View Full Version : pagkain ng mga bata
my_i_me
05-21-2008, 04:31 PM
Mga nanay, ano po ang karaniwang pinakakain nyo sa araw araw sa mga anak nyo?halimbawa almusal,tanghalian,m erienda,hapunan. Nagsasawa na kase ako sa paulit ulit na recipe e.Minsan ayaw nang kainin....(baka kase di masarap:p)
Ung bunso ko masyadong pihikan sa pagkain,lagi nalang namimili ng kakainin,kaya ayun payatot na:eek:
Share naman po kayo ng mga niluluto nyo para sa mga kids nyo. Salamat po:)
mhisoza
05-21-2008, 06:27 PM
hi! my i me :) eto try mo :wink: sana makatulong ....
http://www.bob-an.com/kids/kidscook/Html/eiyou04.asp
cute_pinay79
05-21-2008, 10:07 PM
share ko lang ang sakin ha... sa mga anak ko ordinaryong japanese food lang ay ok na sila... yon nga lang, kelangan alternate talaga at dapat very attractive ang presentation...
usually nagluluto lang ako ng marami sa dinner kasi don lang kami sabay-sabay kumain... yong 5 yrs old ko mahilig yon sa khit anong noodles, kya sa isang linggo, twice o thrice kasali sa menu ko ang noodles(either ramen o zaru soba). Isa rin sa fave nila ang curry rice, kaya meron at meron non sa menu ko in a week... minsan sa dinner nila nagluluto ako ng buttered mixed vegetables with sliced sausages and french fries for appetizer nila, tpos yong sinaing na kanin na may flavor sya(di ko alam tawag nila) tsaka asari miso soup ang magka-partner na main course nila... sa breakfast, gohan pa rin sila, soup tsaka scrambled egg... minsan gohan lang at rice topping o kya ay nori... pag simple ang ulam nila, binabawi ko sa dessert o kya sa soup... Minsan nagluluto din ako ng pancake, tpos fresh milk ang inomin nila pantanggal ng tamis nong syrup... merienda nila mostly ay odanggo, omanjuo at loaf bread w/ peanut butter, kung alin ang available. Pero yong bunso ko, 3 pcs. lang ng banana, talo-talo na sa merienda.:D
Nagluluto din ako ng Filipino foods like menudo, afritada, kare-kare, at Sinigang... kumakain mga anak ko nyan... sinanay ko kasi sila na kung ano kainin ko o nming mag-asawa ay yon din sa knila para di mendokusai ang preparation at tipid tuloy sa budget...
minsan try to introduce new foods little by little, hanggang sa makasanayan nila... ako pag may hinanda na alam ko nmang good for them at sure akong msarap pra sa tulad nila, tpos inaayawan... Naku, I let them choose, to eat or not to eat at all... hanggang sa gutomin sila at kainin kung ano meron... Ganyan mga anak ko dati... ngayon natuto na sila.:p Kaya they eat kung ano ang ihain ko. Syempre as mothers, we always want the best for our kids... di naman siguro natin sila bibigyan ng ikasasama nila... now they can appreciate many kind of foods unlike before...
Sana nkakuha ka ng konting idea...
Ganbatte ne!;)
wendy gonzal
05-21-2008, 10:28 PM
gud pm sayo sis ,,,,,,,alam mo ako yun anak ko talagang maliit pa ,,pihikan din sa pagkain hanggang ngayon ,,,,,,kaya nahihirapin din ako ,,,,pero may ganoon talagang bata ,,,,,di mahilig kumain ,,,,,,basta sa umaga pakain mo sya ng yoghurt at saging or di kaya apple basta masustansya na pakain ang ibigay mo sa kanya ,,,,
la_tina512
05-21-2008, 10:38 PM
Stressful magpakain sa mga bata rito lalo na at hindi naman tayo sanay sa Japanese food. Galing na rin ako dyan. Sa ngayon malaki na 'yong panganay 3rd year na sa chugakko. Natuto na rin akong magluto ng Japanese food. Heto normally ang menu ko para sa mga anak ko. Dalawa nasa grade school.
Almusal: (palit-palit sila) pancakes, pan, pizza, minsan rice (wag ka mawawalan ng furikake all kinds malaking tulong sa umaga) tamagoyaki, or ochazuke... Depende yan kung ano type nilang kainin. Pag medyo sinisipag ako I let them choose pero pag girigiri na oras kung ano na lang ang puwede. Pero most of the time bumabangon talaga ako ng maaga para masarap ang breakfast ng mga anak ko.
Tanghalian: (pag yasumi lang kasi most of the time nasa school sila) soba, ramen, udon, yakisoba... They don't each much during lunch kasi heavy ang breakfast. Minsan, McDo na lang..
Hapunan: (Pinaka-matrabaho sa lahat) Misoshiru minsan tonjiru, hirekatsu, yasaiitame, yakisakana, sashimi, sushi, curry, beefstew, creamstew (either seafood or beef) hamburger steak, pork steak, lumpiang shanghai, sinigang, apritada, adobong manok, karage....
Pag may gusto kang tanong na recipe pm mo lang ako I'll be most willing to share. :)
P.S.
Sa mga bagong mommies, sabi ng Pediatrician ng anak ko the time na problemado ako sa pagpapakain, NEVER force a child to eat pag ayaw kumain. Bayaan lang sya kasi pag nagutom yan kakain din. Si bunso kasi grabe pihikan nong maliit. Ayaw talaga kumain kaya ginagawa ko pag mealtime iwan ko lang sa table pagkain nya bayaan ko lang sya maglaro. Pag check ko ubos na kasi kumakain habang naglalaro.
mamimo
05-22-2008, 08:32 AM

ako din ayaw na mamilit ng pakain kasi kawawa naman halos ayaw lunukin ang food but we observed na kapag physically active sya dumarami ang food intake ng bata (w/c is logical naman) so lately we help her na magpapagod sinasamahan namin magbisikleta o takbuhan ng konti sa katabing koen kaya nakakatuwa afterwards naungot gutom daw sya.:)
sa food....
breakfast > usually bread, yogurt, fruits
lunch > M-F gumagawa ako ng obento (may nabibiling recipe book para dito, why not consider buying one para mas maraming choices ng pwedeng iprepare). kapag wkend naman sa labas kami kain at nagluluto din asawa ko ng Japanese food kasi mas kabisado nya lutuin ang mga `to.
meryenda > mahilig sya sa parang kakanin ng mga Hapon kaya lagi akong nabili nyan
dinner > halo-halo pagkain namin dito, may mga Chinese recipes ako, Filipino syempre like sinigang, adobo, nilaga, lomi, shanghai then some Japanese dishes na rin lalo ang fishes favorite nya yan buri, tuna, salmon, etc;)
la_tina512
05-22-2008, 09:07 AM
@mamimo
Right on mommy :D !
That's the best way para kumain ang bata, pagurin sya. Pag napagod kasi gutom at pag gutom kahit ano kakainin na. Problema nga lang parang ako yata ang nauunang tumaba kasi mas malakas akong kumain pag napagod na kasama sya. :biglaugh:
pasali po...
Ako din problema ko ang pagpapakain sa anak ko,bukod sa pihikan ubod ng bagal,as in sobra:rolleyes:mauub os ang pasensya mo! kakagaling nya lang pinas,dumating sya nun december dito kaya,di pa sanay sa japanese food,sa school nga minsa kinukuwento nya na sya na lang daw minsan hinihintay na matapos kumain (kyuushiyoku).na iistress talaga ako,napainom ko na ata lahat ng appetite booster sa anak ko,wala pa din,kahit maglaro ng maglaro,mapagod,di mo makitang magana sa pagkain,minsan nga sabi ko na lang,pauuwiin ko na sya ng pinas pag di sya nagbago:D(joke).di ko na din alam ang dapat gawin,sabi naman ng pedia nya noon sa pinas,pabayaan lang basta kumakain kahit konti.:rolleyes:ang baba kaya ng timbang nya,payatot sobra.ano nga kaya magandang gawin,lahat na ata ng strategy na try na namin.
la_tina512
05-22-2008, 09:54 AM
@yan
Kung kararating pa lang nya nong December nasa adjustment period pa ang bata. Alalay lang at kawawa naman. Culture shock aabutin nyan. Hinay-hinay lang. Kahit naman tayong mga otona it took sometime bago tayo nasanay sa pagkain nila. May mga Japanese menu na puwede nyang makain like tonkatsu, oyakodon, karage, yasaiitame.... Hindi naman nagkakalayo ang lasa nyan sa pagkain natin. May mga recipe ako rito na puwede kong i-share sa 'yo pm mo na lang ako.
Ganbatte.
barabara
05-22-2008, 11:13 AM

paturomo naman sa oyakodon.. paborito ni hubby iyan iyong aji medyo hirap ako.. :Diyan ba iyon me itlog sa ibabaw?me sibuyas ba iyan?hirap magluto ng paulit ulit..ala nako baby papakainin.. puro damulag nangdito:D:D
masahiro
05-22-2008, 01:32 PM
ako din ayaw na mamilit ng pakain kasi kawawa naman halos ayaw lunukin ang food but we observed na kapag physically active sya dumarami ang food intake ng bata (w/c is logical naman) so lately we help her na magpapagod sinasamahan namin magbisikleta o takbuhan ng konti sa katabing koen kaya nakakatuwa afterwards naungot gutom daw sya.:)
sa food....
breakfast > usually bread, yogurt, fruits
lunch > M-F gumagawa ako ng obento (may nabibiling recipe book para dito, why not consider buying one para mas maraming choices ng pwedeng iprepare). kapag wkend naman sa labas kami kain at nagluluto din asawa ko ng Japanese food kasi mas kabisado nya lutuin ang mga `to.
meryenda > mahilig sya sa parang kakanin ng mga Hapon kaya lagi akong nabili nyan
dinner > halo-halo pagkain namin dito, may mga Chinese recipes ako, Filipino syempre like sinigang, adobo, nilaga, lomi, shanghai then some Japanese dishes na rin lalo ang fishes favorite nya yan buri, tuna, salmon, etc;)
ako din ganun na ginagawa ko nagkaroon na din ako ng experience na pinipilit ko lagi anak kong kumain pero sabi nga ng byenan ko wag daw din bigyan ng okashi at juice bago kumain para kumain talga sila..and naisip ko din kawawa nga ang bata pag tinatakot mo para lang kumain( ganun kasi ako) pinapagalitan ko pag ayaw kumain..pero nitong nakaraang araw dahil namulat na nga ako pinapabayaan ko na sya pag nagutom kumain pag busog wag pilitin..
breakfast madalas kanin ,itlog,bacon,(nigate kasi namin lahat gulay)
lunch yakisoba,minsan ochazuke, minsan din mcdo..(teriyaki no letucez)minsan din frozen food like hamburger,,ika
dinner misoshiru (hindi )nawawala pero minsan kapalit nun nilaga,,,sopas,,at ang kanin yung aji gohan,,pork teriyaki..yasai salad,,,nita sakana(pinakukuluan lang sa toyo,mirin at asukal) ,goboo,
cute_pinay79
05-22-2008, 05:42 PM
ako din ganun na ginagawa ko nagkaroon na din ako ng experience na pinipilit ko lagi anak kong kumain pero sabi nga ng byenan ko wag daw din bigyan ng okashi at juice bago kumain para kumain talga sila..and naisip ko din kawawa nga ang bata pag tinatakot mo para lang kumain( ganun kasi ako) pinapagalitan ko pag ayaw kumain..
Hello mga Sis... pasali uli...:)
Sis Masahiro... wag u naman po takotin si baby, wawa naman...:D
Ang sakin naman, bka po na-misunderstood ng iba yong una kong post... yong pamimilit ko sa mga anak ko ay in a way na di sila tinatakot... basta hinahain ko lang sa table yong foods, then we eat same time. Pinakikita ko sa knila how I enjoy the foods I served for all of us... Once or twice ko lang sila alokin... its up to them kung kakain sila o hindi... but they dont have other choices of foods... then later, pag nkita nila na we are enjoying the food, at siguro nainggit sila sa sarap nming kumain ng Papa nila... little by little, sila din yong nagkukusa...:p
Nong nsa Pinas kami, isinasalo ko sila sa mga kaanak kumain... o kya sa mga anak ng friends... para maengganyo kumain... effective nman... kaso dito, di uso nangangapit-bhay kaya di pupwede tong strategy na to.:p
Konting tyaga at pasensya lang po... yon ang sekreto.;)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.