View Full Version : kung may nakakaalam po...
tweety_bird
05-27-2008, 10:01 AM
nakasuko na po ako sa migmig but that was 3 years ago, ang hawak ko pong paper from migmig is green color paper saying kumuha ako ng travel documents sa embassy kasi wala akong passport, so tanong ko lang po kung pwedeng pag kuha ko ng travel doc. ko sa embassy at ipapasa ko na ito sa immigration dala ko na rin ung plane ticket ko kasi for emergency klangan ng umuwi agad sa pinas. papayag po ba kaya sila nun? at sa embassy pede pa po bang ipasa ung paper galing sa migmig kahit medyo matagal ka ng nakasuko? Hope for your fast reply confused po talaga! thanks mga ka TF!
lenemen
05-27-2008, 01:08 PM
tweety, saan ka sa Gunma? Maebashi lang kami. Sumuko ka ikamo 3 yrs. ago pero nandito ka pa rin? Hindi mo rin kasi nabanggit kung nag-asawa ka ng Hapon kaya lang kung nag asawa ka dapat hindi na yata kakailanganin yang mga travel documents na iyan. at bago ka makasal dito ay lilinawin muna ang mga papeles mo. Ano ang nangyari sumuko ka pero hindi ka natuloy sa proseso at sono mama na hindi na umuwi? Parang kulang yata ang detalye. SAa palagay ko kung ang case mo ay hindi natuloy ang proseso ng pagsuko mo noon, kailangan ay sumuko ka ulit this time dahil may mga pagkakaiba na naman sa procedures ng immigration ngayon. Kung 3 yrs. ago pa yang papel na hawak mo ngayon malamang na wala ng bisa iyan. Wait na lang din sa reply ng iba baka may nakakaalam o naka experience ng tulad sa iyo. gambatte ne.
tweety_bird
05-27-2008, 07:15 PM
di po ako nag-asawa ng hapon. sumuko kami ng anak ko year 2005 kasi gusto ko na po talaga umuwi kaso may certain circumstances na di maiiwasan sa pinas kaya di ko natuloy ang process ng papers namin ngayon gusto ko na talaga umuwi kaso natatakot ako kung baka pag sumuko ako ulit di na kami palabasin ng anak ko kaya sana gusto ko malaman kung pede pa rin dalin un dating paper sa embassy para kumuha ng travel documents. salamat sa reply.
erokawaiiAYA
05-27-2008, 07:44 PM
di po ako nag-asawa ng hapon. sumuko kami ng anak ko year 2005 kasi gusto ko na po talaga umuwi kaso may certain circumstances na di maiiwasan sa pinas kaya di ko natuloy ang process ng papers namin ngayon gusto ko na talaga umuwi kaso natatakot ako kung baka pag sumuko ako ulit di na kami palabasin ng anak ko kaya sana gusto ko malaman kung pede pa rin dalin un dating paper sa embassy para kumuha ng travel documents. salamat sa reply.
sis, diba once na sumuko ka sa immigration eh ikukulong ka nila para imbestigahan?? (since hindi ka naman kasal sa hapon) ibig sabihin, simula ng sumuko ka~ up to now, hindi ka nakulong?? malaya ka??
o me ibinigay lang sayo na permit para makapag stay sa japan for a while??
sis , sana , isulat mo uli ng mas malinaw yung story mo, para mas maraming tumulong sayo dito sa TF.
erokawaiiAYA
05-27-2008, 07:47 PM
KABAYAN NAGTRATRABAHO KA BA? KINAKALTASAN KA NG BUWIS? A PRIVILEDGE IS GIVEN TO ALL GAIJIN HERE IN JAPAN, PWEDE PO NATING I-PAREFUND ANG BUWIS NA ATING BINABAYARAN. PLEASE READ...
INCOME TAX, RESIDENCE TAX AND PENSION TAX REFUND
Q Maaari bang maibalik ang aking binayarang tax?
A YES. Ayon sa batas, ang lahat ng foreigner (Filipino, Ghanian, American, etc.)na nagtrabaho ng mahigit isang taon o nagtratrabaho pa hanggang ngayon dito sa Japan sa pamamagitan mg pag-aapply ng Final Tax Return ay maaaring makatanggap ng Tax Refund.
Q Magkano ang maaaring mai-refund?
A Kung magkano ang tax na binayaran ay siya ring halagang maaaring maibalik sa iyo.
Q Gaano katagal ang processing?
A Walong lingo mahigit matapos makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento.
Q Ano ang Gensen-Choshu-Hyo?
A Sa pag-aaply ng Final Tax Return, kinakailangan ang gensen-choshu-hyo. Ang gensen-choshu-hyo ay opisyal na dokumento na binibigay o makukuha sa kumpanyang pinagtrabahuan. Ito ay yearly na binibigay sa mga empleyado. Nakasaad dito ang kabuuang sinahud at tax na binayaran sa loob ng isang taon.
JACKIE ALDEPOLLA
Filipino Representative
090-2451-0706
lifeisinyourhands@so ftbank.ne.jp (lifeisinyourhands@s oftbank.ne.jp)
jaldepolla@yahoo.com (jaldepolla@yahoo.co m)
HUWAG SAYANGIN ANG PANAHON DAHIL ME LIMIT ANG TAX REFUND!!!
Ang layo naman po ng sagot nyo sa topic.
megami704
05-27-2008, 10:23 PM
Ang layo naman po ng sagot nyo sa topic.
haha:D palatastas lang yun:D
Bout sa topic... hmm medyo malabo nga ang mga details na binigay ni tweety bird.
Yung friend ng nanay ko, nahuli naman nung 2004, pero hindi muna sya kinulong, pina-asikaso muna passport nya, pero tumakas ulit. Ganun rin ba ang situation mo?
May passport ka na ba ngayon? Kung meron ay sumuko ka na ulit para maka-uwi kana, sabi mo nga for emergency. Pero possible bigyan ka nila ng penalty dahil iba na nga ang patakaran ngayon.
Ano nga pala ang ibig mong sabihin sa kapag sumuko kayo, hindi na kayo palabasin ulit ng anak mo? Di ko gets, san kayo palalabasin? Papunta pinas ba or pauwi japan?
docomo
05-27-2008, 10:46 PM
nakasuko na po ako sa migmig but that was 3 years ago, ang hawak ko pong paper from migmig is green color paper saying kumuha ako ng travel documents sa embassy kasi wala akong passport, so tanong ko lang po kung pwedeng pag kuha ko ng travel doc. ko sa embassy at ipapasa ko na ito sa immigration dala ko na rin ung plane ticket ko kasi for emergency klangan ng umuwi agad sa pinas. papayag po ba kaya sila nun? at sa embassy pede pa po bang ipasa ung paper galing sa migmig kahit medyo matagal ka ng nakasuko? Hope for your fast reply confused po talaga! thanks mga ka TF!
assume ko na po na overstay ang case nyo po ?
ang pagkakaintindi ko po ... sumuko po kayo 3 years ago pero hindi nyo po inuwi ?
so lumipas na yung 3 years na hawak nyo lang yung papel na galing sa immigration ?
lately lang po ba kayo kumuha ng dokumentong sinasabi nyo sa Philippine Embassy? ayusin po naten yung detalye para maayos din po yung maibigay na kasagutan sa inyo ... yan po muna :)
tweety_bird
05-28-2008, 11:53 AM
pasensya na sa malabong details... ganito po yun, 2005 ng february sumuko ako kasama un anak ko ininterview po ako bakit daw ako uuwi sabi ko kasi wala na akong work at gusto ko na rin iuwi yun anak ko, so pinicturan ako at finger prints tapos binigyan nila ako ng green paper at sinabi since wala akong passport pumunta daw ako sa embassy natin to get travel documents at after ko daw makuha un bumalik ako sa kanila, kaso nagkaroon ng matinding pangangailangan sa pinas at di ko na nagawa pang ayusin un travel documents ko sa embassy hanggang sa umabot na ng 3 yrs., at ngayon po na okay na lahat sa pinas gusto ko na pong ituloy un pag-uwi namin mag-ina sa pinas, ang gusto ko lang pong malaman kung pwede pong ituloy yun pagkuha ko ng travel doc. na di ko nagawa noon para pagbalik ko sa immigration may dala na akong paper galing sa embassy at mabigyan na ako ng departure order kasi may emergency sa pinas at klangan ng makauwi agad.
tweety_bird
05-28-2008, 11:57 AM
orokawaiiaya, pag sumuko ka sa migmig papalabasin ka nila di ka ikukulong para mag-ayos ng papers mo un nahuhuli lang ang di na makakalabas para mag-ayos ng paper nila kaya malaya ako, may papel lang ako galing sa migmig katunayan na nag-appear ako sa kanila ng kusa para umuwi.
megami704
05-28-2008, 12:07 PM
ang gusto ko lang pong malaman kung pwede pong ituloy yun pagkuha ko ng travel doc. na di ko nagawa noon para pagbalik ko sa immigration may dala na akong paper galing sa embassy at mabigyan na ako ng departure order kasi may emergency sa pinas at klangan ng makauwi agad.
Pwedeng pwede mo ituloy yun. Syempre hindi ka makaka-uwi kung wala kang passport. Ayusin mo muna ang passport mo, at sumuko ka ulit. Yun lang naman ang paraan para maka-uwi ka. Kakailanganin mo rin pumunta ng immigration ng japan. Kaya kailangan may passport na kayo dala. At pati yung kung ano man ang pinapa-ayos nila.
Kung gusto mo para maging sure ka, unahin mo na ang immigration at dun mo sabihin ang nangyari kung bakit hindi mo naituloy ang pag-asikaso ng papers mo.
tweety_bird
05-28-2008, 12:22 PM
dun nga po ako natatakot kung babalik ako sa migmig ng wala pang dalang papel galing sa embassy kasi baka sabihin ang tagal mo ng sumuko di mo inayos baka idetain kami ng anak ko ayaw ko po un mangyari. kaya gusto ko pag balik sa migmig dala ko na lahat ng papers na klangan galing embassy para ma bigyan kami ng departure order ng anak ko. Thank you megami for your fast reply it helps a lot.
lenemen
05-28-2008, 01:40 PM
Tweety san, malinaw na ang detalye mo. So far, travel documents (passport) ang pinaka importante para mabigyan ka ng departure release ng immigration. Sa palagay ko lang mas mapapabilis siguro ang proceso mo sa immigration kung may dala ka nang travel docs. o pasaporte pag sumuko ka ulit. Sa kabagalan ng proceso sa embassy natin mas matatagalan ka kung wala ka pang passport o travel documents pag punta mo ng immig. Let's say na pupunta ka ng immig. sa umaga then tutuloy ng embassy pagkatapos the same day pero hindi mo sure kung makukuha agad that day ang travel docs. from our ermbassy. So babalik ka ulit para i- claim yun then mabuti kung makahabol ka the same day sa oras ng pagpasa sa immigration. Kung emergency ikamo ang pag-uwi mo i doubt na mga 3 times kang babalik doon. Don't worry hindi ka naman makukulong dahil voluntary exit itong case mo kahit pa sumuko ka na noon at hindi natuloy. Unless hindi ka mahuli hindi ka made-detain sa immigration. Be sure na pupunta ka sa immigration BY CAR at HUWAG na HUWAG MAG TRAIN para makasiguro na hindi ka ma sita sa eki. May mga cases na on the way para sumuko ay nahuhuli sa mga eki at pag ganun ang nangyari ay talagang made-detain. This is true. Kahahatid ko lang sa Narita lasty Friday ng isang kababayang sumuko, naranasan niya na masita ng pulis sa eki noong sinamahan ko siya para kunin ang "deportation release" pero fortunately ay may hawak na siyang papeles kaya libre na siya. Good luck to you and your child!
tweety_bird
05-28-2008, 02:03 PM
thank you lenemen atleast ngayon alam ko na na klangan ko munang ayusin un travel doc. ko sa embassy bago ako ulit pumunta ng immigration para mapabilis ang uwi ko magpapasama po ako s friend ko na may visa mag kukuruma po kami kasi alam ko po delikado sa mga eki ngayon, kasi kung susuko po ulit ako at mag-aayos pa lang ng paper sa embassy malamang nga pong di ako makauwi ng mabilis klangan pa naman kasi un tatay ko medyo nag-iba na daw po ung lagay hinahanap na po ako kaya klangan mabilisan uwi na po. Thanks po sa help nyong lahat. GOD BLESS mga ka TF.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.