulog pass 12 na kaya tanghali na din magising....)sabay open ko na ng laptop to make silip na sa timog forum syempre kasama sa routine ito..:D:Dpagkagising ni baby sabay namn kami kakain... nakasampay na ko nakalinis na kaya play naman sa baby habang nanonood ng tv..(anpan man video at iba pa..)habang nanonood sya ako eto sa laptop hehe:p:p:ptapos pag may order sugod naman agad sa post office para ihulog...kaya nakakapagluto na ako ng hapunan namin by 4:30 pm ay naku malapit na pala yun..kailangan bago mag 7pm nakapag ofuro na kami at nakakain na kasi umaalis ako dito sa bahay ng 7:30 para pumasok naman ako..tapos ang mag-anak ko naman punta sa byenan ko malapit lang kasi,..dun naman matutulog saglit si babes hanggang 11 tapos susunduin ako tapos uwi na syempre .. kaya ang tulog namin mga 12:30 na talga kasi ayusin ko pa yung mga pinagkainan nung gabi (hindi ko na nahuhugasan bago pumasok ) haha...ayan sobrang bc dba??yung linis naman maya't maya agap ang ginagawa ko kaya di madumi anytime..:):):)(hate na hate ko kasi talaga ang kalat)

my_i_me
05-18-2008, 01:03 PM
salamat po sa mga replies nyo!:)
Kase po gigising me ng 6am,hilamos tapos almusal habang tinatapos ang naishoku.6:30 gawa ng bento ni hubby tapos pag alis nya naishoku parin hanggang 7am.Tapos maglilinis ng sala at kusina,gawa almusal ng mga bata.Sulat sa renrakocho(di me magaling mag nihongo kya medyo natatagalan).habang kumakain nakasalang ang labahan.9am hinaty ng bus ng hoikuen pagbalik sa bahay linis uli.
pagkatapos kaimono.luto tanghalian.pag may natira pang trabaho gawa uli.3pm sundo sa bata.pasyal sa koen,luto ng hapunan. magtutupi ng damit,
pagkakain,hugas pinggan,ofuro with 2 kids,plantsa,konting turo sa mga bata.
Tapos naishoku na nman hanggang 11pm. Minsan maayos schedule ko pero karamihan gulo gulo.Minsan pati sarili ko mukha nang basurahan din sa kalat...:eek:

titakoring
05-18-2008, 07:32 PM
ay naku sister......mahirap talaga un maging nanay.....yaan mo ng mag
mukhang jungle yan.......masasanay din sila:D.......hanggat nd lumalaki
ang mga anak mo nd ka talaga mapapahinga.......li ka dito lagi sa TF at
tsumika ka

seriously advice sis...wag kang bili ng bili ng toys...damit....buko d na
sa sira ang budjet mo....nag dadagdag ka lang ng liligpitin sa bahay
mo...mabilis silang lumaki.....makikita mo un mga damit nila halos
gomi na din...