PDA

View Full Version : ectopic pregnancy


bahaykubo
05-20-2008, 06:18 PM
gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng simpatya sa kalagayan ko..eto po ang dahilan kung bakit ako naospital:

nais ko lang magtanong kung naka experience na ba kayo ng ganitong pagbubuntis?

last month april 24 ako po ay nagpacheck up sa isang hindi kalakihang clinic malapit dito sa amin at sinabi ngang akoy buntis.pero sa kadahilanang 5days pa lang akong delay sabi ng doctor baka daw maliit pa ang fetus at hindi makita sa ultrasound..pinabali k ako after 2 weeks

maliit lang ang byouin na yun so nag decide ako mag transfer sa mas malaki..YOKOHAMA ROSAI BYOUIN..pero mahirap kumuha ng schedule so 2 weeks pa bago ako nabigyan which is MAY 15

May 9 sumakit ang tyan ko at balakang...so tumawag kami sa emergency ng maliit na byouin pero kung wala namang bleeding hindi ka i coconfine....hindi puede sa rosai dahil wala pa akong record dun....

May 15 excited sa check up para makita si baby..pero Shock ang kapalit ng ultrasound..wala si baby sa bahay bata...nandun sha sa FALLOPIAN TUBE...

sayang dahil buhay pa ito at may heartbeat pero kailangan talaga shang tanggalin dahil nasa panganib naman ang buhay ko...wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak....

OPERATION

tinanggal ang left fallopian tube kung nasan nandun ang baby..sad to say medyo may komplikasyon din ang kanan kaya sinabihan ako na mahihirapan akong mabuntis or HINDI NA MABUBUNTIS IN NATURAL WAY.....pero wala na kong magagawa....
shibaraku muna akong magpapa alam sa tf para magpagaling physically and emotionally...salama t sa inyong lahat..

bahaykubo
05-20-2008, 06:20 PM
http://www.kidshealth.org/parent/pregnancy_newborn/pregnancy/images_61054/997206646316.ectopic .jpg

http://www.kidshealth.org/parent/pregnancy_newborn/pregnancy/ectopic.html


Ectopic means "out of place." In an ectopic pregnancy, a fertilized egg has implanted outside the uterus (http://www.kidshealth.org/parent/general/body_basics/female_reproductive_ system.html). The egg settles in the fallopian tubes in more than 95% of ectopic pregnancies. This is why ectopic pregnancies are commonly called "tubal pregnancies." The egg can also implant in the ovary, abdomen, or the cervix, so you may see these referred to as cervical or abdominal pregnancies.

titakoring
05-20-2008, 06:26 PM
sad to hear that sis.......pagaling ka na lang agad......:)...dito lang kami
at maghihintay sa pagbalik mo beleted HAPPY BIRTHDAY.....:)


http://www.kidshealth.org/parent/pregnancy_newborn/pregnancy/images_61054/997206646316.ectopic .jpg

http://www.kidshealth.org/parent/pregnancy_newborn/pregnancy/ectopic.html


Ectopic means "out of place." In an ectopic pregnancy, a fertilized egg has implanted outside the uterus (http://www.kidshealth.org/parent/general/body_basics/female_reproductive_ system.html). The egg settles in the fallopian tubes in more than 95% of ectopic pregnancies. This is why ectopic pregnancies are commonly called "tubal pregnancies." The egg can also implant in the ovary, abdomen, or the cervix, so you may see these referred to as cervical or abdominal pregnancies.

cherryviper
05-20-2008, 06:33 PM
bahaykubo sis, my prayers for you... hindi man ako nakaranas nito, but i do know the feeling of a mom na mawalan ng anak. pero kung tatanggapin natin that God will be the captain of our lives, then we shall be happy for the baby who is now with angels and with our Creator.

you have an angel sis, give the baby a name for your own peace of mind. and please remember how much He loves us and He wants the best for us. a big smile for you and your angel :)

mbstorun
05-20-2008, 06:40 PM
hello sis sorry to hear your story. i know the feeling ng nawalan ng baby dahil nakunan narin ako minsan at talagang masakit. buti nga ikaw sis nakaya mo pang mag share ng story mo ako noon 3 months ayaw ko ng kausap at yun narin ang naging dahilan kung baket sobrang matagal akong nawala sa TF pero ganun tlaga sis ang buhay di lahat ibibigay saten. just keep on praying na sana mabuntis kapa after ng present situation mo. i'll pray for you.

by the way, may anak kana po ba i mean bago ang nangyaring ito?

comedones
05-20-2008, 06:46 PM
take a lot of rest to regain your energy, we'll be praying for your full recovery...:)

im_nikkilyn
05-20-2008, 06:58 PM
helo sis.pareho kayo ng tita ko pero wag ka mawalan ng hope kasi tita ko nagkaanak pa after nun..i'll pray for you sis...god bless...:)

megami704
05-20-2008, 07:17 PM
Get well soon. Nakakalungkot talaga ang kalagayan mo, naiintindihan ko dahil nung dinugo ako, super takot ko nun. Sabi nga nila, may chance pa rin magka-anak. Dont lose hope. Lam mo naman mga doctors, minsan nagsasalita ng tapos pero hindi naman talaga ganun.

Mr_Ordinary
05-20-2008, 08:11 PM
We know you can make it po. Just be strong and magiging magandang ehemplo ka ng katatagan sa mga magiging nanay dito sa TF. :)

Talagang napaka-complicated po ang pagbubuntis kaya naman fulfilling ang experience ng mga mommies kapag nailabas nila sa mundo ang kanilang anak after 9 months.

Get well soon! :sweeties:

bell
05-20-2008, 08:17 PM
hello bahaykubo.. get well soon.wag mo masyado isipin yan,be strong,kaya mo yan.darating talaga ang para sayo wait ka pa baka dipa siguro ngayon.:rolleyes:

mbstorun
05-20-2008, 08:48 PM
hi sis may rerecommend akong hospital sa mga babaeng mahirap magbuntis. actually sila sis tumulong saken para mabuntis last year pero as i said nakunan din kase ako. actually nagbabalak ulit kaming mag asawa na bumalik sa hospital na ito pero as far as we could have a normal pregnancy kase sumusubok parin talaga kami. dont be so much worry sis kase may mga paraan parin para mabuntis. ito sis name ng hosital "HARA HOSPITAL" in SENDAGAYA. this hospital is a fertility specialist. im not sure how they can help you but try to call them at this number 0120-664-211 or check out their website http://www.haramedical.or.j p/. pero dont rush yourself sis magpagaling ka nalang muna.

maque
05-20-2008, 09:09 PM
malungkot na balita yan bahay kubo... alam ko ang pakiramdam mo sa ngayon...wag na wag kang mawawalan ng pag asa dahil sabi nga ng OB ko noon ... sadyang hindi pa para sa atin ang bb na yan... gusto ko lang i share sayo sis ang experience ko... naranasan ko din kasi ang nararanasan mo ngayon... i had also an ectopic pregnancy sa first bb namin ng hubby... a month after our wedding super saya namin dahil buntis ako at excited nga kami pareho... dahil sa first bb nga siya excited kami pumunta ng OB para magpacheck up... so binigyan ako ng vitamins ... after a week eh nagspotting ako kaya balik OB to make sure of the situation at advise nya ako for an ultrasound... same as you walang nakikitang fetus o anupaman pero positive na buntis ako... ang dami kong test na pinagdaanan just to make sure na buntis ba talaga ako o hindi... sa ultrasound kasi may nakikita ng mass sa fallopian tube ko pero di nila masabi agad if yun ba ang fetus... so pinabalik ako after two weeks making sure na 2months na yung bb sa tyan ko... pero sadly wala pa din silang nakikita sa matres ko at lumalaki na ung mass sa fallopian tube ko... no choice na sinabi ng OB ko na im having an ectopic pregnancy at kailangan tanggalin... dahil sa gusto pa namin i save yung left fallopian tube ko... may pina inject sa akin para daw matunaw ung nasa tube kaso nag allergy after two doses kaya ang last option was the operation...

(mahaba na masyado... to be continued po muna)

onechantoh
05-20-2008, 09:46 PM
nakakalungkot isipin na wala un baby pero mas mahalaga ikaw dahil may susunod pa sa kanya.magrest ka muna over stress ka na wag mong isipin un nawala ang isipin mo now eh ung susunod na magiging baby nyo kaya kailangan ready ang mind at body mo without any problem.Ako bago nasundan un baby ko ngayon nakunan mun ako,nakakatuwang isipin sinabi ng ob mo na buntis ka tpos sunod na check-up ko patay na raw un baby kailangan tanggalin agad kc abunai kung magtatagal pa,inisip ko kung bakit malaking katanungan di ko masagot may nagawa ba akong bawal sa buntis,over stress, workaholic ,i dont know kung ano ang mali.daming payo para makaricover ,inisip ko kagustuhan ni Lord kasi kung matutuloy ang bubuntis ko eh baka nasapeligro naman ang life ko kya I thank Him co'z he knows what his doing kaya natanggap ko agad with all my heart.to you sis good luck handa mong sarili mo pra sa susunod na baby ng tf.I pray for you:p

maque
05-20-2008, 09:52 PM
i was advised na wag muna magbuntis for a year para maghilom agad ang sugat... mahirap at first pero dahil sa palagi andyan ang hubby ko madali ako nakarecover... pero di ko inaasahan na after six months nabuntis ulit ako..... happy ulit kami pero di mawala sa isip ko ang takot... takot ako pumunta ng OB at magpa ultrasound dahil sa first experience ko...but i have no choice i have to consult... just to know a negative response... dahil sa i had an embryonic pregnancy... ibig sabihin... may bahay bata sa matres pero walang bata.... so its another abnormal pregnancy again... super lungkot again kami... at medyo nawawalan na ako ng pag asa na magka bb pa... pero positive thinker ulit ang OB ko ...sabi niya its not yet the right time again... at happy niyang binalita na may pag asa pa dahil may right tube pa ako... no choice but to accept the fact pero lalong tumitindi ang trauma ko at hopeless na magka bb ...buti lang at very supportive ang hubby ko ...sabi niya dapat daw we still enjoy being dalaga at binata na magkasama na kami muna...

at first it was hopeless pero di kami nawalan ng pag asa... totoo nga ang sabi ng OB namin na its not yet the right time dahil inuna pa namin ang makapundar at magkabahay.... after two years without hesitation pinahinto ako ng hubby ko sa business ko para lang mag bed rest dahil buntis ulit ako and sa first two months niya inside my tummy palagi kaming may kaba..... its good to know na hindi siya ectopic... may fetus na nakikita ... pero sadly wala siyang heartbeat for two months... hindi siya madetect ng ultrasound kaya super ang kaba namin...... parang gumuho mundo ko pero di pa rin kami nawalan ng pag asa... after 8 weeks nagpa ultrasound ulit kami at happy kami dahil nagka heartbeat na siya....

i gave birth nga po to a baby boy kahit iisa lang ang fallopian tube ko.... but the sacrifices i encountered super grabe nga...

to you sis..... lakasan mo ang loob mo.... malungkot man sa umpisa pero sa huli... worth waiting naman... may mga plano kasi SIYA sa atin kaya ito nangyayari sa atin...

mrs-mymelo
05-20-2008, 10:15 PM
I undestand how you feel Sis,kaya mo 'yan.ANdito lang kami maghihintay sa 'yo.Pagaling ka at have faith.I will say a prayer for you,panatagan mo kalooban mo ha.

betsyboo
05-20-2008, 10:59 PM
This is a very sad story. I sympathize with you and your loving husband. I hope that you get well soon, physically and emotionally. Don`t lose hope and keep on praying. The Lord has His ways. Take care.

LORIE
05-20-2008, 11:18 PM
Bkit ganun ano kung sino yong gustong magkababy ayy di pinagbigyan at yong pinagbigyan naman na magkaroon ng baby ayy ipinapa laglag maraming pinay na ganyang.(bato bato sa langit ang tamaan ng bato pagsak wag magalit )
Pero sa sitwasyon mo dai Bahay kubo may reason time come pagbibigyan ka rin sa kahilingan mo /ninyong mag asawa.
Pagaling ka ng mabuti Dai Bahaykubo sa pangangatawan at pakiramdam wag ka mag alala mabait ang DIOS. Pag Magaling ka na try ulit pag naka buo kayo wag mong kalimutang ipaalam sa min ha (Patay Mapapalo ako nito sa wetpu) :D
Wishing Your Early Recovery :halo:

GCORT
05-20-2008, 11:23 PM
Our prayers are with you, Sis. Keep on praying, kaya mo yan in the future papalitan din ni God ang baby mo ngayon na nasa fallopian tube. Very sad news to hear lang talaga. Na alala ko tuloy ang unang pagbubuntis ng misis ko, natakot kami dahil akala ng OB niya ectopic pregnancy din kasi same ng symptoms sayo, pananakit ng balakang ug poson. Buti nalang nung sa ultrasound nasa bahay bata sya kaya laking pasasalamat namin. Kahit two weeks palang yung fetus sa matres ni misis ramdam mo talagang tao na siya, dinig na dinig mo na ang heartbeat ng bata.
get well soon!

bonitagracia
05-20-2008, 11:26 PM
get well soon sis! bata ka pa naman mabubuntis ka ulit. your lucky parin. ingat ,pa kiss sa pogi mong anak,pogi talaga ng anak mo.:)god bless!

louvette_15
05-20-2008, 11:39 PM
sis tulad ng mga sinasabi nila, keep on praying and continue believing HIM.. wag kang ma pressure ok.. when time comes, it will happen.. Trust Him ok... pagaling ka po.. im also praying for you...

shakey
05-21-2008, 12:56 AM
faith in god lang po..walang iposible sa kanya! get well soon sis:)

jcby1321
05-21-2008, 01:03 AM
pagaling ka sis and dont lose hope...just believe in what God can do to you!!! take your time sis...God bless!!!

adler
05-21-2008, 01:44 PM
un misis ko nagkaganyan din. pero nanuna un blight ovum (may sac pero alang bata) den un ectopic preg n. very hard experience un s misis ko. 2 successive failed pregies. trauma n nga e. pahinga lng yan. on our third try ok n. pero nde nmn ganun kadali. nag-early labor nmn sya on her sixth month. nde p pede lumabas ang bata. nde magsu-survive. total bed rest sya. 2weeks s hospital. malaking gastos. now 1 yr old n un baby ko.

be strong.

greatbarrier
05-21-2008, 02:19 PM
get well soon, ms bahaykubo. isipin mo na lang that there are worse cases than yours. so be it na mahirapan kang mabuntis the natural way. but if it`s really God`s willing na magkababy kayo, it will surely happen.

yun bestfriend ko nga, meron syang APAS (anti-phospholipid antibody syndrome). in laymen`s term, meron killer cells ang dugo nya so mabuntis man sya, hindi magtutuloy without medical aid. & it was detected in her first pregnancy when she almost lost the baby at 4th month coz she had severe bleeding. it turned out that she has APAS. she was totally bedrest until she gave birth at 34wks. and from 4th month onwards, she underwent several medical procedures, took a lot of medications (including steroids) just to save the baby. & they spent almost a million in that pregnancy.

sa awa ng Dyos, 3yrs old na ngayon yun baby.

so don`t lose hope.... God will make a way.....

coffee
05-21-2008, 04:11 PM
nangiti si Husband ko dahil habang binabasa ko ang mga post nyo
ay naluluha na naman ako, pati sa nakita kong picture...
sis ganyan ang nangyari sa akin,.. hindi madaling tanggapin,
pero kayang-kaya mo yan!

talaga lang mag-full time rest ka.
kahit di mo na abalahing mag-post e magbasa-basa ka lang
dahil kasama mo naman kaming lahat dito para malibang ka po.

time will heal... nandiyan si Mister... hold on to each other, sis;)

nhidz20
05-21-2008, 07:28 PM
Ingat ka lagi sis, Basa-basa ka nalang muna dito sa tf. Odaigini.:)

adechan
05-21-2008, 07:35 PM
@bahaykubo

just take a rest, at may chance ka pa niyan,

iyung kaibigan ko dito, ectopic pregnancy at nakunan din siya, then halos mag-iisang taon palang, nabuntis ulit siya, 7 months pregnant na siya ngayon, at healthy naman ang pregnancy niya malapit lapit na rin kabuwanan niya

take care and may God bless you!

tabako
05-21-2008, 08:32 PM
ako sis naoperahan din ako ectopic 2 years ago,grabe nagyari sa akin dahil di naagapan,di ko kasi alam na buntis ako that time,basta napansin ko lang non na lagi akong my blood sa panty parang mens pinagwalang bahala ko lang,hanggang isang araw na bigla na lang sumakit ang tyan ko at di na ko makagalaw sa sobrang sakit,ang akala nga namain kung anong sakit na yon,yon pala napag alaman sa ospital na buntis nga ako sa labas.awa ng dyos nakaraos sa oprerasyon,gumaling din ako agad,after 2months ng opera nabuntis din ako agad at normal na yung sumunod na pagbubuntis ko,1 year 5 months na now yung baby ko at may kasunod na uli dahil 4 months preggy ako ngayon.may awa ang dyos gagaling ka agad at papawiin nya lahat ng pain na nararamdaman mo,get well soon sis:)

masahiro
05-21-2008, 11:55 PM
get well soon sis ..alam nating lahat na kapag binigyan nya tayo ng PAGSUBOK kaya natin...kaya mo din yan..andito lang din kaming lahat..yun nga lang malayo ako.pero sasama kita at ang iyong angel sa PRAYER ko ...get well:)

poulain
05-23-2008, 12:46 PM
get well soon bahaykubo.. :) same kayo ng case ng bestfriend ko, naconfine din sya this week lang, have faith, kaya nyo po yan.. don't lose hope, and pray.. :)

oh_darling
05-23-2008, 01:18 PM
sister we will pray for you kaya mo yan God bless !

summerghie
05-23-2008, 05:35 PM
girl get well soon. maybe the baby is not really for you. dont loose faith and god has always plans for us.

take a rest and we will be waiting for you here.

may_abe
05-23-2008, 07:15 PM
Life is full of sacrifices. Maybe bukas o makalawa double ang kapalit.
Ingat palagi Cath.

marina
05-25-2008, 08:36 AM
same pala kami ni bahaykubo san naoperahan din ako nito lang may 16 dahil wala ung baby sa loob ng bahay bata,kalalabas ko lang kahapon nalulungkot ako kc 1st baby namin un.

fairy143
06-05-2008, 03:32 PM
new member po ako....dito po ba nabibili yung glutawhite?? interesado lang po ako, dito po ba siya nabibili? wait na lang po ako sa reply...thank's...

lyka
06-05-2008, 06:06 PM
new member po ako....dito po ba nabibili yung glutawhite?? interesado lang po ako, dito po ba siya nabibili? wait na lang po ako sa reply...thank's...

sis bakit ka dito nagpost? :confused:

emote na emote pa naman ako sa pagbabasa dito sa thread na to.
naliligaw po ata kayo....

chevelle:)
06-05-2008, 08:40 PM
sis, ang tagal kong nagtitiis na wag mag-post dito sa totoo lang kasi talagang nalungkot din ako sa nangyari. Pero I've seen and known you as a strong woman. Alam kong masakit pero alam ko din na makakayan mo maka-move on from here. I really do miss you friend:( But take your time to heal those wounds, just remember nandito lang kami.:)