PDA

View Full Version : pagpapalipat ng title (lupa)

masaki20
05-23-2008, 07:09 PM
hi po mga ka TF...
magtatanong lang po sana ako if meron may idea kung mgkano po ang pagpapalipat ng title ng lupa sa atin sa PINAS (nueva ecija po ako)...
yun po kasing lupa eh nakapangalan pa sa tatay ko(wala na po sya)... kaya po gusto ko sanang ipaayos pag uwi ko... bali isang lupa po yun na hahatiin ( sa tatay ko at tito ko)... mga mgkano po kaya ang dapat kong budget?

marami pong salamat...

engr_jazon
05-23-2008, 07:25 PM

gagastos ka depende sa laki ng lupa na yan masaki san...

ilang hectares or square meters ba yan? depende kasi sa area yan...

kung ipapalipat ng name ang titulo from your father papunta kamo sa inyong dalawa ng tito mo? tama ba? maghahatian kayo ni tito mo?gagastos kayo ng malaki laki rin...

sa kapitolyo ng nueva ecija nyo kailangan isagawa ang transaksyon na yan... maiinvolved pati ang DAR (dept agrarian reform)saka NIA (irigation) depende sa estado ng lupa nyo..

maitanung ko lang, anung lupa po ba ito?
agricultural land ba or simpleng lupa na may bahay?
nagbabayad pa ba kayo ng buwis? saka sa patubig?

eto, isipin mo nalang tong case na to....
sa two-hectares na lupa na nagkakahalaga ng 800,000pesos na tinatamnan ng lupa, nasa 20,000plus (rough estimate) ang paglilipat lamang ng NAME....

mas maganda na wag nyo nalang ilipat ang name.. since nakapangalan naman rin sa tatay mo... yun ay kung ok lang sa tito mo.. magkakamag anak naman kayo so wala naman magiging problema kung sakali dyan.. saka ang mahalaga HAWAK nyo ang TITULO..

masaki20
05-23-2008, 07:32 PM
salamat po sa pagsagot... residential po ang lupa... sorry po ngkamali ako ng paliwanag... sa lolo ko pa po nakapangalan ang lupa (pamana nya sa tatay ko at sa tito ko)... kaya ang problema po, nawala na din ang tatay ko na sonomama pa rin ang title ng lupa...

ngbabayad po kami ng buwis...

bale ang magiging amount po ba ng pagpapalipat ay dedepende sa sukat ng lupa?

pasensya na po ang dami kong tanong :O

japhil
05-23-2008, 07:38 PM

same tayo ng tanong sana me makapag turo sa atin. salamat po sa makapag turo.

engr_jazon
05-23-2008, 07:44 PM
salamat po sa pagsagot... residential po ang lupa... sorry po ngkamali ako ng paliwanag... sa lolo ko pa po nakapangalan ang lupa (pamana nya sa tatay ko at sa tito ko)... kaya ang problema po, nawala na din ang tatay ko na sonomama pa rin ang title ng lupa...

ngbabayad po kami ng buwis...

bale ang magiging amount po ba ng pagpapalipat ay dedepende sa sukat ng lupa?

pasensya na po ang dami kong tanong :O

yup ganun na nga..depende rin sa laki...pag transfer NAME ang titulo may tax ka na babayaran kumbaga...
parang may tax tax kumbaga so mas malaki, mas malaki ang bayad sa gobyerno...kasi pinaparegister nyo kumbaga na pag aari nyo sya (yung lupa)
alam mo naman ang pilipinas, basta papeles sigurado pera...
magkanu yung buwis na binabayaran nyo?

saka estimate mo ba ganu kalaki yung lupa?
then depende rin sa location yang lupa nyo...
RURAL ba, ? or medyo sa city na or sentro...

mamimo
05-23-2008, 07:59 PM
@masaki20
"yun po kasing lupa eh nakapangalan pa sa tatay ko(wala na po sya"

"bali isang lupa po yun na hahatiin sa tatay ko at tito ko"

ibig mong sabihin yun titulo nakapangalan ba talaga sa Tatay mo? o nakapangalan sa magulang ng Tatay at Tito mo at saka nila paghahatian? :confused:

pag ang lupa kasi na paghahatian eh itratransfer na sa pangalan ng maghahati kelangan muna pasukat sa hatian na napag-usapan at saka pa-subdivide. yan ang case ng lupa ng mga kapatid ng Tatay ko sa sukat na 150m2 dalawa pa maghahati kasi prime lot sya mismong Manila subdivide pa lang 20k na pero Nueva Ecija yan ibang presyo kasi dependa sa zonal valuation....kelanga n ko na umalis eh next wk na lang, gomen!

masaki20
05-23-2008, 08:07 PM
@masaki20
"yun po kasing lupa eh nakapangalan pa sa tatay ko(wala na po sya"

"bali isang lupa po yun na hahatiin sa tatay ko at tito ko"

ibig mong sabihin yun titulo nakapangalan ba talaga sa Tatay mo? o nakapangalan sa magulang ng Tatay at Tito mo at saka nila paghahatian?:confuse d:

sorry po nagulo ko tuloy kayo... sa magulang pa po ng tatay ko at tito ko nakapangalan ang lupa... tpos po binigay nila sa tatay ko yun titulo(since mas matanda ang tatay ko) para paghatian nila ng tito ko... kaso nga po nawala na ang tatay ko ng hindi pa napaayos ang titulo (hawak ko po)... e gusto ko po kasi ipahati na yun lupa para yun parte namin eh magkaron na ng betsu na titulo...

salamat po...

masaki20
05-23-2008, 08:41 PM
saka estimate mo ba ganu kalaki yung lupa?
then depende rin sa location yang lupa nyo...
RURAL ba, ? or medyo sa city na or sentro...[/quote]

rural po yun lugar namin... hindi kasi ako marunong mg estimate ng sukat eh :O:(

kaori
05-23-2008, 08:46 PM
san ka ba sa Nueva Ecija?baka sakaling makatulong...

lyka
05-23-2008, 09:02 PM
sis wala akong experience sa ganito....
pero ung brother in law ko nagpaestimate ng Change ng Title ng lupa...

sa ngayon kasi nasa biyenan ko pang babae ang name, eh ililipat na
sa kanya...

105 sq. m lang ung lote, ang estimate eh lagpas pa ng 60k!
grabe no! sa laguna naman un...residential din...

summergirl
05-23-2008, 09:35 PM
wow,taga nueva ecija rin ako,taga gapan nueva ecija..ang sa akin 275 sq meter .naka 80 k ako pag lipat ng pangalan sa lupa ko ..mahal..pero sa quezon city ito..

masaki20
05-23-2008, 10:04 PM
san ka ba sa Nueva Ecija?baka sakaling makatulong...

salamat sis :)
sa JAEN po ako...

masaki20
05-23-2008, 10:05 PM
wow,taga nueva ecija rin ako,taga gapan nueva ecija..ang sa akin 275 sq meter .naka 80 k ako pag lipat ng pangalan sa lupa ko ..mahal..pero sa quezon city ito..

talaga mommi :D jaen lang po ako :)
ang mahal pala talaga no... :(
salamat po sa pagreply

masaki20
05-23-2008, 10:06 PM
sis wala akong experience sa ganito....
pero ung brother in law ko nagpaestimate ng Change ng Title ng lupa...

sa ngayon kasi nasa biyenan ko pang babae ang name, eh ililipat na
sa kanya...

105 sq. m lang ung lote, ang estimate eh lagpas pa ng 60k!
grabe no! sa laguna naman un...residential din...

grabe pala... ang mahal talaga :(
salamat sa reply sis:)

mamimo
05-26-2008, 09:57 AM
jaen lang po ako :)
ang mahal pala talaga no... :(
salamat po sa pagreply

@masaki

Usually ang ibang palipat ng titulo mahal kasi may tinatawag na capital gains tax mga 6-7% ng contract price plus other taxes involve sa bentahan ng lupa. But your case is different kasi walang purchase transaction sabi mo parang pamana, di ba? What I know (pwedeng mali ako) kelangan nyo muna bayaran lahat ng unpaid taxes then you can start sa sukatan sunod subdivide the title. For the meantime na gusto mo ihanda ang kelangan magastos pa-inquire mo na sa relatives mo magkano ang unpaid taxes nyo. Padala mo ang tax declaration sa munisipyo o kapitolyo para makakuha kayo ng figue.:)

kenlie
05-26-2008, 10:36 AM
nung ngpapalit ako ng papers kc dipende sa lupa at dipende kung magkano ang pagkakabili mo ung sakin kc sa san mateo rizal sa municipyo ako ngpachange nung bale 1milion mahigit kc ang bili ko dun so ang totoo daw 10% ang dapat n babayaran kaso may ginagawa sla dun n madalian bale ang binayaran ko lng is 40k 100sqm ung lupa.ay kinukwenta din pla yung bahay ewan ko basta ganun ung sakin eh basta magtanong ka nlng sa munisipyo may mga nglalakad dun

mamimo
05-26-2008, 11:14 AM
10% ang dapat n babayaran kaso may ginagawa sla dun n madalian bale ang binayaran ko lng is 40k 100sqm ung lupa.ay kinukwenta din pla yung bahay

opo iba ang computation ng lupa sa lote mas madali adjust yun sa structure pero it`s up to you if you`ll take the risk na di masilip.:)

cherryviper
05-26-2008, 12:22 PM
http://real-estate-guide.philsite.net/taxes.htm

in above link, it will guide you on the process of transferring title with corresponding taxes and registration... i hope to be of help :)

some to be noted:

The SELLER pays for the:

Capital Gains Tax equivalent to 6% of the selling price (Withholding Tax for corporations)
All unpaid taxes due (if any). "amilyar" in your residential lot case
Agent / Broker's commission. "if applicable"
The BUYER pays for the:

Documentary Stamp Tax - 1.5% of the selling price or zonal value or fair market value, which ever is higher.
Transfer Tax - 0.5% of the selling price, or zonal value or fair market value, which ever is higher.
Registration Fee - 0.25% of the selling price, or zonal value or fair market value, which ever is higher.
Any other incidental or miscellaneous expenses (minimal, if any).

The above sharing of expenses is the standard practice in the Philippines. However, buyers and sellers can mutually agree on other terms as long as it is done during the negotiation period (before the signing of the "Deed of Sale").

The "Deed of Sale" is the document showing legal transfer of real estate property ownership. The deed of sale is then taken to the Registry of Deeds to be officially recorded. Always purchase property with a proper Title & a deed of sale if possible, and if there is not one, a tax declaration is your last choice.

Your Agent / Broker will usually do the registration process without any additional payments (aside from the commission).

Documents needed when transferring the title (TCT or CCT) to the new owner:

Certified true copy of the title
Copies of the Deed of Absolute Sale
Latest tax declaration of the property
Certificate from the Bureau of Internal Revenue that the capital gains tax and documentary stamps have been paid
Receipt of payment of the transfer tax and registration fees
In your case sis, you'll be needing a lawyer's assistance to properly execute documents in transferring half of the property to your uncle and in your name. If your deceased grandpa did not execute any will or testament, or even in the absence of a Deed of Sale, you need to hire a lawyer to help you legalize the transfer. Medyo complicated ang case mo, ang pagpapasinop ng titulo ng lolo mo sa tatay mo ay hindi enough reason to transfer the title to your uncle and in your name. Legally, properties of a deceased individual will be distributed only to the genuine or rightful heirs.

I hope you may settle this issue first before entering into transfer of title.

God bless you sis :)