PDA

View Full Version : Is it true before you can apply for COE you need to stay at least 1 year in Phils?


snoopy^_^
05-22-2008, 06:16 PM
I'm here again asking for some advise mga ka TF:DGanito po yun i waited for 1 1/2 yrs. dyan sa japan for visa after ng mga check nila pinapunta kami sa immig tpos detained nila po ako for almost 2 months kumuha kami ng lawyer but still hindi po nila ako binigyan hangang pinauwi ako dito sa pinas they gave me 5 yrs. penalty but sabi ng ibang taga immig paguwi ko ayusin daw namin kaagad ang doc. ko at apply uli namin since kasal nga ako sa japan at naghintay naman ako dun, Now yung doc. ko pinadala ko na sa japan, ehtong asawa ko may nakilala sa immig nung nagpunta sya na prang layer daw na nagaayos ng papers ang advise sa amin i need to stay 1 yr. here bago namin iapply yung COE kasi masyadong maaga pa daw kasi mga 6 months pa lang daw ako dito sa pinas at ang penalty sa akin ay 5 yrs. daw baka ideny lang daw kami kahit 3 beses pa daw kami magfile for COE my reason naman kami kasi nga maysakit yung hubby ko:(,wala din po kaming anak, baka meron kayong alam na nakatanggap ng 5 yrs. penalty na kasal at nakabalik kaagad sa japan paturo naman po kung anong dapat gawin :confused:

megami704
05-22-2008, 06:58 PM
iba iba yata talaga ang case noh... bakit ka naman nila pina-uwi samantalang nagpakasal na kayo ng bf mo dito:confused: Yung pinsan ko kasi overstay din nung nagpakasal dito early last year, pero nito lang sya nakakuha ng visa. Hindi naman pina-uwi.

Ang gulo din nila, kasi sabi mo binigyan ka nila ng 5 yrs penalty, meaning hindi ka makakapunta dito within 5 years:confused: Ang gulo nila...

Ok lang naman siguro i-apply na ng hubby mo ang COE mo dahil nga mag-asawa na kayo at dapat magkasama. Tutal bago ka pina-uwi, sinabi sa yo na asikasuhin agad ang papers mo.

Medyo urusai nga kasi ngayon ang immig pagdating sa mga overstay, aakalain na immitation kekkon lang. Kaya dapat maganda ang isusulat na reason ng asawa mo. Kung hindi tinanggap ang application, try ulit after 3 months. Try and try, atleast diba andun yung effort. Baka nga kasi totoong 5 yrs ang penalty mo.

gracejun2574
05-23-2008, 07:22 AM
sis ask ko lang kung anong reason ng na detained ka for 2 months:confused: ,
kasi kung na check ka naman ng meg meg at nasa bahay ka lang ni hubby mo ay malaking points nga yun na maniwala na totoo ang kasal nyo,unless:rolleyes:

matyempuhan ka na nagwwork while waitng of visa uwi ka talaga pinas plus a 5 yrs penalty daw sabi ng megmeg.

kasi usually pag nagpaksal ka sa japan na os ka papipiliin ka kung uuwi ka voluntary na 1yr. lang daw ang magiging penalty mo ( ewan lang kong natutupad case by case yata:confused::confu sed::confused:) sa pinas mo aayusin ang papers mo or di ka uuwi then i sa saiban mo kaso mo, isu-sbumit mo lahat ng tetsuzuki na proof na di immitations ang kasal nyo w/ the support ng hubby of course:love:. then while processing or waiting of visa, bawal ang work kasi nga may mga checking na magaganap sa bahay man or thru phone then di daw nila sagutin kung anong mangyari sa labas kung macheck ka ng aaligid aligid na mga p---s or meg meg kasi wla naman tatak ang passport mo for application( case by case pa rin ), kya kailangan behave lang daw sa bahay ka.

case by case pa rin daw na nabibigyan ng visa pagnapauwi sa pinas cguro no need na ang lawyer gastos kya yun, pero dipende kung kaya daw malaking help din pra mapabilis ang processing ng papers may mga connection naman yan,

kya lang may rules na sinusunod ang japan basta asikasuhin mo lahat ng kailangan na tetsuzuki, kung may proof na umuwi si hubby mo pinas na andun yun support nya syo gambaru nalng kyo together pasaan bat magiging ok di ang lahat, takes time lang konting tiis alam nating nakaka depress ang mag wait ng mag wait basta goodluck na lang sana maging ok na ang lahat....keep on praying ... update lang :p cenya na po napahaba :sssh:

judi
05-23-2008, 04:09 PM
hello sis,bakit ganun kasal ka na kinulong ka pa? kasi ako overstay din dati pero di ako kinulong at di ako diniport ,hinintay ko lang ang visa ko for one year.Ang sabi sa amin ung may 5 years penalty ung daw may kaso na nahalungkat nila or gumamit ng ibang pangalan etc..ang dami kong nakasabay na overstay wala naman sa aming ikinulong or nadeport.masyado talagang magulo ang immigration dito.Ung kakilala ko one year lang nakabalik na.

docomo
05-23-2008, 06:37 PM
mis-leading po yung title nyo.

assumed ko na overstay ka at iba yung case mo ..kaya ka po binigyan ng penalty for 5 years . try mo re-apply after one year pero wala pa ring kasiguraduhan yan kung after one year mabigyan ka na ... kahit kasal ka na hindi po yun rason para pagbigyan ka... penalty po yan kaya wala pong magagwa dyan .:)

snoopy^_^
05-25-2008, 04:38 PM
Salamat po sa mga reply at tanong nyo? lahat ng check ng immig nasa bahay po kaming magasawa di rin po ako nag wowork dahil bawal din so sa loob ng 1 1/2 yrs. nasa bahay lang po ako, kahit ako naguguluhan nung na detained ako hindi naman ako sinabihan na fake ang pagsasama namin ang problema yung bahay namin kasi nga pran building kasi kahit 2 lang kaming nakatira dun, at nung nagpakasal kami sinabi ko naman ang totoong ibang name ang ipinasok at nag sorry ako sa kanila, umuwi na dito yung hubby ko last april babalik uli ng sept. kahit hirap at natrangkaso sya pagkagaling dito ang advise sa amin nung lawyer pag 1 yr. na daw ako dito dun daw nya ipapasok ang papers namin kasama ang evidence na nagpupunta dito ang hubby ko kahit maysakit sya, sana nga mapagbigyan na kami :D Tanong ko lang kung meron na ba kayong nabalitaan or friend na nag OS at may penalty ng ilang taon pro nakabalik kaagad sa Japan ( hindi kasama ang may anak kasi wala nga kaming anak eh):confused: nahirapan ba sila sa pagkuha ng COE???

salingpusa
05-26-2008, 10:04 AM
Una, question talaga ang iba-ibang application ng mga rules dito sa Japan. Merong OS na once nagpakasal na or nagkaanak sa Hapon ay pwedeng dito na mag-change ng status at hindi na rin kailangang ikulong basta maayos ang gma papeles at walang iligal na ginagawa gaya ng pagtatrabaho na walang kaukulang work permit. Meron namang iba na gaya ng kaso mo. Nakakalito, di ba?

Pero sa particular case mo, kahit involuntary deportation ang nangyari sa iyo at may 5-year penalty na ipinataw sa iyo. Dahil legitimate namana ng kasal mo, pwedeng ang gawin ng asawa mo (through a lawyer) ay mag-file ng COE at petition for the suspension ng penalty mo. Kadalasan, ginagawa ito at napagbibigyan naman kung valid ang reason - for humanitarian reasons gaya kung totoo na may sakit nga ang asawa mo at ang separation ninyo ay lalaong nakakapag-palala sa kundisyon niya.

Kailangan mo ng mahusay na lawyer na pwedeng magsulat ng magandang letter of appeal para ibigay ang request nyo na i-lift ang 5-year penalty mo at payagan ka na makabalik ng Japan before mag-lapse yung 5 years.

Sana nakatulong ito.

salingpusa

bad_mamazita
05-27-2008, 03:47 PM
iba rin pala ang case mo sis... ibig mong sabihin nung pumasok ka ng nihon ibang name ang gamit mo!? ganun ba ibig mong sabihin!? then nung nagpakasal ka true name na ang ginamit mo...correct mo nalang me if im wrong...meron din me kasamahan ko dati sa immig na detained sya ng 2months nahuli cya sa loob ng omise kasi kaka kasal nya plang @ waiting visa sya eh bawal magtrahabo diba...so ayun kahit may bengoshi sya @ na detained sa immig. pinauwi parin cya nito....may mga naririnig me after 2 yrs dw may nakakabalik ng nihon basta walang ibang case...wait morin yung iba mga tf's baka may sumagot sa tanong mo...

snoopy^_^
06-02-2008, 02:59 PM
Hi! salingpusa at bad mamazita thanks sa advise para sa mga tanong nyo po nakapasok po ako ng japan na iba ang name ko tapos nung nagpakasal po ako ginamit ko yung tunay kong name at lahat naman yun sinabi ko sa immig at embassy natin dyan sa osaka nung nagpakasal na kami sa city hall, sana nga mabawasan ang penalty sa akin kasi may edad narin ang hubby ko at diabetic pa! :( thanks po uli sa mga reply mga ka TF:D