PDA

View Full Version : I just gave birth after 19hrs.of labour then CS


luckycharm
05-19-2008, 10:24 AM
Hi mga katf:)
kakauwi ko lang po from the hospital and im proud to announce that i gave birth to a healthy bouncing baby boy on May 12,2008 after 19 hrs. of labour then CS. He weighs 3630 grams, 51 cm height. Grabe po iyong dinanas kong pain at kailangan na ma Cs ako kasi ayaw talaga lumabas at naiistress na si baby sa loob so biglang CS po ako.
I will try to post pics later. Pahinga muna ko.ako lang kasi alaga baby and first baby ko po ito. hirap at id like to ask advise sa pagbreastfeeding kasi nagbibreastfeed po ako. Kada gising ng bata iyak ng iyak at gustong dumede..sakit na ng nipples ko at may sugat na. 1 week lng din ang confine sa naCS sa hospital ko kaya pagod pa talaga ako at masakit pa ang tiyan ko.

Pls. advise naman po sa mga bagong mommies na tulad ko. Ang lakas dumede ni baby,laging gutom. minsan i give him milk sa bote pag pagod na ako...i will wait for advises ..thankyou po..later..

PICTURE NI BABY AFTER SUMMERGIRL'S POST :):):)

summergirl
05-19-2008, 10:28 AM
Congratulations.Baby Lucky Charm,welcome to the Christian World!!.Tapat mo na lang ang breast mo palagi kay baby,habang tulog si baby pahinga ka rin..Mahirap mabinat..Kain ka ng asari or any food rich in vitamins..Wag mo muna syang bigyan ng milk,pag medyo malaki laki na ng konti..Take care dear at avoid pag akyat ng stair..Mag hara maki ka rin para di bumuka tahi mo..

luckycharm
05-19-2008, 10:29 AM
Here's our new bundle of joy :)

uvy
05-19-2008, 10:29 AM
Congrats sis!:dowave:
nakaraos ka na din,grabe pala paglalabour mo ang haba naman,pero at least natapos na at kasama mo na si baby boy mo ngayon:)about naman sa pagpapadede kain ka ng masuntansyang pagkain at wag ka mawawalan ng sabaw para di ka maubusan ng gatas:)ingat kayo ni baby,pahinga ka na muna dyan;)
cute naman ni baby boy:kiss:

Spice
05-19-2008, 10:30 AM
Congratulations Luckycharm and for your new baby

maimai
05-19-2008, 10:36 AM
Hi mga katf:)
kakauwi ko lang po from the hospital and im proud to announce that i gave birth to a healthy bouncing baby boy on May 12,2008 after 19 hrs. of labour then CS. He weighs 3630 grams, 51 cm height. later..



ang laki ni baby kaya naman pala na CS ka ..:D

congratulations LuckyCharm...:);)

wag masyado magpapagod..hinay hinay lang muna baka kasi mabinat ka..di pa hilom yang sugat mo..

about pala sa tanong mo..kung nahihirapan ka padede kay baby..bumili ka ng Breast Pum..makakatulong yan sa paggaling ng nipple mo..

angelica
05-19-2008, 10:38 AM
congratulations!:)
about sa pagpapadede ,kung ngsusugat yung nipple mo .mgpiga ka muna ng gatas at ilagay mo sa bote para gumaling yung nipple mo at the same time hinde mahinto ang pagpapadede mo ng gatas sa baby mo.ganbatte..;)

polly_jolly
05-19-2008, 10:42 AM
congratulations po!marami pong way para hindi kayo agad mapagod pag nagpapadede kay baby,pwede po kayong maglagay ng unan sa lap nyo para relax po kayo habang nagbebreastfeed,pwed e rin pong nakahiga ng patagilid.kung ano pong position ang comfortable kayo.:)

megami704
05-19-2008, 10:44 AM
wow congrats =) so cute naman ni baby.

Sabi nung asawa ng pinsan ko, dapat daw di daw palaging bibigyan ng milk ang baby everytime na iiyak... hmm siguro para lang ito sa medyo malaki-laki na baby at sa mga nagbobote, pero kapag newborn kailangan talaga ng breatsfeed para maging malakas at immune sa sakit:).

Ayara
05-19-2008, 10:51 AM
congratulation ms. Luckycharm, ako rin nung manganak ako 1st time din di adviceable sa hospital na inanakan ko ang bottlefeed kaya hanggang hanggang umuwi ng bahay breastfeed ko baby ko. Nung 1st few weeks masakit talaga at halos masugatan talaga nipple ko kaya minsan pinipiga ko (kung may oras) at nilalagay ko na lang sa bote yung gatas pero 30 minutes na ko na kapipiga wala pang isang guhit naiipon ko then sabi ng kapatid ko dapat daw may milk formula na png support habang wala akong gatas kaya ayon sa isang araw mga 2x ko sya padede sa bote. Ngayon 3 months na baby ko gusto ko na itigil ang breastfeed kasi pag lumalabas ng bahay minsan ayaw dumede sa bote iyak ng iyak kaya sa palagay ko mas raku kung dumedede rin sa bote (pwede rin gatas mo) kahit saan pwede mo padedein. korekara gambatte ne!

rubyuki
05-19-2008, 10:52 AM
luckycharm ,

Congratulations


:dowave: :dowave:



CS din ako sa 2boys ko. ang payo dahan2 ka lang sa pagkilos. dapat laging may sabaw ang pagkain para dadami ang gatas mo. kay baby naman lagi pa yang matutulog at ikaw din pahinga muna . at laging magsuot ng tummy belt para support pagtayo at sa tahi, ingat ka at tsuu :kiss: kay baby.

:yippee:

kyla06
05-19-2008, 10:59 AM
congrats lucky charm!ang cute ng baby mo...tungkol dun sa nagsusugat na nipples mo,breastfeeding din kasi ako sa baby ko,naranasan ko din yung magsugat ang nipples,ang ginawa ko nung nagpunta kami ng babies r us,may nakita kong ointment na pinapahid sa nipples,ilalagay mo sya pagkatapos dumede ni baby,di mo na sya kailangan tanggalin before dumede ulit si baby.name nya is PURELAN 100,product sya ng medela,khit dumede sya nang dumede,hindi na sya magsusugat,saka hindi magda-dry ang nipples mo.
Sa ngayon 9 months na ang baby ko pero exclusive breastfeed lang siya kasi ayaw nya sa bottle kahit anong pilit ko,kaya lagi din ako may stock na purelan100.Try mo para hindi na magsugat yang nipples mo.good luck sa inyo ni baby.

cute_pinay79
05-19-2008, 11:04 AM
Congrats sa new baby mo!
Ang cute-cute!:)

Wag mo po kalilimotan linisin ang sugat mo at least twice a day para mapabilis ang paghilom... pag ka kaya mo na yong pain, i-try mo pong i-massage yong magkabilang-gilid ng sugat mo using your forefinger and middle finger. Hagurin mo sya pababa... ang benefit po nito ay para di magbukol-bukol yong gilid ng peklat habang nsa healing process, para paghilom ng sugat ay maganda po sya at flat na flat... di sya mukhang keloids.
Tsaka Sis, ngayon at masakit pa ang sugat mo, wag mong ikukuba-kuba yong pagtayo mo dahil sa pain... dapat po pilitin mong itayo ng straight ang katawan mo to the point na ma-stretch ang sugat mo... Ito po ayun sa OB ko dati ay para di po makagawian o masanayan ng katawan natin yong ganung posture. Paghilom ng sugat ay bka di mo na maibalik ang dating tuwid mong pagtayo...
Trust me, effective lahat yan... proven ko po kasi yan for being 4 timer CS.;)

Sa breastfeeding naman, nong first baby ko rin ay nagkasugat-sugat din ang nipples ko, as in nagdurugo talaga... ito ay dahil daw sa improper position ng breastfeeding... check mo na lang itong link Sis... http://www.nursingmothers.o rg/pamphlets/properpositioning.ht m malalaman mo lahat dyan ng tamang position ng pagpapadede.
Gaya ng sabi ni Ate Summergirl, take much soups... pwedeng soup ng asari o kya mag tinola ka or something like nilaga, nkakatulong para magkaron ka ng maraming gatas...
Wag mong sasabonin ang nipples mo Sis, nagiging cause yon para maging sore sya lalo at maging dry... wash with warm water lang ay okay na.;)

Yan lang muna, take care... take vitamin C, for faster recovery at faster healing ng sugat mo...

Ganbatte ne! Kayang-kya mo yan.:)

lykz
05-19-2008, 11:16 AM
congrats sis .... ako din nag pa dede ke baby almost 1yr mhigit din. pag nag sugat n ang isa kylangan mo muna pag pahingahin wag mo k muna p breastfeed dun s may sugat kbila muna pag medyo ok ok n kylangna every 3-5min alternate mo both breast .... b4 k padede ke baby masage mo muna ang breast den clean it ... bat wag mo kalimutan n pag i alternate ang pag pa2dede pra d sya magsugat. or kung maskit tlaga may nbi2li pong silicon n prng nipple n ila2gay po s breast pra d masyado msaktan ang nipples mo. .... yoku gambatta ne.. or pra d ka mahirapan s madaling araw s gabi pag milk mo n lng c baby kasi mas mahaba ang tym before sya magutom uli... gambatte ne:D

shuelma
05-19-2008, 11:31 AM
Here's our new bundle of joy :)
ang cute naman ng baby mo:).congratulation sayo,.kumain kanang mabuti at kailangan mong pagpalakas para sa cute mong baby...ingat lagi.

yuka
05-19-2008, 12:09 PM
38029

greatbarrier
05-19-2008, 12:12 PM
:)congrats, ms luckycharm! ang cute ng baby mo! at grabe ang laki nya! no wonder na ma-CS ka!

kahit di ko pa na-experience na magpadede, but nakita ko sa mga sisters in law na breastpump helps a lot, para di masyadong mastress ang nipple. kelangan na gumaling yan & at the same time mabigyan mo si baby ng right nutrients. bilhin mo sis is yung battery operated or the one which you can plug to a power-source. from what i`ve seen, mas madali silang gamitin. then, store mo lang sa ref ang milk na napump mo, kasi di naman maconsume lahat ni baby yan.

saka mo na lang sya padedehin directly from your breast pag magaling na nipple mo. breastfeeding is the best kasi it`s a form of your bonding with the baby. but kung ganyan na masakit pa nipple mo, breastpump na lang muna.

congrats ulit! & gambatte!

coffee
05-19-2008, 12:24 PM
congratulations to you luckycharm,
make the best of being a Mom!

shirousagi
05-19-2008, 12:37 PM
Cute naman ni baby luckycharm,congrats & ganbatte

tamayuu
05-19-2008, 12:58 PM
congratulation po

majime22
05-19-2008, 01:13 PM
...congrats sistah luckycharm~~:dowave: :band:

...waaaaahhhh~~~:(:D doki-doki tuloy ako lapit na din meh masintensiyahan weh he he~~~;):D

LORIE
05-19-2008, 01:13 PM
Congrats dai Lucky cutie ni baby at ang laki nya halatang full support ang labidabs mo at ang iyong family's here at doon :D :sweeties:

Ito lng masasabi ko dai Lucky wag papa abala sa gawain bahay kain ka sa tamang oras have a enough time sleep isa iyan sa nakakapag binat sa bagong panganak ingat ka lagi God Bless You At kay Baby :halo: :kiss:

kiyomiangelk
05-19-2008, 02:44 PM
congratulation luckycharm..... beautiful baby huh
well bout your problem...kain ka ng soup foods para di maubusan suso ng milk. kase pag hiniwalay mo sa dede mo ok lng din but breast fed is still best for baby dba? may oras ang pagpapadede ng bata,but in my case dati pag-umiiyak padede ako kaya naging fatty baby ko.ang bigat-bigat always over weight po cya. kaya advice ng doctor every four hourss ang pagpapadede ng bata.ewan ko lng sa iba,but depends on you kase tayong mga pinoy mahilig talaga magpadede ng padede kase kawai-kawai natin baby natin...congratualat ion sis.......

luckycharm
05-19-2008, 02:53 PM
thankyou sa mga greeters. advise talaga sa hosp. ay 3-4 hrs. padede pero iyak naman ng iyak pag nagising at gusto dumedede.. kaya binibigyan ko na rin para lang tumahan na kasi mukhang gutom din,buka lagi bibig at hanap iyong nipples ko:D
thankyou rin sa mga nagadvise.advise pa kayo para sa mga new mommies na tulad ko.wala kasi ako masyado alam sa babies. iyong nga friends ko naman puro pamahiin ang advise.
anong oras kayo nagppaligo kay baby? kasi kami mamyang 7 ng gabi. at kahit anong alam nyo pakishare na lang para sa min na mga new mommies.thankyou poooooooooooooooo...

angelica
05-19-2008, 03:03 PM
minsan sis akala mo gutom si baby dahil iyak ng iyak...pero kulang lang pala sa dighay....i-burp mo sya pagkatapos dumede kase sasakitan ng tyan yan,

justine
05-19-2008, 03:09 PM
Hi! Lucky charm:) grabe pala dinanas mo haba ng labor at CS pa but atleast naging safe naman kayo ni cutey baby mo...Dahan Dahan lang ang kilos lalo na CS ka naranasan ko yan hirap lalot mag isa.Sa pagpa breast feed dapat naka proper latch baby mo para di sumakit nipples mo, after breastfeed inom you water or juice pra di ka madehydrate:)kung may mahanap ka malunggay leaves ok yun pang palakas ng milk.Madali babalik ang pagiging sexy ng ngbebreastfeed:D:)Ag ain, Congratz sayo WELCOME to MOTHERHOOD:)

bluesapphire
05-19-2008, 03:25 PM
Wow, lumabas na pala ang luckycharm mo, Congratulations po:D Ang cute ng Baby nyo:)

teardrop
05-19-2008, 03:52 PM
hi!congratulations!a lam mo,mahirap maging ina pero masarap!:)kapag nakikita mo lang iyong ngiti ng baby mo,napakasarap ng feelings...:)ako kapanganak ko lang last march,2 months na baby ko ngayon:Dganbatte nalang tayong dalawa!:)

Jyellenny
05-19-2008, 04:46 PM
First let me congratulate you! Through all the pain and hardships you endured, it was worth it - your "angel" came . Such a cute baby.

cherryviper
05-19-2008, 05:35 PM
congrats sis! following points may be of help:

1. just like what others said, ang pag-iyak ni baby ay di laging dahilan ang
gutom...
> di kaya nag-wee wee or nag-pooh pooh si baby and needs to wash and
change the diaper?
> o baka naman may kumagat na insect
> o di kaya'y may masakit sa kanya like may kabag or whatever

2. after feeding, position the baby for a "burp", ulo ni baby sa shoulder ni
mommy, tap baby's back slowly and carefully. this is a must para maiwasan
ang kabag.

3. magkakain ng masasabaw na pagkain, drink plenty of water; juice is advisable
for CS patients, and eat peanuts for a better "lactation"

4. hugasan o punasan ng "lukewarm" or maligamgam na tubig ang mga nipples
before feeding the baby. iwasang may makain na langib o pinagbalatan ng
skin sa nipples ni mommy si baby as this may cause harm for the baby's
health.

5. pwedeng mag-mix feeding (breast feeding and formula feeding) only if
mommy's milk is not enough for the baby. but as others have advised, pwede
namang mag-breast pump habang tulog si baby para hindi laging sa nipples
dedede si baby.

6. always massage mommy's dede to avoid mass/lump or bukol

7. finally, regular visit to baby's pediatrician is advisable

a happy mom creates a happy environment to the baby :)

titakoring
05-19-2008, 06:05 PM
kongrats.....:)..... .o diba kaya mo yan......ano hirit pa ba:D.....pra sabay sabay
na silang lumaki at sang hirap ka na lang sa pag-aalaga:D......ingat ka din ng
kagagalaw lagi kang mag support sa tyan ikaw din baka lumuwa un bituks mo:D

healing process ka medyo matatagalan ka ng konti sa sugat...wag mong kamutin
pag makati...tiis tiis lang bebe....:p.....naka oo nga pala e di bokal ka ngaun:D..

pitin mong mag breast feed....i massage mo un dede mo papuntang nipple......
hagod lang ng hagod o kaya gamitin mo un likod ng suklay.......pra bumaba un
gatas....iwas ka din matulog ng nakataas ang kamay un prang kang naka bansai
uurong ang gatas mo.......at least 6months pilitin mo nag breast feed.....makaka-
tipid ka sa gastos ng gatas......

wag mong masyadong bubuhatin si baby...yaan mo lang syang matulog.....kasi
magkakaron yang bisyong karga....pihit mo lang un ulo nya ng nd mapipi sa isang
side.......ung mga anak ko kasi pag ka putol ng pusod....lagi kong dinadapa pag
natutulog pra nd magulat at mahaba din ang tulog nya.....

sabayan mo din sya ng tulog para sabay din kayong gising....
pra kahit mag alburuto sya sa madaling araw....okey lang.....

medyo i rest mo un mata mo at wag kang magbabad sa panood ng TV o kaya
sa PC.....mabibinat ka....malalaman mo lang na me binat ka pag nagsasakit ang
ulo mo.....

higop ng madaming sabaw pra sa milk ni baby.....o kaya gyunyu....take care
always.....palakas ka

lovingly yours......titakorin g....ay lola koring pala:D

Hi mga katf:)
kakauwi ko lang po from the hospital and im proud to announce that i gave birth to a healthy bouncing baby boy on May 12,2008 after 19 hrs. of labour then CS. He weighs 3630 grams, 51 cm height. Grabe po iyong dinanas kong pain at kailangan na ma Cs ako kasi ayaw talaga lumabas at naiistress na si baby sa loob so biglang CS po ako.
I will try to post pics later. Pahinga muna ko.ako lang kasi alaga baby and first baby ko po ito. hirap at id like to ask advise sa pagbreastfeeding kasi nagbibreastfeed po ako. Kada gising ng bata iyak ng iyak at gustong dumede..sakit na ng nipples ko at may sugat na. 1 week lng din ang confine sa naCS sa hospital ko kaya pagod pa talaga ako at masakit pa ang tiyan ko.

Pls. advise naman po sa mga bagong mommies na tulad ko. Ang lakas dumede ni baby,laging gutom. minsan i give him milk sa bote pag pagod na ako...i will wait for advises ..thankyou po..later..

PICTURE NI BABY AFTER SUMMERGIRL'S POST :):):)

v_wrangler
05-19-2008, 06:15 PM
Congratulations! A new born baby is joy indeed!

apple
05-19-2008, 07:49 PM
hi.....congratulatio n for your baby....:) ang cute naman!!!
friendly advise lang.....mag set ka ng time sa pagpapabreast feed sa baby mo....
like every 3-4 hour ang gap......kasi baby pa yan.....if ever umiiyak sya, kung di puno ang diaper, inaantok or di sya comportable.....sabi nga ng iba....trabaho daw ng baby ang umiyak.....habang lumalaki si baby....ishorten mo yung hour gap sa pagpapabreast feed mo sa kanya.....in the future, makikita mo yung discipline nya pagdating sa pag kain or in anything...basta give your baby a limitation in anything.....proven ko na kasi.....lalo na at dito tayo sa japan namumuhay.....goodlu ck.....masaya maging mommy.....enjoy every moment....mabilis lumaki ang mga bata....yoroshiku ne......:):):)

la_tina512
05-19-2008, 07:53 PM
Omedetou!

A child is a gift from God. Iba ang joy na nararamdaman ng isang magulang lalo na ina. You are a certified woman now. And with all the sacrifices that go in rearing up a child I wish you all the best. :)

april
05-19-2008, 08:11 PM
omedetou!!!!:dowave: ganbatte ne!!!:king:
cute ni baby mo.

louvette_15
05-19-2008, 09:46 PM
congrats sis! im happy at nakaraos ka na..sulit naman hirap mo kasi ang cute-cute ng baby mo.. palakas ka po sis.. ganbatte ne

onechantoh
05-19-2008, 10:03 PM
congrats sis iwasan mo munang magbabad sa pasokon pra di ka mabinat ganyan kasi nangyari sa kin eh,higit sa lahat ang yung sarili dahil dede si baby nasa iyo ang life ni baby take care ha;) buti ka pa boy aq puro gurl:cool:

yasashi
05-19-2008, 10:56 PM
congrats lucky charm... siguru very much happy kayo dahil sa blessing na dumating...

haayyy... kami kaya kelan kaya biyayaan ni god ng baby...:)

JENNA_914
05-19-2008, 11:11 PM
:king:CONGRATULATION .... Ang cute ni baby mo, tangos ng ilong nya winner ang lahi mo .:) Hinay- hinay sa mga galaw mo , mas mahirap mabinat wala mag aalaga kay baby.....:)

shinshinobi
05-19-2008, 11:24 PM
Here's our new bundle of joy :)

wow ang cute naman ng baby :)

elyurika
05-20-2008, 10:55 AM
Here's our new bundle of joy :)
congrats!:D

wildflower
05-20-2008, 11:05 AM
congratulation sis luckycharm..

superb
05-20-2008, 11:07 AM
Here's our new bundle of joy :)
wow pogi:) congratulations:)
super laki pala sha sis, wag ka masyado magkikilos at wag mo pwersahin yung sarili mo baka mabinat ka mas mahirap yun:(
i massage mo lang yung breast mo everyday, tinuro ba sayo sa byoin pano masahiin ang breast para lumabas yung gatas mo.
wag ka mag quit sa pag breast feed maganda yung tumataas yung weigth ni baby kesa bumaba;)
ganbatte:)

chokulit
05-20-2008, 11:09 AM
Congrats luckycharm san! ang cute~~~ waaaa kakainggit hehe...:D

candy53
05-20-2008, 11:13 AM
congratulations luckycharm:Dotsukare samadeshita:)nakarao s ka na rin sa wakas:Dcs din ako pero di ako nag labor kaya medyo di nahirapan:)mag isa ka lang pala:Otaihen kedo ganbatte ne:thumb:relax at ienjoy pagiging mommy para di mabinat:)

tisay
05-20-2008, 12:11 PM
Congratulations Luckycharm~:pang laki laki ng baby mo..goodluck lalo na nagsisimula kapa lang...ingatz lagi~!!;)

mikkie
05-20-2008, 04:06 PM
Wow halos magkasunod pala tayo nanaganak...i gave birth on May 10th...19 hrs labor din..grabe!....pero nakaya ko pa rin ng normal....ayaw akong i CS dahil kaya ko naman daw...naku malaki rin baby ko 3484 gms..pero wow...mas malaki ang baby mo...katulad mo rin nag so-sore na ang nipples ko at naku napakasakit...cute ng baby mo...ganbatte ne..:)

lenemen
05-21-2008, 10:45 AM
lucky charm, congratulations din. baby boy pala sa iyo. ako rin May din ang birthday ng dalaga ko (21 yrs. old na siya kahapon) damulag na. he he he. Sa pagkakatanda ko at least ay every 3 hours lang muna ang padede sa new baby. Hindi naman daw kasi sa tuwinang iiyak ang baby ibig sabihin ay gutom siya. nandiyan yung basa lang ang lampin o kaya ay naiinitan o kaya may makati sa balat. nandiyan di yung kargahin mo lang tatahimik na siya.Kung kulang ang breast milk mo dapat lang na sabayan mo rin ng powdered milk. At saka pala yung baby powder pag naglagay ka sa baby dahan-dahan lang para huwag niyang malanghap yung mga powder dahil pinag mumulan din daw yan ng asthma (hika). ingat lang di sa sariling health lalo na CS ka pa. Ikaw lahat ang kikilos sa bahay kaya alalay lang ang galaw, dear. God bless!:)

bulalakaw
05-28-2008, 09:03 PM
Congratulations luckycharm san, may honmono ka ng lucky charm ngayon! ;)