PDA

View Full Version : Tourist Visa Rules


amy_neri
05-26-2008, 05:07 PM
Hi all,

Question naman po sa mga veterans dyan about visa issues. May work visa ang hubby ko at ako naman ay dependent. kailangan ko sana dalhin ang nanay ko sa japan para tulungan ako mag-alaga ng bata para makapag-work ako. ang plano namin ay sa october this year. pero kailangan namin lahat umuwi ng december para sa pasko. parang may narinig ako na rule raw ng japanese embassy na ang taong kakadating lang mula sa japan under tourist visa e after 6 months pa bago ulit makapag-apply ng tourist visa. totoo po ba ito? kasi ang balak namin, kasama ulit ang nanay ko pabalik ng japan ng january. and meron bang mga tourist visa holders sa japan na nakakapag-extend na umaabot ng isang taon?

kung meron rin kayong suggestions or ideas na pwede namin gawin para makatulong, sige po feel free to give me advice. thanks in advance. :D

amy

megami704
05-26-2008, 06:50 PM
Hi. Sa pagkaka-alam ko po dahil dati tourist/family visa rin po ako, after 3 months pa po pweding mag-apply ulit.

Pero ngayon po, after 6 months na po dahil nag-apply for tourist visa ang friend ko kaso deny, after 6 months pa lang daw pwedi mag-apply ulit.

ANg pinaka-matagal na extension na maibbigay lang po sa mga tourist ay 3 months po. Case by case, minsan hindi na nabibigyan. Wait pa po tayo ng ibang replies

engr_jazon
05-26-2008, 07:11 PM
eh kung subukan mo iapply para sa october na visit, then extend mo to 3months....

so kung magrant ng 15days tourist plus extend mo ng another 3months, aabot bale sya hanggang almost 2nd week ng january...

kaso uuwi pala kayo ng december para sa pasko....

kung sakaling ganun man at medyo alanganin....
itry mo iexplain sa immigration na malapit sa inyo ang case mo.

since may special reason ka naman, baka magawan nila ng paraan...
since welfare naman ng baby ang iniisip nyo baka magawan ng paraan..

sana may magpost pa....
interesado rin ako sa case na ganyan

angelica
05-27-2008, 03:02 PM
bakit di mo na lang iinvite ang nanay mo pagkatapos ng pasko....o kaya pag umuwi kayo dun isabay mo nanay mo dito pagbalik....mas madali...
puwera na lang kung may emergency ka sa october at kailangan mong papuntahin nanay mo then uuwi kayong lahat sa december ,pero after six months bago mo sya makuha uli... kung trabaho lang ang reason mo i suggest mgtrabaho ka na lang pag tapos ng vacation nyo sa pinas.pag nabigyan ng 3 months visa nanay mo baka maaari mo pa syang iextend ng another 3 months,,,,mas konting proseso at mas matipid sa gastos...

erokawaiiAYA
05-27-2008, 03:14 PM
Lahat sinasabi yan, after 6 months daw pwedeng mag apply ng tourist visa uli.
Pero ako dati, pagkauwi ko ng Pinas, after 1month nagpadala uli ng papel ang ate ko, ipinasok ko kaagad sa Japanese Embassy, (bahala na si batman) ang sabi ko. After 1 week , nagkaron kaagad ako ng visa uli! kaya wala pa akong 5 months sa Pinas non, nakaalis na kaagad ako papuntang Japan.

Sis sa palagay ko depende sa sitwasyon at sa rason mo yon . Yung tourist visa, ang sabi sa amin ng Immigration hanggang 6months lang talaga ang maximum na ibinibigay nilang length of stay.

mayumi1331
05-29-2008, 08:29 AM
Hi all,

Question naman po sa mga veterans dyan about visa issues. May work visa ang hubby ko at ako naman ay dependent. kailangan ko sana dalhin ang nanay ko sa japan para tulungan ako mag-alaga ng bata para makapag-work ako. ang plano namin ay sa october this year. pero kailangan namin lahat umuwi ng december para sa pasko. parang may narinig ako na rule raw ng japanese embassy na ang taong kakadating lang mula sa japan under tourist visa e after 6 months pa bago ulit makapag-apply ng tourist visa. totoo po ba ito? kasi ang balak namin, kasama ulit ang nanay ko pabalik ng japan ng january. and meron bang mga tourist visa holders sa japan na nakakapag-extend na umaabot ng isang taon?

kung meron rin kayong suggestions or ideas na pwede namin gawin para makatulong, sige po feel free to give me advice. thanks in advance. :D

amy

Dependent visa holder rin po ako, and pinapunta namin dito yung mother ko with my baby last yr. Binigyan siya ng 3 months tourist visa ( August- November 07), but nag apply kami ng extension for her and luckily, binigyan kami ng another 3 months. Bale a total of 6 months sya andito. Umuwi na sila ng baby ko last February kase na maximize na ng mother ko ang visa nya. Ang alam ko po, maximum of 3 months extension lang ang maibibigay kung tourist visa holder and karamihan daw po, nadedeny pag nag apply ng extension. So 6 months lang pwede magstay siguro ang Nanay mo, based on my experience. Kase nung nag apply kami ng extension ng mother ko, tinatakan ng immigration- "Final Extension".

Try mo rin mag apply ng extension, baka ma approve kung sakali. Pero yun nga lang, di aabot ng 1 yr, til 6 months maximim lang (3 months initial and 3 months extension). Hope my experience gave you an idea...

amy_neri
06-10-2008, 10:15 AM
Big thanks to all those who replied! Nagtanong tanong rin ako and talagang majority sabi 6 months max lang ang nabibigay. So i'll just arrange our travel itinerary based on this.

Well, let me grab this opportunity to ask another question. Is it possible to bring your, let's say, 2-3 month old baby to Japan on a tourist visa and then when we're already there, we'll just apply for a dependent visa? again, my husband has a work visa and i currently have a dependent visa. meron na po ba nakapag-try nito?


Thanks!