View Full Version : Pinagpalit ako sa iba
junlen
05-27-2008, 04:58 PM
Atlast nandito na po ako ngayon sa TF :liftup:!hopefully matulungan nyo po ako....really need ko po talaga advice nyo mga kptid!May isang anak po ako sa pagkadalaga,sa filipino po yung panganay ko at tanggap naman po yun ni hapon.maganda naman po ang trato nya sa anak ko na panganay.,Last year pinanganak ko po ang baby girl namin ng asawa kong japanese.mag1yr.old na po sya ngayon.year 2005 nakasal po kami dito sa pinas.nakasal lang po kami civil wed.pero dahil kulang pa ang req.ni hapon kaya hindi ko rin po yun maiparegister kahit sa munisipyo.naturingan lang po na nakasal kami pero hindi parin po legal...:ohlord:
Pinaasa po nya ako..sabi nya to follow nalang daw po ang koseki tohon nya at legal capacity.pero inaabot na po hanggang sa maipanganak ko ang anak namin pero kailan lang po nya inamin sa akin na may japanese daw po pala syang unang asawa...at hindi pa raw po kase nya natatapos ang problema regarding sa documents ng devorce nila kaya hindi pa daw po nya talaga maibibigay sa akin ang hinihinging requirements sa kanya.dati kada po sya nauwi dito sa pinas para makasama ako...masaya pa po kami nun..:(madalas po sya tumatawag sa akin...
then isang araw tumawag po sya sa akin...kesyo hindi na raw po nya kami masyado mapapadalhan ng sustento dahilan po nya ay maysakit daw po sya...diabetes daw po:confused: ....ang masakit po...nalaman ko na nakauwi na po pala sya ng pinas at nandun nagstay sa bago nyang babae.dalaga po ang pinalit nya sa akin....:cry:
ayumi31
05-27-2008, 05:19 PM
hello sis welcome po sa tf...nakakalungkot naman ng situation mo,pasensya kana wala akong maipapayo sayo about sa mga legal issue na ganyan kasi andito rin ako sa pinas,wag kang mawalan ng pag asa may awa ang dyos mag pray ka lang sa kanya,wait ka ng mga k tf natin na tutulong sau if wat ang pwede mong gawing action...GOD BLESS YOU!!!!
antipolo
05-28-2008, 11:24 AM
bakla...lungkot naman ng kwento mo...bakit ba may mga hapon na ganyan ano? so kasal lang kayo sa papel ganun? di wala ka pang hawak na Marriage Contract? sana maayos naman kahit sa side lang ng baby mo....san ka na sa pinas?kasi may programs dyan sa QC na ang name ay BAWIIN tumutulong sila like your case...ask ko yung friend ko...PM ko na lang sa yo,OK?wait mo pa yung ibang ka TF baka matulungan ka din nila sa legal advice.
junlen
05-30-2008, 01:34 AM
Oo wala pa ako hawak kahit ano nito tungkol sa kasal namin ng asawa ko antipolo san...:O kase nakabitin po dahil kulang pa po sya sa requirements.Thank you sa inyo ha...
denise
05-31-2008, 10:08 PM
I understand your situation, kahit hindi hapon marami ang ganyang lalaki.All I can do is to advice you to pray,makakaya mo yan with God's help. Legally,there is nothing you could do kung di talaga pa siya divorced.
marin chang
05-31-2008, 10:27 PM
nalulungkot talaga ako pag may naririnig akonbg ganitong balita..
kaya minsan pag may narinig akong hapon na niloko ng pinay
di ko rin talaga maisip na ganti ganti lang talaga..
basta magdasal ka na lang ..may nakalaan sa yo..
may mas maganda plano para sa yo,,:rolleyes:
Matty
05-31-2008, 10:29 PM
Hello junlen san . magandang gabi po TF guys ... alam mo marami nang ibat- ibang case na tulad mo. d na mabilang siguro . pero hwag kang mawawalan ng pag-asa. basta kung maaayos mo lang ang mga papers mo at makakuha ka ng visa at sa mga kids mo . kung yon ang pinangako nya saiyo okey yon . Pero I dont think so baka alibi lang nya yon . . future na lang ng mga anak mo isipin mo bata ka pa . so hwag kang manghinayang don sa jowa mo. anak ang importante . asawa napapalitan yan. anak hindi. so move on sis .;)
shakey
05-31-2008, 11:24 PM
tsk,tsk,tsk ...dnt worry sis di ka nag iisa sa mga may ganyang cases...haaayyy nakakaawa naman ang mga kababayan nating na naiisahan ng mga ibang lahi..(di po lahat ah) doble ingat sis sa susunod if ever na ma inlove ka ulit..
Chibi
05-31-2008, 11:35 PM
Atlast nandito na po ako ngayon sa TF :liftup:!hopefully matulungan nyo po ako....really need ko po talaga advice nyo mga kptid!May isang anak po ako sa pagkadalaga,sa filipino po yung panganay ko at tanggap naman po yun ni hapon.maganda naman po ang trato nya sa anak ko na panganay.,Last year pinanganak ko po ang baby girl namin ng asawa kong japanese.mag1yr.old na po sya ngayon.year 2005 nakasal po kami dito sa pinas.nakasal lang po kami civil wed.pero dahil kulang pa ang req.ni hapon kaya hindi ko rin po yun maiparegister kahit sa munisipyo.naturingan lang po na nakasal kami pero hindi parin po legal...:ohlord:
Pinaasa po nya ako..sabi nya to follow nalang daw po ang koseki tohon nya at legal capacity.pero inaabot na po hanggang sa maipanganak ko ang anak namin pero kailan lang po nya inamin sa akin na may japanese daw po pala syang unang asawa...at hindi pa raw po kase nya natatapos ang problema regarding sa documents ng devorce nila kaya hindi pa daw po nya talaga maibibigay sa akin ang hinihinging requirements sa kanya.dati kada po sya nauwi dito sa pinas para makasama ako...masaya pa po kami nun..:(madalas po sya tumatawag sa akin...
then isang araw tumawag po sya sa akin...kesyo hindi na raw po nya kami masyado mapapadalhan ng sustento dahilan po nya ay maysakit daw po sya...diabetes daw po:confused: ....ang masakit po...nalaman ko na nakauwi na po pala sya ng pinas at nandun nagstay sa bago nyang babae.dalaga po ang pinalit nya sa akin....:cry:
kahit po ikasal kayo ng ilang beses sa 'Pinas kung wala siyang kosekitohon na ma ii prove na single siya or divorce,wala pong bisa ang kasal nyo,mahirap talagang maniwala sa pangako,minsan napapako!!sori ha,kailangan po talaga maging wise tayo,para di tayo maloko.PIS!!!
kawaii5322
06-01-2008, 12:44 PM
hi sis hajimemashite! pano kau nakasal ng civil kung wala kayong legal capacity? di ba requirements yon ng embassy bago makapag pakasal ang foreigner sa pinay? kasi ng ikasal kami ng hubby ko yun ang first step legal capacity para malaman kung single yung guy. hay naku! sad naman yang story mo. pagdasal mo na lang sya. hayaan mo kakarmahin din yun.
the best thing u can do now is be wiser learned from the past. yung anak mo na lang ang pag ukulan mo ng pansin. goodluck sis.
junlen
06-01-2008, 03:23 PM
Oo nga po pinag-iisipan ko nga po yung nangyaring pagpapakasal po namin nun sa civil lang po kase po buntis na po ako ng 1st month nun ky agad po kami nagpakasal ng malaman ko na nabuntis pala nya ako.hindi ko po akalain na palabas lang pala nya yun mga pagsang-ayon nya na makasal kami sabay ibibitin po pala ang legal capacity.pwede naman po kaseng to follow nalang daw po yung iba pang req.nya kase sabi po nya baka after 2mos.pa before po sya makabalik uli ng pinas kaya pagkauwi po nya ng time na yun na naconfirm namin na buntis na po ako ay agad2x po sya nagyaya ng kasal kahit sa civil nga lang daw po kase para habang maliit pa daw po ang tyan ko nun mga sis.!at yun na nga po ang nangyari..pangako na napako nalang po ngayon....nabulag po ako ng pagmamahal at tiwala ko sa kabaitang pinakita nya sa akin at sa anak ko sa pagkadalaga.
Sana nga po mahabol ko pa po kahit ang para nalang po sa sustento ng anak ko sa kanya.kase po nag-aral po ako uli katatapos ko lang po kaya ito naghahanap palang po ako work dito ng work para mabuhay ko po 2 anak ko.28yrs.na po ako.mag-29 na po.Nasa 5mos.na po syang hindi nagpapadala sa akin or kahit nalang po para sa anak po namin..Nakakauwi naman po sya dito sa pinas pala at doon po sya umuuwi sa bagong babae nya...:cry:
docomo
06-01-2008, 03:48 PM
wala ka ng magagawa dyan, kahit anong masasakit na salita ibato mo at kahit lumuha ka pa ng dugo sa ama ng anak mo kung makapal talaga mukha nun hindi na yun mababago , ipagdasal mo na lang na sana kuhanin na ni lord ..este matauhan sana ... dapat maging mas matatag ka ngayon para sa mga anak mo . hindi rason na wala silang tatay para hindi sila mabuhay .. hindi kawalan yang tatay ng mga anak mo . mag trabaho ka, magsikap ka na maiayos mo buhay ng mga anak mo . mahirap kung sa mahirap pero kung mahal mo ang mga anak mo makakaya mo yan kahit mag isa ka lang.. pagmasdan mo mga anak mo tuwing manghihina ka dahil sa kanila ka kukuha ng lakas at tibay ng loob para malagpasan mo lahat yan. mabait ang dyos alam nya ang pinagdadaanan mo at kung anong kailangan mo ... kumapit ka sa kaniya para magawa mong maitaguyod ang mga anak mo. :)
Makiki iyak na lang ako saiyo :cry::cry::cry::cry: :cry: ~~~ wala kang magagawa sa ganyang klase ng lalaki ~~~ move on at sikaping buhayin mga Anak mo .tyaga at lakas ng loob kailangan mo .kaya mo yan sis
junlen
06-02-2008, 03:23 AM
Thank you very much po sa inyong lahat!sa lahat po ng mga binigay po ninyong payo.:kiss:Luv you all ka-TF family ko po!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.