PDA

View Full Version : Anong pamalit niyo sa... ?


andres
02-12-2006, 08:47 PM
Buenas tardes.
Magsimula kaya tayo ng bagong thread, "Anong pamalit niyo sa... ?".

Ibig sabihin, kung nais niyong magluto ng lutong pilipino dito sa Japan, at hindi makabili ng tamang sangkap, anong pinampapalit niyo? Halimbawa, sa kangkong, anong pinampapalit niyo? Sa isda naman, ano ba ang magandang pang-ihaw, pamprito, pang-sigang? Mas maganda siguro kung may short description nung sangkap, may kanji, at kung posible, may picture. :king:


Ako isa lang ang maisip ko ngayon... sa patis, ginagamit ko yung Thai "patis", nampura.
Bow.

mbstorun
02-12-2006, 09:10 PM
ako pag nagsi~sigang ako instead na "KangKong"~~"Cabbage" naman ang ginagamit ko...:p masarap naman sya...:D

Panzar327
02-12-2006, 09:16 PM
dahil walang sampalok dito sa japan ang pinangpapalit kong pansigang lemon,ok naman yung lasa kahit papaano.horenso naman ang pangpalit ko sa kangkong

mbstorun
02-12-2006, 09:18 PM
Panzar.......marami kayang sinigang mix sa Pilipino shop...nagkalat lang ang Pilipino shop sa Japan di ba? ewan ko lang dyan sa location mo pero dito kase samin super dami talaga..so di problema ang sinigang mix..:p

fayray
02-12-2006, 09:21 PM
ako pag nagsi~sigang ako instead na "KangKong"~~"Cabbage" naman ang ginagamit ko...:p masarap naman sya...:D

hi mbstorun:) !! wag mo sanang masamain pero parang ngayon lang yata ako nakarinig ng Cabbage na sangkap na gulay pang sigang:D :confused: . Siguro masarap din naman no kasi gulay din naman:D .


Ako,naman imbes na kangkong ~ horenzo ang nilalagay ko. At number one din ang patis ng Thailand na Namfran.Mas masarap kesa sa Patis natin,mahirap man aminin.

Panzar327
02-12-2006, 09:23 PM
Panzar.......marami kayang sinigang mix sa Pilipino shop...nagkalat lang ang Pilipino shop sa Japan di ba? ewan ko lang dyan sa location mo pero dito kase samin super dami talaga..so di problema ang sinigang mix..:p

mbstorun,inaka yung location namin dito sa nagoya,kaya wala akong mabilan ng sinigang mix,at saka wala din akong alam na philippine store dito,minsan naman nakaorder ako sa akabanne bussan,thru takyoubin pero siyempre di palagi...kaya minsan pag bigla kaming tabetai ng sinigang yun ang ginagawa ko..:p

mbstorun
02-12-2006, 09:24 PM
Fayray...ok lang...actually kahit nung nasa pinas kami minsan cabbage din ang ginagamit namin...sakin kc pampaganda lang sa sinagang ang dahon e...so hindi naman naiba ang lasa kase konti lang naman ang nilalagay ko...lumalaban parin ang asim..hhmmmmm...yumm y..favorite namin sinigang..:p

halloween
02-12-2006, 09:26 PM
Makikisingit lang.

Curious ako dyan sa patis na namfran kasi paubos na ang tentay patis (Y250) ko. Pwede bang pakisulat sa kanji or kapag tatanungin ko staff sa supermarket anong sasabihin? Mas mura ba to sa Y250 o mas mahal?

Salamat.

mbstorun
02-12-2006, 09:26 PM
Panzar...ganun ba....iniisip ko na tuloy kung ano ang lasa nun...sigurado ka lasang sinigang parin sya??:p pasensya na ngayun ko lang kc narinig na pwede pala lemon ang gagamitin instead of sinigang mix..:D

Hungry eyes
02-12-2006, 09:29 PM
Try ninyo yun Buri (fish) for replacement ng bangus sa sinigang..samahan ng mustasa..sarap yun hindi pa matinik katulad ng bangus

sa tinola naman .Yun labanos instead of Papaya..basta igisang mabuti ..pag malambot na yun labanos tsaka lang sabawan..oh mouth watering..:D

Panzar327
02-12-2006, 09:31 PM
Panzar...ganun ba....iniisip ko na tuloy kung ano ang lasa nun...sigurado ka lasang sinigang parin sya??:p pasensya na ngayun ko lang kc narinig na pwede pala lemon ang gagamitin instead of sinigang mix..:D

maasim naman sya kaya lasang sinigang na rin,nilalabanan ko na lang ng kamatis na ginisa saka gabi,para sumarap yung lasa...so far wala namang reklamo asawa ko sa lasa,kaya laging nagririquest..

mbstorun
02-12-2006, 09:33 PM
ganun ba...ok pala...subukan ko nga minsan..balitaan kita kung anung lasa nya..:p

BEBOT
02-12-2006, 10:26 PM
ika no shio kara naman ang pamalit ko sa bagoong alamang kapag nagluluto ako ng pakbet.

fayray
02-12-2006, 10:38 PM
hallowee:wave: masarap talaga ang Namfran Patis ng thailand. Sa mga imported grocery shop meron ka rin mabibili. tanong mo lang Namfran from Thailand alam na nila yon:thumb:

fayray
02-12-2006, 10:40 PM
Try ninyo yun Buri (fish) for replacement ng bangus sa sinigang..samahan ng mustasa..sarap yun hindi pa matinik katulad ng bangus

sa tinola naman .Yun labanos instead of Papaya..basta igisang mabuti ..pag malambot na yun labanos tsaka lang sabawan..oh mouth watering..:D

Hungry,ano ba mustasa sa nihonggo ?

aprilluck
02-12-2006, 11:02 PM
Hungry,ano ba mustasa sa nihonggo ?

Mustasa =komatsuna

puwedeng pansahog sa sinigang na greens:
horensou
komatsuna
chingensai
mizuna

sa fish naman:
maguro no kama -iyung bandang part ng leeg ng maguro (tuna) mura lang ito ,best sa sinigang sa miso ,sahugan ng kahit na anong klase ng kinoko,labanos at greens (listed above)green onion (negi) , lagyan ng konting luya pang-alis ng lansa, kung type ang maanghang lagyan ng sili,panalo ito ,favorite ng husband ko.

patis ng Thailand=Nampra ,sa mga supermarket meron nito ,itanong lang

fisher
02-12-2006, 11:17 PM
Makikisingit lang.

Curious ako dyan sa patis na namfran kasi paubos na ang tentay patis (Y250) ko. Pwede bang pakisulat sa kanji or kapag tatanungin ko staff sa supermarket anong sasabihin? Mas mura ba to sa Y250 o mas mahal?

Salamat.
Hi halloween tsang! Heto ang pix ng nampura na patis ng mga Thailander na napakasarap at sa totoo lang ay ito ang gamit ko at talo ang lasa ng patis natin.Mabibili ito sa anumang Philippine store o kaya sa tindahan din ng mga Bangladeshi or Iranians at sa Caldi store na nagtitinda ng mga foreign goods o kaya sa Union Supermarket.Masarap din isawsaw ang hilaw na mangga dito he,he,he,he(Biro lang ah :D ).

halloween
02-12-2006, 11:24 PM
Salamat Fisher!

Pagkaubos ni best friend tentay, yan nman ang i-try ko. Sarap siguro sa sinigang na buto2 ng baboy, hmmm, delicioso!

fisher
02-12-2006, 11:33 PM
Try ninyo yun Buri (fish) for replacement ng bangus sa sinigang..samahan ng mustasa..sarap yun hindi pa matinik katulad ng bangus

sa tinola naman .Yun labanos instead of Papaya..basta igisang mabuti ..pag malambot na yun labanos tsaka lang sabawan..oh mouth watering..:D
Hungry eyes,pwede bang makipaghapunan sa inyo someday? I still remember na I will deliver right on your doorstep ang isdang mahuhuli ko once na namingwit ulit ako.That time ipagluto mo naman ako ng sinigang he,he,he,he :D .Biro lang (pero pwedeng gawing totoo hi,hi,hi,hi).
Ako naman pamalit ko sa siling dagul na ginagamit kapag nagpapaksiw ay ang shishitou (ししとう) may mahanghang at may walang lasa swerte swerte lang :p .

fremsite
02-12-2006, 11:44 PM
ako rin .. nampra ang pamalit ko sa patis pag wala na kong stock .. pero ewan ko .. bakit mas type ko pa rin ang patis natin kesa sa thailand patis...:p ano pa ba ? .. sinigang na baboy ( horensou : spinach din lang ang nilalagay ko kasi walang kangkong dito .. ) adobo baboy or chicken / afritada / caldereta / nilaga / tinola / ( halos meron dito sa jpn ng ingredients kaya di mahirap iluto ) paksiw na isda .. hanap lang ako ng fish na medyo malaman .. yung aji na mejo malaki and buri .. yan ~~~ di masyado matinik .. ok yan ...ito lang yata naluluto ko .. :) teka .. isip pa ko ...:D

abby
02-13-2006, 01:07 AM
favorite ko sinigang! pag nagluluto ako ng sinigang nilalagyan ko ng okra,talong & hakusai or horenso. sa sinigang sa miso naman imbes na isda, spare ribs ang nilalagay ko.

nikita
02-13-2006, 01:46 AM
Everytime na nagluluto ako ng Menudo,afritada or Mechado at kulang ang kamatis o wala talagang kamatis~~~~PAPRIKA po ang pamalit ko:)

BEBOT
02-13-2006, 06:33 AM
dahil sa hindi natin alam kung may mustasa nga dito or wala, DAIKONA ang nilalagay ko pag nagluluto ako ng sinampalukang manok at sinigang/ginisa sa miso.

fisher
02-13-2006, 10:50 PM
dahil sa hindi natin alam kung may mustasa nga dito or wala, DAIKONA ang nilalagay ko pag nagluluto ako ng sinampalukang manok at sinigang/ginisa sa miso.
Hi there BEBOT (medyo may nararamdaman pa ako sa dulo ng taynga ko he,he,he,he).
Mas magandang pamalit sa mustasa ay yung karashina na medyo mahanghang ang lasa.Parang mustasa talaga iyon na mahaba at malapad ang dahon.Kung sa sinigang na ipapalit sa pechay,piliin ninyo ang Taasai.Kapag winter nakabuka ang dahon nito na parang malaking plato at kapag summer naman ito ay parang pechay ang hugis kaya lang medyo payat ang puno kaysa sa pechay.Kung wala kayong makitang karashina o taasai ang itanong ninyo ay takana.Ang takana at karashina ang pinakamalapit sa lasa ng mustasa.Kung gusto ninyong subukan ang lasa,punta kayo sa alinmang supermarket o gulayan at magtanong ng takana tsuke naka-sink packed iyon minsan naman sila na ang nagpa-pack sa mga plastic trays.Iyon ay lasang lasang burong mustasa.He,he,he,he, he,tsalap n'un lalo't lagyan mo ng hiniwang kamatis Diyos kup' mawawalan na naman ako ng ulirat sa kabusugan bwaha,ha,ha,ha,ha,ha :D .

Hungry eyes
02-13-2006, 11:25 PM
Hungry eyes,pwede bang makipaghapunan sa inyo someday? I still remember na I will deliver right on your doorstep ang isdang mahuhuli ko once na namingwit ulit ako.That time ipagluto mo naman ako ng sinigang he,he,he,he :D .Biro lang (pero pwedeng gawing totoo hi,hi,hi,hi).
Ako naman pamalit ko sa siling dagul na ginagamit kapag nagpapaksiw ay ang shishitou (ししとう) may mahanghang at may walang lasa swerte swerte lang :p .

Ahuh..ang natatandaan mo pa pala Ankol yun promise mo..? yes syempre pwede ka maki hapunan dito.take note hapunan lang ha..:D ..anong klase ng sinigang gusto mo..? name it.and cook it(you) wahehee:D

fisher
02-14-2006, 12:05 AM
Ahuh..ang natatandaan mo pa pala Ankol yun promise mo..? yes syempre pwede ka maki hapunan dito.take note hapunan lang ha..:D ..anong klase ng sinigang gusto mo..? name it.and cook it(you) wahehee:D
Aray ko! Ako pala ang magluluto.:confused: .Aba,ako yata ang taong hindi nakakalimot sa mga pangako ko (i-puwera natin ang pagtupad ah dahil mas marami yata ang hindi natupad kesa natupad he,he,he,he,pero natatandaan ko).Kung aling isda ang mabibingwit ko iyon ang isigang mo hi,hi,hi,hi:D .Huwag lang fugu ah ayaw ko pang mamataayyy~~~~~~~~~~ :O .